Halos mataranta si Natalie habang naghahanap siya ng maisusuot niya ngayong gabi. Inilabas niya na ang lahat ng mga damit niya sa closet at isa-isa itong tinitingnan sa salamin kung bagay ba sa kaniya.“Hindi ka pa ba tapos diyan?” nababagot na tanong ni Natalia dahil kanina pa naghahanap nang maisusuot ang anak niya.“Hindi ko alam kung anong isusuot ko.” Reklamo niya sa kaniyang ina. Napapairap na lang si Natalia dahil napakaraming damit ng anak niya pero wala itong makita na magandang maisusuot.“Just choose a simple dress o kung saan ka komportable. Nakakahiya naman kay Amelia at Levi kung sila pa ang maghihintay sa atin.” Pagalit nang saad ni Natalia, kanina pa siya tapos magbihis habang si Natalie ay nahihirapan pang maghanap nang maisusuot. Isinarado na ni Natalia ang pintuan. Muling naghanap si Natalie nang maisusuot niya. Lalo siyang natataranta dahil sa oras.Nang makahanap na siya ng maisusuot niya ay lumabas na siya. Hinila naman na siya ng kaniyang ina na makasakay sa sas
“Excuse me,” malamig na saad ni Owen saka siya tumayo. Sinundan naman siya ng tingin ni Natalie. “Mag-usap tayo,” aniya pa kay Natalie saka niya ito hinila. Nagmamadali namang sumunod si Natalie sa kaniya hanggang sa makalabas sila ng restaurant.“You’re hurting me, kung gusto mo akong makausap pwede mo namang sabihin. Hindi yung hihilain mo pa ako.” Reklamo niya saka niya hinaplos ang kamay niya na may bakas ng kamay ni Owen.“What is that? You know about this arrange marriage? Hindi mo nakuha si Tyrone kaya ako naman ngayon ang gusto mong pakasalan? Nauubusan ka ba ng lalaki sa buhay, Natalie?” inis na saad ni Owen. Isang malakas na sampal naman ang iginawad ni Natalie sa kaniya.“Kung makapagsalita ka parang ako lang ang may plano sa kasal na ‘to. Hindi ka ba nasabihan ng mga magulang mo na pinag-usapan nila ang magiging kasal nating dalawa? This is about business, Owen pero kung pagbintangan mo ako para bang pinilit ko ang mga magulang mo na ipakasal ka sa akin.”“Dahil hindi ko n
Busy si Tyrone sa paggawa ng mga plano niya na ipepresent niya na naman sa susunod na linggo. Ibinubuhos niya ang oras at atensyon niya para maperfect niya ang paper works niya. Napatingin siya sa kapeng ibinaba sa kape niya saka niya tiningala si Czarina.“Magkape ka muna, masyadong salubong na salubong ang mga kilay mo habang nakatingin ka sa laptop mo. May dalawang araw ka pa naman para matapos yan.” Ani ni Czarina. Pareho silang walang pasok ngayon kaya nasa loob lang sila ng bahay.“Hindi ka umalis? Ang akala ko ba ay lalabas kayo ng kaibigan mo.” Wika ni Tyrone saka niya kinuha ang kape at uminom dun.“Hindi natuloy dahil may biglang tumawag kay Hailey. May kailangan daw silang ayusin sa business nila kaya magsstay na lang ako dito. Wala naman na akong ibang kaibigan maliban sa kaniya.” Napatango na lang si Tyrone. “Pwede ko bang basahin yung ginagawa mo, baka may maitulong lang.” wika niya, muling tumango lang si Tyrone.Naupo naman na si Czarina sa tabi ni Tyrone at binasa ang
