ILANG SANDALI ang lumipas bago tuluyang huminahon si Anna sa kanyang pag-iyak at para maikumpas niyang muli ang kanyang sarili.“Lola Leticia…”Ngumiti ang matanda sa kanya at pinunasan ang mga luha sa kanyang mga mata. “Ano ‘yon, hija? Gumaan na ba ang pakiramdam mo?” tanong nito sa matamis nitong tinig na may labis na pagmamahal.“Bumuti na po ang pakiramdam ko, lola,” tugon ni Anna sa mahinhin niyang tinig.“Mabuti naman kung ganoon,” masayang saad ni Lola Leticia.Nang makita ‘yon ni Anna ay hindi niya din maiwasang ang mapangiti ngunit naalala niya ang tanong na bumabagabag sa kanyang isipan.“Lola, may itatanong po ako.”“Ano ‘yon, hija?” mabait na tanong ni Lola Leticia sabay ayos sa buhok ni Anna.“Hindi po ba kilala niyo ang tatay ko?”“Oo, hija. Matagal ko na siyang kilala,” tugon ng matanda.“Kung ganoon, alam niyo po ba kung nasaan si tatay? Kung ano po nangyari sa kanya nang maiwan namin siya?”Hinawakan ni Lola Leticia ang kamay ni Anna at saka humugot nang isang malalim
“ARE you still unable to locate her?” tanong ni Jax.“I’m—”Hindi nagawang matapos ng imbestigador ang kanyang sasabihin nang mabilis itong pinutol ni Jax sa pagsasalita nito.“What kind of investigator are you, and how come you can't find the person I'm looking for? You get paid, but you can't even do your job properly?” bulyaw ni Jax sa imbestigador.“I will—”“No! I don’t need you anymore! You are fired!” galit na sigaw ni Jax.“But, Sir, I believe I can do a better job this time. Please do not dismiss me,” pagmamakaawa ng imbestigador.“No! That was enough for me! I've already given you plenty of time to deliver results, but you haven't. Get out of my way!”“But—”“Now!” malakas na sigaw ni Jax habang nakaturo ang kamay sa pinto ng kanyang opisina.Walang nagawa ang imbestigador kung ‘di lumabas ng opisina ni Jax nang palugo-lugo.Papunta naman ng opisina ni Jax si Tox nang masalubong niya ang imbestigador.“Mr. Teng, have you—”Hindi nagawang matapos ni Tox ang bagsak na itsura n
HINDI MAPAKALI si Bien. Kinakain siya ng kanyang isipan lalo na ng malaman niyang buntis si Anna. Hindi niya alam ngunit pakiramdam niya ay anak niya ang batang ipinagbubuntis ni Anna.“I need to find the truth,” mahina niyang wika sa kanyang sarili.Agad na kinuha ni Bien ang kanyang cellphone na nasa side table at mabilis na ni-dial ang numero ni Anna. Nagsimulang mag-ring ang tawag at nang sandaling marinig iyon ni Bien ay lumakas ang kabog ng kanyang puso. Hindi niya maitatago na kinakabahan at natatakot siya nang sandaling iyon. Habang hinihintay niya ang pagsagot ni Anna sa kanyang tawag ay hindi niya naman magawang pigilan ang kanyang daliri sa pagpitik sa kanyang kuko para ikalma ang kanyang sarili. Matapos ang ilang pag-ring ay narinig niya ang pag-angat ng tawag.“Hello?”Nang sandaling marinig ni Bien ang boses ni Anna ay may kung anong kabog sa kanyang dibdib na hindi niya maipaliwanag.“Hello?
