Pagkaalis kina Sabrina ay dinala agad ni Adrian si Anne sa hospital para mabigyan ng pangunahing lunas dahil sa pamamaga ng pisngi nitong pinadapuan ni Sabrina ng malutong na mag-asawang sampal. Hinatid din niya ito sa kanilang bahay para makapagpahinga. Pagdating sa sariling bahay ay agad din niyang tinawagan ito para siguraduhing nagpapahinga na pero heto at nasa harapan na niya ang dalaga. Deretos ito sa loob ng kanyang bahay dahil may sarili itong susi mabuti na lamang at kakatapos lang nila ni Sabrina nng ilang rounds nang kumatok ito sa pinto.“Kuya Adrian, dito ako matulog, pwede?” nakanguso itong nakiusap kay Adrian at humakbang papasok sa loob. Siya namang paggalaw ni Sabrina na nakatalukbong ng comforter. Nakaharap si Anne kay Adrian kaya hindi niya nakita ang paglabas ng ulo ni Sabrina mula sa ilalim ng makapal na kumot. Pasekretong sumenyas dito si Adrian kaya muli itong nagtago doon. Nahiling naman ni Adrian na sana hindi gagawa ng gulo si Sabrina dahil hindi niya alam k
Kinabukasan, maagang nagising si Sabrina. Ipinangako niya kay Aling Milagros na sasamahan niya ang mga itong umuwi sa probinsiya sa lugar kung saan naninirahan ang kanyang mga lola at lolo. Nagising siyang nakaunan sa braso ni Adrian, at ang isa nitong braso ay nakadantay sa kanyang katawan. Napangiti ng mapait si Sabrina nang makita ang kanilang posisyon. Kung sana lang ay nagkakamabutihan sila sa ngalan ng pagmamahal pero hindi kaya may halong lungkot ang sayang naramdaman ni Sabrina sa pagkakaunan sa braso ng binata. Dahan-dahan niyang inalis ang bisig nitong nakadantay sa kanyang katawan at akmang babangon na nang ibinalik ni Adrian ang braso sa pagkakadantay sa kanyang katawan.“Saan ka pupunta?” tanong nitong pikit pa rin ang mga mata.“Uuwi na!”“Bakit, pinayagan na ba kita?”Napangisi si Sabrina at marahang pinitik ang noo ni Adrian. “Professor Reyes, nakalimutan mo yatang may bisita kang prinsesa sa kabilang silid. Gusto mo bang magising siya na wala ka sa silid mo at hahanap
Iniinda ni Sabrina ang sakit ng kanyang balakang. Nangngingitngit pa rin siya para kay Adrian dahil sa pagtulak nito sa kanya na dahilan para sumakit lalo ang kanyang balakang. Sumasakit na nga dahil sa pagiging wild nito sa kama lalo pa itong nadagdagan dahil sa pagkakahulog.Masakit man ang balakang kailangang ipag-drive ni Sabrina ang mga magulang pauwi ng probinsya dahil hindi pa kaya ni Mang Arnulfo na magkikilos llao na sa pagmamaneho ng sasakyan.Walang nagawa si Sabrina kundi tiisin ang sakit. Dumaan naman siya sa doktor at binigyan lamang siya ng pain reliever na saglit lang huhupa ang sakit at babalik na naman kapag nawala na ang epekto ng gamot.Pagdating sa bahay ng kanyang tiyuhin ay agad ipinarada ni Sabrina ang sasakyan\. Tinulungang bumaba ang kanyang mga magulang. Nagtakbuhan palapit ang kanilang kamag-anakan para kumustahin ang kanilang pagbabalik. Simula kasi na nasa syudad na sila ay bihira na silang umuuwi dahil busy siya sa trabaho at hindi rin bassta maiwan ng Pa
