Sumasakit talaga ang ulo ni Alex sa problema sa kanyang bahay ngayon. Para sa kanya, tila mas madaling ayusin ang problema sa amusement park kesa harapin ang problema sa bahay niya.“Wala ka bang tiwala sakin?” tanong ni Brandon na nagpabalik mula sa malalim na pag-iisip ni Alex.“Hindi naman sa ganoon…” dumapo ang tingin ni Alex sa maduming puting t-shirt ni Brandon at basang pantalon. Maging ang sapatos na suot nito ay basa na rin.Tila naman naawa siya sa binata.“Magagawa ko ito agad. Huwag ka mag-alala.” sagot ni Brandon.Ngumiti ang lalaki habang hinaplos ni Brandon ng bahagya ang kanyang ulo. Tila may kung anong init sa pakiramdam ng gawin iyon ni Brandon sa kanya. Malayong-malayo mula kay James.‘Bakit kay James hindi ko naranasan ang mga ito? At bakit sa kanya ko lang ito nararanasan? Sino ka ba, Brandon? Bakit ginugulo mo ang puso ko?’Nagtagpo ang mga mata nila, kaya agad na nag-iwas ng tingin si Alex. Muli ay bumilis ang tibok ng kanyang puso kaya agad itong umalis at bini
Biglang tulak ni Alex kay Brandon. Mabuti na lamang at lumuwag na din ang pagkakakapit ni Brandon sa kanya. Nagmamadali namang tumakbo si Alex papunta sa sala, hindi alam kung ano ang gagawin.‘Bakit ako tumakbo?’ takhang tanong sa sarili.“Bahay ba ito dati ng mga magulang mo?” nagulat si Alex nang biglang nagsalitang muli si Brandon, na tila ba walang nangyari kanina.“Oo,” sagot ni Alex.Inilibot ni Brandon ang tingin sa kabuuan ng unit at napansin ang mga award, certificates, at pictures ni Alex kasama ng kanyang mga magulang noong bata pa siya.Napako ang tingin ni Brandon sa isang litrato ng isang buo at masayang pamilya. Ang mga magulang ay nakayakap na tila ba prinoprotektahan nila ang batang nasa gitna, nakatirintas ang buhok, kulay pula ang suot na dress, at itim ang boots. Nagniningning ang mga mata ng batang nakangiti.“Wala pa rin pinagbago ang mukha mo mula noon hanggang ngayon.” Anas ni Brandon.“Matalino ka din pala noong bata ka,” ani ni Brandon habang tinitingnan isa
“S-sorry,” anas ni Alex nang mapansin ang basang balikat ni Brandon dahil sa pamunas na ginamit ni Alex sa braso ng binata.Agad naman niyang tinanggal ang kanyang kamay na may hawak na pamunas sa ibabaw ng balikat ni Brandon.“Matagal ka na bang nakatira sa Butuan?” tanong ni Alex na ikinatango ni Brandon.“Oo. Simula pa nung bata pa ako.” Doon kami nakatira ng magulang ko.” sagot niya na ikinagulat ni Alex.“Talaga?” hindi makapaniwalang tanong ni Alex.Napansin naman ni Alex ang peklat ni Brandon sa bandang kamay nito nang iniabot ni Brandon sa kanya ang tuyong face towel.“Napaano iyan?” tukoy ni Alex sa peklat na pahaba ang hiwa.“Ito?” tinignan ni Brandon ang kanyang kamay. “Nasugatan ako noong may tinulungan akong bata na natinik ng halaman. Natumba ako at tumama sa matalas na bolo,” sagot ni Brandon.Napasinghap naman si Alex sa narinig. ‘HIndi kaya siya talaga iyong bata na napapanaginipan ko?’ tanong ni Alex sa sarili.‘Matagal tagal ko na di siyang kilala ngunit ngayon ko l
