Gabi ng prestihiyosong launch ng isang sikat na intimate apparel sa bansa. One of the hottest events.
Pamoso ang naturang paglulunsad kaya't inaabangan ito ng lahat, maging ng mga kilalang personalidad sa mataas na antas ng Sociedad lalo na sa larangan ng fashion industry. Kaya naman ay napuno ng mga manonood ang malaking convention center. Katulad ng inaasahan ay sinalubong ng masigabong palakpakan mula sa audience ang mga glamorosang modelo ng isa-isa nang maglakad sa runway. Suot ang iba't-ibang disenyo ng branded sexy lingeries ay lumutang ang kanilang kaseksihan kung saan ang bawat isa ay nag-aangkin ng kakaibang karisma.Subalit kung ang lahat nang naroon sa bulwagan ay nasisiyahan at napapasipol sa mga nasisilayang kagandahan hindi si Clark Zantillan. Habang nakatitig sa isang partikular na imahe ang doktor ay nagsimulang maningkit ang mga mata nito, kasabay noon ay pagtiim ang mga bagang at pagkuyom ng mga palad. His face went red.Mula naman sa saliw ng isang malamyos na tugtugin. The supermodel Anya Collins triumphantly paraded on the catwalk while blowing air kisses to the audience. With her sexy smiles and seductive looks wearing a very sexy black lace bikini with an extravagant feathered robe that shows her sexiness. All eyes in her. Captivated by her gorgeous whole being.Ni walang may gustong magkurap ng mga mata sa mga manonood partikular na ang mga kalalakihan. Bakas sa kanilang mukha ang masidhing paghanga para sa modelo. Maging ang kaibigan ni Clark na si Vince ay hindi naitago ang admirasyon habang pinanonood ang babae. Umugong muli ang palakpakan. Ang mga naroong bisita ay talaga namang may kanya-kanyang paboritong hinahangaan. Kumbaga sa sabong may kanya- kanyang mga naging manok.Matapos ang isang pasada sa entablado ay nagpasya si Anya na manatili muna sa dressing room. Isinandal niya ang ulo sa couch at bahagyang ipinikit ang mga mata. Nais niyang maipahinga pasumandali ang pagal na isip at katawan. Isang malalim na paghinga ang kanyang ginawa.She came from the busiest city of New York. Twenty years ago ay nilisan niya ang bansa to build a new life in the States and find interest there. Sa tulong ng isang kaibigan ay na locate niya ang kinaroroonan ng hindi nagisnang ama. Agad niyang kinontak ang lalaking nangangalang George Cole, na ayon sa kanyang Lola ay siyang lehitimong pangalan ng tatay niya. Balot ng agam-agam ay nagpakilala syang anak nito. At ganoon na lamang ang pasasalamat niya at kinilala siya ng Britong ama at buong pusong tinanggap maging ng pamilya nito.Ayon sa ama ay hindi naging madali ang lahat para rito. Nagkaroon ng malaking krisis sa Britanya, kung kaya't hindi na nito nagawang makabalik pa sa Pilipinas. Labis ang paghingi ng tawad ng kanyang ama na kanya namang pinagbigyan. Nangako ang lalaki na babawi sa mga naging pagkukulang sa kanya. Kaya naman ay agad silang nagkasundo, lumipad sya ng America sa kagustuhan na rin nito para makasama sya.Ang mga unang taon niya sa States ay hindi naging madali. Malaking adjustment ang ginawa niya at habang nag aaral sa isa sa mga Universities doon she was spotted by a model scout. Inalok siya nito ng trabaho bilang modelo and she grabbed the opportunity. Hindi naman kasi sa lahat ng pagkakataon ay aasa siya sa tulong ng ama. Kahit pa ba sabihing napakabuti rin ng asawang kauli nito sa kanya. Nagsimula siya sa swimwear line hanggang maging regular endorser ng isang sikat na brand of sexy lingerie sa states. Pero bago niya naabot ang kinalalagyan katulad ng iba ay dumaan rin sya sa napakaraming pagsubok. At sa lahat ng iyon ay lumaban sya ng patas. She became famous and one of the