"My perfect boss chapter four"
Nakarating sila ng hindi nila namamalayan medyo nalibang kasi sila sa pagkukwentuhan habang nasa byahe kaya't muntik narin silang lumampas sa kanilang pagbababaan. Bahagya pa silang lumakad hanggang sa marating na nila ang entrance ng isang magara at sosyal na subdivision. Agad naman silang sinalubong ng security guard para tingnan ang kanilang I.D pati narin ang mga gamit na kanilang dala dala . Matapos nitong inspeksyonin ang kanilang mga gamit ay binuksan na nito ang maliit na parte ng gate at dito'y tuluyang tumambad sa mga mata niya ang mga naggagandahan at naglalakihan na tila mansion na mga bahay. Sobrang mangha at halos hindi siya makapaniwala na isa sa mga mansion na ito siya mag tatrabaho. Dati ay sa televesion lang niya nakikita ang ganito kalalaking bahay kaya't sobrang excited niya ngayon. "Dito ba talaga tayo mag tatrabaho Nikka? Sobrang lalaki at ang gaganda naman ng mga bahay dito." Tanong niyang hindi parin naaalis ang mata sa mga nag gagandahan mansion "Oo Jia, ano nagugustuhan mo na ba ang Maynila?" Nakangiti nitong baling sa kanya "Oo Nikka, sobrang ganda naman pala sa lugar na pagtatrabahuan natin. Excited na tuloy akong mag simula sa trabaho." Wika niyang nangingislap ang mga mata sa sobrang pagkamangha "Sabi ko naman sayo magugustuhan mo dito ehh." Segunda pa nito "Oo nga ehh. Saglit Nikka pwede bang mag picture muna tayo dito? Gusto ko kasing ipakita kay tatay kung gaano kaganda ang pinag tatrabahuan natin ehh." "Sige walang problema iyan." Mabilis nitong sagot at agad nitong kinuha ang cellphone niya Matapos makakuha ng picture sa lugar ay nag patuloy ulit sila sa pag lalakad. Busy pa sa pag libot ang kanyang mga mata ng bigla siyang hatakin ni Nikka. "Nandito na tayo Jia." Sabi nito sabay pindot sa doorbell Totoo nga ang sinabi ni Nikka na tila palasyo sa laki at ganda ang kanilang pag tatrabahuan. Maya maya pa'y Automatikong bumukas ang gate at iniluwa nito ang dalawang security ng nasabing mansion. Agad silang sinalubong ng mga ito at tinulungang mag buhat ng kanilang mga dala. "Uyy Nikka, ang ganda naman ng kasama mo baka naman pwede mo kaming ipakilala." Wika ng isang gwardyang tumulong sa kanila "Tumigil nga kayong dalawa dyan! Asikasuhin ninyo ang mga pamilya ninyo wag puro pam bababae. Isa pa'y may boyfriend nayan kaibigan ko kaya hindi kayo papatulan niyan." Natatawang sagot ni Nikka sa dalawang gwardya habang binabaybay nila ang daan papasok sa mansion "Grabe may mga ganito pala talaga kayaman? Parang palasyo na sa laki ang bahay na ito at may security pa. Pati ang mga kagamitan dito ay tiyak na puro mamahalin." Bulong niya sa sarili habang patuloy sa pagsuyod ang kanyang mga mata sa buong kabahayan. Hindi tuloy niya namalayang kaharap na pala nila ang kanilang among babae. "Jia mag bigay galang tayo kay Ma'am Estella." Pasimpleng bulong ni Nikka sa kanya "A-ahh. Magandang hapon po ma'am Estella." Mag kasabay nilang bati dito "Siya na ba iyong sinasabi mong magiging kasama ninyo dito Nikka?" Tanong naman ng nakangiting ginang "Opo Ma'am, s'ya nga po pala si Jia Torres. Mag kababayan po kami at sabay ding lumaki kaya masasabi ko pong mapagkakatiwalaan po siya ma'am." Pag papakilala nito sa kanya "Kung ganon ay tulungan mo muna siya Nikka, ilibot mo siya ng sa ganon ay maging pamilyar siya dito. Ituro mo din ang magiging kwarto niya para mai ayos na ang kanyang mga gamit. Mag pahinga rin muna kayo pagkatapos, tiyak na pagod kayo sa mahabang byahe kaya bukas na kayo mag simula ng inyong trabaho." Wika nito habang magiliw na nakangiti sa kanila "Marami pong salamat ma'am Estella. Sige po mauna napo kami." Paalam nila na tinanguan naman