“Nagpahangin lang ako kagabi.” Nagtaas ang isang kilay ni Cynthia at tiningnan si Alex nang may pagdududa.“Pahangin ng dis-oras ng gabi?” nagdududang tanong ni Cynthia “Nawala kasi ang antok ko kaya naglakad lakad ako kagabi.” Palusot ni Alex.“Naglalakad… O baka naman sekreto kang nakikipagtagpo sa lalaki. Blind date ba yan? Dapat sinama mo ako miss.”Napasapo si Alex sa kanyang noo dahil sa iniisip ni Cynthia. “Taba ng utak mo,” sarkastikong banat ni Alex na ikinangisi ni CYnthia.“Pero seryoso, Miss… Saan ka kagabi?” tanong niyang muli.“Lumabas nga nagpahangin. Hindi talaga ako makatulog kaya naglakad-lakad ako.”“Ahhh…” tumango tango si Cynthia na tila ba naiintindihan niya ang sinabi ni Alex, dahilan upang makahinga ng maluwag ang dalaga.Bumalik na silang muli sa trabaho at iwas pa rin si Alex kay Brandon. Habang abala si Brandon sa pag-aayos sa mga ilaw, nakatulalang napatitig si Alex sa kanya, iniisip ang sinabi ng kaibigan sa text.‘Kung wala, isa lang ang ibig sabihin n
Napapikit na lamang si Alex sa sinabi ni Brandon.“Cynthia!”Nakahinga nang maluwag si Alex nang biglang may tumwag kay Cynthia.“Rose? Anong ginagawa mo dito?” tanong ni Cynthia sa kanyang kakilala.“May business meeting ako dito sa malapit. Ikaw?”“Ah may trabaho din.”“Okay lang ba na makisalo sa lamesa niyo?” tanong nang babaeng nagngangalang Rose.Nag-aalangan namang tumingin si CYnthia kay Brandon at Alex na tila ba nanghihingi ng permiso sa mga kasama.Naging seryosong snabero naman si Brandon na tila ba ayaw niyang pumayag na may ibang babaeng makikihalo sa kanilang lamesa. Kaya walang ibang magawa si Cynthia kundi ang tumayo at magpaalam sa dalawa na lilipat sila ng lamesa. At dahil halos puno ang buong restaurant, sa dulo, malapit sa bintana sila Cynthia naupo, malayo kay Brandon at Alex.Matapos umalis ni Cynthia ay agad na hinampas ni Alex si Brandon.“Bakit ang sungit mo? Natakot ang mga bata sayo.”“Ayoko lang na may ibang tao tayong kasama. Tyaka para masolo rin kita.”
“Ah… It’s nothing. Tungkol lamang sa trabaho.”Pagpapalusot ni Alex. Upang hindi na siya paghinalaan ni Cynthia.Inayos ni Alex ang kaniyang pinagkainan at maayos na iniwan sa lamesa. Kinuha na din niya ang kanyang gamit at handa nang umalis.“Miss,” habol na tawag nito ng iniwan siyang nakaupo sa kanilang kinauupuan kanina.Tumayo agad si Cynthia at hinabol ang kanyang senior.“Hindi nga miss? About work lang ba talaga ang pinag-usapan niyo?” tanong nitong muli ng makahabol kay Alex.“OO nga. Tinatanong niya kung willing ba tayong mag work overtime para sa mga nalalabing araw ng pag-aayos ng mga porblema dito sa park.”Napahinto si Alex at mabigat na ibinagsak ang kanyang paa sa lupa. Ang kaninang nakangiti at maaliwas na awra ay napalitan ng mukhang hindi maipinta. “Grabe naman si Engineer! Ano akala niya sa atin robot na katulad niya?! Wala na siyang awa.” reklamo nito.Itinikom ni Alex ang bibig sa pagpipigil nitong makatawa. Nang makarating sila sa park ay patuloy pa rin ang pagr
