SHAINA "Tawagin mo na si Sir Jacob sa kuwarto niya, Shaina. Handa na ang breakfast niya," sabi sa akin ni Manong Caloy sumunod na araw. Tapos na kaming magluto ng breakfast ng boyfriend ko na si Jacob. Maayos naman ang naging mga araw namin nitong nakalipas na araw."Sige po, Manong Caloy. Tatawagin ko na po siya sa kuwarto niya," mabilis naman na tugon ko sa kanya."Okay." Tumaas naman kaagad ako para puntahan siya sa kuwarto niya. Gising na siya sigurado ako. Nakailang katok na ako sa pinto ng kuwarto niya ngunit hindi nagbubukas ang pinto. Ang ginawa ko ay binuksan ko na lang 'yon para tingnan siya kung nandoon sa loob. Hindi naman naka-lock ang pinto ng kuwarto niya.Wala siya doon pagkapasok ko. Ang tahimik sa loob ng kuwarto niya. Nakabukas naman ang mga ilaw doon. Tiningnan ko ang shower room niya baka kasi ay nandoon siya ngunit wala naman siya doon.Ang ginawa ko ay lumabas na lang ako sa kuwarto niya. Hinanap ko siya doon sa taas ngunit wala talaga siya. Wala siya sa taas.
SHAINAHindi ako mapakali habang nagtatrabaho ako sa loob ng bahay ng boyfriend ko na si Jacob. Gusto kong malaman ang tungkol sa babaeng usap-usapan dito sa loob ng subdivision na nabuntis niya. Naalala ko pa sa sinabi nina Amy at Lisa na ang panghuling kasambahay ang nabuntis ni Jacob na boyfriend ko. Panay ang sulyap ko sa labas kung nasa labas rin sina Amy at Lisa dahil gusto ko silang makausap tungkol sa bagay na 'yon. Naisip ko na bakit hindi ko tanungin si Manong Caloy kung sino ang huling kasambahay na nagkaroon sila bago ako dumating. Hindi ko pa naman nakikita ang dalawang kaibigan ko na sina Amy at Lisa. Tatanungin ko muna si Manong Caloy para kahit paano ay may alam na ako tungkol sa babaeng 'yon. At kahit papaano ay matahimik na ako pansamantala sa pag-alam kung sino nga siya.Habang kumakain kami ng tanghalian ni Manong Caloy ay nagsimula na akong magtanong sa kanya tungkol doon. Malapit na rin kaming dalawa na matapos sa pagkain namin ng tanghalian."Manong Caloy...""
SHAINANagpahinga muna ako sa may garahe kinahapunan. Alas kuwarto na rin ng hapon. Panay pa rin ang tingin ko sa labas ng bahay lalo na doon sa bahay na pinagtatrabauhan ng dalawa kong bagong kaibigan na kasambahay na sina Amy at Lisa. Wala pa ring ibang laman ang isipan ko kundi ang kaninang mga nalaman ko. Malakas talaga ang kutob ko na ang babaeng 'yon ay walang iba kundi ang Isabel na 'yon. Sigurado akong nagkaroon talaga silang dalawa ng relasyon ng boyfriend ko na si Jacob. Kailangan ko na makumpirma na tama ang mga haka-haka ko. Kinagabihan ay doon pa rin ako natulog sa kuwarto niya. Hindi naman kami nag-sex na dalawa. Parehas kaming dalawa pagod sa buong araw. Mahigpit na yakap-yakap niya ako. Gising na ako bago pa sumapit ang alas kuwatro ng umaga habang siya ay mahimbing pa rin na natutulog. Yakap-yakap pa rin niya ako. Kung ano ang posisyon niya nang matulog siya kagabi ay 'yon pa rin ngayon.Pumasok bigla sa isipan ko ang mga nalaman ko kagabi at ang ginawang pagsisinung
SHAINA Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko sa kanilang dalawa matapos ko na marinig ang lahat ng mga nalaman ko. Nanghihina ako sa nalalaman ko. Pakiramdam ko pa ay babagsak ako ano man na oras 'yan. Huminga ako nang malalim at ikinalma ang sarili ko. Hindi rin silang dalawa puwede na makahalata sa akin ng kakaiba. Kailangan ay wala silang mapansin na kung ano sa akin. Dapat magmukha akong hindi apektado sa mga nalaman ko na 'yon.Nagsalita lang ako ng kaunti sa harapan nilang dalawa. Hindi na ako nagtanong pa nang nagtanong sa kanila baka kung ano pa ang mangyari sa akin kapag may nalaman pa akong iba. Tama na muna ang mga nalaman kong 'yon. Baka hindi ko kayanin, eh. May mangyari pa sa akin na masama. Ayaw ko naman na may mangyaring masaman sa akin.Iniba ko na lang ang usapan namin hanggang sa matapos 'yon. Matapos na mag-usap namin ng ilang minuto ay pinagpatuloy ko na ang pagwawalis ko sa labas ng bahay ng boyfriend ko na si Jacob.Hindi ako mapakali habang nagwawalis doon.
