“Sir, kung ano man po ang gusto niyong sabihin, sabihin niyo na at marami pa po kaming ginagawa dito.”“Sino yun?” tanong ni James.Napakunot naman sa noo si Alex sa pagtataka kung sino ang tinutukoy niya.“Huh?”“Yung lalaki kanina. Sino iyon?”“Si Engineer Brandon Montenegro, head of electrical engineering ng pinagbilhan natin ng mga ilaw. Sila iyong mga umaayos ng ilaw na may problema ngayon. Sinama na nila sa pagcheck ang mga linya ng kuryenteng nakakonekta sa mga rides at iba pa.”“Iyan lang ba ang itatanong mo?”“No,” sagot ni James na nakakunot na ang noo.“Ano pa po?” tanong ni Alex.“Wala akong pakialam kung ayaw mo nang magpakasal sakin. At wala din akong pakialam kung may lalandiin kang ibang lalaki. Pero utang na loob, huwag naman si Timothy. Parang kapatid na ang turing ko doon. Kung kating-kati ka maghanap ng iba. Edi maghanap ka!”Ikinuyom ni Alex ang kanyang mga kamao sa pagpipigil na masampal ang lalaki at makagawa ng eskandalo sa oras ng trabaho. Huminga siya ng mala
“Ate, dumating na ba si James?” Tanong ni Alex sa kanilang kasambahay na pumasok sa kanyang kwarto upang maglinis ng kanyang kwarto.“Ah, si Sir James po? Opo kasama po niya ang kanyang best friend na sir Timothy. Nasa terrace po sila ngayon nag-uusap.”Nagliwanag ang kanyang mga mata sa sinabi ng kanilang kasambahay, kaya di na nag atubili pa si Alex at dali-daling pumunta sa kusina para maghanda ng makakain at maiinom sina James at Timothy. Tulak-tulak ang tray na de-gulong, huminto si Alex sa harap ng pintuan patungo sa balcony kung saan nag-uusap ang dalawang magkaibigan. Mula sa isang maliit na siwang ng pinto, dinig ni Alex ang pinag-uusapan ng dalawang magkaibigan.“Bro, aminin mo nga sa akin. May nangyari na ba sa inyo ni Alex?” Nakakalokong tanong ni Timothy sa kanyang kaibigan na si James.Parehas na nakatalikod na nakatayo paharap sa magandang view ng city ang dalawang lalaki kaya ay hindi makita ni Alex ang reaksyon ni James sa sinabi ng kanyang kaibigan. Samantalang si A
Hindi umimik si Alex ngunit tahimik na tumulo ang kanyang luha lalo na ng sabihan siya ni Timothy na, “you deserve someone better. Yung taong mamahalin ka ng walang pag aalinlangan” Bago umalis ang kaibigan ay bahagya pa nitong tinapik ang kanyang balikat.Dahil sa mga narinig, nakaramdam ng stress ang dalaga, dahilan upang sumakit ang kanyang tyan. Dali-dali siyang bumalik sa kanyang kwarto at uminom ng gamot. Umupo si Alex sa dulo ng kanyang kama, nanatiling nakatulala, sinusubukang iabsorb ang mga narinig. Muli niyang kinuha ang maliit na stick na may dalawang pulang linya.‘Tama… Itatago ko muna sa kanya ito.’ Bulong niya sa sarili habang nakatitig sa hawak hawak na pregnancy kit.Agad na itinago ni Alex ang kit nang makarinig ng katok mula sa kanyang pinto.“Bukas yan.” Sagot niya sa kung sino man ang kumatok.Bahagyang nabigla si Alex sa di inaasahang bisita na pumasok sa kanyang kwarto. Ngunit kalaunan ang pagkabigla ay napalitan ng kaseryosohan at may bahid ng pait at sakit sa