top-earning models in the fashion business. Doon na nagsimula ang glamorosang mundo niya.At ngayon ay naririrto sya sa sariling bansa para sa isang mahalagang bagay. Tinawagan niya si Eunice upang ipagbigay alam na nasa Pilipinas na siya at nasa mismong event place nito. Ganoon na lamang ang pagkamangha ng kaibigan at dating katrabaho. Matagal na siyang kinukulit ng babae na magbakasyon sa Pilipinas sa bayan nito sa San Sebastián pero lagi na'y tumatanggi siya at ginagawang dahilan ang pagiging abala sa kanyang trabaho. Ngunit napahinuhod rin sya ng ama na bigyan ng break ang sarili sa career.Isang linggo bago siya tumulak ng Pilipinas ay kausap niya si Eunice sa telepono. Masaya nitong ibinalita ang muling pagsabak sa fashion industry. Pero sa pagkakataong ito ay hindi bilang isang modelo kundi co-founder ng isang Lbrands. Labis ang naging katuwaan niya para sa kaibigan dahil pangarap iyon nito.Eunice is a former Angel's top model kung saan ay kabilang rin siya. Bata sa kanya ng limang taon ang babae pero hindi iyon naging hadlang upang hindi sila maging matalik na magkaibigan. Eunice married a rugged business tycoon, very much in love with the guy para magpasya ang kaibigang lisanin ang mundo ng pag momodelo sa kabila ng r***k ng tagumpay at kasikatan. Sa kasalukuyan ay may dalawa nang anak ang kaibigan.Isang marahang katok sa pinto ang nagpadilat sa mga mata ni Anya, marahan siyang bumaling roon. Bumungad mula sa bukana ang napakagandang si Eunice Montes. So elegant in her black long gown that simply revealed her curves despite motherhood. Kay luwang ng mga ngiti ng babae. She stood at mahigpit na yakap ang isinalubong nila sa isa't-isa.”What a big surprise!" Ani Eunice na di magkamayaw sa kasiyahan.Hindi inasahan ng babae na makakasama siya sa line up ng mga modelo nito. Sinadya niya ang bagay na iyon upang sorpresahin ang kaibigan bilang suporta."I miss you, it’s been a while.” ang parang batang wika pa ni Eunice. Naroon ang lambing sa tono." Yeah, it's been a while and I miss you- - - damn hell! "sagot niya rito. They ended up laughing.“I know it's a tiring night but we have to celebrate. Hindi ko palalagpasin ang gabing ito. Come on, my husband Vince and his friend can’t wait to meet you, darling." Bulalas ng babae na mas excited pa sa kanya. Kulang ay hilahin sya palabas ng dressing room.A glance in a mirror and she was satisfied with her looks. Wearing an off-the-shoulder emerald green mermaid lace evening dress that fits in her side-swept hair, the classy soft curls make her look ultra femme and glamorous. Inabot niya ang hindi kalakihang signature golden clutch bag sa hairdresser at pagkatapos sumabay na palabas sa kaibigan."This is my husband Vince." Pakilala ni Eunice sa asawa."Oh hello, Vince! " bati niya sabay abot ng kanyang kamay upang makadaupang palad ang lalaki.He must be in his late thirties and a drop-dead gorgeous man. The rugged looks make him more appealing. No wonder. Lihim niyang kinindatan ang kaibigan na nakuha naman agad ang ibig niyang ipahiwatig. Napahagikhik naman ang babae."It's my pleasure to meet a supermodel from New York. Euny was right you're so beautiful" wika ni Vince na hindi maitago ang paghanga sa mga mata. "But then of course secondly to my lovely wife." Muling bulalas ng lalaki na kinabig ang asawa palapit rito. Eunice rolled her eyes at nangingiting pinandilatan si Vince.Anya smiled. Mula sa sulok ng mga mata ay gusto niyang managhili sa kaibigan. Mapalad ito at maganda ang pinatunguhan ng relasyon sa kabila ng mga naging balakid. She deserves the happiness in the world dahil hindi rin biro ang mga pinagdaanan ni Eunice. And she was happy for her, truly."Hmmm." isang tikhim mula sa isa pang lalaki na hindi agad napansin ni Anya."Oh, my! I forgot you, darling. ” Si Eunice na bumaling sa katabing lalaki at bahagya itong hinila.