Share

Chapter 42: Kapabayaan

Author: rainheart
last update Last Updated: 2025-02-09 00:59:37

“Okay ka lang ba?” Pagkatapos mawala sa kanilang paningin ang papalayong sasakyan ni Adrian ay nilingon ni Alex si Sabrina na parang basang-sisiw ang hitsura. Nag-aalala kasi ito sa nangyari dahil alam niyang galit si Adrian sa kanya. Inaalala niya ang gamot ng tatay niya na kapag nagalit ang binata ay mawawalan siya ng mapagkukunan nito.

Pagtingin ni Sabrina kay Alex ay napansin nito ang namumulang pisngi ng kaibigan na tinamaan ng sampal ni Anne na sana’y para sa kanya.

“Pasensiya ka na Alex ha. Lagi kang nadadamay sa mga problema ko,” nakayukong saad ni Sabrina sa mahinang boses.

Hinawakan ni Alex ang mga kamay ni Sabrina, “Wala iyon. Kahit na medyo nahuli ako sa pagbaba, ang dahilan ng pagpunta nila dito ayon sa naabutan kong usapan ninyo ay tungkol sa bagsak na grado ni Anne. bobo ba sila? Anong kinalaman mo sa grado niya para sugurin ka nila dito?” galit na wika ni Alex.

Parang lumipad ang utak ni Sabrina na hindi alam ang isasagot kay Alex.

“Pumanhik na kayo at mahamog dito sa
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Related chapters

  • My Fiancé Cheated on Me so I Flirt with his Bestfriend   Chapter 43: Nagseselos

    Nang makaalis sina Alex at Bernard ay naiwang mag-isa si Sabrina na malalim na nag-iisip. Nang nakaraang linggo sinamahan niya ang mga magulang sa follow up check-up ng ama at natuwa naman siya sa resulta. Ayon sa doktor, tuloy-tuloy naman ang paggaling ng ama pero kailangang tuloy-tuloy din ang pag-take niya ng gamot. Maaring dagdagan rin ang dosage nito para sa tuluyan niyang paggaling.Ito ngayon ang iniiisp ni Sabrina at pinoproblema dahil sa nangyari kanina lamang sa pagitan nila ni Adrian. Makalipas ang ilang minuto ay nagmamadali niyang kinuha ang kanyang jacket at susi ng sasakyan saka lumabas. Nakapagdesisyon siyang puntahan si Adrian at humingi ng tawad dito. Magpapakumba siya para sa kanyang ama.Ilang minuto lang at narating ni Sabrina ang apartment kung saan na ngayon nakatira si Adrian. Wala pa ito doon. Baka hinatid pa niya si Anne, isip niya. Kaya nag-antay na lamang siya sa pasilyo kung saan malapit sa unit nito. Kalagitnaan ng gabi nang makarinig ng tunog ng sasakya

    Last Updated : 2025-02-10
  • My Fiancé Cheated on Me so I Flirt with his Bestfriend   Chapter 44: Nakitulog

    Pagkaalis kina Sabrina ay dinala agad ni Adrian si Anne sa hospital para mabigyan ng pangunahing lunas dahil sa pamamaga ng pisngi nitong pinadapuan ni Sabrina ng malutong na mag-asawang sampal. Hinatid din niya ito sa kanilang bahay para makapagpahinga. Pagdating sa sariling bahay ay agad din niyang tinawagan ito para siguraduhing nagpapahinga na pero heto at nasa harapan na niya ang dalaga. Deretos ito sa loob ng kanyang bahay dahil may sarili itong susi mabuti na lamang at kakatapos lang nila ni Sabrina nng ilang rounds nang kumatok ito sa pinto.“Kuya Adrian, dito ako matulog, pwede?” nakanguso itong nakiusap kay Adrian at humakbang papasok sa loob. Siya namang paggalaw ni Sabrina na nakatalukbong ng comforter. Nakaharap si Anne kay Adrian kaya hindi niya nakita ang paglabas ng ulo ni Sabrina mula sa ilalim ng makapal na kumot. Pasekretong sumenyas dito si Adrian kaya muli itong nagtago doon. Nahiling naman ni Adrian na sana hindi gagawa ng gulo si Sabrina dahil hindi niya alam k

    Last Updated : 2025-02-11
  • My Fiancé Cheated on Me so I Flirt with his Bestfriend   Chapter 45: For free!

