Hello?” “Nasaan ka?” tanong ng nasa kabilang linya. “Bakit mo naman naitanong?” balik tanong ni Sabrina na medyo napasimangot. “Galit ka ba?” “At bakit naman ako magagalit?” nakaramdam man ng galit ay saglit lamang iyon kay Sabrina. Ayaw niyang sirain ang mood niya o awra niya para lang magalit sa mga taong hindi naman siya pinapahalagahan. “Bakit hindi ka bumalik ng ospital. Hindi ba’t kailangan mo pa ng isa?” Sasagot na sana si Sabrina nang marinig ang kasama ni Adrian. “Kuya Adrian, tikman mo ‘to oh, ako ang may gawa nito,” boses ni Anne na papalapit. Hindi na nagtagal pa si Sabrina at pinutol na ang tawag. Wala rin naman siyang balak sabihin kay Adrian kung nasaan siya at kung bakit hindi siya bumalik ng ospital kaninang umaga. Paubos na ang laman ng bote ng gamot kaya pumunta si Sabrina sa nurse station para ipatanggal na ang karayom na nakakabit sa kanya. Kaunti ang tao sa ospital dahil hapon na kaya napabilis ang lahat kay Sabrina. “Ang pogi nong kaibigan mo saka asika
Tulog na ang lola ni Sabrina kaya halos ‘di makabasag pinggan ang kanilang mga kilos. Halos magbulungan na rin sila sa hina ng kanilang mga aboses. Dahil sa matanda na, maiksi na lang madalas ang oras ng tulog ng kanyang lola kaya oras na makatulog ito ay iniiwasan nilang maestorbo ito sa kanyang pamamahinga. Napagkasunduan nilang lahat na sa reunion nila na ito ay magkakaroon sila ng bonfire at doon magtitipon para magkumustahan ng kani-kanilang buhay habang nakikipagsapalaran sa iba’t ibang lugar at nakikipaglaban sa hamon ng buhay. Napagkasunduan din nilang mag-ihaw habang nagkakasayahan. Halos isang beses lang kada taon sila nagkikita-kita kaya sinasamantala nila ang pagkakataon na ang halos lahat ay nandoon. Tradisyon na ng kanilang pamilya na magtipon-tipon sa bahay ng kanilang lola na ngayoý ipinamana na sa kapatid ng kanyang ama. “Nasaan na ang iihawin natin?” naitanong ni Sabrina nang wala siyang nakikitang inihanda ng kanyang mga pinsan. “Maghintay ka lang, Sab, parating n
Balak pa sanang pagtaguan ni Sabrina si Seth pero nakita na siya nito kaya wala siyang magawa kundi pakiharapan ito. Isa pa nasabihan na nilang naroroon siya kaya wala na siyang maidahilan pa para hindi ito kaharapin. Ang miserable ng hitsura ng dating nobyo, magulo ang buhok at nanlalalim ang mga mata nito. Nais man niyang tanungin pero hindi niya ginawa para hindi nito maisip na baka concern siya dito kahit hiwalay na sila. Ito na rin ang nagkwento kung ano at sino ang gumawa nito sa kanya. “Ayaw kong pakasalan si Pia at sinabi ko ang mga kalokohan niya sa parents niya kaya pinagkakalmot niya ako sa sobrang galit bago pa man siya umalis papuntang Amerika para doon pag-aralin ng kanyang mga magulang.” pagpapaliwanang ni Seth na parang nabasa nito ang nasa kanyang isipan. “So, anong kinalaman ko sa inyo?” sarkastikong tanong ni Sabrina na napahalukipkip. “Sabrina, kung ang ikinagalit mo ay ang pakikipaglapit ko kay Pia, wala na siya. Ipinadala na ng mga magulang niya sa Amerika,
