Ricardo Aviera, a businessman and billionaire, was ambushed in Tagaytay with his convoy of cars and bodyguards. Suspects are still at large.
The eldest son and acting CEO of AGC, Ricardo Miguel Aviera, has remained silent about the incident, even though four of Aviera's malls were on fire on the same day and time. The AGC Board of Directors and Shareholders became concerned about the company's financial situation. The merger of AGC and AA Corp. points out as the cause of the ambush. The CEO of AA Corporation and his wife were discovered dead at a hotel in Tagaytay, and Mrs. Aviera flew to New York while her husband was still in a coma. Ito ang mga balitang isang linggo ng laman ng internet. Isang linggo na rin ang tinitiis ni Madison na hindi magtanong o tawagan ang mga kapatid. Dahil hindi niya rin alam kung paano kakausapin ang mga ito. She knows, her brother's time is limited. Hindi niya rin magawang tumawag kahit sa mga videocall account ng mga kapatid, dahil isang beses na niyang sinubukan pero deactivated na ang mga ito. Kung tatawag man siyang muli ay sa mismong numero na nila niya makokontact ang mga kapatid niya. Naisip niya rin na kung subukan niyang muli, ay wala rin naman siyang magagawa dahil nasa Australia pa siya. Mabuti na lamang at wala na silang klase dahil kung nagkataon ay siguradong hindi siya makakapag-focus at maaaring hindi makagraduate. Kahit ang kaibigan niya ay hindi na rin umaalis ng condo kung walang importanteng lakad o gagawin sa kanilang paaralan para samahan siya. Hindi rin siya nito iniiwan dahil na rin sa pag-aalala. She must maintain her strength, remain calm, and carefully consider what she must do. "Madi, pupunta lang ako sandali sa school natin para kuhanin ang mga gagamitin natin sa graduation. May inihanda na akong breakfast, kumain ka na d'yan." Bahagya pa itong lumapit sa kinaroroonan ni Madison. "Don't worry hindi ako magtatagal, babalik din ako kaagad," ang paalam ni Patz, habang patuloy na tinutuyo ng towel ang basang buhok nito. Nasa balkonahe siya ng kaniyang condo at nakaupo sa silya na may kaparehang maliit na lamesa habang umiinom ng tsokolate. Nilingon niya ang kaibigan, tumango lamang siya kay Patz at pagkatapos ay ibinalik muli ang tingin sa kawalan. Wala siya sa mood para isipin ang nalalapit na graduation. Paano, sigurado naman siyang hindi makakarating ang pamilya niya sa araw na iyon. "Tsk! Paga na naman 'yang mga mata mo Rhian Madison. Sabi ko naman sa 'yo, subukan mo uling tawagan ang mga kapatid mo para malaman mo kung ano'ng nangyayari. Kahit ang kalagayan ng daddy mo ay alamin mo man lang para hindi ka na iyak nang iyak at kung ano-ano ang iniisip," napailing ito sa nakikitang kalagayan ng kaibigan. "Sige ka, baka mabaliw ka n'yan hindi kita iuuwi ng Pilipinas, gusto mo ba iyon?" dugtong pa nito. Gusto niyang matawa sa sinabing iyon ng palabiro niyang kaibigan, pero hindi niya talaga makuha ang tamang mood para sakyan ang mga biro nito. Lumingon siya ulit dito. "Hindi ko alam ang itatanong Patz. Hindi ko rin alam ang puwede kong sabihin sa kanila, dahil magulo pa rin ang isip ko. Ang gusto ko na lang ay matapos na ang graduation para makauwi na ako," ang walang buhay niyang sagot dito. Lumapit na ito ng tuluyan sa kaniya at naupo na rin sa isa pang silya paharap sa kaniya at hinawakan ng mahigpit ang mga kamay niya. "Madi, magpakatatag ka. Ngayon mas kailangan ng pamilya mo ang pang-unawa mo. Sigurado ako na bago