JACOB "Talaga ba? Puwede ako na d'yan sa bahay mo tumuloy?" paniniguradong tanong pa niya sa akin."Oo, Camz. Puwedeng-puwede, 'no? You'll stay in my house, okay? Kahit kailan mo gusto," sabi ko sa kanya na nakangiti kahit hindi ko nakikita ang mukha niya."Okay, Jacob. Thank you so much!" pasalamat niya sa akin. "Thank you so much for your kindness, Jacob. Ang bait mo talaga.""You're always welcome, Camz," nakangising tugon ko sa kanya. "Basta sa inyo ay walang problema, okay? Kahit dito ka na nga sa bahay tumira ay walang problema." Biniro ko pa nga siya."Hindi naman ako titira d'yan sa bahay mo, 'no? Ngayon lang naman, eh, kasi gusto ko na makasama ang boyfriend ko. I really miss him," sabi niya sa akin."Did your parents know that you'll come back here in the Philippines, huh?" tanong ko pa sa kanya."Yes, they know about it. Wala naman sa kanilang problema 'yon, eh. Pumayag naman sila, Jacob. Hindi pa ba ako nila papayagan n'yan? Hindi naman na ako bata, 'di ba? I'm twenty-fiv
SHAINA "Puwede ba kitang tanungin, baby?" mahinang tanong ko kay Jacob sumunod na gabi habang nakahiga kami sa malambot niyang kama. "Oo naman, baby. Puwedeng-puwede, 'no? Tinatanong mo ba ako n'yan, huh? Puwede mo naman na itanong 'yon kahit hindi mo na ako tanungin kung puwede mo akong tanungin," sagot niya sa akin. Napabuntong-hininga ako bago muling nagsalita sa kanya."Gusto ko lang naman na tanungin ka, baby. May masama ba doon, huh? Wala naman, 'di ba?" sagot ko sa kanya. "I know. Ano ba ang itatanong mo sa akin, baby? I want to know," tanong niya sa akin kung ano'ng itatanong ko sa kanya.I took a deep breath. Dahan-dahan ko na ibinuka muli ang aking mga labi para itanong 'yon sa kanya."Ilan ba ang naging girlfriend mo bago ako, huh?" mahinang tanong ko sa kanya.Siya naman sumunod ang huminga nang malalim bago nagsalita sa akin."Bakit mo ba ako tinatanong kung ilan ba ang naging girlfriend ko, baby?" tanong niya rin sa akin."Gusto ko lang naman malaman, baby. Gusto ko m
SHAINASinundo nga ng boyfriend ko na si Jacob ang pinsan niya na si Camille sa airport. Inabangan namin sila ni Manong Caloy na dumating. Nang dumating silang dalawa sa bahay mula sa airport ay tinulungan namin ni Manong Caloy na ibaba ang dalawang dalang maleta ni Camille mula sa kotse ng boyfriend ko na si Jacob.Pinakilala nga sa akin ni Jacob ang pinsan niya na si Camille. Natutuwa naman akong makilala ang pinsan niyang ito. Sa akin lang siya pinakilala dahil hindi pa niya ako kilala. Kilala naman niya si Manong Caloy. Maganda at sexy si Camille. Tama ang sinabi ni Manong Caloy sa akin na kung sa maganda ay maganda talaga si Camille. Maputi, matangkad ng kaunti sa akin si Camille. She has a beautiful smile. Ang ganda nga ng mata niya. Nakipagngitian naman ako sa kanya at ganoon rin siya sa akin.Dinala namin ni Manong Caloy ang dalawang maleta ni Camille sa magiging kuwarto niya na doon sa may bandang dulo. Malaki kasi ang kuwarto doon kumpara sa tatlong kuwarto na malapit sa kuw