“Anya sweetie, This is Dr. Clark Zantillan, a surgeon and Vince's best friend. I’m sorry darling with my husband around ay nakakalimutan ko ang mga hombre’s sa tabi.” biro ni Eunice sa ipinakilalang kaibigan ng asawa.“I’ve told you Clark, hindi mo makukuha sa charm ang asawa ko.” si Vince na natatawa sa biro ni Eunice.“I knew that man.” nangingiting tugon naman ng lalaking tinawag na Clark saglit pa ay bumaling na ito kay Anya na ng mga sandaling iyon ay unti-unting nabura ang nakahandang ngiti sa mga labi. Pomormal ang lalaki at sinalubong ang nanggigilalas na titig ng kaharap.Si Anya ng mga sandaling iyon ay halos hugutin ang hininga nang magtama ang mata nila ni Clark.She was genuinely shocked. Pakiramdam niya ay nawalan ng kulay ang kanyang mukha at lumakas ang tibok ng kanyang puso. He was looking at a dashing debonair in his black tuxedo a bit stubble beard makes him more masculine and handsome. He gets older but maturity suits him."I'm very pleased to meet you, Ms Collins." ani Clark sa kaswal na tono. He held his hand out. His eyes glare at her at gustong mapasinghap ni Anya sa talim na nakikita sa mga mata nito na iglap din namang naglaho. Kung dinadaya man siya ng paningin ay hindi nakakatulong sa nararamdaman niyang tensyon."I... It's my pleasure to meet you Dr. Zantillan."sa wakas ay sambit niya, halos bulong na nanulas ang mga salitang iyon sa labi niya. Inabot niya ang nakalahad na kamay ng lalaki para lamang magulat sa init na nanulay mula roon. Katulad parin iyon ng dati nakakadarang at nakakapaso.Mabilis naman na binawi ni Clark ang palad nito mula sa kanya. Nanatiling pormal ang ekspresyon ng lalaki dahilan upang makaramdam siya ng labis na pagkailang."Hope you enjoy your staying here in the country, Ms. Collins," he said. His gaze is unwavering and direct.Sinikap ngumiti ni Anya. Lumunok sya ng ilang beses para matanggal ang tila bara sa lalamunan. Kapag nag stutter pa sya ay magmumukha na siyang katawa-tawa sa harap ng tatlo. Baka makahalata pa ang kaibigan sa pagkatuliro niya."Yeah, I hope so." matipid na tugon niya sa lalaki. Hiding her emotions.Clark grinned but the handsome features were instantly guarded. "Good then. Oh, I'm afraid but I have a colleague there to talk to." tumanaw ang lalaki sa di kalayuan kung saan ay may nakakaway ritong babae."As always..."Eunice utters while rolling again her eyeballs."Honey, Clark has other things that had to do."banggit ni Vince na kumindat sa kaibigan."And like what exactly?." Eunice asked frowning.Clark responded with a short, ironic laugh to his best friend's wife. Then he returned his gaze to Anya.“ Enjoy the night, Miss Collins.”Anya smiled and simply nodded but she couldn't help but be curious at what exactly Clark wanted to do. Hindi kaya at gusto lang sya nitong iwasan?Sandali pa ay tumalikod na ang binata para lapitan ang babaing naghihintay rito.Mahaba pa ang gabi subalit bawat oras na dumadaan ay naging kabagot-bagot na kay Anya.The taste of tequila didn't help her.Nagririgodon ang kanyang mga pandama. Gayunpaman ay wala siyang masabi sa mag-asawa they entertained her with so much care nag boluntaryo pa nga si Vince na ipagamit sa kanya ang presidential suite nito sa isang kilalang hotel sa Makati na malugod niyang tinanggihan.Saglit din namang nasolusyunan ang awkwardness niya kay Clark dahil mukhang wala namang balak ang lalaki na harapin siya patunay ang mga pag