“Seth, tapatin mo nga ako. Bakit mo ito ginagawa?” tanong ni Sabrina habang naghihintay na tawagan siya ni Alex na may kinalaman sa doktor na sinasabi ni Seth. “To be honest Sab, I just want us to be together again. Mahal pa rin kita. Inaamin ko, naging bulag at bingi ako noon sa ‘ýo dahil ang iniisip ko nagseselos at na-insecure ka lang kay Pia kaya kita nasaktan,” pagtatapat ni Seth. Mukha naman itong sincere sa mga sinasabi kaya ramdam ni Sabrina ang pagkalito. “Wala na si Pia kaya wala ng magiging dahilan pa ng hindi natin pagkakaunawaan.” “Paano kung babalik siya? Mapanghawakan mo ba kung anuman ang magiging resulta nitong panunuyo mo?” hindi pa rin kumbinsido ang dalaga kaya maraming nabubuong katanungan sa kanyang isipan. “Pangako, gagawin ko ang lahat para sa ‘yo, Sab.” “We’ll see!” Masaya ang pamilya ni Sabrina sa pag-aasikaso kay Seth. kahit ang kanyang lola ay nakisama na rin at nakipagsabayan sa lahat. Tanggap ng mga ito si Seth noon pa pero ang pakikipaghiwalay niya s
Kalat na kalat sa alta-sociedad ang pagkakabalikan nina Sabrina at Seth kaya lagi silang imbitado sa kahit anumang okasyon na kinabibilangan ng pamilya nina Seth. Ayaw man niyang dumalo ay napipilitan siya dahil sa pagiging kasintahan ulit ni Seth. isa pa sa iniiwasan niya ay sa lahat ng okasyon na dinaluhan nila ay nandoon din si Adrian. Hindi maiwasang makasalubong niya ito kagaya ngayon na nagkasalubong sila. Kasama nito si Anne na parang tuko kung makakapit sa kanya. “Welcome back to our circle, Sabrina,” bati ni Adrian sa dalaga nang tumapat ito sa kanya. Tinangka pa nitong hawakan sa beywang ang dalaga pero agad din nitong naiharang ang kamay at tinampal nito ang braso ng binata. Napangisi naman si Adrian sa ginawa ng dalaga. Sinubukan niya lang itong asarin pero sadyang umiiwas ito kahit madikit man lang ang kanilang mga balat. Para siyang may ketong kung iwasan nito. “Sabrina!” napalingon silang tatlo nang marinig ang boses ni Seth na papalapit. “Gusto ko ng umuwi, Seth.”
Inihatid nina Sabrina at Seth si Mr. Ignacio sa kanyang sasakyan pagkatapos nila magpalitan ng lahta ng detalyeng kakailanganin nila sa transaksyon. Hindi pa man sila nakakaupo para sana magpahinga ay pumailanlang ang boses ng host. May gagawin silang palaro at sina Seth at Sabrina ang unang napili dahil sa kanilang pagkakabalikan. Naghiyawan ang lahat para wala na silang ligtas pa at tanggihan ang imbitasyon ng host na pangunahan nila ang palaro. “Tara na!” yaya ni Seth kay Sabrina na nakaupo na. Walang ganang sumali at gusto ng umuwi dahil hindi niya gusto ang ganitong klaseng pagtitipon. Napilitan lamang siya dahil nga para pagbigyan ang kasintahan. “Go, Sabrina!” Sigaw ng iba pang mga bisita kaya walang nagawa si Sabrina kaya tumayo na siya at sumunod kay Seth na kanina pa nakahawak sa kanya. “Kami rin, sasali! Ako at si Kuya Adrian.” Sabi ni Anne na itinaas pa ang kamay para mapansin ng host. Ni hindi man lang nito tinanong si Adrian kung payag itong sunali sa laro. “Let’s g
“Sabrina? Anong ibig sabihin nito?” hinawakan ni Seth sa magkabilang balikat si Sabrina at niyuyogyog para bumalik ang huwesyo nito. Nakatulala ang dalaga nakahalukipkip sa gilid, sa loob ng booth. “I’m sorry, Seth. Akala ko kasi si Anne siya. Hindi naman kasi siya tumanggi at nagpakilala noong inangkin ko ang mga labi niya,” pahayag ni Adrian na parang kasalanan pa ni Sabrina ang nangyari. Naikuyom ni Seth ang mga kamay at mabilis na napalingon kay Sabrina. “ Totoo ba, Sabrina?” Hindi sumagot si Sabrina. Dahan-dahan siyang gumalaw habang hawak sa dibdib ang napunit na damit at lumakad palabas. Puno ng galit ang kanyang dibdib. Dinig na dinig niya ang mga sinabi ni Adrian pero hindi na niya ito itinanggi pa dahil wala namang maniniwala sa kanya dahil sa hitsura niya. “Disgusting!” “Ang landi!” “May jowa na nakipaglampungan pa sa iba.” “At sa kaibigan pa ng jowa niya.” “Pwe!” Iilan lamang sa mga narinig na pangungutya ni Sabrina mula sa mga bisitang nadadaanan niya papunta ng
