Kalat na kalat sa alta-sociedad ang pagkakabalikan nina Sabrina at Seth kaya lagi silang imbitado sa kahit anumang okasyon na kinabibilangan ng pamilya nina Seth. Ayaw man niyang dumalo ay napipilitan siya dahil sa pagiging kasintahan ulit ni Seth. isa pa sa iniiwasan niya ay sa lahat ng okasyon na dinaluhan nila ay nandoon din si Adrian. Hindi maiwasang makasalubong niya ito kagaya ngayon na nagkasalubong sila. Kasama nito si Anne na parang tuko kung makakapit sa kanya. “Welcome back to our circle, Sabrina,” bati ni Adrian sa dalaga nang tumapat ito sa kanya. Tinangka pa nitong hawakan sa beywang ang dalaga pero agad din nitong naiharang ang kamay at tinampal nito ang braso ng binata. Napangisi naman si Adrian sa ginawa ng dalaga. Sinubukan niya lang itong asarin pero sadyang umiiwas ito kahit madikit man lang ang kanilang mga balat. Para siyang may ketong kung iwasan nito. “Sabrina!” napalingon silang tatlo nang marinig ang boses ni Seth na papalapit. “Gusto ko ng umuwi, Seth.”
Inihatid nina Sabrina at Seth si Mr. Ignacio sa kanyang sasakyan pagkatapos nila magpalitan ng lahta ng detalyeng kakailanganin nila sa transaksyon. Hindi pa man sila nakakaupo para sana magpahinga ay pumailanlang ang boses ng host. May gagawin silang palaro at sina Seth at Sabrina ang unang napili dahil sa kanilang pagkakabalikan. Naghiyawan ang lahat para wala na silang ligtas pa at tanggihan ang imbitasyon ng host na pangunahan nila ang palaro. “Tara na!” yaya ni Seth kay Sabrina na nakaupo na. Walang ganang sumali at gusto ng umuwi dahil hindi niya gusto ang ganitong klaseng pagtitipon. Napilitan lamang siya dahil nga para pagbigyan ang kasintahan. “Go, Sabrina!” Sigaw ng iba pang mga bisita kaya walang nagawa si Sabrina kaya tumayo na siya at sumunod kay Seth na kanina pa nakahawak sa kanya. “Kami rin, sasali! Ako at si Kuya Adrian.” Sabi ni Anne na itinaas pa ang kamay para mapansin ng host. Ni hindi man lang nito tinanong si Adrian kung payag itong sunali sa laro. “Let’s g
“Sabrina? Anong ibig sabihin nito?” hinawakan ni Seth sa magkabilang balikat si Sabrina at niyuyogyog para bumalik ang huwesyo nito. Nakatulala ang dalaga nakahalukipkip sa gilid, sa loob ng booth. “I’m sorry, Seth. Akala ko kasi si Anne siya. Hindi naman kasi siya tumanggi at nagpakilala noong inangkin ko ang mga labi niya,” pahayag ni Adrian na parang kasalanan pa ni Sabrina ang nangyari. Naikuyom ni Seth ang mga kamay at mabilis na napalingon kay Sabrina. “ Totoo ba, Sabrina?” Hindi sumagot si Sabrina. Dahan-dahan siyang gumalaw habang hawak sa dibdib ang napunit na damit at lumakad palabas. Puno ng galit ang kanyang dibdib. Dinig na dinig niya ang mga sinabi ni Adrian pero hindi na niya ito itinanggi pa dahil wala namang maniniwala sa kanya dahil sa hitsura niya. “Disgusting!” “Ang landi!” “May jowa na nakipaglampungan pa sa iba.” “At sa kaibigan pa ng jowa niya.” “Pwe!” Iilan lamang sa mga narinig na pangungutya ni Sabrina mula sa mga bisitang nadadaanan niya papunta ng
