258 3RD POV Napangiti si Aaron, matapos niyang bitawan ang labi ni Hanma, napansin niya kasi na tulala pa rin ito. “Gusto mo pa ba?” Tanong nito, kaya agad na namula ang kanyang pisngi. “Anong gusto? Bal*w kaba?” Inis na wika niya rito matapos niya itong hampasin sa kanyang braso. “Alam mo nakakainis ka!” Asar na wika nito habang papasok sila sa loob ng bahay. “Bakit naman?” Sagot ni Aaron, sa kanya, kaya huminto siya at nilingon ito. “Bakit mo ba kasi ako hinahalikan?” “Normal lang ‘yon, dahil asawa kita.” Inirapan siya ni Hanma, sa mga mata nito, dahil sa kanyang sinabi. “Ngayon, sagutin mo na ang tanong ko! Isa pa, akala ko ba wala kanang pera? Pero bakit kumuha ka ng bago mong bodyguard, at bumili ka pa, ng mamahalin na kotse?” Asar na tanong nito. Dahil iniisip niya kung paano nalang sila, kapag wala na itong pera.“‘Wag kang mag-alala. Bigay lang ‘yan sa akin ng Lola ko.” Sagot nito, kaya napakunot ang kanyang noo. “Lola mo? Hindi ba galit sila sa ‘yo?” Taka na tanong
259 3RD POV “Lola, ito na ang pagkain mo!” Wika ni Hanma, matapos niyang makita si Paula. “Bakit ikaw ang nagdala niyan Apo?” Tanong niya rito. “Gusto ko lang po, na ako ang mag-alaga sa ‘yo, umalis na kasi si Aaron, ang sabi niya papasok na raw siya sa opisina.” “Ganun ba, mabuti naman Apo, dahil kailangan niya rin na bisitahin ang lahat ng negosyo ko. Hindi ko na kasi mapupuntahan ang iba.” Wika nito sa kanya. “Pwede naman kitang samahan Lola.” Wika niya, kaya napangiti ito sa kanya. “‘Wag na Apo, nando’n naman si Aaron, alam ko na kaya niyang puntahan ang lahat ng negosyo namin.” Sagot nito, habang umupo siya sa tabi nito. “Kung ganun, mag-shopping nalang tayo Lola, at ‘wag kang mag-alala. Ako ang magbabayad sa lahat ng bibilhin mo.” Ngiting wika niya, habang napatitig si Paula sa kanya. “Bakit Lola, hindi ba kayo naniniwala sa akin?” Tanong niya, rito. Habang taka na napatitig sa matanda, dahil sa pag-halakhak nito. Napakunot naman ang noo ni Hanma, dahil pakiramdam niya
2603RD POV “Sandali! Bakit ba ganyan kayo magsalita? Hindi n’yo ba siya kilala?” Tanong ni Hanma, habang hinawakan si Paula. Napatingin si Aira, sa kanya at tiningnan siya mula ulo hanggang paa. “‘Wag kang makialam dito, kung ayaw mong ipatapon kita sa labas.” Madiin na wika ni Aira, kaya agad siyang hinila ni Aaron, at ikinuble sa kanyang likuran. “Wala siyang alam dito, kaya ‘wag niyo siyang idamay.” Wika niya sa kanyang ina. “‘Wag idamay.” Ismid na wika ni Aira. “Sa ginawa niyang pagpayag na pakasalan ka, damay na siya.” Muling wika ni Aira, sa kanya. “Mom, pwede ba, tama na, at ‘wag niyo nang idamay pa si Lola at Hanma.” Wika ni Aaron. “Anong ginawa mo sa kanya Mommy? Bakit pati si Aaron?” Galit na tanong ni Helen, sa ina niyang si Paula. “Helen..” Sambit nito sa pangalan niya, habang masama niya itong tinitingnan. “Akala ko lumayo kana? Akala ko hinayaan mo na kami? Pero bakit, nilalason mo ang utak ng Apo ko?” Galit na wika nitong muli. “Mali ka.. Ana-.” “‘Wag na ‘wa