ang graduation tatawag ang mga kapatid mo o ang mommy mo para magpaliwanag sa mga nangyayari." Bahagya lamang ngumiti si Madison at ibinalik ang higpit ng hawak ni Patz sa mga kamay niya. Kahit paano ay nagagawa niyang magkaroon ng lakas ng loob dahil may kaibigan siyang nasasandalan sa mga ganitong sitwasyon. Dahil kung siya lamang mag-isa, hindi niya alam kung ano na ang nangyari sa kaniya sa mga oras na ito. Nagpaalam na itong sasaglit sa paaralan para alamin ang mga detalye para sa araw ng graduation. Naligo rin siya kaagad pagkatapos kumain ng inihandang breakfast ng kaibigan. Binuksan niyang muli ang laptop at binasa ang mga articles tungkol sa mga balita at gulong nangyayari sa kompanya nila. Ngayon niya lang ulit napagtuunan ng pansin na buklatin iyon isa-isa dahil nitong mga nakaraang araw ay wala siyang ginawa kung hindi umiyak at madalas tulala. "Sino ang mag-asawang Avila na nakipag-merge sa kompanya namin? Their names sound familiar. On the day daddy was ambushed, their lifeless bodies were discovered in a hotel in Tagaytay. Meaning, posibleng sila ang ka-meeting ni daddy bago ang mga pangyayari? Ito din 'yong araw na tinatawagan ako ni daddy, at ang araw na nakausap ko si kuya at Mikael? But the other article said, hindi lang sila ang magkaka-meeting. The Thompsons was there and they are all safe. May ilan din tama ng bala ang sasakyan ng mga Thompsons, pero mabuti na lang at walang nasaktan kina Kuya Jacob at Tito Juan. Ang ilang bodyguard's ng mga Thompsons ay tumulong din sa mga bodyguards ni daddy sa pakikipagbarilan. Isa sa mga ito ang tinamaan, mabuti na lang at nasa maayos na itong kalagayan. Siguro ay iniutos din nina Tito Juan na tumulong ang mga ito. Pero ang ilan sa bodyguards ni daddy ay kritikal din." Narealized ni Madison na isa ito sa dahilan kung bakit hindi siya pinauuwi ng mga kapatid. Naisip niya rin na 'yon ang dahilan kung bakit pati ang daddy niya ay sinubukan siyang tawagan bago ang meeting. Ibig sabihin, alam na ni Mr. Aviera na posibleng mangyari ito at iniiwasan na madamay pa siya. "Kaya ba pinaalis agad nila si mommy kahit comatose si daddy? Si Ate Celine, saan siya dinala ni kuya?" Bigla ang panlalamig ng buong katawan ni Madison dahil sa mga naiisip. Marahil ay alam din ng daddy niya kung sino ang nasa likod ng pang a-ambush sa kan'ya."Oh my God! My brothers! Nanganganib din ang buhay ng mga kapatid ko!" HINDI na halos nakakatulog si Madison dahil sa pag-iisip ng mga posible pang dahilan para pagtangkaan ang daddy niya, ang mga taong puwedeng nasa likod ng mga pangyayaring ito. Alam niyang nakapaligid lamang sa pamilya niya ang nagtraydor sa kanila. Iniisip niya ngayon ang mga kapatid niya. Dalawa lamang sila Miguel at Mikael na hinaharap ang lahat ng ito. Nakaramdam siya ng awa at pag-aalala. Naputol ang pag-iisip niya nang katukin siya ni Patz. "Madi, nakapagluto na ako. Lumabas ka na muna r'yan para makakain ka. Hindi ka na naman nag-breakfast ha. Baka magkasakit ka n'yan, lalo kang mahirapan makapag-isip ng maayos. Madi! Gising ka ba?! Baka buto't balat ka na n'yan bago makauwi ng Pilipinas, sige ka baka hindi ka na makilala ng mga poging mong kapatid!" ang mahabang sermon ni Patz sa kaniya. Napangiti na lamang siya sa mga sinabi nito. Kanina pa siya gising, mabuti na lang at nandito ang kaibigan niyang handang umalalay sa kaniya sa lahat ng pinagdadaanan ng pamilya niya ngayon. Lalabas na siya para kumain, nakakaramdam na rin