Natahimik si Adrian dahil sa pabalang na sagot ni Sabrina. Naitikom niya ang mga bibig dahil sa panggigigil sa dalaga. Humanda ka kapag magaling na ako, Sabrina. Sa isip ni Adrian. “Hindi ako komportable kapag yuyuko. Alam mo namang kapag yuyuko ako eh magagalaw itong dibdib ko. Kakaumpisa palang na pumutok ang mga blisters kaya sariwa pa at masakit,” katwiran niya sa dalaga. Marahas namang napabuntonghininga ang dalaga na muling kinuha ang bimbo at tumalungko sa harapan ni Adrian para ituloy ang pagpunas dito. “Napapagod ka na ba sa pag-aalaga sa ‘kin?” “Sa tingin mo andito pa ako ngayon kung napapagod na ako?” Pamimilosopo ni Sabrina. Hindi na muling nagsalita pa si Adrian dahil nakaisip ng kalokohan. Mabilis niyang hinawakan ang kamay ng dalaga at dinala sa kanyang pagkalalaki na nababalot ng kanyang panloob. Saglit na napatigil ang dalaga dahil sa pagkagulat pero agad din namang binawi ang kamay habang masakit na tiningnan si Adrian. “Umayos ka kung gusto mong alagaan pa ki
“Adrian, tuma—Hindi na naituloy ni Sabrina ang nais sabihin dahil sinakop na ng nag-aalab na mga labi ni Adrian ang kanyang mga malarosas at malambot na mga labi. Ramdam ni Sabrina ang pananabik mula sa binata dahil sa init ng mga halik nito at katawan. Wala ng nagawa pa ang dalaga kundi hayaan si Adrian na angkinin siya. Kahit kasi tatanggi siya ipagpilitan pa rin ng binata ang gusto. Hindi nga lang nito ipinagpilitan noong hindi pa magaling ang mga sugat na natamo dahil sa pagkapaso.“Adrian, dahan-dahan naman. Ano ba?” reklamo ni Sabrina nang nasasaktan na siya sa pagiging agresibo ng binata.“I’m sorry. Sabik lang ako sa ‘yo Sabrina.” muli nitong inangkin ang mga labi ng dalaga habang binilisan ang bawat galaw.Hindi naman magawang gantihan ni Sabrina ang bawat galaw ng bintana dahil pakiramdam niya ay pagod na pagod siya at inaantok. Ilang gabi rin kasi siyang napupuyat sa kakaasikaso kkay Adrian kaya siguro naubos ang kanyang lakas hanggang sa gumaling na nga ito.Matagal din
Bitbit ang bote ng klarete, patalilis na umalis si Sabrina sa sala kung saan idinaraos ang kaarawan ng kanyang nobyo na si Seth. Parang hindi nga siya napansin nito dahil laging nakakapit na parang tuko ang kababata nitong si Pia sa kanyang braso. Kaninang-kanina lang ay lihim silang nagtalo ng nobyo dahil dito. Kinompronta kasi niya ang nobyo at kagaya ng mga nakaraan nilang pag-uusap, nauwi lamang ito sa pagtatalo dahil laging rason ng nobyo ay kababata nito si Pia at kapatid lang ang turingan nila sa isa’t isa kaya wala siyang ipagselos. Nagseselos siya–’yon ang paratang ng nobyo pero para sa kanya, walang masayang nobya kung kulang na lang maghalikan sila ng kababata sa harapan niya. Nakipaghiwalay siya kay Seth kasi wala nang magandang kahahantungan pa ang kanilang relasyon kung laging mas matimbang lang din dito ang kababata. Iniwan niyang nagkakantahan ang mga ito kasama ang mga kaibigan ng nobyo at ilang nakatira sa apartment. Tumungo siya sa pangalawang palapag. Tiyak ang baw
Kinabukasan, nagising si Sabrina na matindi ang pananakit ng ulo at katawan. Halos hindi niya maigalaw ang mga hita at pagod na pagod ang pakiramdam. Marahas siyang napahugot ng malalim na paghinga at bumangon pero pabagsak na muling nahiga sa kanyang kama. Pakiramdam niya ang umikot ang mundo at bigla siyang nahilo. Hinayaan niya munang ipahinga saglit ang katawan at sa pagitan nito, naalala niya ang nangyari sa pagitan nila ni Adrian nang nakaraang gabi. Maliwanag pa sa sikat ng araw sa kanyang alaala kung paano siya bali-baliktarin ni Adrian sa iba’t ibang posisyon para paligayahin ang sarili. Wala siyang karanasan kaya hindi niya alam ang magiging epekto nito sa kanyang katawan. Nananakit man ang buong katawan, kailangang pilitin ni Sabrina na bumangon para sa kanyang appointment. Agad siyang dumeretso sa banyo para maligo, iniisip na baka maibsan ang pagod na nararamdaman kapag nakapaligo ng maligamgam na tubig. Ilang minuto lang ang kanyang paligo dahil gahol na siya sa oras.