“Saan ka pupunta? May lakad ka daw? At nagleave ng two days? Bakit?” Sunod-sunod na tanong ni Alex nang mahabol niya si Brandon bago pa man ito umalis.“Limang araw lang naman talaga ang pasok ah. Masama bang magday off ako? Sobrang tight ng schedule natin dito. Tao lang din naman ako at kailangan ng pahinga.” Sarkastikong tugon ni Brandon.Huminga ng malalim si Alex upang pigilan ang inis niya. ‘At ngayon pa talaga kung kailan maraming gagawin? Dammit.’“TAma ka naman na may karapatan tayong magday off. Pero hindi ba pwedeng mag overtime ka? Tight ang schedule natin oh. Nabanggit ko naman sayo ang deadline at sa susunod na linggo na yun. Hindi ba pwedeng huwag ka muna mag off? Babayaran ka naman ng overtime pay mo.” pakiusap ni Alex.“Hindi importante ang pera sakin. Kailangan din nating magpahinga. Di naman tayo robot. Tyaka kapag makapagpahinga tayo, mas magiging reproductive tayo.”Lumapit si Cynthia sa dalawang nag uusap.“Sir Brandon, kailangan mo po ba talaga magday off ngayon
“Balak mo ba talagang ipangalandakan na magkakilala tayo at yung nangyari kagabi? O panakot mo sakin yan para mapapayag mo ako sa mga gusto mo?” Derechahang tanong ni Alex.“HIndi sa ganun.” sagot ni Brandon nang hindi nakatingin kay Alex.Napakuyom ng kamao si Alex sa inis. Bakas naman sa mga mata ni Brandon na hindi ito makatingin sa kanya at nagsisinungaling lamang siya.“Wala naman talaga akong kilala dito. Kaya kailangan ko ng tulong mo. Anong problema ba doon? Tinulungan naman din kita noon sa Butuan, hindi ba?”‘Nanunumbat lang? So pag hindi pa ako ang tumulong sa kanya, wala na akong utang na loob?’ napasinghal si Alex sa isip. ‘Pero ayoko magkautang sa kanya, kahit utang na loob pa… Kailangan pa ring bayaran iyon.’ kinalma ni Alex ang sarili.“OKay sige. Ano bang maipaglilingkod ko sayo, Engineer Brandon Montenegro? Saan ka magpapasama. At ano ang bibilhin mo na kailangan pa ako ang kasama mo?” tanong nito.“Plano kung maghanap ng bahay rito.” tila nabilaukan si Alex sa saril
Dumarami ang mga tenant na nag-uusisa at nagbibigay ng kanilang opinyon habang abala si Brandon sa pagpihit ng main valve ng tubig. Samantalang si Alex ay nakakuyom ang kamay na nakatitig lamang kay Brandon. Bakas sa kanyang mga mata ang pag-aalala na baka mabasa ang lalaki o di kaya ay mapahamak ang lalaki sa ginagawa.Hindi niya aakalaing walang kaarte arte at walang pag aalinlangang humiga si Brandon sa lupa kahit na alam niyang madudumihan siya. Naglalabasan na din ang mga ugat nito sa kamay, leeg at maging ang mukha ay namumula na dahil sa tigas ng pinipihit. Ngunit di parin ito umikot. Ipinahinga ni Brandon ang kanyang kamay bago muling pinigilan ang paghinga at pinihit muli ang valve.“Iho… Di mo yan maiikot. Marami nang sumubok na gumawa niyan pero wala paring nakapagpaikot dyam. Huwag ka na mag aksaya pa ng lakas.” sabat ng isang matandang dalaga na residente din ng apartment na iyon.“Brandon. Tama na yan. Hahanap na lamang ako ng gagawa.” nag aalalang sambit ni Alex.Matapo
Sumasakit talaga ang ulo ni Alex sa problema sa kanyang bahay ngayon. Para sa kanya, tila mas madaling ayusin ang problema sa amusement park kesa harapin ang problema sa bahay niya.“Wala ka bang tiwala sakin?” tanong ni Brandon na nagpabalik mula sa malalim na pag-iisip ni Alex.“Hindi naman sa ganoon…” dumapo ang tingin ni Alex sa maduming puting t-shirt ni Brandon at basang pantalon. Maging ang sapatos na suot nito ay basa na rin.Tila naman naawa siya sa binata.“Magagawa ko ito agad. Huwag ka mag-alala.” sagot ni Brandon.Ngumiti ang lalaki habang hinaplos ni Brandon ng bahagya ang kanyang ulo. Tila may kung anong init sa pakiramdam ng gawin iyon ni Brandon sa kanya. Malayong-malayo mula kay James.‘Bakit kay James hindi ko naranasan ang mga ito? At bakit sa kanya ko lang ito nararanasan? Sino ka ba, Brandon? Bakit ginugulo mo ang puso ko?’Nagtagpo ang mga mata nila, kaya agad na nag-iwas ng tingin si Alex. Muli ay bumilis ang tibok ng kanyang puso kaya agad itong umalis at bini