Mula sa di kalayuan, nakatayo ang isang babaeng may hawak na tray ng pagkain. Malaki na ang umbok ng kanyang tiyan. Ilang saglit pa lamang ay lumapit ito sa lamesa nila Alex.“Alex,” bati nito.“Andito ka din pala. What a coincidence!” sabi niya ngunit ang kanyang mga mata ay nakapako sa lalaking kaharap ni Alex at walang pakialam na kumakain ng kanyang pagkain.‘Mga kabit nga naman sa panahong ito, wala nang hiya-hiya sa katawan. Saan kaya niya nakuha ang balat niya at may gana pang makipagbatian sakin?’ singhal ni Alex sa kanyang isip.Hindi talaga matatawaran ang kagwapuhang taglay ni Brandon. Lahat ng kababaihan ay hahanga talaga sa kanyang kagwapuhan. Kaya hindi masisisi ni Alex kung hindi mawala wala ang paninigin ni Ivy kay Brandon.“Ay oo naman. Restaurant to eh. At andito kami para kumain. Ganun ka din naman hindi ba?” sarkastikong tanong ni Alex na ikinahilaw ng mukha ni Ivy.Hindi pa rin nawala ang tingin ni Ivy kay Brandon, na hindi naman tumitingin sa kanya.‘Wala dito si
“You deserve someone who will love and not hurt you,” napatulala si Alex sa sinabi ni Brandon.“Kaya huwag ka ng umiyak.” dagdag nito at bahagyang ngumiti sa kanya.‘Tama siya. Kailangan ko ngayon ay kapayapaan. Ano man ang nangyayari ngayon sa dalawa ay hindi ko na dapat pag-abalahan pa.’ sabi niya sa isip.Ngumiti si Alex kay Brandon. “Salamat,” saad niya ng ibigay ni Brandon ang panyo nito. Muling tumingin si Alex sa kanila ni James at sa pagkakataong iyon ay nagtama ang kanilang mga tingin. Ngunit agad naman nagbawi si Alex nang mapansing kinuha ni Brandon mula sa kanyang kamay ang helmet na hawak niya at isinuot iyon sa kanya.“Gusto mo ba ng milk tea?” tanong nito.Tumango na lamang si Alex, bago sumakay sa motor ni Brandon. Nakarating sila sa isang sikat na milktea shop di kalayuan sa restaurant na kanilang kinainan.‘Siguro naman di na sila pupunta dito.’ sabi ni Alex sa isip.Ngunit napanganga na lamang siya nang makita ang sasakiyan ni James na nakaparada sa labas ng milk tea
Huminto sila Alex sa harap ng motor ni Brandon nang magkahawak ang kanilang mga kamay. Napatingin sila pareho sa knanilang magkalingkis na kamay at tila ba napapasong binitawan ni Alex ang kamay ni Brandon.“Sorry,” saad ni Alex.Kinapa ni Alex ang kanyang bulsa upang hanapin ang kanyang cellphone. Ngunit naalala niyang naiwan ito sa lamesa sa loob ng milk tea shop.“Balik muna ako sa loob. Naiwan ko ang phone ko.” sabi ni Alex.Pipigilan na sana siya ni Brandon, ngunit mabilis itong bumalik sa loob. Kinuha ni Alex ang kanyang phone at pumunta sa banyo upang magbanyo. Sa kanyang paglabas ay nagulat siya nang may isang kamay ang humawak sa braso niya. Mahigpit ito kaya napapiksi siya sa sakit.“Ano ba bitawan mo nga ako!” inis na singhal ni Alex.Nagngingit ngit naman sa galit si James. Ang kanyang mga mata ay nanlilisik na tila ba lalamunin niya ng buhay si Alex.“Ano sa tingin mo ang ginagawa mo?” tanong nito kay Alex.Naguguluhang tinignan ni Alex si James sa mata.“Ano bang pinagsa
Habang sila ay nasa byahe, nadaanan nila Alex at daan papunta sa building ng kompanya nina James. At naalala ni Alex na may naiwan siyang papeles doon. Kinalabit ni Alex si Brandon.“Okay lang banag dumaan muna tayo saglit sa kompanya? May kukunin lang akong papeles.” sabi nito.Tumango si Brandon at ipinarada ang motor sa harap ng mataas na building.“Saglit lang ako,” saad ni Alex at nagmadaling pumasok sa loob ng kompanya.Nakarating si Alex sa sixteenth floor at wala nang tao roon. Madilim na rin ang paligid dahil gabi na din at nagsiuwian na ang empleyado. Agad na nagtungo sa kanyang desk at binuksan ang ilaw ng kanyang phone upang mahanap ang papeles na itinago niya sa kanyang drawer.Lalabas na sana siya ng makita niya ang kanyang hinahanap… Ngunit nakarinig siya ng mga yabag at pamilyar na mga boses na nag-uusap.“James, mahal mo pa si Alex, hindi ba?” tanong ni Ivy.“Oo, at siya pa rin ang fiance ko.” sagot ni James na ikinasinghap ni Alex.‘Mahal niya ako?’ hindi makapaniwala
