Ipinatong ko sa katabing lamesa ang tray ng pagkain at saka muling humiga na lang sa higaan.Nakakapagod naman. Napapagod na ako. Dapat pa ko pa ba na ituloy ang buhay na ito... umalis na lang sa pamamahay nila at gawin ang sinasabi ni Ate Hazel kanina. Napailing ako. Bakit ba napakahirap nila akong intindihin. Kung nararanasan at nararamdaman ba nila ang sakit at paghihirap ko ay pakikinggan nila ako?Ilang sandali pa nang maramdaman ko ang paglubog ng hinihigaan ko na kama tanda na mayroong tao roon."Ina," si Kuya Erick. "Iha... huwag mo naman pinapasakit ang ulo ng asawa ko. Isa lang naman ang gusto niyang mangyari at iyon ay ang maging maayos ka sa kabila ng mga napagdaanan at patuloy na pinagdaraanan mo," aniya.Nanatili ako na tahimik. Nagsisimula na naman mag-init ang gilid ng mga mata.Pakiramdam ko kasi ay para sa kanila ginagawa ko lang na big-deal ang lahat kahit na hindi naman tala
Mugto ang mga mata na pinatong ko sa aking mga hita ang pagkain na hinanda ni Ate Hazel kanina at saka iyon umiiyak na kinain.Bawat subo ay kinukwestiyon ko kung bakit nga ba ako pinamigay ng inay at hindi man lang ako dinalaw pa o nagawang puntahan doon kahit isang beses. Ayaw din kaya niya ako? Ayaw niya nga ba talaga sa akin at nang matapos ako na iniluwal at sandaling hinagkan sa kaniyang mga bisig ng ilang taon ay hindi na ako dinalaw pa?Ilang beses ko man na pasinungalingan kung bakit ako nasa bahay-ampunan... na namatay na ang aking ina kaya ako naroroon ay hindi pa rin maitatago ang katotohanan na hindi naman talaga namatay ang inay. Iniwan niya lang ako sa talaga sa bahay ampunan.Ayaw ko lang na magmukhang sobrang kaawa-awa dahil sobrang sakit sa akin na pinamigay lang ako nang ganoon kaya mas pinili ko na magsinungaling na lang.Nang matapos kumain saka ko iyon inayos at bumaba na. Hinugasan ko na rin diretso."Ate, naki
"Kaya ko naman po na mapag-isa na lang muna sa bahay, Kuya. May mga kasambahay rin doon. Nangako naman na ako na hindi gagawa ng kahit ano," pagbaling ko sa kaniya mula sa pagkakatingin sa daan na ngayon ay aming tinatahak tangan ng kaniyang sasakyan. "Nangako ka rin noon nang ihatid ka namin sa condo pero gumawa ka pa rin ng mga bagay na halos ikamatay mo na," aniya. "Naaabala na naman kasi kita, Kuya. Panigurado ay marami kang gagawin sa opisina," nahihiyang sambit ko.Si Ate Hazel ang may gusto na isama na lang muna ako ni Kuya sa condo niya dahil may pupuntahan siya na probinsya at magtatagal siya roon ng apat na araw. Project daw yata ng hospital para sa libreng patingin ng mga kababaihan."Kung ikaw ang magdedesisyon ay ayos lang naman na bumalik ako sa opisina pero kung si Hazel ang kalaban mo ay manahimik ka na lang. Ayaw ko mapagalitan noon," si Kuya at saka tumawa.Natawa na lang din ako. Saksi ako minsan sa pagbubunganga ni A
Bakas ang gulat nang makita ako ni Ate Anne sa loob. Pareho kaming natigilan at hindi inaasahan ang pagkikita."Ano po'ng ginagawa niyo rito?" tanong ko."Ikaw ang dapat na tanungin ko niyan. Ano ang ginagawa mo rito? Nasaan si Erick?" tanong din niya pabalik."Bakit mo po siya hinahanap?" kalmadong tanong ko. "Sino ka ba para kuwestiyunin ako, at bakit ka ba nandito at sa loob pa mismo ng condo ni Erick?" nanlalaki ang mga mata na aniya."Ate..." hindi ko na naituloy pa ang dapat na sasabihin niya ng hinatak niya ako sa aking buhok."Ikaw talagang malanding babae ka e," aniya."Ate Anne, ano ba sa tingin mo ang ginagawa mo?!" inis na rin na sambit ko at walang nagawa kung hindi ang magpahatak papasok sa loob.Siya itong kadarating-dating lang at ako pa ang aapihin!"Asawa ko kinakalantari mo?!" sigaw niya.Sinubukan ko siya na itulak ngunit sobrang kapit ng kaniyang mga kamay na nakasabu
