"My perfect boss chapter three"
* SABADO NG GABI *Pinipilit niyang matulog ngunit tila hindi siya dinadalaw ng antok. Marahil dahil iyon sa pinaghalong takot at excitement dahil sa gagawin niyang pakikipag sapalaran sa maynila. Naisip niyang lumabas upang magpahangin ngunit nadatnan niya duon ang kanyang ama na naka upo sa kanilang hagdan at tila kay lungkot na nakatanaw sa kawalan. Marahan siyang lumapit at tila nagulat pa ito ng bigla siyang naupo sa tabi nito at saka yumakap."Tay wag kana pong malungkot. Promise po mabayaran lang po natin si Don Rafael babalik po agad ako dito para magkasama po ulit tayo. At saka wag ka pong mag alala sakin dahil mag iingat po ako duon. Isa pa'y nanduon din naman po si Nikka kaya't siguradong hindi n'ya ako pababayaan duon." Pagpapalubag niya sa loob nito"Alam mo ba kung saan ako mas nalulungkot? Nalulungkot ako na ang nag iisang anak ko ang kailangang magsakripisyo at magpa alila sa ibang tao. Iniisip ko pa lang iyon nadudurog na ang puso ko." Wika nitong nangingislap ang mga mata dulot ng mga nagbabadyang luhaGusto niyang magsalita upang kontrahin ang mga negatibong iniisip ng kanyang ama ngunit nagbabadya ang pag garalgal ng kanyang boses kaya't nanatili siyang tahimik habang pinahuhupa ang kanyang emosyon ngunit bago pa man siy makabawi ay muling nagsalita ang kanyang ama. "Ang gusto ko lang naman ay maging mabuti akong ama na naibibigay ang lahat sa nag iisang kong anak. Salat kami sa salapi ng iyong ina kaya kahit minsan ay hindi ka namin nagawang ipaghanda sa mga nagdaang kaarawan mo. Nuong pumanaw na ang iyong ina ipinangako ko sa harap ng kanyang ataul na gagawin ko ang lahat upang maiparanas sayo ang engrandeng kaarawan kaya't hindi ako nagdalawang isip na lumapit kina Don Rafael ngunit hindi ko akalain na aabot sa ganito ang lahat.""Tay, tulad po ng sinabi mo ginusto mo lang naman na mapasaya ako kaya bakit n'yo po kailangang sisihin ang sarili mo?" Sa wakas ay nasabi narin niya ang mga salitang kanina pa sana niya gustong sabihin"Pasensya kana kung hindi ko mapigilang malungkot. Ang totoo nyan ay nalulungkot lang talaga ako dahil sa mga susunod na araw ay mag isa nalang ako dito sa bahay natin. Ganito lang talaga siguro sa una pero siguro'y masasanay din ako pag tagal." Wika nitong hindi na napigilang mapaluha ""Kahit naman po ako'y nalulungkot din tay, pero ito po yung tingin kong sagot sa problema natin tay. Ayoko pong mawala satin ang bahay at lupa natin dahil alam ko pong mahalaga ito sainyo. Nandito ang lahat ng alaala ni nanay kaya hindi po ako papayag na ilitin ito ni Don Rafael ng ganon kadali. Ako po ang dahilan ng lahat ng ito kaya't hindi po ako matatahimik kapag nawala sa atin ang bahay at lupang ito." Sagot niyang hindi narin napigilan ang pagpatak ng mga luhang kanina pang nakasungaw sa kanyang mga mata"Wag kanang umiyak anak baka kasi kapag nakita ka ni Gian ay di kana niya magustuhan. Ang pangit mo kayang umiyak." Kunwaring pang aasar nito"Tatay talaga! Hanggang ngayon po ba'y umaasa ka parin na magkikita pa ulit kami matapos ang ilang taon?" Naiiling niyang tanong"Oh hindi ba't taga maynila ang batang iyon? Ibig sabihin ay may posibilidad na magkita kayo duon." Wika nitong may bahid ng panunudyo base sa pagkakangiti nitoAng tinutukoy ng kanyang ama ay ang batang nag ligtas sa kanya sa tiyak na pagkakalunod nuong mapadpad siya sa malalim na banda ng ilog para abutin ang bulaklak na nakalutang duon. Muli tuloy bumalik sa alaala niya ang batang Gian na matagal din niyang sinubukan na hanapin upang personal na makapagpasalamat.