“Miss. Last na to. Curious lang ako. Napapansin ko kasi ang paglapit ni Sir Brandon sayo na para bang matagal na kayong magkakilala, at natural na sa kanya ang pag-aalaga sayo. Sigurado ka bang hindi kayo magkakilala?”“Paano mo nasabi?” tanong ni Alex.“Kasi yung mga tingin niya sayo lang nakatingin. Para bang kagay ng takip ng mga mata ng kabayo para di makita ang gilid at nakasentro lamang ang tingin sa gitna. Tyaka the way na mag-alala siya sa iyo. Siya mismo ang nagpainum sayo ng gamot at nagcheck ng bibig mo. Kung titingnan para talaga kayong magkasintahan.” kumunot ang noo ni Alex sa mga sinabi ni CYnthia.“Ewan ko sayo. Hindi ba at ikaw ang may gusto sa kanya?”“Miss… Kahit ang boxer, marunong maghagis ng puting tela kung alam niyang wala na siyang mailalaban sa kalaban.” Napailing na lamang si Alex sa sinabi ng kasama.Maya-maya pa ay biglang napapalakpak si Alex na tila ba ay may nakakatuwang naiisip at ang kanyang mga mata ay kumikinang nang may magandang naiisip.“Ito na a
“Pero ayokong maghirap ulit. Tyaka kapag marami kang pera, lahat mabibili mo.”Napalingon naman si Brandon sa gawi nila Alex at Cynthia na tila ba narinig ang sinabi ni Alex.Ngunit isinawalang bahala iyon ni Alex. Wala din siyang pakialam kung marinig man iyon ni Brandon o hindi. Dahil para sa kanya, mabuti na kung hindi maganda ang iisipin ni Brandon sa kanya kaysa sa lapitan pa siya nitong muli, at magpakita ng motibo sa kanya.Napailing sa pagkadismaya si Cynthia. “Kakaiba ka din miss. Masyadong mataas ang standards mo.-- Sabagay CEO ang naging ex fiance mo.” sagot na lamang ni Cynthia.Hindi na lamang tumingin si Alex kay Cynthia, maging kay Brandon na nakatingin pa rin sa kanila kahit na may kinakausap ito.Nakahinga ng maluwag si Alex ng biglang tumunog ang cellphone ni Cynthia. Napatingin si Cynthia kay Alex at inangat ang kanyang telepono.“Si Kenneth,” pagpapaalam niya kay Alex, bago ito tuluyang sinagot ang tawag.Si Kenneth ang sekretarya ni James. “Yes, andito kami sa Zo
Naguguluhang palipat-lipat ng tingin si John sa dalawang dalaga sa kanyang harapan.“Anong ibig mong sabihin?” tanong niya.“Ah-he-he.” agad na siniko ni Alex si Cynthia nang mapansing sasagot itong muli.“Wala iyon. Nagkataon lang na nagccrave din ako ng dumplings. Miss, pahingi ako ah.” sambit ni Cynthia at siya na rin ang nagbukas ng lunch box, sabay kuha ng isang dumplings at inisang subo lamang niya ito.“Huwag mo na lang siyang pansinin, kuya. Pero salamat dito,” ngumiti si Alex kay John ay inaya na niya ito na maupo sa bench na kinauupuan nila.Napapalunok ng laway si Alex sa dumplings sa kanyang harapan dahil alam niyang masarap ang mga iyon. Kahit di pa magaling ang kanyang bibig ay isinubo na din niya ang dumpling na hawak. Agad namang humapdi ang kanyang sugat sa bibig lalo pa nung lumabas ang sabaw sa loob ng dumpling, dahilan upang magkaroon ng kaunting tulo sa gilid ng kanyang labi.Gamit ang kamay ay pupunasan na sana ni John ang bibig ni Alex ngunit napatigili siya ng m
