265 3RD POV “Aaron, ano bang nangyari sa 'yo?” Inis na tanong ni Hanma, sa kanya. Simula kasi noong nakalabas siya, sa hospital ay lagi nalang nakabuntot sa kanya si Aaron. “Gusto ko lang maalala mo ako.” Napakunot ang kanyang noo, dahil sa kanyang narinig. “Maalala? Anong ibig mong sabihin?” Taka na tanong nito, kaya umiling siya. “Ito ang tandaan mo Hanma, mahal na mahal kita.” Hindi napigilan ni Hanma, na matawa, dahil sa sinabi ni Aaron, sa kanya. “‘Wag ka nang magbiro ng ganyan.” “Hindi ako nagbibiro.” Inis siyang hinampas ni Hanma, dahil sa sinabi nito.“‘Wag mo nga akong lokohin. Alam mo, akala mo siguro, madadaan mo ako sa mga ganyan mo no? Hoy! Lalaki, hindi ko nakakalimutan ang buwan-buwan mong sweldo sa akin.” “Kung gusto mo, sa ‘yo na ang lahat ng pera ko, ayos lang sa akin.” Natigilan si Hanma, dahil sa sinabi nito. “Seryoso kaba talaga? Alam mo naguguluhan na ako sa ‘yo, sinabi ko na sa ‘yo, Aaron. Na hindi ako ang asawa mo noon.” Wika niya, kaya natahimik si Aa
2663RD POV Nang nagmulat ng mga mata si Hanma, ay napatingin siya sa paligid. “Ikaw na naman? Ano bang kailangan mo sa akin?” Inis na wika niya, habang napatingin sa babaeng nasa kanyang harapan. “Anak…” Napakunot ang noo ni Hanma, dahil sa sinabi nito. “Bakit mo ba pinipilit na anak mo ako? Hindi mo ako anak! May mga magulang ako at may mommy.” Umiling ito sa kanya habang umiiyak. “Patawarin mo ako Anak… H-hindi ko alam noon… H-hindi ko sinadya na saktan ka.. Akala ko ikaw ang anak ni Aira..” Hikbing wika nito habang hinawakan ang kamay niya. “Hindi ako ang anak mo. Nagkakamali ka lang.” “Hindi! Ikaw ‘to Hanma.. Kilalang-kilala kita Anak…” “Hindi ako si Hanma.. Hindi ako ‘yong anak mo.. Na nawala na..” “Mali ka! Alam kung naging malupit ako sa 'yo noon, pero Anak, Kilalang-kilala kita. Ako ang mommy mo.. Maniwala ka..” Umiling si Hanma, sa kanya habang tumayo. “Uuwi na ako. Hinahanap na ako ni Daddy at Aaron.” Wika nito, kaya agad na tumayo si Britney. “Hindi! Hindi ka pw
2673RD POV “Kasalanan mo ‘yan.” Wika ni Evo sa kanya, habang inis na inis si Aaron. Hindi niya inakala na masusundan sila ni Britney, at makuha nito sa kanya si Hanma. “Kung hindi mo sana pinakita noon si Hanma, sa kanya. Hindi sana siya nagkakaganun at hindi niya sana kukunin si Hanma.” Muling wika ni Evo. “Pwede ba! ‘Wag mo akong sisihin. Gusto ko lang noon na malaman ang totoo. Lalo na at alam ko na tanging si Britney, lang ang makakatulong sa akin.” “Hindi niyo pa rin ba alam, kung nasa'n ang Anak ko?” Tanong ni Junas, matapos itong makapasok sa loob ng opisina ni Aaron. Pinagliban din niya ang pagpunta sa kanyang ina, dahil sa pagkawala ni Hanma. Inutusan na rin ng lola Paula niya ang kanyang mga tauhan, para hanapin si Hanma. “Hindi pa sila tumatawag.” Sagot sa kanya ni Evo, kaya napahawak si Junas, sa noon niya. “Baka muling mapahamak ang Anak ko.” Nag-alala na wika niya. “Sa tingin ko, hindi na niya sasaktan pa si Hanma. Lalo na ngayon, at alam na niya ang totoo.” “To