“You can send us the sample photos, Miss Altamirano. Kapag magustuhan namin at pasado sa nakararami, pwede na tayo magpirmahan ng kontrata,” wika ng nakaharap nila ni Alex sa kanilang transaksyon sa eskwelahan. “Wala pong problema, Mrs. Santos. May dala po akong iilan dito pwede niyo pong tingnan,” tugon ni Sabrina sabay kuha ng brown envelope na naglalaman ng ilang kuha niya sa mga nakaraan niyang proyekto. Inabot niya ito kay Mrs. Santos at tiningnan naman ito ng huli. Nagpatango-tango ito na may paghanga sa bawat larawang tinitingnan. Sekreto siyang kinindatan ni Alex at napa-thumbs up pa ito kaya napahiling siyang sana ay sila na ang kukunin ng pamunuan ng eskwelahan para sa kanilang promotional photography. “Well, maganda ang mga kuha mo, Miss Altamirano. Para sa akin, sadya nga’ng magaling ka pero hindi sa akin ang huling desisyon,” wika ni Mrs. Santos pagkatapos pasadahan ang mga sample photos na dala nila. “Tatawagan ka namin kung makapagdesisyon na ang lahat. Kung papayag k
Hindi na nagpumilit pa si Sabrina na makisakay sa sasakyan ni Adrian kaya hinayaan niyang umalis ito kasama ang babaeng sakay nito sa passenger seat ng kanyang kotse. ‘Hindi naman ako ganon kakapal no!’ Usal niya sa sarili habang hinahatid ng tanaw ang papalayong sasakyan ng nakaniig na binata. Pero sa kaloob-looban niya, nausal niya iyon para pagtakpan ang kahihiyang naramdaman nang tanggihan siya ng binata at ang masaklap may nakarinig at nakakita sa kanyang ginawang panunukso sa binata. Kinahapunan ng araw na ‘yon, tumungo si Sabrina para kunin ang kanyang mga gamit sa apartment ng nobyo. Para sa kanya wala ng dahilan pa para manatili ang kanyang mga gamit doon kagaya ng wala na ring dahilan pa para ituloy ang kanilang relasyon kung hindi man lang siya kayang intindhin ng nobyo. Itinaon niyang nasa trabaho pa ang nobyo at pumunta sa inuupahan nito. Iyon ang akala niya dahil pagkabukas ng pintuan ay nakatambad sa kanya ang nobyong kandong ang kababatang si Pia. Halatang kakarating
Hindi inaasahan ni Sabrina na sa kanyang pagbaba ay haharangin siya ni Seth. Hula niya tinawagan ito ni Pia at nag-drama na naman ito sa kanya. Hinablot ni Seth ang dala niyang bag at patakbo itong umakyat sa taas para siguraduhing hindi niya inaway ang kababata nito. Naiwan siya sa gitna ng sala na nakahalukipkip. Walang ibang tao roon o kung mayroon man baka nakasilip lang mula sa kanilang mga silid. Bumalik naman agad si Seth, bitbit pa rin ang kanyang bag. “Akin na ang bag para makaalis na ako,” pilit niyang kinukuha ang bag mula kay Seth. “Wala akong ginawa roon sa kababata mo.” Sabi pa niya. Sa halip na ibigay ang kanyang bag, hinawakan siya nito sa braso at mataas ang boses na nagwika, “ilang beses ko ba sasabihin sa ‘yo na kababata ko si Pia. Kapatid ang turing ko sa kanya. Mahirap bang intindihin ‘yon? Mahirap bang tanggapin ‘yon?” Iwinaksi ni Sabina ang kamay ni Seth na nakahawak sa kanyang braso. “Alam mo Seth, hindi ako ang problema dito eh. Nang maging magkarela