Naibuga ni Alex ang tubig na mula sa kanyang bibig nang marinig ang sinabi ni John. “Anong sinabi mo kuya?” tanong niya.Ngumiti si John bago umiling. “Wala. Ang sabi ko kung natuloy lang ang kasal niyo ni James edi sana di ka na aalis ng bahay.”“Sa next life kuya. Sana sa next life, maging totoo ko ang maging magulang ang mga magulang niyo at kayo naman ay totoo ko nang mga kapatid. Masaya siguro iyon.” nakanigiting sabi ni Alex.Ipinagsawalang bahala na lamang niya ang huling nasabi ng kuya ni James upang hindi na magkaroon pa ng ilangan sa pagitan nila. Malapit siya rito at kahit ganun pa man ay nakatatandang kapatid parin ang turing niya roon.Tila naman napawi ang ngiti ni John sa sinambit ni Alex. Inilihis na lamang niya ang tingin sa natirang dumpling. “Kain ka pa, meron pa rito.” turo ni John sa dumplings.“Busog na ako kuya,”“Kaya ka pumapayat eh. Kasi kaunti lamang ang kinakain mo.” pagbibiro ng kuya.“Mahal ka ng kapatid ko, Alex.” Si alex naman ngayon ang napawi ang mata
Matapos makipag usap ni Brandon, ay lumapit na ito kay Alex. Napansin niyang nakapikit na ang dalaga. Ang dilaw na repleksyon ng liwanag na mula sa ilaw ay tumama sa balat ni Alex dahilan upang magliwanag siya at habang madili ng kaunti ang paligid.Maya-maya pa ay sinubukang gisingin ni Brandon si Alex.“Xan, Xan.” bahagyang gumalaw ang mga kilay ni Alex habang nakapikit pa rin ang mga mata nito.‘Matagal ko nang hindi na naririnig ang tumatawag niyan sa akin. Bago pa man ako kupkupin ng pamilya nila James ay ‘Xan-Xan na ang tawag saakin ng mga magulang ko, at nang nag-iisang batang lalaki na kalaro ko noong bata pa ako.’***“Xan-xan,” tawag sa kanya ng isang batang lalaki.“Kuya, hindi xan-xan ang pangalan ko. Alexandra.” paliwanag ni Alex.“Pero, Xan-xan ang tawag sayo ng mga magulang mo, hindi ba?”“Oo, pero hindi kita magulang, bakit mo ako tinatawag na Xan-xan?” tanong ni Alex.“Wala lang. Gusto ko lang. Tyaka para alam mo kung sino ang tumawag agad sayo. Dapat ako lang tatawag
“Miss, hindi ka natulog sa room natin. Saan ka natulog?” usisa ni Cynthia.Nakahinga na lamang si Alex ng may tumawag sa kanya at ito ay ang kanyang best friend. Nag-excuse si Alex kay Cynthia upang kausapin ang kaibigan.“Hey, there.” sagot ni Grace sa kabilang linya matapos sagutin ni Alex ang kanyang tawag.“Buti naman at napatawag ka. Nakaiwas ako sa interrogation.” sambit ni Alex.“Bakit? Anong nangyari?” usisa ni Grace na tila ba naging alerto sa pakikinig.Natawa si Alex. “Wala.-- Grace,”“Hmm?”“May tanong ako.”“Ano yun?” tanong ni Grace.“Kapag ang lalaki at babae ay natulog sa iisang kwarto pero walang nangyari. Ano sa tingin mo doon?” tanong ni Alex na ikinatahimik sa kabilang linya.Ilang segundo pa ang lumipas at hindi pa rin nagsasalita si Grace. Kaya minabuti ni Alex na tingnan ang screen ng kanyang phone at icheck kung hindi na putol ang kanilang tawag.“Hel- Hello, Grace.”Maya-maya pa ay isang tili mula sa kabilang linya ang narinig ni Alex dahilan upang malayo niya
“Nagpahangin lang ako kagabi.” Nagtaas ang isang kilay ni Cynthia at tiningnan si Alex nang may pagdududa.“Pahangin ng dis-oras ng gabi?” nagdududang tanong ni Cynthia “Nawala kasi ang antok ko kaya naglakad lakad ako kagabi.” Palusot ni Alex.“Naglalakad… O baka naman sekreto kang nakikipagtagpo sa lalaki. Blind date ba yan? Dapat sinama mo ako miss.”Napasapo si Alex sa kanyang noo dahil sa iniisip ni Cynthia. “Taba ng utak mo,” sarkastikong banat ni Alex na ikinangisi ni CYnthia.“Pero seryoso, Miss… Saan ka kagabi?” tanong niyang muli.“Lumabas nga nagpahangin. Hindi talaga ako makatulog kaya naglakad-lakad ako.”“Ahhh…” tumango tango si Cynthia na tila ba naiintindihan niya ang sinabi ni Alex, dahilan upang makahinga ng maluwag ang dalaga.Bumalik na silang muli sa trabaho at iwas pa rin si Alex kay Brandon. Habang abala si Brandon sa pag-aayos sa mga ilaw, nakatulalang napatitig si Alex sa kanya, iniisip ang sinabi ng kaibigan sa text.‘Kung wala, isa lang ang ibig sabihin n