talaga siya ng gutom. Tumayo na siya at binuksan ang pinto. "Wow! Thanks God at buhay ka pa. Kung hindi ka naghahapunan, hindi ka rin nag-uumagahan. Gan'yan ka ba talaga mag-diet?" ang birong pang-aasar pa nito. Alam niyang sinasabi lang ito ng kaibigan para pagaanin ang loob niya at pangitiin siya. "Sorry. I felt nothing but pain and longing, I'm so worried. Iniisip ko si daddy, ano na kayang lagay niya? Si mommy, hindi niya rin ako tinatawagan. I want to call kuya and Mikael, but I don't know what to say, I don't know how to comfort them. Kung okay ba sila? Kung may nananakit din ba sa kanila? I... I just wanna go home," kasabay nito ay ang paglandas na naman ng kaniyang mga luha. Pagang-paga na naman ang kaniyang mga mata sa halos araw-araw niyang pag-iyak. Agad naman siyang niyakap at hinaplos-haplos sa likod ng kaibigan. "Sshh! Don't worry, everything will be alright. Tatapusin lang natin ang graduation, at pagkatapos tsaka ka mag-decide kung ano ang gagawin mo. Kung ano man ang maging desisyon mo, asahan mong andito lang ako sa tabi mo para suportahan at samahan ka." "Thank you, Patz," yumakap na rin siya sa kaibigan dahil sa mga oras na ito ay tanging si Patz lamang ang kaniyang masasandalan. NAGLILIGPIT na sila ng pinagkainan ng tumunog ang kaniyang cellphone. Agad niya itong dinampot at sinagot nang makita ang pangalan ng kaniyang Kuya Miguel. "Hello Kuya?!" kinakabahan siya at pati paghinga niya ay bahagyang tumigil sa paghihintay na umimik ito. Gusto niyang umiyak ng malakas at magsumbong, pero alam niyang hindi ito ang tamang oras para panghinaan siya. Sa kabilang banda, ay masaya siya dahil alam niyang ligtas ang kapatid at pinagdarasal niya na sana pati si Mikael ay nasa maayos na kalagayan din. Nakahinga lang siya ng maluwag ng magsalita na ito. "Madi..." sandali ulit itong hindi nagsalita. "I guess you know why I call you." Ramdam sa boses ng kuya niya ang pagod at sakit ng kalooban. Dahil alam ni Madison na dalawa lamang sila Miguel at Mikael na hinaharap ang problema ng pamilya at kompanya nila sa Pilipinas. "I apologize if we lied to you the last time we spoke. This is the reason why we don't want you to come home. It's too risky for all of us. I need to find a safe place for your Ate Celine in New York. Then there was dad..." bumuntong-hininga muna ito bago nagpatuloy. Muli na naman bumabalong ang mga luha niya pero pilit niyang pinipigilan na mapahagulhol. Ayaw niyang dagdagan pa ang isipin ng kaniyang kuya, kaya wala siya ibang ginawa kun'di makinig. Susubukan niyang intindihin at i-absorb ang lahat ng sasabihin ng kuya niya. Nawalan siya ng balanse kaya agad siyang sinalo ng kaibigan para igiya paupo sa sofa. Tumabi ito sa kaniya habang hawak nito ang isa niyang kamay na parang pinalalakas ang loob niya. "After his meeting in Tagaytay, dad was ambushed. That was the day he attempted to contact you. We had no idea this was going to happen." Tama nga siya sa mga iniisip niya nitong mga nakaraang araw. Pinagsisisihan niyang umalis siya kaagad ng maaga at hindi nakausap ang ama. Siguro, kung nagkausap man lang sila ay baka may nasabi itong importanteng bagay bukod sa pagpigil sa kaniyang umuwi gaya ng mga kapatid. "Madi," ang kaniyang Kuya Miguel uli sa kabilang linya. "I need you to stay right where you are. Keep me informed every day. I need to know what you're up to and who's with you. Aside from Patz, your other friends. Notify me if you see someone