Hindi ko na nagawa pang balingan si Ate Anne na siyang sumigaw nang sa isang iglap ay natagpuan ko na lang ang sarili ko na hila-hila niya ako sa aking mga buhok."Ate Anne, masakit," sambit ko."Masasaktan ka talagang malanding babae ka! Ang bababoy niyo!" sigaw niya.Damang-dama ko ang galit hindi lang sa kaniyang boses dahil maging sa pagsabunot niya sa akin. Halos mawalan ako ng mga buhok nang dahil sa pagkakahila niya."A-Anne," ang nag-iisang salita na namutawi sa bibig ni Roy habang mabilis na inaayos ang pajama na kanina'y nakababa."Nakakadiri kayo! Anong kahayupan ito, Roy?! Kailan pa? Katulong natin? Nag-iisip ka ba?""Anne, calm down," pagpapakalma ni Roy sa kaniya at sinubukan na lumapit ngunit bahagyang napaatras nang iduro siya ni Ate Anne."Kumalma?" sarkastiko siyang natawa. "Ikaw rin kaya ang sabihan ko nang kumalma pagkatapos mong mahuli na nakikipag-sex ako sa ibang tao," aniya."Ate Ann
Natulala na lang ako sa pagkabigla at nakayuko na tiningnan ang sarili. Nakararamdam ako ng panliliit sa aking sarili. Hindi ko magawa na magsalita. Para akong pinagkaitan ng boses at isipan upang makapag-isip ng tama matapos niyang sabihin iyon. Nahihinuha ko na ang kalalabasan ng pagtatagpo na ito."Ikaw, Anne. Tatanungin kita. Kung ikaw naman ang nasa sitwasyon ko at may nakaalam na may iba akong kinakasamang babae. Ano ang gagawin mo?" tanong niya sa kaniyang asawa."Syempre, iinom ka niyan. Magpapakalasing ka kasi gusto mo mawala na lang iyon sa isip mo kung mahal mo talaga ang isang tao. Anne, kung mahal na mahal mo 'yung tao, hindi mo alam gagawin mo e. Sobrang sakit noon sa pakiramdam at iyon ang naramdaman ko nang malaman na may iba kang lalaki na kinakasama bukod sa akin... bukod sa asawa mo..." nanghihinang sambit ni Roy."Aaminin ko, nalasing ako pero... Anne, sumugod ka kaagad! Hindi mo man lang ako tinanong muna!""Kung hindi mo alam
Tulala at walang saplot na naglalakad ako sa daan sa kasalukuyan.Walang damit, nakaapak at higit sa lahat ay nawalan na ng dignidad para sa sarili nang dahil sa insidente na sa una pa lang ay inayawan ko na pero tinuloy ko pa rin.Umupo ako sa isang gilid at niyakap ang sarili. Madilim sa bahaging ito. Sa hindi kalayuan ay nakikita ko pa rin ang nangyayari sa kalsada ngunit kahit kailan ay paniguradong hindi alam ng mga dumadaan na may tao rito.Hindi ko na alam kung nasaan ako... kung saan na ako dinala ng mga paa ko. Ang alam ko lang ay malayo na ako. Malayo sa bahay kung saan ako nanggaling. Hindi ko na ninais pa na dumaan sa maliwanag. Takot man ako sa dilim ngunit wala rin ako magagawa. Mas lalong hindi ko nananaisin na makita ako ng mga tao sa ganitong sitwasyon.Napahikbi na lang ako nang sumagi muli sa isip ang nangyari sa akin.Wala na. Nan
Masakit ang katawan na iminulat ko ang aking mga mata.Nasisilaw na itinakip ko ang aking palad sa aking mga mata upang maayos na makita kung nasaan ako.Nakaramdam ako ng takot nang walang makita kahit ano sa paligid at tanging puting kisame, pader, at higaan lang ang nakita ko. Nanginginig na nagmamadali ako na tanggalin ang suwero na nakakapit sa akin. Umiling ako. Hindi maaari.Nanlaki ang mga mata ko nang may pumasok na isang lalaki sa loob. Kusang naglalagan ang mga luha sa aking mga pisngi."Parang-awa niyo na po, pakawalan niyo na ako," pagmamakaawa ko.Napabaling ang tingin ko sa isa pang babae na siya namang pumasok sa loob."W-wala na po akong pamilya. Wala rin po akong pera. Wala po kayong mapapala sa akin," pagmamakaawa ko at halos malaglag pa sa kama upang lumuhod."I-iha.. Erick, kumuha ka ng tubig sa kusina. Bilisan mo," ani noong babae saka lumapit sa akin."P-parang awa niyo na po. Pakawalan niyo na po ako," pagmamakaawa ko at halos mapaatras nang lumapit siya sa aki
"Ate Hazel," tawag ko sa kaniya habang siya ay nakaharap sa kaniyang laptop.Tiningnan niya ako sandali at binaling din agad sa ginagawa. "Salamat," halos pabulong na lang na sambit ko dahilan upang tuluyan na niyang ibaling ang atensiyon sa akin.Ngumiti siya sa akin."Kung hindi dahil sa kabutihan mo... ninyo ni Kuya Erick ay paniguradong hindi ko alam kung buhay pa ba ako ngayon. Napakabuti niyong tao," sabi ko at pinaglaruan ang aking mga kamay. "Pasensiya na kung nagiging pabigat pa ako sa inyo. Hindi niyo naman talaga ako obligasyon na tulungan dahil unang-una ay hindi niyo naman ako kilal—""Shh... don't say that. Bakit? 'yung mga kakilala lang ba dapat ang tulungan? Sila lang ba ang dapat na isalba kapag kailangan na kailangan ng tulong ang isang tao? Isa pa ay kaya ka namin tulungan kaya gagawin namin iyon."Tipid ako na ngumiti at saka napapayuko na lang na tiningnan ang mga daliri ko sa paa. "Alam mo ba," aniya dahilan upang iangat ko muli ang mga mata upang tingnan siya.
