Nakilala ni Rence si Rafael, naalala niyang isa ang lalaki sa mga nagbigay sa kanya ng racing sponsorship. Maliban roon ay malapit itong kaibigan ni Anya. Inutusan nito ang mga guwardiya na bitawan sya na sumunod naman agad.Lumalim naman ang gatla niya sa noo sa sinabi nito. May pagtatanong ang mga mata na binalingan niyang muli si Clark, na noo’y hindi pa rin makabawi sa natuklasan. Lumarawan ang pagdududa kay Rence.“A---anak ka ni Anya?" tanong ng isang babae na sa hinuha niya ay kasing gulang lamang ng kanyang ina. Bagama't nakangiti ay pinangiliran ito ng luha sa mga mata. Sa tabi nito ay isang babae na bagama't kababakasan ng edad ay larawan pa rin ng magandang tindig at kagandahan noong kabataan nito. Suot ang samu't -saring emosyon ay humakbang palapit sa kanya ang dalawang babae. Dito natuon ang buong pansin ni Rence. Na agad rumihistro sa mukha ang labis na pagtataka sa ikinikilos ng mga nakapaligid sa kanya.What the hell is wrong with these people? Tanong niya sa sarili n
Pagbukas ng pinto ang naulanigan ni Anya sa likuran. Ngunit nagpatuloy siya sa pagliligpit ng kanyang mga gamit. Kinabukasan kasi ang labas niya sa ospital sa tatlong araw na pamamalagi roon. Ang totoo ay naiinip na siya, ngunit suhestiyon ng doctor na manatili muna s'ya sa ospital ng isang araw pa upang maobserbahan at masigurong magiging maayos at ligtas ang lagay niya at ng dinadala. Kaya naman ay agad syang sumang-ayon sa kanyang attending obstetrician-gynecologist.“Great. You said you'd never leave me huh? I've been looking for you for the whole day." Ani Anya. Nasa tinig ang tampo kay Rence. “Nabigyan na ako ng clearance ni doktor Mariano. Anumang araw ay maaari na tayong lumipad pabalik ng New York." Aniya sa patuloy na pagsasalita. “Our things are all packed up. We're ready to go. Susunduin na lang tayo ng kinuha kong driver."Ngunit wala pa ring pagtugon mula sa likod. Nagtataka na si Anya kaya't bumaling na siya paharap sa lalaki.She froze when she met his gaze. It was Cla
Gabi ng prestihiyosong launch ng isang sikat na intimate apparel sa bansa. One of the hottest events.Pamoso ang naturang paglulunsad kaya't inaabangan ito ng lahat, maging ng mga kilalang personalidad sa mataas na antas ng Sociedad lalo na sa larangan ng fashion industry. Kaya naman ay napuno ng mga manonood ang malaking convention center. Katulad ng inaasahan ay sinalubong ng masigabong palakpakan mula sa audience ang mga glamorosang modelo ng isa-isa nang maglakad sa runway. Suot ang iba't-ibang disenyo ng branded sexy lingeries ay lumutang ang kanilang kaseksihan kung saan ang bawat isa ay nag-aangkin ng kakaibang karisma.Subalit kung ang lahat nang naroon sa bulwagan ay nasisiyahan at napapasipol sa mga nasisilayang kagandahan hindi si Clark Zantillan. Habang nakatitig sa isang partikular na imahe ang doktor ay nagsimulang maningkit ang mga mata nito, kasabay noon ay pagtiim ang mga bagang at pagkuyom ng mga palad. His face went red. Mula naman sa saliw ng isang malamyos na tug