approaching you who you don't recognize. Please, let me know that you are safe as well. Will you do that?" ang sunod-sunod na bilin nito sa kaniya. Sunod-sunod din ang pagtango na ginawa niya na para bang nakikita siya ng kapatid. "So nasa New York din si Ate Celine with mom? Ibig sabihin bago pa mangyari ang lahat ng ito ay planado na rin ang pag-alis ni Ate Celine at ni mommy? Dahil sabi ni kuya nag-arranged na siya ng magiging safe house nila sa New York bago pa ma-ambush si daddy? Bakit hindi sila dito sa akin nagpunta para hindi kami hiwa-hiwalay? Kailangan kong makausap si ate lalo na si mommy." NANG makausap niya ang kaniyang Ate Celine ay halos pareho lang sila ng kaniyang kuya ng sinabi sa kaniya. Ang manatili muna sa Australia at huwag umuwi ng Pilipinas. Maging alisto sa mga tao sa paligid at huwag na rin masyado lumabas ng condo kung hindi kailangan. Ayon pa rito ay tumawag na raw ang kaniyang kuya sa best friend nito para magpadala ng security team na kakilala nito na nakabase sa Australia at pinababantayan ang condo. Nagpa-double security din daw ang mga ito sa mga guard's ng condominium. Ngayon niya lang narealized na may nagbabantay na pala sa kaniya. "Best friend ni Kuya? Sa pagkakaalam ko patay na ang best friend niya dahil sa aksidente. May bago siyang best friend?" napapaisip si Madison kung sino ito. "Masyado na nga yatang malala ang sitwasyon para kailanganin ko ng security?" Bahagya pa siyang sumilip sa balkonahe at napansin nga niya ang mga pakalat-kalat na mga naka black suit sa ibaba ng building na paikot-ikot at ang ilan ay nasa katapat na cafeteria at minsanang tumitingin sa direksyon niya. Ang kanila raw mommy ay kailangan dalhin sa ospital dahil tumataas ang presyon sa tuwing naiisip ang kabiyak. Pero pinaalalahanan at siniguro rin ng kaniyang Ate Celine na hindi nito pababayaan ang kanilang mommy, kaya wala raw siya dapat ipag-alala sa kaligtasan nito. May mga high-class security din umano ang mga ito na laging nakabantay sa kanila sa safe house. "Ano'ng naging kasalanan namin, bakit kailangang mangyari ito sa amin? Wala naman akong alam na naging kaaway ni daddy dahil halos lahat naman ng kasama nila sa kompanya ay kaibigan niya at ng pamilya namin. But sometimes, your greatest friends can be your worst enemy too. Lalo na pagdating sa pera at negosyo. Baka nga talagang tama ako, na ang may kagagawan nito ay nasa kompanya rin at nagpapanggap na totoong kaibigan." She spent twenty-one years of her life living in a castle surrounded by the people she loves, just like a princess. Ang mga magulang niya ay mabubuting tao, matulungin sa kapwa lalo na sa mga walang trabaho. Kaya nga dumadami ang mga negosyo nila para makapagbigay ng magandang trabaho sa ibang nangangailangan nito. Kaya hindi niya maintindihan kung bakit kailangang pagdaanan ng pamilya niya ang mga ganitong bagay. And the most painful part for her is that she can't do anything to help them because she's still here, chained up, awaiting her graduation. Ang higpit ng pagkakahawak niya sa kaniyang cellphone ay hindi na niya nararamdaman, until Patz try to get it from her hand. "Madi, ibigay mo muna sa akin itong cellphone mo. Baka madurog mo na." Nagawa pa rin talaga nitong magbiro. Nang lingunin niya ito ay umiiyak din ang kaibigan. Alam niyang nasasaktan din ito sa mga nangyayari sa kanila, at dinadamayan siya kahit puro biro ang lumalabas sa bibig nito. Because her best friend witness how