Masakit ang ulo ni Freeshia paggising niya kinabukasan. Napapikit siya habang minamasahe ang ulo niya na makirot dahil sa sobrang pag-inom niya kagabi.
She stood up at agad na nagpunta sa banyo para maligo. Marami siyang kailangang gawin ngayon. Aasikasuhin pa niya ang pag-alis niya sa townhouse na ito since kahapon pa siya nag-impake.
After taking a bath ay agad tinawagan ni Freeshia si Herea.
“Really??” hindi makapaniwalang tanong ni Herea sa kanya nang sabihin nito ang nangyari kagabi
“Yes! Aalis na ako dito Her. Hindi ko na kayang magtagal dito.”
“That’s great news! May bahay ka namang naipundar mula sa kita ng business natin. It’s about time na gamitin mo yun!” sabi pa ni Herea and she’s right
“Naipaalam mo na ba ito sa parents mo at sa mga kapatid mo?”
Binuhay ni Freeshia ang loudspeaker ng phone dahil isa-isa niyang chineck ang mga drawers ng kwarto. Gusto niyang makasiguro na wala siyang maiiwan dito.
Pumasok na din ang kasambahay niya na si Ate Maring at Ate Ellen para ibaba ang mga maleta niya sa kotse.
“Nakahanda na ba yung mga gamit ninyo?” tanong nito sa mga kasambahay
“Opo Ma’am!” magalang na sagot naman ng mga ito sa kanya
Inilibot niya ulit ang mga mata sa kwartong ito. This has been her comfort zone for four years.
Dito rin siya paulit-ulit na inaangkin ni Lance sa tuwing umuuwi siya dito.
This room witnessed her pain and her joy at ngayon, pakakawalan na rin niya ito. Iiwanan na niya ang kulungang pinagdalhan sa kanya ni Lance
“Still there?!” tanong ni Herea dahil hindi niya sinagot agad ang tanong nito
“Yeah! Pinalabas ko lang sa mga kasambahay yung mga gamit ko.” sagot naman ni Freeshia
“So?” ulit ni Herea kaya napabuga na lang ng hangin si Freeshia
“Not yet! Pero confident naman ako na maiintindihan nila ako.” sagot ni Freeshia pero sa sarili niya, hindi din siya sigurado kung matatanggap ng magulang niya ang desisyon niya
They adore Lance. At sa twing dumadalaw silang mag-asawa sa tahanan ng mga Altamonte ay makikita ang closeness ni Lance sa mga ito.
Wala silang ka malay- malay sa sitwasyon ng prinsesa nila sa poder ng asawa nito.
“That’s good! Sige na on the way na ako sa bahay mo! Kita tayo later!” masayang sabi ni Herea sa kaibigan
She felt relief lalo at natauhan na ang kaibigan niya sa ilusyon niyang mamahalin pa siya ng manloloko niyang asawa.
Pagdating nila Freeshia sa bahay niya na nasa isang exclusive subdivision sa metro ay sinalubong na siya agad ng kaibigan.
Ito ang unang beses na makikita niya ito ng personal. Hindi naman kasi alam ni Lance na may nabili siyang property na ganito mula sa kita niya sa negosyo nila nila ni Herea.
Bagong kasal lang sila noon at dahil naiinip na siya sa buhay niya sa townhouse ay inalok siya ni Herea na sumosyo sa negosyo nito.
Noong una ay nag-aalangan siya dahil hindi naman sapat ang perang naipon niya para dito. Ayaw niyang manghingi kay Lance dahil hindi naman din ito papayag since gusto niya na nasa bahay lang siya.
But Herea convinced her at sinabing industrial partner na lang siya since sa kanya manggagaling ang ideas ng bahay na aayusin nila.
Interior designer siya pero hindi niya iyon nagamit dahil agad siyang ipinakasal ng Daddy niya kay Lance. Twenty-one years old siya noon at si Lance naman ay twenty- four
“Welcome home!” tili ni Herea at agad niyang niyakap si Freeshia
“Salamat Her!” aniya habang inililibot ang paningin sa bahay which she designed personally kahit hindi pa siya napupunta dito
Herea just sent her the photos of the house and she decorated it using her laptop. Pagkatapos ay sinend niya ito kay Herea at siya na ang bahalang mag-execute sa tulong ng mga tauhan nila.