Nilagyan ni Czarina ng wine ang dalawang baso saka niya ibinigay ang isa kay Tyrone. Pareho na silang naupo sa gilid ng pool habang nakatampisaw ang mga paa nila sa tubig.“Sa nakalipas na mga taon, wala akong maalala na nagkaroon ako ng ganitong kalayaan. Nakakalanghap ng sariwang hangin at walang masyadong iniisip. Ikaw? Anong ginagawa mo nitong mga nakalipas na taon?” tanong ni Czarina saka siya sumimsim ng alak. Ininom naman muna lahat ni Tyrone ang alak na nasa baso niya bago siya sumagot.“Hindi ko alam, wala akong ginawa kundi ang maglustay lang ng pera ng mga magulang ko. Walang patutunguhan ang buhay ko nun. All I want is to be free. Wala pa nga sana akong balak bumalik sa kompanya, walang balak na magpakasal kahit kanino kung hindi lang nila ako tinakot na puputulin nila lahat ng atm card ko. Ang gago ko diba?” natatawa pa niyang saad.Muling nilagyan ni Tyrone ng wine ang baso niya saka siya kumain ng mga pagkain na kinuha ni Czarina.“Ako naman, akala ko nahanap ko na ang
Palihim na makikipagkita si Czarina kay Jean, ang secretar ni Natalia. Marami siyang gustong malaman tungkol kay Natalia at kung may alam ba ito sa mga katiwalian ni Natalia sa kompanya. Matiyagang naghihintay si Czarina sa isang coffee shop. 20 minutes na siyang naghihintay pero wala pa rin ito kaya panay ang tingin niya sa entrance. Malapit niya ng maubos ang kapeng inorder niya. Muling nagpakawala ng malalim na buntong hininga si Czarina, aalis na lang sana siya dahil mukhang wala namang patutunguhan ang paghihintay niya nang biglang dumating an secretary ni Natalia.“Pasensya na po Ma’am Czarina kung naghintay kayo. Marami po kasing pinagawa sa akin si Ma’am Natalia.” Wika nito saka siya naupo sa upuan na nasa harapan ni Czarina. Umorder na muna ng kape at dessert si Czarina para kay Jean bago niya ito kinausap.“Para saan po ba ang pagkikita natin na ‘to at bakit hindi po pwedeng malaman ni Ma’am Natalia?” nagtatakang tanong ni Jean. Maging si Czarina ay kinakabahan pero kailanga
“Good for you kung pinagsisisihan mo na pero kahit anong gawin mo, kahit magmakaawa at lumuhod ka pa sa akin araw-araw hinding hindi ko hihiwalayan si Tyrone.” Bagsak ang balikat ni Austin dahil sa sinabi ni Czarina. Hindi niya akalain na magiging ganito katigas si Czarina dahil nakilala niya itong mahina, madaling maloko at mabilis magpatawad. Lalampasan na sana ni Czarina si Austin dahil natahimik ito ng ilang segundo nang hawakan siya nito sa braso.“Do you like him now?” seryosong tanong ni Austin. Hindi kaagad nakasagot si Czarina, ano nga bang nararamdaman niya para kay Austin ngayon? Hindi niya alam, naguguluhan pa rin siya pero hindi niya maintindihan kung bakit sumasagot siya sa mga halik ni Tyrone. “Gusto mo na ba si Tyrone? Mahal mo na ba siya?” sunod-sunod na tanong ni Austin. Akala niya ay magiging okay lang sa kaniya kapag naghiwalay sila ni Czarina pero habang lumilipas ang araw, narerealize niyang mahal niya si Czarina at nasasaktan na siya dahil naangkin na ito ng iba
Habang nagkwekwento si Czarina tungkol sa buhay niya ay umiinom din siya ng alak. Nakikinig lang naman sa kaniya si Tyrone. Namumula na rin ang mga pisngi ni Czarina dahil marami na siyang naiinom habang matino pa rin si Tyrone.“I was once a princess but now I'm like Cinderella, hindi pa makakaalis sa pang-aabuso kung walang prinsipeng sasagib.” Natatawa niyang saad habang hawak-hawak niya ang alak. Nananatiling nakatitig pa rin si Tyrone sa kaniya. Pinapakinggan niya lang ang lahat ng kwento ni Czarina. Muling nagpakawala ng malalim na buntong hininga si Czarina saka niya sinuklay ang buhok niya gamit ang mga daliri niya pero lalo lang itong nagugulo.Matamis na nginitian ni Czarina si Tyrone ng magsalubong ang mga tingin nila.“Thank you for being my prince, Tyrone, kahit na alam kong panandalian lang ang lahat ng ‘to. Sana makabawi man lang ako sayo, maibalik ko man lang ang mga kabutihan.” Ani pa niya saka siya napahilamos sa mukha niya. Gulo-gulo na ang buhok ni Czarina at humah
