Share

Chapter 44

SHAINA

Tumaas muna si Jacob na boyfriend ko para tumungo sa kuwarto niya. Magbibihis muna siya ng damit niya na pambahay bago tumungo sa dining room para kumain. Pinaghanda kong muli ang kakainin naming dalawa sa mesa. Mabilis lang siyang magbihis kaya wala pa ngang limang minuto ay nasa harapan ko na siya.

Imbis na siya ang pagsilbihan ko ay siya tuloy ang gumawa ng bagay na 'yon. Pinaupo niya ako sa upuan at siya pa ang naglagay ng kanin sa plato ko. Nilagyan na niya ng tubig ang baso ko. Kinikilig naman ako sa ginawa niyang 'yon sa akin kahit papaano. Natatawa ako sa ginagawa niya sa totoo lang.

"Bakit mo ba ginagawa 'to, baby? Ikaw pa talaga ang gumagawa nito sa akin, imbis na ako," tanong ko sa kanya na nakangiti at maging siya ay ganoon rin.

"Gusto ko lang na gawin 'to, baby. May problema ba sa ginagawa kong 'to? Isipin mo ngayong gabi na 'to na hindi ka kasambahay o katulong, okay? Girlfriend kita, baby," paliwanag pa niya sa akin na tugon.

"Kasambahay pa rin ako, baby. Hindi
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status