Bitbit ko ang plastic na may laman na tatlong damit at short na binili ko upang pagpalit-palitan. Mura lang ang naging bili ko roon dahil tatlo-isandaan na. Maganda na rin ang pagkakatahi.Napabalik ako sa dulo nang muntik na akong mahagip ng sasakyan. Sobrang bilis noon at hindi ko napansin kanina habang ako ay tatawid na sana patungo doon sa karinderya nila Nanay Using. Napakapit na lang ako ng mahigpit sa plastic at nagbuga ng hangin. Nanginginig ang mga tuhod ko at maging ang mga kamay. Muntik na ako.Inangatan ko ng tingin ang sumitsit sa akin. Tumatakbo na lumapit dito sa gawi ko si Carl."Muntik ka na ah," aniya. Nakita rin siguro ang nangyari kanina."Hindi ko nakita," sagot ko.Umiling siya. "Bilis ng andar e. Tara," pag-aya niya sa akin at saka kami sabay na tumawid. "Lapitin ka pala talaga sa aksidente," aniya. "Malas natin ah," natatawang dagdag niya na para bang naka
Pinunasan ko ang pawis ko nang matapos sa paghahanda ng agahan."Ang bango," si Carl. Kababa lang sa kaniyang silid ngunit nakasuot na ng kaniyang kurbata. Handa na rin pumasok.Panlimang araw at memorya ko na ang mga linyahan niya tuwing umaga. Wala pala talaga akong kasama rito sa bahay. Wala akong makakausap pero ayos lang din. Parang hindi naman ako sanay. Halos hindi na nga rin siya umuwi. Noong nakaraan nga ay dalawang sunod na araw na hindi siya rito umuwi. Ako lang tuloy kumain ng mga hinanda ko na pagkain para sa kaniya.Mabuti na lang at kakaunti lang din ang niluluto ko para sa aming dalawa na. Nauubos ko rin naman kaya walang nasasayang.Kinabukasan sinabi niya na sa condo na raw siya dumiretso dahil mayroon daw siyang maagang meeting.Ang problema ko lang ay parang wala naman talaga akong pinagsisilbihan. Parang wala rin akong trabaho."Ano 'to?" tanong ko nang may iabot siya sa akin na box.Ngumiti siya. "Buksan mo," sabi niya.Pinaningkitan ko pa siya ng aking mga mata
Tawanan, hampasan habang nagbiburuan kaming dalawa sa condo niya. Weekends at gusto raw niya magpahinga kaso nauwi naman sa malalang bangayan at biruan.Natutuwa nga ako dahil habang lumilipas ang mga araw, linggo, at buwan ay mas napapansin ko na tugma ang mga ugali namin.Hindi siya ang dapat mong pakisamahan dahil ikaw ang pakikisamahan niya kahit na kung sino ka pa. Isang ugali na napansin ko sa matagal na pagtatrabaho ko sa kaniya.Kaunti na nga lang ay iisipin ko na may binabaeng puso siya dahil sa sobrang galing niyang makisama sa babae. Kaya niyang sabayan lahat.Napahawak ako sa balakang ko nang manakit iyon. Kanina pa kasi siya patawa nang patawa."Oo, dami ko kayang baon na kwento sa bahay-ampunan na 'yon!" nanlalaki ang mga mata na pagkukwento niya.Inalalayan niya ako na umupo sa sofa. Tumayo ako kasi nahihirapan ako kanina. Hindi ako kumportable lalo na malaki na ang tiyan ko, sobra."Ang laki ng tiyan
Uminit ang mga mata ko nang mahagkan sa unang pagkakataon ang aking anak. Mahimbing ang tulog noon."Kamukha ko," si Carl habang nakadungaw rin sa bata. Ako na nga ang nahihirapan sa pagkakadapa niya roon."Umayos ka nga ng tayo," pabulong na utos ko. "Ako ang nahihirapan sa puwesto mo," dagdag ko."Akin 'yong labi. Tingnan mo," sabi niya at hindi pa nakuntento dahil bahagya pa iyon na tinusok."Ikaw ang tutusukin ko. Kita mong marumi kamay mo," pagbabanta ko."Naghugas ako! Nag-alcohol pa," pagtatanggol niya sa kaniyang sarili.Pinanlakihan ko siya ng aking mga mata. "Hinaan mo boses mo!"Lumabi lang siya at saka tahimik na nakitingin na lang din.Hindi ko maiwasan na makita ang iilang pagkakahawig namin. Natutuwa ako dahil ako ang naging kamukha noon."She looks like an angel, 'di ba? Just like you. She
Lumipat kami sa condo muli ni Carl. Ako na rin ang nagsabi noon dahil baka kailanganin ko siya kung sakali ay hindi na siya mahihirapan pa na puntahan kaming dalawa."Doon ka na sa kwarto. Dito na kami sa salas ni Amari. Baka kasi umiyak siya," sabi ko nang maglabas siya ng unan at kumot.Umiling siya. "Okay na ako rito, Dianna. Kayong dalawa na roon," aniya."Baka kasi mapasarap ang tulog ko at hindi agad magising kapag umiyak siya," pagdadahilan ko pa.Tinigil niya ang bahagyang pag-aayos ng hihigaan sana niya."What's your thought of having a husband, Dianna?"Nangunot ang noo ko at nagsalubong ng bahagya ang mga kilay sa napaka-random na tanong niya. "Husband?" ulit na tanong ko.Tumango siya. "Yes, husband. Asawa," aniya at umayos ng upo upang harapin ako ng maayos."Wala pa sa isip ko 'yon," sagot ko.
