Home / Romance / My Only Love / Kabanata Apat

Share

Kabanata Apat

Author: Re-Ya
last update Last Updated: 2024-02-02 11:34:22

Dumating ang araw ng sabado. Ilang oras nalang ay darating na si Clark para sunduin siya. Alas otso ng umaga ang usapan pinaalala iyon muli ng kaibigan nang nagdaang gabi na magkausap sila. Kaya naman ay maaga nga siyang gumising. Pero ito sya ngayon at nakatulala habang nakatitig sa mga nakasabog niyang damit sa kama na kanina pa niya pinagpipilian ngunit hindi niya mapagpasyahan kung alin sa mga ito ang isusuot. Lahat na ata na laman ng dresser niya ay nailabas na niya.

Hays! Bakit ba sya na pi-pressure sa kung ano ang isusuot? Ibig bang sabihin nun ay inaalala pa rin niya ang magiging impression ng lalaki sa kanya?

A big yes! Hindi mo pa kasi aminin na gusto mong maging kabigha-bighani sa paningin ng dati mong nobyo, bulong ng isip niya. Ipinilig niya ang kanyang ulo at agad na pinalis ang isiping iyon.

No! Wala sa intensyon niya ang magpa- impressed kay Clark. Nais niya lamang na maging akma ang magiging kasuotan niya sa salu-salo at siyempre pa maging presentable sa paningin ni Lola Consuelo. Iyon lang iyon, kumbinse niya sa sarili.

Isang sulyap pa sa mga nakakalat niyang damit ay walang pag- alinlangan na hinablot niya ang isang honeyspot allover floral print bustier skater dress. Regalo iyon ni Trisha ang asawang kauli ng ama. Magaling sa pananamit ang step-mom niya palibhasa kasi ay isang couture.

Naisip niyang tamang-tama lamang ang suot sa mainit na panahon. Mabilis na siyang nagbihis nang masulyapan ang orasan.Tinernuhan niya ang bestida ng pearl earrings at seksing sandalyas na puti.

Hinayaan niyang nakalugay ang mahabang brownish na buhok at tanging pulang lipstick lamang ang siyang kolorete sa mukha. Sa totoo lang ay hindi naman talaga sya mahilig maglagay ng kung anong pampakulay sa pisngi. Mas gusto pa rin niyang mag-mukhang natural at simple. Kung hindi nga lang sa tawag ng trabaho ay hindi sya maglalagay ng makapal na make-up sa mukha.

Nang matapos sa pag-aayos ay binistahan niya ang sarili sa salamin. Hindi naman sa nabubuhat sya ng bangko but she looks so fresh and stunning. Awtomatiko na sinilayan sya ng ngiti sa labi. Sino ang mag-aakalang she's thirty- eight, papasa siyang bente-anyos sa ayos niyang iyon.

Aminado naman sya na sa nature ng kanilang trabaho ay hindi maaaring magpabaya sa katawan dahil ito ang nagsisilbi nilang puhunan. kaya ganoon na lamang ang pag-iingat at pag-aalaga niya sa sarili. Kailangang manatili silang maganda at glamorosa.

Isang ikot pa sa salamin at isang ubod lalim na paghinga ang ginawa. Tinitigaan niya ng matiim ang sarili. She's now ready to face Clark again and no matter what happened ay pananatilihin niya ang pagiging kalmado. Saglit pa ay ingay nang pumaradang sasakyan ang naulanigan niya mula sa kalsada.

Nataranta tuloy sya sa biglang pagdunggol ng kaba sa kanyang dibdib. Jusko! Kasasabi niya lang na magiging kalmado sya pero heto at natuturete na agad sa ingay ng oto ng lalaki. Saglit pa at tunog ng doorbell naman ang kasunod. Hudyat na dumating na nga ang hinihintay at nasa mismong pintuan na niya. Hinayaan na niyang bukas ang bakal na gate kanina sa labas para tuluyang makapasok si Clark.

Mahigpit ang security sa village kaya walang mangangahas na makapasok na hindi taga-loob.

Dahil roon ay kampante sya sa kanyang seguridad kahit na nag-iisa lamang sya sa bahay.

She stands straight and makes a deep sigh to release some negativity. Pagtapos ay marahan siyang naglakad palapit sa pintuan, humugot muli ng malalim na paghinga, bago dahan-dahang binuksan ang pintuan

Bumara sa lalamunan ni Anya ang hininga nang bumungad ang bulto ng binatang doktor.