*Flashback*Matapos siyang magkamalay mula sa pag kakalunod ay nasulyapan niya ang hindi pamilyar na mukha ng isang batang lalaki na sa tingin niya'y nasa sampung taong gulang na. Maputi ito, medyo matangkad at singkit ang mga mata. Mukha itong may lahing banyaga kung titingnan. Ang batang ito ang naglakas loob na iligtas siya sa tiyak na panganib. Umalis ito nang hindi man lamang siya nakapag pasalamat kaya ganon na lamang ang pagnanais niyang makita itong muli. Matapos umiyak ng kanyang ama dahil sa labis na pag aalala ay agad din siya nitong dinala sa mga iba pa nilang kasamang nag picnic sa lugar kaya't hindi na talaga siya nag karoon pa ng pag kakataong pasalamatan ang batang ito. Ganon pa man ay napangiti siya ng iabot ng kanyang ama ang dala nitong litrato kasama ang batang nagligtas ng kanya. Malungkot man dahil hindi siya nakapag pasalamat sa batang iyon, sa kabilang banda ay masaya narin siya dahil hindi niya makakalimutan ang mukha nito."Natahimik ka yata anak? Si Gian ang iniisip mo tama ba anak?" Tanong ng kanyang ama na tila ginigising ang lumilipad niyang diwa"Matagal din po akong umasa na darating ang araw na muli kaming magkikita pero unti unti rin pong naubos ang pag asang yon sa paglipas ng mga taon." Wika niyang puno ng lungkot at panghihinayang"Magtiwala ka lang sa nararamdaman mo anak. Kung minsan mas nahahanap ng puso ang hindi nakikita ng ating mga mata." Matalinhagang nitong saad"A- ano pong nararamdaman ang pinagsasabi mo dyan tay? Ang gusto ko lang naman po nuon ay mahanap siya para makapag pasalamat ng personal." Kanda haba ngusong depensa niya sa ama"Kaya ba nangingislap ang mga mata mo sa tuwing napag uusapan natin siya?""Tay naman.""Anak ang gusto ko kapag dumating ng araw na kailangan ko ng ibigay ang kamay mo sa lalaking mapapangasawa mo ang gusto ko sana'y si Gian ang lalaking iyon." Seryosong wika nito"Tay, saang lupalop ko naman po kaya ng mundo hahanapin si Gian? Tanging litrato lamang niya ang mayroon tayo at napaka bata pa niya duon. Tiyak na iba na ang itsura niya ngayon kaya parang imposible na mahanap natin siya." Mahabang lintana niya"Anak hindi mo naman siya kailangan hanapin dahil tiyak na ang tadhana mismo ang gagawa ng paraan upang pagtagpuin kayo ng batang iyon.""Umiral na naman ang pagiging madam Auring mo tay. Paano naman pong nangyari na naka tadhana kami kung isang beses lang kami nagkita at sobrang bata pa namin nuon?" Natatawang tanong niya sa ama"Mahiwaga ang pag ibig anak. Hindi mo pa ako maiintindihan ngayon pero pagdating ng tamang panahon ay mauunawaan mo din ang lahat.""Sumasakit ang ulo ko sa mga sinasabi mo tay ehh." Kunwaring sagot niya ngunit tila nabuhayan siya ng pag asa sa sinabing iyon ng kanyang amaNatawa nalang ang kanyang ama sa reaksyon niya. Napaka inosente pa kasi niya pagdating sa pag ibig dahil wala siyang naging kasintahan kahit pa nga may mga nagpapalipad hangin sa kanya ay dini- dedma lang niya ang mga ito. Marami ang nagtangka na makuha ang matamis niyang oo at kabilang na nga duon ang anak ng Don na si senyorito James pero tulad ng iba ay bigo ito. Wala siyang panahon sa mga ito dahil busy siya sa paghahanap sa batang nagligtas sa kanya nuon. Itinigil man niya ang paghahanap dito dahil narin sa mga bagay