Nagising na lamang si Sabrina sa hindi pamilyar na silid. Babangon na sana siya nang maalala ang ginawa ni Seth sa kanya. Nag-uunahan sa pag-agos ang mga luha ni Sabrina kasabay ng kanyang mahihinang paghikbi.nakayuko at nakalugay ang kanyang buhok sa harapan habang ibinubuhos ang mabigat na emosyong kinimkim simula pa ng nakaraang gabi nang ipinagkanulo siya ni Adrian sa kahihiyan. Ilang saglit pa ay bigla siyang napatigil nang isang kamay na may hawak na panyo ang hinawi ang kanyang buhok at iniabot sa kanya ang hawak na maliit na tela. “Punasan mo ang mga luha mo at ayusin ang sarili mo,” wika nito sa kanya. Nang makilala ang boses ay mabilis na hinawi ni Sabrina ang kamay nito at mabilis na pumanaog ng kama. “Bakit nandito ka? Anong kailangan mo sa akin? Hindi pa ba sapat na ipinahiya mo ako, Adrian?” agad niya itong hinarap at tinanong. Prenteng nakaupo si Adrian sa silyang malapit lang sa kama at may binabasang libro. “Pamamahay ko ‘to.” kaswal na tugon nito sa dalaga. “Baki
Sabrina hated herself. Pakiramdam niya napakawala niyang kwentang babae. Nainsulto siya sa mga pinagsasabi ni Adrian sa kanya pero may punto naman ito dahil siya itong babae at siya rin itong unang lumapit kay Adrian. Ngayon naisip niya ang magiging reaksyon ng mga magulang oras na malaman ng mga ito ang ginawa niyang pang-aakit kay Adrian. Baka isumpa siya ng mga ito sa kahihiyang kanyang ginagawa. Sa ginawa ni Adrian na ipagsabi sa ibang tao ang tungkol sa kanila, hindi malayong makakarating ito sa kanyang mga magulang. “Sa palagay mo Adrian, anong gagawin ko sa sitwasyon ng pamilya ko?” ibinaling niya ang tingin muli sa binata na nakatayo, ilang hakbang mula sa kanya. “So kasalanan ko kung may pinagdadaanan ang pamilya mo? Alam mo Sabrina, para kang p****k na basta na lang isuko ang pagkababae sa isang lalaki na hindi mo naman ka-relasyon.” May diin ang bawat katagang winika ni Adrian na parang tumarak sa dibdib ni SAbrina. Nasaktan siya pero tama naman si Adrian. “Aarte-arte kan
Hindi nagustuhan ni Adrian ang mga sinabi ni Sabrina kaya tumigil ito sa ginagawa sa likuran ng dalaga. Lumipat ito ng pwesto kung saan nakaharap si Sabrina at hinarap niya nag dalaga. Tinitigan niya ito diretso sa mga mata para siguraduhin kung seryoso ito sa mga sinasabi nito. “You don't believe me? Wala ng free sa panahon ngayon Adrian, even sex. You have to pay,”dagdag pa ng dalaga. “Fuckbuddies are called when a man and a woman willingly agree to have sex. I am not willing now.” Ilang minuto munang tinitigan siya ni Adrian bago ito nagsalita. “Are you sure that you don’t want me to be your fuck buddy anymore?” mapaglarong ngiti ang nakapagkit sa kanyang mga labi. “Ÿes!” mabilis pa sa alas-kwatrong tugon ni Sabrina. Wala pa ring katinag-tinag ito sa pagkakatagilid kaharap si Adrian. “Be my girlfriend then.” Napakurap-kurap ang mga mata ni Sabrina dahil sa narinig. Hindi niya inaasahan ang sinabi ng binata. Si Adrian naman ay tila gustong bawiin ang sinabi. Bumalatay sa mukha
“Saan ba dito ang pinakamalapit na police station?” “Bakit anong gagawin mo don?” napabangon si Adrian dahil sa naging interesado siya sa tanong ni Sabrina. May duda na siya kung bakit nagtatanong ito ng police station pero kailangan niyang makasiguro. “Kakasuhan mo si Seth?” “Oo. Bakit? Ayaw mo?” balik tanong ni Sabrina sa kanya. “Hindi mo siyang pwedeng i-demanda, Sabrina,” wika ni Adrian na gustong pigilan ang dalaga sa pinaplano nito. “At bakit naman hindi? Dahil ba mayaman siya? Makapangyarihan sila dahil may perang kagaya mo?” Natameme bigla si Adrian dahil sa mga sinabi ni Sabrina pero at some point, tama naman ang dalaga. Sa panahon ngayon, pera na ang batas. Naging bulag ang batas dahil sa pera. “Pero wala pa rin akong pakialam. Whether kakasuhan niya ako o hindi, ako ang magdedemanda sa kanya,” hirit pa ni Sabrina. Hindi itinuro ni Adrian ang direksyon papunta sa pinakamalapit na police sttaion kaya kusa niya itong hinanap gamit ang kanyang mobile phone. “Got it!”” wi