Walang pag-uusap na namagitan sa kanila ni Clark habang asa sasakyan. Humantong sila ng binata sa condo suites nito sa may Eastwood City.“Care for a drink?” Alok ni Clark sa dalaga pagkatapos nitong maupo sa sofa.Bahagyang tumango si Anya bilang sagot sa binata. Sa hinuha niya ay kailangan niya nga ng maiinom para makalma ng bahagya ang mga nagwawalang senses niya sa katawan. Mula pa kanina sa muli nilang pagkikita ng lalaki ay hindi na niya maawat ang mga pandama. Tila mga mandirigma na sabay-sabay na nag-rebolusyon ang mga ito at animo gustong magsipag-aklas.Sinundan ng dalaga ang bawat galaw ni Clark, mula sa paghubad ng lalaki ng coat and tie nito at pagsampay sa coat rack. Pagtanggal ng ilang butones sa uhales ng suot nitong long sleeve at pagtupi ng manggas hanggang siko. Jusmiyo! Talo pa niya ang na starstruck sa pagkakatitig sa dating nobyo. She can't deny that he looks more appealing and dashingly handsome man. Tuloy pakiramdam niya ay kay daming paruparo na nagliliparan s
Mataas na ang araw nang magising ang dalaga kinabukasan. Inut-inot na bumangon si Anya at sumandal sa headboard ng kama. Nakaramdam siya ng konting pagbigat ng ulo maging ng munting pagkahilo. Naisapo niya ang isang kamay sa noo. Nagulat pa siya nang malaglag sa baywang ang puting kumot at tumambad ang hubad niyang katawan. Nanlalaki ang mga matang nilinga niya ang buong paligid. Saka lamang niya nahinuha na wala siya sa sariling silid. Nag-iisa na lamang siya sa kuwarto at magulo ang ayos ng kama. Napaungol siya nang maalala ang nangyari nang nagdaang gabi, dahil doon ay muling uminit ang kanyang pakiramdam. Mabilis na ibinalot niya sa katawan ang puting sapin. Nais niyang tumayo upang hanapin si Clark. Nakakahiyang tinanghali siya ng gising sa higaan nito. Ang akmang pagtayo ay naudlot nang makaramdam siya ng konting pagkahilo. Naalala niyang naparami pala sya ng tequila sa event ng kaibigan tapos nadagdagan pa ng ininom nila ni Clark kagabi. Naghalu-halo na tuloy ang alak sa kanya
Dumating ang araw ng sabado. Ilang oras nalang ay darating na si Clark para sunduin siya. Alas otso ng umaga ang usapan pinaalala iyon muli ng kaibigan nang nagdaang gabi na magkausap sila. Kaya naman ay maaga nga siyang gumising. Pero ito sya ngayon at nakatulala habang nakatitig sa mga nakasabog niyang damit sa kama na kanina pa niya pinagpipilian ngunit hindi niya mapagpasyahan kung alin sa mga ito ang isusuot. Lahat na ata na laman ng dresser niya ay nailabas na niya. Hays! Bakit ba sya na pi-pressure sa kung ano ang isusuot? Ibig bang sabihin nun ay inaalala pa rin niya ang magiging impression ng lalaki sa kanya?A big yes! Hindi mo pa kasi aminin na gusto mong maging kabigha-bighani sa paningin ng dati mong nobyo, bulong ng isip niya. Ipinilig niya ang kanyang ulo at agad na pinalis ang isiping iyon.No! Wala sa intensyon niya ang magpa- impressed kay Clark. Nais niya lamang na maging akma ang magiging kasuotan niya sa salu-salo at siyempre pa maging presentable sa paningin ni
Sa wakas ay narating nila Clark at Anya ang mansion ng mga Villaroman.Mabilis na bumaba ng sasakyan ang dalaga at hindi na hinintay na pagbuksan pa siya ni Clark.Nagplaster agad sa mukha niya ang pagkamangha sa mansion. Because of the classy design and magnificent landscaping. Namataan ni Anya ang kaibigan na nag-aantay sa may doorway at kontodo kaway sa kanila.Kanina habang asa biyahe ay may tumawag kay Clark at tila inaalam kung nasaan na sila banda.Hula niya ay si Vince iyon ang asawa ng kaibigan na kaibigan rin nito.Masayang sumalubong si Eunice sa kanila. Nagbeso silang magkaibigan.Kasunod ng babae ang asawang si Vince na karga-karga ang bunsong anak na si Rigo.“Hey, lil man.” Salubong ni Clark sa mag-ama.Lumarawan ang tuwa sa bata nang mapagsino ang bagong dating.Nagmuwestra agad itong magpapakarga kay Clark.Pinagbigyan ito ng binata at kinuha ang bata mula sa ama.Habang papasok ng mansion ay nilalaro ni Clark si Rigo na walang humpay sa kahahagikhik.“Get a wife man