"Ina, hayaan mo sila riyan," si Ate Hazel habang hatak-hatak na ako ngayon paalis sa kusina."Pero—" Binalingan niya ako at sinamaan ng tingin kaya nanahimik na lang ako at binitawan na ang hawak. "Sinama kita rito para kahit papaano ay lumabas ka naman sa condo. Hindi kita sinama para mag-asikaso roon o riyan sa kahit saan. May mga naka-assign na gumawa sa bawat gawain at hindi mo na kailangan pa na mangialam.""Gusto ko lang naman tumulong, Ate. Kahit dito lang ay makabawi naman ako kahit papaano," sabi ko.Sa totoo lang ay mas naging maayos na ako. Wala naman akong pagpipilian kung hindi ang ayusin ang sarili ko at mas pipiliin ko na ayusin ang mga gulo ko sa buhay habang maaga pa dahil hindi naman titigil ang mundo para sa akin tulad ng sinabi ni Kuya Erick."It's okay. Hindi ko naman sinabi na bumawi ka," aniya. "Kumusta naman ang naging lakad mo nitong mga nakaraan na araw
Narinig ko ang pagkatok sa pinto ngunit kahit balingan iyon ay wala akong lakas.Humiga ako sa kama at ipinikit ang mga mata. Walang nais na makausap kahit kanino sa kanila.Bakas ang pag-aalala ng sobra sa kanilang mga mukha dahil nabuksan ko sa kanila ang nais ko na pagpapalaglag sa bata dahil ayaw kong tanggapin ang dinadala sa aking sinapupunan na resulta ng isa sa pinakamasalimuot na gabing naranasan ko sa kamay ng walang awang mga nilalang.Nakauwi na kami mula sa hospital. Ilang araw na rin mula noong makalabas ako at walang mintis ang pagpunta nila rito sa condo. Nang dahil nga lang sa isang ginawa ko na ikinagalit nila ay isinama na nila ako rito sa bahay nila. Dito na nila ako pinatuloy at ayaw akong iwanan na mag-asawa kaya naman kung wala si Kuya Erick ay si Ate Hazel ang kasa-kasama ko. Nakakaramdam man ng kaunting hiya dahil sa... pati trabaho nila ay naabala ko na ngunit hindi ko ri
Ipinatong ko sa katabing lamesa ang tray ng pagkain at saka muling humiga na lang sa higaan.Nakakapagod naman. Napapagod na ako. Dapat pa ko pa ba na ituloy ang buhay na ito... umalis na lang sa pamamahay nila at gawin ang sinasabi ni Ate Hazel kanina. Napailing ako. Bakit ba napakahirap nila akong intindihin. Kung nararanasan at nararamdaman ba nila ang sakit at paghihirap ko ay pakikinggan nila ako?Ilang sandali pa nang maramdaman ko ang paglubog ng hinihigaan ko na kama tanda na mayroong tao roon."Ina," si Kuya Erick. "Iha... huwag mo naman pinapasakit ang ulo ng asawa ko. Isa lang naman ang gusto niyang mangyari at iyon ay ang maging maayos ka sa kabila ng mga napagdaanan at patuloy na pinagdaraanan mo," aniya.Nanatili ako na tahimik. Nagsisimula na naman mag-init ang gilid ng mga mata.Pakiramdam ko kasi ay para sa kanila ginagawa ko lang na big-deal ang lahat kahit na hindi naman tala
Dear readers,As we reach the final pages of this book, I want to take a moment to express my heartfelt gratitude to each and every one of you for embarking on this journey with Dianna and Roy. Your presence and support have meant the world to me.Together, we've laughed, cried, and experienced the ups and downs of their story. It's been an incredible adventure, and I hope you've found some inspiration, joy, or solace within these pages.Though this may be the end of their tale, it's not goodbye forever. Characters and stories have a way of staying with us, tucked in the corners of our hearts. I encourage you to carry Dianna and Roy's adventures with you, and may their memories continue to inspire your own.Thank you, dear readers, for being a part of this wonderful journey. I look forward to sharing more stories with you in the future.With gratitude and warm regards,Jeadaya_Kiya18