2683RD POV “Hanma..” Muling sambit ni Aaron, pero hindi pa rin siya tinitingnan ni Hanma. “Galit kaba sa akin?” Tanong niya, habang tumingin si Hanma, sa kanyang ina. “Hanma, pwede bang makinig ka sa amin!” Sigaw ni Aaron. “‘Wag mong sigawan ang Anak ko! Wala kang karapatan na gawin sa kanya ‘yan! Baka nakalimutan mo na ang kasalanan na nagawa mo sa kanya!” Wika ni Britney, kaya napa-kunot ang noo niya. “Wala akong ginawa kay Hanma! Kung meron mang tao, na dapat niyang layuan ikaw ‘yon! Dahil wala kang kwentang ina!” Sigaw ni Aaron, kaya namilog ang mga mata ni Britney, sa galit. Habang tiningnan niya si Aaron. “Hindi mo ako kilala, kaya wala kang karapatan, pag-salitaan ako ng ganyan!” Malakas na sigaw nito kay Aaron. “Alam mo, ang ina mo ang walang kwenta, dahil hinayaan kalang niyang masaktan.” Ngiting wika nito. “Mali ka, dahil kahit kailan, hindi kami pinabayaan ni Mommy. Hindi tulad mo, nagawang mong ipagpalit ang sarili mong anak, dahil sa kasakiman mo” Wika ni Evo, ka
269 3RD POV “Mabuti naman at nagpakita kana rito.” Wika ni Aira, matapos niyang makita si Aaron. “Nagkaproblema kasi kanina Mommy.” Wika ni Evo, kaya napatingin sa kanya si Aira. “Hindi ikaw ang kinakausap ko, kaya manahimik ka!” Wika nito sa kanya. “Bumalik na ang ala-ala ni Hanma.” Wika ni Aaron, kaya muling napatingin sa kanya si Aira. “Mabuti.” Maikling sagot nito, habang umupo. “Ikaw, kailan ka babalik sa dating ikaw?” Tanong ng kanyang ina. “Akala niyo ba ayaw niyo sa ugali ko noon?” Sagot nito, kaya napakunot ang noo ni Aira. “Alam mo Aaron, gusto ko lang naman, na makita ang totoong nararamdaman mo Anak.” “Sana sinabi niyo nalang.” “Bumalik kana, at ‘wag ka nang mag-matigas pa, Anak.” Wika ni Aira, kaya napatingin siya rito. “Kung ramdam mo na balewala ka sa amin, Anak mali ka, dahil mahal na mahal ka namin ng daddy mo.” Nagyuko ng mukha si Aaron, dahil sa sinabi ng kanyang ina. “Pero paano si Lola Paula?” Wika nito, kaya natigilan si Aira. “Anong ibig mong sabih
270 3RD POV “Sino ka? At bakit ka naka-upo riyan?” Kunot-noo na tanong niya rito. Mabilis na tumayo at tumingin ito sa kanya. “Inutusan po ako.” Yukong wika nito. “Kung ganun, bakit ka naka-upo sa upuan niya? Alam mo bang ayaw na ayaw niyang may ibang tao na umupo r’yan?” Taas kilay na wika nito. “Pasensya na po kayo, nakaramdam po ako ng pagod.” “Kung pagod ka, dapat magpahinga ka, at hindi muna pumasok.” “Hindi po pwede, akala lang ang inaasahan ni Madam Paula.” “Hindi na ngayon, dahil nandito na ako. ‘Wag kang mag-alala. Ako na ang bahala kay Mommy.” Wika ni Helen. “Ano pang hinihintay mo? Lumabas kana.” Wika niya, kaya dali-dali itong lumabas. “H-Helen..” Utal na sambit ni Paula, matapos niyang makita ang anak niyang si Helen. “Ikaw ba talaga ‘to?” Iyak na wika nito, kaya nagyuko si Helen sa kanyang ulo. “Anak, patawarin mo ako… Hindi ko sinadya na saktan kayo.. Lalo kana. Alam mong mahal na mahal kita.” Hindi napigilan ni Helen, ang mapa-iyak, habang nag-angat ng kan
2713RD POV “Anong nangyar-.” Natigilan si Aaron, matapos niyang makita ang ina niyang si Aira. “Mommy..” Sambit niya rito, habang nasa sahig si Patricia. “Ano bang nangyari rito?” Tanong ni Helen, nang makapasok siya sa silid ng kanyang ina. “Aira..” Sambit niya nang makita niya ito. “Bakit Apo?” Gulat na tanong ni Paula, matapos itong magising dahil sa ingay. “Ang babaeng ‘yan!” Galit na turo niya kay Patricia. “A-Aira..” Gulat na wika ni Paula, dahil ang akala niya ay si Anna, ang nasa harapan niya. “Alam mo ba ang ginagawa niyan Mommy?” Muling wika ni Aira, sa Galit na boses. “Ito, hindi ko alam kung ano ‘to, pero muntik na niya itong iturok kay Lola.” Malakas na wika ni Aira. Napangiti naman sa kanya si Paula, habang pilit na inabot ang kamay niya. “Bumalik kana Apo.” Iyak na wika nito, matapos nitong hawakan ang kamay niya. Hindi makagalaw si Aira, habang tinitigan niya ang lola Paula niya. Ngayon niya lang kasi ito nakita, simula noong pinili niya si Dylan. “Patawar