Natapos ang bakasyon at muli na namang nagbukas ang St. Martin Institute para sa susunod na pasukan. Maaga palang ay nasa opisina na si Adrian para asikasuhin ang lahat ng kakailanganin para sa susunod na semestre ng kanilang departamento. Kagaya rin ng iba na may kanya-kanyang pinagkakaabalahan sa kani-kanilang opisina. Si Sabrina naman ay pumunta rin ng institusyon para sa commitment niya rito kaakibat ng obligasyon niya noong anibersaryo nila. Napagkasunduan rin nila ni Alex na magkita sa opisina ng huli dahil may katagalan din na hindi sila nagkita. “So may plano ka na kung saan tayo kakain mamaya?” tanong ni Alex kay Sabrina pagkaupong-pagkaupo nito sa silyang katapat ng kanyang mesa. “Excited? Ang aga pa no. almusal muna ang pag-usapan natin,” masayang tugon ng dalaga. “Speaking of almusal, ano iyang bitbit mo? Para sa akin ba ‘yan?” “Bakit kakain ka ba ng luto ko?” nangingiti niyang tanong din kay Alex. alam ni Sabrina na wala itong tiwala sa kanya kapag pagluluto ang usapan
“Nais ko lang malamn mo Adrian, kung ano man ang problema mo kay Anne, wala akong kinalaman doon. May pagkukulang siya. Hindi siya nag-aral o nag-review kaya hindi siya pumasa. Kung kapatid o girlfriend man ang turing mo sa kanya, wala akong pakialam kasi isa siya estranghero para sa akin. Hindi kami magkaano-ano, so kung ano man ang nararamdaman mo ngayon, choice mo ýan. Kung galit ka sa akin dahil sa nangyari iyan sa kanya mas nakabubuting maghiwalay na lang tayo. Ibigay mo lang ang hinihingi kong mga gamot at hindi na kita aabalahin pa.”Tila napipilan si Adrian dahil sa mga sinabi ni Sabrina. Hindi niya nagawang sumagot sa mga sinabi ng dalaga. Hindi niya lubos-maiisp na masasabi nito ang mga iyon. Tumayo na lamang siya at kinuha ang isang kumot at lumabas ng kwarto.Makalipas ang ilang minuto ay naramdaman ni Sabrina na bumukas ulit ang pinto pero hindi siya nag-abalang tingnan ito. Nagkunwari siyang natutulog na pero hindi inaasahan ang sumunod na ginawa ni Adrian. Sumampa ito s
“Adrian, tuma—Hindi na naituloy ni Sabrina ang nais sabihin dahil sinakop na ng nag-aalab na mga labi ni Adrian ang kanyang mga malarosas at malambot na mga labi. Ramdam ni Sabrina ang pananabik mula sa binata dahil sa init ng mga halik nito at katawan. Wala ng nagawa pa ang dalaga kundi hayaan si Adrian na angkinin siya. Kahit kasi tatanggi siya ipagpilitan pa rin ng binata ang gusto. Hindi nga lang nito ipinagpilitan noong hindi pa magaling ang mga sugat na natamo dahil sa pagkapaso.“Adrian, dahan-dahan naman. Ano ba?” reklamo ni Sabrina nang nasasaktan na siya sa pagiging agresibo ng binata.“I’m sorry. Sabik lang ako sa ‘yo Sabrina.” muli nitong inangkin ang mga labi ng dalaga habang binilisan ang bawat galaw.Hindi naman magawang gantihan ni Sabrina ang bawat galaw ng bintana dahil pakiramdam niya ay pagod na pagod siya at inaantok. Ilang gabi rin kasi siyang napupuyat sa kakaasikaso kkay Adrian kaya siguro naubos ang kanyang lakas hanggang sa gumaling na nga ito.Matagal din b
