Share

MML 23 - Library

Halos wala na akong tulog nang makauwi kami ni Roy. Mag-aalas kwatro na iyon. Tamang-tama lang upang maghanda naman ako ng almusal nila.

Mabuti na lang kahit papaano ay nakatulog ako sa sasakyan noong pauwi na. Ang inaalala ko ngayon ay si Roy dahil may trabaho pa rin siya. Hindi na siya nakapagpahinga pa.

Nagkaniya-kaniyang alis na ang lahat samantalang ako ay hinatid lang ang magkapatid at nagpahatid na rin para umuwi.

May inutos din si Ate Anne kay Kuya Jugs kaya matapos akong ihatid dito ay umalis na rin siya.

Humihikab na ibinato ko ang sarili sa sofa. Gustong umidlip muna kahit papaano at mamaya na lang maglinis.

Hinila naman ako kaagad ng antok at nakatulog kaagad ngunit nagising din nang maramdaman ang paghaplos sa pisngi ko.

"Roy," inaantok na sambit ko nang mamulatan siya.

Nasa loob na ako ng silid ko at nakahiga sa aking kama. Marahil ay dinala niya ako rito dahil sa pagkakatanda ko ay sa sofa ako nakatulog kanina.

"Kanina ka pa?" tanong ko, kunot pa ng bahagya ang noo.

Nag
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status