2553RD POV “Umupo ka.” Wika ng kanyang ina, habang madilim ang mukha niya, na tumingin sa babae, na nasa kanyang harapan. “Ano ang pag-usapan natin?” Wika niya habang hindi umupo. Napakunot ang noo ni Aira, dahil sa narinig niya mula sa kanyang anak. “Hindi mo na ba ako kilala Aaron?” Wika nito, kaya nilingon siya ni Aaron. “Kung ipipilit niyo na ipakasal ako sa babaeng ‘yan. Alam niyo na hindi na mangyayari ‘yon, dahil kasal na ako.” “Alam kung peke ang kasal niyo!” Sigaw ni Nica, kaya Galit niya itong tiningnan. “Hindi ka lang pala pangit. Bobo ka pa.” Wika ni Aaron, habang namula ang pisngi ni Nica, dahil napahiya ito sa sinabi ni Aaron, sa kanya. “Tumigil kana Aaron.” Wika ni Aira, kaya napatingin ulit siya rito. “‘Yan ba ang gusto niyo Mom? Ang maikasal ako sa babaeng bobo?” “Sinabi kung tama na! Bakit ba lagi mo nalang akong sinu-suway Aaron?” “Dahil hindi ko siya gusto! Bakit niyo ba ako pinipilit na pakasalan siya? Hindi ko siya mahal!” Inis na sigaw ni Aaron. “Mat
2563RD POV “Hanma!” Masayang wika ni Junas, habang nilapitan ang anak at niyakap. “Mabuti at umuwi kana.” Ngiting wika nito habang binitawan siya. “May kasama po ako Dad.” Wika niya, kaya napatingin si Junas, sa likod ni Hanma. Gulat itong napatingin kay Aaron, habang marami itong bitbit. “A-ano ba ‘tong pinaggagawa mo Hanma?” Tanong niya, habang dali-dali na nilapitan si Aaron, at kinuha ang mga bitbit nito. “Bakit kayo magkasama?” Tanong niya rito. “Dad, pwede bang papasukin niyo muna kami. Pagod kaya kami.” Maktol na wika nito. “Pasok ka.” Wika niya kay Aaron. “Mr. Martinez. Bakit kayo magkasama ng anak ko?” Muling tanong niya, nang makapasok sila, sa loob ng bahay. “Dad, asawa ko na siya, kaya isinama ko siya rito.” Sagot ni Hanma, habang naubo si Aaron. Hindi niya inakala, na sasabihin agad ni Hanma, sa kanyang ama. Ang sekreto nila. “Anong sinabi ko Anak?” Tanong nito sa kanya. “Pinakasalan ko na siya Dad.” Balewala na wika nito, habang umupo ito sa sofa. Napatingin
257 3RD POV “Ano ang itatago ko sa ‘yo?” Tanong ni Junas, habang muling binuhay ang makina ng kanyang kotse. “Hindi ko alam, at ‘yon ang aalamin ko.” Sagot ni Aaron, kaya napatingin siya rito. Ilang sandali pa, ay hininto niya ang kanyang kotse. Napatingin si Aaron, sa labas habang nauna na lumabas si Junas. “Ito ang isa na binebenta nila rito.” Wika nito sa kanya, matapos siyang makalabas sa kotse. Nag-angat siya nang kanyang mukha, para tingnan ang itaas. “Maganda siya, pero hindi masyadong matao.” Wika nito. “Marami pa ritong binebenta. Kung gusto mo, pasa-samahan kita sa secretar-.” “Hindi na. Ako nalang.” Wika niya. “Pero pwede ko bang magamit ang kotse mo, pansamantala?” Muling wika niya kay Junas. “Baka mawala ka rito.” Napangiti si Aaron, dahil sa sinabi ni Junas. “Bata pa lang ako, kabisado ko na ang lugar na ‘to.” Sagot niya rito. “Kung ganun, ihatid mo na ako sa opisina ko.” “Anong oras ka uuwi? Para masundo kita.” “‘Wag na. Magtaxi nalang ako.” Wika ni Junas
258 3RD POV Napangiti si Aaron, matapos niyang bitawan ang labi ni Hanma, napansin niya kasi na tulala pa rin ito. “Gusto mo pa ba?” Tanong nito, kaya agad na namula ang kanyang pisngi. “Anong gusto? Bal*w kaba?” Inis na wika niya rito matapos niya itong hampasin sa kanyang braso. “Alam mo nakakainis ka!” Asar na wika nito habang papasok sila sa loob ng bahay. “Bakit naman?” Sagot ni Aaron, sa kanya, kaya huminto siya at nilingon ito. “Bakit mo ba kasi ako hinahalikan?” “Normal lang ‘yon, dahil asawa kita.” Inirapan siya ni Hanma, sa mga mata nito, dahil sa kanyang sinabi. “Ngayon, sagutin mo na ang tanong ko! Isa pa, akala ko ba wala kanang pera? Pero bakit kumuha ka ng bago mong bodyguard, at bumili ka pa, ng mamahalin na kotse?” Asar na tanong nito. Dahil iniisip niya kung paano nalang sila, kapag wala na itong pera.“‘Wag kang mag-alala. Bigay lang ‘yan sa akin ng Lola ko.” Sagot nito, kaya napakunot ang kanyang noo. “Lola mo? Hindi ba galit sila sa ‘yo?” Taka na tanong
