hi, readers! Thank you so much for your continuing support for his story. ennjoy reading and don't forget to subscribe and leave your comments.
Hindi naman grabe ang pasong natamo ni Adrian, sa dibdib lamang nito ang medyo malaki ang napinsala at nagkaroon agad ng mga paltos. “Bakit kasi iniharang mo ang katawan mo kanina, ayan sa iyo tuloy naibuhos ni Veronica ang mainit na tubig sa halip na sa akin,” wika ni Sabrina nang nasa ospital na sila at hinihintay ang doktor na maglalapat ng gamot kay Adrian. Pinatanggal na rin ng nurse ang pang-itaas nito para hindi dumikit sa mga paltos at magiging dahilan ng pagputok ng mga iyon. Sumandal muna si Adrian para maunat ang balat sa kanyang dibdib pababa konti sa kanyang tiyan at maiwasan ang pagputok ng mga paltos bago nito sinagot si Sabrina. “May nakalimutan akong sabihin sa ‘yo kanina kaya ako bumalik. Isa pa nakita ko na kanina pa na may nakakubli sa kurtina pero binalewala ko lang,” sabi nito sa dalaga. “Ano pala ang sasabihin mo sana?” tumayo si Sabrina para lagyan ng isa pang unan ang sinasandalan ni Adrian. “Nakalimutan ko na.” Hindi na muling nakapagtanong pa si
Kapwa natigilan sina Sabrina at Anne nang buksan ng una ang pinto. Hindi inaasahan ni Sabrina ang mga bisita. Hindi lang kasi si Anne ang nasa labas kundi sampu ng mga kaklase nito sa klase nila kay Adrian. Lahat ito ay may mga dala-dalang bulaklak at basket ng mga prutas.“Are you just going to stand there? You’re not going to let us in?” Si Anne ang unang nakabawi ng pagkagulat. Umatras si Sabrina para bigyang daan sila sa pagpasok. “Tuloy kayo at maupo. Ta—Hindi pa tapos si Sabrina sa pagsasalita ay nagsipasok na ang mga ito at dinaanan lamang ang sala. Dire-diretso ang mga ito patungo sa silid ni Adrian kaya dali-daling isinara ni Sabrina ang pintuan at planong harangan ang mga ito pero agad na nabuksan ni Anne ang pinto at tumambad sa kanila ang topless na si Adrian na nakaupo sa gilid ng kama nito. Kakapahid lang kasi ni Sabrina ng gamot sa mga sugat nito nang marinig nilang may tao sa labas.“Pasensiya na kayo pero p’wede niyo siyang hintayim sa sala. Kakatapos niya lang gamu
Nakauwi na lahat ng bisita ni Adrian maliban kay Anne pero hindi pa rin bumabalik si Sabrina. Labis na ipinagtataka ni Adrian dahil kung hinintay lang nito ang inorder na pagkain, sigurado siyang dumating na ito kanina pa. “Anne, hindi ka ba uuwi?” Baling nito kay Anne na nakaupo sa tapat ng kanyang inuupuan at nagbabasa. “Hindi po, Kuya. Gusto kitang bantayan at alagaan dito,” tugon naman ng dalaga na umangat ang tingin mula sa binabasang aklat. “Pero may pasok ka. Hindi ka p’wedeng lumiban sa klase at ma-miss mo ang lessons ko. Remember, this is your last chance to pass para makapagtapos,” pagpapaalala ni Adrian. “Pero kuya, you need someone to take care of you here. That woman left you. Ang sabi niya saglit lang siya but, where she is now? Hindi na bumalik. If she’s concern about you, hindi ka niya iiwan dito,” giit pa ni Anne na may bahid ng inis para kay Sabrina. “It’s okay! I can manage. Ikaw, kailangan mong pumasok,” pagtanggi ni Adrian. Napahugot ng malalim na hininga su