iwas nito.Kanina'y natanaw niya ang binata flirting with a young model…no wonder it was his expertise. Yes, binata dahil napag-alaman niyang wala paring asawa ang lalaki na syang labis naman niyang pinagtatakhan.Minabuti niyang magpaalam na kila Eunice at Vince. Talagang nababagot na sya sa walang tigil na ka-aaligid ng mga kalalakihan sa kanya. And their story bored her to death. Kung hindi pa niya alam gusto lang naman ng mga ito na makaisa. Well, they approached the wrong person.Si Clark ay tuluyan nang naglaho sa paningin niya mukhang nagkaigihan ito at ang kausap na batang-batang modelo kanina.Minsan pa she felt the same familiar pain. Subalit nararapat ba siya sa ganoong pakiramdam? Hindi nga ba at siya ang unang tumalikod without saying a word.My goodness, she needs fresh air to breathe in.Seeing Clark again pakiramdam niya ay ito na ang pinakakapagod na gabi sa tanang buhay niya at hindi niya inaasahan.Nagpasya na siyang lumabas at tinungo ang kinapaparadahan ng nirentahang Honda Sedan nang mula sa kung saan ay pumarada sa harap niya ang latest model black ACURA NSX.Para lamang mapatda sa bumungad na pamilyar na bulto nang bumukas ang salaming bintana nito."GET IN...." si ClarkWalang pag-uusap na namagitan sa kanila ni Clark habang asa sasakyan. Humantong sila ng binata sa condo suites nito sa may Eastwood City.“Care for a drink?” Alok ni Clark sa dalaga pagkatapos nitong maupo sa sofa.Bahagyang tumango si Anya bilang sagot sa binata. Sa hinuha niya ay kailangan niya nga ng maiinom para makalma ng bahagya ang mga nagwawalang senses niya sa katawan. Mula pa kanina sa muli nilang pagkikita ng lalaki ay hindi na niya maawat ang mga pandama. Tila mga mandirigma na sabay-sabay na nag-rebolusyon ang mga ito at animo gustong magsipag-aklas.Sinundan ng dalaga ang bawat galaw ni Clark, mula sa paghubad ng lalaki ng coat and tie nito at pagsampay sa coat rack. Pagtanggal ng ilang butones sa uhales ng suot nitong long sleeve at pagtupi ng manggas hanggang siko. Jusmiyo! Talo pa niya ang na starstruck sa pagkakatitig sa dating nobyo. She can't deny that he looks more appealing and dashingly handsome man. Tuloy pakiramdam niya ay kay daming paruparo na nagliliparan s
Mataas na ang araw nang magising ang dalaga kinabukasan. Inut-inot na bumangon si Anya at sumandal sa headboard ng kama. Nakaramdam siya ng konting pagbigat ng ulo maging ng munting pagkahilo. Naisapo niya ang isang kamay sa noo. Nagulat pa siya nang malaglag sa baywang ang puting kumot at tumambad ang hubad niyang katawan. Nanlalaki ang mga matang nilinga niya ang buong paligid. Saka lamang niya nahinuha na wala siya sa sariling silid. Nag-iisa na lamang siya sa kuwarto at magulo ang ayos ng kama. Napaungol siya nang maalala ang nangyari nang nagdaang gabi, dahil doon ay muling uminit ang kanyang pakiramdam. Mabilis na ibinalot niya sa katawan ang puting sapin. Nais niyang tumayo upang hanapin si Clark. Nakakahiyang tinanghali siya ng gising sa higaan nito. Ang akmang pagtayo ay naudlot nang makaramdam siya ng konting pagkahilo. Naalala niyang naparami pala sya ng tequila sa event ng kaibigan tapos nadagdagan pa ng ininom nila ni Clark kagabi. Naghalu-halo na tuloy ang alak sa kanya
