NAGISING si Anna na bahagyang nalilito ngunit lahat ng iyon ay nawala nang bumungad sa kanyang harapan ang imahe ng lalaking labis niyang kinasusuklaman.“What are you doing here?” mariin niyang tanong na hindi maitatago ang pagkasuklam sa kanyang tinig.“We need to talk, Anna,” seryosong saad ni Bien ngunit makikita sa mga mata nito ang pag-aalala.“Sinabi ko sa ‘yo na wala na tayong dapat pang pag-usapan! Ano bang mahirap intindihin sa sinabi ko?” gigil at mariing tanong ni Anna.“I just want confirmation, Anna.”Napakuyom ng kamay si Anna. Hindi niya pa man naririnig ang tanong nito ay alam niya kung ano ang itatanong nito ngunit pinilit niyang lakasan ang kanyang loob. Walang rason para iwasan niya ito at alam niyang hindi ito ititigil hangga’t hindi nalalaman ang buong katotohanan.“Sinabi ko sa ‘yo hindi ikaw ang ama ng batang pinagbubuntis ko! At hinding-hindi man
“I'M finished with my business, so have my 10 billion pesos ready,” bungad ni Bien nang tawagan nito si Vivienne.“That's rather daring of you to call on me out of the blue,” wika ni Vivienne na may kasamang palatak. “Why? Are you going to do it now?”“You'll get your wish this week, so get ready for my ten billion pesos.”Matapos sabihin iyon ni Bien at narinig niya ang malakas na tawa ni Vivienne.“Well, looking forward to hear that news.”Nang matapos mag-usap sina Bien at Vivienne ay kaagad na ibinaling ng binata ang tingin sa direksyon kung nasaan ang naroon ang kanyang abogado.“Anna, I'll make you pay. I'm not going to let you go that easy,” wika nito sa sarili na napakuyom ng kamay nang napakahigpit.Walang sinayang na oras si Bien at mabilis na lumapit sa kanyang abogado.“Let’s proceed, Attorney,” saad nito. “I don’t want to leave anything from that woman!”***NAPANGISI si Vivienne nang sandaling maibaba niya ang tawag ni Bien.“That jerk,” mahinang wika nito sabay palatak.
TAHIMIK na pinagmasdan ni Alexander ang chess pieces na nasa kanyang harapan habang pinag-iisipan kung anong piece ang kanyang gagalawin.“Which piece should I move?” tanong niya sa kanyang sarili habang patuloy na tinitignan ang chess pieces at mga kinalalagyan nito.Ibinaling niya ang kanyang tingin sa pawn. “Should I move the pawn? Or—” at ibinaling ang tingin sa horse— “the horse?” tanong niya sa kanyang sarili na bahagyang itinagilid ang ulo sa kanyang gawing kanan.Ilang segundo niya itong pinagmasdan at nang hindi pa rin makapagdesisyon sa kanyang magiging kilos ay ibinaling nito ang tingin sa nurse na nakaupo sa isang gilid habang tahimik siyang pinagmamasdan.“Which piece do you think I should move?” tanong niya dito.“Do you have a specific goal in mind? Do you want to get the game over with quickly and win or would you prefer to play for a longer period of time and enjoy the game?” balik na tanong nito.“How do I plan to achieve the goals I have set for myself?” pag-uulit n
“ANNA, you’re not safe here anymore.”Napatingin si Anna sa lalaking nasa kanyang harapan na dumating isang oras na ang nakakalipas at nagpakilala na nakakatandang kapatid ito ni Jax. Hindi niya lubos na maunawaan ang lahat na nangyayari sa kabila ng katotohanang alam niya kung sino ang may kagagawan ng lahat ng iyon.“But—”“I'm afraid to say it, Anna, but this is already a warning from Viv,” pagpuputol na saad ni Lax kasabay ang malalim na buntong-hininga.Napakunot ng noo si Anna sa kanyang narinig. “Viv? Anong kinalaman ni Viv sa nangyayari—”Hindi niya nagawang matapos ang kanyang sasabihin nang bigla niyang maalala ang huling katagang binitawan ni Viv sa kanya noong huli nilang paghaharap.“I may not be capable of killing you, but I will certainly make your life miserable as long as you are in Jax’s life!”Napahugot nang malalim na paghinga si Anna nang mapagtanto ang mga binitawang salita ni Vivienne nang sandaling iyon.“So she truly intends to make my life miserable and to ki