ROY POV I hugged Ina from her back. "You should've asked me first what I want to eat," nakanguso na bulong ko.Natigilan siya sa pagpiprito ng bacon. "Ayaw mo ba nito?" alanganin na tanong niya. "Ano ba gusto mo?"Nakapikit na hinalikan ko ang gilid ng leeg niya. I can't help but to get addicted to it."Meat," maikling sagot ko. "Your meat down there," pang-iinis ko sa kaniya."Gusto mo?" tanong niya dahilan upang ako naman ang matigilan."Don't tease me like that, Ina," usal ko. Gigil ko na pinugpog ng halik ang balikat niya at saka ibinaon ang aking mukha sa leeg niya.She's in her month of giving birth and she know na hindi ko siya magagalaw kahit na asarin niya ako dahil delikado para sa baby na nasa sinapupunan niya.Natatawa na pinatay niya ang stove at saka inilipat ang mga niluto niya sa pinggan. Nakayakap lang ako sa kaniya hanggang sa maibaba niya sa lamesa ang mga hawak.Nakangiti siya nang balingan niya ako at pinatakan ng halik sa labi ko. Hinayaan ko siya ngunit ako rin
I was blaming myself after that confrontation between me and Ina. I didn't know that about her. Days and weeks have passed pero hindi ko nagawang pumasok muna. I was bawling my eyes out. I don't know how should I feel after knowing what happened to her. I didn't have any strength to face her but still, I collected myself and had the courage to face her. There's no way that she will get away from me now. And by that, I saw myself waiting for her. I am always in front of Carl's building after running out of excuses to appoint a meeting with him. I have hope that we can still fix all of this but knowing the news that they will be marrying each other soon makes my hope shattered into pieces. I don't know how hopeless I am while in front of Carl. I was bawling my eyes out again while asking for him to give up Ina. I even got down on my knees if that can make him give Ina back to me. I brainwashed him, I made him guilty, I made him feel the worst thing that he could feel just so I could
"May balita na sa pinapahanap mo. Right now, she's with Carl Uy, a businessman, and his company is not that far from yours. Currently, she's a secretary," balita niya. How great it would be. I am much very close to Carl because we are business partner. After hearing that news nakita ko na lang ang sarili ko na pumpupunta sa company ni Carl kahit na wala naman akong gagawin. "Napadalaw ka?" salubong sa akin ni Carl. Except from being a business partner, tinuturing din namin ang isa't-isa bilang magkaibigan and that really help me. "Boring sa company," sabi ko. I was looking for Ina but I don't see her anywhere. I even asked Eduard kung si Ina ba talaga ang nakita niya but he simply answered me that he's a hundred percent sure about it. I was about to go one afternoon when I saw her sa building. Sinubukan ko... Sinubukan ko na hindi siya lapitan at magkunwari na hindi ko alam na nandito siya at hahayaan na lapitan niya ako pero hindi nangyari iyon dahil napakahirap kuhanin ng aten
Tahimik ko na pinagmasdan si Anne na abala sa ginagawa niya. "Hindi mo ba talaga ako papansinin?" pag-aagaw ko sa atensiyon niya. Busy siya at wala ng time sa amin ng mga anak niya, especially sa akin. "Roy, come on. I told you not now. I am doing a lot of things right now and I can't afford to lose even a second. Understand me, please." Nagbuntonghininga ako at saka ibinagsak ang katawan sa higaan. We have been like that for three consecutive months now. I missed her so damn much. I miss being with her. "Anne, I am done with this. Para akong isang bagay na kapag ayaw mo ay ayaw mo. Saka mo lang makikita na nandito ako kapag gusto mo magpainit ng katawan. Iyon lang ba ang purpose ko?" hindi maiwasan na tanong ko sa kaniya. Binalingan niya ako. "What?" natatawang aniya. "Roy, I said I am busy! Ano bang sinasabi mo?" "Bakit, hindi ba totoo?" tanong ko. "Lalapitan mo lang ako kapag gusto mo magpainit ng katawan." "Stop being petty! Let me finish all of this and I promise to be wi
