Lumipat kami sa condo muli ni Carl. Ako na rin ang nagsabi noon dahil baka kailanganin ko siya kung sakali ay hindi na siya mahihirapan pa na puntahan kaming dalawa."Doon ka na sa kwarto. Dito na kami sa salas ni Amari. Baka kasi umiyak siya," sabi ko nang maglabas siya ng unan at kumot.Umiling siya. "Okay na ako rito, Dianna. Kayong dalawa na roon," aniya."Baka kasi mapasarap ang tulog ko at hindi agad magising kapag umiyak siya," pagdadahilan ko pa.Tinigil niya ang bahagyang pag-aayos ng hihigaan sana niya."What's your thought of having a husband, Dianna?"Nangunot ang noo ko at nagsalubong ng bahagya ang mga kilay sa napaka-random na tanong niya. "Husband?" ulit na tanong ko.Tumango siya. "Yes, husband. Asawa," aniya at umayos ng upo upang harapin ako ng maayos."Wala pa sa isip ko 'yon," sagot ko.
Matapos ang unang birthday ni Amari ay mas bumilis pa yata ang panahon.Nag-uusap na nga lang kami ni Carl sa tuwing makikita na mas lumalaki na si Amari. Natututo na rin siya na maglakad."Papa," si Amari.Pareho kami na napatingin sa kaniya."What is it? Anong kailangan ng baby ni Papa?" tanong ni Carl at saka iyon inalalayan papunta sa kaniya."Can't sleep," reklamo niya.Napatingin sa akin si Carl pero nagkibit-balikat lang ako."Do you want to sleep in my room?" tanong niya."How about you sleep with us?" suhestiyon naman ng anak ko."Amari, alam mo naman hindi tayo puwedeng magsama-sama sa iisang kuwarto. May kuwarto ang Papa at siyempre tayo rin.""And why its like that, Mama?" tanong niya. "Base from I watched in movies, Mama and Papa should be in one room."Pinanlakihan ko ng aking mga mata si Carl. Sinisisi na agad dahil bukod sa akin ay siya lang naman ang nakakasama ni
Sa huli ay desisyon ko na subukan ang trabaho na kailanman ay hindi ko alam na puwede ko pala maging trabaho.Huling araw ng linggo at noong nakaraan na linggo ay naghanap na kami ng puwede magbantay, alaga kay Amari.Naging maayos naman ang lahat dahil may mga bata sa napuntahan niya. Naging malinaw kami sa mga dapat at hindi dapat sa mga bagay-bagay patungkol sa anak ko.Halos si Carl na nga lang din ang kumausap dahil mas marami pa siyang ibinilin kaysa sa akin... sa akin na mismong ina noong bata."Focus!" sigaw ni Kyla sa akin dahilan upang magulat ako.Napalunok na lang ako at mas tinuon ang atensiyon sa ginagawa. Tinuturo ko sa kaniya pabalik ang mga bagay na itinuro na niya sa akin maghapon, at iilan na mga bagay na tinuro niya sa akin noong mga nakaraan na araw.Ni-request ko kay Carl na huwag siyang magbibigay o mag-uutos na bigyan ako ng special treatment pagdating sa akin lalo na sa trabaho. Mas gusto ko maging propesyunal at matuto talaga dahil kung hindi ako makararanas n
Wala akong ibang maramdaman kung hindi ang galit. Bakit? Bakit nakita ko na naman siya?"Ina..." kataga na lumabas mula sa bibig niya. Sa bibig ni Roy na sana hindi na niya binanggit pa.Kinalma ko ang sarili ko. Ayaw ko magpakita na apektado pa ako sa nangyari sa nakaraan na namin. Ayaw ko na makita niya na apektado pa rin ako nang dahil doon.Nakalimutan ko na. Nawala na siya sa isipan ko pero bakit nagpakita pa?Inipon ko ang sarili ko at saka tumango. Sinubukan ko na ngumiti kahit pilit pa iyon upang harapin na siya. Hindi ko rin puwede na idamay ang trabaho sa personal na problema."Good afternoon, Sir," bati ko sa kaniya pabalik."Good afternoon," aniya at umayos ng tayo. "Dito ka pala nagtatrabah—""Sino po ang kailangan, Sir? If you are looking for Sir Uy... wala siya rito and I also want to clarify po na hindi po kami basta-basta na