Dumating ang araw ng sabado. Ilang oras nalang ay darating na si Clark para sunduin siya. Alas otso ng umaga ang usapan pinaalala iyon muli ng kaibigan nang nagdaang gabi na magkausap sila. Kaya naman ay maaga nga siyang gumising. Pero ito sya ngayon at nakatulala habang nakatitig sa mga nakasabog niyang damit sa kama na kanina pa niya pinagpipilian ngunit hindi niya mapagpasyahan kung alin sa mga ito ang isusuot. Lahat na ata na laman ng dresser niya ay nailabas na niya. Hays! Bakit ba sya na pi-pressure sa kung ano ang isusuot? Ibig bang sabihin nun ay inaalala pa rin niya ang magiging impression ng lalaki sa kanya?A big yes! Hindi mo pa kasi aminin na gusto mong maging kabigha-bighani sa paningin ng dati mong nobyo, bulong ng isip niya. Ipinilig niya ang kanyang ulo at agad na pinalis ang isiping iyon.No! Wala sa intensyon niya ang magpa- impressed kay Clark. Nais niya lamang na maging akma ang magiging kasuotan niya sa salu-salo at siyempre pa maging presentable sa paningin ni
Sa wakas ay narating nila Clark at Anya ang mansion ng mga Villaroman.Mabilis na bumaba ng sasakyan ang dalaga at hindi na hinintay na pagbuksan pa siya ni Clark.Nagplaster agad sa mukha niya ang pagkamangha sa mansion. Because of the classy design and magnificent landscaping. Namataan ni Anya ang kaibigan na nag-aantay sa may doorway at kontodo kaway sa kanila.Kanina habang asa biyahe ay may tumawag kay Clark at tila inaalam kung nasaan na sila banda.Hula niya ay si Vince iyon ang asawa ng kaibigan na kaibigan rin nito.Masayang sumalubong si Eunice sa kanila. Nagbeso silang magkaibigan.Kasunod ng babae ang asawang si Vince na karga-karga ang bunsong anak na si Rigo.“Hey, lil man.” Salubong ni Clark sa mag-ama.Lumarawan ang tuwa sa bata nang mapagsino ang bagong dating.Nagmuwestra agad itong magpapakarga kay Clark.Pinagbigyan ito ng binata at kinuha ang bata mula sa ama.Habang papasok ng mansion ay nilalaro ni Clark si Rigo na walang humpay sa kahahagikhik.“Get a wife man
Pagkatapos mag-book ng grab car ay nagpaalam na rin si Anya. Nagpasalamat siya sa mainit na pagtanggap ng pamilya Villaroman. Tinanggap niya ang halik ng pamamaalam mula sa mag asawang Vince at Eunice. Awkward pero pilit niyang nilalabanan ang kahihiyang nararamdaman sa asawa ng kaibigan. Sinikap niyang kumilos ng normal sa harap nito at tila naman hindi alintana ni Vince ang pagkakahuli nito sa kanila ni Clark. Katunayan ay hindi pinaramdam sa kanya ng lalaki na kailangan niyang maasiwa rito.Sandali pa ay maluwang ang ngiti na bumaling naman siya kay si Lola Consuelo. Inabot niya ang mga kamay nito. Naramdaman niya ang paghigpit ng mga kamay nito sa palad niya."Iha, maraming salamat sa pagpaunlak mo sa aking imbitasyon. Labis ang aking kagalakan dahil sa wakas ay nakilala rin kita. Sa totoo lang sa mga kuwento pa lang ni Eunice ay tila matagal na kitang kilala." Na-touch naman si Anya sa narinig mula kay Lola Consuelo. Niyakap niya ang matanda at hinagkan ito sa magkabilang pisngi
Sampung minuto para mag ika-siyam ng gabi, ang basa ni Anya sa orasan. Nakakaramdam na siya nang pagkainip. Mahigit tatlong oras na siyang pinaghihintay ni Clark at ayon sa lalaki ay may kakausapin lang raw itong kliyente sa hotel na natanaw niya kanina. Maaaring iyon ang tinutukoy ng binata bago sila tumulak ng Alabang kaninang umaga. Clark left her in a beach house with the bahay kubo inspired. Ang bubong ay gawa sa nipa hut with a high ceiling to cover the upper limits of a room. Ang sahig ay yari naman sa matibay na kahoy na pangitang alaga lagi sa barnis dahil kay kintab. Medyo may kataasan ang silong na may benteng baitang mula sa buhanginan. It has also a wide porch for basking in the beach views. Kung saan sa bawat haligi niyon ay may nakasabit na halamang petunia.The home design concept is open-plan living. Dahil magkanugnog na ang living room, dining room, and kitchen's snack bar. Halos kumpleto na rin sa mga kagamitan. May malaking silid with a king-sized bed-another door
