"Kaya ko naman po na mapag-isa na lang muna sa bahay, Kuya. May mga kasambahay rin doon. Nangako naman na ako na hindi gagawa ng kahit ano," pagbaling ko sa kaniya mula sa pagkakatingin sa daan na ngayon ay aming tinatahak tangan ng kaniyang sasakyan.
"Nangako ka rin noon nang ihatid ka namin sa condo pero gumawa ka pa rin ng mga bagay na halos ikamatay mo na," aniya."Naaabala na naman kasi kita, Kuya. Panigurado ay marami kang gagawin sa opisina," nahihiyang sambit ko.Si Ate Hazel ang may gusto na isama na lang muna ako ni Kuya sa condo niya dahil may pupuntahan siya na probinsya at magtatagal siya roon ng apat na araw. Project daw yata ng hospital para sa libreng patingin ng mga kababaihan."Kung ikaw ang magdedesisyon ay ayos lang naman na bumalik ako sa opisina pero kung si Hazel ang kalaban mo ay manahimik ka na lang. Ayaw ko mapagalitan noon," si Kuya at saka tumawa.Natawa na lang din ako. Saksi ako minsan sa pagbubunganga ni ABakas ang gulat nang makita ako ni Ate Anne sa loob. Pareho kaming natigilan at hindi inaasahan ang pagkikita."Ano po'ng ginagawa niyo rito?" tanong ko."Ikaw ang dapat na tanungin ko niyan. Ano ang ginagawa mo rito? Nasaan si Erick?" tanong din niya pabalik."Bakit mo po siya hinahanap?" kalmadong tanong ko. "Sino ka ba para kuwestiyunin ako, at bakit ka ba nandito at sa loob pa mismo ng condo ni Erick?" nanlalaki ang mga mata na aniya."Ate..." hindi ko na naituloy pa ang dapat na sasabihin niya ng hinatak niya ako sa aking buhok."Ikaw talagang malanding babae ka e," aniya."Ate Anne, ano ba sa tingin mo ang ginagawa mo?!" inis na rin na sambit ko at walang nagawa kung hindi ang magpahatak papasok sa loob.Siya itong kadarating-dating lang at ako pa ang aapihin!"Asawa ko kinakalantari mo?!" sigaw niya.Sinubukan ko siya na itulak ngunit sobrang kapit ng kaniyang mga kamay na nakasabu
Napahawak ako sa aking ulo nang maramdaman ang pagsakit noon. Dalawang ulit ko na minulat at ipinikit ang aking mga mata upang sanayin ang aking mga mata sa liwanag na binibigay ng ilaw sa kisame. "Kaya mo ba?" Tiningnan ko ang isang lakaki na siyang nagsalita nang subukan ko na umupo. "Sino ka? Huwag kang lalapit," ani ko at dinuro siya. "Relax... I'm Carl," pagpapakilala niya at maingat na inangat ang kamay bago inabot iyon sa akin pero tinaliman ko siya ng tingin. Itinaas niya ang kaniyang mga kamay na animo'y sumusuko na. Umayos ako ng upo ngunit ang mas ikinabahala ko ay ang parang paggaan ng aking tiyan. Napapalunok na hinawakan ko iyon na para bang makakapa ko siya sa loob. Tiningnan ko ang lalaki. Tinaasan lang niya ng kaniyang mga kilay na para bang sa ganoon na paraan ay nagtatanong. "A-ang baby ko?" tanong ko. Malinaw sa aking isipan ang nangyari bago ako tuluyan na mawalan ng malay. "Kumusta ang baby ko?" pag-uulit ko nang hindi siya magsalita. "Bingi ka ba?! Uu
Tumakbo ako. Takbo nang takbo sa kadiliman at hindi na alam kung saan patungo.Dinig ko ang tawanan ng mga lalaki na gumahasa sa akin at ang tawa na sinabayan ni Ate Anne.Malakas ang pintig ng puso ko. Natatakot ako."Bumalik ka rito. Hindi ka ba nasarapan sa ginawa namin?" tumatawang sambit noong lalaki.Patuloy ako sa pag-iyak nang madapa. Hindi ko ininda ang sakit na dulot ng gasgas na tinamo ko bagkus ay medyo iika-ika ako na tumakbo papalayo roon."Dianna, 'wag ka na tumakbo pa," si Ate Anne. "Alam ko naman na kati lang ang nararamdaman mo kaya mo pinatulan ang asawa ko. Ito na, oh! Lima na 'to. Ayaw mo na ba?" tumatawang aniya.Umiling ako nang umiling at nagpatuloy sa pagtakbo ngunit nang dahil sa kadiliman na bumablot sa kapaligiran ay hindi ko namalayan na wala na pala akong hahakbangan. Nahulog ako sa kawalan.Nanginginig at pinagp
