Chapter 104 – Saksi ang Diyos!Sa loob ng Manila Cathedral, pagkatapos naming magdasal ng tahimik ay lumuhod si Trevor sa harap ko habang nakaupo ako. Bigla akong nagulat. “Uy, bakit ka lumuhod? Tumayo ka nga diyan! Nakakahiya sa mga tao!” mahina kong sabi. Hinawakan niya ang dalawa kong mga kamay.“Megan, patawarin mo ako sa nagawa kong kasalanan sa iyo. Gusto kong maging saksi natin ang Diyos sa paghingi ko ng kapatawaran sa iyo. Na taos sa puso ko ang pagsisisi. Natukso ako at naging mahina. Ayokong magkahiwalay tayo ng dahil dito. Nadudurog din ang puso ko kapag nakikita kitang umiiyak gabi-gabi. Alam ko ring hindi mo makakalimutan ang kasalanan ko pero, I will do everything para itama ito at hindi mo na ito maalala. Tulad ng sinabi ko sa wedding vows natin, 'You are the person I want to spend forever with. I will always love you'.” tumutulo ang mga luha ni Trevor habang nagsasalita. Umiiyak na rin pala ako dahil sa mga sinabi ni Trevor, “Pinatawad na kita Trevor, noon pa. Per
Chapter 105 - Ungol ng kaligayahan!Kinagabihan, sinilip ko muna si Steven sa kanyang kuwarto. Nandoon pala si Trevor at kausap ang anak ko. “Ay! Sorry! May pinag-uusapan yata kayong dalawa!” sabi ko.“Nagpapaturo lang si Steven ng programming para sa robotics project niya sa school.” sabi ni Trevor. “Sige na! Sisilipin ko pa sina Taylor at yaya.” paalam ko sa kanila. Nang matiyak kong okay naman ang mga anak ko ay nagtuloy ako sa aming covered patio at nagmuni-muni. Ano na naman kayang pagsubok ang kakaharapin ko? Hindi na natapos ang aking pagluha. Sana matupad ni Trevor ang kanyang pangako na hindi na muling maliligaw ng landas.“Megan? Ano ang ginagawa mo sa dilim? Umiiyak ka na naman?” usisa ni Trevor at tumabi siya sa upuan ko.“Hindi ako umiiyak! Nag-iisip lang ako!” sagot ko.“Ano naman ang iniisip mo?” tanong ni Trevor at lumuhod siya sa kinauupuan ko. “Iniisip kong hiwalayan ka na!” sabi ko.“Megan naman! Akala ko ba okay na tayo! Pinatawad mo na ako,di ba?” paglil
Chapter 106 - Pare, asawa ko yan! Walang ganyanan!All is quiet and happy in the homefront. Malulusog at masasaya ang mga anak ko. Nangunguna pa rin si Steven sa kanilang klase sa first year high school. Si Taylor ay marunong ng magsabi ng Mommy, Papa Teven at yaya. I guess masaya rin si Trevor dahil inaalagaan ko ito ng husto at hindi ko pinababayaan ang aking obligasyon bilang asawa niya.Patuloy pa rin ang pagpapaseksi at pagpapaganda ko sa sarili. Hindi lang para kay Trevor kundi para sa sarili ko. Nakaka-boost kasi ng confidence kapag feeling maganda ako. Kaya lang bakit pakiramdam ko bored ako sa buhay ko. Despite the fact na busy ako sa ospital, abala sa pag-aasikaso ng mga anak ko at upkeep sa bahay at higit sa lahat ang pagpapaligaya kay Trevor, bakit pakiramdam ko ay bored na bored ako. Ever since ipinanganak ko si Steven, laging pare-pareho ang routine ko, Magtatrabaho at mag-asikaso ng anak at bahay. Walang excitement! Walang thrill!Isang araw, habang binabagtas ko ang
Chapter 107 - Namimiss ko na kasi ang dating Megan na sinple.Nilakad naman ni Brix ang karagdagang restriction code sa aking Driver's License. Si Trevor ang bumili ng motorcycle ko na halos katulad ng kay Pareng Brix pero isang Kawazaki Ninja 400. Ito ang valentine's and anniversary gift niya sa akin. Isang buwan pa ang nakalipas bago ako tuluyang natutong mag motorsiklo sa kalye. Una muna ay sa loob lang ako ng village. Nang kalaunan ay pinayagan na ako ni Trevor na lumabas sa mga kalye at highway pero nakasunod siya, sakay ng Porsche.Isang gabi tinanong ako ni Trevor kung bakit patuloy pa rin ako sa pagbabagong image ko...flashy, bold at paseksi. “Namimiss ko na kasi ang dating Megan na sinple.” sabi ni Trevor.“Don't you like my new image?” tanong ko sa kanya.“Hindi naman sa ayaw ko. Kaya lang dumadami ang kakumpetisyon ko. Marami ang napapalingon at humahanga sa iyo. Nagseselos tuloy ako.” malungkot na sabi ni Trevor.“You should be proud! May asawa kang 'trophy wife'!” bi
