My perfect boss
Isang umaga habang nagwawalis sa harap ng kanilang bahay si Jia ay may natanaw siyang dumarating na magarang kotse at huminto ito sa harapan ng kanilang bakuran. Iniluwa nito ang kilalang mag Ama na nagpapautang sa kanilang baryo na walang iba kundi sina Don Rafael at Senyorito James. Itinigil niyang sandali ang pagwawalis at saka blangkong tumingin sa mga ito. Samo't saring katanungan ang rumihestro sa kanyang isip habang papalapit ang mga ito na tila ba may sadyang importante sa kanila.“Don rafael at señyorito James maganda umaga po. Ano pong sadya ninyo at naparito kayo ng ganitong kaaga?” Takang tanong niya sa mga ito“Nasaan si Ramon? Nandito ba siya ngayon?" Tanong nito sa malalim na tinig"Opo. Nasa loob po siya at nagpapahinga." Magalang niyang sagot"Nagpapahinga? Hindi ba dapat nasa bukid siya ngayon at nakiki- ani ng palay?" Muling tanong ng Don"Masama po kasi ang pakiramdam ni tatay ngayon kaya po pinagpahinga ko po muna siya.""Kung sa simpleng karamdaman ay hindi na siya kikilos? Paano niya babayaran ang malaking halagang pagkakautang niya sa akin?"“T- teka, p- pag kakautang po?" Gulat niyang bulalas"Mukhang wala kang alam sa bagay na ito hija. Ang mabuti pa'y gisingin mo na lamang ang iyong ama upang magkausap kami." utos nito"Sigurado po akong hindi gagawin ng tatay ko ang mangutang sainyo. Mahirap lang po kami ngunit kahit papano ay sumasapat po ang perang kinikita niya kaya malaking kalokohan po ang sinasabi ninyo.” Tanggol niya sa ama"Tama ka. Sapat nga lang ang kinikita ng iyong ama sainyong pang araw araw kaya nga hindi niya nagawang bayaran ang halagang pinautang ko sa kanya pitong taon na ang nakakaraan kaya't narito ako upang maningil." Sagot nitong medyo tumataas na ang tinig"Siguradong nagkakamali lang po kayo dahil wala naman siyang dahilan para mangutang sainyo.""Gusto mo pa ba ng katibayan? Kung ganon heto't tingnan mo." Wika nito at saka iniabot ang kapirasong papel na naglalaman ng kasunduan at pirmado ng kanyang ama"Hindi ito totoo. Malamang ay gawa gawa ninyo lamang ito upang tulad nang iba ninyong biktima ay makamkam ninyo rin ang lupa na meron kami."Kilala sa pagiging ganid ang mag ama at walang pinapalampas ang mga ito mayaman man o mahirap basta't may lupa kang pwede nilang makamkam. Pagpapautang ang isa sa mga kabuhayan ng mga ito at ang mga ito rin ang ginagawang takbuhan ng mga kabaryo nilang wala nang ibang makapitan. Malaki ang ipinapatong nitong interest sa bawat sentemo kaya't hindi kataka takang mas lalo itong yumaman samantalang baon naman sa hirap ang mga taong may pagkakautang dito. Gawain din ng mga ito ang mang gipit hanggang sa makuha ng mga ito ang kanilang pakay."Huwag kang magpatawa hija. Hindi ko pinang iinteresan ang kakarampot ninyong lupain. Nandito ako para kunin ang dapat ay saakin. Ilang taon ko din kayong pinagbigyan dahil sa kahilingan ng aking unico hijo ngunit hindi na sa pagkakataong ito."