Madilim ang paligid at ang tanging may ilaw lamang sa loob ay ang parte kung saan ang wine bar, ang sumalubong kay Alex pagkapasok niya sa Pub.“Sarado po ang Pub- Alex,” bati sa kanya ng isa sa may ari ng Pub na si Pablo, isang bading na entrepeneur. Dalawa sila ng kanyang partner ang nagmamay ari ng bar na ito.Nagulat man ay natuwa ito sa pagbisita ng kaibigan. “Nice to see you here. Bakit napadalaw ka?” tanong ni Pablo.Mapait na ngumiti si Alex. “Sarado pala kayo?” tanong ni Alex.“Oo, pero para sa iyo, bubuksan ko ang bar ko.” ngiting sambit ni Pablo sa kanya.“Isang tequila ako.” sabi ni Alex sabay upo sa high chair sa harap ng wine bar. Inilapag niya sa counter top ang kanyang cellphone.Nag-aalalangang tiningnan ni Pablo si Alex. “Sure ka? Eh, hindi ba at mahina kang uminom? Usually cocktail drinks ka lang.”“Gusto kong mag inom ngayon.” ngiting sambit ni Alex.“Are you okay?” tanong ng nag-aalalang kaibigan.Tumango si Alex bilang sagot.Naghanda si Pablo ng tequila drinks p
Ilang minuto silang tahimik dalawa habang binabaybay ang daanan patungo sa kanilang patutunguhan. At dahil sa dilim ng paligid, hindi namalayan ni Brandon ang tumatawid na aso sa kalsada. Kaya naman sa gulat nito, ay ikinabig niya ang manibela sa kabilang linya, dahilan upang makasalubong nila ang isang malaking trak na papalapit sa kanila.“Ahhh!!!” Sigaw ni Alex na agad nagpikit ng mata sa takot na sila ay mababangga. Ang kabang naramdaman ni Alex ay halos humiwalay ang kanyang kaluluwa sa kanyang katawan.Ngunit kalmado lamang ang nagmamanehong si Brandon, na agad iniliko ang minamanehong sasakyan pabalik sa dating linya. Agad na itinabi ni Brandon ang kotse at nilingon ang nakapikit at mahigpit na nakakapit sa kanyang seatbelt na si Alex.“Alex… Okay ka lang ba?” Nag-aalalang tanong nito.Doon lamang napagtanto ni Alex na sila ay ligtas at hindi napahamak sa kalsada. Nakahinga siya ng maluwag at agad na tinanggal ang suot na seat belt upang mayakap si Brandon. Naramdaman na lamang
Napaawang ang bibig ni Alex at hindi makapaniwalang tiningnan si Brandon.Lalalabas na sana sila ng bahay nang huminto si Alex at binawi ang kanyang kamay mula sa pagkakahawak ni Brandon.“Ganyan ka ba sa lahat ng babae?”Napalingon si Brandon kasabay ang pagkunot ng noo nito? “Hah?” nagtatakang tanong ni Brandon.“I mean… Hindi mo lang siguro napapansin, at naiintindihan ko naman na lalaki ka at nagiging maginoo ka sa lahat ng babae. Pero ganyan ka ba sa lahat ng nakakasalamuha mo na mga babae?”Tila nagugulumihanan pa rin si Brandon sa mga nangyayari. Hindi niya alam kung saan patungo ang tanong ni Alex. “Anong ibig mong sabihin?” tanong ni Brandon.“Yung ganito… Aasikasuhin ako… Papayag ka na maging nobyo ko kahit pagpapanggap lamang ang lahat ng ito. Iyong aalagaan ako. Sinisigurado mong nakakain na ko, at ngayon… H-hinahawakan ang kamay ko. Ganyan ka ba sa iba?” Tanong ni Alex na tila naguguluhan na din sa kanyang nararamdaman. Bumibilis ang tibok ng kanyang puso sa tuwing nakakas