Matapos ang unang birthday ni Amari ay mas bumilis pa yata ang panahon.Nag-uusap na nga lang kami ni Carl sa tuwing makikita na mas lumalaki na si Amari. Natututo na rin siya na maglakad."Papa," si Amari.Pareho kami na napatingin sa kaniya."What is it? Anong kailangan ng baby ni Papa?" tanong ni Carl at saka iyon inalalayan papunta sa kaniya."Can't sleep," reklamo niya.Napatingin sa akin si Carl pero nagkibit-balikat lang ako."Do you want to sleep in my room?" tanong niya."How about you sleep with us?" suhestiyon naman ng anak ko."Amari, alam mo naman hindi tayo puwedeng magsama-sama sa iisang kuwarto. May kuwarto ang Papa at siyempre tayo rin.""And why its like that, Mama?" tanong niya. "Base from I watched in movies, Mama and Papa should be in one room."Pinanlakihan ko ng aking mga mata si Carl. Sinisisi na agad dahil bukod sa akin ay siya lang naman ang nakakasama ni
Sa huli ay desisyon ko na subukan ang trabaho na kailanman ay hindi ko alam na puwede ko pala maging trabaho.Huling araw ng linggo at noong nakaraan na linggo ay naghanap na kami ng puwede magbantay, alaga kay Amari.Naging maayos naman ang lahat dahil may mga bata sa napuntahan niya. Naging malinaw kami sa mga dapat at hindi dapat sa mga bagay-bagay patungkol sa anak ko.Halos si Carl na nga lang din ang kumausap dahil mas marami pa siyang ibinilin kaysa sa akin... sa akin na mismong ina noong bata."Focus!" sigaw ni Kyla sa akin dahilan upang magulat ako.Napalunok na lang ako at mas tinuon ang atensiyon sa ginagawa. Tinuturo ko sa kaniya pabalik ang mga bagay na itinuro na niya sa akin maghapon, at iilan na mga bagay na tinuro niya sa akin noong mga nakaraan na araw.Ni-request ko kay Carl na huwag siyang magbibigay o mag-uutos na bigyan ako ng special treatment pagdating sa akin lalo na sa trabaho. Mas gusto ko maging propesyunal at matuto talaga dahil kung hindi ako makararanas n
Wala akong ibang maramdaman kung hindi ang galit. Bakit? Bakit nakita ko na naman siya?"Ina..." kataga na lumabas mula sa bibig niya. Sa bibig ni Roy na sana hindi na niya binanggit pa.Kinalma ko ang sarili ko. Ayaw ko magpakita na apektado pa ako sa nangyari sa nakaraan na namin. Ayaw ko na makita niya na apektado pa rin ako nang dahil doon.Nakalimutan ko na. Nawala na siya sa isipan ko pero bakit nagpakita pa?Inipon ko ang sarili ko at saka tumango. Sinubukan ko na ngumiti kahit pilit pa iyon upang harapin na siya. Hindi ko rin puwede na idamay ang trabaho sa personal na problema."Good afternoon, Sir," bati ko sa kaniya pabalik."Good afternoon," aniya at umayos ng tayo. "Dito ka pala nagtatrabah—""Sino po ang kailangan, Sir? If you are looking for Sir Uy... wala siya rito and I also want to clarify po na hindi po kami basta-basta na