How devilishly handsome this man always took her breath away. Ang puso niyang naging eratiko ang tibok ay halos gustong kumawala sa pagkakakabit sa dibdib niya. Clark is wearing a gray long-sleeved polo na nakatupi ang mga manggas sa siko. Ang pambaba ay khaki shorts and a pair of white Gucci sneakers.

Bagong gupit ang binata, clean-cut style. Malinis na malinis ang mukha gawa ng aftershave at napakabango. Ang natural na amoy ng lalaki ay tila nakapagkit na sa kanyang sistema at tila kay-hirap nang hiklasin.

Kapansin-pansin ang suot na Rayban Aviator ng binata sa mata na higit na nagpalakas ng karakter nito.

Mahihiya ang mga nag- uusbungang batang mga modelo sa panahon ngayon sa awra ng lalaki. Nakapaloob ang isang kamay ni Clark sa bulsa ng short nito, larawan nang pagkainip.

“I have an urgent meeting today, ” bungad agad ng lalaki ni walang pagbati man lang ng magandang umaga. Reklamo agad ang banat.

"Kung han-"

" Yes, I'm ready," sagot agad niya na hindi na pinatapos sa pagsasalita ang bagong dating.

He must be a busy man. "Jeez Eunice!" Bulong ng dalaga sa sarili. Ngayon pa lang ay naku-konsensya na sya sa pagka-abala niya rito.

Bahagyang tumango si Clark na nagpatiuna nang naglakad palapit sa kinapaparadahan ng sasakyan nito.

Nagmamadali naman na ini-lock ni Anya ang pinto ng bahay at sumunod agad sa lalaki.

In fairness to him, kahit sa gitna ng kasungitan ay nagawa naman siyang pagbuksan ng sasakyan. "Maginoo pa rin pala.'Aniya sa sarili.

Lulan ng Ford Mustang ay binaybay nila ang Edsa patungong Alabang. Banayad lang ang patakbo ni Clark. Mabuti na lamang at sabado walang gaanong traffic kaya tuloy-tuloy ang naging biyahe nila.

Lagpas bente minutos na sila sa kalye ay napakapormal pa rin ng lalaki, nakatuon lamang ang pansin nito sa pagmamaneho at ni hindi man lang nag-abala na tapunan siya ng sulyap. Siya naman ay nangawit na ang leeg sa katatanaw sa labas. Isinandal niya ang likod sa upuan pagkatapos ay marahang nilinga ang kasama. at lihim itong pinagmasdan.

He’s changed a lot. He looks more dominant. Ambitious and influential.

Malayo na ito sa dating malambing na si Clark Zantillan. Kung mayroon man sigurong hindi nagbago sa lalaki ay ang pagiging bohemyo nito. Kagabi ay pinagkaabalahan niyang i+stalk ang social media account ng lalaki. Mapa G****e-F*, I*, Twitter o kung YouTube account ba ito. Nagkataon namang detalyado ang mga write-ups patungkol sa binata kung saan ay laging laman ito ng mga babasahin. Nabasa niya roon ang mga 'di birong achievements at accomplishments ni Clark.

Isa na nga itong tanyag na siruhano. Laman din ito ng mga charitable institutions, bilang pilantropong doktor. Hindi niya maiwasang humanga at maging proud sa dating katipan. Malayong-malayo na ang narating ng lalaki. Naabot nito ang minimithing pangarap nang higit pa sa inaasahan niya.

Ang ibang artikulo naman ay kung kani-kanino iniuugnay ang binata mapa- modelo, politiko, artista at ang latest pa nga ay sa isang former beauty titleholder. Sa totoo lang ay kumirot ng bahagya ang puso niya sa mga nabasa at napanood. May naramdaman siyang pananaghili para sa mga babaeng napaugnay sa lalaki. Ngunit may isang bagay sana siyang nais na malaman kay Clark na hindi masagot ng miske G****e.

At ang bagay na iyon ay labis niyang pinagtatakhan at nag-iwan sa kanya ng malaking katanungan.

"Don't stare at me like the way you used to. Stop acting like a madly in-love teenager. That's shit." salita ni Clark.

Nabigla man si Anya sa biglang pagsalita ng lalaki ay hindi sya nagpahalata. Diyata't pansin pala ng kasama ang mga ginagawa niyang manaka-nakang pagmasid rito. Kung ganoon ay hindi lang siya ang nakikiramdam sa mga oras na ito. Maaring maging sya ay pinag-aaralan rin ng lalaki. Masakit ang binitawan nitong salita. Ramdam niya ang paguhit ng kirot sa kanyang dibdib. Isang impit at malungkot na buntong hininga ang ginawa niya.