devastated she was after she saw the articles. "Patz!" she let her cry out loud and hug her best friend so tight. "Madi, I'm here. I'm just here." Humiwalay si Madison sa pagkakayakap sa kaibigan at tinitigan ito habang hinihintay kung ano man ang sasabihin niya. Kailangan niyang magdesisyon dahil hindi puwedeng maghintay na lamang siya ng mga susunod na posibleng mangyari pa. Kailangan may gawin na siya, at hindi puwedeng hayaan ang mga kapatid na harapin ang mga problemang ibinibigay ng mga taong gumawa nito sa pamilya niya. Kailangan niya maging matapang at lakasan ang loob na hanapan ng solusyon ang gulong nangyayari sa kompanya. Bahagi siya ng pamilya kaya dapat lang na tumulong siya sa ikakalutas ng problema. She will make sure that whoever intended to cause trouble for her family pays the price and begs her forgiveness. Kamuntikan na silang mawalan ng ama dahil lamang sa kung anong dahilan ng mga taong iyon. Dahil kung may naging pagkukulang man ang daddy niya, o naging kasalanan ay hindi sapat na rason ang pagtangkaan ang buhay nito. May iba pang nadamay at sigurado siyang apektado ang mga pamilya ng bodyguard's ng kaniyang ama na nag-aagaw buhay din. She may be young, and everyone thinks she's a genuine woman, but she's not frail and can easily fall. Her greatest weakness is her family, at lalo siyang nahihirapan habang tumatagal na wala siyang nagagawa para tumulong. She's Rhian Madison Aviera. Her personality does not lend itself to hiding and escaping. She had already made her decision. Alam niyang ikagagalit ng mga kapatid niya ang desisyong ito, pero hindi na siya makakatiis pa. "Bahala na," sagot ng kabilang bahagi ng utak niya. "Patz, nakapagdesisyon na ako. Uuwi na ako nang Pilipinas pagkatapos ng graduation ntin," ani Madison habang nakatitig sa kaibigan.Patz blinks her eyes several times while her lips are slightly parting. Madison saw in her best friend's eyes that she didn't like her idea. Dahil alam nitong seryoso siya at hindi na magbabago ang lahat oras na nakapagdesisyon na. "Patz, I need to go home to my family. They needed help; I know. Kahit hindi magsalita si kuya, I know they do. Masyadong mabigat ang mga nangyayari, at hindi nila kakayanin ni Mikael ito," seryoso niyang paliwanag kay Patz. "Teka, sandali lang Madi, hindi ko alam kung may amnesia ka na o talagang matigas ang ulo mo. Kasasabi lang ng kuya mo 'di ba? Baka lalo lang makasama sa sitwasyon kapag nandoon ka," may pag-aalalang sagot ni Patz sa kaniya. "What do you want me to do? Sit here while watching tv and eating popcorn, and wait who is next from my family will lay on a hospital bed?" ang mangiyak-ngiyak niyang sagot kay Patz. "But Madi-" "What if you're the one who's wearing my shoes?" putol ni Madison sa gusto pa sanang sabihin ng kaibigan. "Will you
Natigil lamang sa pagmumuni-muni si Madison nang pumasok ang mga katulong bitbit ang kaniyang mga gamit. Their housemaids were the same housemaids when she left to Australia. Hindi sila basta-basta nagtatanggal ng mga tauhan kung walang mabigat na dahilan. Itinuturing nilang kapamilya ang bawat isa kaya naman minamahal din sila ng mga ito."Ah, Nanay Rosie, pakidala na lang po ng mga gamit ko sa kuwarto. Salamat po," ang nakangiti niyang pakiusap sa matanda.Ang tinawag niyang Nanay Rosie ang pinakamatagal na nilang kasambahay. Naging mayordoma na nga nila ito. Simula ng magbuntis si Mrs. Aviera kay Miguel ay katulong na nila si Nanay Rosie, kaya naman para sa kanilang magkakapatid ay itinuturing na rin nila itong ina. Nginitian niya ang mga kasunod nitong kasambahay na nakangiti rin naman sa kaniya."Naku Madison iha, hindi pa nalilinis at naaayos ang kuwarto mo. Halos katatapos lang din kasi ng full renovation nitong mansyon bago mangyari ang-" natigil sa pag-iikot ang mga mata ni
