HINDI MAPAKALI si Bien. Kinakain siya ng kanyang isipan lalo na ng malaman niyang buntis si Anna. Hindi niya alam ngunit pakiramdam niya ay anak niya ang batang ipinagbubuntis ni Anna.“I need to find the truth,” mahina niyang wika sa kanyang sarili.Agad na kinuha ni Bien ang kanyang cellphone na nasa side table at mabilis na ni-dial ang numero ni Anna. Nagsimulang mag-ring ang tawag at nang sandaling marinig iyon ni Bien ay lumakas ang kabog ng kanyang puso. Hindi niya maitatago na kinakabahan at natatakot siya nang sandaling iyon. Habang hinihintay niya ang pagsagot ni Anna sa kanyang tawag ay hindi niya naman magawang pigilan ang kanyang daliri sa pagpitik sa kanyang kuko para ikalma ang kanyang sarili. Matapos ang ilang pag-ring ay narinig niya ang pag-angat ng tawag.“Hello?”Nang sandaling marinig ni Bien ang boses ni Anna ay may kung anong kabog sa kanyang dibdib na hindi niya maipaliwanag.“Hello?
TAHIMIK na pinagmamasdan ni Lax ang kumikinang na mga bituin sa madilim na kalangitan. Humugot nang tahimik na buntong-hininga ito habang sinisimsim ang alak sa kanyang kopita.“Lax, I know it's difficult, but he's the only one who can put a stop to this. He is the only one who can stop Viv and save Anna and our niece from Viv.”Muling umalingawngaw sa isipan ni Lax ang mga sinabi ni Tox sa huli nilang pag-uusap.Muling napabuntong-hininga nang tahimik at sumimsim ng alak si Lax.“Honey, what are you thinking so deeply?” tanong ni Lena na binigyan nang mainit na yakap mula sa likod ang kanyang asawa nang sandaling makalapit ito.“Nothing, honey,” wika ni Lax.Inalis ni Lena ang kanyang pagkakayakap sa kanyang asawa at hinarap ito paharap sa kanya.“I know it's not simply nothing. Tell me what it is.”Napatingin si Lax sa kanyang asawa.“Tell me, makikinig ako
NANG makababa si Lax sa eroplano ay kaagad niyang kinuha ang kanyang cellphone at nagsimulang mag-dial ng numero.“I need you to look for someone. Anna Quinn, she’s pregnant. Find her as soon as possible,” saad nito.Matapos noon ay ibinaba niya na ang tawag at dali-daling naglakad.“I need to find her before Dad or Viv finds her,” mariing wika ni Lax. I can’t let bad things happen like before.***“HOW this all happened?” tanong ni Anna habang pinagmamasdan ang kanyang ama na ngayon ay tahimik na natutulog dahil sa binigay na pampakalma. “Tatay…” mahinang sambit nito habang lumuluha sa labis na awang nararamdaman para sa kanyang ama.“Anna?” mahina at hindi siguradong sambit ng isang lalaki sa pangalan ng dalaga.Pinunasan ni Anna ang kanyang mga luha at lumingon sa direksyon kung saan nanggaling ang boses ng lalaki.“Who are you?” kunot-noong tanong ni Anna na hindi kilala ang lalaking nasa kanyang harapan ngunit alam kung ano ang kanyang pangalan.Lumapit ito at inabot ang kamay.
NAGISING si Anna na bahagyang nalilito ngunit lahat ng iyon ay nawala nang bumungad sa kanyang harapan ang imahe ng lalaking labis niyang kinasusuklaman.“What are you doing here?” mariin niyang tanong na hindi maitatago ang pagkasuklam sa kanyang tinig.“We need to talk, Anna,” seryosong saad ni Bien ngunit makikita sa mga mata nito ang pag-aalala.“Sinabi ko sa ‘yo na wala na tayong dapat pang pag-usapan! Ano bang mahirap intindihin sa sinabi ko?” gigil at mariing tanong ni Anna.“I just want confirmation, Anna.”Napakuyom ng kamay si Anna. Hindi niya pa man naririnig ang tanong nito ay alam niya kung ano ang itatanong nito ngunit pinilit niyang lakasan ang kanyang loob. Walang rason para iwasan niya ito at alam niyang hindi ito ititigil hangga’t hindi nalalaman ang buong katotohanan.“Sinabi ko sa ‘yo hindi ikaw ang ama ng batang pinagbubuntis ko! At hinding-hindi man
“I'M finished with my business, so have my 10 billion pesos ready,” bungad ni Bien nang tawagan nito si Vivienne.“That's rather daring of you to call on me out of the blue,” wika ni Vivienne na may kasamang palatak. “Why? Are you going to do it now?”“You'll get your wish this week, so get ready for my ten billion pesos.”Matapos sabihin iyon ni Bien at narinig niya ang malakas na tawa ni Vivienne.“Well, looking forward to hear that news.”Nang matapos mag-usap sina Bien at Vivienne ay kaagad na ibinaling ng binata ang tingin sa direksyon kung nasaan ang naroon ang kanyang abogado.“Anna, I'll make you pay. I'm not going to let you go that easy,” wika nito sa sarili na napakuyom ng kamay nang napakahigpit.Walang sinayang na oras si Bien at mabilis na lumapit sa kanyang abogado.“Let’s proceed, Attorney,” saad nito. “I don’t want to leave anything from that woman!”***NAPANGISI si Vivienne nang sandaling maibaba niya ang tawag ni Bien.“That jerk,” mahinang wika nito sabay palatak.