"I'm sorry, gusto ko lang namang humingi ng paumanhin sa abala..." Basag ni Anya sa sumunod na katahimikan.

"How can I say no to Eunice? Oh, I should rephrase the question. How can I say no to the woman who's married to the best friend?" Agaw ni Clark sa sarkastikong tono sabay sulyap sa kanya.

Batid na ni Anya ang bagay na iyon, na kaya lang naman sya sinundo ni Clark ay dahil sa pakiusap ng kaibigang si Eunice. Ngunit hindi niya maiwasan na makaramdam ng hapdi sa talas ng mga salita ng binata.

"Again, I'm sorry -"

"Why, guilty?" Clark insinuating.

“Look, I'm just trying to be nice to you." ang hindi na nakapagpigil na sambit niya.

"Meron naman tayong pinagsamahan. Hindi natin kailangang mag-angilan na parang mga ---" She paused a bit whe she figured something. "W…we can be friends if-”

Sukat humalakhak si Clark hindi pa man tapos ang gusto niyang sabihin.

Huli na nang tumimo sa isip niya ang huling tinuran.

”Really? Kinakaibigan mo ba talaga lahat ng lalaking nakakalaro mo sa kama?” Clark asked mockingly.

Her face went red sa tahasang patutsada ng binata.

How dare this man say such words? He's starting to piss her off.

Lantaran sya nitong ini-insulto at talagang pinangangatawanan ang paniniwala na isa nga siyang bayarang babae. Pero katulad ng nauna na niyang plano ay pilit pa rin siyang nagpakahinahon kahit na masyado nang kinukutya ni Clark ang pagkatao niya. At isipin na lamang na ang lalaking ito ang tanging laman ng puso't isipan niya sa mahabang panahon.

“You hate me right?” tanong niya kahit na nagmukha siyang istupida sa ginawa.

Once and for all ay gusto niyang malaman ang tunay na saloobin ni Clark towards her, kahit dulot pa niyon ay ibayong sakit sa kanyang damdamin.

“Oh thank you. How nice of you to ask me that. Do You want an answer?” He said when he glared at her again.

She didn't say anything. Napayuko siya at minabuting manahimik.

Clark hates her.

At hindi nakapagtataka ang bagay na iyon. Hindi napaghilom ng panahon ang galit sa puso nito.

Lihim siyang nagtangis at Ipinako na lamang ang paningin sa labas at hindi na muling nagsalita.

Shit! Mura ni Clark sa sarili. Hindi niya sukat akalaing sa mga oras na ito pa piniling itanong ni Anya ang bagay na iyon. Nakita niya ang paglatay ng sakit sa maganda nitong mukha. Ang pananahimik nito ay ipinagpalagay niyang natumbok niya ang lahat ng katotohanan sa mga sinabi.

What she did to him twenty years ago was too much to take. He never anticipated at her young age, that she could hurt him that much. Kulang ang salitang kinasusuklaman niya ang babae. Kung mayroon mang hindi nagbago ay ang nararamdaman niya para kay Anya.

The desire for her still haunts him and it is so intense. At sa pagbabalik nito ay ginawa lang nitong kumplikado ang lahat. Binulabog nitong muli ang mundo niya.

Never in his thoughts na masisilayan si Anya sa event ni, Eunice. Totoong nabigla sya sa paglitaw nito sa entablado. At habang pinagmamasdan niya ang babae sa kaakit- akit nitong galaw at mapanuksong mga ngiti ng mata ay nag-igtingan ang kanyang mga bagang. Halos ikabaliw niya na pinagpyi-pyestahan ang katawan nito ng mga kalalakihang naroon sa bulwagan. At kulang na lang ay isa-isa niyang balian ng leeg ang mga lalaking umali-aligid sa dalaga katunayan ay wala siyang ibang ginawa kundi ang bantayan ang bawat kilos at galaw ni Anya ng gabing iyon.

He hates her and at the same time wants her so badly.

Nang mabungaran niya ito kanina sa pinto kulang na lang ay higitin niya ang babae at ikulong sa kanyang mga bisig. He can't deny the fact that he's lusted at her. Her scent is so tempting, she looks fresh and alluring. The sight of her makes him want to make love to her right there behind the door. But he calm his nerves.

