873RD POV “Sino kayo?” Galit na sigaw ni Dylan, habang hawak ng mga lalaki si Recca. “Kami dapat ang magtanong sa inyo niyan?” Galit na wika ng isang lalaki hawak hindi pa rin nito binitawan si Recca. “May hinahanap kami.” “Hinahanap? Bakit sa gubat kayo naghahanap?” Napakunot ang noo ni Dylan dahil sa sinabi ng lalaki sa kanya. Alam niya na hindi gubat ang nakita niya kanina, at parang ginamit lang nila na pan-linlang ang mga naglalakihang mga puno. “‘Wag kayong mag-alala aalis na kami sa lugar na ‘to, kaya pakawalan niyo na ang kasama ko.” Napakunot ang noo ni Dylan ng marinig ang malakas na halakhak ng isang lalaki. “Ano kami tanga? Bakit namin kayo papakasalan? Eh kung magsumbong kayo sa mga police?” “Hindi kami ganun isa pa, kaya ko kayong bayaran pakawalan niyo lang ang kasama ko.” Nag-titinginan ang mga lalaki dahil sa narinig nila mula kay Dylan. “M-magkano naman ang ibabayad niyo?” “Kahit magkano pa ang gusto niyo.” Sagot ni Dylan kaya nagkatinginan sila. “Baka hi
883RD POV “M-Mia..” Sambit ni Dylan kaya nilingon siya ni Recca. “Fvck!” Malakas na sigaw ni Recca ng makita ang mga lalaki kanina na isa-isang bumagsak. “Lumabas na kayo.” Muling narinig nila, kaya sa takot na naramdaman ni Recca ay hinila niya si Dylan palabas sa tinataguan nila, dahil alam niya na mamatay sila kung hindi sila lalabas. “‘W-wag niyo kaming saktan! Sumama lang naman kami sa kanila! Pero hindi nila kami kasamahan!” “Shut up!” Inis na nilingon ni Recca si Dylan, dahil sa sinabi nito sa kanya. “Ikaw ang manahimik Dude, hindi ka ba natatakot sa kanil-.” “Ilabas mo si Aira Mia!” Malakas na sigaw ni Dylan kaya namilog ang mga mata ni Recca. “Dude! Ano ba ‘yang pinagsasabi mo?” “Alam kung nandito lang sila, kaya ilabas mo sila!” Muling wika niya habang wala na silang narinig. “K-kilala mo talaga ‘yon Dude?” “Oo, boses ‘yon ni Mia.” Galit na wika ni Dylan. “Sadyang matapang ka talaga.” Napatingin sila sa babaeng lumabas habang nailing ito sa kanila. “Anna!” Mabi
893RD POV WARNING MATURED CONTEXT!!“Bakit hindi mo sinabi sa akin na buhay ang kakambal mo?” Wika ni Recca matapos silang makapasok sa isang kwarto. “Bakit ko naman sasabihin sa ‘yo?” “Tsk, akala ko ba isa ako sa mga taong pinagkatiwalaan mo?” “Isa nga sana, pero tingnan mo nga ‘yong ginagawa mo?” “Bakit? Ano bang ginagawa ko sa ‘yo?” “Bakit mo ako sinusundan?” “Si Dylan ang may gusto nun.” “Tapos sumunod ka naman?” “Alam mong wala akong magawa!” “Manahimik ka nga!” “Alam mo, napapansin ko, nahawa ka na talaga sa ugali ng kambal mo.” “Anong nahawa?” “Bakit kasi kapag kaharap mo ang ibang tao lalo na si Dylan ang bait mo? Pero pag sa akin nagbago ka? Hindi na Ikaw ‘yong dati na laging nakangiti sa akin? Dahil lagi ka nang galit?” “Sino ba kasi sa palagay mo ang matutuwa sa ginawa niyo? Alam mo bang muntik na kaming mapasok dito ng mga masasamang tao, dahil sa kagagawan niyo” “Sa tingin mo papayag ako na may gagawin sila sa inyo? Lalo na sa ‘yo?” “Alam mo, puro ka nama