Natahimik si Adrian dahil sa pabalang na sagot ni Sabrina. Naitikom niya ang mga bibig dahil sa panggigigil sa dalaga. Humanda ka kapag magaling na ako, Sabrina. Sa isip ni Adrian. “Hindi ako komportable kapag yuyuko. Alam mo namang kapag yuyuko ako eh magagalaw itong dibdib ko. Kakaumpisa palang na pumutok ang mga blisters kaya sariwa pa at masakit,” katwiran niya sa dalaga. Marahas namang napabuntonghininga ang dalaga na muling kinuha ang bimbo at tumalungko sa harapan ni Adrian para ituloy ang pagpunas dito. “Napapagod ka na ba sa pag-aalaga sa ‘kin?” “Sa tingin mo andito pa ako ngayon kung napapagod na ako?” Pamimilosopo ni Sabrina. Hindi na muling nagsalita pa si Adrian dahil nakaisip ng kalokohan. Mabilis niyang hinawakan ang kamay ng dalaga at dinala sa kanyang pagkalalaki na nababalot ng kanyang panloob. Saglit na napatigil ang dalaga dahil sa pagkagulat pero agad din namang binawi ang kamay habang masakit na tiningnan si Adrian. “Umayos ka kung gusto mong alagaan pa ki
“Adrian, tuma—Hindi na naituloy ni Sabrina ang nais sabihin dahil sinakop na ng nag-aalab na mga labi ni Adrian ang kanyang mga malarosas at malambot na mga labi. Ramdam ni Sabrina ang pananabik mula sa binata dahil sa init ng mga halik nito at katawan. Wala ng nagawa pa ang dalaga kundi hayaan si Adrian na angkinin siya. Kahit kasi tatanggi siya ipagpilitan pa rin ng binata ang gusto. Hindi nga lang nito ipinagpilitan noong hindi pa magaling ang mga sugat na natamo dahil sa pagkapaso.“Adrian, dahan-dahan naman. Ano ba?” reklamo ni Sabrina nang nasasaktan na siya sa pagiging agresibo ng binata.“I’m sorry. Sabik lang ako sa ‘yo Sabrina.” muli nitong inangkin ang mga labi ng dalaga habang binilisan ang bawat galaw.Hindi naman magawang gantihan ni Sabrina ang bawat galaw ng bintana dahil pakiramdam niya ay pagod na pagod siya at inaantok. Ilang gabi rin kasi siyang napupuyat sa kakaasikaso kkay Adrian kaya siguro naubos ang kanyang lakas hanggang sa gumaling na nga ito.Matagal din b
“Nais ko lang malamn mo Adrian, kung ano man ang problema mo kay Anne, wala akong kinalaman doon. May pagkukulang siya. Hindi siya nag-aral o nag-review kaya hindi siya pumasa. Kung kapatid o girlfriend man ang turing mo sa kanya, wala akong pakialam kasi isa siya estranghero para sa akin. Hindi kami magkaano-ano, so kung ano man ang nararamdaman mo ngayon, choice mo ýan. Kung galit ka sa akin dahil sa nangyari iyan sa kanya mas nakabubuting maghiwalay na lang tayo. Ibigay mo lang ang hinihingi kong mga gamot at hindi na kita aabalahin pa.”Tila napipilan si Adrian dahil sa mga sinabi ni Sabrina. Hindi niya nagawang sumagot sa mga sinabi ng dalaga. Hindi niya lubos-maiisp na masasabi nito ang mga iyon. Tumayo na lamang siya at kinuha ang isang kumot at lumabas ng kwarto.Makalipas ang ilang minuto ay naramdaman ni Sabrina na bumukas ulit ang pinto pero hindi siya nag-abalang tingnan ito. Nagkunwari siyang natutulog na pero hindi inaasahan ang sumunod na ginawa ni Adrian. Sumampa ito s
Parehong napatingin sa pinanggalingan ng boses sina Sabrina at Seth. mula sa lilim ng isang puno kung saan madaanan papasok ay dahan-dahang lumabas si Adrian. Napakunot ang noo ng dalaga kung bakit nandoon ang binata. Bakit kaya siya nandito? Hindi ba natuloy si Anne na matulog siya bahay niya? O kung nandoon man ito hindi ba siya nag-aalala na iniwanan niya itong mag-isa?“Makaalis ka na Seth. Narinig mo naman ang sinabi ni Sabrina, ‘di ba?” wika ni Adrian nang makalapit sa dalawa sabay hapit nito sa beywang ni Sabrina.Parang walang narinig si Seth na kinuha pa nito ang kamay ni Sabrina at parang ipinagpilitan ang sarili. “Sabrina, may nakakita na sa kapatid mong nawawala sa U.S.,” saad nito.Nakuha naman agad ang interes ng dalaga kaya kumalas ito sa pagkakahawak ni Adrian at humakbang para lumapit pa kay Seth. Naiwang nakasimangot si Adrian. Madilim ang mukha nitong tinitigan si Seth.“Totoo ba ang sinasabi mo, Seth? Saan at kailan nakita ang kapatid ko? Sino ang nakakita?” niyuy