Mula nang magkita silang muli ni Anya ay lagi nang hanap ng sistema niya ang presensiya nito. Hindi siya napagkakatulog ng mga nakalipas na gabi. The scent of her in his bed was so firm and intense na hindi niya maialis sa kanyang sistema. Kailangan pa niyang lunurin sa alak ang sarili gabi-gabi para saglit na makalimutan ang babae. Muling nanariwa ang pait ng nakaraan na buong akala niya'y napaghilom na ng panahon.

Kaya't naisip niya tutal ay si Anya naman ang nagbalik pagkakataon niya na ito to give her a taste of her own medicine. Ipaparamdam niya sa dating kasintahan ang sakit na idinulot nito sa kanya nang magpasya itong iwanan sya.

Related chapters

  • My Only Love   Kabanata Lima

    Sa wakas ay narating nila Clark at Anya ang mansion ng mga Villaroman.Mabilis na bumaba ng sasakyan ang dalaga at hindi na hinintay na pagbuksan pa siya ni Clark.Nagplaster agad sa mukha niya ang pagkamangha sa mansion. Because of the classy design and magnificent landscaping. Namataan ni Anya ang kaibigan na nag-aantay sa may doorway at kontodo kaway sa kanila.Kanina habang asa biyahe ay may tumawag kay Clark at tila inaalam kung nasaan na sila banda.Hula niya ay si Vince iyon ang asawa ng kaibigan na kaibigan rin nito.Masayang sumalubong si Eunice sa kanila. Nagbeso silang magkaibigan.Kasunod ng babae ang asawang si Vince na karga-karga ang bunsong anak na si Rigo.“Hey, lil man.” Salubong ni Clark sa mag-ama.Lumarawan ang tuwa sa bata nang mapagsino ang bagong dating.Nagmuwestra agad itong magpapakarga kay Clark.Pinagbigyan ito ng binata at kinuha ang bata mula sa ama.Habang papasok ng mansion ay nilalaro ni Clark si Rigo na walang humpay sa kahahagikhik.“Get a wife man

    Last Updated : 2024-02-08
  • My Only Love   Kabanata Anim

    Pagkatapos mag-book ng grab car ay nagpaalam na rin si Anya. Nagpasalamat siya sa mainit na pagtanggap ng pamilya Villaroman. Tinanggap niya ang halik ng pamamaalam mula sa mag asawang Vince at Eunice. Awkward pero pilit niyang nilalabanan ang kahihiyang nararamdaman sa asawa ng kaibigan. Sinikap niyang kumilos ng normal sa harap nito at tila naman hindi alintana ni Vince ang pagkakahuli nito sa kanila ni Clark. Katunayan ay hindi pinaramdam sa kanya ng lalaki na kailangan niyang maasiwa rito.Sandali pa ay maluwang ang ngiti na bumaling naman siya kay si Lola Consuelo. Inabot niya ang mga kamay nito. Naramdaman niya ang paghigpit ng mga kamay nito sa palad niya."Iha, maraming salamat sa pagpaunlak mo sa aking imbitasyon. Labis ang aking kagalakan dahil sa wakas ay nakilala rin kita. Sa totoo lang sa mga kuwento pa lang ni Eunice ay tila matagal na kitang kilala." Na-touch naman si Anya sa narinig mula kay Lola Consuelo. Niyakap niya ang matanda at hinagkan ito sa magkabilang pisngi

    Last Updated : 2024-03-05
  • My Only Love   Kabanata Pito

    Sampung minuto para mag ika-siyam ng gabi, ang basa ni Anya sa orasan. Nakakaramdam na siya nang pagkainip. Mahigit tatlong oras na siyang pinaghihintay ni Clark at ayon sa lalaki ay may kakausapin lang raw itong kliyente sa hotel na natanaw niya kanina. Maaaring iyon ang tinutukoy ng binata bago sila tumulak ng Alabang kaninang umaga. Clark left her in a beach house with the bahay kubo inspired. Ang bubong ay gawa sa nipa hut with a high ceiling to cover the upper limits of a room. Ang sahig ay yari naman sa matibay na kahoy na pangitang alaga lagi sa barnis dahil kay kintab. Medyo may kataasan ang silong na may benteng baitang mula sa buhanginan. It has also a wide porch for basking in the beach views. Kung saan sa bawat haligi niyon ay may nakasabit na halamang petunia.The home design concept is open-plan living. Dahil magkanugnog na ang living room, dining room, and kitchen's snack bar. Halos kumpleto na rin sa mga kagamitan. May malaking silid with a king-sized bed-another door

