Share

CHAPTER TWO

Author: Leeanna89
last update Last Updated: 2023-06-25 23:46:55

" My perfect bOss Chapter two "

Sinimulan ni Mang Ramon na maki- ani sa palayan ng mga kaibigan para makadagdag sa kita nila ng anak. Samantala siya naman ay nag simula naring maghanap ng mapapasukang trabaho. Halos naikot na niya ang buong baryo ngunit wala siyang makitang trabahong malaki ang sweldo, meron man ngunit hindi siya qualified sa posisyong kailangan ng kompanya.

Dahil sa kagustuhang kumita kahit papaano'y pinasok na muna niya ang pagiging tindera sa palengke. Hindi man kalakihan ang sweldo ay pinag tyagaan na niya iyon. Sabi nga ng kanyang ama " Kaunti man, dadami rin kung iipunin."

Hindi naging madali ang unang araw niya bilang tindera sa palengke. Bukod kasi sa sunod sunod ang mga costumer sa pagdating ay ramdam narin niya ang pamimintig ng kanyang mga binti dahil sa buong araw na pag- aasikaso sa mga mamimili. Mabuti nalang at mabait ang kanyang mga amo at paminsan minsan ay pinagpapahinga siya ng mga ito. Malaking tulong sa kanyang mga nangangawit na binti ang maiksing minuto na pahinga.

Matapos ang isang araw na pagtitinda ng sari saring gulay sa palengke, excited siyang umuwi para i- kwento sa ama ang magandang balita. Naabutan niya itong humihigop ng kape habang nagpapahinga sa upuang kahoy sa gilid ng punong mangga. Madalas sila ditong nakatambay dahil bukod sa malapit lang ito sa kanilang bahay ay presko ang hangin duon. Agad siyang lumapit sa ama upang i- kwento dito na may trabaho na siya at matutulungan na niya ito sa pag babayad ng kanilang pag kakautang sa Don.

''Tay, may trabaho na po ako.'' Masayang bungad niya sa ama

''Talaga anak? Masaya ako para sayo. Teka ano nga ba ang trabaho na nakuha mo?"

"Tindera po tay, nagsimula narin po ako ngayon araw sa pagtitinda. Maliit lang po ang sahod ko pero makakatulong narin po ito sa atin kahit papaano."

"Ganon ba anak? Pasensya kana ha, pati ikaw ay napilitang magtrabaho para lang makabayad tayo kay Don Rafael." Wika nito sa malungkot na tinig

"Tay, kagustuhan ko po ang magtrabaho at tulungan ka. Kaya wag mo pong isisi sa sarili mo ang pagkakahinto ko a pag aaral."

"Pasensya kana anak, nagiging madrama na naman ang tatay mo." Sagot nito at saka pilit na ngumiti

May ngiti man sa labi nito, ramdam parin niyang nanghihinayang ito sa pagkakahinto niya sa pag aaral. Pangarap kasi nitong maging isa siyang guro pag dating ng panahon ngunit heto nga't bumagsak na siya sa pagiging tindera sa palengke. Kung tutuusin wala namang masama sa pagiging tindera ngunit wala rin naman sigurong masama kung mangarap nang kaunti ang kanyang ama para sa kanya.

Mahigit dalawang linggo na ang lumipas mula ng mag umpisa siya sa kanyang trabaho. Masasabi niyang expert na siya sa pagtitinda dahil na kabisado na niya ang mga pagkaka- salansan ng mga gulay pati na ang mga presyo nito.

"Ano pong gulay ang hanap ninyo?" Automatikong tanong niya sa mga ito ng makita niya sa kabilang sulok ng kanyang mata ang dalawang lalaki papalapit sa kanilang pwesto

"Sapat ba ang sinasahod mo dito para mabayaran ako?" Tanong ng isang pamilyar na tinig

"Don Rafael, kayo po pala." Iyon lamang ang nasambit niya dala ng pagka- bigla

"Sa uri nang trabaho mo, pati na ng ama mo'y mukhang malabo ninyo akong mabayaran."

"Dad, tama na. Huwag naman po ninyong ipahiya si Jia sa kanyang trabaho." Awat ni James sa pang iinsulto ng Don

"Imposible man po para sainyo ay gagawa kami ng paraan para mabayaran namin kayo. Tandaan po sana ninyo na ang pera ay maaring bayaran ng pera ngunit ang kahihiyan ng isang tao ay walang katapat na halaga kaya sana po'y matuto kayong gumalang ng kapwa ninyo mahirap man po ito o mayaman."