Pagkatapos mag-book ng grab car ay nagpaalam na rin si Anya. Nagpasalamat siya sa mainit na pagtanggap ng pamilya Villaroman. Tinanggap niya ang halik ng pamamaalam mula sa mag asawang Vince at Eunice. Awkward pero pilit niyang nilalabanan ang kahihiyang nararamdaman sa asawa ng kaibigan. Sinikap niyang kumilos ng normal sa harap nito at tila naman hindi alintana ni Vince ang pagkakahuli nito sa kanila ni Clark. Katunayan ay hindi pinaramdam sa kanya ng lalaki na kailangan niyang maasiwa rito.Sandali pa ay maluwang ang ngiti na bumaling naman siya kay si Lola Consuelo. Inabot niya ang mga kamay nito. Naramdaman niya ang paghigpit ng mga kamay nito sa palad niya."Iha, maraming salamat sa pagpaunlak mo sa aking imbitasyon. Labis ang aking kagalakan dahil sa wakas ay nakilala rin kita. Sa totoo lang sa mga kuwento pa lang ni Eunice ay tila matagal na kitang kilala." Na-touch naman si Anya sa narinig mula kay Lola Consuelo. Niyakap niya ang matanda at hinagkan ito sa magkabilang pisngi
Pagbukas ng pinto ang naulanigan ni Anya sa likuran. Ngunit nagpatuloy siya sa pagliligpit ng kanyang mga gamit. Kinabukasan kasi ang labas niya sa ospital sa tatlong araw na pamamalagi roon. Ang totoo ay naiinip na siya, ngunit suhestiyon ng doctor na manatili muna s'ya sa ospital ng isang araw pa upang maobserbahan at masigurong magiging maayos at ligtas ang lagay niya at ng dinadala. Kaya naman ay agad syang sumang-ayon sa kanyang attending obstetrician-gynecologist.“Great. You said you'd never leave me huh? I've been looking for you for the whole day." Ani Anya. Nasa tinig ang tampo kay Rence. “Nabigyan na ako ng clearance ni doktor Mariano. Anumang araw ay maaari na tayong lumipad pabalik ng New York." Aniya sa patuloy na pagsasalita. “Our things are all packed up. We're ready to go. Susunduin na lang tayo ng kinuha kong driver."Ngunit wala pa ring pagtugon mula sa likod. Nagtataka na si Anya kaya't bumaling na siya paharap sa lalaki.She froze when she met his gaze. It was Cla
Nakilala ni Rence si Rafael, naalala niyang isa ang lalaki sa mga nagbigay sa kanya ng racing sponsorship. Maliban roon ay malapit itong kaibigan ni Anya. Inutusan nito ang mga guwardiya na bitawan sya na sumunod naman agad.Lumalim naman ang gatla niya sa noo sa sinabi nito. May pagtatanong ang mga mata na binalingan niyang muli si Clark, na noo’y hindi pa rin makabawi sa natuklasan. Lumarawan ang pagdududa kay Rence.“A---anak ka ni Anya?" tanong ng isang babae na sa hinuha niya ay kasing gulang lamang ng kanyang ina. Bagama't nakangiti ay pinangiliran ito ng luha sa mga mata. Sa tabi nito ay isang babae na bagama't kababakasan ng edad ay larawan pa rin ng magandang tindig at kagandahan noong kabataan nito. Suot ang samu't -saring emosyon ay humakbang palapit sa kanya ang dalawang babae. Dito natuon ang buong pansin ni Rence. Na agad rumihistro sa mukha ang labis na pagtataka sa ikinikilos ng mga nakapaligid sa kanya.What the hell is wrong with these people? Tanong niya sa sarili n