    Kinabukasan, maagang nagising si Sabrina. Ipinangako niya kay Aling Milagros na sasamahan niya ang mga itong umuwi sa probinsiya sa lugar kung saan naninirahan ang kanyang mga lola at lolo. Nagising siyang nakaunan sa braso ni Adrian, at ang isa nitong braso ay nakadantay sa kanyang katawan. Napangiti ng mapait si Sabrina nang makita ang kanilang posisyon. Kung sana lang ay nagkakamabutihan sila sa ngalan ng pagmamahal pero hindi kaya may halong lungkot ang sayang naramdaman ni Sabrina sa pagkakaunan sa braso ng binata. Dahan-dahan niyang inalis ang bisig nitong nakadantay sa kanyang katawan at akmang babangon na nang ibinalik ni Adrian ang braso sa pagkakadantay sa kanyang katawan.“Saan ka pupunta?” tanong nitong pikit pa rin ang mga mata.“Uuwi na!”“Bakit, pinayagan na ba kita?”Napangisi si Sabrina at marahang pinitik ang noo ni Adrian. “Professor Reyes, nakalimutan mo yatang may bisita kang prinsesa sa kabilang silid. Gusto mo bang magising siya na wala ka sa silid mo at hahanap

    Last Updated : 2025-02-12
  • My Fiancé Cheated on Me so I Flirt with his Bestfriend   Chapter 46: Pain

    Iniinda ni Sabrina ang sakit ng kanyang balakang. Nangngingitngit pa rin siya para kay Adrian dahil sa pagtulak nito sa kanya na dahilan para sumakit lalo ang kanyang balakang. Sumasakit na nga dahil sa pagiging wild nito sa kama lalo pa itong nadagdagan dahil sa pagkakahulog.Masakit man ang balakang kailangang ipag-drive ni Sabrina ang mga magulang pauwi ng probinsya dahil hindi pa kaya ni Mang Arnulfo na magkikilos llao na sa pagmamaneho ng sasakyan.Walang nagawa si Sabrina kundi tiisin ang sakit. Dumaan naman siya sa doktor at binigyan lamang siya ng pain reliever na saglit lang huhupa ang sakit at babalik na naman kapag nawala na ang epekto ng gamot.Pagdating sa bahay ng kanyang tiyuhin ay agad ipinarada ni Sabrina ang sasakyan\. Tinulungang bumaba ang kanyang mga magulang. Nagtakbuhan palapit ang kanilang kamag-anakan para kumustahin ang kanilang pagbabalik. Simula kasi na nasa syudad na sila ay bihira na silang umuuwi dahil busy siya sa trabaho at hindi rin bassta maiwan ng Pa

    Last Updated : 2025-02-14
  • My Fiancé Cheated on Me so I Flirt with his Bestfriend   Chapter 47: Kicked by a pig

    “Adrian?!” bulalas ni Sabrina nang mamukhaan ang lalaki. At bago pa siya makapagtanong kung sino ang kasama ng binata sa lugar ng pamilya nila ay bumangon na sa pagkakahiga ang babaeng kasama nito. “Sabrina, hanggang ba dito sinusundan mo kami?” mataray ang pagkakatanong ni Anne sa kanya kaya napataas ang kanyang kilay na nagwika;“Excuse me, nauna ako dito at isa pa lugar namin ‘to. At sino ka para susundan ko?” mataray ding tugon ni Sabrina.“Kuya Adrian. . .” pabebeng reklamo ni Anne. Tumulis ang nguso nito na parang batang nagmamaktol. “Huwag mong pansinin ang mga taong hindi mo kilala. Magpahinga ka na.” pigil ni Adrian kay Anne nang nagsumbong itong parang bata sa kanya. Nakanguso na akala mo’y puwet ng manok sa tulis.Napaismid naman si Sabrina dahil sinuyo naman ito ni Adrian na akala mo’y anak lang si Anne kung lambingin nito. “Sabrina, tumigil ka na!” Saway ni Adrian sa kanya na parang kasalanan pa niyang nandoon siya at nagkatagpo silang tatlo.Pinili na lamang ni Sabrin