"Aba't wala kang respetong bata ka! Ganyan ka bang pinalaki ng ama mo?" Galit nitong bulyaw kaya't nabaling sa kanila ang atensyon ng ilang tao duon

"Ang respeto po ay hindi hinihingi, kusa po itong ibinibigay sa mga taong marunong din rumispeto gaano man kataas ang antas ng kanilang pamumuhay." Matapang ngunit magalang parin niyang sagot

Hindi na naka- imik ang Don dahil narin sa bulung bulungan ng ilang taong nakasaksi ng kanila. Batid nitong marami ang nasa panig ni Jia kaya naman wala itong lingon likod na umalis sa lugar.

"Tama lang ang ginawa mong iyon Jia. Masyado kasing arogante ang Don Rafael na iyon." Wika ng kalapit nilang tindera

"Nakahanap sila ng katapat ngayon araw. Tiyak na mababawasan na ang pagiging arogante non. Ang galing mo Jia." Puri pa ng ilang tinderang nakapanuod sa kanila

Napangiti na lamang siya sa iba't ibang komento ng mga taong naroon ngunit sa kabila no'n ay nakonsensya din siya. Hindi siya tinuruan ng kanyang ama na sumagot sa mga nakakatanda ngunit tinuruan siya nitong ipagtanggol ang kanyang sarili kung kinakailangan.

Mabilis na lumipas ang isang buwan niya sa palengke at halos hindi niya namamalayan iyon. Matapos niyang matanggap ang una niyang sweldo ay walang bawas itong dumiretso sa kanilang ipunan at ganon din ang perang pinagtatrabahuan ng kanyang ama.

"Tingnan mo nga naman Jia, mahigit isang buwan kana pala dito sa amin." Wika ng amo niyang babae na si aling Rosa

"Oo nga po ate, parang kailan lang po nuong paulit ulit akong nagtatanong ng mga presyo nang paninda natin." Natatawang sagot niya sa ginang

"Alam mo bang natutuwa kami sayo ng kuya Salde mo? Ang sipag sipag mo kasi hindi tulad ng mga sinundan mong tindera ko puro cellphone ang mga inaatupag." Nakangiting puri nito sa kanya

"Salamat po ate. Binabayaran po ninyo ang pagtatrabaho ko kaya kaya dapat lang po na suklian ko ito ng kasipagan. Maswerte po ako na kayo ang naging amo ko ni kuya Salde ang bait n'yo po kasi sakin." Nakangiting sagot niya sa amo

"Bolera ka ah. Nakakalungkot na pansamantala lang ang pag tatrabaho mo dito sa amin. Bakit ba kasi naghahanap kapa ng ibang trabaho Jia?" Usisa nito

"Sa totoo lang po ate hindi po kasi sapat ang kinikita ko. May mga utang po kasi kami na kailangang bayaran, nagkasakit pa po si tatay kaya kailangan ko po talaga ng trabaho na malaki- laki ang kita." Seryosong sagot niya

"Ganon ba? Kung kaya ko lang ibigay ang halaga na kailangan mo'y ibinigay ko na Jia. Nanghihinayang kasi ako sayo, bibihira kasi ang mga katulad mong inuuna ang pamilya kesa sa sariling luho. Isa pa'y baka wala na kaming mahanap na kasing sipag mo kaya't talagang ng hihinayang ako." Nakangiti ngunit bakas sa mukha nito ang lungkot

Nalalapit na ang petsang ipinangako nila kay Don Rafael ngunit kakaunti parin ang perang naipon niya. Siya lang muna ang kumakayod sa ngayon dahil nagkasakit ang kanyang ama dala ng mabibigat at maraming trabaho na pinag sabay sabay nito sa bukid kaya naman pinatigil muna niya ito sa pagtatrabaho. Dahil dito ay napilitang siyang bawasan ang perang naitatabi para sa mga gamot na kailangan ng kanyang ama.