SHAINAHindi ako pinapansin ni Jacob na boyfriend ko kinagabihan. Silang dalawa lang ng pinsan niya na si Camille ang magkausap habang kumakain sila. Tahimik lang ako na nakikinig sa usapan nilang dalawa. Hindi naman ako makarelate sa mga pinag-uusapan nilang dalawa sapagkat puro pang-mayaman ang topic nila. Wala akong masyadong alam. Pinagsisilbihan naman naming dalawa ni Manong Caloy silang dalawa nang maayos.Isang oras matapos silang kumain ng dinner ay lumabas silang dalawa na magpinsan. Hindi ko alam kung saan sila pupunta. Kay Manong Caloy nagpaalam si Jacob at hindi sa akin. Nalungkot naman ako dahil doon. Hindi ako mapakali ng mga oras na 'yon pagkaalis nilang dalawa na magpinsan. Gusto kong malaman kung saan silang dalawa pupunta kaya ang ginawa ko ay tinanong ko si Manong Caloy.''Saan po ba silang dalawa na magpinsan pupunta, Manong Caloy?" tanong ko kay Manong Caloy habang nandoon pa kami sa kusina. May ginagawa pa kami doon. Eight o'clock pa lang ng gabi kaya maaga pang
Hello guys! Maraming salamat po sa inyong lahat na mga nagbasa ng kuwentong 'to. Sana po kayo ay nagandahan sa kuwentong 'to na sinulat ko. Sana ay may napulot kayong aral kahit papaano. Please share this book to your friends. Maraming salamat po sa inyong lahat! Basahin n'yo rin po ang kuwentong 'to "In Love With My Husband's Son" at sana po ay suportahan n'yo po 'yon kagaya ng pagsuporta n'yo sa kuwentong 'to. Support n'yo pa rin po ang ibang stories ko lalo na itong mga sumunod:• In Love With My Husband's Son • No Love Between Us• Release Me, Mr. Billionaire• A Perfect Man For Me• My Mom's Ex-Boyfriend• Save Me, Mr. Billionaire• Playboy's KarmaMaraming salamat po sa suporta n'yong lahat! Mahal na mahal ko po kayong lahat!❤️❤️❤️
SHAINA Mula sa delivery room ay inilipat na ako sa isang private room matapos ko na ipanganak ang panganay naming dalawa ng asawa ko na si Jacob. Isang malusog na lalaking sanggol ang isinilang ko. Dinala na rin siya sa room kung saan ako ngayon. Katabi ko na nga siya, eh. Maayos naman ang panganganak ko. Hindi naman nagkaroon ng problema. Kasama ko ngayon dito sa kuwarto ko ang asawa ko na si Jacob, pinsan niya na si Camille at Tita Delia. Wala pa sina mama at mga kapatid ko dahil papunta pa lang sila dito sa Maynila.Masayang-masaya kami sa binigay sa amin ng Panginoon na napakaguwapong anghel sa buhay namin ng asawa ko na si Jacob. Kamukhang-kamukha niya ang baby boy namin. Walang nagmana sa akin. Lahat ay nakuha sa kanya. Ang lakas talaga ng dugo ng asawa ko. Naluluha ako habang pinagmamasdan namin siya sa tabi ko."Ano ba ang ipapangalan natin sa kanya, baby?" tanong sa akin ng asawa ko na si Jacob kung ano ang ipapangalan namin sa baby boy namin.Hindi muna ako nagsalita sa ta
SHAINA Doon pa rin ako sa bahay namin natulog habang si Jacob naman na boyfriend ko ay bumalik sa hotel na pinag-check-in-an niya para doon siya matulog. Hinatid naman nga niya ako sa bahay namin matapos namin na mamasyal. Madilim na nga nang umalis siya sa bahay pabalik sa hotel na pinag-check-in-an niya.Isinama namin sina mama at mga kapatid ko sa airport para ihatid kaming dalawa ni Jacob. Umaga ang flight namin pabalik ng Maynila. First time ko na sasakay ng eroplano. Medyo kinabahan nga ako. Mahigpit na niyakap ko sina mama at mga kapatid ko bago kami pumasok sa loob ng airport. Naluluha muli ako habang niyayakap ko sila. Hindi ko alam kung kailan ko sila muling makikita at makakasama. Hindi naman ako sigurado na makakasunod silang dalawa sa Maynila lalo na nag-aaral ang mga kapatid ko. Ilang buwan pa bago magbakasiyon sila.Sabay kaming pumasok ni Jacob sa loob ng airport matapos na magpaalam ako sa kanila ay yakapin ko sila nang napakahigpit na para bang wala nang bukas pa.