Malamig ang pawis ko habang nilalaro si Amari. Kanina pa ako kinakabahan paggising ko pa lang.Sa huli ay pumayag ako sa hiling ni Carl. Isa pa ay ito na lang din ang magagawa ko matapos ang lahat ng naitulong niya sa akin.Nagulat ako nang hawakan ako ni Carl sa aking balikat. "Bakit ka ba nanggugulat!" sambit ko.Tumawa siya. "Relax, Dianna. Come on. They won't eat you," aniya."Ngayon ko pa lang naman kasi makikilala mga magulang mo," sabi ko."And?" tanong niya. "Don't worry, they are nice," nakangiting aniya.Mula sa pagkakaupo ay tinulungan niya ako na tumayo. Wala pa man isang segundo nang maramdaman ko ang mahigpit niya na yakap."Bitawan mo nga ako. Nagcha-chansing ka na naman," pambibintang ko.Ngunit sa halip na bitawan ako ay tumawa lang siya at mas hinigpitan pa ang yakap sa akin. Tiningnan ko si Amari na yumak
Napayuko ako. Hindi ko alam kung dapat ba akong matuwa o mabahala. Matuwa dahil wala naman talaga akong balak na pakasalan itong lalaki na ito dahil alam ko sa sarili ko na kaibigan lang ang turing ko sa kaniya at mabahala dahil baka isa ito sa maging rason kung bakit malalayo kami sa kaniya.Hindi ko alam. Nagsisimula na naman bumoses ang mga nasa isipan ko at mas nahihirapan ako roon."Mommy," si Carl."What? Look Carl, I am being frank here. Hindi ko nararamdaman na magiging mabuting asawa itong si Dianne?""Dianna," pagtatama ni Carl."Yes, Dianna. I don't feel the mother and daughter thing. You know what I am talking?""Mommy... not now, please. Huwag sa harapan ng pagkain."Nakaramdam ako ng hiya habang nakatingin sa aking pagkain."I told you many times to marry Patricia but you disobey us!"Nagulat ako nang
Lumipas ang araw na iyon nang hindi ko na nakausap pa si Carl. Ramdam ko rin ang pag-iwas niya na mapag-usapan ang bagay na iyon. Madalas sa opisina ay nagkukulong lang siya sa loob at lalabas lang kung kinakailangan.Nahihirapan din ako sa sitwasyon. Hindi ko alam kung paano kikilos.Nagbuntonghininga na tinuloy ko na ang ginagawa ko.Inangatan ko ng tingin ang kumatok sa pinto. Ang assistant ko."Pasok ka," sabi ko."Ma'am, si Sir Gomez po ay kasama ko," aniya at saka ko nakita si Roy sa likod niya.Tumayo na ako at hindi na siya pinaupo pa sa harapan ko. "This way tayo," ani ko at sinamahan siya patungo sa opisina ni Carl."Sir, nandito na po si Mr. Gomez," pagpapaalam ko nang angatan niya kami ng tingin mula sa ginagawa."Come in," utos niya.Tinanguan ko lang si Roy at umalis na rin doon upang bumalik na.
Napakurap ako nang nagmamadali na umalis si Carl. Matapos sagutin ang tawag ay nagmadali na siya umalis at hindi na nagpaalam pa.Pinalobo ko ang pisngi ko at tiningnan ang hawak-hawak na mga papel. Ito 'yung hinihingi niya na report. May ipinapaliwanag ako pero bigla na lang siyang umalis.Wala akong nagawa kung hindi ang tumayo roon at umalis na upang bumalik sa opisina.Nagbuntonghininga ako. Ganito na lang palagi. Nahihirapan na ako. Hindi ko alam kung naaayon pa ba ang lahat.Maging kausapin siya ay wala akong oras dahil kung hindi siya nagkukulong sa silid niya ay wala naman siya sa bahay. Hindi ko na alam.Nag-early leave na rin ako. Napagpasiyahan na lang na sunduin na si Amari. Mangangapa na naman ako kung saan pumunta si Carl nito.Napatigil ako sa paglalakad palabas nang makita si Roy na naroroon sa labas at nakikipag-usap kay Kuya na guard.