“Anak sino ba iyang kausap- D- don rafael?” Gulat nitong bungad“Oh, Ramon mabuti at gising kana. Hindi mo ba nasabi sa prinsesa mo na halos maglumuhod ka sakin pitong taon na nakararaan para maging engrande ang 18th birthday niya? Hindi mo rin ba nasabi na ang bahay at lupa ninyo ang ginamit mong kolateral?” Sarkastikong wika ng Don“Tay ano po ba ito? A- akala ko po ba'y ipon ninyo ni nanay ang perang ginastos natin sa 18th birthday ko? Totoo po ba ang sinasabi ni Don Rafael?” Nanlulumo niyang tanong sa Ama“J- jia anak hayaan mo muna sana akong mag paliwanag.” Utal na sagot nito“Sige, Ramon. Iiwan muna namin kayo at pag usapan ninyong mag ama ang gagawin ninyong paraan para ako'y inyong mabayaran. Babalikan ko kayo bukas para alamin ang inyong disisyon.” Iyon lamang at sumakay na ito ng kotse at mabilis na umalis“Tay bakit n'yo po ginawa iyon? Okay lang naman po sakin kahit hindi engrande ang ang 18th birthday ko kaya't bakit n'yo po naisip na gamiting kolateral ang bahay at lupa natin para makautang kay Don Rafael?” Naluluhang tanong niya sa Ama“Jia, patawarin mo ako kung nag sinungaling ako sayo. Gusto ko lang naman na matupad ko ang pangarap namin ng mama mo na gawing engrande ang 18th birthday mo dahil ikaw lang ang nag iisa naming anak kaya't kahit pinangutang ko iyon ay hindi ko iyon pinagsisisihan.” Walang pag sisising sagot nito“Tay hindi po importante sakin ang engrande birthday. Masaya napo akong kasama kita hanggang ngayon at kuntento po ako duon.” Sagot niyang hindi na napigilan ang luhang kanina pang nag babayad bumagsak sa kanyang pisngi“Patawarin mo ako anak. Gusto ko lang na mapasaya ka kaya't hindi ako nagdalawang isip na gawin ang bagay na iyon. Hindi naman kalakihan ang nahiram ko kay Don Rafael pero hindi ko ito nabayaran sa tamang oras kaya't lumaki ng lumaki ang interest na pinatong ni Don rafael. Mapatawad mo sana ako Jia.” Lumuluhang hingi nito ng tawad“Okay lang po Tay. Hindi ko lang po maiwasang magalit sa sarili ko dahil ako ang dahilan ng pag hihirap mo. Hindi ko napansin na sa mahabang panahon ay may problemang ka palang dinadala at mag isa mo itong ginagawan ng paraan kung paano iyon mababayaran.” Paninisi nito sa sarili“Wag mong sabihin iyan Jia. Ako ang may kagustuhan no'n kaya wala kang kasalanan sa mga nangyari. Wag kang mag alala gagawa ako ng paraan para mabayaran sila at hindi tayo papayag na ilitin ang bahay at lupa natin kaya wag kanang mag isip ng kung ano ano okay?”“Opo Tay, pero wag mo po sana akong pigilan na tumulong sayo. Gusto ko po sanang makatulong kahit ngayon lang. Pakiusap po payagan mo po akong magtrabaho para madali nating mabayaran si Don rafael.” Pag pupumilit niya sa Ama“Pero paano ang pangarap mong makatapos ng kolehiyo?” Malungkot nitong tanong“Sa pagkakataon ito Tay, mas gusto ko na mabayaran si Don Rafael para hindi sila magtagumpay na makamkam ang bahay at lupa natin katulad ng ginawa nila sa iba nating mga kababaryo.” Malungkot niyang sagot sa Ama dahil kailangan niyang huminto sa pag aaral para maisalba ang lupang naiwan sa kanila ng kanyang ina Wala na ngang nagawa pa si Mang Ramon kung hindi ang hayaan ang anak sa kagustuhan nitong tumulong sa pag