“ARE you sure about this, Anna?” tanong ni Krystal na masinsin siyang pinagmamasdan.Tahimik na ngumiti nang maliit ang dalaga habang pinagmamasdan ang madilim na kalangitan.“It’s the best thing to do, Tallie.”Hindi umimik si Krystal.Humugot nang malalim na paghinga si Anna bago muling nagsalita. “If I were to pick a fight with him, I would not be able to know what he might do to achieve what he wanted. Both of us understand that it isn't just the house he wants, but he also wants to ruin my life in a way that makes me miserable. The only thing he wants to do is take revenge on me ,” pagbibigay punto ni Anna.Nang marinig ni Krystal ang konklusyon ng kaibigan ay hindi nito nagawang pigilan ang sarili na magalit.“Fuck him! Ano bang ginawa mong kasalanan para maghiganti siya sayo? Maghiganti? For real?” Puno ng pagkadismayang wika ni Krystal. “Why? Does he felt betray dahil sa nabuntis ka ng ibang lalaki? Hindi ba siya nahihiya sa sarili niya na siya itong unang nagloko? Matagal ka
“IS this all you're capable of?” bulyaw ni Vivienne kay Bien sabay hagis ng baso nito sa direksyon ng binata na tumama sa pader na siyang pagkalat ng bubog at tumama sa pisngi nito. “Is this what my ten billion pesos are worth?” Dagdag nito matapos makita ang kinahinatnan ng lahat ng kanyang plano.Hindi nakaimik si Bien at napakuyom ng kanyang kamay habang pinapakinggan ang kanina pang pambubulyaw ni Vivienne sa kanya.“What you have done is not worth the money I pay for you!” galit na sigaw nito na napasapo sa kanyang ulo sa labis na panggigigil. “Where did your words about getting even with her go?” Tinignan ni Vivienne mula ulo hanggang paa si Bien na may labis na pang-iinsulto. “You were only talking but you barely accomplish anything. Nonetheless, you took my money. The audacity! ”Napatiim-bagang si Bien at hindi na nagawang pigilan ang sarili at nagsalita.“I did what you asked. I took the house away from her and even burned down the house where she used to reside when she was
LUMIPAS pa ang mga araw, hindi pa man lubos na matanggap ni Anna ang magandang ipinapakita at pakikitungo sa kanya ng pamilya ni Jax ay labis pa rin siyang nagpapasalamat. Hindi naging iba ang pagtingin nito sa kanya sa kabila ng pagkakaiba ng kanilang antas ng pamumuhay dahilan para siya’y maging panatag. Dahil din sa magandang pagtrato ng mga ito sa kanya ay nagkaroon siya ng panahon para maipagpatuloy ang kanyang isinusulat na nobela na pansamantalang natigil dahil sa mga kaganapan niya sa buhay na kailangan niyang harapin at unahin.“Kumusta na ang pakiramdam mo?” tanong ni Lena, asawa ni Lax, kay Anna.Ibinaling ni Anna ang kanyang tingin sa direksyon ng ginang.“Okay naman kahit papaano,” tugon nito.“Sigurado ka ba? Sabihin mo lang sa akin kung may nararamdaman kang hindi maganda. Huwag kang mahiyang magsabi sa akin,” wika nito.“Thank you, Ate Lena sa pag-aalala sa akin pero wala po dapat ipag-alala,” paninigurong tugon ni Anna.“Sigurado ka? Kasi kung—”Hindi nagawang maitulo
“ANNA, how are you? Do you feel any pain or anything?” Sunod-sunod na tanong ni Lena nang sandaling maidilat ni Anna ang kanyang mga mata.Hindi pa man gaanong malinaw ang kanyang paningin ay mabilis niyang iginala ang kanyang mga mata at hinanap ang lalaking nakita niya bago tuluyan siyang nawalan ng malay.“Nasaan siya?” mahina nitong tanong at pilit na bumangon sa kanyang pagkakahiga na kaagad namang inalalayan ni Lena.“Nasaan siya?” Muling tanong nito na napatingin sa kanyang paligid habang iginagala ang kanyang mga mata.“Sino, Anna?” nagtatakang tanong ni Lena na hindi alam kung sino ang hinahanap nito.“Nasaan siya? Nasaan na siya?” Sunod-sunod na tanong nito habang napapatingin sa kaliwa’t kanan nito para hanapin ang taong nais niya makita nang sandaling iyon.“Sino ba ang hinahanap mo, Anna?” tanong ni Lena na naguguluhan na ng sandaling iyon.Hindi pinansin ni Anna ang tanong ni Lena at patuloy pa rin sa kanyang paghahanap.“Nakita ko siya. Nakita ko siya,” paulit-ulit na s