Natahimik si Adrian dahil sa pabalang na sagot ni Sabrina. Naitikom niya ang mga bibig dahil sa panggigigil sa dalaga. Humanda ka kapag magaling na ako, Sabrina. Sa isip ni Adrian. “Hindi ako komportable kapag yuyuko. Alam mo namang kapag yuyuko ako eh magagalaw itong dibdib ko. Kakaumpisa palang na pumutok ang mga blisters kaya sariwa pa at masakit,” katwiran niya sa dalaga. Marahas namang napabuntonghininga ang dalaga na muling kinuha ang bimbo at tumalungko sa harapan ni Adrian para ituloy ang pagpunas dito. “Napapagod ka na ba sa pag-aalaga sa ‘kin?” “Sa tingin mo andito pa ako ngayon kung napapagod na ako?” Pamimilosopo ni Sabrina. Hindi na muling nagsalita pa si Adrian dahil nakaisip ng kalokohan. Mabilis niyang hinawakan ang kamay ng dalaga at dinala sa kanyang pagkalalaki na nababalot ng kanyang panloob. Saglit na napatigil ang dalaga dahil sa pagkagulat pero agad din namang binawi ang kamay habang masakit na tiningnan si Adrian. “Umayos ka kung gusto mong alagaan pa ki
Nakauwi na lahat ng bisita ni Adrian maliban kay Anne pero hindi pa rin bumabalik si Sabrina. Labis na ipinagtataka ni Adrian dahil kung hinintay lang nito ang inorder na pagkain, sigurado siyang dumating na ito kanina pa. “Anne, hindi ka ba uuwi?” Baling nito kay Anne na nakaupo sa tapat ng kanyang inuupuan at nagbabasa. “Hindi po, Kuya. Gusto kitang bantayan at alagaan dito,” tugon naman ng dalaga na umangat ang tingin mula sa binabasang aklat. “Pero may pasok ka. Hindi ka p’wedeng lumiban sa klase at ma-miss mo ang lessons ko. Remember, this is your last chance to pass para makapagtapos,” pagpapaalala ni Adrian. “Pero kuya, you need someone to take care of you here. That woman left you. Ang sabi niya saglit lang siya but, where she is now? Hindi na bumalik. If she’s concern about you, hindi ka niya iiwan dito,” giit pa ni Anne na may bahid ng inis para kay Sabrina. “It’s okay! I can manage. Ikaw, kailangan mong pumasok,” pagtanggi ni Adrian. Napahugot ng malalim na hininga su
Kapwa natigilan sina Sabrina at Anne nang buksan ng una ang pinto. Hindi inaasahan ni Sabrina ang mga bisita. Hindi lang kasi si Anne ang nasa labas kundi sampu ng mga kaklase nito sa klase nila kay Adrian. Lahat ito ay may mga dala-dalang bulaklak at basket ng mga prutas.“Are you just going to stand there? You’re not going to let us in?” Si Anne ang unang nakabawi ng pagkagulat. Umatras si Sabrina para bigyang daan sila sa pagpasok. “Tuloy kayo at maupo. Ta—Hindi pa tapos si Sabrina sa pagsasalita ay nagsipasok na ang mga ito at dinaanan lamang ang sala. Dire-diretso ang mga ito patungo sa silid ni Adrian kaya dali-daling isinara ni Sabrina ang pintuan at planong harangan ang mga ito pero agad na nabuksan ni Anne ang pinto at tumambad sa kanila ang topless na si Adrian na nakaupo sa gilid ng kama nito. Kakapahid lang kasi ni Sabrina ng gamot sa mga sugat nito nang marinig nilang may tao sa labas.“Pasensiya na kayo pero p’wede niyo siyang hintayim sa sala. Kakatapos niya lang gamu
Hindi naman grabe ang pasong natamo ni Adrian, sa dibdib lamang nito ang medyo malaki ang napinsala at nagkaroon agad ng mga paltos. “Bakit kasi iniharang mo ang katawan mo kanina, ayan sa iyo tuloy naibuhos ni Veronica ang mainit na tubig sa halip na sa akin,” wika ni Sabrina nang nasa ospital na sila at hinihintay ang doktor na maglalapat ng gamot kay Adrian. Pinatanggal na rin ng nurse ang pang-itaas nito para hindi dumikit sa mga paltos at magiging dahilan ng pagputok ng mga iyon. Sumandal muna si Adrian para maunat ang balat sa kanyang dibdib pababa konti sa kanyang tiyan at maiwasan ang pagputok ng mga paltos bago nito sinagot si Sabrina. “May nakalimutan akong sabihin sa ‘yo kanina kaya ako bumalik. Isa pa nakita ko na kanina pa na may nakakubli sa kurtina pero binalewala ko lang,” sabi nito sa dalaga. “Ano pala ang sasabihin mo sana?” tumayo si Sabrina para lagyan ng isa pang unan ang sinasandalan ni Adrian. “Nakalimutan ko na.” Hindi na muling nakapagtanong pa si