Bitbit ko ang plastic na may laman na tatlong damit at short na binili ko upang pagpalit-palitan. Mura lang ang naging bili ko roon dahil tatlo-isandaan na. Maganda na rin ang pagkakatahi.Napabalik ako sa dulo nang muntik na akong mahagip ng sasakyan. Sobrang bilis noon at hindi ko napansin kanina habang ako ay tatawid na sana patungo doon sa karinderya nila Nanay Using. Napakapit na lang ako ng mahigpit sa plastic at nagbuga ng hangin. Nanginginig ang mga tuhod ko at maging ang mga kamay. Muntik na ako.Inangatan ko ng tingin ang sumitsit sa akin. Tumatakbo na lumapit dito sa gawi ko si Carl."Muntik ka na ah," aniya. Nakita rin siguro ang nangyari kanina."Hindi ko nakita," sagot ko.Umiling siya. "Bilis ng andar e. Tara," pag-aya niya sa akin at saka kami sabay na tumawid. "Lapitin ka pala talaga sa aksidente," aniya. "Malas natin ah," natatawang dagdag niya na para bang naka
Pinunasan ko ang pawis ko nang matapos sa paghahanda ng agahan."Ang bango," si Carl. Kababa lang sa kaniyang silid ngunit nakasuot na ng kaniyang kurbata. Handa na rin pumasok.Panlimang araw at memorya ko na ang mga linyahan niya tuwing umaga. Wala pala talaga akong kasama rito sa bahay. Wala akong makakausap pero ayos lang din. Parang hindi naman ako sanay. Halos hindi na nga rin siya umuwi. Noong nakaraan nga ay dalawang sunod na araw na hindi siya rito umuwi. Ako lang tuloy kumain ng mga hinanda ko na pagkain para sa kaniya.Mabuti na lang at kakaunti lang din ang niluluto ko para sa aming dalawa na. Nauubos ko rin naman kaya walang nasasayang.Kinabukasan sinabi niya na sa condo na raw siya dumiretso dahil mayroon daw siyang maagang meeting.Ang problema ko lang ay parang wala naman talaga akong pinagsisilbihan. Parang wala rin akong trabaho."Ano 'to?" tanong ko nang may iabot siya sa akin na box.Ngumiti siya. "Buksan mo," sabi niya.Pinaningkitan ko pa siya ng aking mga mata
Tawanan, hampasan habang nagbiburuan kaming dalawa sa condo niya. Weekends at gusto raw niya magpahinga kaso nauwi naman sa malalang bangayan at biruan.Natutuwa nga ako dahil habang lumilipas ang mga araw, linggo, at buwan ay mas napapansin ko na tugma ang mga ugali namin.Hindi siya ang dapat mong pakisamahan dahil ikaw ang pakikisamahan niya kahit na kung sino ka pa. Isang ugali na napansin ko sa matagal na pagtatrabaho ko sa kaniya.Kaunti na nga lang ay iisipin ko na may binabaeng puso siya dahil sa sobrang galing niyang makisama sa babae. Kaya niyang sabayan lahat.Napahawak ako sa balakang ko nang manakit iyon. Kanina pa kasi siya patawa nang patawa."Oo, dami ko kayang baon na kwento sa bahay-ampunan na 'yon!" nanlalaki ang mga mata na pagkukwento niya.Inalalayan niya ako na umupo sa sofa. Tumayo ako kasi nahihirapan ako kanina. Hindi ako kumportable lalo na malaki na ang tiyan ko, sobra."Ang laki ng tiyan