Kinabukasan ay hindi rin agad sila bumalik ng Maynila ni Clark. Inilibot sya ng binata sa buong resort kasama na ang island hoping kung saan sumakay sila ng pamboat para makatawid sa kabilang isla. Nag jetski rin silang dalawa at matagal na naglunoy sa dagat. Suma-total ay nag enjoy siya sa isang araw na pananatili nila sa resort. At sa tuwing nagkakaroon ng pagkakataon na mapagsolo sila ni Clark ay nauuwi lamang sila sa maiinit na tagpo. At sa pagkakataong iyon ay naging handa na ang lalaki. Gumamit na ito ng proteksyon. Maliban lamang sa isang beses na nagtalik sila habang naliligo sa dagat. Bagay na hindi naman niya binigyan pansin.Gabi na nang sila'y bumiyahe pabalik sa siyudad ngunit sa penthouse ni Clark sa Eastwood City sila tumuloy. Walang namutawing salita sa kanya nang dalhin syang muli roon ng binata. Nagpatianod sya sa nais gawin ng dating nobyo. At sa penthouse ay tila wala itong kasawaan sa kanya. Paulit-ulit niyang isinuko ang sarili kay Clark. Pinagbigyan niya ang sa
It is past eight o'clock in the evening when Anya arrives at Peninsula Manila. She stepped down of the cab and gave her key to the valet who approached her arrival. Then she headed to the Hotel.Nakita ng dalaga ang pagkaway ni Eunice pagpasok pa lamang niya ng bulwagan. She formed a sweet smile on her lips bago marahang naglakad palapit sa kaibigan. Sinalubong na rin siya ng babae kasunod ang asawa nito. Nagyakap silang magkaibigan bago bineso niya si Vince. Pagkatapos ay Iginiya na sya ng mag-asawa sa upuan ng mga ito.Humalik at nagmano siya kay Lola Consuelo na tuwang-tuwa nang makita siya. Hindi maitago ang pangingislap ng mga mata ng matanda. Isang makahulugang tingin ang ibinatao sa kanya ni Eunice na tila ba sinasabing...See? She made a wry smile and mouthed sorry to her. Nanganib kasi na hindi sya makapunta.It's Lola Consuelo's 80th birthday. At napaka-glamorosa sa kasuotan nito na mala Queen Elizabeth.Bago kasi ang kaarawan ng senyora ay nagpasabi na siya kay Eunice na bak
Pagbukas ng pinto ang naulanigan ni Anya sa likuran. Ngunit nagpatuloy siya sa pagliligpit ng kanyang mga gamit. Kinabukasan kasi ang labas niya sa ospital sa tatlong araw na pamamalagi roon. Ang totoo ay naiinip na siya, ngunit suhestiyon ng doctor na manatili muna s'ya sa ospital ng isang araw pa upang maobserbahan at masigurong magiging maayos at ligtas ang lagay niya at ng dinadala. Kaya naman ay agad syang sumang-ayon sa kanyang attending obstetrician-gynecologist.“Great. You said you'd never leave me huh? I've been looking for you for the whole day." Ani Anya. Nasa tinig ang tampo kay Rence. “Nabigyan na ako ng clearance ni doktor Mariano. Anumang araw ay maaari na tayong lumipad pabalik ng New York." Aniya sa patuloy na pagsasalita. “Our things are all packed up. We're ready to go. Susunduin na lang tayo ng kinuha kong driver."Ngunit wala pa ring pagtugon mula sa likod. Nagtataka na si Anya kaya't bumaling na siya paharap sa lalaki.She froze when she met his gaze. It was Cla
Nakilala ni Rence si Rafael, naalala niyang isa ang lalaki sa mga nagbigay sa kanya ng racing sponsorship. Maliban roon ay malapit itong kaibigan ni Anya. Inutusan nito ang mga guwardiya na bitawan sya na sumunod naman agad.Lumalim naman ang gatla niya sa noo sa sinabi nito. May pagtatanong ang mga mata na binalingan niyang muli si Clark, na noo’y hindi pa rin makabawi sa natuklasan. Lumarawan ang pagdududa kay Rence.“A---anak ka ni Anya?" tanong ng isang babae na sa hinuha niya ay kasing gulang lamang ng kanyang ina. Bagama't nakangiti ay pinangiliran ito ng luha sa mga mata. Sa tabi nito ay isang babae na bagama't kababakasan ng edad ay larawan pa rin ng magandang tindig at kagandahan noong kabataan nito. Suot ang samu't -saring emosyon ay humakbang palapit sa kanya ang dalawang babae. Dito natuon ang buong pansin ni Rence. Na agad rumihistro sa mukha ang labis na pagtataka sa ikinikilos ng mga nakapaligid sa kanya.What the hell is wrong with these people? Tanong niya sa sarili n