2613RD POV “Anong ibig sabihin ng nurse na ‘yon?” Galit na tanong ni Aaron, kay Junas. Napakunot naman ang noo nito habang tiningnan siya. “May sakit talaga ang Anak ko, kaya ko siya ini-ingatan.” “Bakit ba ayaw mong sabihin sa akin ang totoo?!” Sigaw niya rito. “Anong totoo?” “Na siya si Hanma, na asawa ko!” Napakunot ang noo ni Aaron, nang marinig niya ang malakas na halakhak ni Junas. “Hanggang ngayon ba, ‘yan pa rin ang nasa isip mo? Aaron, ibang tao si Hanma!” Umiling si Aaron, sa kanya. “Alam kung nagsisinungaling ka sa akin! Sabihin mo na sa akin ang totoo! Sabihin mo sa akin, na siya si Hanma, na siya ang dati kung asawa..” Iyak na wika ni Aaron sa kanya. “Ilang beses kung sinabi sa 'yo, na hindi siya ang Hanma, na sinasabi mo! Ibang tao ang Anak ko! At kaya siya nandito, dahil sa aksidente na nangyari sa kanya noon!” “Aksedente?” Ulit na wika ni Aaron. “Oo, at narito ang patunay.” Wika niya at binigay sa kanya ang hospital record ni Hanma, sa kanya. “Noong bata pa
2623RD POV Sabay silang natigilan nang marinig nila ang tunog ng phone ni Aaron. “Bakit?” Wika nito, matapos nitong sagutin ang tawag. “Ano?!” Sigaw na wika ni Aaron, kaya napakunot ang noo ni Anna, habang napatingin sa kanya. “Pupunta na ako.” Wika niya, at agad na binaba ang kanyang phone. “Anong nangyari?” Taka na tanong ni Anna.“Mauna na ako Mommy, kailangan kung puntahan si Lola Paula.” Sagot ni Aaron, sa kanya. “Bakit? Anong nangyari kay Lola?” “Isinugod daw sa hospital si Lola, kaya kailangan ko siyang puntahan.” Wika nito habang binuksan ang pinto ng kotse. Natigilan si Aaron, at napatingin sa braso niya, nang hawakan ito ng kanyang mommy Anna. “Sasamahan na kita.” Gulat siyang napatingin dito, dahil sa sinabi nito. “Ayos lang ba, kung sasama ka?” Ngumiti sa kanya, si Anna. Habang lumabas din ito sa kotse. “‘Wag kang mag-alala Anak. Ayos lang ‘yon, hindi naman nila malalaman.” Sagot nito. ****“Nang makarating sila sa private hospital ng kanyang lola Paula, ay aga
2633RD POV FLASHBACK “Ikaw?” Kunot-noo na wika ni Britney, matapos niyang makita si Junas. Habang napatingin ito sa hawak niyang sanggol. “May anak kana?” Tanong niya, habang tinakpan ang mukha ng sanggol na kanyang hawak. “Oo! At anong pakialam mo?” Taas kilay na tanong nito sa kanya. “Wala lang, malapit na rin kasi na manganak ang asawa ko.” Wika ni Junas, kaya bahagya itong natigilan. “Talaga? Mabuti pala at may asawa kana. Hindi mo na ako guguluhin pa.” Maldita na wika nito sa kanya. “Anong pangalan ng anak mo?” Tanong ni Junas, at akma sana na titingnan ang bata, pero mabilis na umiwas si Britney. “Hanma, siya si Hanmarie.” Ngiting wika niya. “Sino pala ang asawa mo?” Tanong niya rito, kaya nawala ang ngiti sa labi ni Britney. “Si Dylan.” Sagot niya, kaya napakunot ang noo ni Junas. “Dylan? Dylan Martinez, ba?” Tumango si Britney, at basta nalang siyang iniwan. “Saan ka galing?” Tanong ni Harlow, sa kanya matapos niyang makapasok sa hospital room nito. Malapit na ka
2643RD POV Habang mag-isa nalang si Junas, ay panay pa rin ang titig nito sa wala nang buhay niyang anak. “H-Hanma..” Sambit niya, habang sumisikip ang dibdib niya.“Bakit ba nangyayari ‘to sa akin? Bakit kinuha mo silang sa akin? Ano ba ang nagawa kung kasalanan sa ‘yo?!” Sigaw niya, habang patuloy na umiiyak. Pero natigilan si Junas, nang makita na biglang gumalaw ang isang daliri ni Hanma. Ang akala niya ay guni-guni niya lang ‘yon, pero mabilis niya pa rin itong nilapitan. “A-Anak..” Mahina na sambit niya, at tinapat ang mukha niya sa dibdib nito. Gulat siyang napatingin sa mukha ni Hanma, nang marinig niya ang tibok ng puso nito. Agad na tinawag ni Junas, ang mga doctor, para tingnan si Hanma. Wala na rin doon, ang pamilya ni Aira, dahil isinama sila sa mga pulis. “Gawin niyo ang lahat dok, nabuhay lang ang anak ko.” Iyak na wika ni Junas. Lumipas ang ilang oras na paghihintay niya, ay sakto na lumabas ang doctor, na galing sa operating room. “Doc, kumusta na ang lagay n