903RD POV Taka na napangin si Dylan kay Recca, habang may malawak itong ngiti. “Anong meron?” Tanong sa kanya ni Dylan habang hindi naiwasan na magulat ni Dylan dahil sa pagyakap ni Recca sa kanya. “Bitawan mo nga ako! Nababakla ka na ba?” Inis na tanong niya rito matapos niya itong itulak. “Magsalita ka nga? Bakit ba, ngiti ka lang d’yan ng ngiti?” “Wala Dude, sobrang saya ko lang ngayon.” Kunot noo siyang tinitigan ni Dylan, dahil sa kanyang sinabi. “Teka lang, aalis ka ba?” “Ipasyal ko ang mga bata.” Sagot ni Dylan sa kanya. “Mabuti at nagkaayos na kayo ni Aira.” “Ayaw niya pa rin na sumama sa akin pabalik.” “Bakit daw?” “Hindi ko alam.” “Anong balak mo?” “Balak kung tumira na rin dito kasama sila.” “Paano naman ang negosyo ng pamilya mo?” “Nando’n naman si Daddy at ikaw, alam ko naman na maasahan kita.” “Iba pa rin kapag ikaw ang nando'n, at sa tingin mo ba papayag ang mga magulang mo, na basta ka nalang mawala sa paningin nila?” “Hayaan mong ako na ang magsasabi
913RD POV “Anong nakakatawa?” Taka na tanong ni Dylan sa kanya. “Hindi mo pa nga talaga sila kilala Dylan.” Iling na wika ni Aira at inutusan ang driver na patakbuhin na ang kotse. “Mommy! Ito gusto namin ‘to lahat!” Tuwang wika ng dalawa Kay Anna, kaya nailing si Aira, lahat kasi ng gusto nila ay binibili ni Anna, kaya sa kanya sila nagsasabi. “Lahat ng gusto niyo mga anak, bibilhin natin, kung gusto niyo pa, pati itong mall.” Wika ni Dylan kaya malakas na napasigaw ang dalawa. “Sira ka talaga.” Ngiting wika ni Aira sa kanya. “Bakit? Nakalimutan mo na ba, na lahat ng gusto mo rati binili ko?” Napangiti si Aira dahil sa sinabi ni Dylan. Habang napatingin si Dylan sa mga anak niya na kasama ni Anna at Recca. “Alam mo, ganun talaga ako minsan Dylan, gusto kung bilhin lahat ng mga gusto ko. Pero ang nakakalungkot, dahil minsan ayaw nila akong pagbigyan, lalo na kapag ayaw nila sa gusto ko.” Malungkot na wika ni Aira. “Alam mo bang binibilhan ako ng mga anak natin ng laruan?” Nap
923RD POV WARNING MATURED CONTEXT!!Malawak na napangiti si Dylan habang nakatingin sa mga anak niya, na masayang naglalaro. Si Evo ay gustong umakyat sa robot na binili niya, habang si Aaron ay sa laruan nitong sasakyan. “Tuwang-tuwa ka pa?” Nailing na wika ni Recca sa kanya. “Wala akong magawa, ganun na talaga sila.” “Iba rin ‘ang trip mo.” “Bakit?” “Anong bakit? Alam mo naman na sobrang natakaot ang may-ari ng robot na ‘yan kanina, dahil sa sinabi mong ipapasara mo ang tindahan nila.” “Talaga naman, gagawin ko ‘yon.” Muling nailing si Recca sa kanya. “Babalik na pala kami ni Anna sa Manila.” Napatingin si Dylan sa kanya, dahil sa kanyang sinabi. “Bakit ang bilis? Akala ko ba, rito muna kayo?” “Tinawagan na siya ng mommy nila, nagtataka na rin siguro.” “Siya lang Pala 'yong tinawagan, bakit ka pa sasama?” “Dude naman, alam mo naman na tapos na ang misyon ko sa ‘yo.” Si Dylan naman ang nailing dahil sa kanyang sinabi. “Dylan!” Malakas na sigaw ni Aira, kaya mabilis siya
933RD POV “Ate kailan ka ulit babalik?” Tanong ni Aira kay Anna habang hinatid nila ito sa airport. Hindi na rin niya pinasama ang mga bata dahil alam niya na iiyak ang mga ito, sa tuwing aalis si Anna. “Kapag hindi na ako busy Aira, at alam mo naman na kailangan natin mag-ingat.” Napangiti si Aira dahil sa sinabi ni Anna sa kanya. “Kahit sobrang ingat pa nga natin nahuli pa rin nila tayo.” Natatawa na wika ni Aira. “Kaya nga eh! Kaya tanggapin mo na na mas matalino sila kaysa sa ‘yo.” Natatawa na wika ni Anna, habang sumama namam ang mukha ni Aira. Ayaw na ayaw niya kasi na may lalamang sa kanya. “‘Wag ka na magalit, jowa mo naman siya.” Tinapik ni Anna ang balikat niya habang hiyakap niya ito. “Ingat ka ro’n Ate ha, ‘wag ka nang pumayag na may mang-aapi pa sa ‘yo.” Tumango si Anna sa kanya habang malawak ito napangiti. “Ikaw!” Gulat na napatingin si Recca sa kanya, dahil sa lakas ng kanyang boses. “Ingatan mo si Ate ha? ‘Wag mo siyang pabayaan. Kapag may mang-aapi sa kanya,