Nagising na lamang si Sabrina sa hindi pamilyar na silid. Babangon na sana siya nang maalala ang ginawa ni Seth sa kanya. Nag-uunahan sa pag-agos ang mga luha ni Sabrina kasabay ng kanyang mahihinang paghikbi.nakayuko at nakalugay ang kanyang buhok sa harapan habang ibinubuhos ang mabigat na emosyong kinimkim simula pa ng nakaraang gabi nang ipinagkanulo siya ni Adrian sa kahihiyan. Ilang saglit pa ay bigla siyang napatigil nang isang kamay na may hawak na panyo ang hinawi ang kanyang buhok at iniabot sa kanya ang hawak na maliit na tela. “Punasan mo ang mga luha mo at ayusin ang sarili mo,” wika nito sa kanya. Nang makilala ang boses ay mabilis na hinawi ni Sabrina ang kamay nito at mabilis na pumanaog ng kama. “Bakit nandito ka? Anong kailangan mo sa akin? Hindi pa ba sapat na ipinahiya mo ako, Adrian?” agad niya itong hinarap at tinanong. Prenteng nakaupo si Adrian sa silyang malapit lang sa kama at may binabasang libro. “Pamamahay ko ‘to.” kaswal na tugon nito sa dalaga. “Baki
Walang nagawa si Sabrina kundi sumunod kay Adrian. Ni hindi na niya nagawa pang magpaalam ng maayos kay Mara. kumaway na lamang siya sa estudyante na tila nabigla rin sa mabilis nilang pag-alis.Sa sasakyan walang imik si Adrian kaya tiningnan ito ng maigi ni Sabrina. Wala naman siyang nakitang bakas ng galit sa mukha nito kaya naisip niyang baka pagod lang ito.“Sobrang gwapo ko ba para titigan mo ako ng ganyan?” nangingiting wika ni Adrian habang nagmamaneho. Nakikita nito sa sulok ng kanyang mata kung paano siya titigan ng dalaga.Hindi sumagot ang dalaga kaya muling nagsalita si Adrian. “Ganito lang talaga ako kapag pagod. Tinatamad ako pati magsalita.”“Seryoso?”“Mukha ba akong nagbibiro?”Hindi na nagsalita pa si Sabrina hanggang makarating sila sa tirahan ni Adrian. Pagpasok sa unit ng binata ay agad itong dumiretso ng banyo para maligo. Naghihintay naman si Sabrina sa labas para maligo rin.“Ikaw na!” tinawag ni Adrian si Sabrina para sabihang siya na ang maligo.“Salamat.”
Hindi malaman ni Sabrina kung ano ang maramdaman nang sabihin ni Adrian na lagi siya nitong nakikita noon. Sinungaling siya kung hindi niya aamining kinilig siya sa mga oras na iyon. Knowing that Adrian was so annoyed with her presence, but he did notice her before.“So, binabantayan mo ako?” nangingiting tanong ni Sabrina.“Mmnn, not really? Baka ikaw ang nagbabantay sa ‘kin kasi nga crush mo ako noon, ‘di ba?” tugon ng binata. Napabaling si Sabrina dito at tiningnan ang ekspresyon ng binata kung seryoso ito sa sinabi. Nang makitang hindi ito seryoso saka siya muling nagsalita.“Hindi no. tambayan ko lang talaga ‘yang puno kasi tahimik doon at walang gaanong mga estudyante na pumupunta,” pagsalaysay ni Sabrina ng rason kung bakit naging tambayan niya ang puno ng Banaba noon.“I see. Of course, nakikita mo rin ako roon palagi.”Mabilis na tiningnan ni Sabrina si Adrian at inirapan. Narinig niya kasing tumawa ito nang bahagya pagkatapos magsalita. “Nang-aasar ka ba?” nakanguso na niya
