Niyakap ako pabalik ni Alaric. He kissed my head as he gently patted my back.“They want us apart,” bulong niya. He sounds tired and weak. Alam niya na pwede itong mangyari kaya hindi na siya nagugulat ngayon.Bahagya akong tumango. “Yes, nag he-hysterical si mama kapag nababanggit ang pamilya mo. Hindi ko siya masisi kasi two years akong wala,” naluluha kong sinabi. Kumalas ako sa yakap niya ilang segundo ang lumipas. Agad kong tinignan ang mukha niya. Bumagsak ang balikat ko ng makita kong maga ang labi niya. Wala ng dugo pero halata ang pasa doon.“Umuwi kana muna. Gamutin mo yang sugat mo,” nag-aalala kong sinabi.Pagkarinig niya na pinapauwi ko siya ay agad kong nakitaan ang takot sa mata niya. “I'm fine.” Base sa sagot niya para bang ayaw pa niyang umuwi. Wala rin naman na siyang magagawa dahil hindi ako makakasama sa kanya. Hindi ko maiiwan muna si mama. Hindi muna ako susuway ngayon na galit na galit pa ang pamilya ko. “Pero kailangan mong umuwi. Gabi na. Hindi ka pwede dit
Hindi ako nanlaban sa mga binibitawang salita ni Tito at ni Tita. I stayed quiet and calmed myself. Kahit masasakit ang tama non sa akin ay tiniis ko. Sinasabi ko sa sarili ko na galit lang sila. Na huhupa din ang galit nila. Pigil na pigil ang luha ko habang kaharap ko pa sina Tita. Ayaw kong makita nila akong nasasaktan kahit totoong nakakasakit na ang mga salita nila. Dahil sa sobrang disappointed nila sa akin, nagpasya silang umuwi nalang at babalik nalang daw bukas. Pinigilan sila ni Scarlet pero hindi na nagpapigil si Tito. Nang umuwi sila ay tahimik akong pumasok. Nilampasan ko si Scarlet na tahimik din. Agad akong pumanhik sa taas dahil gabi na din at pagod na pagod ako sa mga nangyayari. Mabuti nalang talaga at tulog na si mama kaya hindi niya alam ang ginawa ko. Kung gising kaya siya, magagawa ko kayang ibigay si Baby Levi kay Alaric? Hindi siguro. Mag he-hysterical na naman siya. Mawawalan na naman siya ng lakas! That's how I'm conflicted right now. Ni hindi ko basta b
Umawang ang labi ko pagkarinig ko kay Mama. She knew Magnus and I broke up like long time ago. Hindi ko alam kung bakit masama ang kutob ko sa ngiti niya ngayon. Bumaling ako kay Tita Isabella. Alam kong gusto niya si Jessica para kay Magnus. She told me that herself. Kaya lang ay umiwas lang ng tingin si Tita. Parang okay lang sa kanya na magkita nga kami ni Magnus. Hindi ba na success ang plano nila? Not that I judge them. The last time I remember, nag success si Jessica na pwede siyang bumalik balik sa mansion nina Magnus without me!If Tita really want Magnus to her daughter, dapat ay umangal siya!Or maybe she doesn't want to react kasi baka magtaka si mama? Not that mama would get mad. Ang alam ni mama, magkababata kami ni Magnus at naging mag boyfriend kalaunan. She didn't know about Tita’s plan. Kaya akala niya pwede niya akong ereto ulit kay Magnus.“Mama, Magnus and I are just friends. Huwag niyo na siyang gambalain,” kalmado kong sinabi kahit ang totoo ay naiinis na ako.