    Last Updated : 2025-02-16
  • My Fiancé Cheated on Me so I Flirt with his Bestfriend   Chapter 48: Pauwi

    “You said that because you are thinking nobody is taking care of you. Akala mo dahil sinaktan ka ng isang lalaki, lahat na dinamay mo na akala mo ay wala ng nag-aalala sa ‘yo. Tama ba ako, Sabrina?” panunuya ni Adrian sa dalaga.Hindi na tumugon si Sabrina, pinaikot na lang ang matang tinalikuran ang dalawa. Si Anne naman ay walang mahagilap na salita para isingit sa sagutan nina Adrian at Sabrina kaya napapatingin na lamang siya sa dalawa.Nauna man sa ospital si Sabrina ay halos magkasunod lang sila ni Anne na lumabas ng ospital. Dalawang bote ang naubos ni Sabrina at isa naman kay Anne. Nauna itong lumabas na inalalayan ni Adrian at si Sabrina naman ay kasalukuyan pang tinatanggal ng nurse ang karayom na nakakabit sa kanya.Hirap pa rin si Sabrina sa paglalakad dahil masakit pa rin ang kanyang balakang pero kahit dahan-dahan ay pinilit niyang maglakad para makarating sa sakayan ng bus. Hawak ang balakang na paliko si Sabrina sa pasilyo nang biglang may kumabig sa kanya at sumalikop

    Last Updated : 2025-02-18
  • My Fiancé Cheated on Me so I Flirt with his Bestfriend   Chapter 49: Fetish

    Pagkatapos maihatid si Anne ay bumyahe na ulit sina Adrian pabalik para ihatid si Sabrina. Gabi na kaya hindi makita ni Sabrina kung nasaan na sila banda. Iniisip niya nag mga magulang na tiyak ay nag-aalala na sa kanya.“Twenty minutes lang ang biyahe mula sa ospital pauwi sa bahay ng tiyahin ko eh, bakit ka pa kasi lumayo? Kung sana ako ang una mong hinatid,” reklamo ni Sabrina sa backseat ng sasakyan.“Ito pabalik na nga tayo, ‘di ba?” sagot ni Adrian na hindi man lang sinulayapan ang dalagang nasa likuran.Pinili na lamang ni Sabrina na muling humiga sa upuan ng sasakyan. Pagkalipas ng mahigit isang oras ay muli siyang nagising at nagulat na nasa kahabaan pa rin sila ng kalsada at naglalakbay na parang walang direksyon. “Nandito pa rin tayo sa kalsada?” tanong niya kay Adrian habang kinusot-kusot ang mata para tuluyan na siyang magising.“Masyado ng malalim ang gabi. Bukas na lang kita ihahatid. Hindi ko na matandaan ang mga dinaanan natin eh,” wika na Adrian na parang wala lang

    Last Updated : 2025-02-19
  • My Fiancé Cheated on Me so I Flirt with his Bestfriend   Chapter 50: Tinanghali

    Kinabukasan, nagising si Sabrina sa tindi ng sikat ng araw na tumatama sa kanyang mukha mula sa siwang ng kurtina. Napabalikwas siya ng bangon at napatingin sa orasan. Ika-sampu na ng umaga. Inikot niya ang tingin sa kabuuan ng silid pero ni kaluskos ay walang bakas na nandoon si Adrian kagaya ng pangako nitong babalikan siya para ihatid sa bahay ng kanyang tiyahin. Napabagsak ni Sabrina ang sarili pabalik sa kama dahil sa sobrang inis. Umuwi si Sabrina sakay ng taxi. Matagal din bago siya nakakuha ng masakyan dahil sa dami ng pasahero. Bago pa man nag-antay ng masakyan ay dumaan na siya sa malapit na botica para bumili ng gamot para hindi magbunga ang ginawa nila ni Adrian. Ayaw ni Adrian na gumamit ng proteksyon kaya si sabrina na ang bumibili para sa sarili. Itinapon niya rin ang nurse uniform na pinasuot sa kanya ng nakaraang gabi para walang makakaalam ng kanyang pinaggagawa.“Mabuti naman at naalala mo pang umuwi.!” May galit na salubong ni Arnulfo sa anak nang dumating ito. Ka