na mas kailangan niyang unahin ay hindi naman tumigil ang kanyang puso na umasang magkikita din sila ng batang iyon sa tamang panahon."Lumalim na ang gabi, halika na matulog na tayo. Siguradong mahaba ang magiging byahe ninyo ni Nikka bukas kaya kailangan mong magpahinga ng maaga."Umakbay pa siya sa kanyang ama at saka sabay silang pumanhik papasok sa loob. Nakatulog na ang kanyang ama ngunit nanatiling gising ang kanyang diwa dahil sa samo't saring emosyon. Alam niyang suntok sa buwan ang magkita sila ng batang iyon ngunit panghahawakan niya ang kanyang nararamdaman para sa lalaking may espesyal na lugar sa kanyang puso.*Kinabukasan*"Tara na Jia malayo pa ang byahe natin baka matraffic pa tayo." Aya sa kanya ng kaibigan niyang si Nikka"Sige na anak lumakad na kayo. Baka hinihintay na kayo ng magiging Amo mo. Mag iingat kayo duon huh?" Wika nitong pilit itinatago ang lungkot"Ako pong bahala kay Jia, tatay Ramon. Hindi ko po siya pababayaan duon kaya wag napo sana kayong mag alala pa." Sabad naman ng kanyang kaibigan na tila nahalata ang lungkot na sa pagitan nilang mag ama"Aasahan ko yan hija. Sige lumakad na kayo at malayo pa ang pupuntahan ninyo. Wag ninyong kalimutang tumawag sakin kapag nakarating na kayo huh? Mag hihintay ako." Paalala pa nito sa kanila"Opo Tay. Ikaw rin po mag iingat dito. Tumawag ka po sa akin kapag namimiss mo ako, lalo na po kapag may problema dito. Okay po ba?" Ganting paalala niya sa Ama"Oo anak. Wag kanang mag alala sakin. Ako ng bahala dito. Sige na lumakad na kayo baka mag bago pa ang isip ko sige ka baka hindi na kita payagan." Kunwaring biro pa nito upang itaboy ang lungkot na kanina pang nakarehistro sa mga mata nitoNaluluhang siyang yumakap sa ama bago tuluyang umalis bitbit ang isang malaking bag n naglalaman ng kanyang mga gamit. Habang nasa byahe ay pana'y ang agos ng kanyang mga luha. Sobra siyang nalulungkot dahil ito ang kauna unahang pagkakataon na mahiwalay siya sa Ama. Sa pagkakataong ito ay parang gusto niyang pahintuin ang sinasakyang bus at tumakbo pabalik sa bahay nila, ngunit naisip niyang hindi nila mababayaran ang kanilang utang sa Don kung mag papatalo siya sa lungkot. Kailangan niyang magpakatatag para sa bahay at lupa nila at higit sa lahat para sa kanyang ama. Ang isiping iyon ang muling nagpabalik ng kanyang tapang kaya pinahid niya ang kanyang luha ngunit tila may sarili itong buhay at patuloy ito sa pag daloy sa kanyang mag kabilang pisngi."Ano kaba naman Jia? Tumigil ka na sa pag iyak. Namumula at namamaga na ang mga mata mo oh. Baka isipin pa nila Ma'am estella n'yan kinidnap lang kita sa lugar natin at sapilitang isinama dito." Kunwaring biro naman nito habang ini aabot ang isang panyo"Pasensya kana Nikka, hindi ko kasi mapigilan malungkot at mag alala para kay tatay." Paliwanag niya sa kaibigan"Naiintindihan kita kasi ito ang unang pagkakataong mahihiwalay ka kay Tatay Ramon pero masasanay ka din tulad ko kaya tama na yang kakaiyak huh? Baka isipin nila inagawan kita ng boyfriend." Muling biro nito sa kanya"Sira ka talaga. Paano mo ako aagawan ng boyfriend e wala nga ako no'n." Sa pagkakataong ito ay nagawa narin niya ang ngumiti"Ayan napangiti na kita. Ngumiti kalang palagi Jia ang ganda mo kaya kapag nakangiti. " Pang bobola pa nito na lalong nagpangiti sa kanya"Naku hindi mo na kailangan sabihin pa iyan dahil matagal ko ng alam na maganda ako." Patol niya sa pambobola