ALENA POVMabilis na lumipas ang mga buwan. Premier night ng isa sa mga pilikulang pinagbidahan ko. Ang isang sikat na artistang si Renzo Torres ang aking ka-love team. Tuluyan na nga akong nag-enjoy sa pagiging artista at endorser ng ibat ibang produkto. Tuluyan na ring hindi nagpakita sa akin si Justine. Mabuti naman kung ganoon dahil sa tuwing nakikita ko ito lalo lamang bumabalik ang sakit na nararamdaman ko sa pagkawala ni Sean Jacob. Masasabi kong kahit papaano sobrang nag-enjoy ako sa mundong ginagalawan ko ngayun. Kahit papano ay sandali kung nakakalimutan lahat ng masakit na nangyari sa akin kapag busy ako.Nakaalalay sa akin si Renzo habang pinagkakaguluhan kami ng mga reporters. Ito ang ka-loveteam ko sa pilikula. Masasabi kong malaki din ang naitulong nito sa aking career dahil isa na itong sikat na artista bago pa ako pumasok sa showbiz. Mula pagkabata ay kilala na ito sa industriya kaya naman ng mabuo ang aming loveteam lalo itong namayagpag.Alam kong may gusto ito sa
ALENA'Nanany Clara!" agad kong sigaw ng makita ko si Nanay Clara na nakaabang sa akin habang pababa ako ng sasakayan. Nagmamadali akong lumapit dito at yumakap.Hindi ko kasama si Nanay Clara dito sa bahay sa tagaytay. Nakiusap kasi si Ate Ansatasia na kung pwede doon na lang muna ito upang kahit papaano ay magiging panatag ang kanyang kalooban kapag iiwan ang mga bata sa kani-kanilang Yaya. Although mababait naman ang mga yaya ng mga anak ni Ate Anastasia pero iba pa din na kakilala mo ang nangangalaga sa mga ito.Hindi naman kailangan na magtrabaho ni Nanay Clara. Ang gagawin niya lang ay titingnan kung maayos ba ang pag-aalaga ng maga Yayas sa mga baby ni Ate Anastasia."Kumusta ka na Alena? Naku! Lalo kang gumanda ah?" natutuwang wika ni Nanay Clara. Ngumiti naman ako dito. Pagkatapos ay binalingan ko si Erin. "Sige na Erin, pwede ka ng umuwi sa inyo. Magpahatid ka na lang sa Driver para mabilis kang makarating sa bahay niyo." Wika ko dito. Masaya naman itong tumango at agad na
AlenaNakangisi akong nilapitan sila Donya Amelia at Valerie na noon ay masayang tumitingin sa mga nakadisplay na items. Hindi nila ako namalayan dahil abala ang mga ito sa pag-uusap. Kung titingnan, sobrang perfect na daughter in law ni Valerie. Ang hindi nila alam may malagim itong tinatagong sekreto. Isang sekreto na naging dahilan sa pagkamatay ng anak ko. Alam kong sooner or later mabubunyag din lahat ang itinatago nito. "Wow, nandito pala ang kabit ni Justine! Ang hilaw na magbiyanan! " nakangisi kong wika at kunwari ay sinisipat ang nakadisplay na damit sa harap ko. Gulat na napabaling sa akin ang attention ng dalawa. Natawa naman ako sa reaksiyon ni Valerie. Para itong nakakita ng multo."Ang sweet niyo naman tingnan! Magkasundong-magkasundo talaga kayo." may pang-aasar ang tinig na tanong ko sa mga ito. "Anong gusto mo Alena? Hindi ka ba busy ngayun kaya nagawa mong pag-aksayahan kami ng oras? Excuse us! Masyado ka ng nakaka-istorbo sa amin." sagot naman ni Donya Amelia. "
ALENAPagkauwi ng bahay ay agad akong nagkulong ng kwarto. Wala akong ginawa kundi ang umiyak ng umiyak. Gusto kong ibuhos lahat ng sakit ng kalooban ko. Hindi ko alam kung bakit hangang ngayun nasasaktan pa din ako. Gusto ko ng sumaya pero bakit patuloy pa rin akong hinahabol ng anino ng nakaraan.Nagpaka-busy na nga ako..kung anu-anong trabaho na ang pinasok ko para hindi na makapag-isip pa ng ano pa man...pero bakit nasasaktan pa rin ako ngayun. Bakit sumasakit pa rin ang aking kaloobang tuwing nakikita kong magkasama sila Justine at Valerie. Bakit ako na lang lagi ang talunan?Namatayan na nga ako ng anak! Nagdusa na nga ako! Pero bakit napakahirap ibalik sa dati ang buhay ko. Bakit napakahirap sumaya. Wala na ba akong pag - asa oang mabuhay ng walang nararamdamang sakit ng kalooban?Si Justine! Bakit napakahirap niyang kalimutan? Anong meron sa kanya na hinding-hindi siya mawaglit sa aking isipan? Bakit hangang ngayun mahal ko pa rin siya sa kabila ng lahat ng kasalanan na nagawa
