Third Person POVNapasuntok sa pader si William Alvarez pagkatapos sabihin ng Doctor ang masamang balita. Patay na ang kanyang pamangkin. Hindi kinaya ng mura nitong katawan ang malagim na aksidente na magyari kasama ang Ina. Si Alena naman ay nalipat na sa private room. . Hindi masyadong malubha ang tinamo nito sa aksidente na kahit papaano ay labis na ipinagpasalamat ng buong pamilya. May kaunting galos at fracture lang ito sa binti na kaya naman idaan sa operasyon.Sean Jacob, baby!!!! Umiiyak na wika ni Anastasia habang nakakatitig sa wala ng buhay na katawan ng pamangkin. Noong huli silang nagkita ay maayos pa ito. Hindi niya akalain na sa muling pagbabalik dito sa Pilipinas ay masisilayan niyang isa na itong malamig na bangkay. Napakasakit isipin na sa murang edad nito ay tuluyan na nitong iniwan ang mundo. Binawian ito ng buhay dahil lang sa away ng mga magulang.. Puno ng awa ang nararamdaman niya dito habang nakatitig sa inosenteng mukha ng pamangkin. Nahuli sila ng dating.
ALENAHalos hindi ako umaalis sa tabi ng kabaong ng anak ko. Napakahirap tanggapin para sa isang Ina na makita mo na wala ng buhay ang iniingatan mong anak. Sa isang iglap nawala siya sa akin. Kasalanan ko ang lahat! Namatay siya sa mga kamay ko. Kung hindi sana ako nagpadala sa bugso ng damdamin noong gabing yun buhay pa sana ang pinakamamahal kong anak.Halos wala na akong mailuha pa. Ayaw ko na din makipag-usap kahit kanino. Pakiramdam ko ako ang pinaka-malas na tao sa mundo. Dapat ako na lang ang namatay...Bakit ang anak ko pa.. Napakabata niya pa. Wala siyang kasalanan para madamay sa gulo namin ni Justine. Hinding-hindi ko siya mapapatawad sa nangyari. Manloloko siya at dapat lang ay kamuhian ko siya.Silang dalawa ni Valerie.. Niloko nila ako.. Namatay ang anak ko dahil sa kataksilan nila.Napalingon ako ng may narinig akong malakas na komusyon. Naririnig ko ang galit na galit na boses ni Kuya Damon at Kuya William. Agad naman akong nilapitan ni Ate Anastasia. "Nandito si Jus
ALENATatlong taon ang mabilis na lumipas. Hangang ngayun sariwa pa rin sa ala-ala ko ang lahat...ang pagkawala ng anak kong si Sean Jacob at ang tuluyang paghihiwalay namin ni Justine...Kahit masakit ay pinipilit kong mabuhay ng normal...hind para sa akin kundi para sa mga kapatid ko...ayaw ko silang mag-alala sa akin. Sobra-sobrang pasakit na ang ibinibigay ko sa kanila at nahihiya na ako. " Mam mag-uumpisa na po ang inyong picturial.' pukaw sa akin ng aking personal assistant na si Erin. Nandito kami sa isang private resort sa Batangas. Dito gaganapin ang picturial ng iniisdurso kong lingerie Items. Alam kong maraming magtataas ng kilay kapag mailabas na ng market ang mga hubad kong larawan dahil ako ang indorser ng naturang item...pero wala akong pakialam...Halos tatlong taon din akong nagmukmok. Halos tatlong taon din akong nagluksa sa pagkawala ng anak ko...kailangan kong may mapaglilibangan at itong modeling career ang unang pumasa sa panlasa ko. Kakilala ni Ate Anastasia ang
VALERIE POVPadabog akong naglakad pabalik ng kwarto pagkatapos akong talikuran ni Justine..Halos magliyab ang mga mata ko sa matinding inis. Hindi ko alam kung hanggang kailan ko matatagalan ang pakikitungo sa akin ni Justine. Ginawa ko na ang lahat para mahalin ulit nito pero parang wala lang ako dito.Pero hindi! Hindi ako papayag na mawawalan ng saysay lahat ng pagsisikap ko. Ngayun pa ba ako susuko? Tuluyan ko ng naagaw ito kay Alena. Alam kong balang araw mare-realized din ni Justine na para kami sa isat isat. .May anak kami. Si Mathew.....Napaismid ako ng maalala ko ang anak ko...Hindi ko kasi akalain na ganoon sila kabilis maniwala sa akin. Ang tanga-tanga nilang lahat. Naturingan na mga edukado at matatalinong tao ang mga Falcon, pero isang alas lang ang ipinain ko sa kanila. Ang kunwaring anak ni Justine......Si Mathew.Tanging ako lang ang nakakaalam ng lahat. Nang tunay na katotohanan tungkol sa pagkatao ng anak ko at sisiguraduhin kong mananatiling sekreto ang lahat. M