Uminit ang mga mata ko nang mahagkan sa unang pagkakataon ang aking anak. Mahimbing ang tulog noon."Kamukha ko," si Carl habang nakadungaw rin sa bata. Ako na nga ang nahihirapan sa pagkakadapa niya roon."Umayos ka nga ng tayo," pabulong na utos ko. "Ako ang nahihirapan sa puwesto mo," dagdag ko."Akin 'yong labi. Tingnan mo," sabi niya at hindi pa nakuntento dahil bahagya pa iyon na tinusok."Ikaw ang tutusukin ko. Kita mong marumi kamay mo," pagbabanta ko."Naghugas ako! Nag-alcohol pa," pagtatanggol niya sa kaniyang sarili.Pinanlakihan ko siya ng aking mga mata. "Hinaan mo boses mo!"Lumabi lang siya at saka tahimik na nakitingin na lang din.Hindi ko maiwasan na makita ang iilang pagkakahawig namin. Natutuwa ako dahil ako ang naging kamukha noon."She looks like an angel, 'di ba? Just like you. She
Lumipat kami sa condo muli ni Carl. Ako na rin ang nagsabi noon dahil baka kailanganin ko siya kung sakali ay hindi na siya mahihirapan pa na puntahan kaming dalawa."Doon ka na sa kwarto. Dito na kami sa salas ni Amari. Baka kasi umiyak siya," sabi ko nang maglabas siya ng unan at kumot.Umiling siya. "Okay na ako rito, Dianna. Kayong dalawa na roon," aniya."Baka kasi mapasarap ang tulog ko at hindi agad magising kapag umiyak siya," pagdadahilan ko pa.Tinigil niya ang bahagyang pag-aayos ng hihigaan sana niya."What's your thought of having a husband, Dianna?"Nangunot ang noo ko at nagsalubong ng bahagya ang mga kilay sa napaka-random na tanong niya. "Husband?" ulit na tanong ko.Tumango siya. "Yes, husband. Asawa," aniya at umayos ng upo upang harapin ako ng maayos."Wala pa sa isip ko 'yon," sagot ko.
Dear readers,As we reach the final pages of this book, I want to take a moment to express my heartfelt gratitude to each and every one of you for embarking on this journey with Dianna and Roy. Your presence and support have meant the world to me.Together, we've laughed, cried, and experienced the ups and downs of their story. It's been an incredible adventure, and I hope you've found some inspiration, joy, or solace within these pages.Though this may be the end of their tale, it's not goodbye forever. Characters and stories have a way of staying with us, tucked in the corners of our hearts. I encourage you to carry Dianna and Roy's adventures with you, and may their memories continue to inspire your own.Thank you, dear readers, for being a part of this wonderful journey. I look forward to sharing more stories with you in the future.With gratitude and warm regards,Jeadaya_Kiya18
ROY POV I hugged Ina from her back. "You should've asked me first what I want to eat," nakanguso na bulong ko.Natigilan siya sa pagpiprito ng bacon. "Ayaw mo ba nito?" alanganin na tanong niya. "Ano ba gusto mo?"Nakapikit na hinalikan ko ang gilid ng leeg niya. I can't help but to get addicted to it."Meat," maikling sagot ko. "Your meat down there," pang-iinis ko sa kaniya."Gusto mo?" tanong niya dahilan upang ako naman ang matigilan."Don't tease me like that, Ina," usal ko. Gigil ko na pinugpog ng halik ang balikat niya at saka ibinaon ang aking mukha sa leeg niya.She's in her month of giving birth and she know na hindi ko siya magagalaw kahit na asarin niya ako dahil delikado para sa baby na nasa sinapupunan niya.Natatawa na pinatay niya ang stove at saka inilipat ang mga niluto niya sa pinggan. Nakayakap lang ako sa kaniya hanggang sa maibaba niya sa lamesa ang mga hawak.Nakangiti siya nang balingan niya ako at pinatakan ng halik sa labi ko. Hinayaan ko siya ngunit ako rin