Napapikit na lamang si Alex sa sinabi ni Brandon.“Cynthia!”Nakahinga nang maluwag si Alex nang biglang may tumwag kay Cynthia.“Rose? Anong ginagawa mo dito?” tanong ni Cynthia sa kanyang kakilala.“May business meeting ako dito sa malapit. Ikaw?”“Ah may trabaho din.”“Okay lang ba na makisalo sa lamesa niyo?” tanong nang babaeng nagngangalang Rose.Nag-aalangan namang tumingin si CYnthia kay Brandon at Alex na tila ba nanghihingi ng permiso sa mga kasama.Naging seryosong snabero naman si Brandon na tila ba ayaw niyang pumayag na may ibang babaeng makikihalo sa kanilang lamesa. Kaya walang ibang magawa si Cynthia kundi ang tumayo at magpaalam sa dalawa na lilipat sila ng lamesa. At dahil halos puno ang buong restaurant, sa dulo, malapit sa bintana sila Cynthia naupo, malayo kay Brandon at Alex.Matapos umalis ni Cynthia ay agad na hinampas ni Alex si Brandon.“Bakit ang sungit mo? Natakot ang mga bata sayo.”“Ayoko lang na may ibang tao tayong kasama. Tyaka para masolo rin kita.”
“Lalo na kapag andito si boss… Naku! Manggigil ka sa sobrang pagkalambot niya… Nasobrahan sa pagkakapakulo sa kaniya. Alam mo yun!!! Kaunting kilos… Kunwari mahihimatay… Tapos itong si Boss James naman… Todo alalay sa kanya. Para bang pinaparamdam niya sa mga tao dito na anak ni Boss James ang dinadala niya.” Dagdag ni Cynthia.“Malay natin. Baka nga.” Sagot ni Alex.“Talaga ba?!” Tila nagulat si Cynthia sa sinabi ni Alex. “Kung talagang anak nga iyon ni Boss James… Ibig sabihin.. Matagal ka na nga palang niloloko ni Boss?”Bumuntong hininga si Alex sa kabilang linya.“Pero miss… Kung talagang anak ni Boss James ang ipinagbubuntis niya… Sa ugali niya, malamang ipangangalandakan niya iyon. At hndi siya magmamalaki, dahil nilokoko ka nila. Pero hindi eh… Lagi niya sinasabi sakin na may utang na loob daw siya sayo. At malaki daw iyon.” dagdag ni Alex.Napakamot ng sintido si Alex sa narinig mula kay Cynthia.“Nasa kanya na iyon… Siguro naman alam niya kung sino ang nakabuntis sa kanya. A
Hindi nakapagsalita si Ivy na naiwang nakanganga ang bibig, habang nakatingin kay Alex na papalayo ng boutique. Hanggang sa mapagtanto niyang hindi siya nakaganti ng salita sa babae.“Grrr!!!” Nagngitngit sa galit si Ivy na ngayo’y masama na ang titig kay Alex.“Pakibilisan ng pagbalot!” Naiiritang pasigaw na utos ni Ivy sa mga staff ng boutique.‘May araw ka din sa akin, Alex.’ sabi niya sa isip.***Salamantala… Habang si Alex ay naglalakad palabas ng mall… Napansin niyang tumunog ang kanyang telepono. Nang makita niya kung sino ang tumatawag, ay agad niyang sinagot.“Hello,”“Hello… Nakalimutan ko palang itanong… Anong oras pala mamaya at saang lugar?”“Sa hotel ng mga Lopez. Alas otso ng gabi.” Sagot ni Alex kay Brandon sa kabilang linya.“May kailangan ba akong dalhin?” tanong ni Brandon.Napatingin si Alex sa dala niyang bagong binili na pangreregalo sa magdiriwang ng kaarawan.“Hindi na kailangan. Nakabili na rin ako.” Sagot ni Alex.“Sige… Susunduin na lamang kita ng alas siye
