LOGINBOOK22 C4 3RD POV “Wag mong sabihin na may binabalak ka?” Tanong sa kanya ng kanyang lola. “Wala po akong binabalak Lola.” Pagsisinungaling niya rito. “Kung ano man ang binabalak mo, ‘wag mo nang ituloy Apo.” Wika sa kanya ng kanyang lola. “Wala po akong binabalak Lola, gusto ko lang naman sana silang makita.” Napa-kunot ang noo ni Aira, dahil sa sinabi niya. “Makita? Bakit mo naman sila gustong makita?” Muling tanong nito, habang napangiti siya rito. “Wala lang Lola.” “Umuwi kana, dahil gusto kung magpa-party para sa inyo ng asawa mo.” Siya naman ang kumunot ang noo, dahil sa narinig niya mula rito. “Anong party Lola? Pwede bang ‘wag ka nang mag-abala pa sa party na ‘yan.” “At bakit hindi? Ayaw mo bang makilala ng buong pamilya natin ang asawa mo? Alam mo bang balak ko rin siyang ipakilala sa mga business partners natin Apo.”“Lola, ako na po ang bahala, masyado pa ring maaga para ipakilala siya.” Wika niya rito, habang dinadalangin, na sana pumayag ito, dahil wala siyang b
BOOK22 C3 3RD POV Tulala at hindi pa rin makapaniwala si Clyde, na kasal na siya, lalo na at naiksal siya sa babaeng hindi niya gusto at kinamumuhian niya. “Masaya kana?” Tanong niya, habang bakas sa mukha nito ang gulat, dahil sa kanyang sinabi. “Siguro ikaw ang nagplano ng lahat ng ito.” Muling wika niya, habang nilapitan ito. “Alam mong ikaw ang nag-utos na gawi-.” “Tama na! Ilang beses ko bang sabihin sa ‘yo, na ‘wag kang sumagot, hangga’t hindi ko sinasabi!” Galit na sigaw niya rito. “Bakit ba ako nalang lagi ang sinisisi mo Sir?” Tanong nito, kaya mahigpit niyang hinawakan ang braso nito. “Alam mo kung ano ang dahilan ‘di ba? Kaya alam mo rin na gusto kitang magdusa.” Wika niya at malakas itong tinulak. “Ito ang tandaan mo, sa papel lang tayo kasal, kaya ‘wag kang umasta rito, na asawa ko, dahil ikaw pa rin ang alipin ko.” Wika niya at mabilis itong iniwan. Nang makapasok siya sa kanyang kotse, ay hindi niya maiwasan na hampasin nang malakas ang upuan, kaya gulat na na
BOOK 22 C2 3RD POV “Ganyan kaba maghanda ng pagkain?” Tanong niya rito. “Ayusin mo.” Mahina na wika niya, pero bigla itong natigilan nang bigla nalang niyang hampasin nang malakas ang lamesa. “Alam mo bang ayaw ko sa lahat ay ang isang tanga!” Malakas na sigaw niya rito. “B-bakit kaba laging sumisigaw? Hindi naman ako bingi.” Napa-kunot ang noo niya, dahil sa narinig niya mula rito. Mabilis na tumayo si Clyde at nilapitan ito. “Sumasagot kana?” Tanong niya, habang hinawakan niya nang mahigpit ang braso nito. Nang makita niya itong namimilipit sa sakit, ay hindi niya mapigilan na nakaramdam nang tuwa. Gustong-gusto niya kasi itong makita na nasasaktan, dahil tuwing nakikita niya ang mukha nito, ay nakikita niya rito, ang mukha ng ama nito. “Ayusin mo ‘yan, kung ayaw mong matamaan ka sa akin.” Wika niya, matapos niyang bitawan ang braso nito. ‘Kulang pa ‘yan sa ginawa ng ama mo, gusto kung pagbayaran mo ang kahayupan na ginawa niya.’ Nang mailagay nito ang kanyang pagkain sa