    Last Updated : 2024-03-05
  • My Only Love   Kabanata Walo

    Kinabukasan ay hindi rin agad sila bumalik ng Maynila ni Clark. Inilibot sya ng binata sa buong resort kasama na ang island hoping kung saan sumakay sila ng pamboat para makatawid sa kabilang isla. Nag jetski rin silang dalawa at matagal na naglunoy sa dagat. Suma-total ay nag enjoy siya sa isang araw na pananatili nila sa resort. At sa tuwing nagkakaroon ng pagkakataon na mapagsolo sila ni Clark ay nauuwi lamang sila sa maiinit na tagpo. At sa pagkakataong iyon ay naging handa na ang lalaki. Gumamit na ito ng proteksyon. Maliban lamang sa isang beses na nagtalik sila habang naliligo sa dagat. Bagay na hindi naman niya binigyan pansin.Gabi na nang sila'y bumiyahe pabalik sa siyudad ngunit sa penthouse ni Clark sa Eastwood City sila tumuloy. Walang namutawing salita sa kanya nang dalhin syang muli roon ng binata. Nagpatianod sya sa nais gawin ng dating nobyo. At sa penthouse ay tila wala itong kasawaan sa kanya. Paulit-ulit niyang isinuko ang sarili kay Clark. Pinagbigyan niya ang sa

    Last Updated : 2024-03-05
  • My Only Love   Kabanata Siyam

    It is past eight o'clock in the evening when Anya arrives at Peninsula Manila. She stepped down of the cab and gave her key to the valet who approached her arrival. Then she headed to the Hotel.Nakita ng dalaga ang pagkaway ni Eunice pagpasok pa lamang niya ng bulwagan. She formed a sweet smile on her lips bago marahang naglakad palapit sa kaibigan. Sinalubong na rin siya ng babae kasunod ang asawa nito. Nagyakap silang magkaibigan bago bineso niya si Vince. Pagkatapos ay Iginiya na sya ng mag-asawa sa upuan ng mga ito.Humalik at nagmano siya kay Lola Consuelo na tuwang-tuwa nang makita siya. Hindi maitago ang pangingislap ng mga mata ng matanda. Isang makahulugang tingin ang ibinatao sa kanya ni Eunice na tila ba sinasabing...See? She made a wry smile and mouthed sorry to her. Nanganib kasi na hindi sya makapunta.It's Lola Consuelo's 80th birthday. At napaka-glamorosa sa kasuotan nito na mala Queen Elizabeth.Bago kasi ang kaarawan ng senyora ay nagpasabi na siya kay Eunice na bak

    Last Updated : 2024-03-06
  • My Only Love   Kabanata Sampu

    “Can’t breathe?” Hindi kailangang lumingon ni Anya para lamang mahulaan kung kanino galing ang boses mula sa kanyang likuran. Ang malagom na tinig na iyon ni Clark ay nagdulot nang paninigas ng kanyang likod. She froze. Nanatili sya sa kanyang puwesto at nagpakawala sya nang mabababaw na paghinga. Naramdaman niya ang mabagal na paglapit ng bulto, huminto ito right beside her. Banaag niya ang anino ng binata sa dilim, nakapamulsa ito. Oh God, she missed him so much. Kung maaari nga lang na takbuhin niya ito ng yakap upang damhin ang init nito at nang maibsan ang kanyang pangungulila. Subalit wala sya sa maling katinuan para gawin ang bagay na iyon. May natitira pa rin naman syang respeto at pagpapahalaga sa sarili. Pero ano ang ginagawa ng lalaki dito sa labas? Sadya bang sinundan sya nito? No! Ito na naman sya sa kanyang mga hopeless thoughts. Pinili niyang magsawalang -kibo at 'wag na lamang itong pansinin. Kunwa ay wala siyang narinig at nakita. Kailangan niyang bakuran ang sarili

    Last Updated : 2024-03-06
  • My Only Love   Kabanata Labing-Isa

    Sa mga lumipas na araw ay laging magkasama sila Anya at Rence. Unang beses kasi ito ng lalaki na nakapagbakasyon sa Pilipinas. Kaya naman ay ipinasyal ito ni Anya sa mga naggagandahang lugar dito sa bansa. Partikular na ang pamosong Boracay na isa sa may napakagandang bay-bayin. Naging popular itong pasyalan ng mga turista at talagang dinarayo dahil sa malinis na dalampasigan, mapuputing buhangin at matingkad na kulay asul na tubig. Isa rin ito sa may pinakamagandang view ng sunset. Isang linggo rin ang inilagi nila ni Rence sa isla at kung hindi nga lamang suma-sama ang kanyang pakiramdam ay mag extend pa sana sila ng ilang araw para makapag-liwaliw ng lubos. Plano kasi nilang tumawid ng Siargao. Rence loves surfing, isa iyon sa pinaka-hobby nito maliban sa car racing. Hapon na nang lumapag sila sa Maynila. Inihatid muna sya ni Rence sa tinutuluyan niyang bahay bago nagpaalam itong may kikitaing kaibigan sa isa sa mga kilalang disco pub sa bgc. At kahit sinabihan niya ang binata na