“It’s so beautiful!” puri niya at naramdaman niya ang akbay ng kaibigan niya
“Of course naman! Ikaw may gawa eh! May Midas touch ka nga diba? No wonder, ang dami nating clients na nakapila!” pagmamalaki ni Herea sa kanya
“Syempre kasi magaling ka ding mag-market! Hindi naman tatakbo ang negosyo kung wala ka!” balik-puri naman ni Freeshia sa kaibigan
“Tara na, mag-lunch na tayo at planuhin natin ang house blessing mo!” excited na sabi ni Herea saka siya hinila nito sa dining area
Pinasabay na ni Freeshia ang mga kasambahay sa kanila ni Herea. Well, silang dalawa lang naman ang makakasama niya at hindi masayang kumain ng nag-iisa kaya naman sasanayin niya na ang mga ito na sabayan siya sa pagkain. Sa townhouse kasi, palagi siyang nag-iisa since lulubog-lilitaw naman ang asawa niya doon.
“So papasok ka na ba sa office?” tanong ni Herea sa kaibigan habang nagsasalo sila sa pagkaing binili nito sa isang sikat na restaurant
“Maybe after kong makausap si attorney. Kailangan masimulan na ang divorce namin ni Lance.” sagot ni Freeshia
Herea looked at her friend. Alam niyang nasasaktan pa rin ito sa nangyari kahit pa itago niya ito sa kanya. Malungkot ang mga mata nito pero alam niya, malalagpasan din ito ng kaibigan niya.
“Alam mong nandito lang ako para sayo!” inabot ni Herea ang kamay ni Freeshia and she just nodded at her
“I know Her! Salamat!”
After ng lunch nila ay umalis na si Herea dahil babalik pa ito sa opisina ng Aesthetika.
Siya talaga ang humaharap sa clients bilang owner habang si Freeshia naman ang isa sa mga pinipilahang interior designer doon.
Although nag-hire si Herea ng tatlo pang interior designer, mas hinahanap ng mga kliyente si Freeshia, pero dahil nasa bahay lang siya, tanging ang mga proposed designs lang niya ang nakikita ng mga ito.
Nagshower ulit si Freeshia saka niya sinabihan ang kasambahay na iayos ang mga gamit niya sa kwarto. Mamaya na ang appointment niya sa abogado at gusto na talaga niyang madaliin ang lahat.
After an hour ay narating niya ang opisina ni Attorney Madrid. Isa siya sa mga best lawyer pagdating sa ganitong usapin sa buong metro.
“Good afternoon Mrs. Villavicencio, take a seat!” nakangiting sabi ng abogado and she just smiled back
“I already drafted the divorce agreement that you asked for. Pirmahan mo na lang para madala ko na ito sa asawa mo.”
Ipinakita ng abogado kay Freeshia ang mga papeles at agad niya itong binasa.
“Are you sure, you don’t want to demand money from him? I mean legal ang kasal ninyo kaya may karapatan ka sa lahat ng pag-aari niya!” paniniguro ng abogado dahil isa ito sa hiniling niya na mailagay sa kasulatan
Tumango si Freeshia kay attorney dahil hindi naman niya kailangan ang pera ni Lance. She have her own money at hindi niya nanaisin pang pakialaman ang yaman ng asawa niya. Ayaw niya kasi ng sumbatan!
Inilabas niya mula sa bag na kanyang dala ang susi ng townhouse ni Lance at tatlong credit cards na hindi niya naman halos nagamit for four years.
At kahit mabigat sa loob niya, tinanggal niya ang wedding ring nila ni Lance at inabot iyon kay Attorney Madrid.
“Pakibigay na din po ito sa kanya!” pakiusap niya dito at saka nito kinuha ang pen para pirmahan ang divorce papers.
Sa wakas, makakalaya na din siya!