“Adrian?!” bulalas ni Sabrina nang mamukhaan ang lalaki. At bago pa siya makapagtanong kung sino ang kasama ng binata sa lugar ng pamilya nila ay bumangon na sa pagkakahiga ang babaeng kasama nito. “Sabrina, hanggang ba dito sinusundan mo kami?” mataray ang pagkakatanong ni Anne sa kanya kaya napataas ang kanyang kilay na nagwika;“Excuse me, nauna ako dito at isa pa lugar namin ‘to. At sino ka para susundan ko?” mataray ding tugon ni Sabrina.“Kuya Adrian. . .” pabebeng reklamo ni Anne. Tumulis ang nguso nito na parang batang nagmamaktol. “Huwag mong pansinin ang mga taong hindi mo kilala. Magpahinga ka na.” pigil ni Adrian kay Anne nang nagsumbong itong parang bata sa kanya. Nakanguso na akala mo’y puwet ng manok sa tulis.Napaismid naman si Sabrina dahil sinuyo naman ito ni Adrian na akala mo’y anak lang si Anne kung lambingin nito. “Sabrina, tumigil ka na!” Saway ni Adrian sa kanya na parang kasalanan pa niyang nandoon siya at nagkatagpo silang tatlo.Pinili na lamang ni Sabrin
“You said that because you are thinking nobody is taking care of you. Akala mo dahil sinaktan ka ng isang lalaki, lahat na dinamay mo na akala mo ay wala ng nag-aalala sa ‘yo. Tama ba ako, Sabrina?” panunuya ni Adrian sa dalaga.Hindi na tumugon si Sabrina, pinaikot na lang ang matang tinalikuran ang dalawa. Si Anne naman ay walang mahagilap na salita para isingit sa sagutan nina Adrian at Sabrina kaya napapatingin na lamang siya sa dalawa.Nauna man sa ospital si Sabrina ay halos magkasunod lang sila ni Anne na lumabas ng ospital. Dalawang bote ang naubos ni Sabrina at isa naman kay Anne. Nauna itong lumabas na inalalayan ni Adrian at si Sabrina naman ay kasalukuyan pang tinatanggal ng nurse ang karayom na nakakabit sa kanya.Hirap pa rin si Sabrina sa paglalakad dahil masakit pa rin ang kanyang balakang pero kahit dahan-dahan ay pinilit niyang maglakad para makarating sa sakayan ng bus. Hawak ang balakang na paliko si Sabrina sa pasilyo nang biglang may kumabig sa kanya at sumalikop
Pagkatapos maihatid si Anne ay bumyahe na ulit sina Adrian pabalik para ihatid si Sabrina. Gabi na kaya hindi makita ni Sabrina kung nasaan na sila banda. Iniisip niya nag mga magulang na tiyak ay nag-aalala na sa kanya.“Twenty minutes lang ang biyahe mula sa ospital pauwi sa bahay ng tiyahin ko eh, bakit ka pa kasi lumayo? Kung sana ako ang una mong hinatid,” reklamo ni Sabrina sa backseat ng sasakyan.“Ito pabalik na nga tayo, ‘di ba?” sagot ni Adrian na hindi man lang sinulayapan ang dalagang nasa likuran.Pinili na lamang ni Sabrina na muling humiga sa upuan ng sasakyan. Pagkalipas ng mahigit isang oras ay muli siyang nagising at nagulat na nasa kahabaan pa rin sila ng kalsada at naglalakbay na parang walang direksyon. “Nandito pa rin tayo sa kalsada?” tanong niya kay Adrian habang kinusot-kusot ang mata para tuluyan na siyang magising.“Masyado ng malalim ang gabi. Bukas na lang kita ihahatid. Hindi ko na matandaan ang mga dinaanan natin eh,” wika na Adrian na parang wala lang
Kinabukasan, nagising si Sabrina sa tindi ng sikat ng araw na tumatama sa kanyang mukha mula sa siwang ng kurtina. Napabalikwas siya ng bangon at napatingin sa orasan. Ika-sampu na ng umaga. Inikot niya ang tingin sa kabuuan ng silid pero ni kaluskos ay walang bakas na nandoon si Adrian kagaya ng pangako nitong babalikan siya para ihatid sa bahay ng kanyang tiyahin. Napabagsak ni Sabrina ang sarili pabalik sa kama dahil sa sobrang inis. Umuwi si Sabrina sakay ng taxi. Matagal din bago siya nakakuha ng masakyan dahil sa dami ng pasahero. Bago pa man nag-antay ng masakyan ay dumaan na siya sa malapit na botica para bumili ng gamot para hindi magbunga ang ginawa nila ni Adrian. Ayaw ni Adrian na gumamit ng proteksyon kaya si sabrina na ang bumibili para sa sarili. Itinapon niya rin ang nurse uniform na pinasuot sa kanya ng nakaraang gabi para walang makakaalam ng kanyang pinaggagawa.“Mabuti naman at naalala mo pang umuwi.!” May galit na salubong ni Arnulfo sa anak nang dumating ito. Ka