nito" Ayy iba rin. Isara mo na lang yong bintana tutal mahangin na ngayon." Natatawang biro nito" Naka sarado naman ahh." Sagot niyang hindi mapigilang matawa sa pang aalaska sa kanya ng kaibigan"Ohh ayan, ganyan nga. Ngumiti kalang. Tandaan mo Jia, ano mang pagsubok ang pagdaanan mo sa buhay huwag mo kalilimutang ngumiti. Sa una lang talaga malungkot pero promise pag tagal ay mag eenjoy kana dito sa Maynila. Baka nga hindi mo na gustuhing bumalik ng probinsya.""Siguro nga maganda dito pero babalik at balik parin ako sa atin dahil nanduon si tatay pati na ang mga alaala ni Nanay.""Ikaw ang bahala. Oo nga pala Jia, bibigyan na kita ng tip's para magustuhan ka ni Ma'am Estella. Gusto niya ang mga pulidong gawa at ayaw niya ng petik's sa trabaho kaya mag pakitang gilas ka kaagad sa first day mo. Galante ang amo natin kaya kapag nagustuhan niya ang serbisyo mo tiyak na tataasan kaagad no'n ang sweldo mo." Bilin pa nito sa kanya"Sige tatandaan kong lahat ng bilin mo. Oo nga pala Nikka, gusto ko kasi sanang mag cash advance para ipadala kay Tatay. Baka kasi hindi umabot ng isang linggo ang perang iniwan ko sa kanya ehh. Pwedeng bang tulungan mo akong magsabi kay Ma'am Estella? " Nagdadalawang isip pa niyang wika sa kaibigan"Oo naman akong bahala sayo Jia.Malakas ako sa byanan ko eh." Buong pag yayabang nitong sagot"B- byanan? Bakit boyfriend mo ba ang anak ng Amo natin?" Hindi makapaniwalang tanong niya dito"Hindi pa, pero soon Jia. Kaya si Ma'am estella soon to be byanan ko iyon." Kinikilig nitong sagot"A- ahh kala ko naman totoo, nangangarap kalang pala. Bakit gwapo ba ang sir Liam natin?" Curious niyang tanong"Total package si sir Liam, Jia. Siya ideal Man ko kaya kahit na may pagka suplado siya ay okay lang sakin. Sobrang yaman at gwapo naman kasi." Sagot nitong halos mapunit na ang mga labi sa lawak ng pagkakangiti"Hay naku. I'm sure playboy iyang si Sir Liam natin. Payong kaibigan lang Nikka, ang mga lalaking ganyan ay magaling mag paikot ng babae kaya't mag move on kana habang kaya mo pa." Kunwaring payo niya rito habang mahinang tinatapik ang balikat nito"Kaloka ka! Move on agad? Hindi pa nga nagiging kami ni sir Liam ehh.""Sakin naman ay payo lang Nikka. Ayoko lang na mabiktima ka ng mga mapaglaro lalaki tulad niya.""Judgemental ka! No girlfriend since birth si sir Liam, kaya imposible iyang iniisip mo sa kanya!" Pagtatanggol naman nito sa amo"A- ahh ganon ba? Sorry, ang judgemental ko pala." Natatawang hingi niya ng paumanhin"Basta Jia huh! Akin lang si sir Liam okay?" Wika nitong tila minamarkahan na ang kanyang inaangking pag aari"Oo sayong sayo na s'ya. Alam mo naman na may iba na akong gusto diba? Kaya wala akong balak agawin iyang sir Liam mo." Walang ka gatol gatol niyang sagot"Promise ba yan?" Paninigurado pa nito"Oo promise iyon. Wag kanang mag alala dyan dahil wala akong balak na agawin sayo iyang sir Liam mo. Si Gian lang kasi ang gusto ng puso ko. Hayy! Nasan na kaya s'ya ngayon?" Buntong hininga niyang tanong sabay tanaw sa labas"Si Gian yung batang nag ligtas sayo nuon? Kung ganon s'ya parin pala ang gusto mo hanggang ngayon? Saan mo naman hahanapin iyong taong iyon?" Magkakasunod nitong tanong"Hindi ko rin alam Nikka, pero hanggang ngayon umaasa parin akong magkikita kami ng batang iyon. Sagot niya habang nakatanaw sa malayo"Paano kung may asawa o di kaya'y girlfriend na s'ya? Edi nag hintay ka lang sa wala? Paano kung