Share

Chapter 51

SHAINA

Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko sa kanilang dalawa matapos ko na marinig ang lahat ng mga nalaman ko. Nanghihina ako sa nalalaman ko. Pakiramdam ko pa ay babagsak ako ano man na oras 'yan. Huminga ako nang malalim at ikinalma ang sarili ko. Hindi rin silang dalawa puwede na makahalata sa akin ng kakaiba. Kailangan ay wala silang mapansin na kung ano sa akin. Dapat magmukha akong hindi apektado sa mga nalaman ko na 'yon.

Nagsalita lang ako ng kaunti sa harapan nilang dalawa. Hindi na ako nagtanong pa nang nagtanong sa kanila baka kung ano pa ang mangyari sa akin kapag may nalaman pa akong iba. Tama na muna ang mga nalaman kong 'yon. Baka hindi ko kayanin, eh. May mangyari pa sa akin na masama. Ayaw ko naman na may mangyaring masaman sa akin.

Iniba ko na lang ang usapan namin hanggang sa matapos 'yon. Matapos na mag-usap namin ng ilang minuto ay pinagpatuloy ko na ang pagwawalis ko sa labas ng bahay ng boyfriend ko na si Jacob.

Hindi ako mapakali habang nagwawalis doon.
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status