943RD POV Napabalikwas si Dylan ng makarinig ito ng ilang putok ng baril. Agad din na tumayo si Aira, habang mabilis na tumakbo patungo sa kwarto ng mga anak nila. “Anong nangyari?” Tanong niya habang papalapit sa kanila ang isa niyang tauhan. “Ma'am may nakapasok po, at kasama nila si Ma'am Mia.” Gulat na napatingin si Aira kay Dylan dahil sa narinig niya. “Dylan, tumakas na kayo! Dalhin mo ang mga bata, magtago kayo Dylan!” Takot na wika ni Aira sa kanya. Habang naguguluhan pa rin si Dylan na nakatingin sa kanya. “Dylan! Naririnig mo ba ako?! Lumayo na kayo rito at dalhin mo ang mga bata!” “No! Hindi ko gagawin ‘yon! At hinding-hindi kita iiwan Aira! Ayaw ko na maranasan ulit ang naranasan ko noon dahil sa pagkawala mo!” Galit na sigaw sa kanya ni Dylan habang hinawakan niya ito sa braso. Nag-iyakan naman ang kanilang mga anak, dahil sa narinig na malakas na putok ng baril. “Dylan, makinig ka naman sa akin oh! Parang awa mo na.. Umalis na kayo ay dalhin mo sila. Ito lang an
CHAPTER 9 3RD POV “Halika na,Baby.” Wika nito at nauna na muling naglakad. Habang nagluluto ito ay nakatingin lamang si Daisy, sa kanya. pinapanood niya ang bawat galaw ng matanda. “Ilang taon kana?” Tanong niya, habang napansin na natigilan ito at nilingon siya. “Bakit?” Sagot nito at muling tinuloy ang ginagawa. “Pansin ko kasi na malakas ka pa.” Wika niya, kaya nilingon siya nitong muli. “Sinabi ko naman sa ‘yo, na kaya ko pang gumawa ng bata, kahit isang dosena pa.” Inis niya itong tiningnan, dahil sa sagot nito sa kanya. “Bakit ba ayaw mo akong kausapin ng maayos?” Wika niya habang tumayo at lumapit dito. “Wala talaga akong tanong na sinasagot mo ng maayos. Puro ka nalang talaga kalokohan.” Galit na wika niya.“Gusto mo ba talagang iwanan kita rito?” Wika niyang muli, habang ngumiti ito. “Bakit? Alam mo ba ‘yong daan palabas ng bahay ko?” Sagot nito habang nailing.“Pwede bang pauwiin mo na ako.” Wika niya, habang napansin na natigilan ito. “Ito naman ang gusto mo ‘di
CHAPTER 83RD POV “Bakit mo ba kasi siya pinakawalan?” Inis na wika ni Daisy, habang bumalik at umupo sa tabi ng matanda. “Ayaw ko na silang dagdagan pa sa loob.” Balewala na wika nito at tumayo. Napatayo naman si Daisy, at inalalayan ito nang muntik na itong matumba. “Ayos ka lang?” Tanong niya, habang tinitigan ang matanda. Umiling ito sa kanya, habang napahawak sa tagiliran nito. “Samahan mo nalang ako sa taas. Gusto kung magpahinga.” Wika nito, habang bakas sa mukha nito ang sakit. “S-sige.” Utal na sagot niya, habang hindi maiwasan na makaramdam ng kaba. Iniisip niya na baka may masamang mangyari sa matanda. Paano nalang siya makalabas. Isa pa, ayaw niyang mag-isa dahil natatakot siya sa mga bangkay na nasa loob ng silid. ‘Ito ba ang silid niya?’ Napatingin si Daisy, sa malawak na silid at tangging sofa lang ang nakikita niya. ‘Paano niya ako nakikita kung nandito siya?’ Nang mapatingala siya, ay napakunot ang kanyang noo, matapos niyang makita ang mga cctv. Na nasa taas.