    Last Updated : 2024-03-07
  • My Only Love   Kabanata Labing-Dalawa

    Halos hindi mapaniwalaan ni Anya ang mga salitang lumalabas sa bibig ni Clark. Ganoon na ba kababa ang tingin nito sa pagkatao niya para hayagan siya nitong bastusin at insultuhin? Binibili nito ang kanyang pagkatao. Tuloy ay hindi niya maiwasang makaramdam muli ng panliliit. Anong akala nito gahaman siya pagdating sa salapi? She calms her nerves. Dahil pakiramdam niya ay nagsisimula nang maghimagsik ang kanyang dugo.“Not easy for me to throw someone close to me. I'm sorry but---""Really?" Clark interrupted. "Coming from you huh?" Mocking hostility in his voice. "That's something that is not new to you... You're good at putting someone through hell....right Anya?" There was an edge of resentment in his tone as he added. Hindi naman nakapag-salita agad si Anya, hinuhusgahan sya ni Clark at tila punyal na tumatarak sa kanyang dibdib ang mga sinasabi nito. Ganoon ba kasama ang pagkakakilala ng lalaki sa kanya? Yumuko ang dalaga sa kabila nang pagbangon ng galit sa kanyang dibdib.She

    Last Updated : 2024-03-08

Latest chapter

  • My Only Love   Kabanata Tatlumpu’t lima (Huling Kabanata)

    Pagbukas ng pinto ang naulanigan ni Anya sa likuran. Ngunit nagpatuloy siya sa pagliligpit ng kanyang mga gamit. Kinabukasan kasi ang labas niya sa ospital sa tatlong araw na pamamalagi roon. Ang totoo ay naiinip na siya, ngunit suhestiyon ng doctor na manatili muna s'ya sa ospital ng isang araw pa upang maobserbahan at masigurong magiging maayos at ligtas ang lagay niya at ng dinadala. Kaya naman ay agad syang sumang-ayon sa kanyang attending obstetrician-gynecologist.“Great. You said you'd never leave me huh? I've been looking for you for the whole day." Ani Anya. Nasa tinig ang tampo kay Rence. “Nabigyan na ako ng clearance ni doktor Mariano. Anumang araw ay maaari na tayong lumipad pabalik ng New York." Aniya sa patuloy na pagsasalita. “Our things are all packed up. We're ready to go. Susunduin na lang tayo ng kinuha kong driver."Ngunit wala pa ring pagtugon mula sa likod. Nagtataka na si Anya kaya't bumaling na siya paharap sa lalaki.She froze when she met his gaze. It was Cla

  • My Only Love   Kabanata Tatlumpu’t apat

    Nakilala ni Rence si Rafael, naalala niyang isa ang lalaki sa mga nagbigay sa kanya ng racing sponsorship. Maliban roon ay malapit itong kaibigan ni Anya. Inutusan nito ang mga guwardiya na bitawan sya na sumunod naman agad.Lumalim naman ang gatla niya sa noo sa sinabi nito. May pagtatanong ang mga mata na binalingan niyang muli si Clark, na noo’y hindi pa rin makabawi sa natuklasan. Lumarawan ang pagdududa kay Rence.“A---anak ka ni Anya?" tanong ng isang babae na sa hinuha niya ay kasing gulang lamang ng kanyang ina. Bagama't nakangiti ay pinangiliran ito ng luha sa mga mata. Sa tabi nito ay isang babae na bagama't kababakasan ng edad ay larawan pa rin ng magandang tindig at kagandahan noong kabataan nito. Suot ang samu't -saring emosyon ay humakbang palapit sa kanya ang dalawang babae. Dito natuon ang buong pansin ni Rence. Na agad rumihistro sa mukha ang labis na pagtataka sa ikinikilos ng mga nakapaligid sa kanya.What the hell is wrong with these people? Tanong niya sa sarili n