Biglang tulak ni Alex kay Brandon. Mabuti na lamang at lumuwag na din ang pagkakakapit ni Brandon sa kanya. Nagmamadali namang tumakbo si Alex papunta sa sala, hindi alam kung ano ang gagawin.‘Bakit ako tumakbo?’ takhang tanong sa sarili.“Bahay ba ito dati ng mga magulang mo?” nagulat si Alex nang biglang nagsalitang muli si Brandon, na tila ba walang nangyari kanina.“Oo,” sagot ni Alex.Inilibot ni Brandon ang tingin sa kabuuan ng unit at napansin ang mga award, certificates, at pictures ni Alex kasama ng kanyang mga magulang noong bata pa siya.Napako ang tingin ni Brandon sa isang litrato ng isang buo at masayang pamilya. Ang mga magulang ay nakayakap na tila ba prinoprotektahan nila ang batang nasa gitna, nakatirintas ang buhok, kulay pula ang suot na dress, at itim ang boots. Nagniningning ang mga mata ng batang nakangiti.“Wala pa rin pinagbago ang mukha mo mula noon hanggang ngayon.” Anas ni Brandon.“Matalino ka din pala noong bata ka,” ani ni Brandon habang tinitingnan isa
Tila naikot na ni Alex ang buong kama ng kanyang mga magulang dahil hindi ito makatulog. Nakakaramdam si Alex ng kaba at panatag na kalooban ngayong may ibang tao sa kanyang bahay at si Brandon pa iyon. Kahit na alam niyang ligtas siya kay Brandon at wala itong gagawing masama sa kanya ay naninibago pa rin siya. Ngayon pa lamang nagkaroon ng ibang tao sa kanyang bahay at ang pakiramdam na iyon ay pamilyar sa kanya.Dahan-dahang lumapit si Alex sa dingding upang pakinggan kung natutulog na si Brandon. Ngunit nakarinig siya ng mga yabag sa paa. Kaya minabuti niyang humiga na lamang ulit siya sa kama. Kahit paano ay nakaramdam si Alex ng saya sa kanyang puso, dahil naalala niya noong panahong bata pa lamang siya at naririnig niya ang mga yabag mula sa labas nagaling sa kanyang mga magulang habang siya ay nasa loob ng kwarto.Pinapakinggan lamang ni Alex ang mga yabag o ang bawat kilos ni Brandon hanggang sa di niya namalayang nakatulog na rin siya. Nagising si Alex ng hating gabi nang ma
“Alex,” tawag ni Brandon sa kanya kasabay ang mahigpit na pagyakap sa nanginginig na katawan ng dalaga.“Ligtas ka na,” Saad nito nang maramdaman niya ang pagtulo ng luha ni Laex sa kanyang balikat na ikinabasa ng kanyang suot na damit.“Kaya mo bang tumayo?” Sa panglalambot ng katawan, umiling si Alex bilang sagot.“Akin na ang susi.” inilahad ni Brandon ang kanyang kamay upang hingiin ang susi sa bahay ng dalaga, na agad naman binigay ni Alex.Matapos mabuksan ang pinto ay binalikan siya ni Brandon at walang pag alinlangang binuhat ito na tila ba bagong kasal sila. Hindi naman nagprotesta pa si Alex dahil wala na din siyang lakas na makipagpalitan ng salita rito. Nang makapasok sa bahay ay pinaupo siya agad ni Brandon sa upuan sa kanyang sala at binuksan ang ilaw ng bahay. Kinuhaan din siya ng malamig na tubig na inilagay ni Brandon sa baso at pinainom kay Alex.“Salamat.” saad ni Alex matapos nitong makainom ng tubi at kumalma sa nangyari.Ito ang pangalawang beses na may taong gust
