Diane’s P.O.V.
May exam na naman pala bukas. As usual, wala na namang laman ang utak ko. Huling taon ko na sa kolehiyo. Walong exams kasama ang nakakakabang pre-board at dalawang thesis defense na lang ay ga-graduate na ako sa kursong Accountancy.
Nakakatuwa lang isipin na kaunti na lang ay matutupad ko na rin isa-isa ang mga pangarap ko — pati na rin ang pangarap ko para sa pamilya ko. Sila ang inspirasyon ko sa bawat araw na dumadaan. Sila ang dahilan kung bakit hindi ako sumusuko at patuloy lang na bumabangon sa bawat laban ng buhay.
Kaunting tiis na lang, Diane. You can do it!
Mahirap maging kolehiyala sa umaga at dancer naman sa gabi... pero hindi kami mayaman kaya kailangan kong maging working student. Kailangan kong kumita ng pera kung kaya’t pinagsasabay ko ang pag-aaral at pagtatrabaho. Kailangan kong mag-ipon para sa future.
Bukod doon ay may dalawa pa akong pinapag-aral na mga kapatid: isang fourth year high school at isang grade six. Bata pa lamang kami nang mamatay ang aming ama. Ang aming ina mula noon ay naging sakitin na rin. Kahit papaano, sobrang thankful na rin talaga ako at may sarili kaming bahay na naiwan ng ama naming pulis. At least, nakabawas man lang sa mga gastusin.
Sa totoo lang, hindi ko naman talaga ginustong maging dancer sa club, pero iyon lang talaga ang trabahong pang-gabi na bukod sa matutustusan na ang aming pag-aaral na magkakapatid, ay maipagpapatuloy pa ang araw-araw na medication ni Mama.
Mayroon siyang high blood. Halos linggo-linggo kung atakihin siya. Mahirap maging panganay, pero alang-alang sa kanila ay handa akong magsakripisyo at gawin ang lahat.
Ano ba naman iyong kaunting indak at seksing katawan na makikita ng mga customer kung hindi naman nila makikita ang aking mukha dahil sa suot kong maskara? Kaibigan ni Mama ang may-ari ng club at iyon ang aming usapan. Hindi rin ako pwedeng i-table at lalong hindi ako magsusuot ng mga damit na halos kita na ang kaluluwa.
Sabihin na ng iba na maarte ako pero conservative pa rin naman ako kahit papaano. Hindi lahat ng dancer ay bayaran at hindi por que dancer ay ‘go all the way’ na. Ibahin niyo si Diane.
Kahit maraming may gusto na maka-table ako ay hindi ko talaga sila pinagbibigyan. Kahit bigyan pa nila ako ng malaking tip, hindi ko pa rin sila papansinin. Minsan nga’y may lumapit sa akin at nag-offer ng gintong kwintas at relo, iyon... nilayasan ko!
But above all these, may isang customer pala ang pinayagan kong makausap ako at iyon ay walang iba kung hindi si Leandro.
“Clariz, ikaw na ang susunod!” narinig kong sigaw ni Martina sa pinto ng dressing room.
Tumango lamang ako habang nagliligpit ng mga gamit dito. Ang iba naman kasing dancers ay ang gugulo ng mga gamit at sapatos. Nagkalat ang iba’t ibang makikislap na damit at mga makeup, kung kaya’t hindi maiwasan ang magkahanapan lalo na kung kailangan na nila ang mga ito.
Dito sa club, hindi namin sinasabi ang tunay naming mga pangalan. ‘Yang si Martina? Maria Cristina ang tunay na pangalan niyan at isa siya sa mga may ayaw sa akin. Pinapaboran daw kasi ako palagi ng may-ari, kahit na ang dami kong requests.
Anyway, Clariz was my second name at hindi ko alam kung anong trip niya para palagi na lang akong tawagin sa tunay kong pangalan — when my nickname here should be Claire. Minsan, hindi ko na lang siya pinapansin. Tinatawanan ko na lang nang palihim. Napaka-insecure kasi.
Ang dami niyang issue sa buhay! Hindi na naubusan. Pati ang mga bagong dancer at waitress sa club ay binu-bully niya. Pero tingin ko’y ako talaga ang pinaka-kinaiinisan niya sa lahat.