“Buntis ka ba?” Inulit ni Adrian ang pagtatanong dahil akaal niya hindi siya narinig ni Sabrina pero sadyang nagulat lamang siya ng mabungaran ang binata at sa klase ng tanong nito.Ipinilig ni Sabrina nang bahagya ang ulo bago nagpakawala ng isang malapad na ngiti. “Bakit? Excited ka bang magiging daddy?” balik tanong niya sa binata.“Sabrina, I’m serious!” mahina ngunit may diing sabi ni Adrian. Iniiwasan niyang may makarinig sa usapan nilang dalawa.Sa halip na sagutin ay nagpatiunang naglakad si Sabrina kaya sinundan ito ni Adrian. Nais lamang niyang asarin si Adrian at naasar naman ang huli kaya hinawakan nito sa braso ang dalaga at isinandal sa pader. Wala na siyang pakialam kung pagtitinginan sila ng mga dumadaan ang importante malaman niya ang dahilan kung bakit bumisita si Sabrina sa ob-gynecologist nito.“Kapag nabuntis ba ako, pananagutan mo? Ikaw lang naman ang ama kung mabubuntis ako kasi ikaw lang naman ang lalaking naging kasiping ko wala ng iba.” diretso ang tinging tan
Umalis na si Veronica, ang ina ni Seth pagkatapos itong ipagtabuyan ni Adrian. Naiwan sa opisina ng binata sina Anne at Sabrina. Nasa gilid naman ang huli para gamutin ang kamay na napaso ng pagkaing dala sana para kay Adrian. Balewala sa kanya ang nangyari sa kamay at braso, ang ikinaiinis niya ay parang wala man lang pag-aalala mula kay Adrian at mas dinaluhan pa nito si Anne at inaalo pagkatapos sabihin dito na may relasyon sila ni Adrian. “Ito ang petroleum jelly, ipahid mo diyan para hindi magkaroon ng blisters or konti lang,” wika ni Adrian habang inaabot ang pansamantalang gamot kay Sabrina.“Salamat.”“Kuya, we’re going for lunch later, right?” tanong ni Anne na ayaw patalo sa atensyon ni Adrian.Napaismid naman si Sabrina na bahagyang sinulyapan ang dalawa. Nakakapit si Anne sa braso ni Adrian na akala moý takot maiwan.“Oo naman. Where do you want to eat?” tugon at balik-tanong ni adrian na tila nakalimutang nakapangako na ito kay Sabrina na sabay silang kumain sa labas.“A
Natapos ang bakasyon at muli na namang nagbukas ang St. Martin Institute para sa susunod na pasukan. Maaga palang ay nasa opisina na si Adrian para asikasuhin ang lahat ng kakailanganin para sa susunod na semestre ng kanilang departamento. Kagaya rin ng iba na may kanya-kanyang pinagkakaabalahan sa kani-kanilang opisina. Si Sabrina naman ay pumunta rin ng institusyon para sa commitment niya rito kaakibat ng obligasyon niya noong anibersaryo nila. Napagkasunduan rin nila ni Alex na magkita sa opisina ng huli dahil may katagalan din na hindi sila nagkita. “So may plano ka na kung saan tayo kakain mamaya?” tanong ni Alex kay Sabrina pagkaupong-pagkaupo nito sa silyang katapat ng kanyang mesa. “Excited? Ang aga pa no. almusal muna ang pag-usapan natin,” masayang tugon ng dalaga. “Speaking of almusal, ano iyang bitbit mo? Para sa akin ba ‘yan?” “Bakit kakain ka ba ng luto ko?” nangingiti niyang tanong din kay Alex. alam ni Sabrina na wala itong tiwala sa kanya kapag pagluluto ang usapan