    Last Updated : 2025-02-24

Latest chapter

  • My Fiancé Cheated on Me so I Flirt with his Bestfriend   Chapter 67: Nagtatampo

    Nakauwi na lahat ng bisita ni Adrian maliban kay Anne pero hindi pa rin bumabalik si Sabrina. Labis na ipinagtataka ni Adrian dahil kung hinintay lang nito ang inorder na pagkain, sigurado siyang dumating na ito kanina pa. “Anne, hindi ka ba uuwi?” Baling nito kay Anne na nakaupo sa tapat ng kanyang inuupuan at nagbabasa. “Hindi po, Kuya. Gusto kitang bantayan at alagaan dito,” tugon naman ng dalaga na umangat ang tingin mula sa binabasang aklat. “Pero may pasok ka. Hindi ka p’wedeng lumiban sa klase at ma-miss mo ang lessons ko. Remember, this is your last chance to pass para makapagtapos,” pagpapaalala ni Adrian. “Pero kuya, you need someone to take care of you here. That woman left you. Ang sabi niya saglit lang siya but, where she is now? Hindi na bumalik. If she’s concern about you, hindi ka niya iiwan dito,” giit pa ni Anne na may bahid ng inis para kay Sabrina. “It’s okay! I can manage. Ikaw, kailangan mong pumasok,” pagtanggi ni Adrian. Napahugot ng malalim na hininga su

  • My Fiancé Cheated on Me so I Flirt with his Bestfriend   Chapter 66: Almusal

    Kapwa natigilan sina Sabrina at Anne nang buksan ng una ang pinto. Hindi inaasahan ni Sabrina ang mga bisita. Hindi lang kasi si Anne ang nasa labas kundi sampu ng mga kaklase nito sa klase nila kay Adrian. Lahat ito ay may mga dala-dalang bulaklak at basket ng mga prutas.“Are you just going to stand there? You’re not going to let us in?” Si Anne ang unang nakabawi ng pagkagulat. Umatras si Sabrina para bigyang daan sila sa pagpasok. “Tuloy kayo at maupo. Ta—Hindi pa tapos si Sabrina sa pagsasalita ay nagsipasok na ang mga ito at dinaanan lamang ang sala. Dire-diretso ang mga ito patungo sa silid ni Adrian kaya dali-daling isinara ni Sabrina ang pintuan at planong harangan ang mga ito pero agad na nabuksan ni Anne ang pinto at tumambad sa kanila ang topless na si Adrian na nakaupo sa gilid ng kama nito. Kakapahid lang kasi ni Sabrina ng gamot sa mga sugat nito nang marinig nilang may tao sa labas.“Pasensiya na kayo pero p’wede niyo siyang hintayim sa sala. Kakatapos niya lang gamu

  • My Fiancé Cheated on Me so I Flirt with his Bestfriend   Chapter 65: You're great!

    Hindi naman grabe ang pasong natamo ni Adrian, sa dibdib lamang nito ang medyo malaki ang napinsala at nagkaroon agad ng mga paltos.“Bakit kasi iniharang mo ang katawan mo kanina, ayan sa iyo tuloy naibuhos ni Veronica ang mainit na tubig sa halip na sa akin,” wika ni Sabrina nang nasa ospital na sila at hinihintay ang doktor na maglalapat ng gamot kay Adrian. Pinatanggal na rin ng nurse ang pang-itaas nito para hindi dumikit sa mga paltos at magiging dahilan ng pagputok ng mga iyon.Sumandal muna si Adrian para maunat ang balat sa kanyang dibdib pababa konti sa kanyang tiyan at maiwasan ang pagputok ng mga paltos bago nito sinagot si Sabrina.“May nakalimutan akong sabihin sa ‘yo kanina kaya ako bumalik. Isa pa nakita ko na kanina pa na may nakakubli sa kurtina pero binalewala ko lang,” sabi nito sa dalaga.“Ano pala ang sasabihin mo sana?” tumayo si Sabrina para lagyan ng isa pang unan ang sinasandalan ni Adrian. “Nakalimutan ko na.”Hindi na muling nakapagtanong pa si Sabrina dah