"Madi, Ethan wants to shake your hand, show him some gratitude," pukaw ni Miguel sa kaniya.Hindi naman niya binigo ang mga ito. Isa pa, hindi niya ugali ang mamahiya ng tao kahit pa gaano siya kagalit o inis dito. Inabot niya ang kamay ni Ethan at bahagya itong nginitian. "Hi," maikli niyang bati rito. Mabilis din niyang binawi ang kamay dahil hindi niya matagalan na nakahawak ito sa kaniya. Hindi dahil sa ito ang unang beses na may nakipagkamay sa kaniya na lalaki, dahil iyon sa kakaibang pakiramdam niya rito."What the... ang lambot ng kamay niya. A bodyguard huh."Tumagos ang tingin niya sa likod ni Ethan kung saan nakikita niya si Mikael na ngiting-ngiti na siya namang ikinakunot ng kaniyang noo."Nothing is funny here Mik," ang naiinis niyang sabi sa kakambal. Hindi pa siya nagtatagal ng isang linggo dito sa Pilipinas, pero heto ang kak*mbal at nag-uumpisa na naman siyang asarin."Hey relax! I'm just smiling and enjoying the view. Akala ko naman kasi hindi ka na marunong makipagk
Mabilis na lumipas ang isang linggong pananatili ni Madison sa mansyon. Bukod sa pag-aayos niya ng mga gamit sa kaniyang kuwarto ay naging abala rin siya sa pagtulong sa kusina lalo sa pagluluto. Pinipigilan man siya ng mga katulong lalo na nang kanilang Nanay Rosie ay wala rin nagawa ang mga ito.Simula ng dumating siya ay sa mansyon na rin natutulog si Ethan, at ang isang guest room nila sa second floor na katapat lamang ng kuwarto niya ang inukopa nito."A bodyguard that sleeping and resting inside our house at sa guest room pa. Ganoon ka ba talaga ka-espesyal para kay kuya?" ang gumugulo sa isipan niya, habang umiinom ng tsokolate sa balkonahe ng pangalawang palapag ng mansyon. Nasa ganoon siyang pag-iisip ng maramdamang may tao sa kaniyang likuran. Naamoy niya rin kasi ang pamilyar na pabango, kaya nilingon niya ito at tiningnan. Nang makumpirma ang nasa isip ay tumalikod siyang muli at tinanong ito."What is it that you want?" ang walang emosyon niyang tanong kay Ethan.Tumikhim
Naiwang nakatayo sa likod ng malapad na pintong iyon si Madison pagkatapos isara ni Ethan at walang lingon itong nagtungo sa library dahil naghihintay doon si Miguel. Wala siyang nagawa kun'di titigan ang malapad nitong likod habang nasa magkabilang bulsa ng pantalon ang mga kamay.Kanina, habang nasa daan pauwi, ay pasimple niya itong nililingon dahil sa pananah*mik nito. Nagtataka pa rin siya kung bakit ganoon na lamang ang naging reaksiyon ni Ethan ng magkita sila ni Jacob, gayong unang beses pa lang naman ng mga itong nagkaharap."Magkakilala kaya silang dalawa?" tanong niya sa sarili. "O baka naman dahil ng isyu sa kompanya? Pero, ano naman ang pakialam ni Ethan sa bagay na iyon?" Sa tagal niyang nawala ay hindi na niya alam kung ano’ng mga nangyayari sa loob ng limang taon.Sinundan niya lang ito ng tingin hanggang sa makapasok sa library. Napabuntong-hininga siya at napagdesisyunan na lamang na magtungo sa kusina. Saktong nandoon ang kanilang Nanay Rosie at si Jam na nag-aayos