Bumalik si Alex sa mall, at napagdesisyunang pumunta sa isang luxury brand ng mga aksesoryang panlalaki. At naisipan niyang bilhan ng cufflinks si Anthony Lopez. Alam niyang mahilig itong magsuot ng mga tuxedo at iba pang suits at isa sa mga aksesorya niya ang cufflinks.Lumapit si Alex sa babasaging estante kung saan mayroong nakalatag na cufflinks na may iba’t ibang desenyo.“Magandang araw po. Ano pong maitutulong ko? Ano pong hinahanap niyo?” Tanong ng isang sales staff nang may magiliw na ngiting iginawad sa kanya.Ngumiti din si Alex bilang ganti. “May bagong designs kayo ng cufflinks?” Tanong ni Alex.“Pwede ko bang malaman para kanino ang cufflinks?”“Para sa tito ko.” sagot ni Alex.Tumango ang sales staff at umalis ito. Sa kanyang pagbalik, kasama na nito ang kanilang manager na may hawak na cufflinks na nakasilid sa nakabukas na kahon na tila ba ingat na ingat. May dala rin ang sales staff na kausap ni Alex. Ngunit ang kumuh ng kanyang atensyon ay ang cufflinks na hawak ng
‘Wala akong dapat na ikatakot. At pawang mga katotohanan ang sinabi ko bukod sa balitang magnobyo kami. Dahil lahat ng ito ay nangyari sa amin ni Brandon. At mas kapani-paniwala ang aming relasyon kung ito ang sasabihin ko.’ Sabi ni Alex sa sarili.Ang kaninang mahigpit na pagkakahawak sa braso ni Alex ay unti-unting lumuwag. Ngunit mariing tinitigan parin ng lalaki si Alex at tinatya kung ito nga ba ay nagsasabi ng totoo. Ngunit nang mapagtantong totoo nga ang mga sinabi ni Alex, tuluyan na siyang binitawan ni John. Yumuko ito upang hindi mapansin ng dalaga ang malungkot nitong mga mata. Ngunit pansin naman sa kanyang katawan ang panginginig, dahilan upang mapakunot ng noo si Alex at pilit na titigan si John sa kanyang mata.Namumula ang mga ito, at tila ba ay maiiyak na. Naglalabasan na din ang mga ugat sa kanyang noo, dala ng pagpipigil ng kanina pang gustong sumabog na emosyon.Sakit, pagkadismaya, at pagsisi… Pagkadismaya dahil kung bakit palagi na lamang siyang nahuhuli… Pagsis
“Nobyo ko, kuya. Boyfriend ko in english.” Sarkastiko nitong pag-uulit sa sinabi.Tila nanigas si John sa pasabog na balita ni Alex, dahilan upang hindi ito agad makapagsalita.Alam ni Alex na maigiging ganito ang reaksyon ni John. Lingid sa kanyang kaalaman na may gusto ito sa kanya at sinabi niya iyon noon. Bakas sa mukha ni John ang sakit ng malaman niya iyon. Ngunit para kay Alex, makabubuti na ito upang tigilan na siya ni John, James at ng kanilang ina sa pagpupumilit sa kanya at magising sila sa katotohanang ayaw na niya.“S-sino siya?” Nauutal nitong tanong na tila ba hindi pa rin makapaniwala sa balitang pinasabog ni Alex.“Si Brandon,” Agad nitong sagot.Ang kaninang hindi maipintang mukha ni John ay mas lalong kumunot.“Alex…”“Tama ang pagkakarinig mo, Kuya. Si Brandon Montenegro.” Pag-uulit ni Alex.“Pero…”“Kuya John, naiintindihan ko ang gusto mong sabihin. Pero hindi ako nakikipagbiruan pagdating sa relasyon. Masaya ako sa piling niya ngayon. Sana masaya din kayo para sa
Nang maalala ni Alex ang kanyang magiging pakay sa pamamahay ng mga Lopez, ay agad niyang ipinaalam ito kay John.“Kamusta na pala sila Tito at Tita?”“Aray ko naman… Ako ang andito pero sila ang hinahanap mo.” Pagbibiro nito na ikinairap ng mga mata ni Alex.“Okay lang naman sila. Namimiss ka na nila. Pero mas namiss kita.” Hirit pa ni John.“Tigil-tigilan mo na nga ako sa pagbibiro mo, kuya.” Inis na sambit ni Alex.Tumawa na lamang ang lalaki. Maya-maya pa ay matagal niyang tinitigan si Alex. “Ikaw, kamusta na?” tanong nito.Sa titig pa lang ni John, alam na ni Alex na may alam ang lalaking nasa kanyang harapan ang pinaggagawa ng kapatid nito. “Sa totoo lang… Hindi okay…. Kasi…”“Kasi ano?” Naningkit ang mga matang nakatingin si John kay Alex habang naghihintay ito ng sagot.Humugot ng malalim na hininga ang dalaga. “Alam mo ba na ang kapatid mo ay iniipit ang kompanyang pinagtatrabahuhan ko ngayon?” Tanong nito.Bakas sa lalaki na hindi na ito nagugulat sa sinabi ni Alex. Kaya na