"Tay, nakahanda napo ang pagkain at gamot mo sa mesa. Kumain nalang po kayo kapag nagutom kayo huh?" Paalala niya sa ama

"Salamat anak, wag mo na akong intindihin ako ng bahala sa sarili ko. Nahihiya na nga ako saiyo dahil nagiging pabigat na ako sayo." Sagot nito sa mababang boses

"Tatay talaga kung ano ano ang iniisip, kailan man po hindi ka naging pabigat sa akin kaya't burahin mo po sa isip mo iyan. Okay po ba?" Nakangiti niyang wika sa ama

"Salamat ulit anak. Ikaw naman kasi ayaw mo pa akong payagang bumalik sa bukid. Eh, magaling naman na ako."

"Maigi na po na nag iingat tay, hindi kana po bumabata kaya't konting ingat po sa katawan. Mabigat po ang trabaho sa bukid kaya pwede kang mabinat. Mas lalo lang tatagal ang pag galing mo kaya't mag pahinga ka nalang po muna ngayon." Pigil niya sa pangungulit nitong makapag bukid na ulit

"Tingin ko'y hindi bagay sayo ang pagiging guro, sa higpit mo sa pasyente tingin ko mas bagay sayo ang maging doktor o di kaya'y nurse. Ano sa tingin mo anak?" Birong tanong nito

"Bagay po ba?" Natatawang tanong niya dito

"Oo anak bagay na bagay." Sagot naman nitong itinaas pa ang hinlalaking daliri

"Puro ka po talaga kalokohan ehh. Sige po papasok na ako sa trabaho. Huwag mo pong kalilimutang uminom ng gamot huh?" Muling paalala niya

"Oo anak ako ng bahala, sige na baka hinihintay kana ng amo mo."

Ngumiti at yumakap pa muna siya sa ama bago tuluyang umalis nang kanilang bahay. Gusto niyang ipakita dito na ayos lang ang lahat kahit ang totoo'y hindi niya alam kung papaano niya maisasalba ang bahay at lupa nila.

Habang binabagtas niya ang daan papunta sa kanyang trabaho ay nag iisip siya ng iba pang pwede niyang pagkakitaan upang tumigil na sa pagbubukid ang kanyang ama. Matanda na ito kaya gusto niyang mag enjoy nalang ito sa buhay. Isa pa'y nasa tamang edad narin naman siya kaya't tama lang na siya naman ang kumayod para dito.

Habang nagbabantay ng pwesto ay nadaanan siya ng kaibigan niyang si Nikka na nakatulala sa kawalan kaya't hindi niya namalayang kanina pa pala ito nakatayo sa kanyang harapan.

"Hoy Jia! Ano bang iniisip mo't hindi mo man lang naririnig ang tawag ko? Pangatlong tawag ko na kaya sayo." Natatawang sabi nito habang ipinipitik pitik pa ang daliri sa harap ng mukha niya

"Naku ikaw pala Nikka, pasensya na may iniisip lang kasi akong problema kaya siguro hindi kita narinig. Bibili kaba ng gulay? Anong bang gulay ang kailangan mo? Pili kana sariwa ang mga ito." Alok niya sa kaibigan

"Tapos na akong mamili. Nabanggit kasi ni inay na dito ka nga daw nagtitinda kaya naisip kung dumaan dito. Teka nga pala, ano bang problema mo't natulala ka? Naii- stress tuloy ang beauty mo girl." Biro nito

"Kailangan kasi namin ni tatay ng malaking halaga." Problemado niyang sagot

"Malaking halaga? Paraan saan?" Kunot nuong tanong nito

"Ginigipit kami ni Don Rafael, gusto niyang ilitiin ang bahay at lupa namin kung hindi namin maibibigay ang perang nahiram ni tatay sa petsang ipinangako namin."

"Ano? Naku problema nga iyan Jia."

"Ang mas nakakalungkot, nagka sakit pa si tatay kaya yung kaunting ipon namin ay nagastos para sa mga kaylangan niyang gamot. Sa ngayon pinatigil ko na muna siya sa pagbubukid kaya mas kaylangan ko ngayon ng trabaho na malaki ang sweldo, pero saan naman kaya ako makakahanap no'n dito sa baryo natin?" Pagkukwento niya sa kaibigan

"Pasensya kana Jia. Gustuhin ko man na tulungan ka, wala din akong pera ngayon. Nagbayad kasi ako ng ilang buwang bill namin sa kuryente at tubig kung hindi ay mapuputulan kami."

"Ayos lang. Siguro maghahanap nalang ako ng iba pang trabaho. Sa ngayon kaylangan ko lang talaga ng dagdag kita."