259 3RD POV “Lola, ito na ang pagkain mo!” Wika ni Hanma, matapos niyang makita si Paula. “Bakit ikaw ang nagdala niyan Apo?” Tanong niya rito. “Gusto ko lang po, na ako ang mag-alaga sa ‘yo, umalis na kasi si Aaron, ang sabi niya papasok na raw siya sa opisina.” “Ganun ba, mabuti naman Apo, dahil kailangan niya rin na bisitahin ang lahat ng negosyo ko. Hindi ko na kasi mapupuntahan ang iba.” Wika nito sa kanya. “Pwede naman kitang samahan Lola.” Wika niya, kaya napangiti ito sa kanya. “‘Wag na Apo, nando’n naman si Aaron, alam ko na kaya niyang puntahan ang lahat ng negosyo namin.” Sagot nito, habang umupo siya sa tabi nito. “Kung ganun, mag-shopping nalang tayo Lola, at ‘wag kang mag-alala. Ako ang magbabayad sa lahat ng bibilhin mo.” Ngiting wika niya, habang napatitig si Paula sa kanya. “Bakit Lola, hindi ba kayo naniniwala sa akin?” Tanong niya, rito. Habang taka na napatitig sa matanda, dahil sa pag-halakhak nito. Napakunot naman ang noo ni Hanma, dahil pakiramdam niya
2603RD POV “Sandali! Bakit ba ganyan kayo magsalita? Hindi n’yo ba siya kilala?” Tanong ni Hanma, habang hinawakan si Paula. Napatingin si Aira, sa kanya at tiningnan siya mula ulo hanggang paa. “‘Wag kang makialam dito, kung ayaw mong ipatapon kita sa labas.” Madiin na wika ni Aira, kaya agad siyang hinila ni Aaron, at ikinuble sa kanyang likuran. “Wala siyang alam dito, kaya ‘wag niyo siyang idamay.” Wika niya sa kanyang ina. “‘Wag idamay.” Ismid na wika ni Aira. “Sa ginawa niyang pagpayag na pakasalan ka, damay na siya.” Muling wika ni Aira, sa kanya. “Mom, pwede ba, tama na, at ‘wag niyo nang idamay pa si Lola at Hanma.” Wika ni Aaron. “Anong ginawa mo sa kanya Mommy? Bakit pati si Aaron?” Galit na tanong ni Helen, sa ina niyang si Paula. “Helen..” Sambit nito sa pangalan niya, habang masama niya itong tinitingnan. “Akala ko lumayo kana? Akala ko hinayaan mo na kami? Pero bakit, nilalason mo ang utak ng Apo ko?” Galit na wika nitong muli. “Mali ka.. Ana-.” “‘Wag na ‘wa
2613RD POV “Anong ibig sabihin ng nurse na ‘yon?” Galit na tanong ni Aaron, kay Junas. Napakunot naman ang noo nito habang tiningnan siya. “May sakit talaga ang Anak ko, kaya ko siya ini-ingatan.” “Bakit ba ayaw mong sabihin sa akin ang totoo?!” Sigaw niya rito. “Anong totoo?” “Na siya si Hanma, na asawa ko!” Napakunot ang noo ni Aaron, nang marinig niya ang malakas na halakhak ni Junas. “Hanggang ngayon ba, ‘yan pa rin ang nasa isip mo? Aaron, ibang tao si Hanma!” Umiling si Aaron, sa kanya. “Alam kung nagsisinungaling ka sa akin! Sabihin mo na sa akin ang totoo! Sabihin mo sa akin, na siya si Hanma, na siya ang dati kung asawa..” Iyak na wika ni Aaron sa kanya. “Ilang beses kung sinabi sa 'yo, na hindi siya ang Hanma, na sinasabi mo! Ibang tao ang Anak ko! At kaya siya nandito, dahil sa aksidente na nangyari sa kanya noon!” “Aksedente?” Ulit na wika ni Aaron. “Oo, at narito ang patunay.” Wika niya at binigay sa kanya ang hospital record ni Hanma, sa kanya. “Noong bata pa