2723RD POV “Tulog.” Iling na wika ni Dylan, matapos niyang makita ang babae, na bumagsak sa sahig. “Walang kwentang kalaban.” Wika ni Aira, at iniwan ito. Agad naman itong kinuha sa mga tauhan nila. “Saan mo ba nakita ang babaeng ‘yon? Bakit niya inakala na mapapasa-kanya ang yaman mo?” Tanong ni Aira, kay Paula. “Hindi ko rin alam..” Wika ni Paula. “Kumusta na ang pina-pagawa ko sa mga tauhan natin?” Tanong ni Paula. “Nakahanda na Mommy,” Sagot sa kanya ni Helen. “Mabuti naman.” Ngiting wika nito, habang lumapit si Aaron, sa kanyang ina. “Pwede ba kitang makausap Mommy?” Wika niya, kaya napatingin si Aira, sa kanya. Tumango ito sa kanya, at nauna na naglakad, sumunod agad si Aaron, dahil baka biglang magbago ang isip ng kanyang ina. “Ano ang kailangan mo?” Malamig na wika nito. Gulat naman na napatingin si Aira, sa kanya, nang bigla niya itong niyakap ng mahigpit. Simula noong bata pa lang si Aaron, ay hindi na siya malambing sa kanyang ina. “Aaron..” Mahina na sambit nit
2833RD POV Napaatras si Dell, matapos niyang marinig ang tawa nito. “I-ikaw…” Utal na wika niya, habang muling napasigaw. Akmang tatakbo na sana siyang muli, pero mabilis siyang hinawakan nito.Tangka na naman sana na tuhudin ni Dell, ang kanyang gitna, pero mabilis na nahawakan ni Noah, ang tuhod niya. “Ibaba mo ako hay*p ka!!” Malakas na sigaw niya, habang pinag-susuntok ang dibdib nito. “Ummm…” Unti-unti na nakaramdam ng panghihina si Dell, nang maamoy niya ang itinakip ni Noah, sa kanyang ilong. ****“Daddy…” Mahina na sambit ni Dell, habang pilit na minulat ang kanyang mga mata. Dahil hindi pa rin niya mai-mulat ang mga mata niya, ay kinapa niya ang harapan niya. Nang mawala siyang makapa rito, ay sunod niyang kinapa ang tagiliran niya. Napakunot naman ang noo ni Dell, nang may nahawakan siya sa kanyang tabi. Nang napagtanto niya na isa katawan ito ng isang lalaki, ay agad niyang hinawakan ang buong katawan niya. Pinapakiramdaman din ni Dell, ang kanyang gitnang bahagi, k
2823RD POV Matapos maligo ni Dell, ay kinapa niya ang kanyang mga damit. Matapos niya itong nahawakan ay mabilis niya itong sinuot. “Noah!!” Sigaw niya, habang kinakapa nito ang gilid. “Bakit? Tapos kana ba?” Narinig niyang wika nito. “Tatawagin ba kita kung hindi pa! Tulungan mo ako!” Muling sigaw niya rito. Hindi naman ito sumagot at narinig lang ang tunog ng pinto. Napapitlag siya ng may mga kamay na humawak sa kanya. “Bakit kaba nanggugulat?” Tanong niya rito. “Bakit ka naman magugulat? Alam mo naman na tayo lang dito.” Natigilan si Dell, at hindi umimik. ‘Kung ganun, kami lang pala rito?’ Lihim na napangiti si Dell, dahil sa kanyang nalalaman. “Hindi kana ba pumapasok?” Tanong niya, habang inalalayan siya nito. Hindi naman ito sumagot sa tanong niya. “Bakit nandito ako? Bakit wala ako sa kama?” Kunot noo na tanong niya rito. “Magpahangin ka muna.” Narinig niyang wika nito. “Umalis kana sa pabrika?” Muling tanong niya rito. “Bakit mo tinatanong?” “Dahil lagi kang n