TAHIMIK na pinagmamasdan ni Lax ang kumikinang na mga bituin sa madilim na kalangitan. Humugot nang tahimik na buntong-hininga ito habang sinisimsim ang alak sa kanyang kopita.“Lax, I know it's difficult, but he's the only one who can put a stop to this. He is the only one who can stop Viv and save Anna and our niece from Viv.”Muling umalingawngaw sa isipan ni Lax ang mga sinabi ni Tox sa huli nilang pag-uusap.Muling napabuntong-hininga nang tahimik at sumimsim ng alak si Lax.“Honey, what are you thinking so deeply?” tanong ni Lena na binigyan nang mainit na yakap mula sa likod ang kanyang asawa nang sandaling makalapit ito.“Nothing, honey,” wika ni Lax.Inalis ni Lena ang kanyang pagkakayakap sa kanyang asawa at hinarap ito paharap sa kanya.“I know it's not simply nothing. Tell me what it is.”Napatingin si Lax sa kanyang asawa.“Tell me, makikinig ako
NANG makababa si Lax sa eroplano ay kaagad niyang kinuha ang kanyang cellphone at nagsimulang mag-dial ng numero.“I need you to look for someone. Anna Quinn, she’s pregnant. Find her as soon as possible,” saad nito.Matapos noon ay ibinaba niya na ang tawag at dali-daling naglakad.“I need to find her before Dad or Viv finds her,” mariing wika ni Lax. I can’t let bad things happen like before.***“HOW this all happened?” tanong ni Anna habang pinagmamasdan ang kanyang ama na ngayon ay tahimik na natutulog dahil sa binigay na pampakalma. “Tatay…” mahinang sambit nito habang lumuluha sa labis na awang nararamdaman para sa kanyang ama.“Anna?” mahina at hindi siguradong sambit ng isang lalaki sa pangalan ng dalaga.Pinunasan ni Anna ang kanyang mga luha at lumingon sa direksyon kung saan nanggaling ang boses ng lalaki.“Who are you?” kunot-noong tanong ni Anna na hindi kilala ang lalaking nasa kanyang harapan ngunit alam kung ano ang kanyang pangalan.Lumapit ito at inabot ang kamay.
NAGISING si Anna na bahagyang nalilito ngunit lahat ng iyon ay nawala nang bumungad sa kanyang harapan ang imahe ng lalaking labis niyang kinasusuklaman.“What are you doing here?” mariin niyang tanong na hindi maitatago ang pagkasuklam sa kanyang tinig.“We need to talk, Anna,” seryosong saad ni Bien ngunit makikita sa mga mata nito ang pag-aalala.“Sinabi ko sa ‘yo na wala na tayong dapat pang pag-usapan! Ano bang mahirap intindihin sa sinabi ko?” gigil at mariing tanong ni Anna.“I just want confirmation, Anna.”Napakuyom ng kamay si Anna. Hindi niya pa man naririnig ang tanong nito ay alam niya kung ano ang itatanong nito ngunit pinilit niyang lakasan ang kanyang loob. Walang rason para iwasan niya ito at alam niyang hindi ito ititigil hangga’t hindi nalalaman ang buong katotohanan.“Sinabi ko sa ‘yo hindi ikaw ang ama ng batang pinagbubuntis ko! At hinding-hindi man
“I'M finished with my business, so have my 10 billion pesos ready,” bungad ni Bien nang tawagan nito si Vivienne.“That's rather daring of you to call on me out of the blue,” wika ni Vivienne na may kasamang palatak. “Why? Are you going to do it now?”“You'll get your wish this week, so get ready for my ten billion pesos.”Matapos sabihin iyon ni Bien at narinig niya ang malakas na tawa ni Vivienne.“Well, looking forward to hear that news.”Nang matapos mag-usap sina Bien at Vivienne ay kaagad na ibinaling ng binata ang tingin sa direksyon kung nasaan ang naroon ang kanyang abogado.“Anna, I'll make you pay. I'm not going to let you go that easy,” wika nito sa sarili na napakuyom ng kamay nang napakahigpit.Walang sinayang na oras si Bien at mabilis na lumapit sa kanyang abogado.“Let’s proceed, Attorney,” saad nito. “I don’t want to leave anything from that woman!”***NAPANGISI si Vivienne nang sandaling maibaba niya ang tawag ni Bien.“That jerk,” mahinang wika nito sabay palatak.
TAHIMIK na pinagmasdan ni Alexander ang chess pieces na nasa kanyang harapan habang pinag-iisipan kung anong piece ang kanyang gagalawin.“Which piece should I move?” tanong niya sa kanyang sarili habang patuloy na tinitignan ang chess pieces at mga kinalalagyan nito.Ibinaling niya ang kanyang tingin sa pawn. “Should I move the pawn? Or—” at ibinaling ang tingin sa horse— “the horse?” tanong niya sa kanyang sarili na bahagyang itinagilid ang ulo sa kanyang gawing kanan.Ilang segundo niya itong pinagmasdan at nang hindi pa rin makapagdesisyon sa kanyang magiging kilos ay ibinaling nito ang tingin sa nurse na nakaupo sa isang gilid habang tahimik siyang pinagmamasdan.“Which piece do you think I should move?” tanong niya dito.“Do you have a specific goal in mind? Do you want to get the game over with quickly and win or would you prefer to play for a longer period of time and enjoy the game?” balik na tanong nito.“How do I plan to achieve the goals I have set for myself?” pag-uulit n