“Sir, a certain Attorney Madrid wants to see you!” Yan ang sinabi ng sekretarya ni Lance sa kanya kaya napaisip ito kung sino ang Attorney Madrid na ito. Wala naman siyang kakilala na may ganitong pangalan at mabuti na lang may oras pa siya bago ang susunod na appointment niya kaya naman pinapasok niya ito sa opisina niya.“Good morning, Mr. Villavicencio, Attorney Leonard Madrid po, legal counsel ni Mrs. Freeshia Natalia Villavicencio.”Nakaramdam ng kaba si Lance ng marinig niya ang pangalan ng asawa. Although he already knows kung para saan ang pagpunta nito ay pinili niyang magpatay malisya.“Have a seat? Coffee?” alok niya pa dito pero tumanggi naman ang abogado“No thanks! Nagpunta lang ako dito para iabot sa iyo ang kopya ng divorce papers. My client wants it to be signed as soon as possible.” pahayag ng abogado kaya napataas ang kilay ni LanceKagabi, akala ni Lance simpleng tantrums lang ito dahil sa nalaman ni Freeshia tungkol sa kanila nila Celestine. Hindi niya akalain na
“Hindi ako pupunta doon, Lance! Are you even thinking!” tanggi ni Freeshia the moment she heard Lance’s words“You are still my wife! Alam mo na hahanapin ka ng parents ko kapag nagpunta ako doon na hindi kita kasama!” giit ni Lance kaya inikutan naman siya ng mata ng asawa“Maghihiwalay na tayo! Ano pang silbi na dalhin mo ako doon at iharap sa pamilya mo na parang walang nangyayari!” Hindi makapaniwala ang babae sa kagustuhan ng asawa niya. Mabait ang mga magulang ni Lance sa kanya. Kahit noon ay tanggap na tanggap siya ng mga ito! Oh! Nakalimutan nga pala niya na ang mga magulang nga pala ni Lance ang may gusto na magkatuluyan sila kaya naman nakipagkasundo sila sa parents niya para maikasal sila.“Maghihiwalay pa lang, Freeshia! At kung gusto mong pirmahan ko ang lecheng divorce paper na yan, susundin mo ako!” Obviously, ginagamit ni Lance ang pagpirma niya sa divorce paper na bala para mapasunod ang asawa niya.Napapikit si Freeshia saka niya matapang na tiningnan si Lance.“O
Tahimik lang si Freeshia habang bumibiyahe sila pauwi sa farm ng magulang ni Lance sa probinsya. Maaga silang umalis sa siyudad para na din makaiwas sa traffic.Gusto ng asawa niya na sunduin siya sa bahay niya pero tumanggi si Freeshia dahil hanggat maari ayaw niyang malaman ni Lance ang tungkol sa property niyang ito.Nagpahatid na lang siya kay Herea na kulang na lang ay tustahin si Lance sa paraan ng pagtingin niya.“Nagugutom ka ba?” tanong ni Lance sa asawa niya na hindi man lang kumikibo buhat pa kanina“Hindi!” sabi nito at saka niya isinuot ang earpods niyaMukhang nagpapatugtog ito ng sounds through her phone at nanatiling tahimik which made Lance sigh.Talagang abot langit na ang galit ng asawa sa kanya.After hours of travel ay narating din nila ang farm ng mga Villavicencio. Nakatingin si Freeshia sa labas habang nadadaanan nila ang mga puno ng mangga na hitik na sa bunga at ready na for harvest.Naalala ni Lance dati na paborito ni Freeshia ang mga mangga dito sa farm ni