I was blaming myself after that confrontation between me and Ina. I didn't know that about her. Days and weeks have passed pero hindi ko nagawang pumasok muna. I was bawling my eyes out. I don't know how should I feel after knowing what happened to her. I didn't have any strength to face her but still, I collected myself and had the courage to face her. There's no way that she will get away from me now. And by that, I saw myself waiting for her. I am always in front of Carl's building after running out of excuses to appoint a meeting with him. I have hope that we can still fix all of this but knowing the news that they will be marrying each other soon makes my hope shattered into pieces. I don't know how hopeless I am while in front of Carl. I was bawling my eyes out again while asking for him to give up Ina. I even got down on my knees if that can make him give Ina back to me. I brainwashed him, I made him guilty, I made him feel the worst thing that he could feel just so I could
"May balita na sa pinapahanap mo. Right now, she's with Carl Uy, a businessman, and his company is not that far from yours. Currently, she's a secretary," balita niya. How great it would be. I am much very close to Carl because we are business partner. After hearing that news nakita ko na lang ang sarili ko na pumpupunta sa company ni Carl kahit na wala naman akong gagawin. "Napadalaw ka?" salubong sa akin ni Carl. Except from being a business partner, tinuturing din namin ang isa't-isa bilang magkaibigan and that really help me. "Boring sa company," sabi ko. I was looking for Ina but I don't see her anywhere. I even asked Eduard kung si Ina ba talaga ang nakita niya but he simply answered me that he's a hundred percent sure about it. I was about to go one afternoon when I saw her sa building. Sinubukan ko... Sinubukan ko na hindi siya lapitan at magkunwari na hindi ko alam na nandito siya at hahayaan na lapitan niya ako pero hindi nangyari iyon dahil napakahirap kuhanin ng aten
Tahimik ko na pinagmasdan si Anne na abala sa ginagawa niya. "Hindi mo ba talaga ako papansinin?" pag-aagaw ko sa atensiyon niya. Busy siya at wala ng time sa amin ng mga anak niya, especially sa akin. "Roy, come on. I told you not now. I am doing a lot of things right now and I can't afford to lose even a second. Understand me, please." Nagbuntonghininga ako at saka ibinagsak ang katawan sa higaan. We have been like that for three consecutive months now. I missed her so damn much. I miss being with her. "Anne, I am done with this. Para akong isang bagay na kapag ayaw mo ay ayaw mo. Saka mo lang makikita na nandito ako kapag gusto mo magpainit ng katawan. Iyon lang ba ang purpose ko?" hindi maiwasan na tanong ko sa kaniya. Binalingan niya ako. "What?" natatawang aniya. "Roy, I said I am busy! Ano bang sinasabi mo?" "Bakit, hindi ba totoo?" tanong ko. "Lalapitan mo lang ako kapag gusto mo magpainit ng katawan." "Stop being petty! Let me finish all of this and I promise to be wi
Tahimik ako na nakatanaw sa kabukiran nang yakapin ako ni Roy mula sa likod.Tipid ako na napangiti at saka itinagilid ang ulo ko upang bigyan siya ng espasiyo sa kabilang balikat ko."Anong iniisip mo?" tanong niya.Bahagya ako na nagbuntonghininga. "Sumagi sa isip ko si Lily at Andrei," pag-amin ko.Kahit na sobrang saya ko dahil nasa kulungan na si Ate Anne at alam ko hindi na niya kami magagalaw pa ay hindi ko rin maiwasan na isipin kung ano na ang mangyayari sa magkapatid.Iniisip ko kung gaganti ba sila sa akin at dapat hindi ako maging panatag na mamuhay ng payapa o kaawaan ko dapat silang dalawa dahil inilayo ko ang ina nila sa kanila."They are both grown-ups," aniya.Umiling ako. "Not really. Lily is still on his early twenties and Andrei is still teenager. Hindi pa nila kayang tumayo sa sarili nila—""Lily is more mature than ever. I know she can handle herself and his brother.""Paano kung sila naman ang gumanti sa ginawa natin sa ina nila?" hindi maiwasan na tanong ko.Na