nito "Ang bait naman ni Ma'am Estella, Isipin mo pinag pahinga muna tayo. Pakiramdam ko tuloy ay kumakausap ako ng anghel." Hindi makapaniwalang komento niya sa kaibigan "Mabait talaga iyang si Ma'am Estella kaya nga ba dito na tumanda yung mga nauna nilang maid ehh." Dagdag pa n Nikka na lalo nagpataas ng respeto niya sa amo nila "Ang swerte naman natin. Pangakong susuklian ko ng kasipagan at tapat na pagtatrabaho ang kabutihang ipinapakita niya sa atin." Hindi mapigilang bulalas niya dahil sa labis na tuwa "Tama yan. Pagbutihan natin ang pagtatrabaho dahil bihira ang mga katulad nilang mayaman na ang turing sa kasambahay ay pamilya." "Tama ka. Bihira talaga ang katulad nila ma'am Estella." Pag sang ayon niya sa kaibigan "Nandito na tayo sa magiging kwarto mo Jia." Wika nito matapos siyang ilibot sa kabuuan ng mansion "Kwarto ko lang?" Taka niyang tanong "Oo, Kahit maid dito ay tag iisa ng kwarto. Hindi ba't hindi hamak na mas malaki pa ito kesa sa mga bahay kubo natin sa probinsya?" Natatawang baling nito sa kanya na tinanguan naman niya kasunod ang mahinang pagtawa "Kung anong dami ng kwarto dito ay siya namang konti nang myembro ng pamilya nila. Tatlo na nga lang sila madalas pang hindi magkakasama." "Ang lungkot naman pala nila. Mayaman nga sila pero hindi naman mag kakasama sa iisang bahay." "Sige Jia, ayusin muna ang mga gamit mo. Pupunta narin ako sa kwarto ko para ayusin rin ang mga gamit ko." Pag papaalam nito "Sige Nikka, salamat." Maiksing niyang sagot bago inihatid ng tanaw ang paalis na kaibigan Nang mapag isa na siya ay nilibot niya ang paningin sa kanyang magiging kwarto. Maganda at malaki ito kaya't hindi mo mapag kakamalang kwarto lamang ito ng tulad niyang kasambahay. Hindi niya mapigilang mapangiti ng makitang halos kumpleto na ang mga gamit sa loob nito tulad ng katamtaman kama, upuan, lamesita, maliit na tv at kabinet. Mas lalo pa ngang lumawak ang kanyang pagkakangiti ng mapadako ang kanyang mga mata sa kulay puting bagay na nakadikit sa dingding na nagbubuga ng malamig at mabangong hanging sa buong kwarto. Pakiramdam niya nanaginip siya ng mga oras na iyon. Hindi siya makapaniwala at abot abot ang pag papasalamat niya sa Diyos dahil mabait ang napuntahan niyang amo kaya't siguradong magiging maayos ang kanyang pagtatrabaho dito. Natigil siya sa paglalagay ng mga damit niya sa kabinet ng biglang tumunong ang kanyang cellphone. "Jia nakalimutan ko palang sabihin sayo na 5am ang gising natin dito kaya't pag tapos mong mag ayos ng gamit magpahinga kana okay?" "Okay Nikka, salamat." Reply niya sa kaibigan Itinuloy niya ang naudlot na pag lalagay ng mga damit sa kabinet at saka nag walis ng bahagya. Matapos mag ayos ng mga gamit ay naisip niyang maligo muna para kahit pano'y mapreskuhan ang pagod niyang katawan. Matapos maligo ay tinuyo niya ang buhok gamit ang tuwalya dala niya. Patumba siyang nahiga sa malambot na kama at tila batang naglaro sa kalambutan ng higaan. Nakaramdam siya ng uhaw dahil sa ginawang pag papatalbog talbog sa kama kaya kinuha niya ang tirang mineral water na baon niya sa byahe kanina at mabilis niya itong ininom. Wala ng laman ng ilapag niya ito sa lamesita. Pabalik na sana siya sa higaan ng mapansin ang nakausli na kung ano sa bulsa ng kanyang bag at napangiti na lamang siya ng makita iyon. "Bakit naman kaya pinadala pa niya ang picture nila ni Gian? Gusto kaya niyang hanapin ko dito sa maynila ang batang iyon? Hayy! Si Tatay talaga puro kalokohan." Bumalik siya sa higaan dala ang litratong iyon. Gusto sana niyang tawagan ang kanyang ama ngunit masyado ng gabi kaya't tiyak na tulog na ito. Nakaramdam narin siya ng antok kaya nag pasya siyang bukas nalang