BOOK22 CHAPTER 13RD POV “Boss, nakuha ko na po siya.” Wika ng kanyang tauhan, kaya napatingin siya rito. “Nasa’n siya?” Tanong ni Clyde rito. “Naroon po sa silid n’yo Boss.” Sagot ng kanyang tauhan kaya tumayo si Clyde at pinuntahan ang kanyang silid. Nang makapasok ay nakita niya ang babaeng umiiyak. Hindi niya nakita ang mukha nito, dahil naka-yuko ito habang umiiyak. “Tumigil kana.” Mahina na wika niya sa galit na boses. “Dahil wala pa ring kwenta ‘yang pag-iyak mo.” Muling wika niya rito. “Mas mabuti pang ihanda mo nalang ‘yang pag-iyak mo mamaya.” Nag-angat ito ng mukha at tumingin sa kanya. “Ano ba ang kailangan mo sa akin?” Hikbing tanong nito sa kanya. “Wala akong kailangan sa yo, simple lang din ang gusto ko, ang magdusa kayo ng pamilya mo, dahil sa ginawa ng ‘yong ama.” Wika ni Clyde, habang napa-kuyom ang kamao niya na tumingin sa dalaga. “‘Wag mo na silang idamay, ako nalang.” Napangisi si Clyde, dahil sa narinig niya mula rito. “Hindi ikaw ang magsasabi kung a
BOOK21 C26 3RD POV “Akala ko ba ayaw mong magpakasal sa kanya?” Tanong sa kanya ng kapatid niyang si Ellie. “Hindi ko sinabi ‘yon Ate.” Sagot niya rito, habang malawak na ngumiti. Habang nakatitig siya kay Sebastian, na masayang nakipag-usap sa pamilya niya, ay roon niya lang napansin ang taglay nitong kagwapuhan. HIndi rin niya akalain na mamahalin niya ito, kaya kahit inis na inis siya rito, ay hindi niya pa rin mapigilan ang sarili niya na pakasalan ito. “Baka matunaw na ‘yang asawa mo, dahil sa paraan ng tingin mo sa kanya?”“Ate, bakit ba ako lagi ang binabantayan mo?” Inis na wika niya rito. “Bahala kana nga r’yan.” Iling na wika sa kanya ni Ellie. Inis niya naman na nilapitan ang mga kapatid niya, habang kausap pa rin nito si Sebastian. “Anong klaseng pag-uusap ba ang ginagawa n’yo? Bakit hindi pa rin kayo tapos?” Tanong niya sa kanila. Matapos niya silang malapitan. “Ano bang ginagawa mo rito?” Tanong sa kanya ni Charles.“Bakit mo ba ako tinatanong ng ganyan? Natura
BOOK21 C25WARNING MATURED CONTEXT!!!SPG“Loko ka, bitawan mo ako, alam mo bang may meeting pa ako.” Madiin na wika niya rito. “Wala akong pakialam sa meeting mo, dahil sinira mo rin ‘yong meeting ko, ang ang dapat mong gawin ngayon ay samahan ako.” Napa-kunot ang kanyang noo, dahil sa sinabi nito sa kanya. “Anong ibig mong sabihin?” “Hindi mo alam? Gusto ko lang na gamutin mo ‘to.” Namilog ang mga mata ni Eloise, dahil sa sinabi sa kanya ni Sebastian. “Hoy! Sa tingin mo basta mo nalang akong mapapaya-.” Hindi natuloy ni Eloise, ang kanyang sasabihin, nang bigla nalang siya nitong buhatin. “Kung akala mo makakawala ka sa akin, nagkakamali ka Wife.” Gusto niyang sumigaw, pero pinipigilan niya ang kanyang sarili, dahil ayaw niyang makuha muli ang atensyon ng mga tao sa paligid. “Saan mo ba ako dadalhin?” Galit na tanong niya rito, matapos siyang ipasok ni Sebastian sa kotse nito. “Ano pang ginagawa n’yo? Lumabas na kayo!!” Galit na wika nito sa kanyang tauhan. “Bakit mo ba sila