"Kung gusto mo sumama ka sakin sa pinag tatrabahuan ko sa alabang. Naalala ko na may nabanggit si Ma'am na kailangan pa nila ng isang maid sa mansion, gusto mo ba? Swak na swak ka duon Jia kasi sanay ka sa gawain bahay."

"Gusto ko sana Nikka, pero tiyak na hindi papayag si tatay. Isa pa hindi ko rin yata kayang mag kahiwalay kami." Paliwanag niya

"Pero Jia, sa maynila mo mahahanap ang malaking suweldo na kaylangan mo. Mag isip ka muna sana bago mo tangihan ang alok ko. Duon tiyak na madali mong mababayaran ang pag kakautang ninyo kay Don Rafael." Panghihimok nito sa kanya

"Malaki ba talaga ang suweldo duon? At saka hindi ba masungit ang amo ninyo?"Muling tanong niya

"Oo naman malaki ang suweldo duon at hindi ka gaanong pagod dahil may toka ang bawat maid duon. Mayaman at mabait din ang amo namin at pwede kang mag cash advance kung gusto mo mag sabi kalang at tutulungan kita kay ma'am Estella." Aniya

"Talaga? Mukhang okay nga duon Nikka, sige susubukan kung mag papaalam kay tatay mamaya at babalitaan kita kung ano ang magiging disisyon niya." Ani Jia

"Naku Jia, wag kang mag patumpik tumpik huh? Kumbinsihin mong mabuti si Tatay Ramon dahil sa linggo ay babalik narin agad ako duon. Nag day off l lang ako ngayong araw, lam mo na pabalik na ng pilipinas ang love of my life ko kaya kaylangan kong mag beauty rest para fresh ako pagdating niya." Wika ng humahagikgik na si nikka

"Sige, sige ako nang bahala kay tatay. Daanan mo ako sa bahay ng linggo ng umaga okay?"

"Okay, Basta't hintayin mo nalang ako sainyo huh? Sige mauna nako Jia." Paalam nito

Kinagabihan ay sinubukan nga niyang mag paalam sa kanyang ama at tulad ng inaasahan ay hindi ito sang- ayon sa gusto niyang mangyari.

"Anak marami namang pwedeng pagtrabahuan dito kaya bakit kailangan mo pang lumuwas ng maynila?" Walang kangiti ngiti nitong tanong

"Nabanggit po kasi sa akin ni Nikka na malaki daw po ang suweldo duon. At saka tay mabait daw po ang amo nila at pwede kaagad mag cash advance." Pagkukwento niya sa ama

"Hindi madali ang buhay sa maynila anak, natatakot ako para sayo lalo't babae ka baka mapahamak ka duon. Isa pa'y ayokong mag kalayo tayo hindi ko kaya ang lungkot ng mag isa dito." Naluluha nitong sagot

"Ayoko din naman po na mag kalayo tayo tay, pero ayoko din po na mawala satin ang bahay at lupang kinalakihan ko." Malungkot niyang sagot sa ama

Saglit na namayani ang katahimakan sa kanila bago siya nagpasya na muling magsalita upang himukin ajy kanyang ama.

"Tay, ayoko din po na magkalayo tayo pero kailangan po nating magtiis sa ngayon para maisalba natin ang bahay at lupa natin." Mahinahong paliwanag niya

"Iyan naba talaga ang pasya mo anak?" Tanong nitong tila sumusuko na sa pakikipag dibate sa kanya

"Opo tay, buo napo ang disisyon kong mag trabaho duon. Hindi naman po permanente ehh. Mabayaran lang po natin si Don Rafael mag papaalam po akong agad sa trabaho ko at uuwi na dito para mag kasama napo ulit tayo." Mahabang paliwanag niya

Alam niyang malulungkot ang kanyang ama sa napinpinto niyang pagluwas ng maynila ngunit wala narin itong nagawa kundi ang payagan siya. Marahil ay naisip nitong tama ang disisyon niya, na mas madali silang makakabayad kay Don Rafael kung malaki ang suswelduhin niya buwan buwan kaya kahit mahirap para sa kanila ang magkalayo ay kailagan nilang magtiis para upang hindi magtagumpay ang gnid na mag ama sa mga banta ng mga ito.