“Your Tita Natalia told me na gusto mong buksan ang kaso tungkol sa nangyari five years ago. Ano pa bang gusto mong malaman? Naghahanap ka pa rin ba ng masisisi mo sa pagkamatay ng Mommy mo? It’s been five years, akala ko ba ay okay ka na? Akala ko ba ay nakalimutan mo na? Hindi pa ba malinaw sayo na aksidente lang ang nangyari?” hilaw na natawa si Czarina. Hindi na siya magtataka kung paano nalaman ng stepmom niya ang tungkol sa pagpapabukas niya sa kaso. Alam niyang may taong nakamasid sa bawat kilos niya.Napayuko naman si Czarina saka siya bumuntong hininga bago muling sinalubong ang matatalim na tingin sa kaniya ng kaniyang ama.“Do you still want to believe na aksidente lang ang nangyari? Limang taon na nga ang nakalipas Dad pero hanggang ngayon hindi natin nabibigyan ng hustisya si Mommy. Hindi nahuli ang driver ng truck dahil ipinasarado niyo kaagad ang kaso. Walang gustong maniwala sa akin, dahil ba lumipas muna ang isang taon bago ko naalala ang nangyari sa aksidente?” napah
“Kailan mo pa hawak ‘to? Kaya ba malakas na ang loob mong maghari-hari dito sa kompanya?” nginisian ni Czarina si Natalie na nagngingitngit sa galit.“Yan ba ang panaginip lang? Kapag sinabi ko totoo yun. Sino kaya sa ating lahat ang nananaginip lang?” anas ni Czarina. Nakagat ni Natalia ang mga ngipin niya. Gusto niyang punitin ang mga papeles pero kaharap nila ang mga board of directors.“Sayo ibinigay ni Arianne ang mga shares niya bago siya mawala?” kuryoso na ring tanong ng isang board of directors.“Yes, so from now on ako na ang mamamahala sa kompanya na ‘to. Be kind to me, Tita, kung ayaw mong paalisin kita dito sa kompanya ko. Remember, wala ka namang hawak na shares.” Pang-aasar pa niya. Lalong hindi na nakapagsalita si Natalia at Natalie. Nang wala na silang sinabi ay pinagpatuloy ni Czarina ang pagpapaliwanag niya sa harap.Mahigpit naman na ang hawak ni Natalia sa skirt niya habang masamang nakatingin kay Czarina. Hindi niya akalain na nahanap na ni Czarina ang dokumento
Nang makatulog ang kambal ay nagtungo si Czarina at Tyrone sa veranda. Nakasandal si Czarina sa railings habang may hawak na tsaa. Si Tyrone naman ay nakaupo sa sofa habang may binabasang mga reports.Iniisip pa rin ni Czarina kung totoo bang buntis si Natalie. Napabuntong hininga na lang siya at sa lakas nun ay narinig ni Tyrone.“What are you thinking?” pangbabasag ni Tyrone sa katahimikan nilang dalawa.“Iniisip ko lang, kung buntis naman talaga si Natalie bakit kailangan niyang magsuot ng fake pregnant belly? Imposible namang magsinungaling sa akin si Isabella. Kung ano yung nakita ng bata paniniwalaan ko yun.” anas niya.“Baka naman buntis talaga siya. Hayaan mo na lang sila.”“Kilala ko rin si Natalie. Ayaw na ayaw nun ng malaki ang tiyan niya dahil kapag alam niyang malaki ng kaunti ang tiyan niya nagda-diet na siya kaagad. Pansin kong may baby bump na kaagad siya. Paano kung nagsuot siya ng fake pregnant belly? Wala naman siyang alam sa pagbubuntis pa kaya baka akala niya may