TAHIMIK na pinagmasdan ni Alexander ang chess pieces na nasa kanyang harapan habang pinag-iisipan kung anong piece ang kanyang gagalawin.“Which piece should I move?” tanong niya sa kanyang sarili habang patuloy na tinitignan ang chess pieces at mga kinalalagyan nito.Ibinaling niya ang kanyang tingin sa pawn. “Should I move the pawn? Or—” at ibinaling ang tingin sa horse— “the horse?” tanong niya sa kanyang sarili na bahagyang itinagilid ang ulo sa kanyang gawing kanan.Ilang segundo niya itong pinagmasdan at nang hindi pa rin makapagdesisyon sa kanyang magiging kilos ay ibinaling nito ang tingin sa nurse na nakaupo sa isang gilid habang tahimik siyang pinagmamasdan.“Which piece do you think I should move?” tanong niya dito.“Do you have a specific goal in mind? Do you want to get the game over with quickly and win or would you prefer to play for a longer period of time and enjoy the game?” balik na tanong nito.“How do I plan to achieve the goals I have set for myself?” pag-uulit n
“ANNA, you’re not safe here anymore.”Napatingin si Anna sa lalaking nasa kanyang harapan na dumating isang oras na ang nakakalipas at nagpakilala na nakakatandang kapatid ito ni Jax. Hindi niya lubos na maunawaan ang lahat na nangyayari sa kabila ng katotohanang alam niya kung sino ang may kagagawan ng lahat ng iyon.“But—”“I'm afraid to say it, Anna, but this is already a warning from Viv,” pagpuputol na saad ni Lax kasabay ang malalim na buntong-hininga.Napakunot ng noo si Anna sa kanyang narinig. “Viv? Anong kinalaman ni Viv sa nangyayari—”Hindi niya nagawang matapos ang kanyang sasabihin nang bigla niyang maalala ang huling katagang binitawan ni Viv sa kanya noong huli nilang paghaharap.“I may not be capable of killing you, but I will certainly make your life miserable as long as you are in Jax’s life!”Napahugot nang malalim na paghinga si Anna nang mapagtanto ang mga binitawang salita ni Vivienne nang sandaling iyon.“So she truly intends to make my life miserable and to ki
“ARE you sure about this, Anna?” tanong ni Krystal na masinsin siyang pinagmamasdan.Tahimik na ngumiti nang maliit ang dalaga habang pinagmamasdan ang madilim na kalangitan.“It’s the best thing to do, Tallie.”Hindi umimik si Krystal.Humugot nang malalim na paghinga si Anna bago muling nagsalita. “If I were to pick a fight with him, I would not be able to know what he might do to achieve what he wanted. Both of us understand that it isn't just the house he wants, but he also wants to ruin my life in a way that makes me miserable. The only thing he wants to do is take revenge on me ,” pagbibigay punto ni Anna.Nang marinig ni Krystal ang konklusyon ng kaibigan ay hindi nito nagawang pigilan ang sarili na magalit.“Fuck him! Ano bang ginawa mong kasalanan para maghiganti siya sayo? Maghiganti? For real?” Puno ng pagkadismayang wika ni Krystal. “Why? Does he felt betray dahil sa nabuntis ka ng ibang lalaki? Hindi ba siya nahihiya sa sarili niya na siya itong unang nagloko? Matagal ka
“HOW’S Jax doing? Hope that the talk goes smoothly between him and his dad,” hiling ni Anna na may halong pag-aalala.“Anna…”Naibaling ni Anna ang kanyang pansin sa kanyang ama na tumawag sa kanya dahilan para kaagad siyang lumapit.“Tatay…” mahina niyang sambit sa kanyang ama saka ito niyakap.Matapos ang ilang saglit na yakapan ay pinakawalan niya ito at dahan-dahang sinuring mabuti ang kabuuhan ng ama na nakaupo sa wheel chair. Ilang buwan din na rin ang lumipas nang unang magkita silang muli at masasabi niyang mas bumabagsak ang katawan ng kanyang ama.“Sweetie…” mahinang sambit ng kanyang ama nang abutin ang kanyang pisngi at marahan nitong hinaplos dahilan para makakawala si Anna sa malalim nitong iniisip. “I know what you are thinking.”Hindi nakaimik si Anna dahilan para mapayuko ito ngunit kaagad na pinigilan ito ng ama at ikinulong ang mukha nito sa dalawa nitong mga kamay.“I know you want me and your mom to get along, but you know that it will never happen. Your mom is no