Sinamantala ni Sabrina ang hindi agad pagsagot ni Seth kung pakakasalan pa ba siya nito at tumalilis palabas pero napatigil siya nang makitang nakaparada ang sasakyan ni Adrian sa labas. Nakasandal ang batang professor sa sasakyan nito. Hinuha ni Sabrina ay kanina pa ito nandoon. Kaya siguro hindi pumasok ay dahil narinig nito ang nagtaasang boses nila ni Seth. Sa naisip saka pa lang siya natauhan na magkaibigan pala ang dalawa. Mabuting magkaibigan at parehong nakatira sa apartment na ‘yon. Nakaramdam siya ng kaunting pagsisisi dahil sa nangyari. Nakaramdam siya ng pagkapahiya nang nagkasalubong ang mga tingin nila ni Adrian.‘Nangyari na ang nangyari.’ Kausap niya sa sarili at muling iniwas ang tingin kay Adrian. Plano niyang umalis na nang pinigilan siya ni Seth sa pamamagitan ng paghawak nito sa kanyang braso. Hindi niya namalayang sumunod pala ito sa kanya sa labas. Muling pumasok si Adrian sa sasakyan nito. Nanatili lang ito doon na parang walang nakita o walang alam sa nangya
“Adrian, tuma—Hindi na naituloy ni Sabrina ang nais sabihin dahil sinakop na ng nag-aalab na mga labi ni Adrian ang kanyang mga malarosas at malambot na mga labi. Ramdam ni Sabrina ang pananabik mula sa binata dahil sa init ng mga halik nito at katawan. Wala ng nagawa pa ang dalaga kundi hayaan si Adrian na angkinin siya. Kahit kasi tatanggi siya ipagpilitan pa rin ng binata ang gusto. Hindi nga lang nito ipinagpilitan noong hindi pa magaling ang mga sugat na natamo dahil sa pagkapaso.“Adrian, dahan-dahan naman. Ano ba?” reklamo ni Sabrina nang nasasaktan na siya sa pagiging agresibo ng binata.“I’m sorry. Sabik lang ako sa ‘yo Sabrina.” muli nitong inangkin ang mga labi ng dalaga habang binilisan ang bawat galaw.Hindi naman magawang gantihan ni Sabrina ang bawat galaw ng bintana dahil pakiramdam niya ay pagod na pagod siya at inaantok. Ilang gabi rin kasi siyang napupuyat sa kakaasikaso kkay Adrian kaya siguro naubos ang kanyang lakas hanggang sa gumaling na nga ito.Matagal din
Natahimik si Adrian dahil sa pabalang na sagot ni Sabrina. Naitikom niya ang mga bibig dahil sa panggigigil sa dalaga. Humanda ka kapag magaling na ako, Sabrina. Sa isip ni Adrian. “Hindi ako komportable kapag yuyuko. Alam mo namang kapag yuyuko ako eh magagalaw itong dibdib ko. Kakaumpisa palang na pumutok ang mga blisters kaya sariwa pa at masakit,” katwiran niya sa dalaga. Marahas namang napabuntonghininga ang dalaga na muling kinuha ang bimbo at tumalungko sa harapan ni Adrian para ituloy ang pagpunas dito. “Napapagod ka na ba sa pag-aalaga sa ‘kin?” “Sa tingin mo andito pa ako ngayon kung napapagod na ako?” Pamimilosopo ni Sabrina. Hindi na muling nagsalita pa si Adrian dahil nakaisip ng kalokohan. Mabilis niyang hinawakan ang kamay ng dalaga at dinala sa kanyang pagkalalaki na nababalot ng kanyang panloob. Saglit na napatigil ang dalaga dahil sa pagkagulat pero agad din namang binawi ang kamay habang masakit na tiningnan si Adrian. “Umayos ka kung gusto mong alagaan pa ki
Nakauwi na lahat ng bisita ni Adrian maliban kay Anne pero hindi pa rin bumabalik si Sabrina. Labis na ipinagtataka ni Adrian dahil kung hinintay lang nito ang inorder na pagkain, sigurado siyang dumating na ito kanina pa. “Anne, hindi ka ba uuwi?” Baling nito kay Anne na nakaupo sa tapat ng kanyang inuupuan at nagbabasa. “Hindi po, Kuya. Gusto kitang bantayan at alagaan dito,” tugon naman ng dalaga na umangat ang tingin mula sa binabasang aklat. “Pero may pasok ka. Hindi ka p’wedeng lumiban