Napahawak ako sa aking ulo nang maramdaman ang pagsakit noon. Dalawang ulit ko na minulat at ipinikit ang aking mga mata upang sanayin ang aking mga mata sa liwanag na binibigay ng ilaw sa kisame. "Kaya mo ba?" Tiningnan ko ang isang lakaki na siyang nagsalita nang subukan ko na umupo. "Sino ka? Huwag kang lalapit," ani ko at dinuro siya. "Relax... I'm Carl," pagpapakilala niya at maingat na inangat ang kamay bago inabot iyon sa akin pero tinaliman ko siya ng tingin. Itinaas niya ang kaniyang mga kamay na animo'y sumusuko na. Umayos ako ng upo ngunit ang mas ikinabahala ko ay ang parang paggaan ng aking tiyan. Napapalunok na hinawakan ko iyon na para bang makakapa ko siya sa loob. Tiningnan ko ang lalaki. Tinaasan lang niya ng kaniyang mga kilay na para bang sa ganoon na paraan ay nagtatanong. "A-ang baby ko?" tanong ko. Malinaw sa aking isipan ang nangyari bago ako tuluyan na mawalan ng malay. "Kumusta ang baby ko?" pag-uulit ko nang hindi siya magsalita. "Bingi ka ba?! Uu
Tumakbo ako. Takbo nang takbo sa kadiliman at hindi na alam kung saan patungo.Dinig ko ang tawanan ng mga lalaki na gumahasa sa akin at ang tawa na sinabayan ni Ate Anne.Malakas ang pintig ng puso ko. Natatakot ako."Bumalik ka rito. Hindi ka ba nasarapan sa ginawa namin?" tumatawang sambit noong lalaki.Patuloy ako sa pag-iyak nang madapa. Hindi ko ininda ang sakit na dulot ng gasgas na tinamo ko bagkus ay medyo iika-ika ako na tumakbo papalayo roon."Dianna, 'wag ka na tumakbo pa," si Ate Anne. "Alam ko naman na kati lang ang nararamdaman mo kaya mo pinatulan ang asawa ko. Ito na, oh! Lima na 'to. Ayaw mo na ba?" tumatawang aniya.Umiling ako nang umiling at nagpatuloy sa pagtakbo ngunit nang dahil sa kadiliman na bumablot sa kapaligiran ay hindi ko namalayan na wala na pala akong hahakbangan. Nahulog ako sa kawalan.Nanginginig at pinagp
Bitbit ko ang plastic na may laman na tatlong damit at short na binili ko upang pagpalit-palitan. Mura lang ang naging bili ko roon dahil tatlo-isandaan na. Maganda na rin ang pagkakatahi.Napabalik ako sa dulo nang muntik na akong mahagip ng sasakyan. Sobrang bilis noon at hindi ko napansin kanina habang ako ay tatawid na sana patungo doon sa karinderya nila Nanay Using. Napakapit na lang ako ng mahigpit sa plastic at nagbuga ng hangin. Nanginginig ang mga tuhod ko at maging ang mga kamay. Muntik na ako.Inangatan ko ng tingin ang sumitsit sa akin. Tumatakbo na lumapit dito sa gawi ko si Carl."Muntik ka na ah," aniya. Nakita rin siguro ang nangyari kanina."Hindi ko nakita," sagot ko.Umiling siya. "Bilis ng andar e. Tara," pag-aya niya sa akin at saka kami sabay na tumawid. "Lapitin ka pala talaga sa aksidente," aniya. "Malas natin ah," natatawang dagdag niya na para bang naka
Pinunasan ko ang pawis ko nang matapos sa paghahanda ng agahan."Ang bango," si Carl. Kababa lang sa kaniyang silid ngunit nakasuot na ng kaniyang kurbata. Handa na rin pumasok.Panlimang araw at memorya ko na ang mga linyahan niya tuwing umaga. Wala pala talaga akong kasama rito sa bahay. Wala akong makakausap pero ayos lang din. Parang hindi naman ako sanay. Halos hindi na nga rin siya umuwi. Noong nakaraan nga ay dalawang sunod na araw na hindi siya rito umuwi. Ako lang tuloy kumain ng mga hinanda ko na pagkain para sa kaniya.Mabuti na lang at kakaunti lang din ang niluluto ko para sa aming dalawa na. Nauubos ko rin naman kaya walang nasasayang.Kinabukasan sinabi niya na sa condo na raw siya dumiretso dahil mayroon daw siyang maagang meeting.Ang problema ko lang ay parang wala naman talaga akong pinagsisilbihan. Parang wala rin akong trabaho."Ano 'to?" tanong ko nang may iabot siya sa akin na box.Ngumiti siya. "Buksan mo," sabi niya.Pinaningkitan ko pa siya ng aking mga mata