SHAINA Tinulungan ako ni mama na mag-impake muli ng mga gamit ko pagkagaling ko sa bahay nina Sir Albert. Kinuwento ko rin naman sa kanya ang naging pag-uusap namin doon. Kinahapunan, akala ko ay aalis na kaming dalawa ni Jacob pabalik sa Maynila ngunit sinabi niya sa akin na bukas na lang kami aalis. Pinuntahan muli niya ako sa bahay namin. Gusto muna raw niyang magikot-ikot dito sa amin kaya pumayag naman ako na samahan siya. Si mama ang naiwan sa bahay namin kasama ang mga kapatid ko. Pinakilala ko rin pala kay Jacob ang mga kapatid ko. Ayaw nga nila na lumapit sa kanya. Nahihiya siguro ang mga 'to dahil ngayon lang nila nakita si Jacob.Sinamahan ko si Jacob na mamasyal dito sa amin. Pumunta kami sa mga pasyalan dito sa amin na gusto niyang mapuntahan.Magkatabi kaming dalawa na nakaupo sa loob ng sasakyan. Kasama pa rin niya si Kuya Alan na naging tour guide na nga niya. May bayad naman si Kuya Alan sa pagsama sa kanya kaya walang problema."Nakausap mo na ba ang lalaking 'yon?
SHAINA Pumunta ako sa bahay nina Sir George kinabukasan. Inagahan ko ang pagpunta ko sa kanila. Tamang-tama ay kakatapos pa lang nila na kumain ng breakfast. Ayaw sana akong kausapin niya ngunit nakiusap ako na kausapin niya. May kailangan akong sabihin sa kanya. Doon kaming dalawa nag-usap malapit sa may garden ng bahay nila kung saan ginanap ang birthday party ng daddy niya. Isa-isang pinaliwanag ko sa kanya ang mga narinig at nakita niya kahapon. Hindi ko siya gustong saktan ngunit kailangan niya na malaman 'yon dahil 'yon ang totoo."Pinaasa mo lang pala ako, Shaina. Hindi mo naman pala ako mahal..." nakangusong sabi niya sa akin matapos kong sabihin ang kailangan niya na marinig mula sa akin.I cleared my throat first and sighed deeply."Hindi po kita pinapaasa, Sir George. Nagsasabi po ako ng totoo sa harapan mo. Mas mabuti na po sigurong malaman mo ang totoo ngayon, eh, para matanggap mo kaagad na hindi po kita mahal. Sinubukan ko na mahalin ka o makaramdam ng pagmamahal sa '
SHAINA Gusto akong sumama ni Jacob sa hotel kung saan siya naka-check in ngunit hindi ako sumama sa kanya. Tumanggi ako sa kanya. Tumagal siya ng ilang oras sa bahay namin. Nakita niya ang hitsura ng bahay namin. Wala naman siyang komento sa bahay namin. Alam naman niya na mahirap lang kami kaya aware naman siya kung ano ang hitsura ng bahay namin. Matagal na nag-usap silang dalawa ng mama ko. Hindi ko alam kung ano ang pinag-usapan nilang dalawa. Mabait naman siya sa mama ko. Wala naman siyang pinakita na hindi kanais-nais dito. Hindi naman siya nagmayabang o ano p. Hindi mo nga siya mapagkakamalan na mayaman sa hitsura ngayon niya. Simple lang suot niyang damit.Nang makaalis siya sa bahay namin ay nag-usap kaming dalawa ni mama. Sabi niya sa amin ni mama ay babalik raw siya bukas dito sa bahay namin. Masayang-masaya ako sa pagkikita naming dalawa. Pinuntahan talaga niya ako para makita. Ginawa niya 'yon dahil mahal niya ako. Hindi pa rin talaga ako makapaniwala na nandito siya sa