Chapter 108 - One hot momma!Kinabukasan bago mag-eight ng umaga ay nasa HR na ako ng Asian Hospital. Pinapasok ako ng staff sa office ng HR Manager. Sandali akong ininterview nito tungkol sa mga personal details ko at saka sinabing may panel interview pa raw ako. Ang panel ay kinabibilangan ng Chairman of the Board, CEO/President, tatlong duktor sa kabilang sa Board of Directors at ng Chief Medical Director ng Asian Hospital. Nandoon din ang HR Manager bilang observer.Sa Board Room gagawin ang panel interview. Wala naman akong kasabayan sa interview. Nang pinapasok na ako sa Board Room, puro mga lalaking duktor pala ang mag-iinterview sa akin. Buti na lang at formal ang suot kong bestida at siyempre nag-ayos ako ng todo.“So, Dr. Megan Tee, you finished your Internal Medicine residency and fellowship in five years time at the New York Presbyterian Hospital. That is quite a feat! The NewYork Presbyterian Hospital is one of the most comprehensive, integrated academic healthcare d
Chapter 109 - How is your married life?Last week ko na sa St. Luke's-BGC kaya unti-unti ko nang nililigpit ang mga personal na gamit ko sa clinic para iuwi sa bahay. Nakapag clearance na rin ako sa HR kaya all systems go na ang paglipat ko sa Asian Hospital.“Hay... naubos din ang mga pasyente ko. Makapagpalit na nga ng motorcycle suit para makauwi ng maaga.” Kulay light blue jacket and skinny denim pants naman ang suot ko. Kapag dala ko ang motorsiklo sa ospital naka-pangmotorsiklong damit ako pagpasok tapos magpapalit ako ng bestida at doctor's gown habang nasa ospital at palit na naman pag-uwi. Bihira kong namang gawin ang mag-motor pagpasok sa ospital dahil magagalit si Trevor.Naglalakad ako sa lobby ng ospital bitbit ang helmet ng may tumawag sa akin na pamilyar ang boses. “Megan?!?” tawag nito sa akin.Paglingon ko ay si Robert pala. “Hi! Pauwi na ako! What are you doing here?” tanong ko kay Robert.“We had a meeting with the foundation. Pauwi na rin ako!” sagot ni Rober
Chapter 110 - Impotent si Trevor?“I am Nina Brosas. Formerly, Nina Tee! I am Trevor's ex-wife!” sabi niya. “Nag-asawa pala ulit si Trevor. Kababalik lang kasi namin from the States ng husband ko. Almost six years kami doong nanirahan. Are you free now? Can we have a little chat? I want to know how Trevor is now.”“I can have my break time now since my next patient is scheduled at eleven. Bumaba kami sa first floor ng Medical Building at inaya ko siya sa Cafe Mary Grace.Umorder ako ng as usual favorite ko ang cheesecake at iced tea. “Kayo po, ano ang gusto ninyo?” tanong ko kay Mrs. Brosas.“Kapareho na rin ng sa iyo! I have a sweet tooth too!” sabi niya. “How is Trevor? Kailan kayo kinasal? Ikaw naman, you are tall and beautiful but, you look so young!”“Trevor is fine! We got married two years ago and we already have a one year old daughter.” kuwento ko. “Hindi na po ako bata. Thirty five years old na po ako.”“Nonetheless, Trevor is older than you by twelve years.” sabi ni Mr