All Rights Reserved 2020

Copyrights owned by Leeanna89

_____________________________________

Author's note:Thank you po sa patuloy na sumusuporta sa story ni Jia at Gian. Godbless po😊

Ps. Please vote, comment and don't forget follow me for more kilig stories!

Godbless and enjoy!

Related chapters

  • My Perfect boss   CHAPTER THREE

    "My perfect boss chapter three"* SABADO NG GABI *Pinipilit niyang matulog ngunit tila hindi siya dinadalaw ng antok. Marahil dahil iyon sa pinaghalong takot at excitement dahil sa gagawin niyang pakikipag sapalaran sa maynila. Naisip niyang lumabas upang magpahangin ngunit nadatnan niya duon ang kanyang ama na naka upo sa kanilang hagdan at tila kay lungkot na nakatanaw sa kawalan. Marahan siyang lumapit at tila nagulat pa ito ng bigla siyang naupo sa tabi nito at saka yumakap."Tay wag kana pong malungkot. Promise po mabayaran lang po natin si Don Rafael babalik po agad ako dito para magkasama po ulit tayo. At saka wag ka pong mag alala sakin dahil mag iingat po ako duon. Isa pa'y nanduon din naman po si Nikka kaya't siguradong hindi n'ya ako pababayaan duon." Pagpapalubag niya sa loob nito"Alam mo ba kung saan ako mas nalulungkot? Nalulungkot ako na ang nag iisang anak ko ang kailangang magsakripisyo at magpa alila sa ibang tao. Iniisip ko pa lang iyon nadudurog na ang puso ko."

    Last Updated : 2023-06-26
  • My Perfect boss   CHAPTER FOUR

    "My perfect boss chapter four" Nakarating sila ng hindi nila namamalayan medyo nalibang kasi sila sa pagkukwentuhan habang nasa byahe kaya't muntik narin silang lumampas sa kanilang pagbababaan. Bahagya pa silang lumakad hanggang sa marating na nila ang entrance ng isang magara at sosyal na subdivision. Agad naman silang sinalubong ng security guard para tingnan ang kanilang I.D pati narin ang mga gamit na kanilang dala dala . Matapos nitong inspeksyonin ang kanilang mga gamit ay binuksan na nito ang maliit na parte ng gate at dito'y tuluyang tumambad sa mga mata niya ang mga naggagandahan at naglalakihan na tila mansion na mga bahay. Sobrang mangha at halos hindi siya makapaniwala na isa sa mga mansion na ito siya mag tatrabaho. Dati ay sa televesion lang niya nakikita ang ganito kalalaking bahay kaya't sobrang excited niya ngayon. "Dito ba talaga tayo mag tatrabaho Nikka? Sobrang lalaki at ang gaganda naman ng mga bahay dito." Tanong niyang hindi parin naaalis ang mata sa mga nag

    Last Updated : 2023-06-27
  • My Perfect boss   DISCLAIMER/ PROLOGUE

    "My perfect boss ”Book cover credit: App developer➡Picsart➡Phonto➡IbisPaintX➡PinterestBook cover photo not mine credit to the owner!Publish date: Sunday, June 4 2023All Rights ReservedCopyright © 2020 by LEEANNA89No part of this document may be reproduced or transmitted in any form or by any means, electronic, mechanical, photocopying, recording, or otherwise without prior written permission of the author.This story is work of fiction. Names, Character and incidents either are the product of the author imagination or are used fictitiously, and any resemblance to actual person living or dead, bussiness, establishment, event, or locales is entirely coincidental.Warning: Mature content || R18 Please be advised that this story contains mature themes and strong language. [ This story is under editing ]Bata pala lamang sina Gian at Jia ay nag katagpo na ang kanilang Landas dahil sa isang aksidente na muntik na niyang ikalunod. Sa insidenteng ito nag simulang umusbong ang kan