LUMIPAS ang mga araw at unti-unti nang nagiging maayos ang lahat para kina Anna at Jax."I'm happy that you are here by my side, Anna," mahina ngunit sinserong saad ni Jax habang nakayakap kay Anna na bahagyang humigpit.Napangiti si Anna sa kanyang narinig. Hindi niya sukat akalain na may pag-asa pa silang dalawa ni Jax na magkaayos at makasama nang sandaling iyon dahil kung babalikan niya ang mga panahong para wala siyang halaga kay Jax ay napakalayo na nito sa kung paano siya tratuhin nito ngayon. Hindi niya maipagkakailang sa bawat aksyon na ginagawa at pinapakita nito ay labis ang tuwa at kilig na kanyang nararamadaman. Tila ba para siyang dalagang bago lamang sa isang relasyon, sobrang tamis at napakaalaga kasi ng binata sa kanya."You don't how happy I'm too," maikling tugon ni Anna na may ngiti sa kanyang labi.Hindi naman magawang hindi matuwa ni Jax sa kanyang narinig at hinarap ang dalaga paharap sa kanya at saka ito niyakap nang mahigpit."I know I can't undo things that h
BIGLANG napangisi si Alexander habang nakaupo na nataong nakita ni Lax.“What are you planning, dad?” seryosong tanong ni Lax dahilan para maibaling ng matanda ang kanyang atensyon sa panganay na anak.“What are you saying, Lax?” pabalik na tanong nito na nagmamang-maangan sa tanong ng anak nito.Mas lalong nagsalubong ang mga kilay ni Lax sa naging tugon ng kanyang ama. “Why are you doing this?”Hindi umimik ang matandang lalaki at nakipagtitigan lang kay Lax ngunit matapos ang ilang saglit ay napailing ito at tumawa nang mahina.Napahugot naman nang tahimik na paghinga si Lax na napapikit ng mata na agad namang idinilat at nakita ang ngiti sa mukha ng kanyang ama.“I don’t understand you, Dad. Why are you doing this? Why are you turning Jax into a monster? Why do you want him to hate you? Why are you subjecting him to so much trauma? Why are you doing this, Dad? I don’t really understand you at all.” Sunod-sunod na tanong ni Lax na labis na naguguluhan at hindi maunawaan kung ano ba
"WHERE is she?" bungad na tanong ni Jax nang sandaling makapasok siya ng kabahayan habol ang hininga at labis na nag-aalala"We don’t have any news as of now, but authorities are searching for the kidnappers location," sagot ni Lax."Fuck! I thought everything will be okay since Viv has been already put in her place," mariing saad ni Jax na napakuyom ng kanyang kamay. "But why this is happening? Who the hell doing this-"Hindi nagawang matapos ni Jax ang kanyang sasabihin nang mapansin ang pagkagulat sa mga mukha ng kanyang mga kapatid. Bahagya itong napakunot ng noo."Dad, what are you doing here?" mahinang usal ni Lax nang makita ang kanilang amaTila naman nanigas ang katawan ni Jax nang marinig ang inusal ng kapatid.Dad?Ngunit sa kabila ng kanvang pagkabigla ay sinubukan niyang igalaw ang kanyang sarili. Gusto niyang makatiyak kung talagang naroon ang lalaking kanyang kinamumuhian. Sa bawat segundo ng kanyang pagkilos ay kasabay noon ang malakas na pagkabog ng kanyang puso. Hind
MATAPOS sabihin iyon ni Anna ay tinalikuran niya si Bien ngunit hindi pa man siya nakakalayo ay may sinabing muli ang binata.“Why? Why don’t you give me another chance? Is it because of that monster?” malakas na sigaw nito. “What makes us different that you keep forgiving and giving him chances over and over again? Why? Is it because you love being tortured by—”Hindi nagawang matapos ni Bien ang kanyang sasabihin nang isang malakas na sampal muli ang dumampi sa pisngi nito.“How dare you talk to him in that way?” galit na sigaw ni Anna. “How dare you judge him based on what you've heard when you don't know anything about him?”Napapalatak si Bien sa labis na pagkadismaya. “Why would knowing him change the fact that he hurt you? You're defending the wrong man, Anna!”“Enough, Bien! I've had enough of your bullshit! It's none of your business if I choose to stay and love the man you've been judging. I'm content with what I have right now, so stop trying to bargain with me because I wo