CHAPTER 7 3RD POVGulat na napatingin si Daisy, sa matanda. Nang bigla nalang nitong iwaksi ang tatlong lalaki na may hawak sa kanya. Diritso nitong nilapitan ang lalaking may hawak sa kanya at malakas itong binalibag. Akmang bubunot sana ng baril ang mga lalaking nasa likuran niya. Pero nauna siyang nagpaputok rito. “’Wag! M-maawa ka B-Boss..” Nagmamakaawang wika nito, habang lumuhod. “Awa? Bakit? Dapat kabang kaawaan?” Narinif niyang wika ng matanda sa lalaki. “Pero sige, pagbibigyan pa rin kita. Tumakas ka, hanggang kaya mo, dahil kapag nahuli kita. Patay ka sa akin.” Ngising wika nito, kaya dali-dali itong tumayo at mabilis na tinakbo ang pinto. Tulala naman na napatingin si Daisy, sa matanda. Habang kinalagan siya nito. “Lumipat ka muna ng ibang silid.” Wika nito, habang inalalayan siyang tumayo. “Talagang lilipat ako, dahil nakakatakot dito!” Galit na sigaw niya rito, habang humawak sa braso. “Bakit ba wala kang ibang kasama rito? Nasa’n ba ‘yong mga taong pumasok noon?
CHAPTER 6 3RD POV Lalo pang namilog ang mga mata ni Daisy, habang tinakpan pa rin ng matanda ang kanyang bibig. Mas lumakas pa kasi ang kalabog na narinig niya mula sa labas. Naisipan ni Daisy, naapakan ang para ng matanda. Para makasigaw siya at mabitawan nito, napatitig lang ito sa kanya at wala rin siyang makitang reaksyon, mula rito. “Fcvk!” Narinig niyang wika nito, habang hinila siya nito pabalik sa kama. Mabilis din ang galaw nito, na kinuha ang isang panyo at nilagay ito sa kanyang bibig. “Umm..” Ungol niya, matapos nitong matali ang panyo, sa bibig niya. Mahigpit naman nitong hinawakan ang kanyang mga kamay, para matali ito sa kama. “Ummm!!!” Ungol muli ni Daisy, habang napatingin ito sa matanda na palabas. ‘Tulong!!’ Gusto niya itong isigaw, pero walang lumalabas na boses sa kanyang bibig kun’di puro ungol, dahil sa panyo. ‘Kailangan kung makawala rito. Alam kung ito na ang pagkakataon, para mailigtas ako rito, nang taong nasa labas.’ Napapitlag siya, matapos niyang m
CHAPTER 5 3RD POV Halos malula si Daisy, nang makita ang nag-tataasan na pader. Kanina pa siya paikot-ikot sa bakuran, pero wala siyang makitang gate. Mas lalo pa siyang nakaramdam ng kaba, matapos makita ang lalaking nakasuot ng mascara. Muli siyang tumakbo, at naghahanap muli ng daan, na pwede niyang labasan. “Mapapagod ka lang!!” Napatingala siya, at doon niya nakita ang mga naglalakihang speaker na nasa taas. “Kung ako sa ‘yo, bumalik kana.” Muling wika nito, pero hindi pa rin siya tumigil sa kata-takbo. ‘Anong klaseng lugar ba ‘to? Bakit walang daan palabas?’ Hindi niya maiwasan na maiyak, habang nakaramdam na nang pagod. Gusto na niyang sumuko, pero nasa isip niya pa rin ang tumakas. Kailangan niyang makawala sa lalaki. “Hindi kaba talaga hihinto?” Natigilan siya matapos makita itong nakatayo sa harapan niya. Namilog din ang kanyang mga mata, matapos niyang makita ang dala nito. Itinaas ni Daisy, ang kanyang mga kamay. Habang tinutok ng lalaki ang baril na hawak niya sa