Hindi nagtagal si Adrian sa bahay ni Sabrina dahil naghihintay si Anne sa kanya. Pagkaalis niya ay tinawagan ni Sabrina si Seth para klaruhin dito ang kinaroroonan ng kanyang kapatid.“Isa itong maliit na town sa U.S. at kailangan mong puntahan doon para may panahon kang hanapin siya. Pero sobrang strikto ang pagpasok sa bansa nila kaya kailanganin mo ng koneksyon para makakuha kaagad ng visa,” saad ni Seth nang tanungin ni Sabrina.“P’wedeng ibigay mo na lang ang address sa ‘kin,” hiling ni Sabrina kay Seth.Pagkatapos ng kanilang usapan ni Seth ay napaupo si Sabrina at napaisip kung ano ang mga gagawin para makita ang kanyang kapatid. Malalim siyang nag-iisip nang biglang pumasok sa kanyang isipan si Adrian. Nabanggit kasi nito na lalabas siya ng bansa para sa isang seminar. Nais niyang tawagan ito para kausapin pero malalim na ang gabi kaya isinantabi niya muna ito.Dalawang taon na ang nakaraan mula ng mawala ang kapatid ni Sabrina sa ibang bansa. Lahat ng kaya niyang gawin ay gina
Hindi malaman ni Sabrina kung ano ang maramdaman nang sabihin ni Adrian na lagi siya nitong nakikita noon. Sinungaling siya kung hindi niya aamining kinilig siya sa mga oras na iyon. Knowing that Adrian was so annoyed with her presence, but he did notice her before.“So, binabantayan mo ako?” nangingiting tanong ni Sabrina.“Mmnn, not really? Baka ikaw ang nagbabantay sa ‘kin kasi nga crush mo ako noon, ‘di ba?” tugon ng binata. Napabaling si Sabrina dito at tiningnan ang ekspresyon ng binata kung seryoso ito sa sinabi. Nang makitang hindi ito seryoso saka siya muling nagsalita.“Hindi no. tambayan ko lang talaga ‘yang puno kasi tahimik doon at walang gaanong mga estudyante na pumupunta,” pagsalaysay ni Sabrina ng rason kung bakit naging tambayan niya ang puno ng Banaba noon.“I see. Of course, nakikita mo rin ako roon palagi.”Mabilis na tiningnan ni Sabrina si Adrian at inirapan. Narinig niya kasing tumawa ito nang bahagya pagkatapos magsalita. “Nang-aasar ka ba?” nakanguso na niya
“Wow!”Namangha si Sabrina nang makita ang puno na noo’y naging karamay niya sa halos lahat ng pagkakataon. Isa itong puno ng Banaba na tawag ng iba ay cherry blossoms ng bansa oras na ito ay mamulaklak. May health benefits din ito kaya inalagaan ito ng paaralan. Hindi akalain ni Sabrina na magpahanggang sa oras na iyon ay nandoon pa rin ang puno. “Isa itong puno sa napagdesisyunan ng pamunuan ng paaralan na huwag putulin. Nagkataon lang na Sabado ngayon kaya walang maraming tao o estudyante rito. Kapag raw weekdays, maraming estudyante ang tumatambay rito para magpakuha ng picture. “Kaya ba binakuran ang puno nito para walang makalapit masyado?” tanong ni Sabrina. May hanggang hitang taas na bakod na kasi ang nakapalibot sa puno pero hindi iyong nakasira sa ganda nito. Pinasadya rin yata na lagyan ito ng isang bench para sa mga gustong magpakuha ng larawan. Dahil sa naisip ay kinuha ni Sabrina ang camera at kinuhanan ng larawan ang puno sa iba’t-ibang anggulo.“Gusto mong kuhanan d