265 3RD POV “Aaron, ano bang nangyari sa 'yo?” Inis na tanong ni Hanma, sa kanya. Simula kasi noong nakalabas siya, sa hospital ay lagi nalang nakabuntot sa kanya si Aaron. “Gusto ko lang maalala mo ako.” Napakunot ang kanyang noo, dahil sa kanyang narinig. “Maalala? Anong ibig mong sabihin?” Taka na tanong nito, kaya umiling siya. “Ito ang tandaan mo Hanma, mahal na mahal kita.” Hindi napigilan ni Hanma, na matawa, dahil sa sinabi ni Aaron, sa kanya. “‘Wag ka nang magbiro ng ganyan.” “Hindi ako nagbibiro.” Inis siyang hinampas ni Hanma, dahil sa sinabi nito.“‘Wag mo nga akong lokohin. Alam mo, akala mo siguro, madadaan mo ako sa mga ganyan mo no? Hoy! Lalaki, hindi ko nakakalimutan ang buwan-buwan mong sweldo sa akin.” “Kung gusto mo, sa ‘yo na ang lahat ng pera ko, ayos lang sa akin.” Natigilan si Hanma, dahil sa sinabi nito. “Seryoso kaba talaga? Alam mo naguguluhan na ako sa ‘yo, sinabi ko na sa ‘yo, Aaron. Na hindi ako ang asawa mo noon.” Wika niya, kaya natahimik si Aa
2833RD POV Napaatras si Dell, matapos niyang marinig ang tawa nito. “I-ikaw…” Utal na wika niya, habang muling napasigaw. Akmang tatakbo na sana siyang muli, pero mabilis siyang hinawakan nito.Tangka na naman sana na tuhudin ni Dell, ang kanyang gitna, pero mabilis na nahawakan ni Noah, ang tuhod niya. “Ibaba mo ako hay*p ka!!” Malakas na sigaw niya, habang pinag-susuntok ang dibdib nito. “Ummm…” Unti-unti na nakaramdam ng panghihina si Dell, nang maamoy niya ang itinakip ni Noah, sa kanyang ilong. ****“Daddy…” Mahina na sambit ni Dell, habang pilit na minulat ang kanyang mga mata. Dahil hindi pa rin niya mai-mulat ang mga mata niya, ay kinapa niya ang harapan niya. Nang mawala siyang makapa rito, ay sunod niyang kinapa ang tagiliran niya. Napakunot naman ang noo ni Dell, nang may nahawakan siya sa kanyang tabi. Nang napagtanto niya na isa katawan ito ng isang lalaki, ay agad niyang hinawakan ang buong katawan niya. Pinapakiramdaman din ni Dell, ang kanyang gitnang bahagi, k
2823RD POV Matapos maligo ni Dell, ay kinapa niya ang kanyang mga damit. Matapos niya itong nahawakan ay mabilis niya itong sinuot. “Noah!!” Sigaw niya, habang kinakapa nito ang gilid. “Bakit? Tapos kana ba?” Narinig niyang wika nito. “Tatawagin ba kita kung hindi pa! Tulungan mo ako!” Muling sigaw niya rito. Hindi naman ito sumagot at narinig lang ang tunog ng pinto. Napapitlag siya ng may mga kamay na humawak sa kanya. “Bakit kaba nanggugulat?” Tanong niya rito. “Bakit ka naman magugulat? Alam mo naman na tayo lang dito.” Natigilan si Dell, at hindi umimik. ‘Kung ganun, kami lang pala rito?’ Lihim na napangiti si Dell, dahil sa kanyang nalalaman. “Hindi kana ba pumapasok?” Tanong niya, habang inalalayan siya nito. Hindi naman ito sumagot sa tanong niya. “Bakit nandito ako? Bakit wala ako sa kama?” Kunot noo na tanong niya rito. “Magpahangin ka muna.” Narinig niyang wika nito. “Umalis kana sa pabrika?” Muling tanong niya rito. “Bakit mo tinatanong?” “Dahil lagi kang n