Malalakas na k*tok at sigaw ng ilang tao sa labas ng pintuan ng kuwarto ni Madison ang nagpatigil sa lalaking iyon, upang mas makalapit sa kaniya para gawin ang binabalak nitong saks*kin siya. Nagpalinga-linga at dahan-dahan na umatras palayo sa kaniya ang lalaki, at ng makalayo ay malalaking hakbang na tinungo ang balkonahe at walang alinlangan itong tumalon doon.Nanatiling nak*salampak sa sahig at nakayuko si Madison, nakaharang sa mukha ang mga braso para protektahan iyon. Nanginginig siya sa takot at hindi na nagawa pang tumayo para buksan ang pintuan, nang walang anu-ano’y bigla itong bumukas mula sa malakas na puwersa at humampas sa pader. May mga nagtakbuhan papasok sa loob deretso sa balkonahe at waring may hinahanap o sinisilip sa ibaba habang hawak ang kani-kanilang mga baril. Mga bodyguards iyon na nagbabantay mismo sa paligid ng mansyon."Madi?! Madi where are you?!""Madison?! Madiii!"Ang magkahalong boses ng kaniyang Kuya Miguel, at ni Ethan. Hindi siya kaagad mapapans
A middle-aged man stands near the large glass window, holding a glass of expensive brandy. He's wearing a white long-sleeved and misplaced necktie, black pants, and black shoes with his back to the recorder, which was playing on the top of a large mahogany table with two men seated in front of it. They're all paying attention to Madison's speech."I know who you are.""I'm not going to mention your name because you have to deliver this message to your boss. You should know that my brothers and personal bodyguard are capable of doing the same thing you did to me last night or much worse.""Tell your boss I'm not afraid of him! I will not back down and hide so they can destroy everything my family built with their sweat and care for 35 years. Inform your boss that he is not going to win over me. They may feel victorious in ambushing my father to steal the company, well I'm sorry about that. You've threatened the youngest Aviera, and she's ready to fight.""Well, it appears that your spy
Tahimik si Madison habang sakay sa sasakyan ni Ethan papuntang La'Vier, ang isa sa mga mall na pag-aari ng mga Aviera. Kanina pa rin siya hikab nang hikab dahil napuyat siya kahihintay sa pag-uwi ng lalaking kasama niya ngayon. Alas onse na nang gabi ng maramdaman niyang bumukas ang pintuan ng guest room na tinutulugan nito. Hindi niya alam kung bakit naisipan niya pa itong hintayin na makauwi. Mas hindi niya maintindihan ang sarili kung bakit sa tuwing wala ito sa mansyon at nagpapaalam na may aasikasuhin ay sobra siyang nag-aalala para sa binata.Napapitlag si Madison at naabala sa pag-iisip nang bigla itong magsalita at magtanong. Kanina pa pala siya nililingon ni Ethan dahil sa panay na paghikab niya."Did you get enough sleep last night? You appear to be dozing off."Marahas na nilingon ni Madison si Ethan na nakatingin sa kaniya, nakatigil kasi sila sanhi ng trapik. Inirapan lamang siya ni Madison at ibinalik sa bintana ang tingin. Narinig niyang huminga ng malalim si Ethan at n
“Oh my god! Do you know how to use a gun?!” nahihintakutang tanong niya. Totoong nagulat si Madison sa bagay na hawak ng binata, pero bakit inilabas iyon pagkatapos makausap si Jhun? Lalo siyang kinabahan ng mapansin niyang nakatingin pa rin si Ethan sa rear-view mirror ng sasakyan. If only Madison knew what kind of organization Ethan has been with since he arrived, guns are just a toy for him. “Ethan, may problema ba?” lilingon na sana siya sa likod nang pagilan siya ng binata. “Madi, don’t.” Mula sa rear-view mirror ay binalingan niya si Madison. Nagsalubong ang mga kilay niya dahil napansin niyang hindi nito suot ang seatbelt. “Why aren’t you wearing your seatbelt?” Sandali niya pang nilingon ang rear view mirror at nang hindi pa rin gumagalaw si Madison ay dumukwang siya dito at inabot ang seatbelt. Siya na mismo ang nagsuot no’n sa dalaga. Ilang pulgada na lang ay maglalapat na ang kanilang mga labi. Pero para kay Ethan ay hindi ito ang tamang oras para namnamin ang tagpon