Kinabukasan, maagang ginising ni Adriian si Sabrina. Nilalaro nito ang tungki ng ilong ng dalaga gamit ang ilang hibla ng buhok nito habang ang isang kamay ay sa ilalim ng ulo ng dalaga na nagsilbing unan nito. “Mmmnn.” pinalis ni Sabrina ang nagdulot ng kati sa tungki ng kanyang ilong at tumagilid para bumalik ng tulog. Inaantok pa rin siya dahil sa malalim na ang gabi sila nakatulog dahil dalawang beses muna siyang inangkin ni Adrian.“Gising na!” muling ginising ni Adrian si Sabrina. This time niyugyog na niya sa balikat ang dalaga.“Maaga pa,” reklamo nitong nakapikit pa ang mga mata.“May pupuntahan tayo,” muling saad ni Adrian na pilit ibinabangon ang dalaga gamit ang braso niyang nasa ilalim ng ulo nito.“Pero maaga pa nga.”“Alam ko pero dahil babiyahe pa tayo mamaya kaya kailangan nating agahan ang pagpunta roon,” tugon ni Adrian. Siniguro nitong hindi na siya mulimg babalik sa pagtulog kaya inalisan siya nito ng kumot at hinila pababa ng kama.“Sige, bababa na! Huwag mo na
Pagkatapos makatanggap ng rejection kay Adrian, pinilit ni Sabrina ang sarili na kalimutan ang nararamdaman para sa binata. Iniisip na baka kapag matured na siya ay makakalimutan niya ito at maaring mabaling sa iba ang kanyang atensyon. Nang bumalik nga siya galing ng ibang bansa pagkatapos niyang magtapos sa kolehiyo ay muling nagkasalubong ang landas nila ni Seth. isa ito sa kanyang mga kababata at dating magkakaibigan ang kanilang mga magulang kaya madali lang silang nagkapalagayang loob. Wala rin naman siyang masabi noon laban kay Seth hanggang sa dumating nga sa gitna ng relasyon nila si Pia.“Bakit hindi ka na makagalaw diyan? Dumidilim na, oh.” Napapiksi si Sabrina nang marinig ang boses ni Adrian. Saglit siyang nawala sa kasalukuyan dahil sa mga alaala ng nakaraan.“Huh?!” “Are you okay, Sabrina?” tanong ni Adrian na may pag-alala.Hindi naman inaasahan ni Sabrina ang naging reaksyon ng binata. Naikurap niya ang mga mata ng ilang beses para siguraduhing hindi siya nananaginip
Pakiramdam ni Sabrina, namanhid ang kanyang katawan ng sarkastikong tanong na iyon ni Adrian uminit ang kanyang mukha sa hiyang naramdaman. Naririnig niya ang tawanan sa paligid pero pakiramdam niya blangko ang kanyang isip ng ilang saglit. Nang mahimasmasana ay itinulak niya si Adrian. “Bata pa ako noon ay hindi alam kung ano ang nararapat. Kagaya ng ibang kabataan ay dumaan rin sa ganoong sitwasyon. Nakalipas na iyon kaya huwag mo ng isipin, Adrian,” seryoso niyang wika dito.Tumango naman si Adrian na sumang-ayon sa kanya. “Mas mabuti kung ganon.”Naging awkward ang paligid dahil sa nnagyari pagkatapos silang tudyuhin ng mga kaibigan. Nakaramdama ng pagkaasiwa ang mga naroroon pero hinayaan na nila at nagpatuloy sa kwentuhan sa iba pa nilang mga kaibigan.Pagkatapos nag pagtitipon ay sinamahan ni Sabrina si Fate na magligpit ng mga natanggap na regalo at iba pang gamit nto. “Alam mo Sabrina, gusto ko talagang maging kayo ni Mr. Reyes. Bagay kayo at kung kayo ang magkatuluyan, sig
Natapos ang seremonya at nagiging abala na ang bagong kasal sa pagharap sa kanilang mga bisita. Sina Adrian and Sabrina naman ay umaalalay sa bride and groom bilang maid of honor and bestman ng mga ikinasal. Silang dalawa ang tagabigay ng mga giveaways ng mga ikinasal para sa mga bisita bilang token sa pagdalo sa kanilang kasal.Hindi nagtagal at isa-isang nagpaalam ang mga bisita kaya sila na lamang na mga abay sa kasal ang naiwan at iilang mga kakilala at kamag-anak na ayaw pang magsiuwi dahil nasa malapit lang naman ang sa kanila. “Guys, alam kong hindi kayo nakakain ng maayos kanina kaya nagpahanda ako ng pagsaluhan natin,” malakas na wika ni Fate nang bumalik ito pagkatapos nilang magbihis na mag-asawa. Agad nitong tinawag ang mga waiter para ipasok ang ipinahanda niyang pagkain at inumin para sa kanila. Pahapyaw na sinuyod ni Sabrina ng tingin ang lahat at halos ang mga naroroon ay mga kaklase nila noong high school. May iilan na hindi familiar sa kanya. Naiisp niya baka kaklas