babayad ng kanilang utang sa Don. Labag man sa kalooban niya na isakripisyo nito ang pag aaral ay wala na siyang nagawa dahil buo na ang disisyon nitong tulungan siya.Masama man ang pakiramdam ng kanyang Ama ay nagtungo parin ito sa palayan. Wala siyang nagawa nang magpumulit itong maki ani ng palay sapagkat kailangan daw nilang magtrabaho at kumita para makaipon ng sa ganon ay paunti unti nilang mabayaran ang kanilang pagkakauntang sa mag amang ganid.Nakaramdam siya ng matinding awa para sa kanyang ama dahil hindi nito magawang magpahinga sa kabila ng iniinda nitong sakit. Upang makatulong ay naisip niyang kontakin ang kanyang mga kaklase sa pagbabakasakaling may alam na trabaho ang mga ito na pwede niyang pasukan.Inisa isa niyang tawagan ang bawat numero na naka save sa cellphone niya ngunit wala ni isa ang nakatulong sa kanya. Malungkot siyang nakatitig sa pinakahuling numero na naka save sa cellphone niya. Taimtim pa siyang napasambit ng dasal bago tinawagan ang numero nang pinakamatalik niyang kaibigan ngunit mas lalo lamang siyang nakaramdam ng lungkot nang hindi niya ito makontak.Gabi na ngunit aligaga at nag iisip parin siya kung sa paanong paraan nga ba niya matutulungan ang kanyang ama upang mabayaran ang kanilang pagkakautang. Hindi tuloy niya namalayan ang papalapit ng kanyang ama."Jia anak, ayos ka lang ba huh?" Bungad nito nang mapansin nitong malalim ang kanyang iniisip"Tay, nariyan kana po pala." Medyo gulat pa niyang baling sa ama"Ang lalim kasi ng iniisip mo kaya hindi mo ako napansing dumating." Natatawa nitong tugon"Ah iyon po ba. Nag iisip po kasi ako sa kung paanong paraan po kita pwedeng matulungan Tay. Saglit po at maghahain na ako ng hapunan natin."Mula sa pinagkukublihang kurtina ay natanaw niya ang kanyang ama na marahang naupo at sumandal sa upuang kawayan na tila hinang hina ng mga oras na iyon. Parang dinudurog ang puso niya sa eksenang nakikita niya ng mga oras na iyon kaya ipinangako bukas na bukas din ay maghahanap siya ng pwedeng pag applayan.*Kinabukasan....Kinabukasan dumating ngang muli ang Don at inalam ang kanilang pasya.“Ramon, ano nang balita sainyong mag Ama? Kailan at paano ninyo ako mababayaran?” Sunod sunod na tanong ng Don“Wag po kayong mag alala Don Rafael dahil tutulong po ako kay tatay para mabilis namin kayong mabayaran.” Sabad ni Jia“Mabuti kung ganon, pero gusto kong siguruhin ninyong maibabalik ninyo kaagad ang perang inutang ninyo dahil kung hindi mapipilitan akong ilitin ang bahay at lupa ninyo O di kaya'y mag pakasal ka sa aking anak Jia!” Banta ni Don Rafael sa kanila“Wag ka pong mag alala Don Rafael dahil hindi ko hahayaan mangyari ang mga bagay na iyon. Gagawin ko ang lahat para lang mabayaran ang pagkakautang namin sainyo.” Matigas na wika ni Mang Ramon“Ilang taon mo nang sinasabi sakin iyan Ramon. wag kang puro satsat! Gawin mo kung ayaw mawala sayo ang iniingatan mong barong barong at kakarampot mong lupa! Tandaan mo ring ito na ang huling pag kakataon ninyo para mabayaran ako kaya't galingan mo ang pag bubungkal ng lupa ng sa ganon