ito tawagan. Alas kwatro emidya ng madaling araw ng marining niya ang alarm sa kanyang cellphone. Sinadya niyang paagahin ng kalahating oras ang kanyang gising para makapag ayos muna ng kwarto at sarili bago tuluyang sumabak sa trabaho. Nag ligpit muna siya ng higaan at saka nag tungo sa kusina upang magtimpla ng kape. Nadaanan naman niya ang kaibigan habang nagka kape kaya't binati niya ito.. “Good morning Nik's.” Masiglang bati niya rito “Good morning din, ganda ng gising ahh? Halatang halata na excited ka nang mag trabaho.” Ganting bati at puna nito sa kanya “Masyado bang halata? Gustong gusto ko kasing libutin ulit ang buong mansion na ito habang nag lilinis. Tatanggalin ko ang lahat ng alikabok mo Mansion! ” Wika nitong ikinumpas pa ang kamay sa hangin “Para kang baliw dyan. Maligo ka na nga.” Natatawang utos nito Pakanta kanta pa siya habang naliligo. Damang dama niya ang kanyang first day kaya't matapos maligo ay agad siyang nag bihis upang simulan ang naka toka sa kanyang trabaho. Sinimulan niyang punasan ang mga mamahaling pegurine at vintage vase kahit tila hindi naman ito nasasayaran ng alikabok. Buong ingat niyang pinunasan isa isa ang mga ito dahil sa takot na makabasag isa man sa mga iyon. Tiyak na hindi sapat ang isang buwan niyang sweldo kung sakaling makasira siya isa man sa mga ito. Matapos ang pagpupunas ay isinunod niya ang pag papakintab sa wood dining set at iba pang display na gawa sa mamahaling kahoy. Duon palang ay halos maubos na ang kalahating araw niya dahil sa dami ng kailangang punasan at pakintabing mga furniture at display ng mansion. Nakaramdam siya ng pagod kaya naman saglit siyang naupo. Habang nag papahinga ay naalala niya na kailangan niyang padalhan at tawagan ang ama kaya't agad niyang hinanap ang kaibigan para mag patulong dito. “Sa wakas nahanap din kita.” Hingal niyang bungad sa kaibigan “Ohh bakit Jia? May problema ba?” Tanong nito “Naalala mo ba yung sinabi ko sayo nuong papunta tayo dito?” Balik tanong niya sa kaibigan “Alin duon yung hindi ka mag aasawa kung hindi lang din si Gian?” Muling tanong nito “Ano kaba Hindi iyon! Diba sabi mo tutulungan mo akong mag sabi kay Ma'am Estella na magka cash advance ako para kay Tatay?” Paalala niya sa tila nakalimot ng si Nikka “Oo nga pala. Sorry nakalimutan ko. Saglit tatapusin ko lang ito.” Sagot nitong minadali ang pag lagay ng mga blangket sa laundry Agad nilang tinungo ang private room kung saan madalas naglalagi ang kanilang among si ma'am Estella. “Ma'am Estella may gusto po sanang ipakiusap saiyo si Jia.” Panimula ni Nikka “Ano ba iyon Jia? Wag kang mahiyang mag sabi ng kailangan mo.” Anang Ginang “A- ahh, kung pwede po sana magka cash advance ako ma'am. Kailangan ko po kasing mag padala sa tatay ko sa probinsya pambili po n'ya ng gamot at pang gatos araw araw.” Nahihiya niyang sagot “Iyon lang ba? Ohh heto ang pera. Ipadala mo sa probinsya ang sampung libo at ipamili mo ng mga personal mong gamit ang limang libo para may magamit ka dito.” Sagot nito sabay abot sa kanya ng pera “Ang laking halaga po nito ma'am. Maraming salamat po sa pagtitiwala.” Nakangiti niyang sagot sa amo "Oo nga pala Jia, ten thousand ang starting salary mo dito at kapag nakita kong masipag at mapagkakatiwalaan ka pwede pa kitang taasan ng sahod. Maasahan ba kita Jia?” Nakangiti nitong tanong "Opo ma'am. Asahan po ninyong magsisipag ako sa trabaho. Maraming salamat po ulit.” Muling sagot niya “Oh sya sige, ipadala mo na ang perang iyan at bumuli kana rin ng mga personal na kailangan mo. Huwag kalang masyadong mag tatagal dahil ngayon ang dating ng sir Liam ninyo.” Paalala pa nito sa kanya “Opo ma'am. Madali lang po ako duon.” Sagot pa