“ARE you sure about this, Anna?” tanong ni Krystal na masinsin siyang pinagmamasdan.Tahimik na ngumiti nang maliit ang dalaga habang pinagmamasdan ang madilim na kalangitan.“It’s the best thing to do, Tallie.”Hindi umimik si Krystal.Humugot nang malalim na paghinga si Anna bago muling nagsalita. “If I were to pick a fight with him, I would not be able to know what he might do to achieve what he wanted. Both of us understand that it isn't just the house he wants, but he also wants to ruin my life in a way that makes me miserable. The only thing he wants to do is take revenge on me ,” pagbibigay punto ni Anna.Nang marinig ni Krystal ang konklusyon ng kaibigan ay hindi nito nagawang pigilan ang sarili na magalit.“Fuck him! Ano bang ginawa mong kasalanan para maghiganti siya sayo? Maghiganti? For real?” Puno ng pagkadismayang wika ni Krystal. “Why? Does he felt betray dahil sa nabuntis ka ng ibang lalaki? Hindi ba siya nahihiya sa sarili niya na siya itong unang nagloko? Matagal ka
“IS this all you're capable of?” bulyaw ni Vivienne kay Bien sabay hagis ng baso nito sa direksyon ng binata na tumama sa pader na siyang pagkalat ng bubog at tumama sa pisngi nito. “Is this what my ten billion pesos are worth?” Dagdag nito matapos makita ang kinahinatnan ng lahat ng kanyang plano.Hindi nakaimik si Bien at napakuyom ng kanyang kamay habang pinapakinggan ang kanina pang pambubulyaw ni Vivienne sa kanya.“What you have done is not worth the money I pay for you!” galit na sigaw nito na napasapo sa kanyang ulo sa labis na panggigigil. “Where did your words about getting even with her go?” Tinignan ni Vivienne mula ulo hanggang paa si Bien na may labis na pang-iinsulto. “You were only talking but you barely accomplish anything. Nonetheless, you took my money. The audacity! ”Napatiim-bagang si Bien at hindi na nagawang pigilan ang sarili at nagsalita.“I did what you asked. I took the house away from her and even burned down the house where she used to reside when she was
LUMIPAS pa ang mga araw, hindi pa man lubos na matanggap ni Anna ang magandang ipinapakita at pakikitungo sa kanya ng pamilya ni Jax ay labis pa rin siyang nagpapasalamat. Hindi naging iba ang pagtingin nito sa kanya sa kabila ng pagkakaiba ng kanilang antas ng pamumuhay dahilan para siya’y maging panatag. Dahil din sa magandang pagtrato ng mga ito sa kanya ay nagkaroon siya ng panahon para maipagpatuloy ang kanyang isinusulat na nobela na pansamantalang natigil dahil sa mga kaganapan niya sa buhay na kailangan niyang harapin at unahin.“Kumusta na ang pakiramdam mo?” tanong ni Lena, asawa ni Lax, kay Anna.Ibinaling ni Anna ang kanyang tingin sa direksyon ng ginang.“Okay naman kahit papaano,” tugon nito.“Sigurado ka ba? Sabihin mo lang sa akin kung may nararamdaman kang hindi maganda. Huwag kang mahiyang magsabi sa akin,” wika nito.“Thank you, Ate Lena sa pag-aalala sa akin pero wala po dapat ipag-alala,” paninigurong tugon ni Anna.“Sigurado ka? Kasi kung—”Hindi nagawang maitulo
“ANNA, how are you? Do you feel any pain or anything?” Sunod-sunod na tanong ni Lena nang sandaling maidilat ni Anna ang kanyang mga mata.Hindi pa man gaanong malinaw ang kanyang paningin ay mabilis niyang iginala ang kanyang mga mata at hinanap ang lalaking nakita niya bago tuluyan siyang nawalan ng malay.“Nasaan siya?” mahina nitong tanong at pilit na bumangon sa kanyang pagkakahiga na kaagad namang inalalayan ni Lena.“Nasaan siya?” Muling tanong nito na napatingin sa kanyang paligid habang iginagala ang kanyang mga mata.“Sino, Anna?” nagtatakang tanong ni Lena na hindi alam kung sino ang hinahanap nito.“Nasaan siya? Nasaan na siya?” Sunod-sunod na tanong nito habang napapatingin sa kaliwa’t kanan nito para hanapin ang taong nais niya makita nang sandaling iyon.“Sino ba ang hinahanap mo, Anna?” tanong ni Lena na naguguluhan na ng sandaling iyon.Hindi pinansin ni Anna ang tanong ni Lena at patuloy pa rin sa kanyang paghahanap.“Nakita ko siya. Nakita ko siya,” paulit-ulit na s
