"Ina, hayaan mo sila riyan," si Ate Hazel habang hatak-hatak na ako ngayon paalis sa kusina."Pero—" Binalingan niya ako at sinamaan ng tingin kaya nanahimik na lang ako at binitawan na ang hawak. "Sinama kita rito para kahit papaano ay lumabas ka naman sa condo. Hindi kita sinama para mag-asikaso roon o riyan sa kahit saan. May mga naka-assign na gumawa sa bawat gawain at hindi mo na kailangan pa na mangialam.""Gusto ko lang naman tumulong, Ate. Kahit dito lang ay makabawi naman ako kahit papaano," sabi ko.Sa totoo lang ay mas naging maayos na ako. Wala naman akong pagpipilian kung hindi ang ayusin ang sarili ko at mas pipiliin ko na ayusin ang mga gulo ko sa buhay habang maaga pa dahil hindi naman titigil ang mundo para sa akin tulad ng sinabi ni Kuya Erick."It's okay. Hindi ko naman sinabi na bumawi ka," aniya. "Kumusta naman ang naging lakad mo nitong mga nakaraan na araw
Narinig ko ang pagkatok sa pinto ngunit kahit balingan iyon ay wala akong lakas.Humiga ako sa kama at ipinikit ang mga mata. Walang nais na makausap kahit kanino sa kanila.Bakas ang pag-aalala ng sobra sa kanilang mga mukha dahil nabuksan ko sa kanila ang nais ko na pagpapalaglag sa bata dahil ayaw kong tanggapin ang dinadala sa aking sinapupunan na resulta ng isa sa pinakamasalimuot na gabing naranasan ko sa kamay ng walang awang mga nilalang.Nakauwi na kami mula sa hospital. Ilang araw na rin mula noong makalabas ako at walang mintis ang pagpunta nila rito sa condo. Nang dahil nga lang sa isang ginawa ko na ikinagalit nila ay isinama na nila ako rito sa bahay nila. Dito na nila ako pinatuloy at ayaw akong iwanan na mag-asawa kaya naman kung wala si Kuya Erick ay si Ate Hazel ang kasa-kasama ko. Nakakaramdam man ng kaunting hiya dahil sa... pati trabaho nila ay naabala ko na ngunit hindi ko ri
Ipinatong ko sa katabing lamesa ang tray ng pagkain at saka muling humiga na lang sa higaan.Nakakapagod naman. Napapagod na ako. Dapat pa ko pa ba na ituloy ang buhay na ito... umalis na lang sa pamamahay nila at gawin ang sinasabi ni Ate Hazel kanina. Napailing ako. Bakit ba napakahirap nila akong intindihin. Kung nararanasan at nararamdaman ba nila ang sakit at paghihirap ko ay pakikinggan nila ako?Ilang sandali pa nang maramdaman ko ang paglubog ng hinihigaan ko na kama tanda na mayroong tao roon."Ina," si Kuya Erick. "Iha... huwag mo naman pinapasakit ang ulo ng asawa ko. Isa lang naman ang gusto niyang mangyari at iyon ay ang maging maayos ka sa kabila ng mga napagdaanan at patuloy na pinagdaraanan mo," aniya.Nanatili ako na tahimik. Nagsisimula na naman mag-init ang gilid ng mga mata.Pakiramdam ko kasi ay para sa kanila ginagawa ko lang na big-deal ang lahat kahit na hindi naman tala
Mugto ang mga mata na pinatong ko sa aking mga hita ang pagkain na hinanda ni Ate Hazel kanina at saka iyon umiiyak na kinain.Bawat subo ay kinukwestiyon ko kung bakit nga ba ako pinamigay ng inay at hindi man lang ako dinalaw pa o nagawang puntahan doon kahit isang beses. Ayaw din kaya niya ako? Ayaw niya nga ba talaga sa akin at nang matapos ako na iniluwal at sandaling hinagkan sa kaniyang mga bisig ng ilang taon ay hindi na ako dinalaw pa?Ilang beses ko man na pasinungalingan kung bakit ako nasa bahay-ampunan... na namatay na ang aking ina kaya ako naroroon ay hindi pa rin maitatago ang katotohanan na hindi naman talaga namatay ang inay. Iniwan niya lang ako sa talaga sa bahay ampunan.Ayaw ko lang na magmukhang sobrang kaawa-awa dahil sobrang sakit sa akin na pinamigay lang ako nang ganoon kaya mas pinili ko na magsinungaling na lang.Nang matapos kumain saka ko iyon inayos at bumaba na. Hinugasan ko na rin diretso."Ate, naki