Tulala na nakatingin sa kawalan si Alex habang nakaupo sa kanyang office chair. Sa harapan niya ay ang mga nakatambak na files na kailangan niya pirmahan for approval, nang di niya napansing dumating si James.“Alex,”Makailang tawag ang binata ngunit di parin siya naririnig nito hanggang katukin ni James ang kanyang lamesa.“Oh. Kanina ka pa?” Tanong ni Alex at nagpatuloy na siya sa kanyang ginagawa.“Iniisip mo parin ba ang mga narinig mo kahapon?” Hindi sumagot si Alex na tila ba walang naririnig sa sinabi ng lalaki. Narinig na lamang ni Alex ang pagbuntong hininga nito.“How about we’ll have some dinner later?” Suhestiyon ni James Ngunit di parin kumikibo si Alex. Napahilamos si James sa kanyang mukha gamit ang mga palad sa inis na di siya kinikibo ng dalaga. “Bakit di ka nagsasalita?” May gigil sa galit ang tono ng pananalita ni James na ikinaangat ng tingin ni Alex sa fiance.“James… Bakit di nalang natin itu-”Naputol ang usapan nila ng biglang magring ang cellphone ni James
“Mga lalaki nga naman kung may makitang masarap at nakakatakam na dessert, iiwanan nila ang paborito nilang pagkain.”Sa sinabi ni Grace sa halip na makagaan ng kanyang nararamdaman ay mas lalong umusbong ang sakit na nararamdaman ni Alex. Tinignan niya ang slice ng chocolate cake sa kanyang harapan. ‘Dessert’Nang mapansin ni Grace ang pagtamlay ni Alex, bigla siyang naguilty sa sinabi.“I’m sorry. I didn’t mean it. Nakakainis kasi iyang fiance mo. Matapos ka niyang buntisin, ganun pa ang maririnig mo sa kanya. Kakagigil talaga.” Marahas na hiniwa ni Grace ang steak na nasa kanyang plato na para bang iniimagine niya na si James iyon.“Huwag ka ngang OA diyan. Kung makareact naman to kala mo siya ang fiance.” Pabirong nagrolyo pa ng mga mata si Alex sa kaibigan na ikinatawa nila parehas.“Oo nga pala. Sorry naman.” Nag-peace sign si Grace sabay ngiti na kita ang buong ngipin sa harap. Kahit na mas matanda si Grace ay tila mas bata pa ito mag-isip kapag magkasama silang magkaibigan.“P
“Excuse me po. Kayo po ba ang guardian ni Oliver Perez?” Tanning ng isang pulis.“Ay opo ako po si Ivy Sanchez. Kapatid ko nga po itong batang to.”Sagot ni Ivy sabay batok sa nakababatang kapatid.“Ano na naman ang ginawa mo?” Pagsesermon niya.“Iyan ate. Siya yung nag attempt ng hipuan ako.” Sagot ni Oliver sabay turo kay Alex.Di makapaniwalang tinuro ni Alex ang sarili. “Ako?! Hoy, Bata kanina ka pa! Sinabi ngang aksidente lang lahat ng iyon.” Depensa ni Alex.“Totoo po ang sinasabi ni Ms. Bautista. We checked the CCTV footage at isang malaking misunderstanding lang po ito. Kaya lamang po ay nagcause ng abala ang kapatid niya at pwede po siyang kasuhan ni Ms. Bautista kung gugustuhin niya pong magsampa ng kaso, maiiwan ang kapatid mo dito. Sa edad po niya ay pwede na po siyang makulong. Pero tingin ko na po ay magkakilala po kayo, pag-usapan niyo nalang po at magkasundo.” Pagpapaliwanag ng pulis.“Okay na po. Di kami magrereklamo,” sabat ni James na ikinagulat ni Alex.‘Seryoso? Ni
‘Businessman si James at kayang niyang maghandle ng kahit na anong problema na pinagdadaanan ng kompanya. Pero ito lang ang unang beses na makita ko siyang takot na takot.’Nababakas sa mga mata ni James ang takot at pagkataranta, ni hindi niya na isip si Alexa na kanina ay nasaktan din mula sa pagkakabangga sa nguso ng kotse nila. Bakit ganoon na lamang ang pag-aalala niya kay Ivy?Hindi na namalayan ni Alex ang pagbuhat ni James kay Ivy papasok ng kotse.“Oliver pumasok ka na rin ng kotse. Doon ka sa kabilang pinto dumaan.” Utos ni James sa kapatid ni Ivy bago nilingon ang nakatulalang fiance.“Alex, ikaw na magmaneho.” Utos ni James na ikinalingon ni Alex.Nakita niyang nakasandal ang babae sa balikat ni James na ni minsan di niya magawa kahit noong nagkasakit siya. Tila ba may tumusok sa kanyang dibdib. ‘Kung saamin kaya ng anak niya nangyari ang lahat ng ito, ganito din kaya ang reaksyon niya?’ Tanong niya sa isip.“Alex!” sigaw ni James na nagpabalik sa kanya mula sa malalim na