“Wow!”Namangha si Sabrina nang makita ang puno na noo’y naging karamay niya sa halos lahat ng pagkakataon. Isa itong puno ng Banaba na tawag ng iba ay cherry blossoms ng bansa oras na ito ay mamulaklak. May health benefits din ito kaya inalagaan ito ng paaralan. Hindi akalain ni Sabrina na magpahanggang sa oras na iyon ay nandoon pa rin ang puno. “Isa itong puno sa napagdesisyunan ng pamunuan ng paaralan na huwag putulin. Nagkataon lang na Sabado ngayon kaya walang maraming tao o estudyante rito. Kapag raw weekdays, maraming estudyante ang tumatambay rito para magpakuha ng picture. “Kaya ba binakuran ang puno nito para walang makalapit masyado?” tanong ni Sabrina. May hanggang hitang taas na bakod na kasi ang nakapalibot sa puno pero hindi iyong nakasira sa ganda nito. Pinasadya rin yata na lagyan ito ng isang bench para sa mga gustong magpakuha ng larawan. Dahil sa naisip ay kinuha ni Sabrina ang camera at kinuhanan ng larawan ang puno sa iba’t-ibang anggulo.“Gusto mong kuhanan d
Kinabukasan, maagang ginising ni Adriian si Sabrina. Nilalaro nito ang tungki ng ilong ng dalaga gamit ang ilang hibla ng buhok nito habang ang isang kamay ay sa ilalim ng ulo ng dalaga na nagsilbing unan nito. “Mmmnn.” pinalis ni Sabrina ang nagdulot ng kati sa tungki ng kanyang ilong at tumagilid para bumalik ng tulog. Inaantok pa rin siya dahil sa malalim na ang gabi sila nakatulog dahil dalawang beses muna siyang inangkin ni Adrian.“Gising na!” muling ginising ni Adrian si Sabrina. This time niyugyog na niya sa balikat ang dalaga.“Maaga pa,” reklamo nitong nakapikit pa ang mga mata.“May pupuntahan tayo,” muling saad ni Adrian na pilit ibinabangon ang dalaga gamit ang braso niyang nasa ilalim ng ulo nito.“Pero maaga pa nga.”“Alam ko pero dahil babiyahe pa tayo mamaya kaya kailangan nating agahan ang pagpunta roon,” tugon ni Adrian. Siniguro nitong hindi na siya mulimg babalik sa pagtulog kaya inalisan siya nito ng kumot at hinila pababa ng kama.“Sige, bababa na! Huwag mo na
Pagkatapos makatanggap ng rejection kay Adrian, pinilit ni Sabrina ang sarili na kalimutan ang nararamdaman para sa binata. Iniisip na baka kapag matured na siya ay makakalimutan niya ito at maaring mabaling sa iba ang kanyang atensyon. Nang bumalik nga siya galing ng ibang bansa pagkatapos niyang magtapos sa kolehiyo ay muling nagkasalubong ang landas nila ni Seth. isa ito sa kanyang mga kababata at dating magkakaibigan ang kanilang mga magulang kaya madali lang silang nagkapalagayang loob. Wala rin naman siyang masabi noon laban kay Seth hanggang sa dumating nga sa gitna ng relasyon nila si Pia.“Bakit hindi ka na makagalaw diyan? Dumidilim na, oh.” Napapiksi si Sabrina nang marinig ang boses ni Adrian. Saglit siyang nawala sa kasalukuyan dahil sa mga alaala ng nakaraan.“Huh?!” “Are you okay, Sabrina?” tanong ni Adrian na may pag-alala.Hindi naman inaasahan ni Sabrina ang naging reaksyon ng binata. Naikurap niya ang mga mata ng ilang beses para siguraduhing hindi siya nananaginip
Pakiramdam ni Sabrina, namanhid ang kanyang katawan ng sarkastikong tanong na iyon ni Adrian uminit ang kanyang mukha sa hiyang naramdaman. Naririnig niya ang tawanan sa paligid pero pakiramdam niya blangko ang kanyang isip ng ilang saglit. Nang mahimasmasana ay itinulak niya si Adrian. “Bata pa ako noon ay hindi alam kung ano ang nararapat. Kagaya ng ibang kabataan ay dumaan rin sa ganoong sitwasyon. Nakalipas na iyon kaya huwag mo ng isipin, Adrian,” seryoso niyang wika dito.Tumango naman si Adrian na sumang-ayon sa kanya. “Mas mabuti kung ganon.”Naging awkward ang paligid dahil sa nnagyari pagkatapos silang tudyuhin ng mga kaibigan. Nakaramdama ng pagkaasiwa ang mga naroroon pero hinayaan na nila at nagpatuloy sa kwentuhan sa iba pa nilang mga kaibigan.Pagkatapos nag pagtitipon ay sinamahan ni Sabrina si Fate na magligpit ng mga natanggap na regalo at iba pang gamit nto. “Alam mo Sabrina, gusto ko talagang maging kayo ni Mr. Reyes. Bagay kayo at kung kayo ang magkatuluyan, sig