"What do you mean?" naguguluhan na tanong ko. "Order in the court! Please let the questioning proceed without interruptions. There will be an opportunity for the victim to speak later during their testimony or when called upon. Mr. Gomez, I understand your emotions, but we must maintain a structured and fair process here," ani ng attorney ng kabila. "Makinig na lang muna tayo," pagkausap ko sa kaniya. "Continue," pagpapatuloy ng judge. Kinalma ko si Roy habang nagpapatuloy na ulit ang pag-uusap ni Ate Anne at ang abogado niya. Ang mas ikinagagalit ko ay pilit pa rin siya na nagsisinungaling kahit napaka-solid na ng ebidensiya na mayroon kami at si Anthony pa ang tumayo na defendant. "Hindi ko alam. Wala na akong koneksiyon pa sa kanila magmula nang ma-approve na ang annulment namin ni Roy kaya imposible ang ibinibintang sa akin," pagtatanggol ni Ate Anne sa sarili niya. "Umamin ka na lang!" halos maiyak na sigaw ko. "Hindi ito ang unang beses na gusto mo akong patayin, Ate Anne
"Hindi ko kasalanan kung iniwan ka ni Roy, Ate Anne. Lumayo na ako sa inyo at ngayon hindi ako ang dapat mong sisihin diyan sa galit at poot mo!" hindi makapaniwalang sambit ko. "Yes, you should be to blame, Ina. Kasalanan mo dahil inakit mo ang asawa ko! Inakit mo siya at siniraan mo ako sa kaniya—" Natatawa na tiningnan ko siya. "Siniraan? Ate Anne, bakit hindi mo na lang aminin na nangaliwa ka at nagkataon pa na may asawa rin ang kinabit mo? Sige, palagay na natin na nagkamali ako noong una at hindi ikaw ang nakita ko na may kahalikan sa tapat ng bahay niyo pero paano mo pa maipapaliwanag ang pagpunta mo sa condo ni Kuya Erik, na asawa pala ni Mama. Paano mo ipapaliwanag 'yon?!" Dinuro ko siya. "Nang dahil sa'yo muntik na mawala ang anak ko!" Tumulo ang mga luha sa mga mata ko dahil sa galit na nararamdaman. Nang hindi mapigil ang panggigigil sa kaniya ay lumipad ang palad ko sa pisngi niya. "Dianna, kumalma ka," pagpapakalma ni Mama sa akin. Sakto na paalis ako ng bahay nan
"Paano naman mangyayari 'yon? Iisang tao lang hinahanap niyo pero hanggang ngayon ay hindi niyo pa rin makita?" hindi maiwasan na tanong ko sa mga police. "Baka naman abutin pa ng isang taon itong kaso na ito bago ma-close o ang tamang tanong yata ay kung mabibigyan pa ba ng hustisya ito?" "Dianna, calm down," pagpapakalma sa akin ni Carl. Naririto kami ngayon sa police station dahil hindi na sila nag-uupdate pa. Ni hindi ko alam kung umuusad pa ba ang kaso namin. "Paano ako kakalma, Carl? Magaling na lahat-lahat 'yung mga naging biktima ni Ate Anne tapos hanggang ngayon wala pang maayos na pag-uusap para sa kaso na 'to?" hindi makapaniwalang tanong ko. "Mrs. Gomez, we were doing our best to search for Mrs. Annalyn pero hindi ganoon kadali na mahanap siya at idala rito—" "At kung inasikaso niyo na ito at hinanap si Anthony nang mas maaga ay hindi na aabot ng ganito katagal! Ang hirap kasi sa inyo ay mas inuuna niyo pa ang mga bagong file na case kaysa sa amin!" "Dianna." "Mr. U