niya bago nila ito tuluyang iniwan Marami pang gagawin nuon si Nikka kaya hindi na siya nito nasamahan. Ganon pa man ay itinuro na lamang nito ang pinaka malapit na mall kung saan pwede siyang mag padala at mamili. Naabutan niyang kakaunti lang ang customer ng bangko kaya't madali siyang nakapag padala. Matapos makapag padala ay agad niyang tawagan ang kanyang ama upang kamustahin ito at siguraduhing nakuha na nito ang perang ipinadala niya. Tulad ng inaasahan nagkaroon ng konti iyakan ang saglit nilang pag uusap at halos ayaw nitong ibaba ang kabilang linya dahil miss na miss na daw siya nito. Ayaw pa sana niyang putulin ang pag uusap nilang mag ama ngunit naalala niya ang bilin ng kanyang amo kaya kinailangan na niyang magpaalam dito. Nasisiyahan siya sa pamimili kaya't panay ang dampot niya sa mga bagay na kanyang natitipuhan. Palinga linga siya habang nag hahanap pa ng pwedeng bilhin kaya't hindi niya napansin ang isang empleyado na nag lalampaso ng sahig. Hindi sinasadyang matapakan niya ang mop na hawak nito at nataon din naman sa paghila ng lalaki kaya't nawalan siya ng balanse at tuluyang lumagapak sa sahig. “Hala! Kawawa naman yung babae ohh.” Bulong ng ilang tao na ngayo'y nakatingin sa gawi niya “Ouchh ang sakit naman.” Reklamo niya “Naku! ma'am sorry po hindi ko po sinasadya.” Hingi ng tawad ng lalaking empleyado "Huwag kang mag sorry sa kanya dahil kung tutuusin s'ya naman ang may kasalanan. Kung hindi kasi siya tatanga tanga at kung tinitingnan niya ang nilalakaran n'ya hindi siya madudulas!” Sabad ng isang lalaking estranghero “Hoy mister! Parang ang hard naman yata ng word mo sakin? Hindi ko naman sinabi ko bang kasalanan niya ang nangyari sakin?! Ano ikaw ba ang may ari nitong mall kaya ganyan kang mag react?” Gigil niyang tanong sa lalaking estranghero “Hindi nga! Pero concern ako sa empleyado na pwedeng matangalan ng trabaho dahil sa katangahan ng mga taong tulad mo!” Ganting bulyaw nito “Abat! hoy ikaw kung wala kang masasabing maganda pwede bang umalis ka nalang! Pakialamero ka ehh!” Pigil sigaw niyang taboy dito “Ano karapatan mo para mag paalis ng customer?! Bakit kaya mo bang i rent ang buong mall na ito? Ahhh wait, wag mo nang sagutin dahil kita naman sa pananamit at itsura mo na hindi mo kaya.” Pang iinsulto nito habang tinitingnan siya mula ulo hanggang paa “Aba't napakayaman mo naman pala sa kayabangang unggoy ka ehh! Ang lakas ng loob mong mag tanggol ng iba habang pinapahiya naman ako sa harap ng marami. Kalalaki mong tao pumapatol ka sa babae! Daig mo pa ang babae kung tumalak ahh? Ah, baka naman kasi hindi ka tunay na lalaki?” Ganting pamamahiya niya rito Nakita niya ang mga nagbubulungang mga tao na nakiki usyoso sa kanila. May mga pumanig sa estrangherong lalaki ngunit di hamak na mas marami siyang nakuhang simpatya kaya nakita niyang namumula ang mukha nito sa galit habang tila talunan na lumalayo sa kinaroroonan niya. “Nuknukan ng yabang ang lalaking iyon! Haist! Nakakainis sinira niya ang araw ko. Wag lang muling mag tagpo ang landas natin tuturuan talaga kita ng leksyong unggoy ka! Naku kanina pa dapat akong nasa mansion kung hindi lang dahil sa lalaking iyon eh!” Inis niyang bulong sa sarili habang nag hahanap ng masasakyan. Kahit pa nga iika ika siya sa pag lakad ay nag madali siyang umuwi dahil tiyak na hinahanap na siya sa mansion. “Oh Jia, nanjan kana pala? bakit ang tagal mo?” Bungad ni Nikka "Sorry may nakasalubong kasi kong unggoy duon sa mall ehh.” Sagot niyang pilit itinutuwid ang lakad “Napano ang paa mo? Nadisgrasya kaba?” Alalang tanong nito “Oo pero hindi naman grabe, mas masakit pa nga yung mga sinabi ng walang hiyang lalaki na iyon eh!” Muling