Nakahinga ng maluwag si Alex sa narinig, na tila ba siya ay nabunutan ng tinik sa lalamunan.“Bago pa man mamatay si Bryan, ibinilin na niya sakin si Ivy.”Dalawang buwan na ang nakalipas mula nang pumanaw ang kaibigan ni James. At hanggang ngayon dala-dala pa rin sa puso ni James ang guilt na nararamdaman. Naalala ni Alex noong araw ng aksidente. Umuwi si James na magulo ang buhok, gusot gusot ang suot na long sleeves, ang necktie ay hindi na nakatali ng maayos sa kanyang leeg. Nagmukha siyang madungis na kumawala mula sa mga umabosong sindikato.‘Gaano ba kalalim ang relasyon nilang magkaibigan na pati ang asawa nito ay ihinabilin sa fiance ko? I get it. Naiintindihan ko ang unang isang buwan na dadamayan niya ang asawa ng kaibigan niya. Pero hindi ba at sobra na din ang pag-aasikaso niya to the point na aalis siya kahit madaling araw para puntahan ang babaeng ito?’ Tanong ni Alex.Ganoon pa man ay ipinagsawalang bahala na lamang ni Alex ang mga naganap. ‘Marahil nga ay ginagawa la
“Sir, kung ano man po ang gusto niyong sabihin, sabihin niyo na at marami pa po kaming ginagawa dito.”“Sino yun?” tanong ni James.Napakunot naman sa noo si Alex sa pagtataka kung sino ang tinutukoy niya.“Huh?”“Yung lalaki kanina. Sino iyon?”“Si Engineer Brandon Montenegro, head of electrical engineering ng pinagbilhan natin ng mga ilaw. Sila iyong mga umaayos ng ilaw na may problema ngayon. Sinama na nila sa pagcheck ang mga linya ng kuryenteng nakakonekta sa mga rides at iba pa.”“Iyan lang ba ang itatanong mo?”“No,” sagot ni James na nakakunot na ang noo.“Ano pa po?” tanong ni Alex.“Wala akong pakialam kung ayaw mo nang magpakasal sakin. At wala din akong pakialam kung may lalandiin kang ibang lalaki. Pero utang na loob, huwag naman si Timothy. Parang kapatid na ang turing ko doon. Kung kating-kati ka maghanap ng iba. Edi maghanap ka!”Ikinuyom ni Alex ang kanyang mga kamao sa pagpipigil na masampal ang lalaki at makagawa ng eskandalo sa oras ng trabaho. Huminga siya ng mala
Ligtas na nakarating si Alex sa kanyang trabaho kahit na biglang nagpreno ang kanyang kaibigan habang sila ay bumabyahe. Matapos ang pag-uusap ni Alex at Grace ay napabalik na ito agad sa Manila matapos makatanggap ng emergency call mula sa ospital.Pagkarating sa trabaho ay agad na nagpunta si Alex sa pantry upang doon kumuha ng maiinom na tubig Kailangan ni Alex na uminom ng maraming tubig upang di siya madehydrate. Sinamahan na din niya ng pagbili ng sandwich. Papabalik si Alex sa guards house nang mapansing nagsisimula nang magtrabaho si Brandon kahit na alas-otso pa lamang ang oras ng pasok nila at mag-aalas siyete pa lamang ng umaga ang oras. Agad na dumapo ang tingin ni Alex sa hawak niyang sandwich at isang litrong tubig.‘Nag-almusal na kaya siya? Ang aga naman niya magsimula magtrabaho, samantalang ako nag-aalmusal pa lang.’ Napabuntong hininga ang dalaga. ‘Kung hahayaan ko lamang isyang maunang magtrabaho baka sabihin niyang incompetent ako.’Muling ibinaling ni Alex ang ti
