Share

MML 22 - A Night With Her

Paupo pa lang sana ako sa kama habang nagtutuyo ng aking mga buhok nang may kumatok sa pinto.

Nagtataka man ay binuksan ko na lang din iyon. Nagulat pa nang makita si Roy.

"Ginagawa mo rito?" kinakabahan na tanong ko habang nakatingin sa paligid. Baka may makakita.

"Tara," aya niya sa akin at hinila na ako palabas.

Ako naman na walang magawa ay hindi ko na naisarado pa ang pinto ng kwarto ko at dala-dala pa ang maliit na tuwalya na gamit ko pagpapatuyo ng aking mga buhok.

"Saan ba tayo pupunta?" tanong ko.

"Basta," aniya at agad ako na pinagbuksan ng pinto saka ako pinaupo roon.

Mas lalo lang ako kinabahan nang paandarin niya ang sasakyan dahil sa sobrang ingay noon.

"Roy," kinakabahan na tawag ko sa kaniya.

Nagsenyas lang siya na tumahimik ako at pinaharurot na paalis doon ang sasakyan.

Gabing-gabi na rin kasi. Hindi ako dinadalaw ng antok kanina kaya nagtagal ako sa banyo para maligo. Saka lang ako lumabas nang pakiramdam ko ay sobra pa sa sobrang linis ko na.

Matutulog na rin sana
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status