2813RD POV Nang magising si Dell, ay hindi niya pa rin maidilat ang mga mata niya. Kinakapa niya ang paligid habang nagtataka. Kanina lang ay nasa likuran sila ng pabrika, pero ngayon ay nasa ibabaw na siya ng malambot na kama. Gulat niyang kinapa ang kanyang sarili, ng napagtanto ang lugar na kinalalagyan niya. Wala naman siyang napansin na kakaiba sa sarili niya, kaya nakahinga siya ng maluwag. “Walang hiya ang lalaki na ‘yon!” Inis na wika niya, habang napakuyom siya sa kamao niya. “Alam mo bang mas walang hiya pa kayo sa akin?” Narinig niyang wika ni Noah. “Hindi ko maintindihan kung bakit mo ginawa sa akin ‘to?” Naguguluhan wika niya, pero hindi na niya ito narinig pa na nagsalitang muli. Ngayon niya lang din naisip ang sinabi ni Kyla, sa kanya. ‘Hindi kaya siya ang dahilan kung bakit nagka-ganun si Kyla? At hindi kaya totoo ang sinabi niya tungkol sa kanya? Nakakainis! Bakit ba kasi ang tigas ng ulo ko? Bakit ba hindi ako nakinig sa kanya! Kaya pala lagi ko siyang nakiki
2803RD POV “Kyla…” Sambit niya, habang tulala itong nakatingin sa kisame. “Hindi ko alam paano, tawagan ang mga magulang o pamilya mo, kaya ako nalang ang nandito.” Wika niyang muli, habang nakikita niya na naglalandas ang mga luha sa mata ni Kyla.“Bakit hindi mo sinabi sa akin, na buntis ka?” Tanong niya pero wala pa rin siyang nakuhang sagot, mula kay Kyla. “H-hay*p siya…” Mahina na wika nito, kaya napakunot ang noo niya. “S-sino?” Tanong niya rito. Napatingin naman siya sa kamay nito, matapos hawakan ni Kyla, ang kanyang braso. “‘Wag kang lumapit sa kanya, layuan mo siya!” Iyak na sigaw nito. “Sino ba ang ibig mong sabihin?” Taka na tanong niya, habang patuloy na itong umiiyak. “Kyla!!” Napalingon siya sa isang ginang na pumasok. Mabilis nitong niyakap si Kyla, habang humagulgol ng iyak. Tumayo naman si Dell, at iniwan sila sa kwarto. Hindi niya rin maiwasan na napa-isip dahil sa sinabi ni Kyla. KINABUKASAN ay maaga na pumunta si Dell, sa pabrika nila. Patuloy siyang nag
2793RD POV “Kuya naman eh! Bakit kaba nanggugulat?” Inis na wika niya, kay Evo. “Bakit ba?” Natatawa na tanong nito sa kanya. “Anong bakit? Baka may makakita sa atin?”“Ano naman?”“Ayoko kasi na malaman nila na magkapatid tayo.” Napakunot ang noo ni Evo, dahil sa sinabi ni Dell. “Bakit hindi pwede?” “Kuya, gusto ko pang mag-stay rito, kaya ayokong malaman nila. Baka kasi mailang sila sa akin.” “Kung gusto mo tanggalin ko silang lahat dito.” “Kuya, ‘wag mo ngang gawin ‘yan. Mas gusto ko pa silang makilala.” Ngiting wika ni Dell. “Sige, basta kung may problema ka, tawagan mo lang ako.” Ngiting wika ni Evo, kaya agad niya itong niyakap. “Salamat Kuya.” Ngiting wika niya, habang nag-angat siya ng kanyang mukha.“Basta ikaw Princess.” Ngiting wika niya. “Paano, uuwi na ako.” Napakunot ang noo niya, habang bumitaw dito. “Bakit?” “Alam mo naman ang Ate mo.” “Sos! Ang bilis mo naman siyang ma-miss.” “Ganun talaga.” Ngiting wika ni Evo, sa kanya. Matapos silang mag-usap ay umu
278 3RD POV “Sagutin mo nga ako!” Hinihingal na tanong ni Dell, sa kanya. “Nilalayo lang kita sa kanila.” “Nilalayo? Pero bakit? Wala naman tayong masamang ginawa? Isa pa kakain lang naman tayo?” “Sinasagot mo kasi sila. Alam mo bang pwede nila tayong tanggalin sa trabaho natin, dahil sa ginawa mo?” Nailing si Dell, habang napangiti. “Wala kabang tiwala sa akin?” “Wala sa tiwala ‘yan. Halika na, maghahanap nalang tayo ng iba.” “‘Wag na, nawalan na ako ng gana.” Wika ni Dell. “Uuwi nalang ako. Pagod na rin kasi ako.” Muling wika niya rito. “Paano, mauna na ako sa 'yo. Magkita nalang tayo bukas.” Wika ni Dell, habang tinalikuran siya at kinawayan. Napatitig naman ito sa likuran niya habang napangisi. ****“Ma'am Dell, kumain na po kayo.” Wika ng katulong niya. “Sige po, ako na po ang bahala. Magpahinga nalang po kayo.” Wika niya rito. Habang nakaupo si Dell, sa harapan ng mesa ay napatingin siya sa kanyang phone. Balak niya sana na ipatanggal ang mag-asawa na ‘yon, sa kump