Mas sexy kasi ako at ‘di hamak na mas bata kaysa sa kanya. Isa pa, may gusto siya kay Leandro — na kahit anong pilit kong iwaglit sa isipan ko, ay alam ko namang sa akin lang nagkakagusto.
Mula sa dressing room ay pumunta na ako sa entablado. Tila nagfa-fashion show akong naglalakad habang nakatuon lang sa’kin ang mga mata ng customers.
Suot ang aking itim na maskara, maikling shorts na bumagay sa mahahaba kong mga hita, high heels na kung saan kampante na rin akong gamitin habang nagsasayaw at cropped-top sleeveless na pang-itaas, pumuwesto na ako sa gitna at nag-umpisang umindayog sa saliw ng isang mapang-akit na musika.
Hinawakan ko ang pole at nagsimula nang lumiyad, sumayaw at umikot dito. Pole dancing talaga ang mastery ko na kinabagayan pa ng lambot ng katawan ko. Isa sa mga dahilan kung bakit karamihan sa mga manonood ay gustong-gusto ako. Ito raw ay bago sa kanilang paningin dahil ako lang ang nagpo-pole dancing dito.
Iyon nga lang... sa dami nang nangahas manligaw sa akin ay wala man lamang akong natipuhan ni isa sa kanila. Not even Leandro, dahil kaibigan lang talaga ang turing ko sa kanya.
Leandro James Evangelista was a twenty-five-year-old young businessman of this generation. Sa murang edad ay hindi maitatangging napaka-successful na habang namamahala ng sarili niyang negosyo.
Gwapo, masipag, mayaman. ‘Yong ‘di ka mahihiyang ipakilala siya sa pamilya at mga kaibigan mo. ‘Yong tipong boy next door at matinée idol ang datingan. As in, pang-boyfriend material talaga si Leandro. Pero sa kabila nang lahat, hindi ko pa rin siya gusto.
Hindi mo naman mapipilit ang puso na gustuhin din ang isang tao dahil lang may gusto siya sa’yo, hindi ba?
Ewan ko ba kung bakit. Siguro ay dahil nase-sense ng radar ko ‘yong pagiging mayabang niya. Ayoko sa lahat ay ‘yong mayabang! Baka gawin lang niya akong tropeyong napanalunan sa isang paligsahan kapag ipinakilala na niya ako sa mga kaibigan niya.
Siguro, ‘yong ibang babae ay magugustuhan agad siya. Pero ako? Alam kong may iba akong hinahanap.
Wala kasi akong nararamdamang ni katiting sa kanya sa tuwing magkasama kami. Wala ‘yong sinasabi nilang spark at kakaibang lundag sa dibdib. Wala ‘yong mga nagliliparang paru-paro sa tiyan at labis na tuwa kapag nakikita ko siya. Wala akong nararamdamang ganoon sa kanya.
Hindi ko namalayan na tapos na pala ang dance number ko. Medyo napatagal yata ang pwesto ko sa itaas ng pole. Maingat na dumausdos akong pababa rito at nakangiting nag-bow sa mga manonood. Malakas na palakpakan naman ang sumunod.
Pumunta na ako sa back stage at didiretso na sana sa dressing room, nang may biglang humawak sa kamay ko at hinila ako sa mas madilim na sulok na hindi maaaninag ng kung sino mang dadaan sa gawing iyon.
“Claire, pwede ba tayong mag-usap?”
Si Leandro. Kahit siya ay hindi alam ang totoo kong pangalan at wala akong balak na sabihin iyon sa kanya.
“Ikaw lang pala, Leandro. Ginulat mo naman ako.” Ngumiti ako.
Kahit naman hindi ko siya gusto, I still tried to be nice to him as much as possible. For me, he was still a friend na dapat kong pakitunguhan nang maayos. Pero hindi ko maitatangging nakakailang pa rin na basta na lang niya akong hahawakan at hihilahin sa sulok na ito.
“Kailan mo ba ako sasagutin?” diretsong tanong niya sa akin.
I frowned. Ano raw?
In the first place, hindi ko naman talaga siya pinahintulutang manligaw. Right from the start, I made him clear na kaibigan lang ang turing ko sa kanya.
Why would he bother to ask such question?