2623RD POV Sabay silang natigilan nang marinig nila ang tunog ng phone ni Aaron. “Bakit?” Wika nito, matapos nitong sagutin ang tawag. “Ano?!” Sigaw na wika ni Aaron, kaya napakunot ang noo ni Anna, habang napatingin sa kanya. “Pupunta na ako.” Wika niya, at agad na binaba ang kanyang phone. “Anong nangyari?” Taka na tanong ni Anna.“Mauna na ako Mommy, kailangan kung puntahan si Lola Paula.” Sagot ni Aaron, sa kanya. “Bakit? Anong nangyari kay Lola?” “Isinugod daw sa hospital si Lola, kaya kailangan ko siyang puntahan.” Wika nito habang binuksan ang pinto ng kotse. Natigilan si Aaron, at napatingin sa braso niya, nang hawakan ito ng kanyang mommy Anna. “Sasamahan na kita.” Gulat siyang napatingin dito, dahil sa sinabi nito. “Ayos lang ba, kung sasama ka?” Ngumiti sa kanya, si Anna. Habang lumabas din ito sa kotse. “‘Wag kang mag-alala Anak. Ayos lang ‘yon, hindi naman nila malalaman.” Sagot nito. ****“Nang makarating sila sa private hospital ng kanyang lola Paula, ay aga
CHAPTER 9 3RD POV Hindi mapakali si Ellie, dahil hindi pa rin bumabalik si Jameson. Hindi rin niya mapigilan na sisihin ang sarili niya, dahil sa ginawa niya. ‘Pero teka lang? Bakit naman siya magagalit? Alam ko naman na noon pa, hindi siya naglalabas ng pera?’ Nang bumukas ang pinto, ay agad siyang napatingin dito. Nagkasalubong naman ang kanilang mga mata, at si Ellie, ang unang nag-iwas. Napatingin siya sa kanyang phone, nang bigla itong ihagis ni Jameson sa sofa. “Bakit nasa ‘yo ‘to?” Kunot-noo na tanong niya rito. “Hinahanap mo ‘yan ‘di ba? Kaya kinuha ko.” Balewala na sagot nito at pumasok sa kanyang silid. Mabilis niya itong sinundan at kinatok ang pinto. Kunot-noo naman itong napatingin sa kanya, matapos nitong buksan ang pinto. “Bakit?” Tanong nito. “Ayaw mo bang kumain?” Tanong niya rito. “Kumain na ako, kung hindi mo maubos ‘yon, lahat. Itapon mo, ‘wag ka ring mag-alala, bayad na ‘yon lahat.” Wika nito at sinara muli ang pinto. Inis naman na pinukpok ni Ellie, an
CHAPTER 83RD POV “Bakit mo ako dinala rito?” Galit na tanong niya kay Jameson, matapos siyang ibaba nito. “Para hindi ka mawala.” Sagot nito na lalo niyang kina-inis. “Mawala? Ano bang akala mo sa akin?” “Alam mo, malalagot ka talaga sa ginawa mo sa bodyguard ko! Nasa’n na ba sila? Bakit mo sila biglang iniwan? Lalo na ‘yong secretary ko?” Muling wika niya, habang tinitigan siya ni Jameson. “Alam mo, ang ingay mo.” Wika nito at iniwan siya. “Hoy! Mr. Miller! Saan ka pupunta?” Inis na sigaw niya rito.“Hindi kita asawa, kaya hindi ako dapat magpa-alam sa ‘yo.” Wika nito, at lumabas. Napasigaw naman sa inis si Ellie, dahil sa inasta ni Jameson. Nang makaupo siya muli sa sofa ay muli niyang naalala si Jameson, napansin niya na parang nagbago ang ugali nito. Ibang-iba kasi ito noon. “Sandali lang, bakit hindi niya ako maalala? Katawan lang naman ang nagbago sa akin at hindi mukha?” NANG bumukas muli ang pinto ay napatingin siya kay Jameson, na pumasok. Napatingin din siya sa mg