Hello?” “Nasaan ka?” tanong ng nasa kabilang linya. “Bakit mo naman naitanong?” balik tanong ni Sabrina na medyo napasimangot. “Galit ka ba?” “At bakit naman ako magagalit?” nakaramdam man ng galit ay saglit lamang iyon kay Sabrina. Ayaw niyang sirain ang mood niya o awra niya para lang magalit sa mga taong hindi naman siya pinapahalagahan. “Bakit hindi ka bumalik ng ospital. Hindi ba’t kailangan mo pa ng isa?” Sasagot na sana si Sabrina nang marinig ang kasama ni Adrian. “Kuya Adrian, tikman mo ‘to oh, ako ang may gawa nito,” boses ni Anne na papalapit. Hindi na nagtagal pa si Sabrina at pinutol na ang tawag. Wala rin naman siyang balak sabihin kay Adrian kung nasaan siya at kung bakit hindi siya bumalik ng ospital kaninang umaga. Paubos na ang laman ng bote ng gamot kaya pumunta si Sabrina sa nurse station para ipatanggal na ang karayom na nakakabit sa kanya. Kaunti ang tao sa ospital dahil hapon na kaya napabilis ang lahat kay Sabrina. “Ang pogi nong kaibigan mo saka asika
“Bakit nandito ka?”Parehong napalingon sina Sabrina at Anne nang marinig ang boses ni Adrian. Basa pa ang buhok nito at tanging tuwalya lamang ang nakatakip sa pang-ibabang bahagi ng kanyang katawan. Naka-expose ang dibdib nito kaya’t kitang-kita ni Sabrina ang mga bakas ng kanyang kalmot noong nakaraang gabi. Nagtataka man kung bakit naligo ang binata gayong hindi naman ito naliligo sa umaga maliban lamang kung nagsiping silang dalawa. Sa isip niya baka may ginawa ito at si Anne pero kung titingnan ang katawan ni Adrian wala naman itong bakas pero siya na rin ang nakaisip na baka naging gentle ang binata sa dalaga dahil nga kung tutuusin mas mahalaga ito kumpara sa kanya na girlfriend nito. Sabagay, sa salita lang ang pagiging magkasintahan namin wala ng iba kaya hindi na nakapagtataka kung wala akong halaga sa kanya.“Sabrina, kung wala kang kailangan, makakaalis ka na at aalis pa kami papuntang paaralan,” wika ni Adrian na nakaputol sa iniisip ni Sabrina.“P’wede ka bang lumabas
Hindi nagtagal si Adrian sa bahay ni Sabrina dahil naghihintay si Anne sa kanya. Pagkaalis niya ay tinawagan ni Sabrina si Seth para klaruhin dito ang kinaroroonan ng kanyang kapatid.“Isa itong maliit na town sa U.S. at kailangan mong puntahan doon para may panahon kang hanapin siya. Pero sobrang strikto ang pagpasok sa bansa nila kaya kailanganin mo ng koneksyon para makakuha kaagad ng visa,” saad ni Seth nang tanungin ni Sabrina.“P’wedeng ibigay mo na lang ang address sa ‘kin,” hiling ni Sabrina kay Seth.Pagkatapos ng kanilang usapan ni Seth ay napaupo si Sabrina at napaisip kung ano ang mga gagawin para makita ang kanyang kapatid. Malalim siyang nag-iisip nang biglang pumasok sa kanyang isipan si Adrian. Nabanggit kasi nito na lalabas siya ng bansa para sa isang seminar. Nais niyang tawagan ito para kausapin pero malalim na ang gabi kaya isinantabi niya muna ito.Dalawang taon na ang nakaraan mula ng mawala ang kapatid ni Sabrina sa ibang bansa. Lahat ng kaya niyang gawin ay gin