  • My Fiancé Cheated on Me so I Flirt with his Bestfriend   Chapter 64: Lunchbox

    “Buntis ka ba?” Inulit ni Adrian ang pagtatanong dahil akaal niya hindi siya narinig ni Sabrina pero sadyang nagulat lamang siya ng mabungaran ang binata at sa klase ng tanong nito.Ipinilig ni Sabrina nang bahagya ang ulo bago nagpakawala ng isang malapad na ngiti. “Bakit? Excited ka bang magiging daddy?” balik tanong niya sa binata.“Sabrina, I’m serious!” mahina ngunit may diing sabi ni Adrian. Iniiwasan niyang may makarinig sa usapan nilang dalawa.Sa halip na sagutin ay nagpatiunang naglakad si Sabrina kaya sinundan ito ni Adrian. Nais lamang niyang asarin si Adrian at naasar naman ang huli kaya hinawakan nito sa braso ang dalaga at isinandal sa pader. Wala na siyang pakialam kung pagtitinginan sila ng mga dumadaan ang importante malaman niya ang dahilan kung bakit bumisita si Sabrina sa ob-gynecologist nito.“Kapag nabuntis ba ako, pananagutan mo? Ikaw lang naman ang ama kung mabubuntis ako kasi ikaw lang naman ang lalaking naging kasiping ko wala ng iba.” diretso ang tinging tan

  • My Fiancé Cheated on Me so I Flirt with his Bestfriend   Chapter 62: Buntis ka ba?

    Umalis na si Veronica, ang ina ni Seth pagkatapos itong ipagtabuyan ni Adrian. Naiwan sa opisina ng binata sina Anne at Sabrina. Nasa gilid naman ang huli para gamutin ang kamay na napaso ng pagkaing dala sana para kay Adrian. Balewala sa kanya ang nangyari sa kamay at braso, ang ikinaiinis niya ay parang wala man lang pag-aalala mula kay Adrian at mas dinaluhan pa nito si Anne at inaalo pagkatapos sabihin dito na may relasyon sila ni Adrian. “Ito ang petroleum jelly, ipahid mo diyan para hindi magkaroon ng blisters or konti lang,” wika ni Adrian habang inaabot ang pansamantalang gamot kay Sabrina.“Salamat.”“Kuya, we’re going for lunch later, right?” tanong ni Anne na ayaw patalo sa atensyon ni Adrian.Napaismid naman si Sabrina na bahagyang sinulyapan ang dalawa. Nakakapit si Anne sa braso ni Adrian na akala moý takot maiwan.“Oo naman. Where do you want to eat?” tugon at balik-tanong ni adrian na tila nakalimutang nakapangako na ito kay Sabrina na sabay silang kumain sa labas.“A

  • My Fiancé Cheated on Me so I Flirt with his Bestfriend   Chapter 62: Bilanggo

    Natapos ang bakasyon at muli na namang nagbukas ang St. Martin Institute para sa susunod na pasukan. Maaga palang ay nasa opisina na si Adrian para asikasuhin ang lahat ng kakailanganin para sa susunod na semestre ng kanilang departamento. Kagaya rin ng iba na may kanya-kanyang pinagkakaabalahan sa kani-kanilang opisina. Si Sabrina naman ay pumunta rin ng institusyon para sa commitment niya rito kaakibat ng obligasyon niya noong anibersaryo nila. Napagkasunduan rin nila ni Alex na magkita sa opisina ng huli dahil may katagalan din na hindi sila nagkita. “So may plano ka na kung saan tayo kakain mamaya?” tanong ni Alex kay Sabrina pagkaupong-pagkaupo nito sa silyang katapat ng kanyang mesa. “Excited? Ang aga pa no. almusal muna ang pag-usapan natin,” masayang tugon ng dalaga. “Speaking of almusal, ano iyang bitbit mo? Para sa akin ba ‘yan?” “Bakit kakain ka ba ng luto ko?” nangingiti niyang tanong din kay Alex. alam ni Sabrina na wala itong tiwala sa kanya kapag pagluluto ang usapan