Chapter 111- A Memento from the PastHuling araw ko na sa St. Luke's-BGC. Dumating naman si Nina na ex-wife ni Trevor para sa kanyang blood works at kasama na niya ang kanyang asawa. “Kayo pala ang asawa ni Ms. Nina!” bati ko sa kanya.“At ikaw naman ang asawa ni Trevor. Nabangit ka nga ni Nina sa akin. Maganda at bata ka pa pala!” puri ng asawa ni Nina. “Salamat po! Last day ko na ngayon dito sa St. Luke's kaya ipagbibilin kita kay Dr. Brianna Lee. Siya na po ang bahala sa inyo, para sa resulta ng inyong blood chem at sa subsequent na gamutan ninyo.” paliwanag ko kay Nina.Tanghali, habang kumakain kami ni Brianna sa Doctor's lounge ay nagdatingan naman ang mga close kong friends sa St. Luke's na mga duktor at nurses na may bitbit na cake. “Dr. Megan! Padespedida namin sa iyo!” sabi ni Dr. Israel.“We will miss you!” sabi naman ng isang nurse.“Kayo naman! Parang napakalayo ng Asian Hospital dito. Kapag may oras ako dadalawin ko kayo dito.!” sabi ko. “And Dr. Israel, baka gu
Chapter 145 - Sa ikatlong pagkakataon, muli na naman akong ikakasal! Maaya ang panahon. Maganda ang pagkakaayos ng garden. Punumpuno ito ng mga kulay puting bulaklak na pinalibutan ng kulay silver na ribbons mula sa aisles hanggang sa gazebo. Nakahilera naman ang mga silya sa magkabilang panig ng aisles na puno na ng mga bisita. Ang mayor ng aming siyudad na siyang magkakasal sa amin ay nasa gazebo na. Handang handa na ang lahat! Sa ikatlong pagkakataon, muli na naman akong ikakasal! Kakaiba ng kasalang ito, sapagkat sa wakas ay natagpuan ko na rin ang quest for love ko. Ang hinahanap kong wagas na pag-ibig mula sa taong nagkaloob nito sa akin. Siya na ang aking forever! Sina Nanay at Tatay bagamat kapwa 85 years old na ay ay malakas pa at sabay akong ihahatid sa altar. Guwapong-guwapo at maganda ang mga anak kong sina Steven, Taylor at Robert Jr. sa kanilang mga tuxedo at gown dahil sila ang mga abay sa aking kasal. Sa pagkakatayo ko sa dulo ng gazebo ay nagbalik tanaw ako s
Chapter 144 - Sabi pa niya, mahal ka pa rin niya. Pitong buwan na ang tiyan ko. Mukha na akong butete. Tingin ko sa sarili ko ang pangit pangit ko na. Dahil 40 years old na ako ng mabuntis, nag pa-check ako ng prenatal screening for any abnormalities para sa aking ipinagbubuntis. So far, so good naman. Walang any abnormalities whatsoever ang baby. Healthy naman ako at alaga ng aking OB-GYNE na si Dr. Gonzales na siya ring nag-alaga at nagpa-anak sa akin noon kay Taylor. As usual nasisintemyento na naman ako dahil feeling ko ang pangit ko! Contrary sa sinasabi ng iba na radiant and healthy-looking daw ang mga pregnant women. “O, bakit ka nakatulala sa malayo?” tanong ni Robert ng minsang datnan niya akong nakaupo sa aming garden. Tumabi siya sa akin at hinalikan ako sa leeg. “Kasi naman, tignan mo ang itsura ko! Ang pangit pangit! Para na akong butete nito!” malungkot kong sabi. “Naku, Megan! Ang ganda-ganda mo nga!Baka babae ang anak natin!” bola ni Robert sa akin. “Nagpa-ul
Chapter 143 - Sa wakas po ay tinanggap nyo rin ako!“Megan?” tawag sa akin ni Robert kaya bumalik ako sa loob ng sala. “Akala ko umalis ka na naman tulad noon!”“Muntik na! Kinakabahan kasi ako kaya ako lumabas sa veranda.” sagot ko. “Huwag na kaya muna nating kausapin ang mga magulang mo? Umuwi na tayo!”“Sino ang uuwi?” dumadagundong na tanong ng Baba ni Robert ng marinig ang pinauusapan namin.“Good afternoon po, Mr. and Mrs. Chen!” bati ko sa mga magulang ni Robert.“Anong Mr. and Mrs. Chen?” tanong ng Mama ni Robert.“Baba and Mama ang itawag mo sa amin!” sabi ng Baba ni Robert. Nakangiti naman si Robert sa mga naririnig at umakbay sa akin.“Baba, Mama! Si Megan po! My wife!” pakilala ni Robert sa akin.Hinalikan nila ako sa pisngi bilang pagtanggap sa akin. Naluha naman ako sa kaligayahan. Finally, tinatanggap na nila ako?“O, bakit ka umiiyak?” tanong ng Mama ni Robert at niyakap niya ako upang aluin.“Luha po ng kaligayahan ito. Sa wakas po ay tinanggap nyo rin ako!”