Parehong napatingin sa pinanggalingan ng boses sina Sabrina at Seth. mula sa lilim ng isang puno kung saan madaanan papasok ay dahan-dahang lumabas si Adrian. Napakunot ang noo ng dalaga kung bakit nandoon ang binata. Bakit kaya siya nandito? Hindi ba natuloy si Anne na matulog siya bahay niya? O kung nandoon man ito hindi ba siya nag-aalala na iniwanan niya itong mag-isa?“Makaalis ka na Seth. Narinig mo naman ang sinabi ni Sabrina, ‘di ba?” wika ni Adrian nang makalapit sa dalawa sabay hapit nito sa beywang ni Sabrina.Parang walang narinig si Seth na kinuha pa nito ang kamay ni Sabrina at parang ipinagpilitan ang sarili. “Sabrina, may nakakita na sa kapatid mong nawawala sa U.S.,” saad nito.Nakuha naman agad ang interes ng dalaga kaya kumalas ito sa pagkakahawak ni Adrian at humakbang para lumapit pa kay Seth. Naiwang nakasimangot si Adrian. Madilim ang mukha nitong tinitigan si Seth.“Totoo ba ang sinasabi mo, Seth? Saan at kailan nakita ang kapatid ko? Sino ang nakakita?” niyuy
“Nais ko lang malamn mo Adrian, kung ano man ang problema mo kay Anne, wala akong kinalaman doon. May pagkukulang siya. Hindi siya nag-aral o nag-review kaya hindi siya pumasa. Kung kapatid o girlfriend man ang turing mo sa kanya, wala akong pakialam kasi isa siya estranghero para sa akin. Hindi kami magkaano-ano, so kung ano man ang nararamdaman mo ngayon, choice mo ýan. Kung galit ka sa akin dahil sa nangyari iyan sa kanya mas nakabubuting maghiwalay na lang tayo. Ibigay mo lang ang hinihingi kong mga gamot at hindi na kita aabalahin pa.”Tila napipilan si Adrian dahil sa mga sinabi ni Sabrina. Hindi niya nagawang sumagot sa mga sinabi ng dalaga. Hindi niya lubos-maiisp na masasabi nito ang mga iyon. Tumayo na lamang siya at kinuha ang isang kumot at lumabas ng kwarto.Makalipas ang ilang minuto ay naramdaman ni Sabrina na bumukas ulit ang pinto pero hindi siya nag-abalang tingnan ito. Nagkunwari siyang natutulog na pero hindi inaasahan ang sumunod na ginawa ni Adrian. Sumampa ito s
“Adrian, tuma—Hindi na naituloy ni Sabrina ang nais sabihin dahil sinakop na ng nag-aalab na mga labi ni Adrian ang kanyang mga malarosas at malambot na mga labi. Ramdam ni Sabrina ang pananabik mula sa binata dahil sa init ng mga halik nito at katawan. Wala ng nagawa pa ang dalaga kundi hayaan si Adrian na angkinin siya. Kahit kasi tatanggi siya ipagpilitan pa rin ng binata ang gusto. Hindi nga lang nito ipinagpilitan noong hindi pa magaling ang mga sugat na natamo dahil sa pagkapaso.“Adrian, dahan-dahan naman. Ano ba?” reklamo ni Sabrina nang nasasaktan na siya sa pagiging agresibo ng binata.“I’m sorry. Sabik lang ako sa ‘yo Sabrina.” muli nitong inangkin ang mga labi ng dalaga habang binilisan ang bawat galaw.Hindi naman magawang gantihan ni Sabrina ang bawat galaw ng bintana dahil pakiramdam niya ay pagod na pagod siya at inaantok. Ilang gabi rin kasi siyang napupuyat sa kakaasikaso kkay Adrian kaya siguro naubos ang kanyang lakas hanggang sa gumaling na nga ito.Matagal din b
Natahimik si Adrian dahil sa pabalang na sagot ni Sabrina. Naitikom niya ang mga bibig dahil sa panggigigil sa dalaga. Humanda ka kapag magaling na ako, Sabrina. Sa isip ni Adrian. “Hindi ako komportable kapag yuyuko. Alam mo namang kapag yuyuko ako eh magagalaw itong dibdib ko. Kakaumpisa palang na pumutok ang mga blisters kaya sariwa pa at masakit,” katwiran niya sa dalaga. Marahas namang napabuntonghininga ang dalaga na muling kinuha ang bimbo at tumalungko sa harapan ni Adrian para ituloy ang pagpunas dito. “Napapagod ka na ba sa pag-aalaga sa ‘kin?” “Sa tingin mo andito pa ako ngayon kung napapagod na ako?” Pamimilosopo ni Sabrina. Hindi na muling nagsalita pa si Adrian dahil nakaisip ng kalokohan. Mabilis niyang hinawakan ang kamay ng dalaga at dinala sa kanyang pagkalalaki na nababalot ng kanyang panloob. Saglit na napatigil ang dalaga dahil sa pagkagulat pero agad din namang binawi ang kamay habang masakit na tiningnan si Adrian. “Umayos ka kung gusto mong alagaan pa ki
