ALENAHilam ang aking mga mata ng luha habang nagdadrive. Naka-full ang headlights ng sasakyan. Tama nga si Casper.. Madilim ang paligid. Pero kahit ganoon hindi ako mapipigilan sa pagnanais na makaalis sa lugar ba ito. Sobrang sakit. Walang-hiya talaga! Hindi pa nakontento, binuntis niya pa talaga ang kabit niya..."Mommy, saan tayo pupunta? Uuwi na po ba tayo kina Tito Damon?" narinig kong wika ng anak ko. "Yes Baby.. Balik na tayo sa kanila. At least doon hindi na iiyak si Mommy." sagot ko dito "Galit ako kay Daddy... Lagi na lang po kayong pinapaiyak... Akala niya siguro hindi ko napapansin na lagi kayong pinapaiyak ni Daddy." wika ng anak ko lalo naman akong napahagulhol sa sinabi nito."Kaya mas mabuti pang doon na lang tayo kina Tito Damon, Tito William at Tita Anastasia. At least doon masaya tayo palagi.". Dugtong pa ng anak ko. Tumango naman ako dito at saglit na sinulyapan. Katabi ko ito sa passenger set. Kaya naman hinaplos ko ang buhok nito gamit ang kanan kong kamay. "
JUSTINE POVPara akong binusan ng malamig na tubig ng makita ko ang palapit na si Valerie. Masaya kaming ipinakilala ni Daddy sa kanyang mga bisita. Nakita ko pa kung gaano ito ka-proud kina Alena at sa anak namin na si Sean Jacob. Galit na binalingan ako ng tingin ni Daddy ng makita nitong palapit si Valerie sa amin. Nagtatanong naman ang mga tingin ni Mommy habang paglipat - lipat ang tingin nito sa aming dalawa ni Alena. Si Alena naman ay bakas ang pagkalito sa mukha habang nakatingin sa nakangiting si Valerie.Nakita ko pa kung paano umagos ang mga luha sa mga mata nito ng ideklara ni Valerie na buntis ito. Lahat ay nagulat. Hindi ako alam kung sino ang uunahin koAaminin ko na sa kauna-unahang pagkakataon nataranta ako. Ang gusto ko lang naman ay matigil na ang nakakahiyang eksena. Paalisin si Valerie at magpaliwanag kay Alena. Kaya naman hindi ko na hinintay pang magsalita ng magsalita si Valerie sa harap ng maraming tao. Agad ko itong hinila paalis.Balak ko naman talagang ba
Third Person POVNapasuntok sa pader si William Alvarez pagkatapos sabihin ng Doctor ang masamang balita. Patay na ang kanyang pamangkin. Hindi kinaya ng mura nitong katawan ang malagim na aksidente na magyari kasama ang Ina. Si Alena naman ay nalipat na sa private room. . Hindi masyadong malubha ang tinamo nito sa aksidente na kahit papaano ay labis na ipinagpasalamat ng buong pamilya. May kaunting galos at fracture lang ito sa binti na kaya naman idaan sa operasyon.Sean Jacob, baby!!!! Umiiyak na wika ni Anastasia habang nakakatitig sa wala ng buhay na katawan ng pamangkin. Noong huli silang nagkita ay maayos pa ito. Hindi niya akalain na sa muling pagbabalik dito sa Pilipinas ay masisilayan niyang isa na itong malamig na bangkay. Napakasakit isipin na sa murang edad nito ay tuluyan na nitong iniwan ang mundo. Binawian ito ng buhay dahil lang sa away ng mga magulang.. Puno ng awa ang nararamdaman niya dito habang nakatitig sa inosenteng mukha ng pamangkin. Nahuli sila ng dating.