Chapter 142 - Are you done talking to my wife? Araw na ng kasal ni James at Brianna na ginanap sa Mount Carmel Shrine sa New Manila, Quezon City. Dumating kami ni Robert sakay ng kanyang BMW SUV. Ang suot ni Robert ay black tuxedo samantalang ako ay naka-A-line cut gown made of chiffon na may soft, draping pleats, sweetheart neckline na strapless at side slit. Kulay champagne ang gown dahil ito ang color motif na pinili ni Brianna. Hindi pa halatang dalawang buwang buntis ako sa suot kong gown. Medyo humaba na ulit ang buhok ko na nakalugay lang. Nude make-up style ang ginawa ko sa mukha ko pero ang kulay ng lipstick ay cherry red. “You look amazing!” sabi ni Robert. “Baka masapawan mo pa si Brianna nyan!” “Hindi naman! Kaya nga light lang ang makeup ko.” sabi ko. Habang kinakasal sina James at Brianna ay napansin ko si Trevor na nakatingin sa akin. Dumalo rin pala siya. Tinanguan ko naman siya baka sabihin niya snob ako. Natapos ang seremonya sa simbahan, sakay ng kotse pap
Chapter 141 - You finally fulfilled your promise to Mommy! We spent three more days in Las Vegas bago kami umuwi sa Pilipinas ni Robert. Tinawagan ko si Steven sa messenger upang ibalita na ikinasal na kami ng kanyang Daddy. Nagtaka si Steven dahil hindi niya nakitang nanligaw ulit sa akin ang Daddy niya. “That's strange. I know Daddy sometimes visits us in the condo but he has been too distant or formal when it comes to you.” pagtataka ni Steven. “Hello, son! Finally! We got married in Las Vegas!” masayang balita ni Robert na sumingit sa pakikipag-usap ko kay Steven at itinaas pa ang kaliwang kamay ko upang ipakita ang engagement at wedding rings ko. “Congrats, Daddy! You finally fulfilled your promise to Mommy!” masayang sabi ni Steven. “I am happy for both of you!” Tumawag din ako kina Tatay at Nanay para sabihing kinasal na kami ni Robert sa Las Vegas. “Nagkatuluyan din kayong dalawa!” sabi ni Nanay. “Hello Tatay. Natupad ko na po ang pangako ko kay Megan! Nagpakasal na
Chapter 140 - “I Do!”Ninenerbiyos nga ako kaya nanlalamig ang mga kamay ko. Hindi ako natatakot sa kasal. Ang kinatatakutan ko ang kung ano ang kahahantungan ng relasyon namin ni Robert pagkatapos naming ikasal. Baka hiwalayan rin!“Megan, do you love me? Do you trust me?” tanong ni Robert sa akin.“I do love you and I trust you!” sagot ko.“So, what is the problem? Do you want to back out?” tanong ni Robert. “Megan, We have waited so long for this thing to happen!”“Natatakot kasi ako na baka sa hiwalayan din ito mauwi.” sagot ko.“Hiwalayan? Ibahin mo ako sa dating asawa mo. Sa tagal ng relationship natin, kailan ako naging unfaithful sa iyo?” tanong ulit ni Robert.“Wala.” mahina kong sagot.“Wala pala! So, hindi ka dapat matakot at mag-alinlangan! Di ba lagi kong sinasabi sa iyo noon, ako ang bahala. Ako pa rin ang bahala sa iyo! Ako ang magdadala ng relasyon natin!” paliwanag ni Robert. “Let's do it!”“Mr. Robert Chen and Miss Megan Reyes?” tanong ng staff ng chapel. “P