Natapos ang kanilang usapan nang mapansin ni Alex ang orasan na nakasabit sa pader ng kaniyang bahay.“Alas siyete na pala. Kailangan ko nang mag-ayos.” Palusot ni Alex sa kanyang kausap.“Okay, miss. Ingat po sa lakad mo. Enjoy mo nalang ang party. Huwag mo na pansinin si Boss James. He-he.” Natatawang sambit ni Cynthia.Natawa na lamang din si Alex sa sinabi sa kanya ng kausap. “Sige na. Babay na.” saad nito bago pinatay ang tawag.Saktong pagpindot nito ng end button sa kaniyang selpon, ay narinig naman nito ang pagbukas ng pinto mula sa katabing pintuan.‘Kararating lang ni Brandon… Mauuna na lang siguro ako. Message ko nalang siya na magkita na lamang kami sa entrance ng hotel.’ Sabi ni Alex sa sarili.Lumabas si Alex at napansing, nakaawang ng bahagya ang pintuan ng bahay ni Brandon.‘Ano ba itong lalaking ito… Bakit di niya man lang sinarado ang bahay niya. Tapos na din kaya siya? Sinuot na kaya niya ang binili kong damit para sa kanya?’ MAraming katanungang pumapasok sa isipa
“Lalo na kapag andito si boss… Naku! Manggigil ka sa sobrang pagkalambot niya… Nasobrahan sa pagkakapakulo sa kaniya. Alam mo yun!!! Kaunting kilos… Kunwari mahihimatay… Tapos itong si Boss James naman… Todo alalay sa kanya. Para bang pinaparamdam niya sa mga tao dito na anak ni Boss James ang dinadala niya.” Dagdag ni Cynthia.“Malay natin. Baka nga.” Sagot ni Alex.“Talaga ba?!” Tila nagulat si Cynthia sa sinabi ni Alex. “Kung talagang anak nga iyon ni Boss James… Ibig sabihin.. Matagal ka na nga palang niloloko ni Boss?”Bumuntong hininga si Alex sa kabilang linya.“Pero miss… Kung talagang anak ni Boss James ang ipinagbubuntis niya… Sa ugali niya, malamang ipangangalandakan niya iyon. At hndi siya magmamalaki, dahil nilokoko ka nila. Pero hindi eh… Lagi niya sinasabi sakin na may utang na loob daw siya sayo. At malaki daw iyon.” dagdag ni Alex.Napakamot ng sintido si Alex sa narinig mula kay Cynthia.“Nasa kanya na iyon… Siguro naman alam niya kung sino ang nakabuntis sa kanya. A
Hindi nakapagsalita si Ivy na naiwang nakanganga ang bibig, habang nakatingin kay Alex na papalayo ng boutique. Hanggang sa mapagtanto niyang hindi siya nakaganti ng salita sa babae.“Grrr!!!” Nagngitngit sa galit si Ivy na ngayo’y masama na ang titig kay Alex.“Pakibilisan ng pagbalot!” Naiiritang pasigaw na utos ni Ivy sa mga staff ng boutique.‘May araw ka din sa akin, Alex.’ sabi niya sa isip.***Salamantala… Habang si Alex ay naglalakad palabas ng mall… Napansin niyang tumunog ang kanyang telepono. Nang makita niya kung sino ang tumatawag, ay agad niyang sinagot.“Hello,”“Hello… Nakalimutan ko palang itanong… Anong oras pala mamaya at saang lugar?”“Sa hotel ng mga Lopez. Alas otso ng gabi.” Sagot ni Alex kay Brandon sa kabilang linya.“May kailangan ba akong dalhin?” tanong ni Brandon.Napatingin si Alex sa dala niyang bagong binili na pangreregalo sa magdiriwang ng kaarawan.“Hindi na kailangan. Nakabili na rin ako.” Sagot ni Alex.“Sige… Susunduin na lamang kita ng alas siye
Bumalik si Alex sa mall, at napagdesisyunang pumunta sa isang luxury brand ng mga aksesoryang panlalaki. At naisipan niyang bilhan ng cufflinks si Anthony Lopez. Alam niyang mahilig itong magsuot ng mga tuxedo at iba pang suits at isa sa mga aksesorya niya ang cufflinks.Lumapit si Alex sa babasaging estante kung saan mayroong nakalatag na cufflinks na may iba’t ibang desenyo.“Magandang araw po. Ano pong maitutulong ko? Ano pong hinahanap niyo?” Tanong ng isang sales staff nang may magiliw na ngiting iginawad sa kanya.Ngumiti din si Alex bilang ganti. “May bagong designs kayo ng cufflinks?” Tanong ni Alex.“Pwede ko bang malaman para kanino ang cufflinks?”“Para sa tito ko.” sagot ni Alex.Tumango ang sales staff at umalis ito. Sa kanyang pagbalik, kasama na nito ang kanilang manager na may hawak na cufflinks na nakasilid sa nakabukas na kahon na tila ba ingat na ingat. May dala rin ang sales staff na kausap ni Alex. Ngunit ang kumuh ng kanyang atensyon ay ang cufflinks na hawak ng
