Nanatili ako sa silid ko habang nakatingin sa kisame. Katatapos ko lang maligo. Naihatid na rin sa paaralan ang dalawa at ang mag-asawa naman ay nasa trabaho na. Ako na lamang ang naiwan mag-isa rito.Ibinalot ko sa kumot ang aking sarili nang sumagi na naman sa isip ko ang pag-uusap namin ni Roy.Flashback."Tama na, Ina. Hindi ko kaya. Kung kaya mo, ako hindi. Itigil na natin 'to. Ang sabi mo gusto mo rin ako 'di ba? Ina, mas gusto kita. Ako na lang," aniya na halos magmakaawa na sa akin.Matamlay ang kaniyang mga mata na nakatingin sa akin."Akala ko ba malandi ako," tumingin ako sa kawalan, iniiwasan ang kaniyang mga mata. "Hindi ba't sabi mo ay malandi ako. Bakit ngayon ay gusto mong ikaw na lang?"Pinunasan ako ang luha na nagsisimula naman na tumulo. Buong buhay ko ay ngayon lang ako nasabihan ng malandi at galing pa mismo sa taong gusto ko.
Paupo pa lang sana ako sa kama habang nagtutuyo ng aking mga buhok nang may kumatok sa pinto.Nagtataka man ay binuksan ko na lang din iyon. Nagulat pa nang makita si Roy."Ginagawa mo rito?" kinakabahan na tanong ko habang nakatingin sa paligid. Baka may makakita."Tara," aya niya sa akin at hinila na ako palabas.Ako naman na walang magawa ay hindi ko na naisarado pa ang pinto ng kwarto ko at dala-dala pa ang maliit na tuwalya na gamit ko pagpapatuyo ng aking mga buhok."Saan ba tayo pupunta?" tanong ko."Basta," aniya at agad ako na pinagbuksan ng pinto saka ako pinaupo roon.Mas lalo lang ako kinabahan nang paandarin niya ang sasakyan dahil sa sobrang ingay noon."Roy," kinakabahan na tawag ko sa kaniya.Nagsenyas lang siya na tumahimik ako at pinaharurot na paalis doon ang sasakyan.Gabing-gabi na rin kasi. Hindi ako dinadalaw ng antok kanina kaya nagtagal ako sa banyo para maligo. Saka lang ako lumabas nang pakiramdam ko ay sobra pa sa sobrang linis ko na.Matutulog na rin sana
Halos wala na akong tulog nang makauwi kami ni Roy. Mag-aalas kwatro na iyon. Tamang-tama lang upang maghanda naman ako ng almusal nila.Mabuti na lang kahit papaano ay nakatulog ako sa sasakyan noong pauwi na. Ang inaalala ko ngayon ay si Roy dahil may trabaho pa rin siya. Hindi na siya nakapagpahinga pa.Nagkaniya-kaniyang alis na ang lahat samantalang ako ay hinatid lang ang magkapatid at nagpahatid na rin para umuwi.May inutos din si Ate Anne kay Kuya Jugs kaya matapos akong ihatid dito ay umalis na rin siya.Humihikab na ibinato ko ang sarili sa sofa. Gustong umidlip muna kahit papaano at mamaya na lang maglinis.Hinila naman ako kaagad ng antok at nakatulog kaagad ngunit nagising din nang maramdaman ang paghaplos sa pisngi ko."Roy," inaantok na sambit ko nang mamulatan siya.Nasa loob na ako ng silid ko at nakahiga sa aking kama. Marahil ay dinala niya ako rito dahil sa pagkakatanda ko ay sa sofa ako nakatulog kanina."Kanina ka pa?" tanong ko, kunot pa ng bahagya ang noo.Nag
Matapos ang gabing iyon ay naging maayos naman ang lahat. Hindi ko nga alam kung sobrang paranoid lang ba ako dahil sa nangyari sa amin ni Roy sa library dahil lagi kong nahuhuling nakatingin sa akin si Ate Anne at ibabaling kay Roy o ano.Mula umaga, pag-alis, pagdating at ngayon na pagpasok ko sa silid ko ay nakita ko pa siyang lumingon sa akin habang nakalingkis kay Roy.Iniwas ko ang tingin sa kaniya at pumasok na sa silid. Diretso tulog na rin ako. Ngayong araw ay wala kami gaanong naging interaksyon ni Roy, kahit noong mga nakaraan pang mga araw basta mula noong gabi na iyon dahil animo'y bantay-sarado kami kay Ate Anne dahil kung nasaan si Roy ay naroroon din siya na dati ay hindi naman niya ginagawa habang ito naman si Roy ay halos mapunit ang mukha dahil sa ngiti na suot sa tuwing kasama ang asawa.Hindi sinasadyang napairap ako nang mahuli ang pagyayakapan ng dalawa malapit sa hagdan. Hindi ko alam kung ano na naman ang ganap ni Roy sa buhay dahil mukha siyang tanga na nakal