‘Hindi niya ako inadd sa SocMed dahil sa work… Pero para tanungin ako kung pwede ako ligawan. Sa tingin niya ano magiging reaksyon ko kapaga makita ko siya? Awkward yun. Ano na ang gagawin ko ngayon? I can’t help but think about what he had just sent me.’Nakatulalang nakatingin lamang si Alex kay Brandon matapos nitong bumati. Napangiti na lamang si Brandon sa reaksyon ni Alex. Pinatunog ni Brandon ang kanyang mga daliri (snap!) upang mabalik mula sa malalim na pag-iisip si Alex.“Hey. Ganyan ba ako kagwapo sa paningin mo at natutulala ka na lamang dyan?” pagbibiro niya.Napairap na lamang si Alex sa sinambit ng lalaki.“Tss. Hindi ka gwapo, ano!” Indenial na sagot ni Alex.“Oh baka iniisip mo hanggang ngayon ang sinabi ko.”Biglang namula ang pisngi ni Alex at hindi na makatingin ng derecho kay Brandon. “H-hindi ah! A-alam ko naman na nagbibiro ka lamang.” pagtanggi niya na mas lalong ikinatawa ni Brandon.“Huwag ka mag-alala. I won’t pressure you. Take your time, at hayaan mo ako
Hindi na nakakapagtaka kung iaadd siya ni Brandon dahil magkakilala naman sila at ngayon ay magkatrabaho pa. At mas convenient kung pati sa socmed ay pwede siyang mareach-out nito in case na hindi niya dala ang kanyang phone. Naalala ni Alex na i-save ang numero ni Brandon para sa future transactions or communication nila. At nagreply muna si Alex sa kaibigan, at hindi niya muna naaccept ang friend request ni Brandon.“Mamaya ko na siya iaaccept. Baka isipin pa niyang mabilis ko siyang iaccept as friend sa socmed.” bulong niya.To Grace: Naging busy ako, girl. May ikekwento ako sayo pala. Gising ka pa?Ilang minuto na ang nakalipas ngunit wala pa rin siyang natatanggap na reply mula sa kaibigan.“Baka pagod na iyon at nakatulog na.”Muli rin niyang binuksan ang mensahe ni John.To John: Naku kuya! Sorry. Medyo busy pa ako sa amusement park. Wala pa ako ngayon sa maynila. Siguro mga after namin ito matapos, saka tayo mamamasyal. Itotour kita.Nagulat naman si Alex nang magreply agad si
“Ako ito. Labas ka muna saglit at pumunta sa room ko.” ‘Ano kayang kailangan niya? Bakit niya ako pinapapunta sa kanyang room?’ Sumilip si Alex sa gawi ng banyo kung saan naliligo si Cynthia.‘Hindi naman siguro iyon lalabas agad ano? Bibilisan ko nalang ang pagpunta.’ Sabi ni Alex sa sarili.Nagmadaling magbihis si Alex at magsuklay. Hindi na niya binlower ang buhok dahil baka magtatagal pa siya at mahuhuli siya ni Cynthia na pumunta sa kabilang kwarto.Dahan-dahan siyang lumabas at kumatok sa katapat na pintuan kung saan ang kwarto ni Brandon. Agad naman itong binuksan ng binata at hinatak siya papasok ng bahay, dahilan upang mabigla si Alex.“Wait-” Hindi na makapagsalit si Alex ng pinaupo siya ni Brandon.“Kamusta na ang tagiliran mo? Masakit ba? Nagkapasa ba?May sugat ba?” sunod-sunod na tanong ni Brandon.“Hmmm… Medyo?” sagot ni Alex.“Bakit mo pala ako pinapapunta dito?” tanong ni Alex.“Saan pa ang masakit? May sugat ka pa ba sa ibang parte ng katawan mo? Yung paa mo, natap
Lumapit na si Brandon sa kanila. Kalmado na ang mga matang tumingin kay Alex si Brandon.“Tara na,” saad nito.At tila ba natural na sa kanya na bitbitin ang dalang gamit ni Alex. Kinuha niya ang laptop ni Alex na ikinagulat muli ng dalawang dalaga.“Ako na.” habol ni Alex at pilit kinukuha ang laptop na nakasilid sa bag nito.“Mukha ka kasing nabibigatan sa bag mo kanina. Kaya kinuha ko na.” sabi niya at lihim pang kumindat sa dalaga.“???” tila naman di nakapagsalita na si Alex at hindi nalang kinuha ang bag. ‘At bakit may pagkindat?’ tanong niya na lamang sa sarili. ‘Gusto niya bang malaman ni Cynthia na magkakilala kami?’ di mapakali si Alex sa kanyang iniisip. ‘Paano kung makahalata si Cynthia? Naku walang kamatayang pag-usisa nito,’“Ah. Mabigat din ang bag ko.” pag-iinarte ni Cynthia, pero sinamaan ito ng tingin ni Alex.“Tumigil ka na nakakahiya sa kanya.” pagsaway ni Alex, na ikinanguso na lamang ni Cynthia.Nasa loob na sila ng elevator at kating-kati si Alex na magtanong ku