bumangon ang inis sa dibdib niya ng maalala ang mukha ng lalaking nakaaway niya kanina. “Lalaki? Sinong naman lalaki? May nakaaway kaba?” Naguguluhan nitong tanong “Isang lalaking punong puno ng kayabangan sa katawan! Hay! Sa sobrang inis na nararamdaman ko sa kanya ni ayoko siyang maalala. Maiwan muna kita Nikka, kailangan ko pang tapusin ang naiwan kong trabaho.” Paalam niya dito “Sige. ” Sagot nito na halatang nabitin sa kwento niya Tapos na ang lahat ng kanilang gawain kaya't nag pahinga muna sila sa garden. Presko duon at sariwa din ang hangin kaya nakakatanggal talaga ng stress at pagod. Nakakalibang ding tingnan ang ibat ibang kulay ng mga imported flowers na nandito kaya talagang aliw na aliw sila sa pag papahinga duon. Habang enjoy sila sa pagmamasid ay hinihintay naman nila ang pag dating ng kanilang Sir Liam ngunit mag didilim na'y wala parin ito.. Matapos ang mahabang paghihintay nakita nila na may pagmamadaling lumabas si donya Estella habang kay lawak ng pagkakangiti. Hindi niya maipaliwanag ang kanyang naramdaman ng mga sandaling iyon dahil tila may umahong kaba sa kanyang dibdib ng iluwa nang puting kotse ang lalaking sakay nito. All Rights Reserved 2020 Copyrights owned by Leanna89 _________________________________ Author's note: Thank you sa patuloy nyong supporta guys! labb yahhhh. Ps. Please vote, comment and follow me narin po😊"My perfect boss ”Book cover credit: App developer➡Picsart➡Phonto➡IbisPaintX➡PinterestBook cover photo not mine credit to the owner!Publish date: Sunday, June 4 2023All Rights ReservedCopyright © 2020 by LEEANNA89No part of this document may be reproduced or transmitted in any form or by any means, electronic, mechanical, photocopying, recording, or otherwise without prior written permission of the author.This story is work of fiction. Names, Character and incidents either are the product of the author imagination or are used fictitiously, and any resemblance to actual person living or dead, bussiness, establishment, event, or locales is entirely coincidental.Warning: Mature content || R18 Please be advised that this story contains mature themes and strong language. [ This story is under editing ]Bata pala lamang sina Gian at Jia ay nag katagpo na ang kanilang Landas dahil sa isang aksidente na muntik na niyang ikalunod. Sa insidenteng ito nag simulang umusbong ang kan
My perfect bossIsang umaga habang nagwawalis sa harap ng kanilang bahay si Jia ay may natanaw siyang dumarating na magarang kotse at huminto ito sa harapan ng kanilang bakuran. Iniluwa nito ang kilalang mag Ama na nagpapautang sa kanilang baryo na walang iba kundi sina Don Rafael at Senyorito James. Itinigil niyang sandali ang pagwawalis at saka blangkong tumingin sa mga ito. Samo't saring katanungan ang rumihestro sa kanyang isip habang papalapit ang mga ito na tila ba may sadyang importante sa kanila.“Don rafael at señyorito James maganda umaga po. Ano pong sadya ninyo at naparito kayo ng ganitong kaaga?” Takang tanong niya sa mga ito “Nasaan si Ramon? Nandito ba siya ngayon?" Tanong nito sa malalim na tinig"Opo. Nasa loob po siya at nagpapahinga." Magalang niyang sagot"Nagpapahinga? Hindi ba dapat nasa bukid siya ngayon at nakiki- ani ng palay?" Muling tanong ng Don"Masama po kasi ang pakiramdam ni tatay ngayon kaya po pinagpahinga ko po muna siya.""Kung sa simpleng karamdam
