"Roy, nakita ng dalawang mata ko!" pagpipilit ko pa dahil hindi siya naniniwala sa akin."Ina, Anne will never do that! You're spitting nonsense," inis na aniya."At paano mo nasasabi na hindi niya gagawin iyon?""At bakit niya naman gagawin iyon, in the first place? I know Anne. Tigilan mo na 'yan," pagpapatigil niyan sa akin. "We've been together for years."Halos magdikit na ang mga kilay ko sa sobrang inis dahil hindi niya ako pinaniniwalaan."Paano ko magagawang magsinungaling sa ganitong bagay? Isa pa, hindi ka ba nagtataka kung bakit madalas na nasa office na lang si Ate Anne natutulog? Gaano ka nakasisiguro na nagtatrabaho nga siya sa office at doon na natutulog gayon na nandito ka lang naman sa bahay?""Stop accusing her, Ina. Asawa ko ang sinasabihan mo, asawa ko," pagdiriin pa niya sa salitang asawa dahilan upang sarkastiko ako na matawa. "Malay ko ba na gusto mo lang siyang siraan sa akin," pagbaling niya. Kung wala lang tao rito sa bahay ay panigurado na kanina pa niya a
Nagdaan ang buong araw nang wala kaming gaanong imikan ni Roy. Hindi ako gaanong umimik sa kaniya para wala ng mapagtalunan pa. Iniiwasan ko na mabuksan pa ang naging usapan dahil alam ko na rin sa sarili ko na ako pa ang mapapasama nito kapag binuksan ko pa muli. Nakikipag-usap, oo pero sinisiguro ko rin na iniiwas ko ang mga bagay na patungkol doon sa nakita ko noong gabi na iyon. Ayaw ko na rin makipag-away pa. Ang sabi ko nga ay bahala na kung makita ng mismong mga mata niya o hindi. Hindi na lang siguro ako mangingialam pa. Isa pa ay labas na ako roon dahil problema na nilang mag-asawa iyon. Hindi lang naman ako nakapagpigil dahil concerned din ako kay Roy. Nandoon 'yong pakiramdam na kailangan kong sabihin at kailangan niyang malaman ang bagay na nalaman ko rin pero mukhang hindi lahat ng bagay na nalalaman ko ay dapat ko rin ipagdabi at ipaalam sa kaniya.Napag-isip-isip ko rin kasi na labas na ako sa usapin na iyon lalo pa at problema na nilang mag-asawa na iyon.Kung sasabih
Inalalayan ko si Roy na makahiga sa silid nila ni Ate Anne. Tulad nang inaasahan ko ay hindi nga umuwi ang asawa niya ngayon.Halos malaglag kami sa hagdan kanina paakyat dito sa itaas dahil na rin sa sobrang bigat niya at ang paningin ko naman ay medyo lumalabo na rin."Tangina," bulong na naman ni Roy.Hindi ko na mabilang kung ilang beses na siya nagmura simula pa kanina nang matagpuan ko siya sa terrace.Naiinis man sa pinapakita niyang pag-iyak habang nagkukwento kung gaano kasakit ang ginawa sa kaniya ni Ate Anne at wala naman akong ibang magawa."Papatayin ko 'yung lalaki na 'yon," aniya at asta na tatayo nang itulak ko siya muli pahiga.Kanina ko pa rin tinitimpi ang galit na nararamdaman ko sa kaniya. Naguguluhan na ako kung ako ba talaga ang mahal niya o ang asawa niya dahil sa ipinapakita niya ay ang totoong mahal niya ay ang kaniyang asawa."Ikaw ang papatayin ko kapag hindi ka pa tumigil," sinisinok sa
Hindi ko na nagawa pang balingan si Ate Anne na siyang sumigaw nang sa isang iglap ay natagpuan ko na lang ang sarili ko na hila-hila niya ako sa aking mga buhok."Ate Anne, masakit," sambit ko."Masasaktan ka talagang malanding babae ka! Ang bababoy niyo!" sigaw niya.Damang-dama ko ang galit hindi lang sa kaniyang boses dahil maging sa pagsabunot niya sa akin. Halos mawalan ako ng mga buhok nang dahil sa pagkakahila niya."A-Anne," ang nag-iisang salita na namutawi sa bibig ni Roy habang mabilis na inaayos ang pajama na kanina'y nakababa."Nakakadiri kayo! Anong kahayupan ito, Roy?! Kailan pa? Katulong natin? Nag-iisip ka ba?""Anne, calm down," pagpapakalma ni Roy sa kaniya at sinubukan na lumapit ngunit bahagyang napaatras nang iduro siya ni Ate Anne."Kumalma?" sarkastiko siyang natawa. "Ikaw rin kaya ang sabihan ko nang kumalma pagkatapos mong mahuli na nakikipag-sex ako sa ibang tao," aniya."Ate Ann