Nakauwi na lahat ng bisita ni Adrian maliban kay Anne pero hindi pa rin bumabalik si Sabrina. Labis na ipinagtataka ni Adrian dahil kung hinintay lang nito ang inorder na pagkain, sigurado siyang dumating na ito kanina pa. “Anne, hindi ka ba uuwi?” Baling nito kay Anne na nakaupo sa tapat ng kanyang inuupuan at nagbabasa. “Hindi po, Kuya. Gusto kitang bantayan at alagaan dito,” tugon naman ng dalaga na umangat ang tingin mula sa binabasang aklat. “Pero may pasok ka. Hindi ka p’wedeng lumiban sa klase at ma-miss mo ang lessons ko. Remember, this is your last chance to pass para makapagtapos,” pagpapaalala ni Adrian. “Pero kuya, you need someone to take care of you here. That woman left you. Ang sabi niya saglit lang siya but, where she is now? Hindi na bumalik. If she’s concern about you, hindi ka niya iiwan dito,” giit pa ni Anne na may bahid ng inis para kay Sabrina. “It’s okay! I can manage. Ikaw, kailangan mong pumasok,” pagtanggi ni Adrian. Napahugot ng malalim na hininga su
Kapwa natigilan sina Sabrina at Anne nang buksan ng una ang pinto. Hindi inaasahan ni Sabrina ang mga bisita. Hindi lang kasi si Anne ang nasa labas kundi sampu ng mga kaklase nito sa klase nila kay Adrian. Lahat ito ay may mga dala-dalang bulaklak at basket ng mga prutas.“Are you just going to stand there? You’re not going to let us in?” Si Anne ang unang nakabawi ng pagkagulat. Umatras si Sabrina para bigyang daan sila sa pagpasok. “Tuloy kayo at maupo. Ta—Hindi pa tapos si Sabrina sa pagsasalita ay nagsipasok na ang mga ito at dinaanan lamang ang sala. Dire-diretso ang mga ito patungo sa silid ni Adrian kaya dali-daling isinara ni Sabrina ang pintuan at planong harangan ang mga ito pero agad na nabuksan ni Anne ang pinto at tumambad sa kanila ang topless na si Adrian na nakaupo sa gilid ng kama nito. Kakapahid lang kasi ni Sabrina ng gamot sa mga sugat nito nang marinig nilang may tao sa labas.“Pasensiya na kayo pero p’wede niyo siyang hintayim sa sala. Kakatapos niya lang gamu
Hindi naman grabe ang pasong natamo ni Adrian, sa dibdib lamang nito ang medyo malaki ang napinsala at nagkaroon agad ng mga paltos. “Bakit kasi iniharang mo ang katawan mo kanina, ayan sa iyo tuloy naibuhos ni Veronica ang mainit na tubig sa halip na sa akin,” wika ni Sabrina nang nasa ospital na sila at hinihintay ang doktor na maglalapat ng gamot kay Adrian. Pinatanggal na rin ng nurse ang pang-itaas nito para hindi dumikit sa mga paltos at magiging dahilan ng pagputok ng mga iyon. Sumandal muna si Adrian para maunat ang balat sa kanyang dibdib pababa konti sa kanyang tiyan at maiwasan ang pagputok ng mga paltos bago nito sinagot si Sabrina. “May nakalimutan akong sabihin sa ‘yo kanina kaya ako bumalik. Isa pa nakita ko na kanina pa na may nakakubli sa kurtina pero binalewala ko lang,” sabi nito sa dalaga. “Ano pala ang sasabihin mo sana?” tumayo si Sabrina para lagyan ng isa pang unan ang sinasandalan ni Adrian. “Nakalimutan ko na.” Hindi na muling nakapagtanong pa si