Isang malakas na pagsinghap ang namutawi mula sa mesang kinapwestuhan ng mga magulang ni Clark. Literal na napakapit sa dibdib nito si Donya Isabel. Gulilat naman ang Don at labis na nabaghan. Si Kate na nakababatang kapatid ng binata ay totoong na-surpresa sa narinig. Napatayo itong bigla at pinagmasdan si Rence. Maya-maya ay lumambot ang bukas ng mukha nito. Rence is now raging like a bull, na anumang oras ay handang muling sumugod at magpakawala ng isa pang kamao para kay Clark. Clark froze. He shook his head to clear it. He was shocked. He wasn’t even breathing. Did he hear right? Damn it. What on earth is he talking about? The guy is huge like him. And he was claiming Anya as his mother? Disbelief came in his huge eyes. Kumakabog ang dibdib niya sa pagkabigla. Parang bomba na sumasabog sa harap niya ang rebelasyon ni Rence. And It's shattering him into pieces. “She... She's you're…w…what?" he stops stuttering then takes a deep breath and goes on. " Anya's your mother? How com
“Sir, pasensya na po at nagpumilit pumasok. Para pong palos eh, masyadong madulas.” Ang kakamot-kamot sa ulong wika ng sikyu kay Clark. Sa tabi nito ay si Rence na madilim ang mukha. Nang-uusig. Nagulat si Clark nang makita roon ang lalaki. Ito ang kahuli-hulihang tao na inaaasahan niyang makaharap sa gabing iyon.“Sige na, Karding, ako na ang bahala sa kanya.”Tumalima naman ang sikyu na patuloy sa paghingi ng paumanhin.“What do you want?” Clark asked in a cold voice.“We need to talk.” si Rence.“Without even asking me?” buwelta nya.“I don’t ask, I tell.” Magaspang na sagot ni Rence. Gustong mapamura ni Clark sa ka-arogantehan ng lalaki. Ngunit pinili pa rin niyang magpakahinahon. Kung tutuusin ay madali lang para sa kanya na palayasin si Rence sa lugar. Sa isang pitik lang ay may pagkakalagyan sa kanya ang mayabang na lalaking ito. Pero bakit nga ba narito si Rence? Ano ang sadya nito sa kanya? Sa itsura nito ay mukhang nagbabadya ito ng gulo.“It's my engagement party, don’t e
(Taong Kasalukuyan) Mabilis na nagpunas ng mga luha sa mata nito si Anya dahil sa mga bumalik na alaala. Sariwa pa rin ang lahat na parang kahapon lamang nangyari. Buong akala niya'y kaya na niyang dalhin sa dibdib ang naging pagdurusa. Nagkamali siya hindi napaghilom ng panahon ang sugat ng kahapon. “That’s enough. You've drunk too much.” Inagaw ni Rence ang bote ng tequila sa kamay niya.Bumalik rin ang lalaki sa apartment ng dalaga kinahapunan upang makausap sana ng maayos ang babae at tuloy makipag-ayos.He loves Anya and adores her so much.Malaki ang nagawang sakripisyo ng babae para sa kanya. At hindi tamang pagsalitaan niya ito ng mga bagay na makasasakit sa damdamin nito. Naabutan niyang umiinom mag-isa ang dalaga habang nakasalampak sa sahig, ni walang pakialam kung anuman ang wangis nito. Nagtagis ang kanyang bagang.Seeing her weary and hopeless enraged him to murder the one who was responsible for her distress. Umigting ang kanyang panga at kumuyom ang mga kamao. Pil
Napansin ni Anya na medyo hapis ang pisngi ng binata bakas sa mukha na may dinaraing na suliranin. Ang mga tumutubong pinong mga balahibo sa mukha ay tila hindi na nito napagkaka-abalahang ahitin. Kumislap ang mata nito nang makita siya. “Clark?” Mabilis siyang pumaloob sa sasakyan nito. Mabilis na kinabig siya ng nobyo at niyakap nang mahigpit. Kakatwang wala siyang maramdamang galit para rito o kahit konting pagtatampo man lang. Hinagkan siya ng binata sa mga labi. Naipikit niya ang mga mata nang madama ang init ng halik nito na ilang linggo rin niyang pinangulilaan. “ I have missed you, “samo ni Clark sa kanya. Oh God, she missed him too. Saglit na natigilan si Clark pagkuwa’y mataman siyang tinitigan sa mga mata. “Anya, hindi ko pinasisinungalingan ang mga balita,” seryosong wika ng kasintahan. Napasinghap siya. Pakiramdam niya anumang oras ay huhulagpos ang mga luhang kanina pa niya pinipigilan. Maagap siyang kinabig muli ni Clark. “Oh no, baby, please don’t cry. It'