2813RD POV Nang magising si Dell, ay hindi niya pa rin maidilat ang mga mata niya. Kinakapa niya ang paligid habang nagtataka. Kanina lang ay nasa likuran sila ng pabrika, pero ngayon ay nasa ibabaw na siya ng malambot na kama. Gulat niyang kinapa ang kanyang sarili, ng napagtanto ang lugar na kinalalagyan niya. Wala naman siyang napansin na kakaiba sa sarili niya, kaya nakahinga siya ng maluwag. “Walang hiya ang lalaki na ‘yon!” Inis na wika niya, habang napakuyom siya sa kamao niya. “Alam mo bang mas walang hiya pa kayo sa akin?” Narinig niyang wika ni Noah. “Hindi ko maintindihan kung bakit mo ginawa sa akin ‘to?” Naguguluhan wika niya, pero hindi na niya ito narinig pa na nagsalitang muli. Ngayon niya lang din naisip ang sinabi ni Kyla, sa kanya. ‘Hindi kaya siya ang dahilan kung bakit nagka-ganun si Kyla? At hindi kaya totoo ang sinabi niya tungkol sa kanya? Nakakainis! Bakit ba kasi ang tigas ng ulo ko? Bakit ba hindi ako nakinig sa kanya! Kaya pala lagi ko siyang nakiki
2803RD POV “Kyla…” Sambit niya, habang tulala itong nakatingin sa kisame. “Hindi ko alam paano, tawagan ang mga magulang o pamilya mo, kaya ako nalang ang nandito.” Wika niyang muli, habang nakikita niya na naglalandas ang mga luha sa mata ni Kyla.“Bakit hindi mo sinabi sa akin, na buntis ka?” Tanong niya pero wala pa rin siyang nakuhang sagot, mula kay Kyla. “H-hay*p siya…” Mahina na wika nito, kaya napakunot ang noo niya. “S-sino?” Tanong niya rito. Napatingin naman siya sa kamay nito, matapos hawakan ni Kyla, ang kanyang braso. “‘Wag kang lumapit sa kanya, layuan mo siya!” Iyak na sigaw nito. “Sino ba ang ibig mong sabihin?” Taka na tanong niya, habang patuloy na itong umiiyak. “Kyla!!” Napalingon siya sa isang ginang na pumasok. Mabilis nitong niyakap si Kyla, habang humagulgol ng iyak. Tumayo naman si Dell, at iniwan sila sa kwarto. Hindi niya rin maiwasan na napa-isip dahil sa sinabi ni Kyla. KINABUKASAN ay maaga na pumunta si Dell, sa pabrika nila. Patuloy siyang nag
2793RD POV “Kuya naman eh! Bakit kaba nanggugulat?” Inis na wika niya, kay Evo. “Bakit ba?” Natatawa na tanong nito sa kanya. “Anong bakit? Baka may makakita sa atin?”“Ano naman?”“Ayoko kasi na malaman nila na magkapatid tayo.” Napakunot ang noo ni Evo, dahil sa sinabi ni Dell. “Bakit hindi pwede?” “Kuya, gusto ko pang mag-stay rito, kaya ayokong malaman nila. Baka kasi mailang sila sa akin.” “Kung gusto mo tanggalin ko silang lahat dito.” “Kuya, ‘wag mo ngang gawin ‘yan. Mas gusto ko pa silang makilala.” Ngiting wika ni Dell. “Sige, basta kung may problema ka, tawagan mo lang ako.” Ngiting wika ni Evo, kaya agad niya itong niyakap. “Salamat Kuya.” Ngiting wika niya, habang nag-angat siya ng kanyang mukha.“Basta ikaw Princess.” Ngiting wika niya. “Paano, uuwi na ako.” Napakunot ang noo niya, habang bumitaw dito. “Bakit?” “Alam mo naman ang Ate mo.” “Sos! Ang bilis mo naman siyang ma-miss.” “Ganun talaga.” Ngiting wika ni Evo, sa kanya. Matapos silang mag-usap ay umu
278 3RD POV “Sagutin mo nga ako!” Hinihingal na tanong ni Dell, sa kanya. “Nilalayo lang kita sa kanila.” “Nilalayo? Pero bakit? Wala naman tayong masamang ginawa? Isa pa kakain lang naman tayo?” “Sinasagot mo kasi sila. Alam mo bang pwede nila tayong tanggalin sa trabaho natin, dahil sa ginawa mo?” Nailing si Dell, habang napangiti. “Wala kabang tiwala sa akin?” “Wala sa tiwala ‘yan. Halika na, maghahanap nalang tayo ng iba.” “‘Wag na, nawalan na ako ng gana.” Wika ni Dell. “Uuwi nalang ako. Pagod na rin kasi ako.” Muling wika niya rito. “Paano, mauna na ako sa 'yo. Magkita nalang tayo bukas.” Wika ni Dell, habang tinalikuran siya at kinawayan. Napatitig naman ito sa likuran niya habang napangisi. ****“Ma'am Dell, kumain na po kayo.” Wika ng katulong niya. “Sige po, ako na po ang bahala. Magpahinga nalang po kayo.” Wika niya rito. Habang nakaupo si Dell, sa harapan ng mesa ay napatingin siya sa kanyang phone. Balak niya sana na ipatanggal ang mag-asawa na ‘yon, sa kump