Masama ang tingin ko kay mama. Ganon din naman siya sa akin. Magnus on the other hand couldn't look at any of us. Siguro ay na a-awkward siya sa nangyayari. “Sige na. Huwag mong pinapaghintay si Magnus!” utos ni mama. Bakasa sa boses niya na kung susuway ako ay may hindi magandang mangyayari. Napapikit ako ng mariin. Biglang sumakit ang ulo ko pero hindi ko na pinagtuunan ng pansin. Wala na akong nagawa ng pagbuksan ako ni Magnus. Kahit ayaw ko, pumasok na ako sa passenger seat. Gustong gusto kong lumingon sa banda ni Alaric pero natatakot ako. I don't want to see him dismayed by me. Kahit alam ko naman na the moment I ride inside Magnus' car, madi-disappointed talaga siya. Tahimik kong isinabit ang seatbelt ko. Nang pumasok sa driver seat si Magnus, hindi ko na siya binalingan. Nakakahiya na nasasangkot pa siya sa gulong to. Tahimik kaming pareho ng umandar ang kotse. Ako dahil nasasaktan ako para sa sarili at kay Alaric. Si Magnus ay baka dahil awkward sa kanya ito. “I'm sorry
Nang makita ni Jessica na nakaalalay sa akin si Magnus, agad siyang tumalikod at nauna maglakad sa amin. Muntik pa siyang matapilok dahil sa pagmamadali niyang maglakad sa hagdanan. Ako na ang bumitaw sa kamay ni Magnus ng nasa entrance na kami. Nang papasok kami, hindi na kami hinintay ni Jessica. Kami lang ang magkatapat na naglalakad ni Magnus at nauuna si Jessica sa amin.Tahimik lang ako. Kita kong panay ang lingon ni Jessica sa amin. Kapag nakikita niyang naglalakad kami ay maglalakad ulit siya. “Saan ba tayo?” kalaunan ay tanong niya. Pang limang lingon na niya kaya siguro hindi niya napigilan na magtanong. “Sa second floor, restaurant,” maikling sagot ni Magnus. I realised he is a bit cold towards Jessica.Nagpakawala ng malalim na hininga si Jessica bago tumalikod at nauna maglakad sa elevator. I could feel her irritation. Hindi ko lang alam kung para sa akin o para kay Magnus.“I'm sorry,” biglang bulong ni Magnus. Hindi ko inaasahan na sasabihin niya yon kaya napakurapk
Pagbalik ko ng bahay, wala na ang kotse ni Alaric sa bahay. Wala na din ang anak ko. Ang bigat bigat ng pakiramdam ko ng wala akong makita sa mag-ama ko.“Kinuha na ni Alaric si baby Levi. Hindi kana niya hinintay,” salubong sa akin ni mama ng dumating ako ng bahay. Hindi na tumuloy si Magnus sa bahay. May pupuntahan daw siya kaya hindi ko na din siya inimbita sa loob. I was just grateful he comforted me in the imperial hotel. Hindi ko talaga napigilan at na-trigger ang sama ng loob ko. Ni hindi ko na inisip ang maraming taong nakakakita sa amin. I was just so heartbroken I needed to release it. Gusto kong magtanong kung babalik ba siya bukas para ibigay ulit ang anak ko pero hindi ko ginawa. I know now that mama doesn't care if my son is with me or not. Mas gusto niya na wala ako kay Alaric. Yon lang ang importante sa kanya. Nasa tapat na ako ng hagdanan ng magtanong ulit si mama.“Hindi mo pinapasok si Magnus?” tanong niya. Medyo natunugan kong disappointed siya dahil don. I sig
Parang umikot ang mundo ko dahil sa sinabi ni Serenity. Napahawak ako sa kama ko dahil sa hilo. Napapikit ako ng mariin. Akala ko matagal yong mawawala pero ilang minuto lang ay nawala din ang hilo ko. Matalim akong tumingin kay Serenity. “Ano ulit yon? Engage ako?” pinaghalong sarkastik at gulat kong tanong. “Listen to me. Ginawa lang yon ni mama para layuan ka ni Alaric. Hindi mo pa nakikita sa ngayon pero hindi siya bagay sayo. Kahit anong gawin natin, hindi papayag ang pamilya niya na maging kayo,” pangkalma ni Serenity sa akin.Nagpawala ako ng sarkastikong tawa. “Wala akong pakialam sa pamilya niya!” sigaw ko.Ramdam ko ang pag-iinit ng ulo ko. Nanlaki ang mata ni Serenity ng makita niyang tumayo ako. Agad siyang naalerto.“Wala kang pakialam… sige! Pero kami ang maapektuhan kung magkatuluyan kayo. Can't you see, ate? Kapag nalaman ng mama ni Alaric na kayo, ibabaling niya ang galit niya sa amin kasi I'm sure na po-protektahan ka ni Alaric,” problemadong paliwanag niya. “Dahi