CHAPTER 73RD POV “Ma’am Ellie, kanina pa po naghihintay sa inyo si Mr. Miller.” Wika ng kanyang secretary, habang hindi pa siya nakapasok sa kanyang opisina. Napakunot naman ang noo niya, dahil sa sinabi nito sa kanya. “Hinihintay? Bakit niya ako hihintayin?” Taka na wika niya. “Ngayon po kasi ninyo bisitahin ang isang branch niyo Ma’am Ellie.” Sagot nito, kaya napahawak siya sa kanyang noo.“Hindi ba pwede na siya nalang ang pumunta ro’n?” Wika niya, habang pumasok sa kanyang opisina. Gusto niya kasi itong iwasan at ayaw niya itong makasama. “Hindi po pwede Ma’am Ellie, tumawag din po kasi ang lola Aira niyo. Kailangan niyo raw pong puntahan mismo ang branch na ‘yon.” Wika nito, habang hindi siya sumagot. Nang lalabas na sana ang secretary niya, ay muli niya itong tinawag. “Saan siya naghintay?” Tanong niya rito. “Sa airport po Ma’am Ellie.” Sagot nito. “Tawagan mo siya, sabihan mong mauna nalang.” Muling wika niya rito. Binuksan ni Ellie, ang monitor na nasa harapan niya,
CHAPTER 6 3RD POV “Ate, mabuti at nandito kana.” Wika sa kanya ng kapatid niyang si Eloise. “Sa’n ka pala galing? Bakit ngayon ka lang umuwi?” Tanong sa kanya ni Elijah. “Sa bar ni Kuya Ryker nga, roon nalang siya natulog, Kuya, dahil lasing na si Ate.” Sagot ni Eloise, kay Elijah. “Pinuntahan ko nga siya, sa room niya. Pero wala siya ro’n.” Gulat siyang napatingin kay Elijah, dahil sa sinabi nito. “Anong wala?” “Wala ka nga ro’n sa silid, kaya hinahanap kita.” Natigilan siya, dahil sa sinabi ni Elijah. Imposible na hindi siya nito nakita. “Hindi naman pwede na papasok ako, sa kabilang room. Alam ko naman na wala ka ro’n.” Muling wika ni Elijah. ‘K-Kabilang kwarto? Ibig sabihin, ako ang nagkamali ng pagpasok sa room, kung saan. Naroon si Jameson?’ “Ate, ayos ka lang ba?” Untag na wika ni Eloise, sa kanya. “Ayos lang ako.” Sagot niya sa kanyang kapatid. “Para ka kasing namumutla.” Napahawak si Ellie, sa mukha niya, dahil sa sinabi ng kanyang kapatid.“Sa’n kaba galing Ellie
CHAPTER 5 3RD POV “Ang ganda mo na talaga Ate.” Wika ni Charles, sa kanya. Isang taon na rin ang lumipas, simula noong maghiwalay sila ni Jameson, mula nang bawiin niya, ang lahat dito, ay wala na siyang narinig na balita tungkol sa dating nobyo. Sinikap din ni Ellie, na kalimutan ito. “Bakit?” Wika niya, matapos niyang sagutin ang tawag sa kanyang phone. “Ate, samahan mo kami mamaya.” Wika sa kanya ni Dahlia. Si Dahlia, ay isa sa mga anak ng kanyang tito Reymart at tita Diana. “Saan kayo pupunta?” Kunot-noo na sagot niya rito, habang umupo sa swivel chair niya. “May bagong binuksan na bar si Kuya Ryker, kaya dapat pupunta tayo.” Wika nito sa masayang boses. “Sino ba ‘yan Ate?” Tanong sa kanya ni Charles. “Si Dahlia.” “Si Charles ba ‘yon?” Tanong muli ni Dahlia. “Oo.” “Isama mo na rin siya Ate at si Eloise.” “Hindi pwede, alam niyo na bawal ‘yon, pumunta sa bar.” Sagot niya rito. “Ate naman, may ladies drink naman do’n, kaya ‘yon nalang sa kanya.” Wika nito, kaya napa-hin
CHAPTER 4 3RD POV “B-bakit kayo naghahalikan?” Utal na wika niya, habang nag-uunahan sa paglandas ang kanyang mga luha.“Hindi ka naman siguro bulag Ellie, at alam kung nakita mo ang ginagawa namin.” Ngiting wika sa kanya ni Camille.“Nakita mo ba ‘to? Tanong nito, habang tinaas ang kanyang daliri. “Magpapakasal na kami ni Jameson, kaya dapat layuan mo na siya.” “B-Baby..” Sambit niya habang luhaan na tumingin kay Jameson. “B-Baby, sabihin mo sa akin, na hindi totoo ang sinasabi niya!” Iyak na sigaw niya rito. “Totoo ang sinabi ni Camille, Ellie, pasensya kana, pero hindi kita kayang mahalin, at ayaw kung pagtawanan sa mga taong ka-kilala ko.” Wika nito, kaya galit siyang lumapit dito. “Walang hiya ka!! Ginamit mo lang ako!!” Galit na sigaw niya, matapos itong sampalin.“’Wag mong saktan si Jameson! Ikaw ang tanga! Dahil pumatol ka sa kanya! Kahit pa alam mong hindi ka niya magugustuhan! Tingnan mo nga ‘yang itsura mo Ellie? Sa tingin mo ba, may lalaking magkaka-gusto sa ‘yo?”