Bigla tuloy sumakit ang ulo ko. Ito ang isa sa mga katangiang ayoko sa kanya. He always had that attitude na hindi madaling pakisamahan.
He was undoubtedly possessive!
Nasasakal ako sa kanya kahit hindi naman kami. And that was even the worst part! How much more kung kami pa?
“Teka, Leandro...”
Tinanggal ko muna ‘yong kamay ko mula sa kanya dahil sumasakit na iyon sa tindi nang pagkakahawak niya. Hahawakan niya sana ako ulit pero umatras ako sa kanya.
“Sa simula pa lang, hindi ba’t sinabi kong wala ka nang aasahan sa akin? I don’t want to be rude, pero friendship lang talaga ang kaya kong ibigay sa’yo. I’m sorry!” malungkot kong sabi.
Mas mabuti nang saktan ko siya sa katotohanan, kaysa naman paasahin ko siya sa kasinungalingan. Ayokong umasa siya sa wala. I didn’t want him to assume that what we have was mutual.
Tumalikod na ako. Nagsimula na akong humakbang palayo sa kanya, ngunit naramdaman kong sinundan niya pa rin ako hanggang sa hawakan naman niya ang kaliwa kong braso — dahilan para mapaharap akong muli sa kanya. Medyo mahigpit ‘yon at tiyak kong mamumula ang braso ko mula sa pagkakahawak niya!
“Ano bang ayaw mo sa akin, Claire? Babaguhin ko! I just don’t get it. Marami namang iba riyan na mas maganda at professional pa kaysa sa’yo pero ikaw lang talaga ang gusto ko. I could date lawyers and even the highest-paid celebrities, but I still keep on thinking about you. Ikaw pa rin talaga eh. Please, Claire... please! Say yes to me at i-aalis kita sa club na ito ngayon din. Ako ang bubuhay sa’yo at sa buong pamilya mo. Ako ang magpapa-aral sa mga kapatid mo. I promise, just say yes!” he pleaded.
But the way he said those words was telling me that he commands more than he pleases.
Napailing ako. “Hindi gano’n kadali ang sinasabi mo, Leandro... at lalong hindi ko kailangang umasa sa kahit na sino para lang mabuhay ang pamilya ko at mapag-aral ang mga kapatid ko! Kaya please, just let me go...” I tried to be at ease as much as possible.
Pilit kong hinahatak ang braso ko pero ayaw niyang kalasin ang pagkakahawak niya rito. Medyo kinakabahan na ako sa inaakto niya, pero hindi ko pwedeng ipakita ‘yon sa kanya.
Tinuloy ko ang gusto kong sabihin sa kanya, “And just like what you have said, you’re right! Marami naman diyang iba. Mas maganda, mas sexy, mas may pinag-aralan at ‘di hamak na kauri mo sa yaman! So bakit ako pa? Why bother to waste your time sa isang dancer na katulad ko, gayong pwede ka namang magka-girlfriend ng abogado? Ng artista? ‘Yong girlfriend na maipagmamalaki mo sa lahat? So please, let me go... nasasaktan na ako.”
Sa pagsusumamo kong ‘yon ay binitiwan niya rin sa wakas ang braso ko. Nag-aalalang sinipat-sipat ko ‘yon dahil sigurado akong namula ‘yon, kahit hindi ko klarong makita sa dilim ng paligid.
He fixed his necktie first, then he looked at me straight in the eyes. “I will try to kill my feelings for you, Claire... but I won’t promise not to follow you ever again. I have eyes everywhere, and that way, I’m going to protect you whether you like it or not...” sinabi niya ‘yon bago siya tuluyang umalis.
What is he talking about? So pinapasundan niya ako kahit saan ako pumunta?
Hindi ko maiwasang hindi kabahan sa mga huling salitang binitiwan niya. Naging kaibigan ko rin naman si Leandro sa loob ng dalawang taon na nagtatrabaho ako rito sa club.
Hinayaan kong makita niya ang aking mukha at marami na rin naman akong mga bagay na naikuwento sa kanya, katulad nga ng pagpapa-aral ko sa dalawang kapatid ko. He was nice and understanding at first, pero ibang-iba na siya ngayon. I couldn’t imagine how his selfish love or should I say — his obsession made him such a monster. He had his own definition of love and affection.