  • My Fiancé Cheated on Me so I Flirt with his Bestfriend   Chapter 61: Assault

    “Saan ba dito ang pinakamalapit na police station?” “Bakit anong gagawin mo don?” napabangon si Adrian dahil sa naging interesado siya sa tanong ni Sabrina. May duda na siya kung bakit nagtatanong ito ng police station pero kailangan niyang makasiguro. “Kakasuhan mo si Seth?” “Oo. Bakit? Ayaw mo?” balik tanong ni Sabrina sa kanya. “Hindi mo siyang pwedeng i-demanda, Sabrina,” wika ni Adrian na gustong pigilan ang dalaga sa pinaplano nito. “At bakit naman hindi? Dahil ba mayaman siya? Makapangyarihan sila dahil may perang kagaya mo?” Natameme bigla si Adrian dahil sa mga sinabi ni Sabrina pero at some point, tama naman ang dalaga. Sa panahon ngayon, pera na ang batas. Naging bulag ang batas dahil sa pera. “Pero wala pa rin akong pakialam. Whether kakasuhan niya ako o hindi, ako ang magdedemanda sa kanya,” hirit pa ni Sabrina. Hindi itinuro ni Adrian ang direksyon papunta sa pinakamalapit na police sttaion kaya kusa niya itong hinanap gamit ang kanyang mobile phone. “Got it!”” wi

  • My Fiancé Cheated on Me so I Flirt with his Bestfriend   Chapter 60: Girlfriend

    Hindi nagustuhan ni Adrian ang mga sinabi ni Sabrina kaya tumigil ito sa ginagawa sa likuran ng dalaga. Lumipat ito ng pwesto kung saan nakaharap si Sabrina at hinarap niya nag dalaga. Tinitigan niya ito diretso sa mga mata para siguraduhin kung seryoso ito sa mga sinasabi nito. “You don't believe me? Wala ng free sa panahon ngayon Adrian, even sex. You have to pay,”dagdag pa ng dalaga. “Fuckbuddies are called when a man and a woman willingly agree to have sex. I am not willing now.” Ilang minuto munang tinitigan siya ni Adrian bago ito nagsalita. “Are you sure that you don’t want me to be your fuck buddy anymore?” mapaglarong ngiti ang nakapagkit sa kanyang mga labi. “Ÿes!” mabilis pa sa alas-kwatrong tugon ni Sabrina. Wala pa ring katinag-tinag ito sa pagkakatagilid kaharap si Adrian. “Be my girlfriend then.” Napakurap-kurap ang mga mata ni Sabrina dahil sa narinig. Hindi niya inaasahan ang sinabi ng binata. Si Adrian naman ay tila gustong bawiin ang sinabi. Bumalatay sa mukha

  • My Fiancé Cheated on Me so I Flirt with his Bestfriend   Chapter 59: Whore

    Sabrina hated herself. Pakiramdam niya napakawala niyang kwentang babae. Nainsulto siya sa mga pinagsasabi ni Adrian sa kanya pero may punto naman ito dahil siya itong babae at siya rin itong unang lumapit kay Adrian. Ngayon naisip niya ang magiging reaksyon ng mga magulang oras na malaman ng mga ito ang ginawa niyang pang-aakit kay Adrian. Baka isumpa siya ng mga ito sa kahihiyang kanyang ginagawa. Sa ginawa ni Adrian na ipagsabi sa ibang tao ang tungkol sa kanila, hindi malayong makakarating ito sa kanyang mga magulang. “Sa palagay mo Adrian, anong gagawin ko sa sitwasyon ng pamilya ko?” ibinaling niya ang tingin muli sa binata na nakatayo, ilang hakbang mula sa kanya. “So kasalanan ko kung may pinagdadaanan ang pamilya mo? Alam mo Sabrina, para kang p****k na basta na lang isuko ang pagkababae sa isang lalaki na hindi mo naman ka-relasyon.” May diin ang bawat katagang winika ni Adrian na parang tumarak sa dibdib ni SAbrina. Nasaktan siya pero tama naman si Adrian. “Aarte-arte kan

Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status