ALENANandito ako ngayun sa puntod ng aking anak. Malungkot kong tinitigan ang pangalan na nakaukit sa lapida kasabay ang pagpatak ng luha sa aking mga mata.Parang kailan lang kasama ko pa ito sa lahat ng oras. Pero ngayun, heto na siya, nasa ilalim na ng lupa at kahit kailan ay hindi ko na ulit makapiling pa. Hangang ngayun sinisisi ko pa rin ang aking sarili sa mga nangyari. Pinilit ko mang magiging matatag pero kapag maalala ko ang anak ko hindi ko maiwasan ang umiyak.Miss na miss ko na ito. Kung may magagawa lang sana ako upang muling maibalik ang buhay nito, ginawa ko na sana. Pero wala eh..hanggang doon na lang talaga. Kahit pilitin ko pang maging masaya pakiramdam ko may kulang na sa pagkatao ko. "Sean Jacob Baby, I miss you so much! Pasensiya ka na kay Mommy ha? Pasensiya ka na kung nagiging marupok ako. Mahal na mahal kita anak!!!" Humahagolhol kong bulong habang walang tigil ang pagpatak ng luha sa aking mga mata.Nag-alay pa ako ng dasal bago nilisan ang puntod ng anak k
JUSTINE POVMalungkot kung sinundan ng tingin ang pag-alis ni Alena. Nakaramdam ako ng matinding kalungkutan ng mapansin ko ang malaking pagbabago ng ugali nito. Ibang-iba na ito ngayun. Hindi na siya ang dating Alena na nakilala ko. Ang dating Alena na minahal ko. Wala na siya. Tuluyan na itong binago ng panahon.Sabagay, dahil siguro sa matinding galit kaya nag-iba ang ugali nito. Hindi ko ito masisisi. Alam kong hangang ngayun masakit pa rin dito ang pagkawala ng anak namin. Kung alam ko lang na mangyayari ang lahat ng iyun iniwasan ko na sana si Valerie. Pero hindi eh, tapos na ang lahat. Nagkasala na ako na siyang naging mitsa sa pagkawala ng anak ko....ng anak naming dalawa.Tahimik akong bumalik sa mesa kung saan nakaupo sila Mommy at Daddy. Hindi ko na pinansin pa si Valerie na noon ay matalim ang mga matang nakasunod ang paningin sa paalis na si Alena. Hindi ko na din binigyan pansin ang mga nang-uuyam na tingin ng ibang customers sa amin. Alam kong kami ang pinag-uusapan ng
VALERIE POVNapabalikwas ng bangon si Valerie mula sa pagkakahiga sa kama. Pagod na pagod siya mula sa halos magdamag na pakikipagtalik kay Hector. Talagang tinutuo nito ang banta na papagurin siya nito. Hindi talaga siya tinigilan ni Hector hangat makatulog siya sa matinding pagod.Lalong siyang nainis ng makita niya ang orasan. Alas- kwatro na ng umaga. Kung ganoon inumaga talaga siya dito sa condo ni Hector. Tiyak na hinahanap na siya nila Donya Amelia. Mag-iisip na lang siguro siya ng maidadalhilan kung bakit siya inumaga ng uwi. AAlis na sana ako sa higaan ng may humawak sa aking kamay. Nang lingunin ko ay si Hector ito. Nakangisi ito sa akin kaya naman umusbong ang inis ko dito. Pinanlisikan ko ito ng mga mata."Ano ba Hector, uuwi na ako, tiyak na hinahanap na ako ng anak ko." wika ko dito at buong pwersa na binawa ang kamay ko dito. Lalo naman lumaki ang pagkakangisi nito. Pagkatapos ay bumangon ito sa kama. Hubot-hubad itong naglakad sa harapan ko at kinuha ang isang sigari
ALENA POVMabilis na lumipas ang mga buwan. Premier night ng isa sa mga pilikulang pinagbidahan ko. Ang isang sikat na artistang si Renzo Torres ang aking ka-love team. Tuluyan na nga akong nag-enjoy sa pagiging artista at endorser ng ibat ibang produkto. Tuluyan na ring hindi nagpakita sa akin si Justine. Mabuti naman kung ganoon dahil sa tuwing nakikita ko ito lalo lamang bumabalik ang sakit na nararamdaman ko sa pagkawala ni Sean Jacob. Masasabi kong kahit papaano sobrang nag-enjoy ako sa mundong ginagalawan ko ngayun. Kahit papano ay sandali kung nakakalimutan lahat ng masakit na nangyari sa akin kapag busy ako.Nakaalalay sa akin si Renzo habang pinagkakaguluhan kami ng mga reporters. Ito ang ka-loveteam ko sa pilikula. Masasabi kong malaki din ang naitulong nito sa aking career dahil isa na itong sikat na artista bago pa ako pumasok sa showbiz. Mula pagkabata ay kilala na ito sa industriya kaya naman ng mabuo ang aming loveteam lalo itong namayagpag.Alam kong may gusto ito sa