Chapter 139 - Huwag na kaya nating ituloy ito?Alas singko pa lang ng umaga, gising na ako. Tulog pa si Robert kaya nagprepare na ako ng aming breakfast, nakaligo, nag-make up at nagbihis ng maong at t-shirt. Hinanda ko na rin ang aking luggage para maaga kaming makaalis ni Robert. Kasal ko ngayon di ba? At saka ko ginising si Robert. May jet lag pa yata ang pobre dahil kahapon lang ng madaling araw ito dumating sa New York.“Robert! Gising na! Ikakasal tayo ngayon di ba?” paggising ko sa kanya.“Ha?!? Ngayon na ba?” gulat na bumangon si Robert. Pagdilat ng kanyang mga mata ay agad niya akong hinalikan sa pisngi. “Saan tayo magpapakasal?” pupungas-pungas pa niyang sabi. “Sa Las Vegas! May quickie marriage doon di ba?” sagot ko. “Bumangon ka na diyan at mag-almusal na tayo! Pagkatapos ay maligo ka na at magbihis ng maong at t-shirt.”“Ganun lang ang suot natin” nagtatakang sagot ni Robert.“Ganun lang! Bilis! Bangon na! 6:30 na ng umaga!” pagmamadali kong sabi. “Sa JFK Internat
Chapter 138 - True love is not defined by physical intimacyHabang hinihintay ko si Robert na bumalik ay nagmuni-muni ako sa mga sinabi niya kanina. “I couldn't care less! Mapapaligaya ba nila ako? It's you that I want and I love you! Now that you are free, I want to marry you!” sabi ni Robert. “Please be my wife?”Ako? Gustong pakasalan ni Robert? Ang mga katagang iyon ang hinihintay ko kay Robert noon. Pero mapagbiro ang tadhana. Dumating si Trevor, na-in love din ako sa kanya! Bakit ko ba minahal si Trevor? Minahal ko siya dahil minahal niya ako bilang ako. Isang dalagang ina, mahirap at hindi siya masyadong mahal. Nang kalaunan, sa mga ipinapakita at ipinapadama niya sa aking pagmamahal at pag-aalaga skay Steven ay minahal ko na rin siya. Isa pa marahil ay ang pagtanggap sa akin ng kanyang pamilya sa kabila ng aking nakaraan. Subalit, ang pagpapakasal ni Trevor sa akin ang pinaka-highlight ng pagmamahal ko sa kanya. Eversince, pangarap ko talagang ikasal sa simbahan na tinupad
Chapter 137 - Do you want a secondhand wife with two kids?Halos dalawang buwan na ako sa New York City. Sa unang buwan pa lang ay natapos ko na ang mga sadya ko dito. Itong sumunod na buwan ay wala akong ginawa kung hindi maghiilata sa aking apartment.Pagising ko sa umaga, kape. Magjo-jogging sa Central Park ng isang oras. Balik sa apartment para maligo at pagkatapos ay magbababad manood ng movies sa TV. Pagsapit ng alas tres ng hapon, kakain ng microwavable food. Alas singko ng hapon, maglalakad-lakad ulit sa Central Park tapos uuwi na sa apartment. Naiiba lang minsan kung maggo-grocery ako ng pagkain at mga essentials. Minsan nagwi-window shopping ako sa Macy's.Ang pinakamahirap ay sa gabi. Lagi akong nag-iisip at nagsisintemyento sa aking nakaraan. Wala talaga akong suwerte sa pag-ibig. Si Robert? Matagal ko siyang hinintay pero nawindang. Si Trevor? Mabilis niya akong pinakasalan pero nauwi naman sa annulment. Ang dalawang ito, pareho nilang sinasabing mahal nila ako. Kung mah