ay kumita ka ng malaki.” Pang iinsulto nito“Babayaran po namin kayo Don Rafael kahit anong mangyari o sa kahit anong paraan. Kaya't kung pwede po'y wag ninyong iinsultuhin ang tatay ko dahil lang marami kang pera. Tandaan po sana ninyo hindi lahat ng bagay ay nabibili o kayang bayaran ng pera!” Inis niyang sabad“Hmm! Sana lang hindi ka tulad nang Ama mong puro salita ngunit kulang sa gawa! Bueno aalis na ako kaya't simulan na ninyo ang pag hahanap ng trabaho para may ipang bayad kayo sa akin dahil pagkatapos ng palugit ko sainyo ay sisingilin ko kayo sa kahit anong paraan.” Iyon lang at umalis na itoNaiwang tulala ang mag ama dahil sa banta ng Don. Hindi siya papayag na pati ang kalayaan ng kanyang anak ay madamay dahil sa pag kakautang niya dito. Handa niyang gawin ang lahat para lang mabayaran niya ito sa ipingako nilang petsa.ALL RIGHTS RESERVED 2020Copyright owned by Leeanna89___________________________________A/N: Hello annyeong Leeanian.. I Hope na magustuhan ninyo ang stiory nato..Plese follow me and dont forget to like my Stories" My perfect bOss Chapter two "Sinimulan ni Mang Ramon na maki- ani sa palayan ng mga kaibigan para makadagdag sa kita nila ng anak. Samantala siya naman ay nag simula naring maghanap ng mapapasukang trabaho. Halos naikot na niya ang buong baryo ngunit wala siyang makitang trabahong malaki ang sweldo, meron man ngunit hindi siya qualified sa posisyong kailangan ng kompanya.Dahil sa kagustuhang kumita kahit papaano'y pinasok na muna niya ang pagiging tindera sa palengke. Hindi man kalakihan ang sweldo ay pinag tyagaan na niya iyon. Sabi nga ng kanyang ama " Kaunti man, dadami rin kung iipunin." Hindi naging madali ang unang araw niya bilang tindera sa palengke. Bukod kasi sa sunod sunod ang mga costumer sa pagdating ay ramdam narin niya ang pamimintig ng kanyang mga binti dahil sa buong araw na pag- aasikaso sa mga mamimili. Mabuti nalang at mabait ang kanyang mga amo at paminsan minsan ay pinagpapahinga siya ng mga ito. Malaking tulong sa kanyang mga nangangawit na binti ang maiksi
"My perfect boss chapter three"* SABADO NG GABI *Pinipilit niyang matulog ngunit tila hindi siya dinadalaw ng antok. Marahil dahil iyon sa pinaghalong takot at excitement dahil sa gagawin niyang pakikipag sapalaran sa maynila. Naisip niyang lumabas upang magpahangin ngunit nadatnan niya duon ang kanyang ama na naka upo sa kanilang hagdan at tila kay lungkot na nakatanaw sa kawalan. Marahan siyang lumapit at tila nagulat pa ito ng bigla siyang naupo sa tabi nito at saka yumakap."Tay wag kana pong malungkot. Promise po mabayaran lang po natin si Don Rafael babalik po agad ako dito para magkasama po ulit tayo. At saka wag ka pong mag alala sakin dahil mag iingat po ako duon. Isa pa'y nanduon din naman po si Nikka kaya't siguradong hindi n'ya ako pababayaan duon." Pagpapalubag niya sa loob nito"Alam mo ba kung saan ako mas nalulungkot? Nalulungkot ako na ang nag iisang anak ko ang kailangang magsakripisyo at magpa alila sa ibang tao. Iniisip ko pa lang iyon nadudurog na ang puso ko."