UNTI-UNTI ng nagiging maayos ang lahat sa buhay nina Anna at Jax. Pumayag na rin si Jax na mag-undergo siya ng rehabilitation para sa kanyang PTSD, hindi man naging madali ang nagging proseso ngunit pilit na kinakaya ni Jax hindi lamang para sa kanyang sarili kung ‘di para na rin sa kanyang pamilya.“I'm pleased to see that you're making excellent progress in your rehabilitation, Mr. Tuazon,” wika ni Dr. Castro.Napayuko si Jax at gumuhit ang ngiti sa kanyang mga labi. “Well, thanks to the person who’s been always supportive, caring and continuing loving me without boundaries. She is the one pushed me to face my fears with courage and I’m so blessed that she’s the one by my side.”Hindi umimik si Dr. Castro at pinagmasdan lamang ang binata at hindi nito maitatanggi na malaki na rin ang pinagbago nito maging ang pananaw nito sa mga bagay-bagay at natutuwa siya para dito.“That’s good to hear, Mr. Tuazon.” Ngunit gusto pa rin ng doctor kung hanggang saan limitasyon nito sa kasaluyang si
ILANG araw na binagabag ng kanyang isipan si Jax. Nag-isip siya nang nag-isip ng mga paraan kung paano niya itatama ang lahat ng kanyang pagkakamaling nagawa kay Anna. Gusto niyang bumawi. Gusto niyang itama ang lahat.“If I could only...”Ngunit bago pa man ni Jax matapos ang kanyang sasabihin ay mabilis niyang iniling ang kanyang ulo para alisin sa kanyang isipan ang kanyang iniisip at kaagad na ikinumpas ang kanyang sarili.“This isn’t the time for excuses. I need to genuinely make things right with Anna,” determinadong saad ni Jax sa kanyang sarili.Tumayo si Jax sa kanyang kinauupuan at mabilis na umuwi ng bahay para harapin ng buo si Anna. Bagamat puno man nang mga agam-agam ang kanyang isipan at takot ang kanyang puso sa maaaring maging tugon ni Anna sa kanyang pagharap ay pilit niyang nilabanan iyon lalo nang umalingawngaw muli ang mga katagang binitawan ni Tox sa kanya ng gabing iyon.“You’ll not be able to overcome that fear that keeps eating you if you will not make a way t
HUMINGA nang malalim si Anna nang matanaw ang isang pamilyar na imahe sa hindi kalayuan."Tatay..." mahina niyang sambit.Naramdaman ni Anna ang usang magaan na pagdampi ng kamay sa kanyang balikat dahilan para mapatingin siya kay Napoleon."How is he been doing?" tanong ni Anna na may labis na pag-aalala sa kanyang mukha.Isang malalim na butong-hininga ang pinakawalan ni Napoleon bago sinagot ang tanong ni Anna."His health has taken a turn for worse," malungkot na saad ni Napoleon na mas lalong ikinapag-alala ni Anna.Ibinaling ng dalaga ang kanyang tingin sa kanyang ama na nakatanaw sa malayo."The medication is the only thing keeping him in a stable condition."Hindi alam ni Anna ang kanyang gagawin para matulungan niya ang kanyang ama. Alam niyang dahil sa ginawa ng kanyang ina kaya nagkaganoon ang kanyang ama. Gusto niya sisihin ang kanyang ina ngunit hindi rin nito mababago o magagamot ang kondisyon na meron ang kanyang ama."What am I going to do?" mahina niyang tanong sa kan
"THIS IS OUTRAGEOUS! Dad, you need to intervene! I refuse to spend another moment in this godforsaken place! I won't rot away here!" paghihisterikal na sigaw ni Vivienne habang kausap ang ama."Honey, calm down. You don't have to worry. I will do my best—""I don't want to hear promises, Dad! I want you to get me out of here right now!""I'm doing my best, honey, just be patient for-"Muling pinutol ni Vivienne ang pagsasalita ng kanyang ama at muling sinigawan ito."Crap the bullshit, Dad! If you don't want me to lose my mind, get the hell out of me here!" pagwawalang sigaw ni Vivienne na animo'y mawawalan na sa katinuan at labis na itong nilalamon ng pagkawalang-taros nang sandaling iyon. Huminga ito nang malalim para muling ikumpas ang sarili. "If you are really care for me, Dad, do everything you can to get the hell out of me here. Do everything...by any means."Kitang-kita ng ama ang pagkawalang-taros ng anak at labis na dinudurog ang kanyang puso sa kanyang nasasaksihan nang san