Stress na stress na pumasok si Natalia sa kompanya. Ipinatawag niya kaagad si Manager Cruz. Habang naghihintay siya ay pabalik-balik siyang naglalakad sa harap ng malaki niyang bintana.Makalipas ang ilang minuto ay dumating na si Manager Cruz.“Ipinatawag mo raw ako?” ani nito. Mabilis naman siyang hinarap ni Natalia.“Nagawa mo na ba ang ipinagawa ko sayo?” tanong niya kaagad. Prente namang naupo sa sofa si Manager Cruz.“Of course, don’t worry malinis ang lahat ng trinabaho ko.” Kalmado nitong saad. Nabawasan naman ang galit ni Natalia kaya kumalma na siya at naupo na rin.“Mabuti naman kung ganun,” anas niya. Tumayo si Manager Cruz para magtimpla ng kape nilang dalawa ni Natalia. Alam kasi nito na problemado na naman ng boss niya.“What happened? Pinagbabantaan ka na ba ni Czarina?” tanong niya habang nagtitimpla ng kape.“Hindi ko pa siya nakakausap pero malaki ang pagbabago ni Mateo. Alam mo naman na hindi ko hawak ang dokumento na si Czarina ang tunay na shareholders ng kompany
Isang linggo nang naghihintay si Natalia kay Officer Fernando pero tila ba iniiwasan siya nito. Hindi niya na rin matawagan ang number niya. Sa inis ni Natalia ay itinapon niya ang hawak niyang cellphone saka niya hinilot ang sintido niya. Pinapakalma ang sarili.Nang makita niya si Mateo na nilampasan lang siya ay hinabol niya ito.“Mateo,” tawag niya dito pero hindi siya nilingon ni Mateo. Dire-diretsong pumasok si Mateo sa office niya. Sumunod naman sa kaniya si Natalia na hindi pa rin maipinta ang mukha dahil sa pinaghalong galit at inis “Dalawang gabi kang hindi umuwi tapos lalampasan mo lang ako na para bang wala kang ginawa? Saan ka nanggaling? Hindi ka man lang sumasagot sa mga tawag ko. Hindi mo rin sinasabi sa akin ang mga plano mo. Ano bang nangyayari sayo?” sunod-sunod na tanong ni Natalia. Tila pagod namang naupo si Mateo saka niya blangkong tiningnan si Natalia na tila bulkan na puputok na sa galit.“Pagod ako Natalia. Pwede bang bigyan mo muna ako ng oras para magpahing
“Plan to buy this company,” tipid niyang sagot. Nagkatinginan na lang si Aries at Matthew. Napapailing na lang si Matthew. Hindi talaga nila magawang basahin ang kaibigan nilang si Tyrone.“Ibang klase ka talaga. Kaya pala parang wala kang pakialam plano mo palang bilhin ang kompanyang ‘to. Paano mo yun magagawa kung mas malaki ang kompanya ng lolo mo kesa sa kompanya natin?” kuryosong tanong ni Aries.“Pwede ko namang isa-isahin na bilhin ang shares ng mga board of directors. Czarina is one of the major shareholders too. Minsan kong nakita ang dokumento na nagpapatunay na siya ang may hawak ng shareholders ng namatay niyang ina. I can buy that too.” Anas pa niya.“Is that the reason kung bakit mas pinili mong mahalin siya para makuha mo ang gusto mo sa kaniya?” seryosong tanong ni Matthew. “Do you really love her or you just love her because you need her?” dagdag pa ni Matthew. Sinamaan ni Tyrone ng tingin si Matthew.“I love my wife, you jerk. Of course, at first, I just need her be
Malalim pa rin ang iniisip ni Czarina. Nag-iisip siya ng paraan kung paano niya ba i-eexpose ang kasinungalingan ni Natalie. She needs a clear proof para mapatunayan na totoo ang sasabihin niya. Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan niya. Itutuon niya na sana ang atensyon niya sa laptop niya nang may pumasok sa office niya.“Hi, how are you pretty lady?” nakangiting wika ni Hailey. Napangiti naman si Czarina nang makita niya na naman ang kaibigan niya.“Ginagawa mong kapitbahay ang iba’t ibang bansa ah? Kumusta ka?” anas niya saka niya nilapitan si Hailey at nakipagbeso.“Ito busy pa rin sa dami ng ginagawa ko. Hindi ko talaga maintindihan kung bakit hindi man lang ako binigyan ng kapatid ng mga magulang ko. Akala ba nila nakakatuwa ang only child lang? Nakakaboring at nakakapagod. Wala man lang akong kasama para i-manage ang kompanya.” pagrereklamo niya saka sila naupo sa sofa. Bahagya na lang na natatawa si Czarina.“Depende rin siguro ang pagkakaroon ng kapatid. Binigyan