Ipinatawag ni Madison ang isa sa kanilang HR officer's para kausapin tungkol sa puwedeng maging trabaho ng kaibigang si Patz. Tumawag kasi itong muli sa kaniya para sabihin na magpapadala na lamang muna ng mga requirements kung papayagan ng kanilang kumpanya iyon. Nagkaroon lamang daw ng emergency ang pamangkin nito kaya hindi maiwan ang pamilya. Sa susunod na linggo raw ito luluwas at sa apartment na inuupahan ng kapatid na si Maricar tutuloy. Para sa kaniya ay walang problema sa bagay na iyon, kaya ng matanggap niya ang mga requirements ni Patz ay agad niya itong ipinrint at siya na mismo ang gumawa ng paraan para matulungan ang kaibigan."Ms Hernandez, these are all of my friend's application requirements," habang ini-aabot iyon sa kausap. "She's been with me in Australia for four years, and she's excellent and talented. Not only that, but she also knows how to manage herself at work. She is also a cumlaude graduate with solid credentials, and no records of failing grades in previ
"Ethan," tawag ni Madison sa binata pero hindi siya nito pinansin. Nanatili ang masamang tingin nito kay Jacob na ikinabahala niya.Tumayo na siya para sana lapitan si Ethan, pero nagulat siya nang magkasunod na pumasok ang kaniyang mga kapatid. Nagsalubong ang kaniyang mga kilay. "Teka, magkakasama kayo?"ang nagtatanong niyang mga tingin kay Miguel. Pero hindi rin siya nito pinansin. Tinapik ni Mikael si Ethan sa balikat at doon lamang ito kumalma. Tuluyang pumasok sa loob ng kaniyang opisina ang mga ito na sinundan niya ng tingin, at naupo sa dalawang upuan na nasa harapan ng kaniyang office table. Bumalik ang tingin niya kay Miguel, at ito ang pumalit sa puwesto ni Ethan kanina kaya nanatiling nakabukas ang pintuan na nasa likudan nito."I was surprised to see you in my sister's office, Jacob. What brought you here, do you need anything?" sabay halukipkip nito na hindi inaalis ang tingin kay Jacob. Tumayo naman ang huli at namulsang humarap kay Miguel."Nothing. I just wanted to pa
Maagang nagising si Madison dahil ito ang unang araw niya sa kaniyang trabaho bilang Chief Marketing Executive ng kanilang kumpanya. Tapos na siyang mag-agahan at ngayon nga ay inihahanda na ang sarili para sa pagpasok niya sa opisina. Ayon sa kaniyang Kuya Miguel ay pinatawag daw nito ang lahat ng board of directors, board members and shareholders ng kanilang kumpanya. Dapat daw niyang makilala ang lahat ng taong lihim nilang pinaiimbestigahan. Hindi naman niya inaasahan ang bagay na ito dahil buong akala niya ay simpleng pagpapakilala lamang sa kaniya ang mangyayari. Pero naisip rin niya na mas makabubuti kung agad niyang makakaharap ang mga ito, ng sa ganoon ay alam niya kung sino at kanino siya dapat mag-ingat. Bagama't medyo naiilang siya sa naging desisyon ng kapatid ay hinayaan na lamang niya ito. Hindi pa rin nawawala sa isip niya na posibleng isa o ilan sa mga ito ang nagtraydor sa kompanya lalo na sa kanilang ama.Black button-down sleeveless dress na medyo hapit ang kaniya