ALENAHalos hindi ako umaalis sa tabi ng kabaong ng anak ko. Napakahirap tanggapin para sa isang Ina na makita mo na wala ng buhay ang iniingatan mong anak. Sa isang iglap nawala siya sa akin. Kasalanan ko ang lahat! Namatay siya sa mga kamay ko. Kung hindi sana ako nagpadala sa bugso ng damdamin noong gabing yun buhay pa sana ang pinakamamahal kong anak.Halos wala na akong mailuha pa. Ayaw ko na din makipag-usap kahit kanino. Pakiramdam ko ako ang pinaka-malas na tao sa mundo. Dapat ako na lang ang namatay...Bakit ang anak ko pa.. Napakabata niya pa. Wala siyang kasalanan para madamay sa gulo namin ni Justine. Hinding-hindi ko siya mapapatawad sa nangyari. Manloloko siya at dapat lang ay kamuhian ko siya.Silang dalawa ni Valerie.. Niloko nila ako.. Namatay ang anak ko dahil sa kataksilan nila.Napalingon ako ng may narinig akong malakas na komusyon. Naririnig ko ang galit na galit na boses ni Kuya Damon at Kuya William. Agad naman akong nilapitan ni Ate Anastasia. "Nandito si Jus
ALENATatlong taon ang mabilis na lumipas. Hangang ngayun sariwa pa rin sa ala-ala ko ang lahat...ang pagkawala ng anak kong si Sean Jacob at ang tuluyang paghihiwalay namin ni Justine...Kahit masakit ay pinipilit kong mabuhay ng normal...hind para sa akin kundi para sa mga kapatid ko...ayaw ko silang mag-alala sa akin. Sobra-sobrang pasakit na ang ibinibigay ko sa kanila at nahihiya na ako. " Mam mag-uumpisa na po ang inyong picturial.' pukaw sa akin ng aking personal assistant na si Erin. Nandito kami sa isang private resort sa Batangas. Dito gaganapin ang picturial ng iniisdurso kong lingerie Items. Alam kong maraming magtataas ng kilay kapag mailabas na ng market ang mga hubad kong larawan dahil ako ang indorser ng naturang item...pero wala akong pakialam...Halos tatlong taon din akong nagmukmok. Halos tatlong taon din akong nagluksa sa pagkawala ng anak ko...kailangan kong may mapaglilibangan at itong modeling career ang unang pumasa sa panlasa ko. Kakilala ni Ate Anastasia ang
VALERIE POVPadabog akong naglakad pabalik ng kwarto pagkatapos akong talikuran ni Justine..Halos magliyab ang mga mata ko sa matinding inis. Hindi ko alam kung hanggang kailan ko matatagalan ang pakikitungo sa akin ni Justine. Ginawa ko na ang lahat para mahalin ulit nito pero parang wala lang ako dito.Pero hindi! Hindi ako papayag na mawawalan ng saysay lahat ng pagsisikap ko. Ngayun pa ba ako susuko? Tuluyan ko ng naagaw ito kay Alena. Alam kong balang araw mare-realized din ni Justine na para kami sa isat isat. .May anak kami. Si Mathew.....Napaismid ako ng maalala ko ang anak ko...Hindi ko kasi akalain na ganoon sila kabilis maniwala sa akin. Ang tanga-tanga nilang lahat. Naturingan na mga edukado at matatalinong tao ang mga Falcon, pero isang alas lang ang ipinain ko sa kanila. Ang kunwaring anak ni Justine......Si Mathew.Tanging ako lang ang nakakaalam ng lahat. Nang tunay na katotohanan tungkol sa pagkatao ng anak ko at sisiguraduhin kong mananatiling sekreto ang lahat. M
ALENANandito ako ngayun sa puntod ng aking anak. Malungkot kong tinitigan ang pangalan na nakaukit sa lapida kasabay ang pagpatak ng luha sa aking mga mata.Parang kailan lang kasama ko pa ito sa lahat ng oras. Pero ngayun, heto na siya, nasa ilalim na ng lupa at kahit kailan ay hindi ko na ulit makapiling pa. Hangang ngayun sinisisi ko pa rin ang aking sarili sa mga nangyari. Pinilit ko mang magiging matatag pero kapag maalala ko ang anak ko hindi ko maiwasan ang umiyak.Miss na miss ko na ito. Kung may magagawa lang sana ako upang muling maibalik ang buhay nito, ginawa ko na sana. Pero wala eh..hanggang doon na lang talaga. Kahit pilitin ko pang maging masaya pakiramdam ko may kulang na sa pagkatao ko. "Sean Jacob Baby, I miss you so much! Pasensiya ka na kay Mommy ha? Pasensiya ka na kung nagiging marupok ako. Mahal na mahal kita anak!!!" Humahagolhol kong bulong habang walang tigil ang pagpatak ng luha sa aking mga mata.Nag-alay pa ako ng dasal bago nilisan ang puntod ng anak k
JUSTINE POVMalungkot kung sinundan ng tingin ang pag-alis ni Alena. Nakaramdam ako ng matinding kalungkutan ng mapansin ko ang malaking pagbabago ng ugali nito. Ibang-iba na ito ngayun. Hindi na siya ang dating Alena na nakilala ko. Ang dating Alena na minahal ko. Wala na siya. Tuluyan na itong binago ng panahon.Sabagay, dahil siguro sa matinding galit kaya nag-iba ang ugali nito. Hindi ko ito masisisi. Alam kong hangang ngayun masakit pa rin dito ang pagkawala ng anak namin. Kung alam ko lang na mangyayari ang lahat ng iyun iniwasan ko na sana si Valerie. Pero hindi eh, tapos na ang lahat. Nagkasala na ako na siyang naging mitsa sa pagkawala ng anak ko....ng anak naming dalawa.Tahimik akong bumalik sa mesa kung saan nakaupo sila Mommy at Daddy. Hindi ko na pinansin pa si Valerie na noon ay matalim ang mga matang nakasunod ang paningin sa paalis na si Alena. Hindi ko na din binigyan pansin ang mga nang-uuyam na tingin ng ibang customers sa amin. Alam kong kami ang pinag-uusapan ng