" My perfect bOss Chapter two "Sinimulan ni Mang Ramon na maki- ani sa palayan ng mga kaibigan para makadagdag sa kita nila ng anak. Samantala siya naman ay nag simula naring maghanap ng mapapasukang trabaho. Halos naikot na niya ang buong baryo ngunit wala siyang makitang trabahong malaki ang sweldo, meron man ngunit hindi siya qualified sa posisyong kailangan ng kompanya.Dahil sa kagustuhang kumita kahit papaano'y pinasok na muna niya ang pagiging tindera sa palengke. Hindi man kalakihan ang sweldo ay pinag tyagaan na niya iyon. Sabi nga ng kanyang ama " Kaunti man, dadami rin kung iipunin." Hindi naging madali ang unang araw niya bilang tindera sa palengke. Bukod kasi sa sunod sunod ang mga costumer sa pagdating ay ramdam narin niya ang pamimintig ng kanyang mga binti dahil sa buong araw na pag- aasikaso sa mga mamimili. Mabuti nalang at mabait ang kanyang mga amo at paminsan minsan ay pinagpapahinga siya ng mga ito. Malaking tulong sa kanyang mga nangangawit na binti ang maiksi
"My perfect boss chapter three"* SABADO NG GABI *Pinipilit niyang matulog ngunit tila hindi siya dinadalaw ng antok. Marahil dahil iyon sa pinaghalong takot at excitement dahil sa gagawin niyang pakikipag sapalaran sa maynila. Naisip niyang lumabas upang magpahangin ngunit nadatnan niya duon ang kanyang ama na naka upo sa kanilang hagdan at tila kay lungkot na nakatanaw sa kawalan. Marahan siyang lumapit at tila nagulat pa ito ng bigla siyang naupo sa tabi nito at saka yumakap."Tay wag kana pong malungkot. Promise po mabayaran lang po natin si Don Rafael babalik po agad ako dito para magkasama po ulit tayo. At saka wag ka pong mag alala sakin dahil mag iingat po ako duon. Isa pa'y nanduon din naman po si Nikka kaya't siguradong hindi n'ya ako pababayaan duon." Pagpapalubag niya sa loob nito"Alam mo ba kung saan ako mas nalulungkot? Nalulungkot ako na ang nag iisang anak ko ang kailangang magsakripisyo at magpa alila sa ibang tao. Iniisip ko pa lang iyon nadudurog na ang puso ko."
"My perfect boss chapter four" Nakarating sila ng hindi nila namamalayan medyo nalibang kasi sila sa pagkukwentuhan habang nasa byahe kaya't muntik narin silang lumampas sa kanilang pagbababaan. Bahagya pa silang lumakad hanggang sa marating na nila ang entrance ng isang magara at sosyal na subdivision. Agad naman silang sinalubong ng security guard para tingnan ang kanilang I.D pati narin ang mga gamit na kanilang dala dala . Matapos nitong inspeksyonin ang kanilang mga gamit ay binuksan na nito ang maliit na parte ng gate at dito'y tuluyang tumambad sa mga mata niya ang mga naggagandahan at naglalakihan na tila mansion na mga bahay. Sobrang mangha at halos hindi siya makapaniwala na isa sa mga mansion na ito siya mag tatrabaho. Dati ay sa televesion lang niya nakikita ang ganito kalalaking bahay kaya't sobrang excited niya ngayon. "Dito ba talaga tayo mag tatrabaho Nikka? Sobrang lalaki at ang gaganda naman ng mga bahay dito." Tanong niyang hindi parin naaalis ang mata sa mga nag
"My perfect boss chapter three"* SABADO NG GABI *Pinipilit niyang matulog ngunit tila hindi siya dinadalaw ng antok. Marahil dahil iyon sa pinaghalong takot at excitement dahil sa gagawin niyang pakikipag sapalaran sa maynila. Naisip niyang lumabas upang magpahangin ngunit nadatnan niya duon ang kanyang ama na naka upo sa kanilang hagdan at tila kay lungkot na nakatanaw sa kawalan. Marahan siyang lumapit at tila nagulat pa ito ng bigla siyang naupo sa tabi nito at saka yumakap."Tay wag kana pong malungkot. Promise po mabayaran lang po natin si Don Rafael babalik po agad ako dito para magkasama po ulit tayo. At saka wag ka pong mag alala sakin dahil mag iingat po ako duon. Isa pa'y nanduon din naman po si Nikka kaya't siguradong hindi n'ya ako pababayaan duon." Pagpapalubag niya sa loob nito"Alam mo ba kung saan ako mas nalulungkot? Nalulungkot ako na ang nag iisang anak ko ang kailangang magsakripisyo at magpa alila sa ibang tao. Iniisip ko pa lang iyon nadudurog na ang puso ko."