Isang malakas na pagsinghap ang namutawi mula sa mesang kinapwestuhan ng mga magulang ni Clark. Literal na napakapit sa dibdib nito si Donya Isabel. Gulilat naman ang Don at labis na nabaghan. Si Kate na nakababatang kapatid ng binata ay totoong na-surpresa sa narinig. Napatayo itong bigla at pinagmasdan si Rence. Maya-maya ay lumambot ang bukas ng mukha nito. Rence is now raging like a bull, na anumang oras ay handang muling sumugod at magpakawala ng isa pang kamao para kay Clark. Clark froze. He shook his head to clear it. He was shocked. He wasn’t even breathing. Did he hear right? Damn it. What on earth is he talking about? The guy is huge like him. And he was claiming Anya as his mother? Disbelief came in his huge eyes. Kumakabog ang dibdib niya sa pagkabigla. Parang bomba na sumasabog sa harap niya ang rebelasyon ni Rence. And It's shattering him into pieces. “She... She's you're…w…what?" he stops stuttering then takes a deep breath and goes on. " Anya's your mother? How com
“Sir, pasensya na po at nagpumilit pumasok. Para pong palos eh, masyadong madulas.” Ang kakamot-kamot sa ulong wika ng sikyu kay Clark. Sa tabi nito ay si Rence na madilim ang mukha. Nang-uusig. Nagulat si Clark nang makita roon ang lalaki. Ito ang kahuli-hulihang tao na inaaasahan niyang makaharap sa gabing iyon.“Sige na, Karding, ako na ang bahala sa kanya.”Tumalima naman ang sikyu na patuloy sa paghingi ng paumanhin.“What do you want?” Clark asked in a cold voice.“We need to talk.” si Rence.“Without even asking me?” buwelta nya.“I don’t ask, I tell.” Magaspang na sagot ni Rence. Gustong mapamura ni Clark sa ka-arogantehan ng lalaki. Ngunit pinili pa rin niyang magpakahinahon. Kung tutuusin ay madali lang para sa kanya na palayasin si Rence sa lugar. Sa isang pitik lang ay may pagkakalagyan sa kanya ang mayabang na lalaking ito. Pero bakit nga ba narito si Rence? Ano ang sadya nito sa kanya? Sa itsura nito ay mukhang nagbabadya ito ng gulo.“It's my engagement party, don’t e
(Taong Kasalukuyan) Mabilis na nagpunas ng mga luha sa mata nito si Anya dahil sa mga bumalik na alaala. Sariwa pa rin ang lahat na parang kahapon lamang nangyari. Buong akala niya'y kaya na niyang dalhin sa dibdib ang naging pagdurusa. Nagkamali siya hindi napaghilom ng panahon ang sugat ng kahapon. “That’s enough. You've drunk too much.” Inagaw ni Rence ang bote ng tequila sa kamay niya.Bumalik rin ang lalaki sa apartment ng dalaga kinahapunan upang makausap sana ng maayos ang babae at tuloy makipag-ayos.He loves Anya and adores her so much.Malaki ang nagawang sakripisyo ng babae para sa kanya. At hindi tamang pagsalitaan niya ito ng mga bagay na makasasakit sa damdamin nito. Naabutan niyang umiinom mag-isa ang dalaga habang nakasalampak sa sahig, ni walang pakialam kung anuman ang wangis nito. Nagtagis ang kanyang bagang.Seeing her weary and hopeless enraged him to murder the one who was responsible for her distress. Umigting ang kanyang panga at kumuyom ang mga kamao. Pil