maexpire na ang matres mo kakahintay sa kanya't hindi mo parin siya nakikita? Paano kana?" Sunod sunod na namang tanong nito"Napaka dami mo namang tanong. Ano ba ito talkshow? Basta s'ya ang gusto ko at s'ya rin ang gusto ni Tatay para sakin kaya kung hindi lang din naman si Gian ay hindi na ako mag aasawa." Pinal niyang sagot dahilan para makuntento ang intregera niyang kaibiganHindi pa niya alam kung hanggang saan siya dadalhin ng pag asang pinanghahawakan niya ngunit mananatili siyang nakakapit duon hanggang sa matagpuan niya ang tali na nag uugnay sa puso niya patungo sa landas ni Gian.All Rights Reserved 2020Copyrights owned by Leeanna89_____________________________________Author's notes: Thank you readers sa patuloy na suporta sa lovestory nila Jia and Gian..Ps. Please vote, comment and follow međGommaweoyo chingu's"My perfect boss chapter four" Nakarating sila ng hindi nila namamalayan medyo nalibang kasi sila sa pagkukwentuhan habang nasa byahe kaya't muntik narin silang lumampas sa kanilang pagbababaan. Bahagya pa silang lumakad hanggang sa marating na nila ang entrance ng isang magara at sosyal na subdivision. Agad naman silang sinalubong ng security guard para tingnan ang kanilang I.D pati narin ang mga gamit na kanilang dala dala . Matapos nitong inspeksyonin ang kanilang mga gamit ay binuksan na nito ang maliit na parte ng gate at dito'y tuluyang tumambad sa mga mata niya ang mga naggagandahan at naglalakihan na tila mansion na mga bahay. Sobrang mangha at halos hindi siya makapaniwala na isa sa mga mansion na ito siya mag tatrabaho. Dati ay sa televesion lang niya nakikita ang ganito kalalaking bahay kaya't sobrang excited niya ngayon. "Dito ba talaga tayo mag tatrabaho Nikka? Sobrang lalaki at ang gaganda naman ng mga bahay dito." Tanong niyang hindi parin naaalis ang mata sa mga nag
"My perfect boss âBook cover credit: App developerâĄPicsartâĄPhontoâĄIbisPaintXâĄPinterestBook cover photo not mine credit to the owner!Publish date: Sunday, June 4 2023All Rights ReservedCopyright © 2020 by LEEANNA89No part of this document may be reproduced or transmitted in any form or by any means, electronic, mechanical, photocopying, recording, or otherwise without prior written permission of the author.This story is work of fiction. Names, Character and incidents either are the product of the author imagination or are used fictitiously, and any resemblance to actual person living or dead, bussiness, establishment, event, or locales is entirely coincidental.Warning: Mature content || R18 Please be advised that this story contains mature themes and strong language. [ This story is under editing ]Bata pala lamang sina Gian at Jia ay nag katagpo na ang kanilang Landas dahil sa isang aksidente na muntik na niyang ikalunod. Sa insidenteng ito nag simulang umusbong ang kan
My perfect bossIsang umaga habang nagwawalis sa harap ng kanilang bahay si Jia ay may natanaw siyang dumarating na magarang kotse at huminto ito sa harapan ng kanilang bakuran. Iniluwa nito ang kilalang mag Ama na nagpapautang sa kanilang baryo na walang iba kundi sina Don Rafael at Senyorito James. Itinigil niyang sandali ang pagwawalis at saka blangkong tumingin sa mga ito. Samo't saring katanungan ang rumihestro sa kanyang isip habang papalapit ang mga ito na tila ba may sadyang importante sa kanila.âDon rafael at señyorito James maganda umaga po. Ano pong sadya ninyo at naparito kayo ng ganitong kaaga?â Takang tanong niya sa mga ito âNasaan si Ramon? Nandito ba siya ngayon?" Tanong nito sa malalim na tinig"Opo. Nasa loob po siya at nagpapahinga." Magalang niyang sagot"Nagpapahinga? Hindi ba dapat nasa bukid siya ngayon at nakiki- ani ng palay?" Muling tanong ng Don"Masama po kasi ang pakiramdam ni tatay ngayon kaya po pinagpahinga ko po muna siya.""Kung sa simpleng karamdam