  • My Only Love   Kabanata Tatlumpu't Tatlo

    Isang malakas na pagsinghap ang namutawi mula sa mesang kinapwestuhan ng mga magulang ni Clark. Literal na napakapit sa dibdib nito si Donya Isabel. Gulilat naman ang Don at labis na nabaghan. Si Kate na nakababatang kapatid ng binata ay totoong na-surpresa sa narinig. Napatayo itong bigla at pinagmasdan si Rence. Maya-maya ay lumambot ang bukas ng mukha nito. Rence is now raging like a bull, na anumang oras ay handang muling sumugod at magpakawala ng isa pang kamao para kay Clark. Clark froze. He shook his head to clear it. He was shocked. He wasn’t even breathing. Did he hear right? Damn it. What on earth is he talking about? The guy is huge like him. And he was claiming Anya as his mother? Disbelief came in his huge eyes. Kumakabog ang dibdib niya sa pagkabigla. Parang bomba na sumasabog sa harap niya ang rebelasyon ni Rence. And It's shattering him into pieces. “She... She's you're…w…what?" he stops stuttering then takes a deep breath and goes on. " Anya's your mother? How com

  • My Only Love   Kabanata Tatlumpu’t dalawa

    “Sir, pasensya na po at nagpumilit pumasok. Para pong palos eh, masyadong madulas.” Ang kakamot-kamot sa ulong wika ng sikyu kay Clark. Sa tabi nito ay si Rence na madilim ang mukha. Nang-uusig. Nagulat si Clark nang makita roon ang lalaki. Ito ang kahuli-hulihang tao na inaaasahan niyang makaharap sa gabing iyon.“Sige na, Karding, ako na ang bahala sa kanya.”Tumalima naman ang sikyu na patuloy sa paghingi ng paumanhin.“What do you want?” Clark asked in a cold voice.“We need to talk.” si Rence.“Without even asking me?” buwelta nya.“I don’t ask, I tell.” Magaspang na sagot ni Rence. Gustong mapamura ni Clark sa ka-arogantehan ng lalaki. Ngunit pinili pa rin niyang magpakahinahon. Kung tutuusin ay madali lang para sa kanya na palayasin si Rence sa lugar. Sa isang pitik lang ay may pagkakalagyan sa kanya ang mayabang na lalaking ito. Pero bakit nga ba narito si Rence? Ano ang sadya nito sa kanya? Sa itsura nito ay mukhang nagbabadya ito ng gulo.“It's my engagement party, don’t e

  • My Only Love   Kabanata Tatlumpu’t isa

    (Taong Kasalukuyan) Mabilis na nagpunas ng mga luha sa mata nito si Anya dahil sa mga bumalik na alaala. Sariwa pa rin ang lahat na parang kahapon lamang nangyari. Buong akala niya'y kaya na niyang dalhin sa dibdib ang naging pagdurusa. Nagkamali siya hindi napaghilom ng panahon ang sugat ng kahapon. “That’s enough. You've drunk too much.” Inagaw ni Rence ang bote ng tequila sa kamay niya.Bumalik rin ang lalaki sa apartment ng dalaga kinahapunan upang makausap sana ng maayos ang babae at tuloy makipag-ayos.He loves Anya and adores her so much.Malaki ang nagawang sakripisyo ng babae para sa kanya. At hindi tamang pagsalitaan niya ito ng mga bagay na makasasakit sa damdamin nito. Naabutan niyang umiinom mag-isa ang dalaga habang nakasalampak sa sahig, ni walang pakialam kung anuman ang wangis nito. Nagtagis ang kanyang bagang.Seeing her weary and hopeless enraged him to murder the one who was responsible for her distress. Umigting ang kanyang panga at kumuyom ang mga kamao. Pil

  • My Only Love   Kabanata Tatlumpu

    Napansin ni Anya na medyo hapis ang pisngi ng binata bakas sa mukha na may dinaraing na suliranin. Ang mga tumutubong pinong mga balahibo sa mukha ay tila hindi na nito napagkaka-abalahang ahitin. Kumislap ang mata nito nang makita siya. “Clark?” Mabilis siyang pumaloob sa sasakyan nito. Mabilis na kinabig siya ng nobyo at niyakap nang mahigpit. Kakatwang wala siyang maramdamang galit para rito o kahit konting pagtatampo man lang. Hinagkan siya ng binata sa mga labi. Naipikit niya ang mga mata nang madama ang init ng halik nito na ilang linggo rin niyang pinangulilaan. “ I have missed you, “samo ni Clark sa kanya. Oh God, she missed him too. Saglit na natigilan si Clark pagkuwa’y mataman siyang tinitigan sa mga mata. “Anya, hindi ko pinasisinungalingan ang mga balita,” seryosong wika ng kasintahan. Napasinghap siya. Pakiramdam niya anumang oras ay huhulagpos ang mga luhang kanina pa niya pinipigilan. Maagap siyang kinabig muli ni Clark. “Oh no, baby, please don’t cry. It'