2773RD POV “Pasensya kana.” Yukong wika nito, kaya nilapitan ito ni Dell. “Bakit ka humihingi ng tawad? Wala ka namang ginagawang masama?” Nag-angat ito ng mukha niya, at napatitig sa kanya. “H-hindi ka galit?” Wika nito, habang bakas sa mukha nito ang saya. “Hindi, bakit naman ako magagalit. Upo ka.” Yaya ni Dell, sa kanya. Mabilis naman itong umupo sa kanyang tabi. “Gusto mo?” Alok ni Dell, sa kanya. Hindi niya naman maiwasan na mapatitig dito, dahil sa nakatingin lang ito sa hawak niya. “Sige lang sa 'yo nalang ‘yan.” Ngiting wika nito sa kanya. “Nakakapunta kana pala sa hotel dito?” Tanong niya, at kita niya sa mukha nito ang gulat. “O-oo..” “Kung ganun, pwede mo ba akong ipasyal do’n?” Ngiting wika niya, habang hindi naman ito makapaniwala na tumingin sa kanya. “I-ibig mong sabihin, sasama ka sa akin?” “Oo naman, bakit hindi? Maganda nga ‘yon, may tour guide ako.” “Dell!” Malakas na sigaw ni Kyla, hindi niya ito napansin na nasa likuran na nila ito. “Halika! At ‘wag
2763RD POV “Bakit kaba nakikipag-usap sa kanya?” Tanong ni Kyla. “Anong masama?” Balewala na tanong niya rito. “Alam mo bang ang weird ng taong ‘yan, kaya hindi namin siya pinapansin. Ang sabi-sabi pa nga ng iba, ay bal*w siya.” Napatingin si Dell, sa lalaki na busy sa trabaho nito. “Normal naman siya.” Sagot niya kay Kyla. “Anong normal? Hindi siya normal. Sa mga naririnig ko, ay isa siyang killer.” Hindi napigilan ni Dell, na matawa, dahil sa sinabi ni Kyla, kaya napatingin sa kanila ang lahat ng kasamahan nila. Sinaway naman siya ni Kyla, kaya siya tumigil. “Anong nakakatawa?” Tanong ni Kyla, sa kanya. “Paano mo kasi na isip na isa siyang mamamatay tao?” Natatawa pa rin na wika ni Dell. “‘Yon kasi ang sabi nila, isa pa. Mukha naman na totoo, kasi tingnan mo naman ang kanyang itsura.” “‘Wag mo siyang husgahan, dahil lang sa itsura niya, malay mo. Kapag inayos na niya ang sarili niya, baka ma-inlove ka sa kanya.” Si Kyla, naman ang natawa dahil sa kanyang sinabi. “Malabo
My Mysterious Wife Book VIII Chapter 2753RD POV “Nasa’n kana naman?” Wika ng kanyang ina, matapos niyang sagutin ang phone niya. “Mommy, nasa probinsya ako.” Sagot niya rito. “Probinsya? Bakit nand’yan kana naman? Nakalimutan mo ba ang nangyari sa ‘yo noon?” Wika ni Aira sa kanya. “Mommy, kalimutan niyo na po ‘yon, Isa pa. Wala naman nakakakilala sa akin dito.” “'Yon nga ang inaalala ko. Lalo na at wala ka pang dalang bodyguard.” Napangiti si Dell, dahil sa narinig niya, mula sa kanyang ina. Hindi pa kasi ito nasanay sa kanya. “Mom, ako na po ang bahala sa sarili ko, Isa pa wala naman pong nakakakilala sa akin dito.”“Kaya nga, bakit ba kasi ang hilig mo sa lugar na ganyan? Pwede ka naman sana rito?” “Mom, hayaan niyo na po muna ako, I love you Mommy..” Malambing na wika ni Dell, kaya napahinga ng malalim si Aira, bago nito pinutol ang tawag niya. Noon paman ay ito na talaga ang hilig ni Dellemarre. Ang pumunta sa mga probinsya, at magmasid sa mga tauhan nila. “Napa-angat s