“HOW LONG do I have to do this for him to get his act together?” tanong ni Tox sa kanyang sarili sabay dura nang malasahan ang pakla ng dugo sa kanyang labi. “Damn it! The punches he throws are too hard.”Habang bahagyang iniinda ni Tox ang pagkakasuntok ni Jax sa kanya ay nakita siya ni Anna.“Tox?” mahinang sambit ng dalaga sa kanyang pangalan.Napaangat naman ng tingin si Tox dahilan para magkasalubong ang kanilang mga mata.“Anna, what are you doing he—”Hindi nagawang matapos ni Tox ang kanyang sasabihin nang mabilis itong nilapitan ni Anna.“Anong nangyari sa’yo? Sinong may gawa nito sa’yo?” Sunod-sunod na tanong ng dalaga habang bakas ang pag-aalala sa mukha nito.Nang sandaling iyon ay hindi nakaimik si Tox at nakaramdam ng kakaibang kabog sa kanyang puso, ngunit hindi niya hinayaang lamunin siya nito at pilit na ikinumpas ang sarili.Lumayo nang bahagya si Tox at mahinahong sinagot si Anna. “It’s just nothing. You don’t have to worry, Anna.”“Tox, it doesn't appear to me that
“FUCK!” malutong na mura ni Jax.Hindi ito mapakali sa mga binitawang salita ni Tox sa kanya dahilan para mapabalikwas ito sa kanyang pagkakahiga para muli niyang komprontahin.“Damn it, Tox! Why are you doing this to me?” gigil at naiinis na tanong nito sa sarili habang humahakbang nang malalaki.Dahil sa malalaking hakbang niya ay nagawa nitong habulin ngunit bago pa man niya matawag ang kapatid ay biglang sumulpot si Anna dahilan para mapahakbang ito paatras.Anna…Sa di-kalayuan ay kitang-kita niya ang malaking tiyan ng dalaga dahilan para muli siya makaramdam ng bigat sa kanyang dibdib. Mas lalong bumigat ang kanyang nararamdaman nang mapansin niya ang pagbagsak ng katawan nito na hindi nito napansin nang sandaling tulungan niya ito ng mawalan ng malay.“I’m sorry, Anna,” mahina niyang saad na labis na nasasaktan dahil sa kanyang mga ginawa sa dalaga.Ngunit mabilis na nagbago ang emosyon na nararamdaman nito nang makita nito ang paghawak ni Anna sa kanyang kapatid at bakas ang p
LABIS na kirot ang nararamdaman ni Anna sa kanyang tiyan na pilit niyang pinipigilan na humiyaw kung kaya napahawak na lamang ito sa kumot at kinagat ang kanyang labi. Hindi niya gustong makaabala sa mga taong naroon sa mansyon lalo na at dis-oras na ng gabi.“Baby, please don’t give me a hard time…please,” pagmamakaawang pakiusap ni Anna na nangingilid na ang mga luha sa kanyang mga mata.Ngunit kahit na anog pilit niyang pigilan ang paghiyaw ay hindi niya makayanan na ang kirot na nararamdaman niya sa kanyang tiyan dahilan para isubsob niya ang kanyang mukha sa unan at doon nagpakawala ng malakas na hiyaw para maibsan ang sakit na kanyang nararamdaman. Sa kabilang banda ay hindi naman maipalagay si Jax nang gabing iyon dahilan para maisipan nitong magpahangin sa labas ngunit dinala naman ito ng kanyang mga paa papunta sa k’warto ni Anna.“Is she already sleeping?” tanong ni Jax sa kanyang sarili at akmang sisilipin si Anna ngunit nagdadalawang isip ito at baka magising niya ito.Nap
“UHAAA! UHAAA!”“Salamat, Diyos ko,” mahinang naisatinig ni Anna nang marinig niya ang malakas na pag-iyak ng kanilang anak ni Jax.Halos walong oras ding nag-labor si Anna bago niya mailuwal ang kanilang anak ni Jax na siyang pumuno nang sunod-sunod na pag-iyak sa apat na sulok ng k’warto.“It’s a girl,” wika ni Dr. Kith na may ngiti sa kanyang labi.Nang marinig ni Anna ang sinabi ng doctor ay gumuhit ang ngiti sa kanyang mga labi habang nangingilid ang kanyang mga luha sa kanyang mga mata.“Baby ko…” mahina niyang sambit nang naluluha.Maingat namang ipinatong ni Dr. Kith ang bata sa dibdib ni Anna para makita at mayakap nito ang anakPatuloy sa pagluha si Anna nang sandaling iyon, hindi niya maunawaan ang sarili. Halo-halong emosyon ang bumalot sa kanya habang pinagmamasdan ang kanyang anak na tahimik na nakadapa sa kanyang dibdib. Tuwa na may kasamang kirot sa dibdib ang kanyang naramdaman. Nanirawa sa kanyang alaala ang mga masalimoot at masasakit na nakaraan na kanyang pinagdaa