" My perfect bOss Chapter two "Sinimulan ni Mang Ramon na maki- ani sa palayan ng mga kaibigan para makadagdag sa kita nila ng anak. Samantala siya naman ay nag simula naring maghanap ng mapapasukang trabaho. Halos naikot na niya ang buong baryo ngunit wala siyang makitang trabahong malaki ang sweldo, meron man ngunit hindi siya qualified sa posisyong kailangan ng kompanya.Dahil sa kagustuhang kumita kahit papaano'y pinasok na muna niya ang pagiging tindera sa palengke. Hindi man kalakihan ang sweldo ay pinag tyagaan na niya iyon. Sabi nga ng kanyang ama " Kaunti man, dadami rin kung iipunin." Hindi naging madali ang unang araw niya bilang tindera sa palengke. Bukod kasi sa sunod sunod ang mga costumer sa pagdating ay ramdam narin niya ang pamimintig ng kanyang mga binti dahil sa buong araw na pag- aasikaso sa mga mamimili. Mabuti nalang at mabait ang kanyang mga amo at paminsan minsan ay pinagpapahinga siya ng mga ito. Malaking tulong sa kanyang mga nangangawit na binti ang maiksi
"My perfect boss chapter four" Nakarating sila ng hindi nila namamalayan medyo nalibang kasi sila sa pagkukwentuhan habang nasa byahe kaya't muntik narin silang lumampas sa kanilang pagbababaan. Bahagya pa silang lumakad hanggang sa marating na nila ang entrance ng isang magara at sosyal na subdivision. Agad naman silang sinalubong ng security guard para tingnan ang kanilang I.D pati narin ang mga gamit na kanilang dala dala . Matapos nitong inspeksyonin ang kanilang mga gamit ay binuksan na nito ang maliit na parte ng gate at dito'y tuluyang tumambad sa mga mata niya ang mga naggagandahan at naglalakihan na tila mansion na mga bahay. Sobrang mangha at halos hindi siya makapaniwala na isa sa mga mansion na ito siya mag tatrabaho. Dati ay sa televesion lang niya nakikita ang ganito kalalaking bahay kaya't sobrang excited niya ngayon. "Dito ba talaga tayo mag tatrabaho Nikka? Sobrang lalaki at ang gaganda naman ng mga bahay dito." Tanong niyang hindi parin naaalis ang mata sa mga nag
"My perfect boss chapter three"* SABADO NG GABI *Pinipilit niyang matulog ngunit tila hindi siya dinadalaw ng antok. Marahil dahil iyon sa pinaghalong takot at excitement dahil sa gagawin niyang pakikipag sapalaran sa maynila. Naisip niyang lumabas upang magpahangin ngunit nadatnan niya duon ang kanyang ama na naka upo sa kanilang hagdan at tila kay lungkot na nakatanaw sa kawalan. Marahan siyang lumapit at tila nagulat pa ito ng bigla siyang naupo sa tabi nito at saka yumakap."Tay wag kana pong malungkot. Promise po mabayaran lang po natin si Don Rafael babalik po agad ako dito para magkasama po ulit tayo. At saka wag ka pong mag alala sakin dahil mag iingat po ako duon. Isa pa'y nanduon din naman po si Nikka kaya't siguradong hindi n'ya ako pababayaan duon." Pagpapalubag niya sa loob nito"Alam mo ba kung saan ako mas nalulungkot? Nalulungkot ako na ang nag iisang anak ko ang kailangang magsakripisyo at magpa alila sa ibang tao. Iniisip ko pa lang iyon nadudurog na ang puso ko."