sa klase at ma-miss mo ang lessons ko. Remember, this is your last chance to pass para makapagtapos,” pagpapaalala ni Adrian. “Pero kuya, you need someone to take care of you here. That woman left you. Ang sabi niya saglit lang siya but, where she is now? Hindi na bumalik. If she’s concern about you, hindi ka niya iiwan dito,” giit pa ni Anne na may bahid ng inis para kay Sabrina. “It’s okay! I can manage. Ikaw, kailangan mong pumasok,” pagtanggi ni Adrian. Napahugot ng malalim na hininga su
Kapwa natigilan sina Sabrina at Anne nang buksan ng una ang pinto. Hindi inaasahan ni Sabrina ang mga bisita. Hindi lang kasi si Anne ang nasa labas kundi sampu ng mga kaklase nito sa klase nila kay Adrian. Lahat ito ay may mga dala-dalang bulaklak at basket ng mga prutas.“Are you just going to stand there? You’re not going to let us in?” Si Anne ang unang nakabawi ng pagkagulat. Umatras si Sabrina para bigyang daan sila sa pagpasok. “Tuloy kayo at maupo. Ta—Hindi pa tapos si Sabrina sa pagsasalita ay nagsipasok na ang mga ito at dinaanan lamang ang sala. Dire-diretso ang mga ito patungo sa silid ni Adrian kaya dali-daling isinara ni Sabrina ang pintuan at planong harangan ang mga ito pero agad na nabuksan ni Anne ang pinto at tumambad sa kanila ang topless na si Adrian na nakaupo sa gilid ng kama nito. Kakapahid lang kasi ni Sabrina ng gamot sa mga sugat nito nang marinig nilang may tao sa labas.“Pasensiya na kayo pero p’wede niyo siyang hintayim sa sala. Kakatapos niya lang gamu
Hindi naman grabe ang pasong natamo ni Adrian, sa dibdib lamang nito ang medyo malaki ang napinsala at nagkaroon agad ng mga paltos.“Bakit kasi iniharang mo ang katawan mo kanina, ayan sa iyo tuloy naibuhos ni Veronica ang mainit na tubig sa halip na sa akin,” wika ni Sabrina nang nasa ospital na sila at hinihintay ang doktor na maglalapat ng gamot kay Adrian. Pinatanggal na rin ng nurse ang pang-itaas nito para hindi dumikit sa mga paltos at magiging dahilan ng pagputok ng mga iyon.Sumandal muna si Adrian para maunat ang balat sa kanyang dibdib pababa konti sa kanyang tiyan at maiwasan ang pagputok ng mga paltos bago nito sinagot si Sabrina.“May nakalimutan akong sabihin sa ‘yo kanina kaya ako bumalik. Isa pa nakita ko na kanina pa na may nakakubli sa kurtina pero binalewala ko lang,” sabi nito sa dalaga.“Ano pala ang sasabihin mo sana?” tumayo si Sabrina para lagyan ng isa pang unan ang sinasandalan ni Adrian. “Nakalimutan ko na.”Hindi na muling nakapagtanong pa si Sabrina dah
“Buntis ka ba?” Inulit ni Adrian ang pagtatanong dahil akaal niya hindi siya narinig ni Sabrina pero sadyang nagulat lamang siya ng mabungaran ang binata at sa klase ng tanong nito.Ipinilig ni Sabrina nang bahagya ang ulo bago nagpakawala ng isang malapad na ngiti. “Bakit? Excited ka bang magiging daddy?” balik tanong niya sa binata.“Sabrina, I’m serious!” mahina ngunit may diing sabi ni Adrian. Iniiwasan niyang may makarinig sa usapan nilang dalawa.Sa halip na sagutin ay nagpatiunang naglakad si Sabrina kaya sinundan ito ni Adrian. Nais lamang niyang asarin si Adrian at naasar naman ang huli kaya hinawakan nito sa braso ang dalaga at isinandal sa pader. Wala na siyang pakialam kung pagtitinginan sila ng mga dumadaan ang importante malaman niya ang dahilan kung bakit bumisita si Sabrina sa ob-gynecologist nito.“Kapag nabuntis ba ako, pananagutan mo? Ikaw lang naman ang ama kung mabubuntis ako kasi ikaw lang naman ang lalaking naging kasiping ko wala ng iba.” diretso ang tinging tan