Simpleng dinner with the family lang ang inihanda ni mommy Mariel para i-celebrate ang wedding anniversary nila ng kanyang kabiyak.Nandito ang panganay na anak niyang si Lance kasama ang asawa nitong si Freeshia. His other son, Lander ay dumating kaninang tanghali lang dahil may inasikaso pa daw ito sa opisina.Si Lander ang katuwang ng Kuya niya sa pagpapatakbo ng negosyo and she was always proud of them dahil napalago nila lalo ang negosyong ipinundar ng kabiyak niya.“Let’s eat!” masayang aya niya sa mga anak niya matapos silang batiin ng mga itoNaramdaman niya ang tension sa pagitan ng asawa niya at ng panganay na anak niyang si Lance kaya hindi niya mapigilang mag-alala. She thought na baka may problema lang ang dalawa sa negosyo pero habang tumatagal ay iba ang kutob niya.“Mom hindi ba kayo magbabakasyon ni Daddy abroad?” tanong ni Lander sa mommy niya“Hindi na muna iho! Alam mo namang hindi pa fully recovered ang Daddy mo.” sagot ni mommy Mariel sa bunsong anak niya“I was
Dumiretso si Freeshia sa office ni Herea the moment she arrived in Manila. Nagpababa na lang siya kay Lance sa building kung saan nandoon ang opisina ng Aesthetika.He asked kung ano ang gagawin niya doon pero nagkibit-balikat lang siya at hindi na sinagot ang asawa.Hanggang ngayon, ramdam na ramdam pa rin niya ang galit sa puso niya para kay Lance at nadagdagan pa iyon nang tumawag si Celestine dito at tinatanong kung nasaan siya.Ang kapal lang din talaga ng mukha ni Lance para sagutin ang tawag na iyon sa harap niya mismo.Hindi siya nagpakita ng kahit na anong emosyon while Lance is on the phone. Kailangan niyang gawin iyon. Ang maging matigas at ipakita sa asawa niyang magaling na hindi na siya naaapektuhan.Damn him! Gigil na bulong niya sa sarili niya.“Kamusta ang reunion?” nakangising tanong ni Herea sa kanya the moment she entered her officeShe rolled her eyes at her kaya natawa naman ito.“Sinabi niyo na ba sa parents ni Lance?” tanong ni Herea matapos siyang pagtawanan a
Inis na inis si Freeshia dahil isang linggo na ang nakaraan buhat nung manggaling sila sa farm pero hindi pa rin pinipirmahan ni Lance ang Divorce paper nila.Panay ang tawag ng abogado niya sa opisina nito at ayon kay Attorney Madrid ay tila hindi naman sineseryoso ni Lance ang mga tawag niya. Kung hindi ito busy ay palaging wala daw ito sa opisina.Gigil na tinawagan ni Freeshia ang numero ng asawa niya and after a few rings ay sinagot naman niya ito.“Nasaan ka?” agad na tanong niya dahil naiinis na siya sa ginagawa ni Lance na pagpapaikot sa kanya“Nandito ako sa penthouse, why?” malambing na sagot ni Lance sa kanya kaya lalong nainis ang babae dito“Bakit hanggang ngayon hindi mo pa pinipirmahan ang papel, Lance! It’s been a week! Nangako ka sa akin!” sumbat niya dito “Busy ako Freeshia! Marami akong inaasikaso!” Tuluyang sumabog ang tinitimping galit ni Freeshia nang marinig niya ang katwiran ni Lance.“Lance, hindi ka gagamit ng isang buong araw para pirmahan ang mga papel n
Busy si Freeshia sa trabaho sa sumunod na mga araw kaya naman nawaglit kahit sandali sa isip niya ang tungkol sa divorce nila ni Lance.Kakatapos lang niyang gawin ang isang subject na hawak niya at ipinasa na niya iyon kay Herea for the approval ng client.Panay ang tawag ni Lance sa kanya kahapon pero hindi niya ito sinasagot. Hanggang ngayon, ramdam na ramdam pa rin niya ang galit sa buong sistema niya para sa asawa. Her phone rang at hindi niya sana papansinin iyon pero nakita niya na si Lander ang tumatawag kaya agad niya itong sinagot.“Hello?” “Freeshia si Daddy, nasa ospital ulit!” Naramdaman ni Freeshia ang takot sa boses ni Lander kaya naman napatuwid din siya ng upo.“Saan? Kailan pa?” nag-aalalang tanong niya kay Lander“Kahapon pa. Dinala na siya dito sa Manila! Freeshia natatakot ako! This is bad!” “Nasaan ka? Pupunta ako ngayon din!” Freeshia felt sacred too. Wala namang kinalaman ang daddy ni Lance sa gulo nila at father-in-law pa rin niya ito kaya naman kailanga
