Chapter 101 - Alone Again Naturally.Patuloy ang ginagawa kong make-over sa sarili ko. Alangan namang magmukmok ako sa isang sulok at umiyak dahil sa ginawa ni Trevor. Dapat mahalin ko muna ang sarili ko. Sabi nga ng mga kasamahan kong duktor sa St. Luke's, lalo raw akong gumanda at naging smarte. Sabi naman ni Brianna ay pumapayat na naman daw ako. Si James nga, nagulat ng sunduin niya si Brianna sa ospital, “Is that you, Megan? Ibang-iba ka na! Naging sophisticated na ang ayos at kilos mo!”“Hay, James! Huwag mo na akong bolahin!” biro kong sagot. “Brianna, pagsabihan mo yang boyfriend mo, baka boldyakin ko yan!”“Siya nga pala Megan. Kailan ba ako puwedeng pumunta sa bahay ninyo para ipakita sa iyo ang mga financial reports ng mga investments mo?” tanong ni James habang nakatingin sa akin na parang may gustong alamin.“Any time kapag Sabado. Tumawag ka muna.” sagot ko. “Puwede mong isama si Brianna!”“Naku, hindi ako puwedeng sumama kapag Sabado kasi yun lang ang time ko sa mg
Chapter 102 - Manigas Ka Sa Selos!Kinakapa ko ang aking cellphone sa bag ng mabangga ko ang aking kasalubong. “Sorry po!” paumanhin ko. Pag-angat ko ng mukha ko, “Robert?”“Megan?” gulat na nasabi ni Robert. “What are you doing here in Cebu?“May medical convention kami dito sa hotel. Last day na nga ngayon.” sagot ko. “Ikaw?”“I am here on business.” sabi niya. “Bukas ng umaga pa ang uwi ko.”“Okay! Nice seeing you!” paalam ko sa kanya.“Wait!!!” pigil niya sa akin. “Are you free tonight?”“Free? Why?” tanong ko. “I'll take you to dinner! Dito rin lang sa hotel.” aya niya. “Please! For old times sake!”“Kung dito lang sa hotel, okay!” sagot ko.“I'll meet you here sa lobby at seven” sabi ni Robert.Sa Blu Bar and Grill na nasa rooftop ng hotel kami pumunta. Dito kitang kita mo ang buong Cebu City. Nag-uusap kami ni Robert habang kumakain. “Kumusta na si Steven?” tanong niya.“Steven is fine. First year high School na siya sa Philippine Science High School at Steven Tee
Chapter 103 - Delikado pala ako sa iyo!Hatinggabi, bumangon ako dahil nagugutom ako. Nasobrahan na yata ako sa pag-rereduce kaya madali akong magutom. Sa kuwarto pa rin ni Taylor ako natutulog. Kahit manipis na lingerie lang ang suot ko ay lumabas ako ng kuwarto at pumunta sa ref upang maghanap ng makakain. Wala namang makakakita sa akin dahil ang mga kuwarto ng kasambahay ay hiwalay sa bahay namin. Madilim sa kusina at tanging ilaw na nagmumula sa ref ang nagbibigay liwanag sa paligid. Habang nakayuko ako at naghahanap ng makakain sa ref ay may yumakap sa likod ko. Napasigaw ako sa gulat kaya ang ginawa ko ay tinapakan ko ang paa ng tao, sabay siko sa tiyan nito. Nang humarap ako sa kanya ay sinapak ko ito sa mukha ng pagkalakas-lakas. “Megan! Aray ko! Ang sakit-sakit!” sigaw ni Trevor na namimilipit sa sakit. “Diyos ko! Trevor! Akala ko may pumasok na ibang tao sa bahay!” sabi ko. “I'm so sorry!”Dumugo ang ilong ni Trevor. Inalalayan ko siyang umupo sa upuan sa island tabl
Chapter 104 – Saksi ang Diyos!Sa loob ng Manila Cathedral, pagkatapos naming magdasal ng tahimik ay lumuhod si Trevor sa harap ko habang nakaupo ako. Bigla akong nagulat. “Uy, bakit ka lumuhod? Tumayo ka nga diyan! Nakakahiya sa mga tao!” mahina kong sabi. Hinawakan niya ang dalawa kong mga kamay.“Megan, patawarin mo ako sa nagawa kong kasalanan sa iyo. Gusto kong maging saksi natin ang Diyos sa paghingi ko ng kapatawaran sa iyo. Na taos sa puso ko ang pagsisisi. Natukso ako at naging mahina. Ayokong magkahiwalay tayo ng dahil dito. Nadudurog din ang puso ko kapag nakikita kitang umiiyak gabi-gabi. Alam ko ring hindi mo makakalimutan ang kasalanan ko pero, I will do everything para itama ito at hindi mo na ito maalala. Tulad ng sinabi ko sa wedding vows natin, 'You are the person I want to spend forever with. I will always love you'.” tumutulo ang mga luha ni Trevor habang nagsasalita. Umiiyak na rin pala ako dahil sa mga sinabi ni Trevor, “Pinatawad na kita Trevor, noon pa. Per