" My perfect bOss Chapter two "Sinimulan ni Mang Ramon na maki- ani sa palayan ng mga kaibigan para makadagdag sa kita nila ng anak. Samantala siya naman ay nag simula naring maghanap ng mapapasukang trabaho. Halos naikot na niya ang buong baryo ngunit wala siyang makitang trabahong malaki ang sweldo, meron man ngunit hindi siya qualified sa posisyong kailangan ng kompanya.Dahil sa kagustuhang kumita kahit papaano'y pinasok na muna niya ang pagiging tindera sa palengke. Hindi man kalakihan ang sweldo ay pinag tyagaan na niya iyon. Sabi nga ng kanyang ama " Kaunti man, dadami rin kung iipunin." Hindi naging madali ang unang araw niya bilang tindera sa palengke. Bukod kasi sa sunod sunod ang mga costumer sa pagdating ay ramdam narin niya ang pamimintig ng kanyang mga binti dahil sa buong araw na pag- aasikaso sa mga mamimili. Mabuti nalang at mabait ang kanyang mga amo at paminsan minsan ay pinagpapahinga siya ng mga ito. Malaking tulong sa kanyang mga nangangawit na binti ang maiksi
My perfect bossIsang umaga habang nagwawalis sa harap ng kanilang bahay si Jia ay may natanaw siyang dumarating na magarang kotse at huminto ito sa harapan ng kanilang bakuran. Iniluwa nito ang kilalang mag Ama na nagpapautang sa kanilang baryo na walang iba kundi sina Don Rafael at Senyorito James. Itinigil niyang sandali ang pagwawalis at saka blangkong tumingin sa mga ito. Samo't saring katanungan ang rumihestro sa kanyang isip habang papalapit ang mga ito na tila ba may sadyang importante sa kanila.âDon rafael at señyorito James maganda umaga po. Ano pong sadya ninyo at naparito kayo ng ganitong kaaga?â Takang tanong niya sa mga ito âNasaan si Ramon? Nandito ba siya ngayon?" Tanong nito sa malalim na tinig"Opo. Nasa loob po siya at nagpapahinga." Magalang niyang sagot"Nagpapahinga? Hindi ba dapat nasa bukid siya ngayon at nakiki- ani ng palay?" Muling tanong ng Don"Masama po kasi ang pakiramdam ni tatay ngayon kaya po pinagpahinga ko po muna siya.""Kung sa simpleng karamdam
"My perfect boss âBook cover credit: App developerâĄPicsartâĄPhontoâĄIbisPaintXâĄPinterestBook cover photo not mine credit to the owner!Publish date: Sunday, June 4 2023All Rights ReservedCopyright © 2020 by LEEANNA89No part of this document may be reproduced or transmitted in any form or by any means, electronic, mechanical, photocopying, recording, or otherwise without prior written permission of the author.This story is work of fiction. Names, Character and incidents either are the product of the author imagination or are used fictitiously, and any resemblance to actual person living or dead, bussiness, establishment, event, or locales is entirely coincidental.Warning: Mature content || R18 Please be advised that this story contains mature themes and strong language. [ This story is under editing ]Bata pala lamang sina Gian at Jia ay nag katagpo na ang kanilang Landas dahil sa isang aksidente na muntik na niyang ikalunod. Sa insidenteng ito nag simulang umusbong ang kan