Napansin ni Anya na medyo hapis ang pisngi ng binata bakas sa mukha na may dinaraing na suliranin. Ang mga tumutubong pinong mga balahibo sa mukha ay tila hindi na nito napagkaka-abalahang ahitin. Kumislap ang mata nito nang makita siya. “Clark?” Mabilis siyang pumaloob sa sasakyan nito. Mabilis na kinabig siya ng nobyo at niyakap nang mahigpit. Kakatwang wala siyang maramdamang galit para rito o kahit konting pagtatampo man lang. Hinagkan siya ng binata sa mga labi. Naipikit niya ang mga mata nang madama ang init ng halik nito na ilang linggo rin niyang pinangulilaan. “ I have missed you, “samo ni Clark sa kanya. Oh God, she missed him too. Saglit na natigilan si Clark pagkuwa’y mataman siyang tinitigan sa mga mata. “Anya, hindi ko pinasisinungalingan ang mga balita,” seryosong wika ng kasintahan. Napasinghap siya. Pakiramdam niya anumang oras ay huhulagpos ang mga luhang kanina pa niya pinipigilan. Maagap siyang kinabig muli ni Clark. “Oh no, baby, please don’t cry. It'
Gabi na' y hindi pa rin siya dalawin ng antok. Lagpas-lagpasan ang tanaw niya sa bubungan. Habang nakasuot ang matamis na ngiti at animo'y nananaginip ng gising. Ganoon pala ang pakiramdam nang pakikipagniig. Para kang idinuyan sa ligaya. Isang linggo na ang nakalilipas pero pakiramdam niya ay naroon pa rin ang masarap na sensasyon hatid sa. kanya ng nobyo.Lahat ata ng pag-iingat ay ginawa ni Clark para hindi sya masaktan. Masasabi niyang isa na syang ganap na babae ngayon. Sadyang napakamemorable ng gabing iyon. Niyakap niya ang unang tangan at mariing pumikit nang may bigla siyang marinig na pagsipol mula sa labas ng kanilang bahay. Mabilis na bumangon si Anya, kilala niya ang ipit na boses na iyon. Bigla ay nakaramdam sya ng pagkasabik. Lumabas siya ng kuwarto at tinungo ang silid ng Lola Mareng niya. Hinawi niya ang kurtinang nagsisilbi nitong pintuan. Nakita niyang mahimbing nang natutulog ang lola niya bagamat ika-walo pa lamang ng gabi. Marahan at patingkayad siyang humakban
“Are you serious?" Lito at Hindi makapaniwalang urirat ni Clark.Para wala nang marami pang tanong ay binirahan niya ng lakad palayo. Sumunod ang binata na takang-taka sa inaasal niya.“Hey, Anya. Are you breaking up with me or you’re implying something?” habol na tanong ng nobyo.Subalit nagpatuloy lamang siya sa paglalakad. Kunwa ay walang naririnig. Kaya ba niyang aminin sa katipan ang nasaksihan kani-kanina lamang?Kaya ba niyang tanggapin na sa kabila nang pagkakaroon nila ng relasyon ay si Rada pa rin ang nasa puso nito? Sumunod si Clark. Mabilis ang mga hakbang. Nilagpasan siya. Huminto ang binata sa tapat ng pickup nito at binuksan iyon. Saka lang din niya napansin na nasa kinapaparadahan na pala sila ng sasakyan nito. “Sakay.” harap ni Clark sa kanya sa pormal na tono. Ngunit hindi siya natinag o kumilos manlang. Hindi nya pinansin ang lalaki. Nagpatuloy sya sa paghakbang pero humarang ang nobyo.“Ang sabi ko sakay.” Matigas na pahayag ng binata. Mukhang naubusan na rin ng
“O Anya, akala ko’y tumuloy ka nang umuwi?” si Manang Yoly na bumungad sa pintuan ng kusina. Mabilis na tumayo ang dalaga mula sa pagkakaupo sa bangkito. Pinagpag nito ang suot na palda at nilingon si Manang Yoly. “B…baka po kasi kailangan niyo pa ng tulong Nang Yoly .” Magalang niyang sagot.“Naku! Maraming salamat anak at kailangan ko ngang talaga.”Sumunod si Anya papasok ng kusina. "Maaari mo ba itong idulot kay Clark? Ang batang iyon kahit kailan ay hindi nahilig sa mga inuming may kulay. ” Natigilan si Anya. Hindi malaman kung tatanggihan ba ang mayordoma. Pinili niyang sundin na lamang ito. Inabot niya ang puting pantaas na mahaba ang manggas. Iyon ang nakita niyang suot-suot ng mga tagasilbi sa ginaganap na pagdiriwang. Agad siyang nagpalit at pagkatapos ay kinuha ang pitsel kay Manang Yoly na noo’y nakakunot-noo.“Namumula ang iyong mga mata, umiyak ka ba Anya?” puna ng matanda. “ May dinaramdam ka ba?”dugtong pa ni Manang Yoly na kinabakasan ng pag-aalala.“Naku, hindi