‘Pupunta ba ako o hindi?’ Yan ang tanong na sumasagi sa isipan ni Alex matapos nilang mag usap ni Mary Anne, ina ni James.Nagliwanag ang kanyang mga mata nang makitang tumunog ang kanyang telepono at si Grace ang tumatawag dito.“Hello… Salamat at tumawag ka.” Tila nabunutan ng tinik si Alex sa pagtawag ng kaibigan.Habang nasa loob ng taxi, napansin niya ang isang bazaar malapit sa kanyang lugar.“Teka lang ah,” paalam niya kay Grace bago kinalabit ang drayber ng taxi.“Manong, dito na lamang po ako.” Saad nito at saka huminto ang sinasakyang taxi. Nagbayad siya, bumaba, at muling kinausap ang kaibigan sa telepono.“Hello,”“Oh, saan kaba? Hindi ka pa ba nakarating sa bahay mo?” Tanong ni Grace.“Traffic sa Cavitex,” saad ni Alex.“Dito na ko malapit saamin, may dinaanan lamang akong bazaar. Bagong bukas.” Dagdag nito.“Ahh..”“Ay, Grace… Tumawag si Tita Mary Anne.”“Mama ni James? Oh… Ano sabi?” Tanong ng kaibigan.“Kaarawan na kasi ni Tito Anthony sa susunod na linggo… At gusto niy
Kulay dilaw ang kanyang buhok at asul ang kanyang mga mata, ngunit sa pakiwari ni Alex ay hindi ito banyaga. Kaya naningkit ang kanyang mga matang nakatingin sa lalaking ngayon ay kanyang kahrap.“May problema ba?” tanong ng lalaki nang mapansin ang pgtitig ni Alex sa kanya.“Pinoy ka naman hindi ba? Totoo bang asul ang mga mata mo?” Walang prenong tanong ni Alex na nagpatawa sa lalaki.“Oo. Mestiso lang ako pero contact lens ko lang yan. Sabi kasi nila bagay daw sakin ang asul na mga mata. Kaya madalas na napagkakamalan akong banyaga. Bakit? Akala mo ba may lahi akong amerikano?” tanong nito na agad ikinaiking ni Alex.“Hindi. Hindi kasi matangos ang ilong mo- I mean… Matangos ang ilong mo. Don’t get me wrong. Pero di gaya ng mga banyaga na pointed… kumbaga matulis ang ilong nila.” Paliwanag ni Alex na nagpatango sa lalaki.“That make sense.” ngumiti ito sabay higop ng kape sa kanyang tasa.Tumikhim naman si Alex. “Hindi na ako magpaligoy-ligoy pa.” Umpisa ng dalaga na nakakuha ng ate
Bumuntong hininga si Alex “At…” ‘Sa totoo lang gusto kita. Gusto na kita. Kaso natatakot ako. Natatakot akong masaktan muli. O baka masaktan kita. Naguguluhan ako sa sarili ko ngayon.’ Gustong sabihin ni Alex ang lahat ng iyon. Ngunit alam niya rin sa sariling hindi pa siya handang pumasok sa isang relasyon. “At ano?” tanong ni Brandon. Umiiling si Alex at napangiti “Wala.” tanging sambit niya. “At gusto din kita.” Nanlaki ang mata ni Alex sa sinabi ni Brandon na tila ba nababasa nito ang sinabi niya sa kanyang isip. Tila nang init ang kanyang pisngi at bumilis ang pagtibok ng kanyang puso. “A-anong sinasabi mo diyan?” Nauutal nitong tanong at agad na nanag alis ng tingin. Pakiramdam ni Alex ay nag-iinit ang kanyang pisngi sa hiya. Tumikhim si Alex bago muling magsalita matapos ang ilang minutong katahimikan sa pagitan nilang dalawa. “So, ano? Pumapayag ka na bang maging pekeng boyfriend ko?” tanong ni Alex kay Brandon. “Hindi.” Napaguso si Alex kasabay ang pag-irap nito sa
“Hindi na ako nakainom ngayon. Pwede ka bang makausap na?” Palakad lakad si Alex sa kanyang sala, habang mahigpit na hinahawakan ang kanyang telepono at naghihintay ng reply mula kay Brandon. Ngunit kalahating oras na ang lumipas at wala pa ring mensahe mula sa lalaki.‘Marahil ay nasa trabaho pa siya.’Kinansela na rin ni Alex ang kanyang pakikipagkita sa kanyang kablind date ng tanghali at pinakiusapang alas sais na lamang ng gabi sila magkita. Mabut at pumayag ang lalaking kanyang kausap. Maya-maya pa ay nakatanggap siya ng mensahe mula kay Brandon, na agad niyang ikinaalerto.Bumilis ang tibok ng kanyang puso nang mabasa ang nakarehistrong pangalan na nagpadala ng mensahe sa kanya.“Marami pa akong ginagawa. Gusto mo pumunta ka dito sa site. Nasa open field ako.”Ang open field na area ay kung saan nila nilagyan ng espesyal na lugar ang mga magkasintahan na balak isiwalat ang kanilang nararamdaman. Mas tinatawag nila itong Confession Park. Napapaligiran iyon ng iba’t-ibang uri ng