Wala akong nagawa ng pinagtulungan nila ako. Nauwi lang ako sa pag-iyak. Hindi ako lumabas ng kwarto kahit tinatawag nila ako para kumain. Hindi ko lubos maintindihan kung bakit hindi nalang nila ako hayaan sa gusto ko. O kung bakit kailangan nilang magsinungaling para lang ipakita kay Alaric na hindi ko siya pinili. Nage-gets ko naman na ayaw nila. Na hindi pwede dahil magkaaway ang pamilya namin. Pero hindi ba nila naiisip na huli na ang lahat? Mahal na namin ang isa’t isa! May anak na din kami. Pwede naman na ganituhin nila ako kung nakikita nilang walang kwenta si Alaric at pabaya. Pero hindi eh. He's so responsible and mature. Bakit hindi nila yon maisip. Pangatlong araw kong hindi lumalabas ng kwarto. Tuwing umaga, umaasa pa rin ako na baka dumating si Alaric sa tapat ng bahay namin dala si baby Levi pero hindi yon nangyari. Kaya mas lalong sumasama ang pakiramdam ko kapag nag eexpect ako pero hindi nangyayari. Hindi ako lumalabas pero lumalapit ako sa bintana para silipin an
Mabilis siyang umikot sa driver seat ng maisara niya ang pintuan sa gilid ko. He didn't wait any more minutes. The moment the car roar to life, agad niyang pinatakbo ang kotse. “Slow down,” reklamo ko nang lumiko siya at sumunod ang katawan. Napahawak ako sa gilid ko at dali-dali kong isinabit ang seatbelt. Hindi niya ako pinansin. He didn't slow down. Wala siyang pakialam sa mga busina ng mga kotse na nilalampasan niya. “We're not in an emergency situation. Kumalma ka nga!” sigaw ko ng may inunahan ulit siyang kotse. Tangina! Tigang na ba ito?He just clicked his tongue and increased the speed even more. Kaya hindi na ako nagtaka ng bigla siyang sumilay sa isang building. The building where his condo is!Thank you mama for not saving me! Hindi pa maayos ang pagkaka-park niya ng lumabas siya. And since I'm prolonging the time, hindi ako lumabas. Hinintay ko siya na pagbuksan ako. Nang buksan niya ang gilid ko, kita kong annoyed na annoyed na siya sa akin. Hinawakan niya ang bras
Nawala ako sa sarili nang makita ko si Ryker. Hindi ko na maintindihan kung ano ang sinasabi ni Steven. Bumibilis ang puso ko dahil sa kaba. “Uhm… Steven, excuse me lang ha. Hanapin ko lang si Mama. May sasabihin lang ako.” Hindi ko na hinintay ang sagot niya. Mabilis akong humalo sa mga tao para rin mawala ko ang paningin ni Ryker kung tinitignan man niya ako. Sa dami ng tao, nahirapan akong hanapin si Mama. Palinga-linga ako. Hinahanap si Mama at iniiwasan si Ryker. Kung bakit pa siya imbitado rito ay hindi ko na alam! But then, in the middle of me finding my mother, biglang may nagsalita sa unahan kaya agad akong napabaling doon. The master of ceremony announced that the party will start. There is an assigned seat. Mabuti nalang. Hindi na ako mahihirapang hanapin si Mama. Mabilis kong nahanap ang table namin. Naroon na sila ng dumating ako. Ang parents ko at ang parents ni kuya Alaric. Naroon na rin si Ate, kuya Alaric at si Scarlet. Mabilis akong umupo sa tabi ni Scarlet. Pa
Matapos naming kumain ng tanghalian ay agad ding umalis sina Ate. Marami pa raw silang aasikasuhin sa mansion ng mga Ferrer kaya hindi sila nagtagal. Si mama ay pinapaakyat sa mga kasambahay ang mga damit na isusuot namin. Hindi ko alam kung bakit sa gabi pa naman ang party pero pinapunta na ako ni mama. Kaya nagpasya akong maligo sa swimming pool namin sa likod. Naka two-piece ako nang mag-dive ako sa pool. Matapos akong nagpabalik-balik ay humiga ako sa sun lounge para mag-relax. Akala ko, wala ng disturbo pero may dumating! “May panahon ka pa mag-swimming kahit alam mong busy tayo?” ani Scarlet.“Hindi tayo. Hindi naman ako busy kaya huwag mo akong isali.” “Hindi ka kasali kasi hindi ka tumutulong,” she countered. Palagi nalang may argument!“Sis, promise me one thing. Don't pursue law…okay? Have some mercy on me,” sarcastic kong sinabi. Tumawa siya. “Dahil sa sinabi mo, excited na tuloy akong mag-law!” Umirap ako. Tinikom ko ang bibig ko. Baka itikum niya rin ang sa kanya.