ALENAHapong-hapo ang aking pakiramdam habang nakatitig sa kawalan. Halos inabot kami sa magdamag sa pagniniig ni Justine. Hindi ko alam kung saan kami kumuha ng lakas ng katawan at nagawa namin magtalik ng ilang oras. Nilinga ko si Justine. Mahimbing itong natutulog dahil sa pagod. Hinaplos ko ang mukha nito. Malungkot akong napangiti sa isiping ito na ang huling pagkakataon na magawa ito sa kanya. Dadalhin kong magandang ala-ala ang mga nangyari sa amin ngayun. Mahal na mahal ko ito at kahit masakit ay tuluyan ko na itong iiwan at mamumuhay ng tahimik. Kinintalan ko muna ito ng halik sa noo tsaka ako nagpasya na bumangon. Nang makababa sa kama at napaigik pa ako dahil sa matinding sakit ng katawan na nararamdaman ko lalo na sa gitnang parte ng aking hita. Hindi ko alam kung saan kami pareho kumuha ng lakas ni Justine. Pareho kaming wild kagabi. Halos lahat yata ng posisyon sa pagtatalik na alam namin ay ginawa na namin. Aaminin kong nag-enjoy talaga ako. Alam kong nagtataka ito sa
ALENANagising ako mula sa pagkakahimbing ng maramdaman kong may tumapik sa aking mukha. Agad akong napadilat at agad na napabangon ng bumungad sa akin ang mukha ni Kuya Damon."Anong masamang hangin ang nagdala sa iyo at ang aga mong napasugod?" seryoso nitong tanong sa akin. Tumikhim muna ako bago sumagot dito."Kuya, I need your help. Gusto kong mangibang bansa." wala ng paliguy-ligoy kong sagot dito. Abalang tao si Kuya Damon at ayaw nito ng pasikot-sikot na pag-uusap. Nakita ko ang pagkagulat sa expression ng mukha ni Kuya Damon."But Why? Biglaan naman yata? Paano ang mga kontrata mo sa showbiz?" nagtataka nitong tanong sa akin. 'Bahala na si Ate Anastasia umayos sa bagay na iyan. Malapit na mapaso lahat ng kontrata ko kaya naman ayos lang na umalis muna ako ng bansa. Gusto kong makalimot at magsimula muli." seryoso kong sagot kay Kuya Damon. Saglit itong natigilan pagkatapos ay tinitigan ako ng matagal. Wari ay binabasa nito ang tumatakbo sa aking isipan. GAnito si Kuya Damon.
Justine Pov"Maawa po kayo kay Mathew!!!...kailangan niya po ang tulong niyo!!!.." agad na napakunot ang noo ko habang naglalakad papuntang living room ng bahay ko dito sa alabang. Pamilyar sa akin ang boses kaya nagmamadali kong pumasok sa loob at naabutan kong nakaluhod at umiiyak si Valerie habang nagmamakaawa kina Mommy at DAddy. Ang naalala ko kasi pinagbawalan ko na itong makapasok sa loob ng bahay dahil sa natuklasan kong kasinungalingan na ginawa nito sa buhay ko. Lalong lalo na tungkol sa pagkatao ni Mathew. Huling kita ko dito ay noong nasa hospital kami. Hindi na ulit ito nagpakita pa sa amin kaya inisip namin na tuluyan na itong sumama kay Hector.Wala naman akong pakialam kong sasama na ito ng tuluyan sa Hector na iyun. Mabuti nga iyun dahil hindi ko na masikmura pang makita ang pagmumukha nito. Sinira niya ang buhay ko! Sinira niya ang pamilyang pilit na binubuo namin ni Alena. Kung hindi lang kasalanan ang pumatay ng tao, ginawa ko na sana dito. Kaya lang kahit papaano
VALERIE POVLaglag ang aking balikat ng lumabas ng mansion ng mga Falcon. Wala akong ibang mahingian ng tulong para sa sakit ng anak ko. Kung bakit naman kasi masyadong matigas ang ulo ni Hector. Hindi naman niya pala kayang ibigay lahat ng pangangailangan ni Mathew ang lakas ng loob ng ipagsigawan sa lahat ng siya ang ama ng bata. Kung hindi sana ito umiksena, wala sana ako ngayun sa ganitong sitwasyon. Nagbubuhay reyna pa rin sana ako sa mansion ni Justine.Napagpasyahan kong bumalik na lang ng hospital kung saan naka-confine pa rin si Mathew. Agad na tumulo ang luha sa aking mga mata ng titigan ko ang maputlang balat ng anak ko. Alam kong nahihirapan na din ito sa kanyang sakit. Ang bilis bumagsak ng katawan nito. Hindi ko alam kung saan kukunin ang perang pampagamot dito. Mukhang wala ng pag-asa pang matulungan kami ng mga Falcon. Galit silang lahat sa akin dahil sa mga nagawa kong kasalanan.. Galing sa private room si Mathew pero napilitan kaming lumipat dito sa ward ng hospital