  • My Only Love   Kabanata Dalawampu’t Siyam

    Gabi na' y hindi pa rin siya dalawin ng antok. Lagpas-lagpasan ang tanaw niya sa bubungan. Habang nakasuot ang matamis na ngiti at animo'y nananaginip ng gising. Ganoon pala ang pakiramdam nang pakikipagniig. Para kang idinuyan sa ligaya. Isang linggo na ang nakalilipas pero pakiramdam niya ay naroon pa rin ang masarap na sensasyon hatid sa. kanya ng nobyo.Lahat ata ng pag-iingat ay ginawa ni Clark para hindi sya masaktan. Masasabi niyang isa na syang ganap na babae ngayon. Sadyang napakamemorable ng gabing iyon. Niyakap niya ang unang tangan at mariing pumikit nang may bigla siyang marinig na pagsipol mula sa labas ng kanilang bahay. Mabilis na bumangon si Anya, kilala niya ang ipit na boses na iyon. Bigla ay nakaramdam sya ng pagkasabik. Lumabas siya ng kuwarto at tinungo ang silid ng Lola Mareng niya. Hinawi niya ang kurtinang nagsisilbi nitong pintuan. Nakita niyang mahimbing nang natutulog ang lola niya bagamat ika-walo pa lamang ng gabi. Marahan at patingkayad siyang humakban

  • My Only Love   Kabanata Dalawanpu’t walo

    “Are you serious?" Lito at Hindi makapaniwalang urirat ni Clark.Para wala nang marami pang tanong ay binirahan niya ng lakad palayo. Sumunod ang binata na takang-taka sa inaasal niya.“Hey, Anya. Are you breaking up with me or you’re implying something?” habol na tanong ng nobyo.Subalit nagpatuloy lamang siya sa paglalakad. Kunwa ay walang naririnig. Kaya ba niyang aminin sa katipan ang nasaksihan kani-kanina lamang?Kaya ba niyang tanggapin na sa kabila nang pagkakaroon nila ng relasyon ay si Rada pa rin ang nasa puso nito? Sumunod si Clark. Mabilis ang mga hakbang. Nilagpasan siya. Huminto ang binata sa tapat ng pickup nito at binuksan iyon. Saka lang din niya napansin na nasa kinapaparadahan na pala sila ng sasakyan nito. “Sakay.” harap ni Clark sa kanya sa pormal na tono. Ngunit hindi siya natinag o kumilos manlang. Hindi nya pinansin ang lalaki. Nagpatuloy sya sa paghakbang pero humarang ang nobyo.“Ang sabi ko sakay.” Matigas na pahayag ng binata. Mukhang naubusan na rin ng

  • My Only Love   Kabanata Dalawampu’t Pito

    “O Anya, akala ko’y tumuloy ka nang umuwi?” si Manang Yoly na bumungad sa pintuan ng kusina. Mabilis na tumayo ang dalaga mula sa pagkakaupo sa bangkito. Pinagpag nito ang suot na palda at nilingon si Manang Yoly. “B…baka po kasi kailangan niyo pa ng tulong Nang Yoly .” Magalang niyang sagot.“Naku! Maraming salamat anak at kailangan ko ngang talaga.”Sumunod si Anya papasok ng kusina. "Maaari mo ba itong idulot kay Clark? Ang batang iyon kahit kailan ay hindi nahilig sa mga inuming may kulay. ” Natigilan si Anya. Hindi malaman kung tatanggihan ba ang mayordoma. Pinili niyang sundin na lamang ito. Inabot niya ang puting pantaas na mahaba ang manggas. Iyon ang nakita niyang suot-suot ng mga tagasilbi sa ginaganap na pagdiriwang. Agad siyang nagpalit at pagkatapos ay kinuha ang pitsel kay Manang Yoly na noo’y nakakunot-noo.“Namumula ang iyong mga mata, umiyak ka ba Anya?” puna ng matanda. “ May dinaramdam ka ba?”dugtong pa ni Manang Yoly na kinabakasan ng pag-aalala.“Naku, hindi

DMCA.com Protection Status