Gabi na' y hindi pa rin siya dalawin ng antok. Lagpas-lagpasan ang tanaw niya sa bubungan. Habang nakasuot ang matamis na ngiti at animo'y nananaginip ng gising. Ganoon pala ang pakiramdam nang pakikipagniig. Para kang idinuyan sa ligaya. Isang linggo na ang nakalilipas pero pakiramdam niya ay naroon pa rin ang masarap na sensasyon hatid sa. kanya ng nobyo.Lahat ata ng pag-iingat ay ginawa ni Clark para hindi sya masaktan. Masasabi niyang isa na syang ganap na babae ngayon. Sadyang napakamemorable ng gabing iyon. Niyakap niya ang unang tangan at mariing pumikit nang may bigla siyang marinig na pagsipol mula sa labas ng kanilang bahay. Mabilis na bumangon si Anya, kilala niya ang ipit na boses na iyon. Bigla ay nakaramdam sya ng pagkasabik. Lumabas siya ng kuwarto at tinungo ang silid ng Lola Mareng niya. Hinawi niya ang kurtinang nagsisilbi nitong pintuan. Nakita niyang mahimbing nang natutulog ang lola niya bagamat ika-walo pa lamang ng gabi. Marahan at patingkayad siyang humakban
“Are you serious?" Lito at Hindi makapaniwalang urirat ni Clark.Para wala nang marami pang tanong ay binirahan niya ng lakad palayo. Sumunod ang binata na takang-taka sa inaasal niya.“Hey, Anya. Are you breaking up with me or you’re implying something?” habol na tanong ng nobyo.Subalit nagpatuloy lamang siya sa paglalakad. Kunwa ay walang naririnig. Kaya ba niyang aminin sa katipan ang nasaksihan kani-kanina lamang?Kaya ba niyang tanggapin na sa kabila nang pagkakaroon nila ng relasyon ay si Rada pa rin ang nasa puso nito? Sumunod si Clark. Mabilis ang mga hakbang. Nilagpasan siya. Huminto ang binata sa tapat ng pickup nito at binuksan iyon. Saka lang din niya napansin na nasa kinapaparadahan na pala sila ng sasakyan nito. “Sakay.” harap ni Clark sa kanya sa pormal na tono. Ngunit hindi siya natinag o kumilos manlang. Hindi nya pinansin ang lalaki. Nagpatuloy sya sa paghakbang pero humarang ang nobyo.“Ang sabi ko sakay.” Matigas na pahayag ng binata. Mukhang naubusan na rin ng
“O Anya, akala ko’y tumuloy ka nang umuwi?” si Manang Yoly na bumungad sa pintuan ng kusina. Mabilis na tumayo ang dalaga mula sa pagkakaupo sa bangkito. Pinagpag nito ang suot na palda at nilingon si Manang Yoly. “B…baka po kasi kailangan niyo pa ng tulong Nang Yoly .” Magalang niyang sagot.“Naku! Maraming salamat anak at kailangan ko ngang talaga.”Sumunod si Anya papasok ng kusina. "Maaari mo ba itong idulot kay Clark? Ang batang iyon kahit kailan ay hindi nahilig sa mga inuming may kulay. ” Natigilan si Anya. Hindi malaman kung tatanggihan ba ang mayordoma. Pinili niyang sundin na lamang ito. Inabot niya ang puting pantaas na mahaba ang manggas. Iyon ang nakita niyang suot-suot ng mga tagasilbi sa ginaganap na pagdiriwang. Agad siyang nagpalit at pagkatapos ay kinuha ang pitsel kay Manang Yoly na noo’y nakakunot-noo.“Namumula ang iyong mga mata, umiyak ka ba Anya?” puna ng matanda. “ May dinaramdam ka ba?”dugtong pa ni Manang Yoly na kinabakasan ng pag-aalala.“Naku, hindi