Humugot ng malalim na buntong hininga si Czarina saka niya hinila si Tyrone papunta sa veranda para dun mag-usap.“Pumasok na naman si Isabella sa kwarto ni Natalie.” anas niya.“Did she hurt my daughter?” kunot noong tanong ni Tyrone na ikinailing naman ni Czarina.“Nakuha ni Isabella ang isang fake pregnant belly sa kwarto ni Natalie. I think Natalie is faking her pregnancy para pakasalan siya ni Owen at maging parte ng pamilya niyo.” Lalong nagsalubong ang mga kilay ni Tyrone pero hindi na siya nagugulat sa mga ginagawa ni Natalie. Mabuti na lamang pala at pumayag siya sa offer ni Czarina noon dahil kung hindi baka siya ang nababaliw ngayon dahil kay Natalie.“So, you’re thinking to expose her secret? Don’t do it now. Kung sasabihin mo kay Natalie ang nalaman mo pwede ka niyang baliktarin. Pwede niyang sabihin na binili mo lang ang fake pregnant belly or worst she will plan to kill you para manahimik ka. Let’s gather evidence against her first. Huwag kang kikilos ng mag-isa mo lang
Pag-uwi ni Czarina ay sinalubong siya kaagad ng kambal niya. Masayang niyakap ni Czarina ang mga anak niya.“Nagmeryenda na ba kayo?” nakangiti niyang tanong sa mga ito.“Opo, nagmeryenda na po kami kanina.” Masaya namang sagot ni Isabella. Unti-unti ng nawawala ang takot at trauma ni Isabella, nasasanay na rin ito sa maraming tao dahil sa palagi silang ipinapasyal ni Melanie sa public place.“Let’s go to the pool—” hindi natuloy ni Czarina ang sasabihin niya ng makita niya si Natalie na palabas ng pool area kausap ang dalawang babae at isang bakla. Rinig na rinig niya ang pinag-uusapan ng mga ito at talagang inaasikaso na ni Natalie ang para sa kasal nila ni Owen. Hindi niya na lang inaya ang mga anak niya sa pool.Pumasok na silang tatlo sa kwarto. Magbibihis na sana si Czarina ng may makita siya sa sahig. Pinulot niya ito at tiningnan, napakunot na lang ang noo niya ng makita niya kung para saan ang nakakalat sa kwarto nila.“Riley, Isabella, sino sa inyong dalawa ang naglagay nito
Nagsalubong ang mga kilay ni Czarina. Parang kailan lang ay hindi siya pinaniniwalaan ng kaniyang ama sa lahat ng mga sinasabi niya pero bakit ngayon pasekreto niya itong pinaiimbestigahan?Nagpakawala ng malalim na buntong hininga si Mateo dahil bakas na bakas sa mukha ni Czarina ang pagtataka.“Mas naramdaman kong naging okay ang pakiramdam nang itigil ko ang pag-inom sa mga gamot na ibinibigay sa akin ni Natalia. Give me more time, anak. Alam kong may ginagawa ka na rin para mapatunayan ang lahat ng mga hinala mo. Napakalaki ng kasalanan ko sayo, Czarina. Hinayaan kitang saktan ni Natalia, hinayaan kong makuha ni Natalia ang mga anak mo. Kung mapatunayan man natin na may kinalaman nga si Natalia sa pagkamatay ng Mommy mo, hindi ko alam kung paano kita haharapin at ang Mommy mo. Hiyang hiya ako sayo, Czarina. Naniwala ako na baka hallucinations mo lang lahat ng mga sinasabi mo noon. Nahihiya ako dahil mas pinaniwalaan ko pa si Natalia kesa sayo na sarili kong anak. I’m really sorry,