"My perfect boss chapter four" Nakarating sila ng hindi nila namamalayan medyo nalibang kasi sila sa pagkukwentuhan habang nasa byahe kaya't muntik narin silang lumampas sa kanilang pagbababaan. Bahagya pa silang lumakad hanggang sa marating na nila ang entrance ng isang magara at sosyal na subdivision. Agad naman silang sinalubong ng security guard para tingnan ang kanilang I.D pati narin ang mga gamit na kanilang dala dala . Matapos nitong inspeksyonin ang kanilang mga gamit ay binuksan na nito ang maliit na parte ng gate at dito'y tuluyang tumambad sa mga mata niya ang mga naggagandahan at naglalakihan na tila mansion na mga bahay. Sobrang mangha at halos hindi siya makapaniwala na isa sa mga mansion na ito siya mag tatrabaho. Dati ay sa televesion lang niya nakikita ang ganito kalalaking bahay kaya't sobrang excited niya ngayon. "Dito ba talaga tayo mag tatrabaho Nikka? Sobrang lalaki at ang gaganda naman ng mga bahay dito." Tanong niyang hindi parin naaalis ang mata sa mga nag
"My perfect boss ”Book cover credit: App developer➡Picsart➡Phonto➡IbisPaintX➡PinterestBook cover photo not mine credit to the owner!Publish date: Sunday, June 4 2023All Rights ReservedCopyright © 2020 by LEEANNA89No part of this document may be reproduced or transmitted in any form or by any means, electronic, mechanical, photocopying, recording, or otherwise without prior written permission of the author.This story is work of fiction. Names, Character and incidents either are the product of the author imagination or are used fictitiously, and any resemblance to actual person living or dead, bussiness, establishment, event, or locales is entirely coincidental.Warning: Mature content || R18 Please be advised that this story contains mature themes and strong language. [ This story is under editing ]Bata pala lamang sina Gian at Jia ay nag katagpo na ang kanilang Landas dahil sa isang aksidente na muntik na niyang ikalunod. Sa insidenteng ito nag simulang umusbong ang kan

" My perfect bOss Chapter two "Sinimulan ni Mang Ramon na maki- ani sa palayan ng mga kaibigan para makadagdag sa kita nila ng anak. Samantala siya naman ay nag simula naring maghanap ng mapapasukang trabaho. Halos naikot na niya ang buong baryo ngunit wala siyang makitang trabahong malaki ang sweldo, meron man ngunit hindi siya qualified sa posisyong kailangan ng kompanya.Dahil sa kagustuhang kumita kahit papaano'y pinasok na muna niya ang pagiging tindera sa palengke. Hindi man kalakihan ang sweldo ay pinag tyagaan na niya iyon. Sabi nga ng kanyang ama " Kaunti man, dadami rin kung iipunin." Hindi naging madali ang unang araw niya bilang tindera sa palengke. Bukod kasi sa sunod sunod ang mga costumer sa pagdating ay ramdam narin niya ang pamimintig ng kanyang mga binti dahil sa buong araw na pag- aasikaso sa mga mamimili. Mabuti nalang at mabait ang kanyang mga amo at paminsan minsan ay pinagpapahinga siya ng mga ito. Malaking tulong sa kanyang mga nangangawit na binti ang maiksi
My perfect bossIsang umaga habang nagwawalis sa harap ng kanilang bahay si Jia ay may natanaw siyang dumarating na magarang kotse at huminto ito sa harapan ng kanilang bakuran. Iniluwa nito ang kilalang mag Ama na nagpapautang sa kanilang baryo na walang iba kundi sina Don Rafael at Senyorito James. Itinigil niyang sandali ang pagwawalis at saka blangkong tumingin sa mga ito. Samo't saring katanungan ang rumihestro sa kanyang isip habang papalapit ang mga ito na tila ba may sadyang importante sa kanila.“Don rafael at señyorito James maganda umaga po. Ano pong sadya ninyo at naparito kayo ng ganitong kaaga?” Takang tanong niya sa mga ito “Nasaan si Ramon? Nandito ba siya ngayon?" Tanong nito sa malalim na tinig"Opo. Nasa loob po siya at nagpapahinga." Magalang niyang sagot"Nagpapahinga? Hindi ba dapat nasa bukid siya ngayon at nakiki- ani ng palay?" Muling tanong ng Don"Masama po kasi ang pakiramdam ni tatay ngayon kaya po pinagpahinga ko po muna siya.""Kung sa simpleng karamdam