Umalis na si Veronica, ang ina ni Seth pagkatapos itong ipagtabuyan ni Adrian. Naiwan sa opisina ng binata sina Anne at Sabrina. Nasa gilid naman ang huli para gamutin ang kamay na napaso ng pagkaing dala sana para kay Adrian. Balewala sa kanya ang nangyari sa kamay at braso, ang ikinaiinis niya ay parang wala man lang pag-aalala mula kay Adrian at mas dinaluhan pa nito si Anne at inaalo pagkatapos sabihin dito na may relasyon sila ni Adrian. “Ito ang petroleum jelly, ipahid mo diyan para hindi magkaroon ng blisters or konti lang,” wika ni Adrian habang inaabot ang pansamantalang gamot kay Sabrina.“Salamat.”“Kuya, we’re going for lunch later, right?” tanong ni Anne na ayaw patalo sa atensyon ni Adrian.Napaismid naman si Sabrina na bahagyang sinulyapan ang dalawa. Nakakapit si Anne sa braso ni Adrian na akala moý takot maiwan.“Oo naman. Where do you want to eat?” tugon at balik-tanong ni adrian na tila nakalimutang nakapangako na ito kay Sabrina na sabay silang kumain sa labas.“A
Natapos ang bakasyon at muli na namang nagbukas ang St. Martin Institute para sa susunod na pasukan. Maaga palang ay nasa opisina na si Adrian para asikasuhin ang lahat ng kakailanganin para sa susunod na semestre ng kanilang departamento. Kagaya rin ng iba na may kanya-kanyang pinagkakaabalahan sa kani-kanilang opisina. Si Sabrina naman ay pumunta rin ng institusyon para sa commitment niya rito kaakibat ng obligasyon niya noong anibersaryo nila. Napagkasunduan rin nila ni Alex na magkita sa opisina ng huli dahil may katagalan din na hindi sila nagkita. “So may plano ka na kung saan tayo kakain mamaya?” tanong ni Alex kay Sabrina pagkaupong-pagkaupo nito sa silyang katapat ng kanyang mesa. “Excited? Ang aga pa no. almusal muna ang pag-usapan natin,” masayang tugon ng dalaga. “Speaking of almusal, ano iyang bitbit mo? Para sa akin ba ‘yan?” “Bakit kakain ka ba ng luto ko?” nangingiti niyang tanong din kay Alex. alam ni Sabrina na wala itong tiwala sa kanya kapag pagluluto ang usapan
“Saan ba dito ang pinakamalapit na police station?” “Bakit anong gagawin mo don?” napabangon si Adrian dahil sa naging interesado siya sa tanong ni Sabrina. May duda na siya kung bakit nagtatanong ito ng police station pero kailangan niyang makasiguro. “Kakasuhan mo si Seth?” “Oo. Bakit? Ayaw mo?” balik tanong ni Sabrina sa kanya. “Hindi mo siyang pwedeng i-demanda, Sabrina,” wika ni Adrian na gustong pigilan ang dalaga sa pinaplano nito. “At bakit naman hindi? Dahil ba mayaman siya? Makapangyarihan sila dahil may perang kagaya mo?” Natameme bigla si Adrian dahil sa mga sinabi ni Sabrina pero at some point, tama naman ang dalaga. Sa panahon ngayon, pera na ang batas. Naging bulag ang batas dahil sa pera. “Pero wala pa rin akong pakialam. Whether kakasuhan niya ako o hindi, ako ang magdedemanda sa kanya,” hirit pa ni Sabrina. Hindi itinuro ni Adrian ang direksyon papunta sa pinakamalapit na police sttaion kaya kusa niya itong hinanap gamit ang kanyang mobile phone. “Got it!”” wi