Chapter 105 - Ungol ng kaligayahan!Kinagabihan, sinilip ko muna si Steven sa kanyang kuwarto. Nandoon pala si Trevor at kausap ang anak ko. “Ay! Sorry! May pinag-uusapan yata kayong dalawa!” sabi ko.“Nagpapaturo lang si Steven ng programming para sa robotics project niya sa school.” sabi ni Trevor. “Sige na! Sisilipin ko pa sina Taylor at yaya.” paalam ko sa kanila. Nang matiyak kong okay naman ang mga anak ko ay nagtuloy ako sa aming covered patio at nagmuni-muni. Ano na naman kayang pagsubok ang kakaharapin ko? Hindi na natapos ang aking pagluha. Sana matupad ni Trevor ang kanyang pangako na hindi na muling maliligaw ng landas.“Megan? Ano ang ginagawa mo sa dilim? Umiiyak ka na naman?” usisa ni Trevor at tumabi siya sa upuan ko.“Hindi ako umiiyak! Nag-iisip lang ako!” sagot ko.“Ano naman ang iniisip mo?” tanong ni Trevor at lumuhod siya sa kinauupuan ko. “Iniisip kong hiwalayan ka na!” sabi ko.“Megan naman! Akala ko ba okay na tayo! Pinatawad mo na ako,di ba?” paglil
Chapter 106 - Pare, asawa ko yan! Walang ganyanan!All is quiet and happy in the homefront. Malulusog at masasaya ang mga anak ko. Nangunguna pa rin si Steven sa kanilang klase sa first year high school. Si Taylor ay marunong ng magsabi ng Mommy, Papa Teven at yaya. I guess masaya rin si Trevor dahil inaalagaan ko ito ng husto at hindi ko pinababayaan ang aking obligasyon bilang asawa niya.Patuloy pa rin ang pagpapaseksi at pagpapaganda ko sa sarili. Hindi lang para kay Trevor kundi para sa sarili ko. Nakaka-boost kasi ng confidence kapag feeling maganda ako. Kaya lang bakit pakiramdam ko bored ako sa buhay ko. Despite the fact na busy ako sa ospital, abala sa pag-aasikaso ng mga anak ko at upkeep sa bahay at higit sa lahat ang pagpapaligaya kay Trevor, bakit pakiramdam ko ay bored na bored ako. Ever since ipinanganak ko si Steven, laging pare-pareho ang routine ko, Magtatrabaho at mag-asikaso ng anak at bahay. Walang excitement! Walang thrill!Isang araw, habang binabagtas ko ang
Chapter 107 - Namimiss ko na kasi ang dating Megan na sinple.Nilakad naman ni Brix ang karagdagang restriction code sa aking Driver's License. Si Trevor ang bumili ng motorcycle ko na halos katulad ng kay Pareng Brix pero isang Kawazaki Ninja 400. Ito ang valentine's and anniversary gift niya sa akin. Isang buwan pa ang nakalipas bago ako tuluyang natutong mag motorsiklo sa kalye. Una muna ay sa loob lang ako ng village. Nang kalaunan ay pinayagan na ako ni Trevor na lumabas sa mga kalye at highway pero nakasunod siya, sakay ng Porsche.Isang gabi tinanong ako ni Trevor kung bakit patuloy pa rin ako sa pagbabagong image ko...flashy, bold at paseksi. “Namimiss ko na kasi ang dating Megan na sinple.” sabi ni Trevor.“Don't you like my new image?” tanong ko sa kanya.“Hindi naman sa ayaw ko. Kaya lang dumadami ang kakumpetisyon ko. Marami ang napapalingon at humahanga sa iyo. Nagseselos tuloy ako.” malungkot na sabi ni Trevor.“You should be proud! May asawa kang 'trophy wife'!” bi
Chapter 108 - One hot momma!Kinabukasan bago mag-eight ng umaga ay nasa HR na ako ng Asian Hospital. Pinapasok ako ng staff sa office ng HR Manager. Sandali akong ininterview nito tungkol sa mga personal details ko at saka sinabing may panel interview pa raw ako. Ang panel ay kinabibilangan ng Chairman of the Board, CEO/President, tatlong duktor sa kabilang sa Board of Directors at ng Chief Medical Director ng Asian Hospital. Nandoon din ang HR Manager bilang observer.Sa Board Room gagawin ang panel interview. Wala naman akong kasabayan sa interview. Nang pinapasok na ako sa Board Room, puro mga lalaking duktor pala ang mag-iinterview sa akin. Buti na lang at formal ang suot kong bestida at siyempre nag-ayos ako ng todo.“So, Dr. Megan Tee, you finished your Internal Medicine residency and fellowship in five years time at the New York Presbyterian Hospital. That is quite a feat! The NewYork Presbyterian Hospital is one of the most comprehensive, integrated academic healthcare d