SHAINA Habang nag-uusap kaming dalawa ni Jacob sa daan ay naramdaman ko ang presensiya ng mama ko sa likuran ko. Tahimik lang siya doon. Siguro ay nakikinig siya sa aming dalawa ni Jacob."Mahal mo pa ba ako hanggang ngayon?" tanong ni Jacob sa akin.Huminga muli ako nang malalim bago nagsalita sa kanya. "Oo, Jacob. Mahal pa rin kita hanggang ngayon," sabi ko sa kanya. Hindi naman ako nagsinungaling pa sa kanya. Sinabi ko sa kanya ang totoo dahil 'yon naman talaga ang totoo, eh. Tutulo na ang mga luha ko sa aking mga mata ngunit pinipigilan ko 'yon. Nginitian niya ako pagkasabi ko sa kanya na mahal ko pa rin siya hanggang ngayon. Nawala ang kunot ng noo niya sa sinabi kong 'yon."Natutuwa akong marinig muli sa 'yo na mahal mo pa rin ako, baby. Mahal pa rin naman kita hanggang ngayon, eh. Hindi naman nawala ang pagmamahal ko sa 'yo kahit iniwan mo ako. Nandito ako sa harapan mo para makita ka at makasamang muli. Wala akong ibang sadya kundi 'yon lang talaga, okay? Masayang-masaya ako
SHAINASa sobrang bilis ng pagtibok ng puso ko ay para bang kakawala na ito sa akin. Hindi ako makapaniwala sa nakikita ko. Jacob is here. Pinuntahan niya ako dito sa amin sa probinsiya. "Jacob... Ano'ng ginagawa mo dito sa amin?" nakaawang ang mga labi na tanong ko sa kanya. Nakakunot ang noo na nakatingin sa akin si Sir George. Nginitian niya ako at nagpakawala nang malalim na buntong-hininga bago sumagot sa tanong kong 'yon sa kanya kung ano'ng ginagawa niya dito sa amin."Nagulat ka ba sa pagpunta ko dito sa inyo?" mahinang tanong niya sa akin. Si Jacob nga talaga ang nasa harapan ko ngayon. Narinig ko muli ang baritonong boses niya na nakaka-in love pakinggan. Hindi ako makapaniwala sa nakikita ko ngayon sa harapan ko. Natutuwa ako na nasa harapan ko nga si Jacob na lalaking minamahal ko hanggang ngayon.Dahan-dahan ko naman nga na tinanguan siya at nagsalita, "Oo. Nagulat ako pagkakita ko sa 'yo ngayon, Jacob. Bakit ka nandito, huh?''Huminga muna siya nang malalim bago nagsal
JACOBForty-five minutes lang ang naging flight ko patungo sa probinsiya kung saan ko matatagpuan ang babaeng mahal ko. Pagkalapag na pagkalapag ng eroplanong sinakyan ko ay napabuntong-hininga kaagad ako at napasabi sa sarili ko na magkikita na talaga kaming dalawa ni Shaina na babaeng minamahal ko. May naghihintay na sa akin na sasakyan sa labas ng airport. Sumakay naman na kaagad ako patungo sa hotel kung saan ako magi-stay habang nandito ako sa probinsiya ng babaeng mahal ko. Hindi ako sigurado kung makakabalik kaagad ako sa Maynila kaya sa isang hotel muna ako magi-stay habang nandito ako. Bukas na hapon ang flight ko pabalik ng Maynila. Kung hindi ako makauwi pa bukas ay ire-reschedule ko na lang ang flight ko pabalik sa Maynila sa susunod na araw. Kailangan talaga ay maisama ko na pabalik ang babaeng mahal ko na si Shaina sa Maynila. Hindi puwedeng hindi. Hindi puwedeng mabigo ako sa plano kong isasama ko na siya pauwi sa amin sa Maynila.Kumain muna ako ng lunch bago ako tumu