CHAPTER 4 3RD POV Napabalikwas si Daisy, sa kama at napatingin sa paligid. Ang akala niya, ay nanaginip lang siya. Pero nang magising siya, na nag-uunahan na naman sa paglandas ang kanyang mga luha sa kanyang mga mata. Nang makita niya ang mga paper bag, na nasa sofa ay tumayo siya at nilapitan ito. Isa-isa niya itong binuksan at tiningnan, ang laman. Napakunot ang kanyang noo, matapos niyang makita ang mga damit, na nasa loob ng paper bag. Puro kasi ito mga sexy na damit at kadalasan ay night dress. “Ano ba ang akala mo sa akin? Sumasayaw sa night club?” Galit na wika niya, habang nakatingin sa cctv camera. Kinuha ni Daisy, ang isang damit at akmang pupunitin ito. Pero narinig niya ang malakas na sigaw mula sa speaker. “Subukan mong punitin ‘yan. Hindi mo magugustuhan ang gagawin ko sa ‘yo.” Galit na wika nito, kaya napalunok siya at binaba ito. Iniisip niya naman na mukhang wala itong trabaho at wala itong ibang ginagawa kun’di ang tingnan siya. “Maligo kana.” Wika nito, kaya
CHAPTER 33RD POV Buong lakas na tinumba ni Daisy, ang taong nasa loob ng kurtina. Matapos niya itong maitumba, ay dali-dali niyang kinuha ang kurtina, para makita ang mukha nito. “S-sino ka?” Utal na tanong niya, nang makita ang mukha nito, na nakabalot ng isang silicone mask. Napangiti ito, at hinawakan nang mahigpit ang kanyang mga kamay. “Bitawan mo ako!!” Malakas na sigaw niya. Habang binuhat siya at muling binalik sa kama. “A-anong gagawin mo?” Takot na wika niya rito, habang nakita ang hawak nitong tali. “Ano ba! Bitawan mo ako!!” Patuloy na nanlaban si Daisy, sa lalaki. Pero matagumpay pa rin siyang naitali nito. “Bakit mo ba ginagawa sa ‘kin ‘to? Sino kaba talaga?” Iyak na tanong niya, habang tinali nito ang kanyang mga paa. Nang matapos siyang itali nito, ay agad itong lumabas. Ni hindi man lang niya narinig ang boses ng lalaki. “Pakawalan mo ako rito! Hay*p ka!!” Iyak na sigaw niya. Napalingon ulit si Daisy, sa pinto nang makitang bumukas ito. “Sino kayo?” Tanong n
CHAPTER 23RD POV Nang magising si Daisy, ay napatingin siya sa paligid. Wala siyang ibang nakita kun’di puro maitim na kurtina. Mabilis siyang napa-bangon at lumapit sa pinto. Sinubukan niya itong buksan pero hindi niya ito mabuksan. “Buksan niyo ang pinto!!” Malakas na sigaw niya, habang hinampas ang pinto. “May tao ba r’yan?!” Muling sigaw ni Daisy. “Mapapagod ka lang.” Napatingala siya matapos marinig ang isang boses. Doon niya nakita ang mga cctv camera na nakapaligid sa kanya. Kasama ng isang malaki na speaker. “Sino ka?” Galit na wika niya, habang masama na tiningnan ang cctv camera. “Sumagot ka!!” Malakas na sigaw niya. “Pakawalan mo ako rito!!” Muling sigaw niya, pero hindi na niya ulit ito narinig. Mabilis naman ang kilos niya, at isa-isa na binuksan ang mga kurtina. Pero wala siyang ibang nakikita kun’di puro pader. “Sino kaba talaga? Bakit mo ba ‘to, ginagawa? Ano bang naging kasalanan ko sa ‘yo?!” Hindi na niya napigilan pa na mapa-iyak, dahil sa galit na kanyang
MY MYSTERIOUS WIFE BOOK X CHAPTER 1 3RD POV Kahit pinipigilan ni Daisy, ang kanyang mga luha ay kusa pa rin itong bumagsak. “Ayos lang po ba kayo Ma’am?” Nag-alala na tanong ng kanyang driver sa kanya. Kahit hindi siya okay, ay pilit siyang tumango at ngumiti rito. “’Wag mo akong intindihin Manong, ayos lang ako.” Ngiting wika niya, habang pinunasan ang kanyang mga luha. Sa tuwing iniisip niya kasi si Johnson, ay bumabalik ang sakit na nararamdaman niya. Hindi niya akalain na-mamahalin niya ito ng husto, kahit pa alam niya na hindi siya ang mahal nito. Sinubukan niyang gawin ang lahat para mahalin siya nito, pero bigo pa rin siya, dahil ang kanyang ate Ellie, ang mahal nito. “Wala naman talaga akong laban kay Ate..” Iyak na wika niya, kaya muling napatingin sa kanya ang kanyang driver. “’Wag mo na akong pansinin pa.” Wika niya at pilit na kinalma ang sarili. Nang tumunog ang phone niya, ay agad niya itong tiningnan. Nakita niya naman ang pangalan ng kakambal niya sa screen n