Nakaligtas naman ang daddy ni Lance sa pangalawang atake niya and luckily ay wala naman itong natamong mas malalang pinsala.Makalipas ang isang linggo ay hinayaan na ito ng mga doktor na lumabas ng ospital matapos niyang ma-clear sa mga laboratory tests niya. Hindi pa siya pwedeng bumyahe pauwi ng farm kaya naman sa mansion ng mga Villavicencio dito sa metro muna siya tutuloy habang nagpapagaling.Mas mabuti na din ito dahil malapit lang ang mansion sa ospital para sa mga check-ups niya in the coming days. Hindi kagaya sa probinsya na kailangan pang bumyahe ng ilang oras para makaluwas.Pinagbigyan ni Freeshia ang pakiusap ni Lance na i-delay ang divorce at pansamantala, doon muna sila titira ng asawa sa mansion at magpapanggap sa harap ng magulang nito na okay sila.Hindi na maintindihan ni Freeshia ang nangyayari pero malinaw naman sa kanya na ginagawa niya ito para sa biyenan niya. Bago pa ito lumabas sa ospital ay naglipat na sila ni Lance ng mga gamit nila. At kahit tutol si H
Paalis si Celestine ngayon dahil balak niyang magpa-spa para makabawi siya sa isang linggong pagod at puyat noong nakaburol si Bernard. Pagbaba niya sa hagdan ay nakita niya na nakaupo sa sala ng mansion ang abogado ni Bernard na si Attorney Bejamin Laxamana.Tumayo naman ito pagkakita sa kanya.“Good morning, Mrs. Salviejo!” “Good morning attorney! Anong sa atin?” Tanong ni Celestine habang papalapit siya sa abogado kaya medyo nagtaka pa ito“Hindi ba sinabi ni Ms. Salviejo na ngayon babasahin ang last will and testament ni Bernard?” Kumunot ang noo ni Celestine hanggang sa dinaan niya sa tawa ang lahat.“Ah oo nga pala! Sorry attorney, alam mo naman kamamatay lang ni Bernard kaya medyo lutang pa ako. It slipped my mind actually!” pasisinungaling ni Celestine para pagtakpan ang pagkapahiya niyaTalagang hinahamon siya ni Wilma! Kung noon ay hindi niya pinapatulan ang kamalditahan nito, ngayon lalabanan na niya ito. “Attorney! Good morning!” sabi ng isang tinig mula sa likuran ni
“Anong sagot mo?” tanong ni Troy kay Freeshia habang papunta sila sa opisina para sa deliberation ng board sa billboard shoot nilaNaikwento niya sa kaibigan ang pag-aalok ni Lance ng kasal at ngayon ay curious si Troy sa naging sagot niya.“Of course I said yes!”“Whoah! That fast?!” Natawa pa si Lance sa sariling komento niya kaya natawa na din si Freeshia.“But hey, pumpkin! No offense! I mean, I’m so happy for you! Kung si Lance ang magbabalik ng saya sa mga mata mo, at sa buhay mo, hindi ako kokontra!” sabi pa ni Troy and he hugged her friend real tight“Thank you Troy! Sigurado ako na magiging masaya na ako ngayon! I lnow Lance will keep his promise!” confident na sagot ni Freeshia sa kaibigan niya“Aba dapat lang! Binalaan ko na si Lance na sasapakin ko siya kapag sinaktan ka pa niya.”Napangiti si Freeshia dahil ramdam na ramdam talaga niya ang malasakit sa kanya ng kaibigan.Wish lang niya, maging positibo din ang pagtanggap ni Herea sa desisyon niya. At hindi naman niya mas