" My perfect bOss Chapter two "Sinimulan ni Mang Ramon na maki- ani sa palayan ng mga kaibigan para makadagdag sa kita nila ng anak. Samantala siya naman ay nag simula naring maghanap ng mapapasukang trabaho. Halos naikot na niya ang buong baryo ngunit wala siyang makitang trabahong malaki ang sweldo, meron man ngunit hindi siya qualified sa posisyong kailangan ng kompanya.Dahil sa kagustuhang kumita kahit papaano'y pinasok na muna niya ang pagiging tindera sa palengke. Hindi man kalakihan ang sweldo ay pinag tyagaan na niya iyon. Sabi nga ng kanyang ama " Kaunti man, dadami rin kung iipunin." Hindi naging madali ang unang araw niya bilang tindera sa palengke. Bukod kasi sa sunod sunod ang mga costumer sa pagdating ay ramdam narin niya ang pamimintig ng kanyang mga binti dahil sa buong araw na pag- aasikaso sa mga mamimili. Mabuti nalang at mabait ang kanyang mga amo at paminsan minsan ay pinagpapahinga siya ng mga ito. Malaking tulong sa kanyang mga nangangawit na binti ang maiksi
My perfect bossIsang umaga habang nagwawalis sa harap ng kanilang bahay si Jia ay may natanaw siyang dumarating na magarang kotse at huminto ito sa harapan ng kanilang bakuran. Iniluwa nito ang kilalang mag Ama na nagpapautang sa kanilang baryo na walang iba kundi sina Don Rafael at Senyorito James. Itinigil niyang sandali ang pagwawalis at saka blangkong tumingin sa mga ito. Samo't saring katanungan ang rumihestro sa kanyang isip habang papalapit ang mga ito na tila ba may sadyang importante sa kanila.“Don rafael at señyorito James maganda umaga po. Ano pong sadya ninyo at naparito kayo ng ganitong kaaga?” Takang tanong niya sa mga ito “Nasaan si Ramon? Nandito ba siya ngayon?" Tanong nito sa malalim na tinig"Opo. Nasa loob po siya at nagpapahinga." Magalang niyang sagot"Nagpapahinga? Hindi ba dapat nasa bukid siya ngayon at nakiki- ani ng palay?" Muling tanong ng Don"Masama po kasi ang pakiramdam ni tatay ngayon kaya po pinagpahinga ko po muna siya.""Kung sa simpleng karamdam
"My perfect boss ”Book cover credit: App developer➡Picsart➡Phonto➡IbisPaintX➡PinterestBook cover photo not mine credit to the owner!Publish date: Sunday, June 4 2023All Rights ReservedCopyright © 2020 by LEEANNA89No part of this document may be reproduced or transmitted in any form or by any means, electronic, mechanical, photocopying, recording, or otherwise without prior written permission of the author.This story is work of fiction. Names, Character and incidents either are the product of the author imagination or are used fictitiously, and any resemblance to actual person living or dead, bussiness, establishment, event, or locales is entirely coincidental.Warning: Mature content || R18 Please be advised that this story contains mature themes and strong language. [ This story is under editing ]Bata pala lamang sina Gian at Jia ay nag katagpo na ang kanilang Landas dahil sa isang aksidente na muntik na niyang ikalunod. Sa insidenteng ito nag simulang umusbong ang kan