Tulog na tulog ako ng bigla akong naalimpungatan sa ingay galing sa cellphone ko. It's weekend at wala akong trabaho. Kung sino man tong tumatawag ay isang malaking disturbo! Kinapa ko ang cellphone ko sa gilid ng kama ko. Hindi ko na binasa kung sino. Basta nilagay ko lang sa tainga ko ang cellphone at nasagot na ang tawag. “Yes?” garagal kong tanong. I heard mama sigh on the other line. “Gumising ka na. Anong oras na ba?” pa-sermom niyang tanong. I groaned. “Mama, weekend ngayon. Mahirap maging adult. Kailangan kumayod. Give me this weekend to be lazy,” sabi ko habang nakapikit pa rin. “Umayos ka, Serenity. Ngayong gabi ang party sa mga Ferrer. Bumangon kana dyan at saka umuwi!” Pikon na sinabi ni mama. Minukat ko ang mata ko at nag-isip. Damn! Ngayon pala yon? Plano ko pa namang matulog ng buong araw! Matapos ng maraming sermon galing kay mama, bumangon ako at naligo na. Gabi pa ang party pero kailangan kong umuwi dahil doon daw kami bibihisan. Iba talaga kapag mayamang part
Hindi pa tapos ang meeting, tayong tayo na ako. Gusto ko ng bumalik sa opisina at magkape! Kung bakit kasi nandito pa ako ay hindi ko na maintindihan!Kaya matapos ang meeting, ako ang naunang tumayo. Pinulot ko ang cellphone ko at ready to go na when Ryker said something that prevents me from flying to my office! “Ms. Serenity Salazar, I would like you to come with me to my office,” pormal na sinabi niya. Lahat sila ay napatingin sa akin pero ni isa ay walang nagsalita. Kung wala lang nakatingin sa akin ay sasamaan ko ng tingin ang CEO na ito! Pero dahil may nakatingin ay ngumiti lang ako at tumango. “Okay, Sir,” kunwari ay mabait kong sinabi.Nang palabas na siya ay sumunod ako. Deretso kami sa elevator papunta sa floor niya. Mabibigat ang mga paa kong sumakay kasama siya. At nang magsara ang pintuan, agad akong bumaling sa kanya.“Ano na naman to?” inis kong tanong. Bumaba ang mata ko sa pants niya. Tinignan ko…baka may hard-on kaya niya ako pinapasama. Hinawakan niya ang baba
Nang mag-monday ay parang tamad na tamad akong pumasok sa trabaho. Naiisip ko na pwede kong makita si Ryker ay nawawalan ako ng gana. Matapos kong magising ulit nong tumakas ako sa condo niya, lahat ng nangyari sa amin ay biglang bumalik sa akin. Sigaw ako ng sigaw kapag naaalala ko kung paano ako umupo sa kandungan niya habang naliligo kami sa bathtub niya! Hindi ako makapaniwala na nagdikit ang ano namin and that I actually like the feeling! Kaya hindi ko matanggap! Hindi ko dapat gusto yon! Nakaksuklam yon! Kaya ngayon na balik trabaho, hindi ako mapakali. Kanina pa ako dapat natapos sa pag-aayos pero dahil palagi akong natutulala ay nakakalimutan kong nag-aayos pala ako. Kaya inabot ako ng maraming oras bago ako natapos. Mabuti nalang at medyo humupa ang kahihiyan ko. Kahapon ay wala akong matinong nagawa dahil bumabalik ang alaala ko sa bathtub! Mabagal akong naglalakad papasok sa opisina ng dumating ako. Kaya siguro ganon nalang ako tignan ni Eloisa pagpasok ko sa loob. Kita