Nanginginig ang buong kalamnan ni Alex sa galit niya kay James. Gayunpaman, palingon-lingon siya sa paligid upang masiguradong hindi na nga siya sinundan pa ni James. Nakahinga ng maluwag si Alex nang mapansing wala na nga si James. Pumasok siya sa kanyang bahay at siniguradong naka doble ang siradura ng kanyang pinto.Nang makapagbihis ay umupo si Alex sa kahoy na upuan sa kaniyang sala, ipinatong ang kanyang mga paa rito at niyakap ng mahigpit. Ikinulong ang mukha sa pagitan ng kanyang mga tuhod at tahimik na tumutulo ang kanyang mga luha. “Kailan pa ba ako lulubayan ng lalaking iyon?” tanong niya sa sarili.Nag angat siya ng ulo nang marinig na tumunog ang kanyang telepono. Agad niya itong kinuha mula sa lamesa at tiningnan ang mensahe. ‘Pwede ba tayong magkita bukas?’ tanong ng lalaking kanyang nakapalitan ng mensahe sa isang dating app.“Okay.” tanging sagot niya.‘Huling iyak ko na sana ito para sa lalaking iyon.’ Pangako ni Alex sa sarili.Napagpasyahan niyang matulog na upang
“Alex,” Marahas na napabintong hininga si Alex nang marinig ang pamilyar na boses na ayaw niya na sanang marinig.Nilingon niya ang laaki. “Bakit ka andito? Paano mo nalamang andito ako? Naiiritang tanong ni Alex. Nakakunot ang noo nito at mahigpit na hinawakan ang kanyang telepono, handa sa kung ano man ang gagawing paghakbang ng lalaki.“Bakit di ka pumunta sa Laguna?” pabalik na tanong ni James.Hahakbang pa sana siya palapit kay Alex ngunit pinigilan siya nito.“Isang hakbang mo pa. Hindi ako magdadalawang isip na tumawag ng pulis para ireport ka.”“Alex… Seryoso ako. Ikaw lamang ang babaeng papakasalan ko at gusto kong makasama habang buhay. Sana paniwalaan mo iyon.”Umiiling- iling na natatawa si Alex sa nasambit ni James, na tila ba may nakakatawa sa sinabi nito.“Talaga ba? Nanawa ka na ba sa pakikipaglaro mong bahay-bahayan at tatay-tatayan kay Ivy at sa magiging anak nito, kaya ka lumalapit sa akin ngayon?” Mapang-asar na tanong ni Alex.“Maniwala ka man o sa hindi… Si Ivy,
Ilang minuto ding tahimik ang kabilang linya. Kaya muling nagsalita si Alex upang magpaliwanag.“Ganito kasi yon… Ahm… Magpapanggap ka lang naman na nobyo ko lalo na kapag kailangan kita. Magpanggap lang naman… Hindi totoo.”Napahigit ng hininga si Alex sa paghihintay na sumagot ang lalaki. Ngunit bumagsak ang kanyang balikat ng iba ang sinagot nito matapos ang dalawang minutong katahimikan.“Nakainom ka ba?” Tanong ni Brandon na tila seryoso na din sa kabilang linya.“Hindi na mahalaga pa iyon. Sagutin mo na lang ang tanong ko kung payag ka o hindi.”“Saan ka? Sa labas ka ba?” Tanong muli ni Brandon.“Wala na sayo kung nasa labas ako-” naputol ang kanyang sasabihin ng hablutin ni Grace ang kanyang telepono at siya ang sumagot sa tanong ni Brandon.“Andito siya sa bahay ko. At kami lang dalawa ang magkasama kaya huwag kang mag-alala.” Pagpapaalam ni Grace sa kanya bago binalik ang telepono kay Alex.Tila naman nabunutan ng tinik ang lalaki ng makumpirmang nasa maayos na kalagayan ang