Dahil sa nangyari, hindi na hininitay ni Alex ang isa pang araw at nilapitan na niya si Ezekiel upang maipagbigay alam sa mga boss nito ang nangyayaring crisis sa kompanya.“Sir… Pasensya na po pero kailangan niyo na pong malaman. At alam ko pong kasalanan ko lahat ng ito. Kung hindi dahil sa akin, hindi mag-aalisan ang mga investors sa project na pinahawak mo sa akin.”Ngumiti si Ezekiel at tinapik ang balikat ni Alex upang aluin. “Huwag mong sisihin ang sarili mo. Normal lang ang ganyang bagay sa industriyang ito. Kung nagsialisan sila, ibig sabihin hindi sila para atin. Ipagpatuloy mo lang ang paggawa mo at pagdevelop ng mga bagong ilaw. Makakahanap din tayo ng investors para diyan. At huwag ka magpaapekto sa problema ngayon.”Gumaan ang loob ni Alex sa sinabing pampatibay ng loob ni Ezekiel. Na kahit sa kabila ng pambabatikos ng ibang mga kasamahan niyang nawalan ng tiwala sa kanya, ay may isang taong naniniwala sa kanyang galing at kahusayan sa larangang ito.“Maraming salamat sa
“Para saan kaya ang mga niluto niyang pagkain? Nasobrahan na naman ba siya ng luto kagaya ng sinasabi niya kagabi?” Nagtatakang tanong ni Alex habang naniningkit ang mga mata nitong nakatingin sa pagkain na nakahain sa lamesa.“Aha!” Tila nagkaroon ng bumbilyang umilaw sa ibabaw ng ulo ni Alex nang may naisip na tila ideya.‘Baka naman kaya niya ako nilulutuan niya ako ay balak niyang mag apply na tagluto ko? Ganun na ba siya ka nangangailangan?’ Napanguso si Alex sa kanyang naisip.Tila nakaramdam ng awa si Alex. ‘Di ko siya masisisi. Malayo ang Laguna dito sa Cavite. At araw araw kailangan niyang bumyahe papunta roon, dahil dito ang pinili niyang bahay. Bukod doon, may mga bayarin siya, katulad ng upa sa bahay, tubig at kuryente. Hindi naman gaanong malaki ang sinasahod nila sa kompanya. Kaya kailangan n iya nga ng dagdag na pagkakakitaan. Pero pwede naman niya sabihin iyon sakin. Kung balak niyang maghanap ng extra income, baka pwede ko siyang matulungan.’Umupo si Alex at dinukot
“Bakit? Sino pa ba gusto mong makasama? Hahanap ka ba ng bagong blind date ulit? O di kaya ay babalikan mo si James na ilang beses ka nang sinaktan?”“Brandon!”“Bakit ba ayaw mo sakin? May nagawa ba akong hindi maganda at hindi mo ikinatuwa?” tanong ng lalaki sa kanya.“Ilang beses na akong nagtatapat sayo at seryoso ako doon. At ilang beses mo na din akong tinatanggihan. Sabihin mo sakin kung wala ka talagang nararamdaman, at titigilan na kita.”Kumunot ang noo ni Alex sa pagtataka at pagkalito. Parang kanina lang sinasabi niya ang kanyang nararamdaman sa dalaga. Tapos ngayon ay bigla niyang babawiin.“Oo, nakatira na ako dito at katabi ng bahay mo. Pero ang tanging relasyon lamang natin ay ang magkapit-bahay at walang iba. Masaya ka na?”“...” Hindi nakapagsalita si Alex sa sinabi ni Brandon.‘So wala talaga siyang ibang intensyon na sakin, ngayon?’Nang hindi nakapagsalitang muli si Alex ay nagsalitang muli si Brandon.“Bakit ka nga pala tumawag at bakit mo ako gustong makausap?” t