"Roy, nakita ng dalawang mata ko!" pagpipilit ko pa dahil hindi siya naniniwala sa akin."Ina, Anne will never do that! You're spitting nonsense," inis na aniya."At paano mo nasasabi na hindi niya gagawin iyon?""At bakit niya naman gagawin iyon, in the first place? I know Anne. Tigilan mo na 'yan," pagpapatigil niyan sa akin. "We've been together for years."Halos magdikit na ang mga kilay ko sa sobrang inis dahil hindi niya ako pinaniniwalaan."Paano ko magagawang magsinungaling sa ganitong bagay? Isa pa, hindi ka ba nagtataka kung bakit madalas na nasa office na lang si Ate Anne natutulog? Gaano ka nakasisiguro na nagtatrabaho nga siya sa office at doon na natutulog gayon na nandito ka lang naman sa bahay?""Stop accusing her, Ina. Asawa ko ang sinasabihan mo, asawa ko," pagdiriin pa niya sa salitang asawa dahilan upang sarkastiko ako na matawa. "Malay ko ba na gusto mo lang siyang siraan sa akin," pagbaling niya. Kung wala lang tao rito sa bahay ay panigurado na kanina pa niya a
Nagdaan ang buong araw nang wala kaming gaanong imikan ni Roy. Hindi ako gaanong umimik sa kaniya para wala ng mapagtalunan pa. Iniiwasan ko na mabuksan pa ang naging usapan dahil alam ko na rin sa sarili ko na ako pa ang mapapasama nito kapag binuksan ko pa muli. Nakikipag-usap, oo pero sinisiguro ko rin na iniiwas ko ang mga bagay na patungkol doon sa nakita ko noong gabi na iyon. Ayaw ko na rin makipag-away pa. Ang sabi ko nga ay bahala na kung makita ng mismong mga mata niya o hindi. Hindi na lang siguro ako mangingialam pa. Isa pa ay labas na ako roon dahil problema na nilang mag-asawa iyon. Hindi lang naman ako nakapagpigil dahil concerned din ako kay Roy. Nandoon 'yong pakiramdam na kailangan kong sabihin at kailangan niyang malaman ang bagay na nalaman ko rin pero mukhang hindi lahat ng bagay na nalalaman ko ay dapat ko rin ipagdabi at ipaalam sa kaniya.Napag-isip-isip ko rin kasi na labas na ako sa usapin na iyon lalo pa at problema na nilang mag-asawa na iyon.Kung sasabih
Inalalayan ko si Roy na makahiga sa silid nila ni Ate Anne. Tulad nang inaasahan ko ay hindi nga umuwi ang asawa niya ngayon.Halos malaglag kami sa hagdan kanina paakyat dito sa itaas dahil na rin sa sobrang bigat niya at ang paningin ko naman ay medyo lumalabo na rin."Tangina," bulong na naman ni Roy.Hindi ko na mabilang kung ilang beses na siya nagmura simula pa kanina nang matagpuan ko siya sa terrace.Naiinis man sa pinapakita niyang pag-iyak habang nagkukwento kung gaano kasakit ang ginawa sa kaniya ni Ate Anne at wala naman akong ibang magawa."Papatayin ko 'yung lalaki na 'yon," aniya at asta na tatayo nang itulak ko siya muli pahiga.Kanina ko pa rin tinitimpi ang galit na nararamdaman ko sa kaniya. Naguguluhan na ako kung ako ba talaga ang mahal niya o ang asawa niya dahil sa ipinapakita niya ay ang totoong mahal niya ay ang kaniyang asawa."Ikaw ang papatayin ko kapag hindi ka pa tumigil," sinisinok sa
Hindi ko na nagawa pang balingan si Ate Anne na siyang sumigaw nang sa isang iglap ay natagpuan ko na lang ang sarili ko na hila-hila niya ako sa aking mga buhok."Ate Anne, masakit," sambit ko."Masasaktan ka talagang malanding babae ka! Ang bababoy niyo!" sigaw niya.Damang-dama ko ang galit hindi lang sa kaniyang boses dahil maging sa pagsabunot niya sa akin. Halos mawalan ako ng mga buhok nang dahil sa pagkakahila niya."A-Anne," ang nag-iisang salita na namutawi sa bibig ni Roy habang mabilis na inaayos ang pajama na kanina'y nakababa."Nakakadiri kayo! Anong kahayupan ito, Roy?! Kailan pa? Katulong natin? Nag-iisip ka ba?""Anne, calm down," pagpapakalma ni Roy sa kaniya at sinubukan na lumapit ngunit bahagyang napaatras nang iduro siya ni Ate Anne."Kumalma?" sarkastiko siyang natawa. "Ikaw rin kaya ang sabihan ko nang kumalma pagkatapos mong mahuli na nakikipag-sex ako sa ibang tao," aniya."Ate Ann