2773RD POV “Pasensya kana.” Yukong wika nito, kaya nilapitan ito ni Dell. “Bakit ka humihingi ng tawad? Wala ka namang ginagawang masama?” Nag-angat ito ng mukha niya, at napatitig sa kanya. “H-hindi ka galit?” Wika nito, habang bakas sa mukha nito ang saya. “Hindi, bakit naman ako magagalit. Upo ka.” Yaya ni Dell, sa kanya. Mabilis naman itong umupo sa kanyang tabi. “Gusto mo?” Alok ni Dell, sa kanya. Hindi niya naman maiwasan na mapatitig dito, dahil sa nakatingin lang ito sa hawak niya. “Sige lang sa 'yo nalang ‘yan.” Ngiting wika nito sa kanya. “Nakakapunta kana pala sa hotel dito?” Tanong niya, at kita niya sa mukha nito ang gulat. “O-oo..” “Kung ganun, pwede mo ba akong ipasyal do’n?” Ngiting wika niya, habang hindi naman ito makapaniwala na tumingin sa kanya. “I-ibig mong sabihin, sasama ka sa akin?” “Oo naman, bakit hindi? Maganda nga ‘yon, may tour guide ako.” “Dell!” Malakas na sigaw ni Kyla, hindi niya ito napansin na nasa likuran na nila ito. “Halika! At ‘wag
2763RD POV “Bakit kaba nakikipag-usap sa kanya?” Tanong ni Kyla. “Anong masama?” Balewala na tanong niya rito. “Alam mo bang ang weird ng taong ‘yan, kaya hindi namin siya pinapansin. Ang sabi-sabi pa nga ng iba, ay bal*w siya.” Napatingin si Dell, sa lalaki na busy sa trabaho nito. “Normal naman siya.” Sagot niya kay Kyla. “Anong normal? Hindi siya normal. Sa mga naririnig ko, ay isa siyang killer.” Hindi napigilan ni Dell, na matawa, dahil sa sinabi ni Kyla, kaya napatingin sa kanila ang lahat ng kasamahan nila. Sinaway naman siya ni Kyla, kaya siya tumigil. “Anong nakakatawa?” Tanong ni Kyla, sa kanya. “Paano mo kasi na isip na isa siyang mamamatay tao?” Natatawa pa rin na wika ni Dell. “‘Yon kasi ang sabi nila, isa pa. Mukha naman na totoo, kasi tingnan mo naman ang kanyang itsura.” “‘Wag mo siyang husgahan, dahil lang sa itsura niya, malay mo. Kapag inayos na niya ang sarili niya, baka ma-inlove ka sa kanya.” Si Kyla, naman ang natawa dahil sa kanyang sinabi. “Malabo
My Mysterious Wife Book VIII Chapter 2753RD POV “Nasa’n kana naman?” Wika ng kanyang ina, matapos niyang sagutin ang phone niya. “Mommy, nasa probinsya ako.” Sagot niya rito. “Probinsya? Bakit nand’yan kana naman? Nakalimutan mo ba ang nangyari sa ‘yo noon?” Wika ni Aira sa kanya. “Mommy, kalimutan niyo na po ‘yon, Isa pa. Wala naman nakakakilala sa akin dito.” “'Yon nga ang inaalala ko. Lalo na at wala ka pang dalang bodyguard.” Napangiti si Dell, dahil sa narinig niya, mula sa kanyang ina. Hindi pa kasi ito nasanay sa kanya. “Mom, ako na po ang bahala sa sarili ko, Isa pa wala naman pong nakakakilala sa akin dito.”“Kaya nga, bakit ba kasi ang hilig mo sa lugar na ganyan? Pwede ka naman sana rito?” “Mom, hayaan niyo na po muna ako, I love you Mommy..” Malambing na wika ni Dell, kaya napahinga ng malalim si Aira, bago nito pinutol ang tawag niya. Noon paman ay ito na talaga ang hilig ni Dellemarre. Ang pumunta sa mga probinsya, at magmasid sa mga tauhan nila. “Napa-angat s