Natapos ang seremonya at nagiging abala na ang bagong kasal sa pagharap sa kanilang mga bisita. Sina Adrian and Sabrina naman ay umaalalay sa bride and groom bilang maid of honor and bestman ng mga ikinasal. Silang dalawa ang tagabigay ng mga giveaways ng mga ikinasal para sa mga bisita bilang token sa pagdalo sa kanilang kasal.Hindi nagtagal at isa-isang nagpaalam ang mga bisita kaya sila na lamang na mga abay sa kasal ang naiwan at iilang mga kakilala at kamag-anak na ayaw pang magsiuwi dahil nasa malapit lang naman ang sa kanila. “Guys, alam kong hindi kayo nakakain ng maayos kanina kaya nagpahanda ako ng pagsaluhan natin,” malakas na wika ni Fate nang bumalik ito pagkatapos nilang magbihis na mag-asawa. Agad nitong tinawag ang mga waiter para ipasok ang ipinahanda niyang pagkain at inumin para sa kanila. Pahapyaw na sinuyod ni Sabrina ng tingin ang lahat at halos ang mga naroroon ay mga kaklase nila noong high school. May iilan na hindi familiar sa kanya. Naiisp niya baka kaklas
Kagaya ng sabi ng doktor, hindi na nag-alala pa si Sabrina ng kanyang nararamdaman. Psychological ‘ika nga. Iniisip niya ito ng sobra kaya siya nauunahan ng takot kapag nasa dilim. Umpisahan na niyang iwaglit sa isipan ang takot para mawala ang kanyang nararamdaman. Sabi nga ng doktor, malaki ang maitulong niya sa sarili para makawala sa phobia.Palabas na siya ng clinic nang makatanggap ng magkasunod na message. Auto-messages na galing sa bangko na nagsasabing nakatanggap siya ng magkahiwalay na halaga ng pera. Buong 3000,000.00 galing kay Adrian at ang 20,000.00 ay galing naman kay Kevin. “Hi, Sabrina. Maraming salamat nga pala sa concept natin at sa maganda mong kuha. Nanalo po ako and I’ve sent you the full payment for it.”Kasunod ng dalawang naunang messages ay may message ulit siyang natanggap at mula ito kay Kevin. Nagpasalamat ito sa ginawa nilang photoshoot kinaumagahan mula napag-usapan nila ang concept nito.“No worries, Kevin. It’s my job to do it so I can get more clien
“Sabrina!” Mabilis na nilapitan ni Adrian si Sabrina gamit ang muntik liwanag na nagmumula sa kanyang mobile phone. Tila nanigas ang dalaga sa kinatayuan na hindi man lang gumalaw kahit bahagya lamang. Hinawakan ito ni Adrian kaya ramdam niyang nanginginig ito sa takot. “Takot ka ba sa dilim?” Isinandal niya ito sa kanyang dibdib pero wala pa ring tugon mula dito. Pinailawan niya ang mukha nito kaya kitang-kita niya ang pamumutla ng dalaga. Wala ng magawa si Adrian kung hindi buhatin ito at inihiga sa kama. Tulala itong nakatitig sa kisame na mukhang takot na takot.Nang hindi pa rin tumutugon si Sabrina ay inalalayan niya itong makabangon. Umupo na rin siya sa tabi nito at tinapik-tapik ito sa likod sa takot na baka kung anong mangyari sa dalaga sa pamamahay niya.“Sabrina, huwag kang matakot. Nandito ako. Hindi kita iiwan.” pang-aalo ni Adrian kay Sabrina.Illang minuto lang ay dahan-dahan itong gumalaw at diretsong tumingin sa kanya. Siya ring pagbalik ng kuryente at agad kumala