Tahimik ako na nakatanaw sa kabukiran nang yakapin ako ni Roy mula sa likod.Tipid ako na napangiti at saka itinagilid ang ulo ko upang bigyan siya ng espasiyo sa kabilang balikat ko."Anong iniisip mo?" tanong niya.Bahagya ako na nagbuntonghininga. "Sumagi sa isip ko si Lily at Andrei," pag-amin ko.Kahit na sobrang saya ko dahil nasa kulungan na si Ate Anne at alam ko hindi na niya kami magagalaw pa ay hindi ko rin maiwasan na isipin kung ano na ang mangyayari sa magkapatid.Iniisip ko kung gaganti ba sila sa akin at dapat hindi ako maging panatag na mamuhay ng payapa o kaawaan ko dapat silang dalawa dahil inilayo ko ang ina nila sa kanila."They are both grown-ups," aniya.Umiling ako. "Not really. Lily is still on his early twenties and Andrei is still teenager. Hindi pa nila kayang tumayo sa sarili nila—""Lily is more mature than ever. I know she can handle herself and his brother.""Paano kung sila naman ang gumanti sa ginawa natin sa ina nila?" hindi maiwasan na tanong ko.Na
"What do you mean?" naguguluhan na tanong ko. "Order in the court! Please let the questioning proceed without interruptions. There will be an opportunity for the victim to speak later during their testimony or when called upon. Mr. Gomez, I understand your emotions, but we must maintain a structured and fair process here," ani ng attorney ng kabila. "Makinig na lang muna tayo," pagkausap ko sa kaniya. "Continue," pagpapatuloy ng judge. Kinalma ko si Roy habang nagpapatuloy na ulit ang pag-uusap ni Ate Anne at ang abogado niya. Ang mas ikinagagalit ko ay pilit pa rin siya na nagsisinungaling kahit napaka-solid na ng ebidensiya na mayroon kami at si Anthony pa ang tumayo na defendant. "Hindi ko alam. Wala na akong koneksiyon pa sa kanila magmula nang ma-approve na ang annulment namin ni Roy kaya imposible ang ibinibintang sa akin," pagtatanggol ni Ate Anne sa sarili niya. "Umamin ka na lang!" halos maiyak na sigaw ko. "Hindi ito ang unang beses na gusto mo akong patayin, Ate Anne
"Hindi ko kasalanan kung iniwan ka ni Roy, Ate Anne. Lumayo na ako sa inyo at ngayon hindi ako ang dapat mong sisihin diyan sa galit at poot mo!" hindi makapaniwalang sambit ko. "Yes, you should be to blame, Ina. Kasalanan mo dahil inakit mo ang asawa ko! Inakit mo siya at siniraan mo ako sa kaniya—" Natatawa na tiningnan ko siya. "Siniraan? Ate Anne, bakit hindi mo na lang aminin na nangaliwa ka at nagkataon pa na may asawa rin ang kinabit mo? Sige, palagay na natin na nagkamali ako noong una at hindi ikaw ang nakita ko na may kahalikan sa tapat ng bahay niyo pero paano mo pa maipapaliwanag ang pagpunta mo sa condo ni Kuya Erik, na asawa pala ni Mama. Paano mo ipapaliwanag 'yon?!" Dinuro ko siya. "Nang dahil sa'yo muntik na mawala ang anak ko!" Tumulo ang mga luha sa mga mata ko dahil sa galit na nararamdaman. Nang hindi mapigil ang panggigigil sa kaniya ay lumipad ang palad ko sa pisngi niya. "Dianna, kumalma ka," pagpapakalma ni Mama sa akin. Sakto na paalis ako ng bahay nan
"Paano naman mangyayari 'yon? Iisang tao lang hinahanap niyo pero hanggang ngayon ay hindi niyo pa rin makita?" hindi maiwasan na tanong ko sa mga police. "Baka naman abutin pa ng isang taon itong kaso na ito bago ma-close o ang tamang tanong yata ay kung mabibigyan pa ba ng hustisya ito?" "Dianna, calm down," pagpapakalma sa akin ni Carl. Naririto kami ngayon sa police station dahil hindi na sila nag-uupdate pa. Ni hindi ko alam kung umuusad pa ba ang kaso namin. "Paano ako kakalma, Carl? Magaling na lahat-lahat 'yung mga naging biktima ni Ate Anne tapos hanggang ngayon wala pang maayos na pag-uusap para sa kaso na 'to?" hindi makapaniwalang tanong ko. "Mrs. Gomez, we were doing our best to search for Mrs. Annalyn pero hindi ganoon kadali na mahanap siya at idala rito—" "At kung inasikaso niyo na ito at hinanap si Anthony nang mas maaga ay hindi na aabot ng ganito katagal! Ang hirap kasi sa inyo ay mas inuuna niyo pa ang mga bagong file na case kaysa sa amin!" "Dianna." "Mr. U