Yakap ni Brandon si Alex sa baywang habang nasa ibabaw niya si Alex na nakatulalang nakatingin kay Cynthia na bagong dating. Ilang segundo pa ang itinagal at nagsalita na si Brandon.Ilang beses pang napapapikit si Cynthia sa nasaksihan niya. Parehas na lamang nakatulalang nakatingin si Cynthia at Engr. Narvaez sa dalawang magkapatong na nakahiga sa sahig.“Miss Bautista,” mahina ngunit malamig ang boses ni Brandon na tila ba naiinis sa nangyari.“Alex,” pag-uulit na bulong ni Brandon. At doon na lamang napagtanto ni Alex na nasa ibabaw parin siya ni Brandon.“S-sorry,” Nauutal niyang paghingi ng paumanhin saka nagmamadaling tumayo at nagpagpag ng kanyang damit.Tumayo na din si Brandon. Bakas sa kanyang mukha ang pagkadisgusto sa nangyayari. Hindi dahil kay Alex kundi dahil naaksidente si Alex dahil sa kableng nakaharang at sa hindi pagiging maingat ng dalaga sa kanyang paglalakad dahilan upang siya ay madisgrasya.Palipat-lipat naman ang tingin ni Cynthia na tila ba hindi pa rin mak
“May iba ka pang tanong?” Napabalik mula sa malalim na pag-iisip si Alex nang magsalita si Brandon.“Huh? Ah- eh… Wala naman na.” sagot niya.‘Itigil mo na ang pag iisip ng mga makamundong kasalanan.’ Paalala ni Alex sa sarili.“Siya nga pala… Huwag mong ipapaalam sa iba na magkakilala tayo.” Pakiusap ni Alex.“At bakit? Ikinakahiya mo ba na magkakilala tayo?” Tanong ni Brandon na nagpatahimik kay Alex.‘Bakit nga ba? Wala namang masama kung malaman nilang magkakilala kami. Pero knowing Cynthia, ang daming tanong at baka lagyan pa ng kulay ng iba.’Tumingala si Alex upang makita ang mga mata ni Brandon, na ngayon ay madilim na at mukhang apektado sa pakiusap niya. Umiiling si Alex at nagbawi ng tingin. “Hindi sa ganoon. Ayoko lang maapektuhan ang trabaho natin. At ayoko lang bigyan ng kulay ng iba.”“Oohhh…” Bahagyang nagsalubong ang kilay ni Alex sa reaksyon ng binata.‘Oh? Anong ibig sabihin nun?’ Pagtataka niyang tanong sa sarili.Hindi na muling nagtanong si Alex. Matatanda na sil
‘May pa alok alok pa siya na magdate kami, na totohanin namin ang sinabi ko kay Frixie noon na ikakasal kami. Tapos ngayon malalaman ko may girlfriend na siya?!’ Hindi maipinta ang mukha ni Alex na tila ba pwede nang sabitan ng kaldera sa haba ng kanyang nguso at pang-iismid nito habang nakatalikod kay Brandon.‘O di kaya ay baka nakahanap siya agad ng babae pumayag na mapangasawa siya. Hindi naman imposibleng makahanap siya agad. Ngayon pa nga lang na kahit hindi niya ialok ang sarili ay kusa na ang mga babae ang lalapit sa kanya. Well, it’s a good thing dahil di na ako mahihirapan humarap sa kanya. Di na ako ma-aakward. Akala ko pa naman mahihirapan ako na kausapin siya dahil nakaraan na iyon at may iba na siya.’ Biglang nagbago ang mood ni Alex na kung kanina ay nakabusangot, ngayon naman ay tila nabunutan siya ng tinik.Masayang tumayo si Alex at itinapon ang packed lunch na hindi niya naubos, sa basurahan. Maya-maya naman ay lumapit sa kanya si Cynthia na tila natalo sa pustahan.