Share

Chapter 96

Chapter 96 – The Child Needs An Identity.

First year high school na si Steven. Ang bilis ng panahon! Parang kailan lang! Hinatid namin ni Trevor si Steven sa Philippine Science High School sa Quezon City sa unang araw nito sa school. Ang Pisay ay isa ring public high school. Akala ko si Steven ang pinakamaliit na student doon dahil ten years old pa lang ito. Hindi pala dahil malaking bulas na bata si Steven.

Ang worry ko lang ay sobrang layo ng school niya sa bahay namin sa Ayala-Alabang. May dormitory naman ang school sa loob ng campus nito kaya lang, priority raw ang mga estudyanteng galing pa sa probinsya ang dorm. Isa pa, sobrang bata pa ng anak ko para patirahin ko siya sa dorm. Magtitiyaga na lang ako sa paghatid-sundo sa kanya dahil hindi pa naman ako nagtatrabaho. Puwede naman siyang matulog sa kotse habang nasa biyahe.

Pagkahatid kay Steven ay dumalaw kami sa kanyang mga magulang sa Corinthian Garden. “Megan! Kumusta na ang maganda kong manugang?” bati ng Mama ni Trevor
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status