Kagaya ng sabi ng doktor, hindi na nag-alala pa si Sabrina ng kanyang nararamdaman. Psychological ‘ika nga. Iniisip niya ito ng sobra kaya siya nauunahan ng takot kapag nasa dilim. Umpisahan na niyang iwaglit sa isipan ang takot para mawala ang kanyang nararamdaman. Sabi nga ng doktor, malaki ang maitulong niya sa sarili para makawala sa phobia.Palabas na siya ng clinic nang makatanggap ng magkasunod na message. Auto-messages na galing sa bangko na nagsasabing nakatanggap siya ng magkahiwalay na halaga ng pera. Buong 3000,000.00 galing kay Adrian at ang 20,000.00 ay galing naman kay Kevin. “Hi, Sabrina. Maraming salamat nga pala sa concept natin at sa maganda mong kuha. Nanalo po ako and I’ve sent you the full payment for it.”Kasunod ng dalawang naunang messages ay may message ulit siyang natanggap at mula ito kay Kevin. Nagpasalamat ito sa ginawa nilang photoshoot kinaumagahan mula napag-usapan nila ang concept nito.“No worries, Kevin. It’s my job to do it so I can get more clien
“Sabrina!” Mabilis na nilapitan ni Adrian si Sabrina gamit ang muntik liwanag na nagmumula sa kanyang mobile phone. Tila nanigas ang dalaga sa kinatayuan na hindi man lang gumalaw kahit bahagya lamang. Hinawakan ito ni Adrian kaya ramdam niyang nanginginig ito sa takot. “Takot ka ba sa dilim?” Isinandal niya ito sa kanyang dibdib pero wala pa ring tugon mula dito. Pinailawan niya ang mukha nito kaya kitang-kita niya ang pamumutla ng dalaga. Wala ng magawa si Adrian kung hindi buhatin ito at inihiga sa kama. Tulala itong nakatitig sa kisame na mukhang takot na takot.Nang hindi pa rin tumutugon si Sabrina ay inalalayan niya itong makabangon. Umupo na rin siya sa tabi nito at tinapik-tapik ito sa likod sa takot na baka kung anong mangyari sa dalaga sa pamamahay niya.“Sabrina, huwag kang matakot. Nandito ako. Hindi kita iiwan.” pang-aalo ni Adrian kay Sabrina.Illang minuto lang ay dahan-dahan itong gumalaw at diretsong tumingin sa kanya. Siya ring pagbalik ng kuryente at agad kumala
Inabangan ni Sabrina sa oras ng uwian si Adrian para kunin ang kanyang commission sa trabaho niya sa institusyon. Ikalima ng hapon nang mamataan niya itong lumabas sa conference hall dahil may meeting raw ito hinggil sa lakad nilang mga delegado papuntang Estados Unidos. Seryoso ang mukha nitong naglalakad habang bitbit ang ilang folders at laptop nito. Hindi yata siya naapansin dahil diretso lang ang tingin nito sa direksyon kung saan ang labasan papunta sa paradahan ng mga sasakyan.“Adrian!” tawag dito ni Sabrina nang ilang metro na lamang ang layo nito sa kanya pero tila wala itong narinig. Hindi man lamang siya nito nilingon o sinulyapan man lang kaya sinabayan ito ni Sabrina sa paglalakad nang matapat na sa kanya. “Tulungan na kita sa mga dala mo,” pagmamagandang-loob ni Sabrina pero inilayo ni Adrian ang mga dala-dalahan. Wala pa rin itong imik hanggang marating nila ang sasakyan nito.Tiningnan lang siya ng binata mula sa kinatatayuan nito sa gilid ng driver’s seat. Hindi niy