Simula nang ma-realize niya na hindi lang basta kaibigan ang tingin niya sa akin ay na-realize ko rin na hindi na pala ako kampante kapag kasama ko siya. Nand’yan ‘yong iisipin ko na lang bigla na baka kung anong gawin niya sa akin lalo na kapag kami na lang dalawa ang magkasama.
Well, I really didn’t know the meaning of his last words but those just gave me the creeps. I just closed my eyes trying to dismiss everything that he said.
Walang ganang tinanggal ko ang maskara ko. Papunta na ako sa pasilyo kung saan matatagpuan ang dressing room nang biglang mapukaw ang atensyon ko sa anino ng lalaking tila nakatingin sa direksiyon ko.
Inarrowed my eyes, “Leandro?”
Leandro’sP.O.V.Hindi ko sinasadyang sabihin ang mga katagang ‘yon kay Claire o mas kilala ko sa tawag na Diane.
Diane’s P.O.V.“P-Parang a-awa mo na... h-huwag!” gumagaralgal man ay nagsusumamo ko siyang pinakiusapan.
Unknown Person’s P.O.V.Tatlong taon na ang lumipas pero hindi pa rin siya mawala sa isip ko. Tatlong taon na ang lumipas pero hindi ko pa rin makita ang babaeng hinahanap ko.
Diane’s P.O.V.“Nagustuhan mo ba?” nangingislap ang mga matang tanong sa’kin ni Leandro.
Liam’s P.O.V.Walang nagawa si Diane kung hindi ang sumama sa akin. I knew that it wasn’t easy for her to be with me in just one room considering the fact that we had only met today, but I thanked her for trusting me.
Diane’s P.O.V.Nagising ako sa matinding sikat ng araw na tumatama sa aking mukha.
Diane’s P.O.V.Simula nang hinalikan niya ako kanina, hindi na ako umimik. Ewan ko. Hindi ko nga rin maintindihan ang sarili ko. First kiss ko ‘yon. Smack man ‘yon, kiss pa rin ‘yon.
Leandro’sP.O.V.God! Talaga bang nasasakal sa akin si Diane? Masama bang mahal ko lang talaga siya? Masama bang gusto ko lang siyang protektahan? Masama bang ako lang dapat ang palaging nasa tabi niya?
DISCLAIMERAny reproduction, distribution or usage of this work in whole or excerpt form, in any online or offline media using technology now known or hereafter invented including photocopying, mobile technology, and recording are all forbidden without written and signed permission from the author.The story is written in Tagalog-English and contains mature scenes. All characters and events in this book are products of the writer's imagination and have no relation to any namesake. All incidents in this body of work are entirely fiction and are in no way related to anyone who is known or unknown to the author.Plagiarism is a crime and therefore, punishable by law.Copyright, Nihc RonoelAll Rights Reserved 2021BOOK 2: SHADOWS OF MY DARK PAST“Can true love mend all the heartaches brought by the painful past?”The story follows the life of Diane after knowing the truth behind her forgotten past. How will she opt to continue living her life if the man whom she has gotten rid of—chooses
Diane’s P.O.V.Anong karapatan niya para halikan at yakapin ako? Ang kapal naman ng mukha niya para magpakita pa rito! May nalalaman pa siyang, ‘Thank God, I missed you so much?’ And he even called me Diane? Coming from a rapist like him, hindi ko iyon kailanman matatanggap!
Liam’s P.O.V.
Diane’s P.O.V.“Opo. B-Best friends ko po sila... si Karen at si Lorenz?” I told the doctor as I dismissed the mentioned guy in my memory.
Diane’s P.O.V.They said that dying people would always have a reflection on how well they lived their lives on earth, from the start until the very end. The question would be... did I really live my life that well? Were I able to do great and humane things for me to be accepted in heaven?
Diane’s P.O.V.One more flash had made our lips parted. I didn’t want to stop from kissing Liam, but I turned around to see who was busy capturing the photos of us.
Diane’s P.O.V.
Diane’s P.O.V.“Happy birthday!” sigaw nilang lahat. Karen even blasted a party popper near me.
Diane’s P.O.V.To date, this had been the saddest day of my life.