CHAPTER 3 3RD POV “Ano na naman ang ginagawa mo rito? Hindi ba sinabi ko na sa ‘yo, na ‘wag mo nalang akong puntahan.” Inis na wika ni Jameson, kaya nagyuko ng mukha si Ellie. “Isang linggo na kasi na hindi kita nakita, tinatawagan kita, hindi ka rin sumasagot.” Wika niya, kaya masama siyang tiningnan nito. “Hindi kaba talaga nakakaintindi? Ilang beses ko bang sabihin sa ‘yo, na busy ako! ‘Yan talaga ang mahirap, kapag wala kang alam sa business.” “Gusto lang naman kitang makita.” Napapitlag siya, nang bigla nalang hampasin nito ang lamisa. “Hindi na tayo, mga bata Ellie! Kaya ‘wag kang umasta na parang bata.” Galit na wika nito sa kanya. “Baby... Ayaw mo na ba sa akin?” Hikbing wika niya, at napansin niya na tigilan ito. “Sh!t! Hindi sa ayaw. Ang akin lang sumunod ka sa akin, kapag sinabi ko. Na ‘wag kang pumunta, pwede ba, sumunod ka sa akin.” Wika nito, kaya tumango siya rito. “Sorry na, pwede bang ‘wag ka nang magalit..” Mahina na wika niya, habang tumayo. “Aalis kana?”
CHAPTER 2 3RD POV Sa paglipas ng ilang buwan, ay lalo pang minahal ni Ellie, si Jameson. Tinutulungan niya ito, sa balak nitong buksan na negosyo, at pati mga luho nito ay binibili niya. “Ang galing mo talaga Baby, tinatanggap agad ang proposal ko, ilang araw nalang ma-umpisahan ko na ang negosyo ko.” Tuwang wika nito, habang niyakap siya ng mahigpit. “Nagawan mo na ba ng paraan ang sinabi ko?” Wika nito, habang hinalikan siya sa kanyang leeg. Hindi naman maiwasan ni Ellie, na mapangiti, lalo na at nakikiliti siya. “Oo naman Baby, alam mo naman na malakas ka sa akin.” Ngiting wika niya, at humarap dito. “Talaga Baby? Ibig sabihin, binili mo na ‘yong building na sinabi ko?” Tanong nito, habang tumango siya. “Yes! Ang swerte ko talaga sa asawa ko!!” Malakas na sigaw nito, habang pilit siyang binuhat. “Ano kaba! Alam mo naman na hindi mo ako kayang buhatin.” Natatawa na wika ni Ellie. “Yayakapin nalang kita, nang mahigpit na mahigpit.” Wika nito, at hinalikan siya sa kanyang lab
MY MYSTERIOUS WIFE BOOK IX CHAPTER 1“Tama na ‘yan.” Wika ni Elijah, sa kambal niya na si Ellie. “Gusto ko pa ngang kumain!” Galit na sigaw nito sa kapatid niya. “Hayaan mo na siya.” Wika ni Clyde, habang umupo ito. “Ang taba-taba na nga ni Ate, Kuya.” Iling na wika ni Eloise, kaya masama siyang tiningnan ni Ellie. “Ano bang pakialam mo? Ikaw nga payatot!” Wika niya habang nilabas ang dila. “Kuya o! Si Ate, nang-aaway na naman!” Sombong niya sa kapatid niyang si Clyde. “Kung anu-ano kasi ang sinasabi mo kay Ate.” Kunot-noo na wika ni Charles, sa kanya. “Ano bang kaguluhan ‘yan?” Tanong ni Evo, sa mga anak niya. “Kasi Dad, si Ellie, ang taba-taba na nga, kain pa rin ng kain.” Sagot ni Elijah, sa kanilang ama. “Anak, hayaan mo na ‘yang kapatid mo, sadyang masarap lang talaga ako magluto, kaya tumataba kayo.” Ngiting wika ng kanilang inang si Kai, habang nilagyan sila ng pagkain. “Ayan kana naman Mommy, kaya sobrang taba ni Ellie, ang pangit niya tulo-.” “Elijah!” Napatingin