Maagang nagising si Freeshia kinabukasan at napangiti siya nang maramdaman niya ang nakapulupot na kamay ni Lance sa bewang niya.Dahan-dahan siyang bumangon para hindi ito magising lalo pa at mukhang mahimbing ang tulog nito.Nagtagumpay naman siyang makatayo at hindi man lang gumalaw si Lance and she can’t help but smile habang tinititigan niya ang maamong mukha ng lalaki.Nakadapa ito at medyo nakaawang pa ang labi niya habang natutulog pero hindi man lang nakabawas iyon sa kagwapuhan niya.Naligo na si Freeshia at saka siya lumabas para maghanda ng almusal dahil tiyak gutom si Lance paggising niya. Napapitlag pa siya ng magsalita si Troy mula sa likuran niya.“Aga mo?” sabi nito habang inaayos ang coffeemaker sa likod niya“Ano ba! Bakit ka ba nanggugulat!” sabi pa ni Freeshia pero napangiwi siya nang maalala na nasa kwarto nga pala niya si Lance“Huy! Hindi kita ginulat!” kontra naman ni Troy sa kanyaBacon, scrambled eggs at hotdog ang niluluto ni Freeshia. Balak din niyang ma
Freeshia stared at Lance’s face matapos siyang tanungin nito kung pwede silang magsimula muli.Kaya na ba ni Freeshia? Handa na ba niyang harapin ang lahat ng balakid sa pagmamahalan nila ni Lance?“Nakikiusap ako sa iyo, Freeshia! Isang pagkakataon na lang! Pangako hindi na kita sasaktan!” pangako pa ni Lance kaya nahaplos niya ang mukha ng dating asawa“Just shut up and kiss me!” nang-aakit na sabi ni Freeshia and Lance smiled widelyAgad niyang inabot ang labi ni Freeshia at sabik iyong hinalikan. His mind is celebrating dahil sa wakas, tapos na ang pagtitiis niya.Naghiwalay ang labi nila when they both ran out of air. Kapwa sila hinihingal habang magkadikit ang mga noo nila.Halos mapatili si Freeshia nang maramdaman niya ang pagbuhat sa kanya ni Lance. Dinala siya nito sa kwarto niya at maingat na inihiga sa kama.He closed and locked the door saka siya bumalik sa kama at agad na dumagan kay Freeshia.Hinaplos nito ang mukha ng babaing kay tagal niyang hinintay at ngayon ay nasa
Wala ding napala si Troy kay Damon dahil wala din daw itong alam kung nasaan si Lance. Halos magmakaawa na nga si Troy pero wala daw talaga itong alam and he felt frustrated dahil hindi na niya alam kung kanino pa lalapit.Nag-ring ang phone niya at nakita niya na si Herea ang tumatawag.“Babe!” sagot niya dito at miss na din niya ito since naging busy din naman siyaPumunta siya sa opisina ni Herea matapos nilang mag-usap dahil gusto ni Herea na mag-dinner sila.“Babe!” excited na tawag sa kanya ni Herea ng makapasok na isi Troy sa opisina“I missed you!” bulong ni Troy nang yakapin siya ni Herea“I missed you too! Kamusta ang trabaho niyo ni Freeshia?” masayang tanong ni Herea kay Troy“Okay lang! Medyo wala lang sa focus si Freeshia dahil umalis bigla si Lance!” kwento ni Troy kay Herea nang makaupo na sila sa couch“Bakit? Saan naman nagpunta yung sira-ulo mong kaibigan?!” tanong ni Herea at wala naman siyang magawa sa mga tawag ni Herea sa kaibigan niyaOf course nasaksihan kasi
Sa VIP room ng restaurant pinapunta si Abby ng tinatawag niyang madam at nang makapasok na siya doon ay agad siyang naupo.“Kakain ba tayo Madam?” tanong pa niya dito pero hindi na siya pinansin nito at inihagis sa mesa ang sobre na may pera“Uy! Salamat Madam! Pakisabi po sa ate ninyo, salamat!” ani Abby nang masilip niya ang laman ng sobre“Sigurado ka bang walang nakakita o nakakilala sayo?” tanong ng amo niya kaya agad itong umiling“Wala po Madam! Gaya po ng mga nakaraang trabaho, malinis!” proud na sagot ni Abby“Siguruhin mo lang! Ayokong sumabit kami ni ate! Pag nangyari yun ako mismo ang papatay sayo naintindihan mo?”Medyo kinabahan si Abby sa banta ni Madam pero dahil confident naman siya, hindi na lang niya ito binigyan ng pansin.Ang mahalaga naman nagagawa niya ang trabaho niya at kumikita siya ng pera. Kung sa dating trabaho niya na paraket- raket lang, hindi niya kikitain ang perang nahahawakan niya ngayon.“Ang mga susunod na bayad namin para sa trabaho mo, ipapadala