Matapos naming maligo, agad akong nagtapis ng twalya. Hindi ko alam kung bakit iritadong iritado ako. Maybe because my body was deprived of something. Pero at the same time too, I was okay with it because I'm not ready to do that stuff. Nakahalukipkip ako habang pinagmamasadan siyang nagdadamit at nagsusuot ng short. Nang matapos siya ay saka niya lang ako binalingan. “I'm sober now! I'm going home!” Ginulo niya ang buhok niya at saka ako mariin na tinitigan. “Hindi ka uuwi. Dito ka matutulog.”Mas hinigpitan ko ang paghalukipkip ko. “You jerk! Kita mo ba? I don't have clothes here! Anong isusuot ko?” He smirked evilly. Pinasadahan niya ng tingin ang buong katawan ko.“I'm fine with you naked! Para sanay kana kapag ginawa na natin. You should thank me I'm letting you get used to it.” Agad nagpantig ang tenga ko. “But if you're not comfortable naked, you can use my clothes. Next time…magdala ka ng damit mo para may damit ka rito.” “We are not married, you stupid! At anong next
Umaalon ang paningin ko habang tinatanggal ang pagkakahawak sa akin ni Ryker. “Let me go! You jerk!” sigaw ko. Hindi ko matanggal ang kamay ko sa pagkakahawak niya. Masyado niyang hinihigpitan ang kapit sa akin.“You are drunk, Serenity. You can't drive!” sigaw niya din sa akin. Nanlilisik ang mata. “Oh please!!! I can manage! I'm not that drunk!” sigaw ko pero muntik na akong mabundol dahil sa konting hilo. Mabuti at hawak niya ako. Nang dumating kami sa parking lot, dumeritso siya sa kotse niya. Binuksan niya ang passenger seat at saka minuwestra niya sa akin na pumasok sa loob. I glared at him. “Nasa banda roon ang kotse ko.” Itinuro ko ang banda kong nasaan ako naka-park. And it was a wrong move. Naputol siguro ang pagtitimpi niya. Hinawakan niya ako sa balikat at saka pwersahang pinapasok sa loob ng kotse niya. “Awtch! Can you be gentle? Kita mong lasing ako!” inis kong sinabi. He groaned. “Stop being stubborn. I told you that you can't drive because you're fucking drunk!”
Serenity POVHindi naman sa gusto ko ang plano ni Ryker pero para makasigurado ay nagpasya akong pumunta sa hospital para magpa-Depo. Para kung hindi ako makatakas sa kamanyakan niya ay hindi ako mabubuntis. It's weekend at may plano kaming lumabas ng mga kaibigan ko mamayang gabi. Kaya aasikasuhin ko ngayong umaga ay ang pagpapaturok. Matapos kong mag-breakfast ay dumiretso na ako sa pupuntahan ko. Hindi naman ako nagtagal doon. Tinanong lang ako ng OB-GYN tungkol sa menstrual cycle ko at saka ako tinurukan matapos. Dahil gabi pa naman kami lalabas ay tumulak na ako sa isa pang appointment ko. May eme-meet akong babae. Nahirapan pa akong mangalap ng imporamsyon tungkol sa kanya pero dahil desperada ako ay nahanap ko. It was said that she was an ex of Ryker. Nahanap ko ang account niya at agad kong kinausap para magmeet kami. Nginitian ko siya nang makita kong nakaupo na siya sa table. Diko kami sa cafe shop nagmeet para malapit na rin sa hospital na pinuntahan ko. “Anong gusto m