Natulala na lang ako sa pagkabigla at nakayuko na tiningnan ang sarili. Nakararamdam ako ng panliliit sa aking sarili. Hindi ko magawa na magsalita. Para akong pinagkaitan ng boses at isipan upang makapag-isip ng tama matapos niyang sabihin iyon. Nahihinuha ko na ang kalalabasan ng pagtatagpo na ito."Ikaw, Anne. Tatanungin kita. Kung ikaw naman ang nasa sitwasyon ko at may nakaalam na may iba akong kinakasamang babae. Ano ang gagawin mo?" tanong niya sa kaniyang asawa."Syempre, iinom ka niyan. Magpapakalasing ka kasi gusto mo mawala na lang iyon sa isip mo kung mahal mo talaga ang isang tao. Anne, kung mahal na mahal mo 'yung tao, hindi mo alam gagawin mo e. Sobrang sakit noon sa pakiramdam at iyon ang naramdaman ko nang malaman na may iba kang lalaki na kinakasama bukod sa akin... bukod sa asawa mo..." nanghihinang sambit ni Roy."Aaminin ko, nalasing ako pero... Anne, sumugod ka kaagad! Hindi mo man lang ako tinanong muna!""Kung hindi mo alam
Tulala at walang saplot na naglalakad ako sa daan sa kasalukuyan.Walang damit, nakaapak at higit sa lahat ay nawalan na ng dignidad para sa sarili nang dahil sa insidente na sa una pa lang ay inayawan ko na pero tinuloy ko pa rin.Umupo ako sa isang gilid at niyakap ang sarili. Madilim sa bahaging ito. Sa hindi kalayuan ay nakikita ko pa rin ang nangyayari sa kalsada ngunit kahit kailan ay paniguradong hindi alam ng mga dumadaan na may tao rito.Hindi ko na alam kung nasaan ako... kung saan na ako dinala ng mga paa ko. Ang alam ko lang ay malayo na ako. Malayo sa bahay kung saan ako nanggaling. Hindi ko na ninais pa na dumaan sa maliwanag. Takot man ako sa dilim ngunit wala rin ako magagawa. Mas lalong hindi ko nananaisin na makita ako ng mga tao sa ganitong sitwasyon.Napahikbi na lang ako nang sumagi muli sa isip ang nangyari sa akin.Wala na. Nan
Masakit ang katawan na iminulat ko ang aking mga mata.Nasisilaw na itinakip ko ang aking palad sa aking mga mata upang maayos na makita kung nasaan ako.Nakaramdam ako ng takot nang walang makita kahit ano sa paligid at tanging puting kisame, pader, at higaan lang ang nakita ko. Nanginginig na nagmamadali ako na tanggalin ang suwero na nakakapit sa akin. Umiling ako. Hindi maaari.Nanlaki ang mga mata ko nang may pumasok na isang lalaki sa loob. Kusang naglalagan ang mga luha sa aking mga pisngi."Parang-awa niyo na po, pakawalan niyo na ako," pagmamakaawa ko.Napabaling ang tingin ko sa isa pang babae na siya namang pumasok sa loob."W-wala na po akong pamilya. Wala rin po akong pera. Wala po kayong mapapala sa akin," pagmamakaawa ko at halos malaglag pa sa kama upang lumuhod."I-iha.. Erick, kumuha ka ng tubig sa kusina. Bilisan mo," ani noong babae saka lumapit sa akin."P-parang awa niyo na po. Pakawalan niyo na po ako," pagmamakaawa ko at halos mapaatras nang lumapit siya sa aki
"Ate Hazel," tawag ko sa kaniya habang siya ay nakaharap sa kaniyang laptop.Tiningnan niya ako sandali at binaling din agad sa ginagawa. "Salamat," halos pabulong na lang na sambit ko dahilan upang tuluyan na niyang ibaling ang atensiyon sa akin.Ngumiti siya sa akin."Kung hindi dahil sa kabutihan mo... ninyo ni Kuya Erick ay paniguradong hindi ko alam kung buhay pa ba ako ngayon. Napakabuti niyong tao," sabi ko at pinaglaruan ang aking mga kamay. "Pasensiya na kung nagiging pabigat pa ako sa inyo. Hindi niyo naman talaga ako obligasyon na tulungan dahil unang-una ay hindi niyo naman ako kilal—""Shh... don't say that. Bakit? 'yung mga kakilala lang ba dapat ang tulungan? Sila lang ba ang dapat na isalba kapag kailangan na kailangan ng tulong ang isang tao? Isa pa ay kaya ka namin tulungan kaya gagawin namin iyon."Tipid ako na ngumiti at saka napapayuko na lang na tiningnan ang mga daliri ko sa paa. "Alam mo ba," aniya dahilan upang iangat ko muli ang mga mata upang tingnan siya.