Isang linggo na ang nakalipas buhat nung huling mag-usap si Lance at si Freeshia. At isang linggo na din siyang hindi mapakali dahil ang sabi sa kumpanya ay naka-leave daw ito at si Lander muna ang in-charge sa lahat.“Again!” Napapitlag pa si Freeshia sa sigaw ni Troy na ngayon ay nahahalata na ang pagiging balisa ng kaibigan.They are already shooting for the billboard project pero wala talaga sa hulog si Freeshia.“Guys, break muna tayo!” sabi naman ni Kelly na nahalata na din ang init ng ulo ni TroyDalawang araw na silang nagsh-shoot pero hanggang ngayon wala pang magandang kuha si Troy sa modelo niya.“Mag-usap nga tayo!” sabi agad ni Troy ng makalapit siya kay Freeshia“Sorry Troy! Masakit lang talaga ang ulo ko!” pagdadahilan ni Freeshia pero alam niya, sa tinign pa lang ni Troy na hindi ito naniniwala sa sinasabi niya“Ano ba talaga ang nangyari? After nung insidente sa restaurant, hindi na kita makausap ng maayos! Palagi kang tulala! Ano ba talagang pinag-usapan niyo ni La
“Lance, si Freeshia! She attacked me!” Hindi na nagulat si Freeshia sa ginawa ni Marga dahil umpisa pa lang alam na niya na ito ang mangyayari.“Anong nangyari?” nag-aalalang tanong naman ni Mariel kay Marga na nakasalampak pa rin sa sahig“Kinakausap ko lang naman po siya. Pero nagalit siya at sinabunutan ako! She even destroyed my designer dress. Look mommy, kinalmot pa po niya ako and then she threw water at me!” Nilingon ni Mariel si Freeshia na ni hindi man lang kakikitaan ng takot kaya lalo itong nagalit sa kanya.Tumayo si Mariel at agad na sinampal si Freeshia at halos mabiling ang mukha nito sa lakas ng sampal ng dating biyenan.“Tita…” “Mommy….”Sabay namang sabi ni Troy at Lance dala ng pagkabigla sa ginawa ni Mariel.“Hindi mo ba talaga titigilan ang anak ko?” galit na sabi ni Mariel habang nakaduro ang daliri kay Freeshia“Wala akong ginawa! Pipili na lang kayo ng bago ninyong manugang, sana naman hindi yung sinungaling!” matapang na sagot ni Freeshia kay MarielAkmang
Maganda naman ang naging review ng board sa mga kuha nila Freeshia at Lance. Namili sila ng mga shots na siyang ilalagay sa bawat pahina ng kalendaryong ilalabas ng kumpanya.Tahimik lang naman si Lance at si Freeshia habang nakikinig sa board at ni hindi tinatapunan ng tingin ni Freeshia si Lance.Si Lance naman ay panay ang nakaw na sulyap kay Freeshia. He was hoping na sana, tignan siya nito pero hindi ito nangyari at nanatili na mailap ang mga mata nito.“Okay na po ba ito, Sir?” tanong ni Kelly pero dahil nakatutok ang mga mata ni Lance kay Freeshia ay hindi nito inintindi ang sinabi ng dalaga“Sir….” ulit pa niya kaya napilitan naman si Freeshia na tignan si Lance at doon na nagtama ang paningin nilaThere was longing in Lance’s eyes at hindi naman manhid si Freeshia para hindi maramdaman iyon. Pero gaya ng sinabi niya, ayaw niya makasakit ng iba.Ibinabang muli ni Freeshia ang mata niya kaya naman doon na natauhan si Lance. Tumikhim pa ito at kahit hindi niya masyadong naintind