"Kaya ko naman po na mapag-isa na lang muna sa bahay, Kuya. May mga kasambahay rin doon. Nangako naman na ako na hindi gagawa ng kahit ano," pagbaling ko sa kaniya mula sa pagkakatingin sa daan na ngayon ay aming tinatahak tangan ng kaniyang sasakyan. "Nangako ka rin noon nang ihatid ka namin sa condo pero gumawa ka pa rin ng mga bagay na halos ikamatay mo na," aniya. "Naaabala na naman kasi kita, Kuya. Panigurado ay marami kang gagawin sa opisina," nahihiyang sambit ko.Si Ate Hazel ang may gusto na isama na lang muna ako ni Kuya sa condo niya dahil may pupuntahan siya na probinsya at magtatagal siya roon ng apat na araw. Project daw yata ng hospital para sa libreng patingin ng mga kababaihan."Kung ikaw ang magdedesisyon ay ayos lang naman na bumalik ako sa opisina pero kung si Hazel ang kalaban mo ay manahimik ka na lang. Ayaw ko mapagalitan noon," si Kuya at saka tumawa.Natawa na lang din ako. Saksi ako minsan sa pagbubunganga ni A
Bakas ang gulat nang makita ako ni Ate Anne sa loob. Pareho kaming natigilan at hindi inaasahan ang pagkikita."Ano po'ng ginagawa niyo rito?" tanong ko."Ikaw ang dapat na tanungin ko niyan. Ano ang ginagawa mo rito? Nasaan si Erick?" tanong din niya pabalik."Bakit mo po siya hinahanap?" kalmadong tanong ko. "Sino ka ba para kuwestiyunin ako, at bakit ka ba nandito at sa loob pa mismo ng condo ni Erick?" nanlalaki ang mga mata na aniya."Ate..." hindi ko na naituloy pa ang dapat na sasabihin niya ng hinatak niya ako sa aking buhok."Ikaw talagang malanding babae ka e," aniya."Ate Anne, ano ba sa tingin mo ang ginagawa mo?!" inis na rin na sambit ko at walang nagawa kung hindi ang magpahatak papasok sa loob.Siya itong kadarating-dating lang at ako pa ang aapihin!"Asawa ko kinakalantari mo?!" sigaw niya.Sinubukan ko siya na itulak ngunit sobrang kapit ng kaniyang mga kamay na nakasabu
Napahawak ako sa aking ulo nang maramdaman ang pagsakit noon. Dalawang ulit ko na minulat at ipinikit ang aking mga mata upang sanayin ang aking mga mata sa liwanag na binibigay ng ilaw sa kisame. "Kaya mo ba?" Tiningnan ko ang isang lakaki na siyang nagsalita nang subukan ko na umupo. "Sino ka? Huwag kang lalapit," ani ko at dinuro siya. "Relax... I'm Carl," pagpapakilala niya at maingat na inangat ang kamay bago inabot iyon sa akin pero tinaliman ko siya ng tingin. Itinaas niya ang kaniyang mga kamay na animo'y sumusuko na. Umayos ako ng upo ngunit ang mas ikinabahala ko ay ang parang paggaan ng aking tiyan. Napapalunok na hinawakan ko iyon na para bang makakapa ko siya sa loob. Tiningnan ko ang lalaki. Tinaasan lang niya ng kaniyang mga kilay na para bang sa ganoon na paraan ay nagtatanong. "A-ang baby ko?" tanong ko. Malinaw sa aking isipan ang nangyari bago ako tuluyan na mawalan ng malay. "Kumusta ang baby ko?" pag-uulit ko nang hindi siya magsalita. "Bingi ka ba?! Uu
Tumakbo ako. Takbo nang takbo sa kadiliman at hindi na alam kung saan patungo.Dinig ko ang tawanan ng mga lalaki na gumahasa sa akin at ang tawa na sinabayan ni Ate Anne.Malakas ang pintig ng puso ko. Natatakot ako."Bumalik ka rito. Hindi ka ba nasarapan sa ginawa namin?" tumatawang sambit noong lalaki.Patuloy ako sa pag-iyak nang madapa. Hindi ko ininda ang sakit na dulot ng gasgas na tinamo ko bagkus ay medyo iika-ika ako na tumakbo papalayo roon."Dianna, 'wag ka na tumakbo pa," si Ate Anne. "Alam ko naman na kati lang ang nararamdaman mo kaya mo pinatulan ang asawa ko. Ito na, oh! Lima na 'to. Ayaw mo na ba?" tumatawang aniya.Umiling ako nang umiling at nagpatuloy sa pagtakbo ngunit nang dahil sa kadiliman na bumablot sa kapaligiran ay hindi ko namalayan na wala na pala akong hahakbangan. Nahulog ako sa kawalan.Nanginginig at pinagp