    Last Updated : 2023-06-05
  • My Perfect boss   CHAPTER ONE

    My perfect bossIsang umaga habang nagwawalis sa harap ng kanilang bahay si Jia ay may natanaw siyang dumarating na magarang kotse at huminto ito sa harapan ng kanilang bakuran. Iniluwa nito ang kilalang mag Ama na nagpapautang sa kanilang baryo na walang iba kundi sina Don Rafael at Senyorito James. Itinigil niyang sandali ang pagwawalis at saka blangkong tumingin sa mga ito. Samo't saring katanungan ang rumihestro sa kanyang isip habang papalapit ang mga ito na tila ba may sadyang importante sa kanila.“Don rafael at señyorito James maganda umaga po. Ano pong sadya ninyo at naparito kayo ng ganitong kaaga?” Takang tanong niya sa mga ito “Nasaan si Ramon? Nandito ba siya ngayon?" Tanong nito sa malalim na tinig"Opo. Nasa loob po siya at nagpapahinga." Magalang niyang sagot"Nagpapahinga? Hindi ba dapat nasa bukid siya ngayon at nakiki- ani ng palay?" Muling tanong ng Don"Masama po kasi ang pakiramdam ni tatay ngayon kaya po pinagpahinga ko po muna siya.""Kung sa simpleng karamdam

    Last Updated : 2023-06-08

Latest chapter

  • My Perfect boss   CHAPTER TWO

    " My perfect bOss Chapter two "Sinimulan ni Mang Ramon na maki- ani sa palayan ng mga kaibigan para makadagdag sa kita nila ng anak. Samantala siya naman ay nag simula naring maghanap ng mapapasukang trabaho. Halos naikot na niya ang buong baryo ngunit wala siyang makitang trabahong malaki ang sweldo, meron man ngunit hindi siya qualified sa posisyong kailangan ng kompanya.Dahil sa kagustuhang kumita kahit papaano'y pinasok na muna niya ang pagiging tindera sa palengke. Hindi man kalakihan ang sweldo ay pinag tyagaan na niya iyon. Sabi nga ng kanyang ama " Kaunti man, dadami rin kung iipunin." Hindi naging madali ang unang araw niya bilang tindera sa palengke. Bukod kasi sa sunod sunod ang mga costumer sa pagdating ay ramdam narin niya ang pamimintig ng kanyang mga binti dahil sa buong araw na pag- aasikaso sa mga mamimili. Mabuti nalang at mabait ang kanyang mga amo at paminsan minsan ay pinagpapahinga siya ng mga ito. Malaking tulong sa kanyang mga nangangawit na binti ang maiksi

  • My Perfect boss   CHAPTER ONE

    My perfect bossIsang umaga habang nagwawalis sa harap ng kanilang bahay si Jia ay may natanaw siyang dumarating na magarang kotse at huminto ito sa harapan ng kanilang bakuran. Iniluwa nito ang kilalang mag Ama na nagpapautang sa kanilang baryo na walang iba kundi sina Don Rafael at Senyorito James. Itinigil niyang sandali ang pagwawalis at saka blangkong tumingin sa mga ito. Samo't saring katanungan ang rumihestro sa kanyang isip habang papalapit ang mga ito na tila ba may sadyang importante sa kanila.“Don rafael at señyorito James maganda umaga po. Ano pong sadya ninyo at naparito kayo ng ganitong kaaga?” Takang tanong niya sa mga ito “Nasaan si Ramon? Nandito ba siya ngayon?" Tanong nito sa malalim na tinig"Opo. Nasa loob po siya at nagpapahinga." Magalang niyang sagot"Nagpapahinga? Hindi ba dapat nasa bukid siya ngayon at nakiki- ani ng palay?" Muling tanong ng Don"Masama po kasi ang pakiramdam ni tatay ngayon kaya po pinagpahinga ko po muna siya.""Kung sa simpleng karamdam

  • My Perfect boss   DISCLAIMER/ PROLOGUE

    "My perfect boss ”Book cover credit: App developer➡Picsart➡Phonto➡IbisPaintX➡PinterestBook cover photo not mine credit to the owner!Publish date: Sunday, June 4 2023All Rights ReservedCopyright © 2020 by LEEANNA89No part of this document may be reproduced or transmitted in any form or by any means, electronic, mechanical, photocopying, recording, or otherwise without prior written permission of the author.This story is work of fiction. Names, Character and incidents either are the product of the author imagination or are used fictitiously, and any resemblance to actual person living or dead, bussiness, establishment, event, or locales is entirely coincidental.Warning: Mature content || R18 Please be advised that this story contains mature themes and strong language. [ This story is under editing ]Bata pala lamang sina Gian at Jia ay nag katagpo na ang kanilang Landas dahil sa isang aksidente na muntik na niyang ikalunod. Sa insidenteng ito nag simulang umusbong ang kan

DMCA.com Protection Status