‘Wala akong dapat na ikatakot. At pawang mga katotohanan ang sinabi ko bukod sa balitang magnobyo kami. Dahil lahat ng ito ay nangyari sa amin ni Brandon. At mas kapani-paniwala ang aming relasyon kung ito ang sasabihin ko.’ Sabi ni Alex sa sarili.Ang kaninang mahigpit na pagkakahawak sa braso ni Alex ay unti-unting lumuwag. Ngunit mariing tinitigan parin ng lalaki si Alex at tinatya kung ito nga ba ay nagsasabi ng totoo. Ngunit nang mapagtantong totoo nga ang mga sinabi ni Alex, tuluyan na siyang binitawan ni John. Yumuko ito upang hindi mapansin ng dalaga ang malungkot nitong mga mata. Ngunit pansin naman sa kanyang katawan ang panginginig, dahilan upang mapakunot ng noo si Alex at pilit na titigan si John sa kanyang mata.Namumula ang mga ito, at tila ba ay maiiyak na. Naglalabasan na din ang mga ugat sa kanyang noo, dala ng pagpipigil ng kanina pang gustong sumabog na emosyon.Sakit, pagkadismaya, at pagsisi… Pagkadismaya dahil kung bakit palagi na lamang siyang nahuhuli… Pagsisi
“Nobyo ko, kuya. Boyfriend ko in english.” Sarkastiko nitong pag-uulit sa sinabi.Tila nanigas si John sa pasabog na balita ni Alex, dahilan upang hindi ito agad makapagsalita.Alam ni Alex na maigiging ganito ang reaksyon ni John. Lingid sa kanyang kaalaman na may gusto ito sa kanya at sinabi niya iyon noon. Bakas sa mukha ni John ang sakit ng malaman niya iyon. Ngunit para kay Alex, makabubuti na ito upang tigilan na siya ni John, James at ng kanilang ina sa pagpupumilit sa kanya at magising sila sa katotohanang ayaw na niya.“S-sino siya?” Nauutal nitong tanong na tila ba hindi pa rin makapaniwala sa balitang pinasabog ni Alex.“Si Brandon,” Agad nitong sagot.Ang kaninang hindi maipintang mukha ni John ay mas lalong kumunot.“Alex…”“Tama ang pagkakarinig mo, Kuya. Si Brandon Montenegro.” Pag-uulit ni Alex.“Pero…”“Kuya John, naiintindihan ko ang gusto mong sabihin. Pero hindi ako nakikipagbiruan pagdating sa relasyon. Masaya ako sa piling niya ngayon. Sana masaya din kayo para sa
Nang maalala ni Alex ang kanyang magiging pakay sa pamamahay ng mga Lopez, ay agad niyang ipinaalam ito kay John.“Kamusta na pala sila Tito at Tita?”“Aray ko naman… Ako ang andito pero sila ang hinahanap mo.” Pagbibiro nito na ikinairap ng mga mata ni Alex.“Okay lang naman sila. Namimiss ka na nila. Pero mas namiss kita.” Hirit pa ni John.“Tigil-tigilan mo na nga ako sa pagbibiro mo, kuya.” Inis na sambit ni Alex.Tumawa na lamang ang lalaki. Maya-maya pa ay matagal niyang tinitigan si Alex. “Ikaw, kamusta na?” tanong nito.Sa titig pa lang ni John, alam na ni Alex na may alam ang lalaking nasa kanyang harapan ang pinaggagawa ng kapatid nito. “Sa totoo lang… Hindi okay…. Kasi…”“Kasi ano?” Naningkit ang mga matang nakatingin si John kay Alex habang naghihintay ito ng sagot.Humugot ng malalim na hininga ang dalaga. “Alam mo ba na ang kapatid mo ay iniipit ang kompanyang pinagtatrabahuhan ko ngayon?” Tanong nito.Bakas sa lalaki na hindi na ito nagugulat sa sinabi ni Alex. Kaya na